Mga Paalala Sa Pagboto Dapat Paghandaan at Hindi Dapat Pangambahan Ang Pagboto Sa Ika 10 ng Mayo 2010 Bago pa man sumapit ang eleksyon sa ika 10 ng Mayo 2010, alamin kung saan ang inyong presinto Mga Paalala Sa Pagboto By: Lawin MILO ‘Angel Agila’ G. FLORES, CPA
1. Ihanda ang kodigo Ika 9 ng Mayo 2010 Gawin ang listahan ng mga kandidatong nais mong iboto. Sa paggawa ng listahan, isipin ang bayan, sambayanan at ang kinabukasan, hindi lamang ang pansariling kapakanan.
2. Matulog ng maaga Gumising ng maaga Mas maraming bumuboto tuwing halalang pangpangulo. Pumunta ng maaga sa iyong presinto upang hindi maabala sa mahabang pila.
3. Pumunta ng maaga sa iyong Presinto Ang mga listahan ng mga botante ay pinag-samasama at ang iyong dating presinto ay maaring iba na. Maaring may 1,000 botante bawat presinto. Mas maaga, mas maraming panahon upang maisaayos ang ano mang problema na maaring magkaroon o mangyari. Ika 10 ng Mayo 2010
4. Hanapin ang iyong pangalan at numero sa talaan ng mga botante at magtungo sa Poll Clerk Mas mabuting masabi mo sa Poll Clerk hindi lamang ang iyong pangalan kung hindi pati na ang iyong numero sa talaan ng mga botante upang mapabilis ang paghanap sa kaniyang talaan at pagbigay sa iyo ng balota.
5. Magdala ng mga pagkakakilanlan (ID’s) Dapat magdala ng ilang uri ng pagkakakilanlan sa iyo; baka sakaling hanapin o kailanganin.
6. Panatilihing malinis at hindi basa ang inyong mga kamay Tiyakin na malinis at tuyo ang inyong mga kamay bago hawakan ang balota at iwasan itong madumihan ng kahit anong marka. Ano mang dumi, pagkain o pawis na madikit sa balota ay maaring maging dahilan para hindi tanggapin o basahin ng makina (PCOS machine) ang balota. Ang iyong balota at boto ay maaring mababalewala. Tandaan: 1 balota lamang ang ibibigay. Hindi ka bibigyan ng ibang balota kung sakaling hindi tanggapin ng makina (PCOS machine) yung unang balotang ipinapasok mo
7. Suriing mabuti ang balotang ibinibigay sa iyo Bago maupo para bumoto, siguraduhing malinis ang balotang ibinigay sa iyo ng Poll Clerk. Siguraduhing walang bilog na hugis itlog na naitiman na sa tapat ng pangalan ng sino mang kandidato.
8. Panatilihing malinis at walang markang hindi kinakailangan ang balota Huwag itupi o ipahawak kanino man ang iyong balota. Gamitin lamang ang marking pen ng COMELEC para itiman ang bilog na hugis itlog sa tabi ng pangalan ng kandidatong nais mong iboto. Huwag gamitin ang ano mang bahagi ng balota upang subukin ang marker o pang-itim. Hindi kailangang matakot sa PCOS machine.
9. Maingat na itiman ang mga bilog na hugis itlog sa tabi ng panagalan ng kandidatong iyong napili Siguraduhin na naitiman ang buong bilog na hugis itlog sa tabi ng pangalan ng iyong napiling kandidato. Hindi bale na lumampas ng kaunti. Ang tuldok o markang X ay maaring hindi mabasa o basahin ng makina (PCOS Machine).
10. Huwag bumoto ng labis sa nakatalagang bilang sa napiling posisyon President : 1 Governor : 1 Vice President : 1 Vice-Governor : 1 Senators : 12 Mayor : 1 Congressman : 1 Vice Mayor : 1 Party List : 1 Ok lang na kulang, mabibilang ang iyong mga boto. Pag lumabis, lahat ng iyong boto sa grupo o posisyon na iyon ay hindi mabibilang. Kung sakaling magkamali, huwag piliting burahin ng eraser o gamitan ng snowpaque ang balota. Isang balota lamang ang maaring ibigay sa bawat botante kaya iwasang magkamali.
11. Huwag ibenta ang iyong boto at huwag payagan ang sinuman na diktahan ka LABAG SA BATAS
12. Pagkaboto, ipasok ang inyong balota sa makina (PCOS machine) Alamin kung ang iyong balota ay tinanggap ng makina at ang iyong boto ay masasama sa bilang. Siguraduhing nabilang ang iyong balota. Bago ipasok sa PCOS Machine ang iyong balota, tingnan muna sa screen kung ilan na ang nakaboto. Pagkatapos tanggapin ng Machine ang iyong balota, tingnan muli and screen kung nadagdagan ang bilang ng mga nakaboto.
13. Bumalik sa Poll Clerk para isauli ang marking pen at malagyan ng indelible ink Pagkatapos bumoto, umuwi na muna.
14. Pagsapit ng takipsilim, kung maaari ay magbalik sa Presinto Magdala ng flashlight. Magmasid, magbantay.
15. Magdasal Manalangin Na ang halalan ay maging tagumpay ng sambayanang Pilipino. Na ang mga bata ay magkakaroon ng mas magandang kinabukasan. Na ang bansa ay magkaisa. Na matatawag natin ang ating sarili na hindi lamang isang lipi kung hindi isang sambayanan.
MARAMING SALAMAT PO ! MABUHAY !