... Sept18,2015 UC-15-0854 MODYUL Ang modyul ay isang kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto nabuo at ganap sa kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak natakdang gawain sa isang kaparaanang sistematiko.Ito ay naglalayong ang estudyante ay mag-aaral sa kanyangsarili nang walang aklat at walang pamamatnubay ng guro. Ito aymaaaring gawin sa tahanan o saanman sa labas ng paaralan.May mga modyul na hindi maipasok ang lahat ng mga gawaingkinakailangn, kaya may mga panutong ibinibigay tulad ngpagsasadya sa aklatan at pagpunta sa ibang lugar o pakikipanayam sa mga tao…kapag may ganitong panuto, tiyakin lamang na ang mga ito ay matatagpuan sa sariling pamayanan ng mag-aaral upangmaiwasan ang anumang suliranin.Mga Bahagi ng ModyulAng mga modyul ay magkakaiba-iba ang uri, anyo at bahagi.Ang ikinaiba ng isang modyul sa iba pang modyul ay nababatay sapaghahanda nito sa paraan, sa asignatura, sa pagkakaiba-iba nggagamit at sa lugar na paggagamitan. Ang ayos at mga bahagi ng modyul na karaniwang ginagawadito sa atin ay may ganitong pagkakasunud-sunod. 1. Pamagat (Title)Ano ang pamagat ng modyul? 2. Mga Mag-aaral na Gagamit (Target Learner)Ang mga mag-aaral ba ay nasa loob ng silid-aralan? Mgakabataan sa pamayanan? O mga kabataang hindi nag-aaral? (out-of-school youth) 3. Lagom - Pananaw (overview)Tungkol saan ang modyul?Ibigay ang kahalagaan nito 4. Layunin (Objectives)Anong mga tiyak na kaalaman, kakayahan o kasanayan anginaasahang makamit sa pag-aaral ng modyul? 5. Panuto o Instruction sa Mag-aaral...
Words: 307 - Pages: 2
...This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID. GRADE VI MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSANG PILIPINAS ALAMIN MO Subukan mong tukuyin ang mga likas na yaman ng bansa sa larawan Anu-ano ang mga nakita mo sa larawan? Saan-saan mo nakikita ang mga larawang ito? Bakit may mga puno? Saan nagmula ang mga isda? Saan nagmula ang ating mga kinakain? Ang tawag sa mga ito ay ang mga likas na yaman ng bansa. Kasama ang mga likas na yaman sa teritoryo ng Pilipinas. Ito ang mga yamang likas sa kapaligiran na pinagkukunan ng ikabubuhay ng ating mga mamamayan. Sa modyul na ito matutukoy natin ang mga likas na yaman na matatagpuan sa iba’t-ibang pook ng bansa. Handa ka na ba? 1 PAGBALIK-ARALAN MO Natatandaan...
Words: 1836 - Pages: 8
...COLLEGE OF THE HOLY SPIRIT OF TARLAC San Sebastian Village, Tarlac City S.Y. 2015-2016 MODYUL SA PAGKATUTO Ipinasa Nina: Ariandna Nerrise Amoranto Beatrice Lian Bituin Renz Granadozo Ryan Roldan Jan Roxas 10-Faith Ipinasa Kay: G.Don Bien B. Peralta Guro,Araling Panlipunan 10 February 26,2016 I.Layunin ANO ANG MGA LAYUNIN NG ISYUNG ITO? A.) Naipapaliwanag ang mga salik o dahilan ng kahirapan sa bansang Pilipinas. B.) Napapahalagahan ang mga aksyon hindi lamang ng pamahalaan kundi pati narin ang mga Pilipino upang mabawasan ang kahirapan sa bansa. C. Nakakapagbigay ng alternatibo sa dapat na maging tunguhin ng Pilipinas ukol sa pagkitil ng kahirapan. II. Paunang Salita TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO? Ikaw ay nasa ika- 1 ng modyul pa lamang. Sa puntong ito, hindi pa gaano kalawak ang iyong kaalaman kung ano ang isyu na isinasaliksik sa modyul na ito, Ang kaalaman na ito ay maaari mong magamit upang mas maunawaan ang mga dahilan, salik at pinagmumulan ng kairapan ng isang bansa. Maraming problema ang kinakaharap ng bawat bansa ito ay mabibigat at madalas itong isinisisi sa gobyerno ng bansa at ang maling pamamalakad ng isang bansa, ito nga ba ang dahilan ng mga pagkakalulong ng tao na dulot ng kahirapan? Ang modyul na ito naglalaman ng makabuluhang isyu na kinakaharap ng buong mundo sa kasalukuyan. Ito ay naglalayon na maipahayag sa lahat ng tao lalo na sa mga kabataan ang mga nagiging sanhi at bunga ng mga isyu na ito sa...
Words: 3068 - Pages: 13
...GRADE IV MGA GUHIT LATITUD MGA GUHIT LATITUD ALAMIN MO Pansinin mo ang larawan Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga bata? Bakit may guhit ang globo? Kailangan ba ang mga guhit na ito? Oo nga, may mga pahalang at patayong guhit na nagpapanagpo Ano kaya ang gamit ng mga guhit na ito? 1 Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan ang tungkol sa sumusunod. * mga polo * ekwador * mga guhit latitud o parallels * digri * paghanap ng lugar pahilaga o patimog ng ekwador PAGBALIK-ARALAN MO Bago mo simulan ang bagong aralin, sagutin muna ang mga sumusunod na pagsasanay. A. Punan ng angkop na sagot ang bawat patlang. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. Ang malaking bahagi ng mundo ay _____. Ang pinakamalaking anyong tubig ay ang _____. Ang pinakamalaking anyong lupa ay ang _____. Ang modelo ng mundo ay tinatawag na _____. Ang pinakamalaking kontinente ng mundo ay ang _____. Ang pinakamaliit na kontinente at binubuo ng isang bansa ay ang _____. Ang magkarugtong na kontinente ng Europa at Asia ay tinatawag na _____. B. Itala sa ibaba ang mga kontinente ng mundo. 1. 2. 3. 4. ________ ________ ________ ________ 5. ________ 6. ________ 7. ________ C. Itala ang mga pangunahing karagatan sa mundo. 1. ________ 2. ________ 3. ________ 4. ________ 2 PAG-ARALAN MO Ito ang globo, ang globo ay isang panalot na kopya o modelo ng mundo. Makikita natin sa globo ang laki at lawak ng mga iba’t ibang lugar sa mundo. Gayundin ang mga bahaging lupa at tubig. Ano pa ang nakikita mo sa globo? May mga guhit,...
Words: 1669 - Pages: 7
...TANONG: ng Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pagunlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano? Mga Araling Sakop ng Modyul Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang Pamumuhay sa Asya 96 Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag ng Kabihasnan sa Asya 4. Mga Kaisipang Pinagbatayan...
Words: 20598 - Pages: 83
...Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa Baitang 8 MODYUL 13: Ang Seksuwalidad ng Tao Pagpapakitang-turo ni: JAMIE LEE F. TUAZON IV-8 BSE Values Education Ipinasa kay: Ms. Eren M. Simbulan I. Yunit IV Mga Isyu sa Pakikipagkapwa Paksa Modyul 13: Ang Seksuwalidad ng Tao Sanggunian Bognot, R.M.,et.al. 2013 Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikawalong Baitang. Pasig City: Vibal Publishing, Inc. Kagamitan Laptop, LCD projector, chalk, activity paraphernalia Batayang Konsepto Ang pag-unawa sa mga paglabag sa pakikipagkapwa ay nakatutulong sa paggamit ng kalayaan tungo sa paggalang ng dignidad ng sarili at kapwa. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa sekswalidad ng Tao. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal. II. Mga Layunin A. Mga Kasanayang Pampagkatuto KP1. Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa seksuwalidad KP2. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa seksuwalidad. KP3. Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa seksuwalidad ay mahalaga para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal. KP4. Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa...
Words: 1739 - Pages: 7
...However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines. This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID. GRADE IV ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA ALAMIN MO Suriin ang larawan sa itaas. Sinu-sino ang mga unang dayuhang ito na nakipag-ugnayan sa ating bansa? Nakilala mo na ba sila? Sa pag-aaral mo ng modyul na ito. Matututuhan mo ang tungkol sa mga sumusunod: • • • Ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa bansa Ang mga bansa sa Asya na unang nakipag-ugnayan sa Pilipino Ang mga dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa mga dayuhan 1 PAG-ARALAN MO Sa tulong ng mapa ng mundo sa ibaba, hanapin mo ang mga bansang pinagmulan ng iba’t ibang pangkat ng dayuhang dumating sa bansa. Batay sa ginawa...
Words: 2050 - Pages: 9
...GRADE VI BAKIT LUMALAKI ANG POPULASYON? ALAMIN MO Ito ang pamayanan ng Sta. Monica. Suriin ang larawan. Sa iyong kwaderno, isulat ang mga kapuna-punang pagbabago ngayon sa pamayanan ng Sta. Monica mula noon. 1. Ilarawan ang Sta. Monica noon. 2. Ilarawan ang Sta. Monica ngayon. 1 Gawin ang paglalarawan o paghahambing sa tulong ng isang tsart. Pamayanan ng Sta. Monica NOON 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. NGAYON Ano sa palagay mo ang mga dahilan ng pagbabagong naganap sa pamayanan ng Sta. Monica? Paano nakakaapekto ang paglaki ng populasyon ng Sta. Monica sa pagbabagong panlipunan? Ano kaya ang mga posibleng dahilan kung bakit lumalaki ang populasyon? Sa pag-aaral ng modyul na ito, magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa Dahilan ng paglaki ng populasyon Pagbibigay kahulugan sa grap 2 PAG-ARALAN MO Suriin mo ang tsart sa ibaba. Ipinakikita nito ang populasyon ng Rehiyon ng Gitnang Luzon mula 1980-2000. Tsart ng Populasyon Gitnang Luzon 1980 – 2000 Mga Lalawigan 1980 1990 1995 2000 557,659 2,234,088 1,659,833 1,618,759 1,068,783 433,542 263,971 194,260 8,030,945 1. Bataan 323,294 425,803 491,459 2. Bulacan 1,096,046 1,505,219 1,784,441 3. Nueva Ecija 1,069,409 1,312,680 1,505,827 4. Pampanga 992,756 1,295,929 1,401,756 5. Tarlac 688,457 859,708 945,810 6. Zambales 287,607 369,665 389,512 7. Angeles City 188,834 236,686 234,011 8. Olongapo City 156,430 193,327 179,754 Kabuuan 4,802,793 6,199,017 6,932,570 (Pinagkunan:...
Words: 1647 - Pages: 7
...PY 10 Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing...
Words: 47092 - Pages: 189
...pagtalakay at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan ng mga karatig-bansa sa Asya. Sa Modyul1, matutunghayan natin ang mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Inaasahan nating ang mga aralin sa module na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas. Inaasahang pagkatapos ng Unang Markahan, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Nilalayon ng Modyul 1 na nakagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing panghihiyakat sa pamamagitan ng book fair at ilang pamamaraan na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral sa mga susunod na mga modyul Sa pagtalakay ng mga aralin, gagabayan ang mga mag-aaral na masagot ang mga pokus na tanong na: “Paano nakatutulong ang pag-aaral ng iba’t ibang akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang Asyano”. At “paano nakatutulong ang gramatika at retorika para sa malalim na pagsusuri ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang...
Words: 8963 - Pages: 36
...Pagsulat ng Isang Salaysay Tungkol saan ang modyul na ito? Bawa’t tao ay may kanya-kanyang kwento ng buhay. Kwentong kaysarap balik-balikan at di-mawaglit sa isipan. Ikaw, anong pangyayari sa iyong buhay ang di-mo malilimutan? Bakit? Kaya mo ba itong isalaysay nang tuluy-tuloy? Madalas tayong magbahagi ng mga pangyayaring ating napanood o di kaya’y nabasa. Subalit higit na kasiya-siya kung ito’y naging bahagi ng ating karanasang nakakatuwa… nakakatakot… nakahihiya… Ito ang paksa ng araling pag-aaralan mo ngayon; ang pagsulat ng isang pagsasalaysay. Tungkol din ito sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon, pagbuo ng magkakaugnay na kaisipan at impormasyon, pagpapahayag ng sariling opinyon, damdamin o saloobin sa isang halimbawang salaysay at pagbuo ng isang maayos na talatang nagsasalaysay. Tiyak na magiging kawili-wili ang bawat gawaing iyong pag-aaralan sapagkat kuwento ito ng bahagi ng buhay na maaaring mangyari rin sa iyo o kaya’y nangyari na. Handa ka na ba para sa pagsisimula ng iyong aralin? Ano ang matutunan mo? Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: A. Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon. 1. wastong baybay 2. wastong bantas 3. kawastuang gramatikal B. Naipahahayag ang pansariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa isang halimbawang modelo C. Nasusuri ang sangkap at katangian ng mabuting pagsasalaysay 1. format 2. nilalaman D. Maipamamalas ang kahusayan...
Words: 9571 - Pages: 39
...LATHALAIN: “DR. JURGENNE HONCULADA- PRIMAVERA: BAYANI NG KALIKASAN” Ni Dr. Arthur P. Casanova Madalas na ikinakapit ang taguri o titulong BAYANI sa mga taong nagpamalas ng kagitingan para sa pagtatamo ng kalayaan o dili kaya’y pagtatanggol sa ating bayan kayat may mga Bayani ng Bansa at mga Bayani ng Digmaan. Ikinakabit din ang titulong ito sa mga Bayani ng Simbahan na tumutukoy sa mga santo at santo. Bayani ring itinuturing ang mga taong nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga gawaing pakikinabangan ng marami. Ito rin ang tawag sa mga pangunahing tauhan ng mga epiko at ng mga katha – BAYANI na nagbibigay konotasyon ng pagiging BIDA. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang bida sa mga kuwento sa komiks, drama sa radyo, mga pangunahing karakter sa pelikula, dulang pantanghalan at teleseryeng nobela sa telebisyon. Iba-ibang KABIDAHAN o KABAYANIHAN din ang ating naririnig at nababasa ngayon: CNN Hero, ONDOY Storm Hero, at kung anu-ano pa. Sadyang ang kabayanihan ay hindi esklusibo para sa mga nagbuwis ng buhay sa digmaan dahil maraming anyo ng kabayanihan ang ating nasasaksihan sa ating panahon. Bayaning maituturing ang batang babaeng nagligtas sa kanyang kapatid buhat sa nasusunog na bahay. Maging ang pagbabalik ng pera at mga dokumentong naiiwan sa mga taksi o sa mga paliparan ay isa ring anyo ng kabayanihan. Maraming suliranin ang kinakabalikat ng ating lipunan at ng buong mundo sa kasalukuyan. Naririyan ang Eight Millennium Goals na binibigyang-diin ng United...
Words: 2565 - Pages: 11
...Introduksyon : Hindi ba’t isa sa pinaka masayang parte n gating buhay ay iyong mga panahon ng pagkabata ung tipong, pag naalala mo ang mga bagay na pinag gagagawa mo di mo na namamalayan na napapangiti kana pala . minsan pa nga naiisip mo kung gaano ka kauto-uto nung bata ka . Huwag mong sa bihin na nung bata ka hindi mo naranasan na kumanta sa harap ng electric fan ?, dati pa nga tuwa-tuwa kapa sa alikabok ng mga sasakyan kase dahil sa mga alikabok na iyon nagagawa mong magsulat. Naaalala mo paba ung mga panahon na tinatakasan mo ang nanay mo kapag oras na ng pag tulog sa tanghali?tapos kapag naman nag papaalam kna na maglalaro sa labas dadali nanaman ng pananakot ang nanay mo may sasabihin pa yan na “Sige lumabas ka para makuha ka ng manunupot,tapos papatayin ka,tapos ilalagay yung dugo mo sa tulay” o kung minsan naman ipapanakot pa ang mga bumbay . Totoong masarap maging bata. Kasi kapag bata ka wala kang iintindihin na mabigat na problema gaya ng bayad sa kuryente,tubig telepono at iba pa. Tapos hindi pa sasakit ang ilo mo kakagawa ng projects, assignments, thesis at iba pang nakakaluka na Gawain sa paaralan. Kapag kasi bata ka simple lang ang buhay mo,dahil simple lang din naman ang tingin at pananaw mo sa mga bagay bagay sa paligid. Malaya kang maglaro, Malaya kang magkamali, Malaya kang magsaya dahil Malaya ka sa resposibilidad Masarap talagang maging bata.Di natin maitatanggi na marsmi sa atin ay gusto nalang manatili sa pagigig musmos. Ngunit hindi...
Words: 2676 - Pages: 11
...EKONOMIKS Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral DEPED COPY Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na...
Words: 19642 - Pages: 79
...Modyul # 1 Teksto: MGA TALA TUNGKOL SA BUHAY-FILIPINO Ma. Stella Valdez Naging ugali ko na ang mag-obserba ng mga tao – maaaring dahil sa aking meyjor (antropolohiya at sikolohiya), o dahil marami talagang oportunidad para mapansin ang interesting at kakaiba nating personalidad bilang isang lahi, bilang isang bayan. Naging espesyal kong interes ang pagsusuri kung bakit magkakaiba ang paraan ng pagtanaw o pagtanggap ng mga grupo ng tao sa iisang penomena, gayong pareho ang bayolojikal meyk-ap ng ating mga pandama. Marahil, dito nga pumapasok ang impluwensya ng tinatawag nating kultura, na sa isang simpleng paliwanag ay ang paraang napili ng isang grupo ng tao para mag-organisa at maunawaan ang bawat bagay o penomena na nakapaloob sa kanilang realidad. Kumbaga, nagkakaiba ang mga tao dahil sa kulturang kinabibilangan nila, at nagkakaroon ng afiniti ang mga taong pareho ang kultura, dahil inaafirm ng pagkakatulad na ito ang kanilang identidad bilang myembro ng iisang grupo. Dahil nga sosyal ang kalikasan ng tao, mas magaan para sa kanya ang makibaka sa kanyang realidad nang may kasama, kaysa nag-iisa. Nagiging kumplikado, pero mas interesting, ang senaryo kung tatanggapin natin na sa lob mismo ng isang lipunang may iisang kultura ay makikita rin natin ang mga ramipikasyon ng kulturang ito, ayon sa halimbawa sa edad, panlipunang estado, relihiyon, o gender ng mga tao. At dahil madalas at intensiv ang interaksyon nating mga Filipino sa ibang taong myembro...
Words: 4653 - Pages: 19