...“Jejemon” Ang Jejemon ay isang kaganapan ng pop culture sa Pilipinas na mailalarawan bilang isang pagmamalabis ng fReAk, LOL at pananalitang l33t. Ito ay kamukhang-kamukha sa katapat nitong Polako na tinatawag na Pokemoniaste pismo' (‘Pokemon na panunulat’). Ang mga Jejemon ay inilalarawan ng Talahuluganang Urban bilang ang mga tao na "nakagawa na ibahin ang Wikang Ingles sa punto na hindi na ito nauunawan at mga lipon sa internet. Ang isang Jejemon ay inilalarwan bilang ang isa sa "bagong uri ng mga hipster na nakauri ng kanilang wika ngunit pati na rin ang kanilang pananamit." Ginagaya rin ng mga Jejemon ang mga mala-"gangster" na katangian at kaugalian na nagiging kamukha sila sa mga Ingles chav, Tsileanong flaite, Eskosyanong ned, Irlandng skanger, Rusong gopnik at Australiyano at Bagong Selandang bogan. Etimolohiya Ang salitang "Jejemon" ay sinasabing nagmula sa mga tagagamit ng internet na nagta-type ng "hehehe" bilang "jejeje" marahil dahil ang "jeje" ay nanggaling sa Kastila na ang mga nagsasalita ay ginagamit ang salita bilang pantawa o dahil ang mga titik ng "h" at "j" at katabi ang isa't-isa at ang sinasabing "-mon" ay nanggaling sa Hapnes na anime na Pokémon, na ang "-mon" ay nangangahulugan bilang "halimaw" (monster) at dito nagmula ang mga "jeje monsters" (literal na "mga halimaw na jeje"). Jejenese at Jejebet Ang sosyalekto ng mga Jejemon na tinatawag na Jejenese (magiging literal na Jejenismo sa Wikang Tagalog) ay nanggaling mula sa Ingles, Filipino at ang...
Words: 1053 - Pages: 5
...Kabataang Pilipino Una sa lahat, isang magandang umaga sa inyo, sa aking mga kakalase at sa ating guro na si Gng. Lisa M. Buctuan. Nandito ako ngayon sa inyong harapan upang ipamahagi sa inyo ang aking talumpati tungkol sa “Kabataang Pilipino”. Sa matagal na panahon, iniukit sa ating isipan na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, ito ang walang kamatayang kataga na hango sa ating dkilang bayaning si Dr. Jose Rizal, napakagandang kataga, animo’y isang katagang mula noon pa ma’t magpahanggang ngayon ay humahamon sa bawat katauhan at katatagan ng bawat kabataang Pilipino. Isang inspirasyon para sa mga kabataan upang muling maiahon sa putik ng kahirapan at kahihiyan ang ating Inang Bayan. Ngayong ang bansang Pilipinas ay dumaranas ng matinding krisis, paano nga ba makakatulong ang isang pag-asa ng bayan? Bawat kabataang Pilipino ay dapat may paninindigan at prinsipyong hinahawakan,may pagkakaisa at tungkuling ginagampanan. Hindi dapat tayo mag sa walang kibo na lamang sa isang tabi, habang ating ginagalawan ay puro kaguluhan. Mga kabataan. Panahon na upang buksan ang ating isipan at mga mata sa mga kaganapang nangyayari sa ating bansa. Hindi kinakailangang nakapagtapos muna o marami ang karanasan bago tayo makialam at makatulong sa ating naghihikahos na lipunan. Maging matalino at mapanuri sa bawat aspeto na nangyayari sa ating bansa. Huwag lang kakalimutan ang sama-samang pagkilos. Tayo’y magtulong tulong upang maging tulay at maiahon sa kahirapan ang ating bayan. Kabataan...
Words: 915 - Pages: 4
...I. Kahulugan ng Talumpati Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. II. Mga Bahagi ng Talumpati Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati: 1. Pambungad - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla. 2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati. 3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati. III. A. Mga Uri ng Talumpati Talumpati na Nagpapaliwanag * pagbibigay kaalaman ang hangganan ng talumpating ito. Nag-uulat, naglalarawan, tumatalakay para maintindihan ng tagapakinig ang paksa. Gumagamit ng biswal na kagamitan, ng paghahambing upang higit na maunawaan.may katibayan na katotohanan na pagpapaliwanag nang mabuti sa paksa. * limitado ang mahahalagang puntos na dapat talakayin, sapat lang na matandaan ng kaisipan ng mga tagapakinig...
Words: 2414 - Pages: 10
...Arts in Teaching Filipino sa Philippine Normal University, at PhD in Southeast Asian Studies sa Centro Escolar University; may yunit din sa MA in International Studies, major in European Studies sa DLSU-Manila; board member ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF); convenor ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA); at public information officer ng Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (ACT-Private).) Post-Kumperensyang Introduksyon Tapos na ang Sawikaan 2014. “Selfie” ang itinanghal na pangunahing Salita ng Taon. Pangalawa naman ang “endo.” Pangatlo ang “Filipinas.” Kasama rin sa mga Salita ng Taon 2014 ang mga sumusunod: “PDAF, hashtag, riding in tandem, whistleblower, pagpag, CCTV, imba, bossing, peg, storm surge.” Bakit nga ba nakasama pa sa “Mga Salita ng Taon 2014” ang “ENDO,” samantalang, sabi nga ng isang comment sa isang Facebook page ng isang media firm, “matagal na ‘yang salitang ‘yan.” Narito ang papel na aming iprinisenta sa Sawikaan bilang sagot. Sa layuning mas mapatampok ang kampanyang kontra-ENDO, nakahanda kami na talakayin an gaming papel sa anumang pagtitipon, asembliya, o...
Words: 3765 - Pages: 16
...Ayoko na sanang magkwento tungkol sa pag-ibig. Minsan nakaka-umay na din. Dahil gaya ng lumang mantika na ilang beses na pinagprituhan, maanta na sa panlasa. Sarap magmumog ng atsara. Lahat kasi sa modernong liko ng pakikipagkapwa tao, yun ang sanhi ng kasiyahan o puno’t dulo ng problema. Pero ano pa nga bang pwede kong ibahagi? Ang kagilagilalas na pagtutupi ko ng aking brief at panyo kaninang tanghali? Kung paano ko buong tapang na kinuskos ang kalawang sa patungan ng naghihingalo naming kalan? Bakit kanang kamay ang ginagamit kong panguha ng ulam sa hapag-kainan imbes na kaliwa o di naman kaya ay kutsara? Wala namang matutuwa dun. Mukhang walang palag. Sige. Pag-ibig na nga lang ulit. Sabagay, hindi naman ito kwentong ordinaryo. Sabi nila, isa sa mga advantage ng kababaihan sa mga lalaki ay ang woman’s intuition. Ang matinding kapangyarihan na ibinibigay lamang sa mga may vagina. Kaya siguro karamihan sa mga manghuhula sa Quiapo ay mga babae. At kalimitan, kapag kapwa babae ang nagpapahula ng tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig ay dalawa lang ang posibleng resulta: (a) ‘magkakatuluyan kayo, ikakasal at tatanda ng magkasama’ at (b) ‘may kabit ang kupal na yan’. Pero teka. Para lang ba sa mga lihim na ka-draguhan ng mga lalaki gumagana ang alamat ng woman’s intuition gaya ng spider sense ni Batman? Mali ata yung pagkukumpara. Hindi ba ito applicable sa mga positibong pangyayari gaya ng isang lalaking palihim na may gusto sa isang dalaga na sadyang...
Words: 9733 - Pages: 39
...First Day, First Crush "Hay nako! Anu ba naman tong jeep na nasakyan ko, palagi nalang nahinto. Bawat tao na lang na makitang nag-aantay ng jeep eh hinihintuan! Ba naman... late na ko! O ayan, hihinto nanaman. Susmeo, talaga nga naman oh!" wika ng isang binibini. At isang lalaking estudyante nga ang sumakay. "Anu ba yan ang sikip sikip na nga sige parin si Mamang drayber! Hay ewan kaasar na!" winika muli nito. Ako nga pala si Chloe, isa akong 4th year highschool na transferee. Kakapagtaka noh? 4th year na nagtransfer pa ako. Wala akong magagawa nag-abroad kasi ang nanay ko kaya dito ako sa tiyahin ko nakitira. Ang tatay ko? Ayun, nasa langit kasama ni Papa Jesus. Pasensya na nga pala kayo kung masungit ako, pero hindi talaga ako masungit ah! Uminit lang talaga ulo ko kay Mamang drayber, unang araw kasi ng klase ko at hindi ko pa alam ang pasikot sikot ng eskwelahan namin kaya kailangan ko pang hanapin ang room ko. Eh ayun nga, mukhang malalate tuloy ako. Ay! Andito na pala ako. "Para!" kasabay na pag-para rin ng isang lalaki. Ang dami rin pala ng estudyante nila dito. Hindi na dapat ako magtaka dahil mukhang maganda ang pasilidad ng eskwelahang ito. Habang naglalakad ako papasok ng gate, may isang boses ng lalaki akong narinig na nagsasabing... "Miss na nakaheadband na may butterfly! Hindi pareho medyas mo!" natatawang sinabi nito. Lumingon ako upang hanapin kung sino ang nakaheadband na may butterfly at bigla ko na lamang naalala na yun pala ang suot ko, kaya tinignan...
Words: 33695 - Pages: 135