Free Essay

Noli Me Tangere (Very Helpful)

In:

Submitted By deseawee
Words 1924
Pages 8
Noli Me Tangere
Kabanata 9 – 16

Ipinasa nina:
Gabriel Samonte
Jerico Fandino
Monique Tabilon
Almira Marzan
Diego Herradura

Ipinasa Kay:
Gng. Sandra Sarania

Petsa:
Marso 22, 2016

Kabanata 9
I. Mga Talasalitaan 1. Natambad : Nalantad
2. Nagbabata : Nagtitis
3. Pag-aalitan : pagaaway
4. Pagmamalabis : Pangabuso
5. Maluwalhating : Mapayapa
II. Buod ng Kabanata 9
Nang Makita ni Ibarra si Padre Damaso sa Maynila ay papunta pala it okay Kapitan Tiyago, Pumunta siya doon para mapatunayan na mas mataas ang tingin sa kanya ng mga tao. Nang makasalubong niya si Kapitan Tiyago ay nagsaludo si Tiyago at hindi ito pinansin ng mga Prayle. Simbolo lamang na mas nakapangyayari sila. Samantala, matapos magmisa, nagtungo si Padre Sibyla sa kumbento ng kanilang korporasyon na nasa loob ng Maynila. Napagusapan nila ditto ang buhay ni Ibarra at paano nila mapapasanib si Ibarra sa kanilang panig. Habang naguusap ang mga pari ay naguusap parin si Padre Damaso at Kapitan Tiyago. At sa Paguusap na iyon ay nauto na naman ng paring Dominikano si Kapitan Tiyago

III. Gintong Aral na may kaugnayan sa kasalukuyan
Maraming tao na manloloko sa kahit saan tayo magpunta, minsan ay hindi natin inaasahan na ito ay ang matalik natin na kaibigan, kapamilya o mahal sa ating buhay. Ngunit kahit sino ay mayroong abilidad para manloko, at dapat tayo ay magingat sa mga ganitong klaseng mga tao.

Kabanata 10
I. Mga Talasalitaan
1. Baybayin : Tabi
2. napagsasamantalahan : Naloloko
3. Kahangalan : Kamangmangan
4. Simboryo : Kampanaryo
5. Matatas : Malinaw
II. Buod ng Kabanata 10
Ang Bayan ng San Diego ay halos nasa baybayin ng lawa at napaliligiran ng malalawak na bukirin at palayan. Ang mga nanirahan dito ay mga magsasaka at ang inaani nila ay palay, asukal, kape at mga punong kahoy. Ang higit na agaw atensyon sa San Diego ay ang tila isang malapulong gubat na nasa gitna ng kanurikan. Ang gubat na ito ay may alamat. May dumating umano na isang matandang kastila na nais bilhin ang lugar dahil sa bukal nilo na may mainit na tubig. Lahat ng mamamayan doon ay sinabing kanila ang lupa kaya bilang pambayad ay binigyan niya ang mga tao ng hiyas, damit at salapi. Hindi naglaon, nawala ng parang bula ang matanda at natagpuan na lamang nila na patay na ito sa isang puno. Mula noon, kinatakutan na ang gubat na ito. At ditto na rin umusbong ang pamilya Ibarra.
III. Gintong aral na may kaugnayan sa Kasalukuyan
Hindi lahat ay dapat ipinagkakatakutan, minsan ay wala itong katotohanan, Kung ikaw ay lalaki ng may takot sa kung ano man ang meron sa buhay na kailangan mong harapin upang mabuhay ng normal ay hindi ka tatagumpay at hindi ka magiging Masaya, dahil sa takot ay malilimit ang iyong kakayanan.
Kabanata 11
I. Mga Talasalitaan
1.Pagaayuno : Di kumakain
2. Kapariwaan : kasawian
3. Paghahambalos : Paghahampas
4. Hidwaan : Di pagkakaunawaan
5. Pinagsakitan : Pinaghirapan
II. Buod ng Kabanata 11
Hindi makapangyarihan si Don Rafael bagama’t siya ay mayaman at iginagalang ng lahat, hindi naman niya binibigyang pahalaga ang mga ginagawang pagtulong ni Ibarra sa kanyang kapwa. Wala siyang kaaway sa bayan. Hindi rin si Kapitan Tiyago bagama’t siya’y sinasalubong ng banda ng musiko at inalayan ng mga pagkain at iba’t ibang regalo, ang katotohanan ay marami paring nangkukutya sa kanya at palihim din siyang tinatawag na Sakristang Tiyago. Ang Gobernadorcillo ay hindi rin. Sila ay utusan lamang na maaring kagalitan ng Alkalde Mayor. Si Padre Salvi o ang mga kura ay maaring makapangyarihan. Maayos niyang napatakbo ang San Diego. Pinalitan niya ang mapagmalupit na si Padre Damaso. Kung dati ang parusa ay pagpapahirap, ngayon ay multa lamang. Ang mga alperes ay makapangyarihan din. Sila ang mga puno ng mga Guardia Civil. Asawa nito si Donya Consolacion, isang Pilipinang mahilig magkolorete ng makapal at mapanglait din. Ang mabuting ginawa lamang ni Donya Consolacion ay hindi pagtingin sa salamin. Isa rin sa magandang kwento nila ay tungkol sa mga tsokolate.
III. Gintong aral na may kaugnayan sa kasalukuyan
Tayo ay hindi dapat manglait ng tao, kahit sino pa man tayo, kahit mayaman, maganda o perpekto, wala parin tayong karapatan para manghusga ng iba dahil lahat tayo ay magkakaiba at kung tayo ay manghusga o gagawa ng masama sa kapwa, baling araw ay babalik din ito sa atin.

Kabanata 12
I. Mga Talasalitaan
1. Hinahandugan : Inaalayan
2. Kalakip: Kasama
3. Umaalingasaw : Paglabas ng baho
4. Nananangis : Nagdadalamhati
5. Nakapalamuti : Nakaadorno
II. Buod ng Kabanata 12
Ang libingan ng San Diego ay nasa dakong kanluran sa gitna ng palayan. Mayroong malaking crus sa gitna nito na nakatungtong sa bato. Sa paanan nito ay may nakatambak ng buto at bungo ng mga patay. Sa pagpasok mo ditto, may dalawang taong naghuhukay. Ang isa ay dating sepultorero na parang walang anuman dito ang paghuhukay ng bangkay at paghahagis ng buto. Ang isa ay nagaani at humithit ng sigarilyo. Silang dalawa ay nagtatalo. Ang isa ay gusto lumipat sa ibang lugar at ang isa ay nagsabi na ang selan daw ng kasama niya. Sa paguusap na ito nalaman na dalawampung araw pa lang naililibing ang kanilang hinuhukay. Ito daw ay inutos ng isang kurang malaki na hukayin ang labi ng taong inilibing. Sinasabi din dito na kapag wala ng paglilibingan ay lumuluhod na lamang sila sa gusto nilang lugar, magtutulos ng kandila at magdarasal ng taimtim
III. Gintong aral na may kaugnayan sa kasalukuyan
Tayo ay dumadaan sa mga paghihirap, na kahit anong gawin natin ay hindi parin nasusunod ang gusto natin kaya tayo ay dapat magtiis. Minsan kapag hindi mo na kaya ay ikaw ay magdadasal na lamang sa kabutihan ng lahat.

Kabanata 13
I. Talasalitaan
1. Tinalunton : Sinundan
2. Sumulyap : Tumingin
3. Nanghahagupit : namamalo
4. Matindi : Malubha
5. Nanlilisik : Nagagalit
II. Buod ng Kabanata 12
May isang karuwahe na tumigil sa harap ng libingan. Sakay pala nito si Crisostomo Ibarra kasunod ang kanyang utasan na matandang lalaki. Layunin pala nito kung saan inilibing ang kanyang ama. Una niyang tinuro ang libingan may isang krus, tanim na adelfa, sampaguita at pensyamento. Ngunit ito pala’y noon ay isinunog ang krus s autos ni Padre Damaso. At ipinaunos din na ilipat ang bangkay sa libingan ng Intsik. Ngunit mas minabuti ang maghuhukay na ilibing/itapon na lang ng naghuhukay sa ilog ang bangkay na iyon. Galit na galit na umalis si Ibarra na tila may tinatakasan. Ito ang anino ng ama o ang sigwang papalapit. Napabuntuan naman niya ang kanyang galit kay Padre Salvi sa pagaakala na siya ang nagpalipat sa bangkay ng ama. Ito pala ay si Padre Damaso.
III. Gintong aral na may kaugnayan sa kasalukuyan
Tayong lahat ay dapat magbigay ng respeto sa patay at sa mga kapamilya ng namatay. Porket ikaw ay may mataas na posisyon sa komunidad, wala parin tayong karapatan na galawin ang patay kung wala tayong pahintulot sa kapamilya, para ito rin ay hindi nila makuhaa bilang pagbastos.

Kabanata 14
I. Talasalitaan
1. Matimbang : Mabigat
2. Magarbo : Marangya
3. Angkop : Nararapat
4. Lapastanganin : Halayin
5. Sinurot : Kinurot
II. Buod ng Kabanata 14
Siya ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo. Ang kanyang tunay na pangalan ay Don Anastacio. Siya ay tinatawag na baliw ng mga hindi edukado dahil sa iba niyang kaisipan, kilos at pakikitungo sa tao. Dati itong nagaaral sa pilosopiya ngunit siya ay pinatigil dahil sa kanyang ina. Natatakot ang ina nito na mawalan siya ng pinanghahawakan sa at Diyos. Nagkaroon ito ng asawa at hindi naglaon ay namatay din. Sa labis na pagdadalamhati ni Pilosopo Tasyo ay ginugol niya ang kanyang oras sa pagbili at pagbabasa ng aklat at hindi na ito nagasawa muli. Nakita niya ang babala sa parating na sigwa ngunit ito pa ay masaya. Nagmamadali itong umalis at humahalakhak pa habang naglalakad. Napadaan siya sa simbahan at niyaya ang dalawang batang kanyang kinausap na sumama paglalakad at naparaan siya sa bahay ni Don Filipo Lino at Aling Doray. Napag-usapan nila ang nangyari kay Don Rafael at nagawi na ang usapan sa purgatoryo. Sinabi ni Pilosopo Tasyo na makakabuti daw ang paniniwala sa purgatoryo kasabay na rin nito ang pag kidlat na may nakakatulig na kulog.
III. Gintong Aral na may kaugnayan sa kasalukuyan
Wag mag-isip ng nakakasama sa ibang tao at gumawa ng mabuti sa kapwa. Laging tumulong sa nangangailangan. Hindi dapat tayo manghusga dahil hindi natin labis kilala ang tao.

Kabanata 15
I. Talasalitaan
1. Hilahod :
2. Mapagsisino :
3. Kilatis :
4. Nakapanhik :
5. Sinambilat :
II. Buod ng Kabanata 15
Parang plegarya ang tunog kampanang binabatak ng magkapatid na sacristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan na sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ay hilahod sa hirap. Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang isang magnanakaw at kung malalaman nila Sisa na siya ay pinapalo, tiyak na hindi papaya ang kanilang ina. Idinadalangin na sana huwag magkasakit sila ng lahat. Hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00, lubhang mabigat ito para kay Basilio. Habang nag-uusap ang magkapatid, ang Sakristan Mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas and dalawang onsa na binibintang sa kanya. Makikiusap pa sana si Basilio pero biglang sinambilat ng Sakristan Mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad sa papanaog sa hagdanan hanggang sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Ang bawat pagsampal ng Sakristan Mayor kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nuon ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.
III. Gintong Aral na may kaugnayan sa kasalukuyan
Huwag mambintang ng mali sa ibang tao na walang kinalaman dahil ang kanilang buhay pati na rin ang mga pamilya at kaibigan nila ay madadamay at huwag malabisin ang sariling posisyon upang ipasa ang kasalanan sa iba.

Kabanata 16
I. Talasalitaan
1. Santinakpan :
2. Tawilis :
3. Tapang :
4. Mabundat :
5. Nilantakang :
II. Buod ng Kabanata 16
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero si Sisa ay gising pa. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na nasa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Gayunman, para kay Sisa ang lalaki ay kanyag bathala at ang kanyang mga anak ay anghel. Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa. Lubhang nagsaing siyang muli at inihaw muli ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghintay. Kasalukuyang siyang dumalangin sa Mahal na Birhen, nang gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio sa labas ng bahay.

III. Gintong Aral na may kaugnayan sa kasalukuyan
Palaging mahalin ang sariling mga anak at hindi dapat ito pinapabayaan. Pumili ng tamang lalaking mapapangasawa upang hindi ka mahirapan sa buhay at may katulong ka sa bawat hakbang ng iyong buhay.

Similar Documents

Premium Essay

Organizational Behavior." Studymode.Com. Studymode.Com, 04 2012. Web. 04 2012..

...Abraham Lincoln (February 12, 1809 – April 15, 1865) was the 16th president of the United States, serving from March 1861 until his assassination in April 1865. Lincoln led the United States through its Civil War—its bloodiest war and its greatest moral, constitutional and political crisis.[1][2] In doing so, he preserved the Union, abolished slavery, strengthened the federal government, and modernized the economy. On November 6, 1860, Lincoln was elected the 16th president of the United States, beating Democrat Stephen A. Douglas, John C. Breckinridge of the Southern Democrats, and John Bell of the newConstitutional Union Party. He was the first president from the Republican Party. His victory was entirely due to the strength of his support in the North and West; no ballots were cast for him in 10 of the 15 Southern slave states, and he won only two of 996 counties in all the Southern states.[123] Martin Luther King, Jr. (January 15, 1929 – April 4, 1968) was an American pastor, activist, humanitarian, and leader in the African-American Civil Rights Movement. He is best known for his role in the advancement of civil rights usingnonviolent civil disobedience based on his Christian beliefs. He was born Michael King, but his father changed his name in honor of theGerman reformer Martin Luther. A Baptist minister, King became a civil rights activist early in his career. He led the 1955 Montgomery Bus Boycott and helped found the Southern Christian Leadership Conference (SCLC)...

Words: 1509 - Pages: 7

Premium Essay

First Filipino

...Writer-Translator & Publications Officer GENEROSO M. ILANO Auditor JOSE RIZAL (1861-1896) THE FIRST FILIPINO A Biography of José Rizal by LEÓN Ma. GUERRERO with an introduction by CARLOS QUI R INO ( Awarded First Prize in the Rizal Biography Contest held under the auspices of the José Rizal National Centennial Commission in 1961) NATIONAL HISTORICAL COMMISSION Manila 1974 First Printing 1963 Second Printing 1965 Third Printing 1969 Fourth Printing 1971 Fifth Printing 1974 This Book is dedicated by the Author to the other Filipinos Speak of me as I am; nothing extenuate, Nor set down aught in malice, Shakespeare: °the/Lo. Paint my picture truly like me, and not flatter me at all ; but remark all those roughnesses, pimples, warts, and everything as you see me. — Oliver Cromwell. Report me and my cause aright. The rest is silence. Shakespeare : OTHELLO PREFACE Like most Filipinos I was told about Rizal as a child, and to me, like to most, he remained only a name. In school I learned only that he had died for our country, shot by the Spaniards. I read his two novels in...

Words: 203166 - Pages: 813