Free Essay

Npne

In:

Submitted By techhhhhhyyyyyyy
Words 3770
Pages 16
AKO'Y PILIPINO Pilipino ako sa anyo, sa kulay, sa wika, sa gawa at sa kalinangan. Ang mutyang bayan ko'y Perlas ng Silangan, kilala sa ganda at sa iwing taglay na yaman. Sa mga ugat ko ay nananalaytay, magiting na dugo ng raha at lakan; ang kasaysayan ko'y di malilimutan ng aking kalahi't liping pinagmulan Maraming bayaning nagbuwis ng buhay, di nagatubili sa tawag ng bayan, nabuwal sa dilim at nagdusang tunay upang kalayaan ay aking makamtan. Ikararangal ko itong aking lahi, di ikahihiya sa alinmang lipi; busilak ang puso, malinis ang budhi mamatay ay langit kung bayan ang sanhi. Taas noong aking ipagmamalaki Pilipino akong may dangal na lahi, Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi, dinilig ng dugo ng mga bayani.
ANG AKING GURO Masdan mo ang guro, ang taong dakila, Mapagtiis siya't laging matiyaga; Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa, walang tigil siya sa maghapong gawa. Guro ko ang siyang nagturo sa akin, Na ang ating lupa ay aking mahalin, Ako raw'y gumawa at aking sikaping Mapaunlad itong mutyang bayan natin. Siya ang nagturo ng kabayanihan Ng ating Mabini, Burgos at del Pilar; Siya ang nagulat ng buhay ni Rizal, Siya ang nagturong ako'y maging tapat Sa mga tungkuling aking ginaganap Nagtatagumpay raw yaong masisipag, Di raw giginhawa yapng taong tamad. Siya ang maysabing ating tangkilikin Yaong mga bagay na yari sa atin; Sino pa raw yaong tutulungan natin Kundi kababayan at kalahi na rin. Guro ko ang aking tunay na huwaran Siya ay maayos sa kanyang katawan, Sa pagsasalita, siya ay magalang At sa diwa niya'y may matutuhan. Iyang aking guro'y isang mamamayang Dapat ding tawaging bayani ng bayan; Ang mga pinuno sa kinabukasa'y Nangagdaang lahat sa kaniyang mga kamay.
ANG BANDILA Ang pula at asul at tatlong bituin na nagwawagayway sa araw at dilim ay siyang sagisag ng dugong magiting... iyan ang bandilang Bayan ang kapiling! Kasaysayan nito'y hindi matawaran, pagka't ang lumikha ay dugo at buhay; siyang namumuno sa luha't tagumpay ng bayang iniwi sa lahat ng araw! Siyan umaaliw kung baya'y malungkot, siya ang dambana sa gabing marupok; siya ang hiwaga ng nadapang kurus, ng bayan kung sawi at naghihikahos! Ayaw paalipin, ayaw ring madusta, ayaw mapigilan ang sariling laya; ayaw mayurakan ng mga banyaga na nagmamalabis... nangaalipusta! Pangit na ugaling nais manatili sa lupang hinirang di payag mangyari; sukat na ihandog ang pagsasarili sa malayang langit ng mga bayani! Sa paa ng kurus o rurok ng langit, patayong liwanag ang kanyang pagibig, kapalarang lipos o nagwaging hapis, ginagawang galak sa gitna ng tangis! Banig ng kahapon o tapis ng bukas, nagbibigay saya at kulay ng lakas; hikbi ng parusa't sigaw ng magdamag, siyang HaringDiyos na walang kalikas! Bukas makalawa sa gabing tahimik, pusong nagbubulay sa diwang malupit – bandila ang lunas sa budhing pusikit at sandatang laban sa paghihimagsik!
ANG KASIPAGAN SA TAHANAN NAGMUMULA Ang pagtulong sa tahanan ay di dapat ikahiya Ng lahat ng magaaral, maging mayaman at dukha; Ang magayos ng halaman, ang maglaba't mangusina, Ang maglinis ng tahanan ay isang mabuting gawa. Ang utos ng ama't ina ay sundin nang buong tamis, Ang pagsuway at pagdabog sa matanda'y sadyang pangit; Ang gawaing malalaki ay hatiin nang lumiit, At sa lahat ng gagawin, paghariin ang pagibig. Yaong pagkamasunuri'y ating pakikinabangan, Ngunit ang pagkasuwail ay ating pagdurusahan; Kaya't dinggin ang payo ko, kayong mga magaaral, "Pagpapalain ng Diyos ang tumulong sa tahanan."

ANG MABUTING BATA Ang mabuting bata'y tulad ng halaman; Sagana sa dilig at sikat ng araw; Luntian ang dahon, sanga'y malalabay, Sariwa ang ugat at lubhang matibay. Kaya't kung sumapit ang pamumulaklak ay hitik ang sangang papagapagaspas! At kapag nagbunga'y kagilagilalas, Maging tao't ibon ay nakakapitas. Ganyang ang kawangis ng mabuting bata Sa ama't sa ina'y isang gantimpala: Isang maginoo sa pagkabinata Mamamayang dapat gawing halimbawa. Iya'y lumitaw na sa mga bayani, Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Mabini, Kaya't kabataan, sikaping magani Sa sariling bayan ng dangal at puri.
ANG MABUTING INA AT ANAK INA: Ikaw sana'y mapanuto, Magalang sa lahat ng tao; Upang sa paglaki mo, Mahal ka ng kahit sino. ANAK: Ako, Nanay, ay magalang, Masunurin sa magulang; Ang ibig kong matularan Ay isang batang uliran. INA: Ikaw sana'y matulungin, Sa matanda at bata rin; At lagi mong iisipin Ang puri at dangal natin. ANAK: Pipilitin ko po, Nanay Sundin ang inyong pangaral; Kayo po'y aking huwaran Na lagi kong paparisan.
ANG MASAMANG ANAK Ang masamang anak ay pinalayas mo, sa matinding galit; nguni't ang anak mong lumayong sugatan at kitangkita mong lumabas ng daa'y di mo mapaalis sa isip mo't damdam; lumayo'y bumalik sa unang pagibig ang pintong bunuksan ay pinto ng langit, ang nasa dibdib mo sa sikdo ng hapis ay taong buhay na't paa'y walang putik; Patawad, ama ko! Kamay mo'y hinagkan; patawad nang lahat at siya'y ikaw rin: mukha, dugo't laman, at may uwing tanda ng bagong pagasa't ng tuwang dumatal.
ANG TAHANAN Maliit na dampa ang aking tahanan, Walang palamuti't mga kasangkapang Tulad ng sa ibang magagarang bahay; Nagtataka ako nang gayon na lamang Kung bakit lagi kong pinagpipilitang Doon din magbalik sa kinahapunan! Pag ako'y nalayo kahi't munting saglit, Nais kong sa dampa'y kaagad magbalik; Kapag nawawalay, ako'y nananabik, At kung naghihintay, ako'y naiinip; Natutuwa ako kapag namamasid Ang aking magulang at mga kapatid... Maligaya ako kung nakakapiling Ang lahat ng aking kaisangdamdamin, Nalilimutan ko ang mga hilahil, Ang sumasapuso'y banal na hangarin; Kaya't sa tuwa ko'y malimit sabihing Ang Diyos ay sadyang malapit sa akin. Ang aking tahana'y isang munting pugad Na nahihiyasan ng mga pangarap; Doon ko nakita ang unang liwanag, Ang pagkatao ko'y doon din namulat... Ang aking tahanan ay walang katulad, Tanging kayamanang sa langit nagbuhat.
ANG ULIRANG INA Nanunuot hanggang buto ang daing na naririnig Ng babaing nagdaramdam sa loob ng isang silid; Pagmasdan mo't nakaratay sa higaan niyang banig, Himashimas ang balakang na masakit na masakit, Sinasarili ang hirap, kinakaya ang hinagpis, At talagang nakahanda ang buhay man ay mapatid; Papaano'y isang inang buong pusong nagtitiis Dahilan sa kanyang anak na isisilang sa daigdig. Nakagagaya ng aliw ang dimatapos na galak Ng babaing naghehele sa kalungkalong na anak; Namumupol sa gunita ng kundimang masasarap, Mapahimbing lang ang bunsong maya't mayay umiiyak; Sa ubod ng kanyang dibdib itinitigis ang katas Ng biyayang sa laman ng kanyang lama'y pampalakas; Papaano'y ina siyang tumatalaga sa lahat. Mapalaki lang sa mundo ang anak na nililiyag. Nakadudurog ng puso ang dasal na malulungkot Ng babaing sa harap ng Santo Kristo'y nakaluhod; Daopkamay at may luhang dumadalangin sa Diyos Na maanong gumaling din ang anak na nalulugmok; Nilalamay ang magdamag sa paghanap ng panggamot, Sinusubuan ang anak sa pagkain ng karampot: Papaano'y isang inang ang buhay may ihahandog Pagka ang buhay ng anak may panganib n amalagot. Nakahihili ang dangal na nababasa sa mukha Ng babaing nakayakap sa anak na minumutya; Siya ang napapaakyat at dimakakayang tuwa Sa tagumpay na tinamo ng anak na nagtiyagi, Siya ang nagmamalasakit at walang laman ang gunita Kundi ang putong ng anak na siya rin ang nagpunla: Papaano'y ina siyang walangmaliw ang adhika Na ang anak ay mawasto sa lahat ng ginagawa. Nariyan ang ina natin: isang inang walang humpay Sa pagtingi't pagaaruga sa anak na minamahal; Naghirap sa panganganak noong tayo ay iluwal; Nagtiis ng pagpupuyat upang tayo'y mabuhay lang; Ngunit tayo nang lumaki, magkaisip, at dumangal, Pighati pa ang sa ati'y lagi niyang nakakamtan. O, ang ina! Sa daigdig ay walang makakatimbang, Paglibhasa'y siya na rin itong buong santinakpan!
ANG WIKANG PILIPINO Wikang pilipino ay acing mahalin Ito ang sagisag nitong bansa natin, Binubuklod nito ang ating damdamin Ang ating isipan at mga layunin. Wikang pilipino ay maitutulad Sa agos ng tubig na mula sa dagat, Kahiman at ito'y sagkahan ng tabak Pilit maglalagos, hahanap ng butas. Oo, pagkat ito'y nauunawaan Ng Wikang Pambansa sa baya'y ituro, Tatlumpu't dalawang taong sinapuso Ng bata, Matanda, lalo na ng guro. Napasok na nito'y maraming larangan Ng mga gawain na pampaaralan, Transaksyon sa bayan at sa sambayanan Mga paaralan sa sandaigdigan. Wikang Pilipino'y dapat ipagtanggol Lalo't iisiping dito'y ginugugol, Ang maraming hirap, Salapi't panahon Ng pamahalaan at ng masa ngayon. Wikang pilipino, ikaw ay mabuhay Itataguyod ka sa lahat ng araw
ARAW NG KALAYAAN Sa araw na ito ating gunitain Itong kalayaang matagal nang atin; Mayroon pang higit na sasaya kaya Kaysa isang bansang malayangmalaya? Itong kalayaan, atin ngang isipin Kung nasusunod mo ang mga tuntunin; Sa pagiisip mo, ikaw ba'y malaya? Malaya ka rin ba sa iyoang paggawa? Kung may gagawin kang isang kamalian O may masama kang pinagiisipan, Ang tanong ko'y ito ikaw ba'y malaya Sa pagsasagawa ng maling adhika? Kaya't pakinggan mo, payo ko sa iyo Itong KALAYAAN, pakaingatan mo Iyong gamitin lang sa gawang mabuti Upang kapayapaan ang s'yang manatili.
BANSANG PILIPINAS Iyong makikita ang gintong silahis Sa dakong silangan ng ating daigdig, Hindi nalalasap ang hapdi ng hibik, Iyang kalungkutan pilit mawawaglit, Pag iyong namalas ang kaakitakit Na tanawing anong ganda't pagkarikit! Iyan ang bansa ko Bansang Pilipinas! Damhin mo ang dampi ng hanging amihan May hatid na awit ng kaligayahan; Masdan mo ang dagat, malawak at bughaw Maginto't maperlas di mapapantayan; Tingnan ang kayganda niyang kaparangan Nagbibigaysigla sa pusong may panglaw. Iyan ang bansa ko Bansang Pilipinas! Dinggin mo ang galak ng kristal na batis Na lumuluhod na sa lungkot at hapis, Iyo ring pakinggan ibong umaawit Do'n sa papawiring malaya ang tinig; Lupang maligaya't lupang matahimik Walang makatulad sa silong ng langit! Iyan ang bansa ko Bansang Pilipinas! Ang bayan ko'y bayan ng mga awitin Matamis pakinggan at napakalambing; Tulad ng kundiman na nakaaliw, Maglalahong tunay ang mga panimdim Pag iyong namasdan; Pandanggo't tinikling Magbibigay sinag sa pusong hilahil. Iyan ang bansa ko Bansang Pilipinas! Ito ay lupang maganda't mayaman Sa mga tanawin niyang kalikasan; Taong masipag ang nananahanan Di takot masunog sa sikat ng araw; Handa ring gumawa kahit umuulan Nang taos sa puso't laging nasa dibdib. Iyan ang bansa ko Bansang Pilipinas!
BATANG ULIRAN Uliran ang batang laging nakangiti, Kakilala't hindi'y kanyang binabati, Matimping kumilos, magalang na lagi; Kapuripuri nga ang kanyang ugali. Sa kanyang tahanan, siya'y masunurin: Katulong ng ina sa lahat ng gawain, Sa mga kapatid siya'y matulungin, Sa lolo at lola, asal ay butihin. At sa paaralan, siya'y sumusunod Sa mga tuntuning ipinaguutos, Kamagaral, guro'y kaibigang lubos Ng batang ulitan, kay bait kumilos. Kapag nasa daan, iyong makikita, Asal na huwaran, ugaling masaya, Kinagigiliwan ng halos lahat na Ang batang ang ayos, kilos ay maganda. Uliran ang bata kahit siya'y nasaan, Yaman ng magulang at ng paaralan Bilang magaaral, bilang mamamayan Dangal siya at puri nitong Inang Bayan.
BAYAN NG AKING LAHI Nakikita kita... sa bawat pagsikat, paglubog ng araw sa bukiring dilaw sa mga palayan sa kislap ng tubig sa may karagatan sa mga gusali't mga pagawaaan. Naririnig kita... sa buhos ng talon at daloy ng ilog sa ugong ng hangin, dagundong ng kulog sa halik ng alon, hagukgok ng agos sa angilmakinang sa buhay panustos. Nadarama kita... sa mabining simoy ng hanging amihan sa init ng bisig ng aking magulang sa biyayang tubig sa natuyong linang sa sinta't, kapatid, mga kaibigan. Naiisip kita... sa gabing tahimik, pusikit na dilim sa rilag ng layang may dangal na angkin sa kaunlaran mong lagi kong dalangin sa pananagumpay ng mga mithiin. Nakikita kita Naririnig kita Nadarama kita Naiisip kita O bayan kong sinta!
FILIPINONG FILIPINO Bilang isang Pilipino, karangalang mawiwika Ng tulad ko ang magmahal at gumalang sa bandila; Kapag ito ay inapi't niyurakan ng banyaga Ang puso ko'y may kalasag at may talim yaring dila. Filipinungpilipino sa matapat na kataga, Sa isipan at sa puso, sa damdaming makabansa; Hindi dapat na iwaglit kahit saglit sa gunita Nang sa dagok ng dayuhan tayo'y laging nakahanda. Katataga't katapangan ng bayaning namayapa, Katarungang naging binhi nang matapat Nararapat pagyamanin, isapuso't isadiwa Upang itong ating bayan ay pamuling dumakila. Bansa nating malaon ding nagtiis ng kahirapan, Sa Lipunang Bago ngayo'y nakilala't nabibihasan, Pantaypantay na pagtingin sa dukha man o mayaman Na sa ati'y inihasik ng Pangulo nitong bayan.
IKAW'Y FILIPINO ITO'Y FILIPINAS Ang mga pagasang tinukoy ni Rizal Ay nasa dugo mo't mga karanasan Naging yamungmong ka ng hiyas at dangal, Ng isang pagunlad sa bawat liwayway. Lahing pinagpala na dapat magsakit Sa kapwa'y paglingap, sa baya'y pagibig; Sa kapamuhayan nati'y pagtangkilik, Maglingkod, lumikha, gumawa't manalig. Sa ano mang kilos at hakbang ng bansa Iral ka't kabuo, may ambag sa madla; Ang ugat mo'y sipag, dunong at tiyaga, Ang bunga'y pagsulong sa buhaydalita. Bayaang magalay ng puso't pangarap Ikaw'y Filipino: ito'y Pilipinas; Yama'y katutubo, ganda'y halimuyak, Masayang lupaing tubos ng liwanag
KABAYANIHAN Iba't ibang uri ang kabayanihan Tulad ng bulaklak, iba't ibang kulay, May mga bayaning pinararangalan Mayroong dikilala'y bayani ring tunay. Mga kababayang nabuwal sa laban Mga magigiting, mga matatapang, Nagalay ng dugo at saka ng buhay Upang mapalaya lupang minamahal. May mga bayani sa mga tahanan Bayani sapagkat ulirang magulang, Ang turo sa anak, kabutihangasal Upang sa paglaki ay maging huwaran. May mga bayaning nasa paaralan Batang masunurin, masikap, magalang, Batang malulusog, isip at katawan Mga mamamayan ng kinabukasan. May mga bayaning utusan ng bayan Hindi pinipili ang sinisilbihan, Sa mga sakuna ay maasahan Kapag may panganib ay matatawagan. Ang maging bayani ay hindi mahirap Kung puso'y malinis, marunong lumingap, Kagalinga't buti'y siyang tinatahak Saan mang tungkulin ay karapatdapat.
KAGANDAHANG TUNAY Kapag ang tao'y maganda Lahat ay nahahalina, Ang panlabas na anyo niya Ay tulad sa isang diyosa. Kung ang tao'y dimabait, Ang lahat ay nagagalit; Hindi siya maiibig, Walang sa kanya'y lalapit. Ang tunay na kagandahan Ay mabuting kalooban, Magandang kaugalian, At pusong may katapatan.
KAIBIGANG TUNAY Tanggapin mo ito, Aking kaibigan; Ito ang damay ko Sa 'yong kalungkutan. Di ito Salapi, Hindi kagamitan; Ito'y aking mithi Na ikaw'y damayan. Sa iyong pagluha, Ako'y naninimdim; Iyong pagdurusa Nais kong angkinin. Kaya, kaibigan, Ito'y tanggapin mo Tapat na pagdamay Ng abang puso ko.
KAIBIGAN KO, MAHAL KO Ang magkaibigan ay nagmamahalan; At sa kagipitan ay nagtutulungan. Kapagka ang isa ay mayro'ng problema, Kaibigan niya'y tutulong sa kanya. Ang kaibigan ko ay aking katoto; Sa buhay na ito'y Mahal kong totoo.
KALAYAAN Iyang ibong pipit ay iyong kulungin, Pakanin maghapon, bigyan ng inumin; Kahit suyuin pa at pakamahalin, Aywan ba't ang nasa ay makaalpas din. Ang tao, ipiit sa palasyong kristal, Dulutan ng aliw, ng sarap, ng dangal; Pilit ding titigib ang sakbibing lumbay. Nagnanasa pa ring tumakas pagkuwan. Ang ating pa nga bang bansang sakdal dilag Ang sa kalayaan ay hindi maghangad... Bayang walang laya ay siil at hubad, Sa sariling lupa'y busabos na ganap! Walang kasintamis ang maging malaya Ang kaapihan mo'y tumitighaw, nawawala, Dito'y walang imbi, dito'y walang dusta, Sa sikat ng araw parating sagana!
KAMATAYAN Kung sa langit nabubuhay ang sa lupa'y namamatay, ano't kinatatakutan ang oras ng kamatayan? Ginto't pilak sa pukpukan ng platero'y umiinam; ng puring lalong makinang sa pukpok ay pumupusyaw. Kung sa liwanag ng araw sariling sira'y titingnan, manlulura kaya'y ilan sa kanyang aninong tunay?
KASIPAGAN... Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay, Arawaraw ay paggawang tila man din walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; "Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay." Ang sandali'y mahalaga hindi dapat na sayangin, Kasipagay isagawa at itanim sa damdamin; Kapag ito'y inugali walang liwag na kakamtin Ang ginhawang inaasam at bungkos ng pangarapin. Hindi dapat na mahiya itong palad ay kumapal Kung gawain ay mabuti at hangarin ay marangal; Pagsisikap na may tiyaga, kasipagan ang kakambal Ay sandatang panggalang... pamuksa sa kahirapan. Paalala't pagunita sa diwa mo, kabataan... Sa tuwina'y isaisip, sana'y laging tatandaan: "Kasipaga'y ugaliin at gawin mong pamantayan Upang kamtin ang maaya at magandang kapalaran."
KATUTUBONG ATIN Itong Lahing Kayumanggi sangayon sa kasaysayan, May sarili, katutubo at mayamang kalinangan; Pinagpala't dinakila, pinagtanggol sa dayuhan Nitong mga Pilipinong bayani ng ating bayan. Isang paham ang nagwika at matatag na tinuran: "Ang kultura ay bahagi nitong mga mamamayan, Nagsisilbing isang moog at bantayog na may dangal, Nararapat na mahalin at sa puso ay itanghal." Kalinanga'y pagyamanin sa isipan at damdamin, Sa dula at katutubong mga sayaw at awitin; Lagi sanang tatandaan at sa diwa ay itanim, Ang kultura'y isang hiyas... kayamanang ituturing.
LAHAT TAYO'Y FILIPINO Siya, ikaw saka ako, Sila, kami saka tayo Lahat tayo'y Filipino Pagkat dugo ay pareho. Ating baya'y Pilipinas, Bansanating nililiyag Isang bansang sakdal dilag Sa silanga'y isang Perlas. Pilipino'y wika natin Kaya dapat na mahalin; Ito'y bigay nga sa atin Niyang Poong gumigiliw.
MGA FILIPINO PARA SA PILIPINAS Ako'y tagaLuzon, ikaw ay sa Visayas, Sila nama'y pawang sa Mindanao mula, Bagama't magkaiba ang ugali't wika, Tayo nama'y isa sa puso at diwa. Iisa ang bayan natin at watawat, Mga Filipinotaal tayong ganap, Kaya nga't halina at magyakapyakap, Sa isang adhika, damdamin, at pangarap.
MGA MAHAL NAMING GURO Mahal kong guro, kay buti mo; Iyong nais na kami'y matuto. Lahat ng bata ay iyong mahal, Ang pagtuturo, sa puso mo'y bukal. Akoy turuang maging mabuti, Maging magalang at kawiliwili. "Sundin ang guro," sabi ni Nanay, "Sundin ang guro," utos ni Tatay. Ikaw'y bayani nitong bayan natin, Mahal kong guro, mahal ka sa amin.
PAGYAMANIN NATIN Dapat nating pagaralan ang Ingles at Pilipino Sapagkat sa kaunlaran ay tulong ang mga ito; Kailangang magtulungan ako, ikaw, sila't tayo Upang itong Pilipinas matampok sa buong mundo. Kung sa Ingles ay mahina, maaari ring humusay, Kailangang gawin lamang ay lubusan na magsanay; Dapat kayong magsibasa ng magasi't pahayagan, Manood ng telebisyo't pelikulang maiinam. Magbasa din ang s'yang dapat ng maraming babasahin, Manood ng telebisyo't pelikulang yari sa 'tin; Kailangan ding gawin ito kung mahal ang wika natin Gamitin sa tuwit'wina at palaging pagyamanin. Pilipino ay pambuklod sa wikaing ibaiba At tatak ng pagkabansa nitong bayang sinisinta; Ito'y dapat na mahali't tangkilikin sa tuwina, Pagkat ito ay sagisag nitong bayang sakdal ganda. Dapat ding pagyamanin ang dayuhang wikang Ingles, Kailangang matutuhan pagkat wikang pandaigdig; Maaaring gawing tulay kung may nais na makamit Na pagtulong o balita sa labas ng bayang ibig. Pagkat kapwa mahalaga ang dalawang wikang ito; Kailangang pagaralan, Mamamayang Pilipino; Dapat tayong magsumikap upang lahat ay matuto Nitong wikang nangabanggit at uunlad tiyak tayo.
PILIPINO AKO Isa akong Pilipino sa dugo at sa isipan Ang pinagmulan kong lahi ay magiting at marangal Mga dakilang lalaking nabantog sa dunong, tapang, Sa dahon ng kasaysayan, gintong titik ang pangalan. Ako'y isang Pilipino, ang bayan ko'y Pilipinas Bansang dulot ng Maykapal sa Silangan napalagak Yaong libulibong pulo na sa dagat ay nagkalat Sa halik ng mga alon, tila perlas ang katulad. Malawak na kabukiran ay kaygandang pagmalasin Ang paligid ay luntian nang dahil sa mga tanim Mapagpalang mga kamay ang dito ay nagaangkin Filipinong nagsisikap, Filipino matiisin. Ang yaman na nakatago sa bundok at mga gubat Sa tulong ng aking lakas ay palaging hinahanap Tinutunton, tinutuklas sa tulong ng pagsisikap Ginagamit upang itong aking bayan ay umunlad. Ako'y isang Pilipinong ang laya ay minamahal Kamatayan ay matamis kapag ito ay niluray. Lapulapung magbabagong pag sinakop ng dayuhan Muli akong mabubuwal sa Tirad Pass at Bataan! Ngayong bayan ay malaya ay kayraming dapat gawin Industriya't kalakalan ay dapat na paunlarin Ang bukid at kaparangan ay dapat na pagyamanin Ang lunsod at mga nayon ay kailangang pabutihin. Akoy isang Filipinong may tungkuling gagampanan Upang bayan ay ihatid patungo sa kaunlaran Mga dakilang layunin ng bayaning mararangal Buong sikap na gagawin upang tayo'y magtagumpay. Kaya tayo ay kumilos halina at magbalikwas Masasama nating gawi ay palitang na ngang ganap Magkaisa't magtulungan buong sikap buong tatag Upang ating maitindig ang maningning nating bukas!
SA ATING PAARALAN Halina, mga kabataan, Sa ating paaralan; Doo'y magaaral tayo Upang tayo'y mapanuto. Tayo ay magsusulat, Magbabasa ng aklat, Sa kuwento'y makikinig, Tutula at aawit. Tayo ay maglalaro Ng takbuhan at piko, Taguan, hagarang taga, Patintero at sipa. Naroroon ang guro, Sa atin ay magtuturo; Halina, kabataan, Sa ating paaralan.
SA IYO... AKING BAYAN Pangako ko'y katapatan Sa 'yo aking mutyang bayan; Sa puso ko'y laging simpan Itong aking pagmamahal. Watawat mo'y igagalang, Itatampok sa isipan Pagka't ito ay sagisag Nitong layang nakakamtan. Ang dangal mo'y aariing Isang hiyas na may ningning; Yaman mo ay sisinupin Ng kalinga at paggiliw Iyong wika'y mamahalin, Palagi kong gagamitin; Sisikaping paunlarin Magsisilbing buklod namin Pagunlad mo aking bansa Dinadalangin sa Lumikha; Sana'y kamtin ang biyaya, Kaunlaran at pithaya.
SA LUPANG TINUBUAN Sa lupang tinubuang kay tamis mamuhay, Panatag ang iyong diwa't kalooban: Di mo kakilala ang gutom at uhaw, Malayo sa lungkot at kapighatian... Ang buong maghapo'y tuwang dimatapos, Sa piling ng iyong kababayang irog; Walang agamagam, maging sa pagtulog; Magandang palad mo'y halamang malusog... Maging dampa yata ang iyong tahanan Sa lupang saliri'y langit ang kabagay, Kung hitik sa bunga ng mga halaman, Kung busog sa lingap ng pagmamahalan.
SALAPI AT PAGGAWA Ako'y bisig: gumagawa; ikaw'y pilak: gumugugol Pawis, lakas at salapi'y yakapyakap, tulongtulong; Mabigat man ang gawain, kaya nating maibangon Ay kung laging patas tayo sa tungkuling nauukol; Pahunan kang kung palaging sa pasiya'y mahinahon, Akong bisig, sa pagtupad, gumagawang walang tutol. Ang salapi mo'y talagang una't makapangyarihan Gumugulong sa daigdig, sa daigdig nakahanay; Ginto't pilak ang pahiyas sa iwi mong kamahalan, At sa lahat ng sandali, salapi ang binibilang; Datapuwa't sa pagtulog, paggawa ang inuunan, Sa pagkain ay paggawa ang napipita mong ulam. Oo, tunay, sa paggawa nabubuhay ang marami, At ang ayaw sa paggawa'y namumuhay na pulubi; Ang masikap sa paggawa ay uliran at bayani Kung tawagin ng Puhunang mapagbigay at mabuti, Katataga't kaunlara'y sa Paggawa inaani Sa tulong ng ginto't pilak ng Puhunang kumandili. Puhunan kang may salapi, bisig ako ng dalita, Kapag tayo'y may hidwaan ay kayraming naluluha, Kapag tayo'y kapwa tapat sa tungkulin at adhika Sa kinitang pagsasama, ang ginhawa'y laksalaksa; Hindi lamang bayanbayanang nalilipos ng tuwa't Daigdiga'y nakaatang sa salapi at paggawa.
TULOY, KABATAAN Tuloy, Kabataan, buksan mo ang pinto ng Kasalukuyan, hasain ang isip ng Katalinuhan, hanapin ang Bukas, ang Bukas ng iyong gintong Kapalaran. Sa bulwagang marmol ng Kadakilaan s ikaping magtayo ng sariling ngalan. Tuloy, Kabataan, buksan mo ang aklat ng agham at sining at sa iyong isip ay iyong malasin ang buhay ng bayang sumubo sa lagim maibangon lamang ang iyong mithiin. Huwag mong talikdan ang ina't ama mo na iyong katulong pagsukat sa mundo. Tuloy, Kabataan, iyong pagbutihin ang Ngayon ng iyong dakilang hangarin, kung magawa ito't ikaw'y buhay pa rin harapin ang Bukas ng iyong Mithiin... Magpakatatag ka sa iyong paglalakad pagkat ang kaaway sa daa'y nagkalat.
ULIRANG TITSER Tisa at pisara ang kanyang sandata Sa pakikihamok sa tuwituwina. Ang hirap at pagod ay di alintana, Maibahagi lamang ang mensaheng dala. Pangalawang magulang, turing sa kanya Magaling mamahala at magdisiplina. Ang kanyang klase'y sadyang naiiba Simbolo ng isang masayang pamilya. Maging sa larangan ng pagpapayo Kung 'di man eksperto'y sadyang epektibo, Kaya ang lipunan, saludo sa iyo! Ikaw ay tunay na isang modelo.

Similar Documents