Free Essay

Pagpaparaya

In:

Submitted By xhie08xhie
Words 1506
Pages 7
Pagpaparaya

SABI NILAKAPAG MAHAL MO ANG ISANG TAO EH MAGPAPARAYA KA OR MAGSASAKRIPISYO KA...PERO BAKIT ANG HIRAP GAWIN ITO?BAKIT MASAKIT SA LOOB?BAKIT HALOS NAKAKABALIW ANG GAWAING ITO?!!!BAKIT HALOS MAUBOS ANG LUHA MO SA KAKAIYAK?

Pagpaparaya. Naihahambing minsan sa pagbitiw at sa pagsuko, pero magkaiba ang kahulugan. Ang pagpaparaya naman kasi ay hindi ibig sabihin na sumusuko ka o isinusuko mo na ang lahat, hindi rin naman ito pagbitiw o binibitawan mo ang taong mahal mo. Sabihin na nating ang pagpaparaya ay yung pinipili mo lang ang tama kasi ‘yun ang dapat mong gawin. Kungbaga, sa loob mo mahal mo pa rin ang taong ‘yun, pero ‘yun nga lang mas pinipili mo ang kasiyahan niya kesa sa kasiyahan mo. Ang pagpaparaya ay hindi pagiging madamot. Bagkus, pagbibigay ito o pamamahagi ng saya sa ibang tao. Pagpaparaya, isang paraan ng pagsasakripisyo sa paraang kahit nasasaktan ka na, ang mahalaga para sa’yo ay ang makita mong masaya ang taong mahal mo. ‘Kung talagang mahal mo siya, maging masaya ka para sa kanya’, gasgas na kasabihan tungkol sa pagpaparaya. Siguro, isa na rin ‘tong paraan ng pagpapakita mo ng totoong pagmamahal mo sa taong ‘yun. Kung sa Bibliya nga may kwento ng pagpaparaya, ano pa ba’t sa totoong buhay pa diba?

Tuklasin ang kwento nina Gabby at Mara…
“Hanggang dito na nga lang siguro tayo, Mara .”
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Mara sa narinig. Halos mabingi siya. Ang totoo’y sa loob-loob niya’y sana nga ay bingi na siya at wala sanang narinig. Pero hindi, dinig na dinig niya ang sinabi ni Gabby at parang nang-aasar pang dinugtungan iyon.
“Baka nga . . . hindi tayo . . . para sa isa’t isa.”
Napatahimik siya pero ang totoo’y kanina pa halos humiyaw at tumili ang kanyang utak at puso.
“Put . . . na… Gabby, ang sakit nito ah!!” – gusto niyang sabihin pero naumid ‘ata ang dila niya.
“Walanghiya ka, bakit bigla bigla ‘ata ‘to?!” – sigaw ng isip niya. Pero bago siya nakapagsalita’y halos isiksik na niya ang sarili sa sulok ng silyang kinauupuan niya. Namumula na siya’t pinagpapawisan. Hindi niya alam ang gagawin – tutungo ba upang itago ang panlulungkot ng kanyang mukha o bahagyang titingala upang pigilin ang pagpatak ng kangina pa nangingilid niyang luha.
“Are you still all right, Mara?
Bahagyang nagulat si Mara, “Ha?”
“Are you all right?” ulit ni Gabby…
Sumandal siya. Tumingin ng diretso sa nangungulimlim na mukha ng kaharap. At tinangkang itago ang sakit na nararamdaman. Nagkunwang parang di naapektuhan sa mga sinasabi ng kausap. Lumunok. At sa ordinaryong pananalita’y nagtanong, “Meron ka na bang iba?
“Wala. Ikaw pa rin. Kaya lang, mas mahalaga pa ‘ata sa iyo ang mga . . .”
Alam na ni Mara ang mga iyon kahit hindi tinapos ni Gabby ang sinasabi. Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong panunumbat. Ang mga nakaraang boyfriend niya, ‘pag natutong kwestyunin ang mga involvements niya, bine-break niya agad. Pero ngayon di niya inaasahan. Naunahan siya. “Ang sakit . . . ang sakit pala . . .” bulong niya sa sarili.
Katahimikan.
Nakakabibinging katahimikan.
Nakatitig pa rin si Mara kay Benjie na bahagyang nakayuko ngunit parang di natitinag sa pagkakaupo. At sa mukhang iyon ng lalaki’y parang tulad sa korning pelikula’y bumalik sa isip niya ang ilang pangyayari sa loob ng mahigit sa isang taong pagkakalapit nila ni Gabby . . .
“Put . . . na nila!”
“Ano ka ba naman, Mara . Masyado kang nagpapaapekto sa mga balita diyan sa dyaryo ah!” may halong pagkairita ang tono ni Gabby sa sinabi.
“Wala ka na bang ibang masusuot na damit?” Hindi naman sa hindi bagay kay Mara ang suot niyang pulang t-shirt, kupas na maong at sandals. Kaya lang, nagmumukha nga namang tomboy o lalaki si Mara . At ayaw ni Gabby ng gano’n. Ang gusto niya sa babae, ‘yung kung tingnan mo’y babaeng-babae.
“Sasama ka ba sa rali bukas para i-repeal ang ED ACT 88?” alanganing tanong ni Mara.
“May klase ako eh.”
“Ako rin naman ah!”
At parang nagpanting si Gabby . Halos mapasigaw, “Yan nga ang problema sa iyo eh. Napapabayaan mo na ang pag-aaral mo dahil d’yan sa mga rali’t kung anu-anong lakad mo!
“Kitang-kita ko, Gabby . Tahimik lang ang mga manggagawa kangina sa piket. Handa nga silang makipagdayalogo sa mga pulis at sa management eh. Pero bigla na lang silang pinagpapalo, pinag-papaputukan at pinagsisingawan ng mga teargas. May isa ngang nasaktan eh. Nadaanan ng maraming tao.
“Galing ka r’on? Paano kung nasaktan ka?” magkahalong pag-aalala at pagbabawal ang tono ng pananalita ni Gabby .
“Pwede ba Mara, sa ibang kainan naman tayo kumain. Sawang-sawa na ‘ko rito eh. Subukan mo namang mag – Mc Donald kahit minsan.”
“Hindi ako interesado d’yan sa kwento mo tungkol sa mga magsasakang iyan. Problema nila iyan. Marami naman tayong pwedeng pag-usapan ah.
Wala na bang ibang lalabas d’yan sa bibig mo kungdi ismo-ismo?!”
“Ano naman ba ‘yang ipinamudmod mong leaflets?”
Marami na. Marami pa. Sali-salimuot na ang mga alaalang pumasok-lumagos sa isipan niya. Mga pangyayaring noo’y tinatawanan lamang niya – pinapalagpas. Idagdag pa ang madalas na pagtatalo tungkol sa kasal, pag-aasawa, pag-papamilya, pagtatrabaho at iba pa. ilang beses na nga ba niyang pilit ipinaunawa kay Gabby na hindi pag-aasawa’t pagiging ina ang lahat-lahat sa kanya. Na may gusto pa siyang maging bukod sa maging asawa at maging ina. Na may pangarap pa siyang maghanap-buhay. Na di na niya maiiwan ang pakikibakang nasimulan niya. Na siya ay babae . . . ibang babae! Sa mga ganito nilang diskusyon, kailan ma’y hindi nagpatalo ang isa’t isa. Hindi na lang sila nag-iimikan. Ngunit may sasariwa pa ba sa pangyayaring kangi-kangina lamang kagaganap . .
“May usapan tayo kanina ah. Lalabas sana tayo, di ba?” pagdaramdam ni Gabby .
“Sorry, Gabby . . nakalimutan ko.”
Napasigaw na, “Paanong hindi mo malilimutan eh nandoon ka sa labas ng kampus at nagsisigaw ng kung anu-ano!”
Rali ‘yung tinutukoy ni Gabby . Rali para tutulan ang pananatili ng mga Base Militar at Armas Nukleyar ng mga Kano rito sa Pilipinas. Sumama si Mara . Hindi naman talaga niya nakalimutan ang usapan nila ni Gabby . Pakiramdam lang niya, mas mahalaga ang rali ngayon kaysa sa usapan nila. Oo, napahiya siya kay Gabby . Pero hindi siya na-guilty. Dahil hanggang sa mga sandaling ito, naniniwala pa rin siyang mas tama ang ginawa niya. Pero ang bunga ay masakit. At ngayo’y higit na makirot na ang puso niya sa mga huling pangungusap ni Gabby…
“I’m sorry, Mara . Anyway, we could still be friends . . . again.”
FRIENDS . . . dito ba hahantong ang relasyong mahigit sa isang taon nilang pinuhunanan? Aminado si Mara , hindi niya ito pinabayaan. Ang totoo, sa limang naging boyfriend ni Mara , si Gabby ang pinakamahal niya. Kaya nga hindi niya nagawang kalasan ito noong una pa mang pagbawalan siya nito sa kanyang mga gawain. Mahal niya si gabby . Mahal na mahal. Pero mahal din niya ang kanyang mga paninindigan, paniniwala at pakikibaka sapagkat iyon siya. Si Mara at ang kanyang paniniwala ay iisa.

Pinisil nang mahigpit ni Gabby ang Palad ni Mara at walang imik na tinungo ang pinto ng canteen papalabas hanggang sa maglaho ang lalaki sa kanyang paningin. Napayuko si Maraa at ganap ng umagos ang luha sa kanyang mukha.
Ngunit matatag si Maraa. Babae nga . . . ngunit iba! Mayamaya lang ay pupunasan na niya ang luha niya’t tatayong parang walang nangyari. Kahit mas masakit ngayon ang pakikipaghiwalay niya’y ganap pa rin ang pagyakap niya sa paninindigan niya. Hinding –hindi niya makakalimutan ang araw na ito.
Mamaya, aalis siyang hindi nagtataka o nanghihinayang na hindi niya pinigilan si Gabby sa pag-alis kanina. Mapagpalaya siya . . . kahit sa pag-ibig. Hindi ‘man niya sabihin pero sa pakiramdam niya ay parang nag-iisa na lamang siya.
“Elnihaya!”
Kung ako ang tatanungin niyo, ilang beses na rin akong nagsakripisyo, sa madaling salita, nagparaya. Hindi ko pinili o inisip ang sarili ko, mas mahalaga sa akin na maging masaya ang ibang tao. Oo nga’t mahirap sa umpisa, pero in time masasanay ka rin, matatanggap mo kungbaga. Para sa akin kasi, ang pagpaparaya ay nagpapatunay ng talagang pagmamahal mo sa isang tao. Ikaw ba naman, mas piliin mo ang kasiyahan niya kesa sa’yo diba? May isang kwento akong nabasa noon, may ganitong scenario, pero isang linya ang pumukaw sa atensyon ko, ‘Gusto kong maging masaya ka, kahit hindi ako parte ng kasiyahan na ‘yun.’ Naiyak ako sa totoo lang, ganito kasi ako kapag nakakarelate ako ng todo sa isang kwento. Masakit kasi naaalala ko yung mga panahong pinalampas ko na minsan pwede naman akong maging masaya. Sa totoo lang, minsan sinasabi ko sa sarili ko, ‘Sana ako naman, kahit ngayon lang. Gusto ko lang maging MASAYA.’ Pero ‘pag andyan na yung moment na ‘yun at alam mong pwede kang makasakit ng iba, minsan mas pinipili kong ako na lang yung masaktan kesa siya. Pagpaparaya, isang paraan ng pagpapatunay ng totoong pagmamahal mo sa isang tao. Na kahit sarili mong kasiyahan, isasakripisyo mo makita mo lang na masaya siya, kahit alam mo sa sarili mong hindi kanya kasama. Pagpapatunay na malakas ka, na kahit alam mong wala siya, ang mahalaga hindi ka nakasakit ng iba…

Similar Documents

Free Essay

Aldub Phenomenon

...Ang “ AlDub Phenomenon”ayon sa pananaw ng mga mamayan ng baranggay 409 Lergada, Manila. Pinunong Pangkat Kenneth Angelo Reyes Miyembro ng Pangkat Christian Amoguis Mary Edelyn DeLeon Marilyn Asay Jeffrey Colio Milfried Samuel Garcia Ezra Jay Polentisiya Enrico Romero Beatriz Porsuelo Bernal Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran Nito A. Panimula Iba’t – ibang mga telenobela at noontime show ang napanood na natin at tinangkilik. Dahil likas sa ating mga Pilipino ang manood ng mga palabas bilang panlibang o pampalipas ng oras, hindi maiwasang naihahambing natin ang ating karanasan sa mga bida o mga tauhan sa telenobelang palabas na ating napanood. Isa sa mga tinangkilik ng mga Pilipino hindi lang sa Pilipinas pati narin sa ibat-ibang panig ng mundo, ay ang Kalyeserye na AlDub sa noontime show na Eat Bulaga sa Estasyon ng GMA na pinagbibidahan ni Alden Richards bilang Alden at Maine Mendoza bilang Yaya Dub. Kinabibilangan din ito nila Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Balesteros bilang mga Supporting character sa serye. Nakilala si Alden Richards sa mga kanyang ginampan ang karakter bilang Jose Rizal sa Teleseryeng “Illustrado” at Pelikulang “The Road”. sa GMA Network bago maging co-host sa Eat Bulaga sa Segment na “That’s My Bae.” Samantalang si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub ay nagsimula bilang isang “Dubsmash Queen”. Dahil sa dami nitong Dubsmash na ini-upload sa kanyang Facebook account na naging basehan ng kanyang karakter na Yaya Dub sa...

Words: 1159 - Pages: 5

Free Essay

Baka Sakali

...Baka Sakali Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Kapag sigrado kang mahal mo, ibibigay mo ang lahat kahit di mo alam kung may maibabalik pa ba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan , pero luhaan ang mga sumusugal at natalo. Pero gayunpaman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami pa ring umiibig, marami pa ring sumusugal. Dahil… Baka Sakali… Baka Sakali “Mahal kita, gusto mo ko pero… mahal mo siya” Hanggang saan ang kaya mo para ipaglaban ang isang pag-ibig na sa simula pa lang, alam mong wala ng pag-asa? Handa mo bang isugal ang iyong puso, ang pag-ibig mo kahit alam mong sa huli, matatalo ka, masasaktan at uuwing luhaan? Ako nga pala si Elise-,maganda, mayaman,mabait, at matalino. Lahat ng gusto ko nakukuha ko maliban nalang siya. Lahat ng tao nakikita ako. Di ko na kailangang magpapansin at magpakilala. Kilala at pansin na nila ako. Pero may isang taong kahit anong gawin ko, wala pa rin. Siya si Kenli, ang lalaking matagal ko ng kinahuhumalingan. Gwapo,matangkad, mayaman at basketbolista sa eskwelahan. Lahat ng laban niya ay di ko pinapalampas. Ginagawa ko ang lahat para lang mapanood ito. Naging stalker niya din ako. Inalam ko lahat ng tungkol sa kanya pati sa pamilya niya. Si Maxine, kaibigan ko at ang babaeng pinakamamahal ni Kenli. Maganda, maputi, matangkad, simple,at mabait. Namatay siya dahil sa isang aksidente. Patay na siya pero hanggang ngayon, buhay pa rin ang alaala niya sa puso’t isipan ni Kenli. Mahal pa...

Words: 1668 - Pages: 7

Free Essay

Mga Tula

...1.Humanismo at Ideyalismo LUHA RUFINO ALEJANDRO I Walang unang pagsisi,ito'y laging huli Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin! II Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay "Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay, ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan." III Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag, Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap IV Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay. Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan! V Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi; tumangis s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagit Iluha ang aking palad na napakaapi! VI Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay; Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan, Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan! 2. Pagsusuri sa pormalismo Sa Aking Bayan Simon A. Mercado 1 Kumislap...

Words: 13887 - Pages: 56