Free Essay

Paalam Sa Pagkabata at Miliminas

In:

Submitted By exzaclee
Words 1305
Pages 6
Takdang-Aralin 1.2 Miliminas Taong 0069 Pangalan:_________________________________Seksyon:________________

Panuto:Salungguhitan ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong.
1. Sa kanila napangangalagaan ang moralidad ng pananamit. Nangangahulugan itong:( sumusunod sa uso/ pagtalima sa batas/ may dati ng resolusyon/ may ipinatutupad na batas)
2. Makatulong sana kayo upang di maging dungis ng lipunan. Ang may salungguhit ay nangangahulugang:( makasalanang mamamayan/palaaway na kabataan/mamamayang mangmang/pabigat sa bayan)
3.Isang dahilan ito ng paglaho niya sa sanlibutan. Nangangahulugan ang may salungguhit ng: (pag-alis/paglipat/pagkawala/pagwasak
4. Tungkol sa pamamalakad ng trapiko, may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo ng sasakyan. Kung gayon dapat lamang na: ( magpatakbo nang mabilis/magpatakbo nang tiyak na may kaligtasan/ magpatakbo nang di nakakaabala/magpatakbo tulad ng nakikipagkarera)
5. Ang Miliminas at Pilipinas ay maaaring iisa dahil sa: (pagbanggit ng heograpiya nito/pagkakalarawan sa pananamit/ pagkakaroon ng mga katiwalian/pagkakasundo sa mga transaksyon
6. May mga alagad ng pamayanan na gumagamit nang mabuti. Sila pa ang nagtatago dahil sa sila’y pinagtatawanan. Nagpapahayag lamang ito na may: (kakaibang patakaran ditto/nakararami ang masama ngayon/ kumukutya sa gumagawa nang mabuti/nagagalit sa kanila
7. Naghahanda ang pamilya ayon sa katas ng kinabuhayan. Ang may salungguhit ay nangangahulugang: ( lebel ng hanapbuhay/ taon ng paghahanapbuhay/kalagayan ng buhay/mariwasang buhay)
8. May kasabihan silang iboto sa bulsa at hindi sa balota. Iboto dahil sa: ( takot sa bala/maraming pera/maraming bala/takot mamatay) 9.Wala silang ginawa kundi aksayahin ang kaban ng yaman. ( kaban ng yaman/pangangamkam/salapi ng bayan/pera sa bangko)
10. Nahuhuli sila sa sibilisasyon( paurong na pamumuhay/mabagal na pag-unlad/maraming tradisyon/walang kaunlaran
11. Isang sanaysay na naglalantad ng mga kabulukan, kamalian, bisyo o kahinaan ng mga tao at ng kanyang lipunan sa pamamagitan ng panunuya, pangungutya, at pagbabaliktad ng katotohanan. Madalas na isinasagawa ang satiro sa istilong nakatatawa. (Sanaysay na Satirikal/Sanaysay na Pormal)
12. Binigyan nito ng mas malalim na paghanga ang mga kagandahan ng kalikasan at pinaburan ang emosyon sa halip na katalinuhan. Sa panitikan, binigyan-diin nito ang kabayanihang individual, ang kakaiba, at ang misteryoso.(Teoryang Romatisismo/Teoryang Humanismo)
13. Sino ang orihinal na may-akda ng akdang sinabi?(Santiago Pepito/Santiago D.Bas/ Nilo Par. Pamonang
14. Sino aang nagsalin ng akda?( Santiago Pepito/Nazareno D. Bas/ ni Ruby V. Gamboa-Alcantara)
15. Mahalagang malaman mo ang kaalamang pandaigdig sapagkat: (maipaglalaban mo ang sistema/magkakaroon ka ng kamalayan sa mga nangyayari/ maaaring makisangkot ka sa mga nangyayari/ makapagbigay impormasyon sa nangyayari)
16. Maipakikita ko ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng: ( pagsunod sa mga tuntunin/ pagkakaroon ng proyekto/pagsunod sa batas-trapiko/ pagiging bayani)
17. Bago matawag na bayani ang isang mamamayan dapat ay: ( mamatay muna para sa bayan/manguna sa mga pulong/maging huwaran sa mabuting gawa/maging malakas sa pamahalaan)
18. Miliminas ang tawag sa mamamayan ng nasabing kapuluan; may pag-uugali sila sa pagsasalilta at kakaiba sa atin na naging dahilan sa pagiging huli nila sa: ( kabuhayan/ sibilisasyon/edukasyon/ tradisyon)
19. “Miliminas: Taong 0069”. Ang taong tinutukoy rito ay: (Panahon ng Kastila/ Panahon ng Intsik/ Panahon ng Hapon/ Panahon ng Amerikano)
20. Laganap pa rin hanggang ngayon ang pagkakaroon ng kickback. Nangangahulugan itong: (kitang paumi’t/kitang-kita/dagdag kita/ kayang-kaya)
21. Mik ang tawag sa kanilang pera, kaya kung marami kang mik o kaya’y milyong mik ikaw ay: ( milyonaryo/mikinaryo/makinarya/mimikinaryo)
22. Ang tawag sa mataas na opisyal sa pamahalaan na karaniwang tumatanggap ng suhol sa mga transaksyon ay: (kickback/ under the table/ buwaya/mga illegal)
23. Sa mga pahayag na nakapaloob sa akda, ang di kapani-paniwala ay ang: ( pag-imbento ng tableta na kung iinumin ay magkakaroon ng instant baby/pagpapatungkol ng papuri sa mga ismagler/pagbabatuhan ng maaanghang na salita/pagboto na ang isinusulat sa balota ay din na nila pag-iisipan)
24. Ang “Miliminas” ay isang ________(maikling kuwento/nobela/anekdota/ sanaysay)
25. Sumisimbolo ang “Miliminas 0069” sa: ( isang pamayanan/bagong lipunan/Pilipinas noong unang panahon/ Mga katutubo)
26. Ano kaya ang iyong gagawin kung buhay ka na noong panahon ng Miliminas 0069? (magkaroon ng sariling sistema/ matutong tanggapin ang pamamalakad/ makipagkasundo sa mga pinuno/ manguna sa pagbabago)
27. Pinatunayan sa sanaysay na may: ( pagkakahawig ang pamamalakad noon sa ngayon/ mga katiwalian ding nangyayari noon sa ngayon/pinupuri at binabatikos noon at ngayon/ maaaring ang lahat ng nabanggit)
28.Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan; sila ang magigiting na tumatanggap ng: ( regalo/ batikos/suhol/papuri)
29. Upang umunlad ang mga tao, di sila dapat maging ( tamad/ palaasa/makasarili/ pabaya)
30. Kapag nagkaroon tayo ng pagsulong at pag-unlad tiyak na ikararangal tayo ng ating: (bayan/ magulang/ kababayan/paaralan)
31. Kung kailangan mo ng ilawa pamdekorasyon,ano ang dapat ipakabit? ( light service/blockout service)
32.Sa tunay na buhay ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao sa patay electric? (matawa/maiinis)
33. Ang layunin ng seleksyon ay _______( magpatawa/magbigay-aral).
34. Ano ang Genre ng sanaysay? ( Maikling kwento/Sanaysay).
35. Ano ang teoryang pampanitikan na sinusuri ang teksto? ( realism/romantisismo).
36. Ang Miliminas ay inihalintulad sa bansang___( Indonesia/Pilipinas)
37. Ang pamagat sa akda na Taong 0069 ay nagpapahiwatig na ang pangyayari ay (hinto totoong nagana/taliwas at baligtad sa karaniwan)
38. Ano ang tono ng akda? (nalulumbay/nagpapatawa)
39. Ang patay Electric Company ay sumisimbolo sa serbisyong ( kanais-nais/kainis-inis).
40. Ang nababanaag na katauhan ng awtor ,batay sa tono ng pananalita sa akda ay (mapanlibak,mapaniil at mapanlinlang/mapagbiro,mapang-uyam at maalam).
41. Ilang serbisyo ang ibinigay ng patay electric company? ( dalawa/tatlo)
42. Ang inilahad sa sanaysay ay ( bunga lamang ng isip ng may-akda/totoong nangyari sa ibang bansa).

Ang miliminas ay isang akda na nasa teoryang romantisismo dahil likas na mabuti ang tao, sangkap din sa akda ang kalikasan at ang karanasan ay hindi nakabatay sa katwiran.

Nabasa ko lang to sa aking aklat ng filipino. Bagama't di ko talaga gaanong binubuklat ang filipino book ko, per0 isang napaka interesante ang aking nabasa ito ay tungkol sa miliminas kung saan sa hinaharap ng Pilipinas.

Ang miliminas daw ay binubuo ng 7300 na pulo, at ibang klase ang kanilang pamahalaan, kbaliktaran ng atin. Sa kanila may batas na ipanapatupad.

Unahin muna natin sa kanilang kasuotan: ang kasuotan nila ay katumbas ng "bathing suit" at kinakailangan na hindi masmahaba sa "miniskirt o microminiskirt " kung sasawayin nila iyon mapapatawan sila ng nararapat na parusa.
Pagdating sa kanilang trasportasyon: tinitimbang ang mga pasahero at kung ilan ang timbang nila yun ang kanilang babayaran. oha!

Meron din silang "meralco" per0 sa kanila "Patay electronic company" ang haba no? pero ibang klase ang pamamalakad nito sa kanilang kuryente. May 3 serbisy0 ang patay electronic company, Ang una ay ang "brown out" na nagbibigay ng ilaw kapag di mo kailangan at pag kailangan ay walang ilaw. Pangalawa ang "light service" ito ang kuryenteng nagbibigay pag hindi mo lang kailangan. Pangatlo ang "black out service" para sa pang dekorasyon. (parang wala naman mapagpipilian!)

Syempre di lang yan kung tay0 may "nawasa" sila may "nawasdak" et0 masyadong nakakapang insulto per0 gaya nga ng sinabi ko kabaliktaran nila ang Pilipinas. mer0n din silang 3 serbisyo ang una para sa mayayaman ang "malinis na tubig", Pangalawa ang tubig na para sa mga nagtatrabaho ang "maruming tubig", at ang Panghuli ay ang para sa mga mahihirap na katulad ko ang "libreng tubig".

Kung tayo may SM, Robinson at iba pang mga naglalakihan na mall dit0! sila meron din na tinatawag na "Super black Market", may pinto itong kulay itim kung saan dito binibenta ang mga illegal na bagay tulad ng mga nakaw.. naka exibit pa! dahil nga kabaliktaran yung mga damit n dating itinitinda sa mall sa kanila yun na ang mga nilalako at yung mga sigarilyo, pirated DVD na dating inilalako ngayon naka tiyangge na!! oha san ka pa! xD

Similar Documents

Free Essay

Hamaka Yunit 1 & 2

...Yunit I Aralin I Paalam sa Pagkabata 2 II Miliminas: Taong 0069 3 III PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim 4 IV Panambitan 5 V Babang-Luksa 6 VI Walang Sugat 7 VII Tata Selo 8 Yunit II Aralin I Kay Estella Zeehandelaar 10 II Si Kesa at si Morito 11 III Aanhin Nino ‘Yan? 12 IV Plop! Click! 13 V Tahanan ng Isang Sugarol 14 VI Uhaw ang Tigang na Lupa 15 VII Tatalon 16 Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM:...

Words: 5395 - Pages: 22