Free Essay

Pagplano Ng Pamilya at Pagkontrol Sa Panganganak

In:

Submitted By wendyclaire
Words 841
Pages 4
Pagplano ng Pamilya at Pagkontrol sa Panganganak
Wendy Claire D. Wenceslao
Sinasabing ang pagpasok sa buhay pagpapamilya ay hindi basta-basta. Ayon nga sa mga nakakatanda “hindi ito pagkaing basta nasubo na ay bigla mong na lang idudura dahil mainit.” Kinakailangan ng maayos na pagpaplano ng sa ganoon ay maiwasan ang mga suliranin na nakakaapekto sa bawat miyembro. Isa sa mga dapat isa-alang alang ay ang balak o nais na bilang ng magiging anak. Iilan sa mga mag-asawa ngayon ay mas pinipiling maging praktikal. Para sa kanila, ang pagkakararoon ng isa o dalawang anak ay mainam upang mas matugunan nila ang mga pangangailangan ng mga ito lalong-lalo na sa finansyal. Para naman sa iba, ang pagkakaroon ng malaking pamilya ay walang katumbas na kaligayahan. Subalit, kung titingnan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa gutom, kawalan ng edukasyon, masikip na tirahan, malaking populasyon, minordeng kabataang nagbabanat ng buto at kahirapan ang mga sumasalamin dito. Pamilya ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng lipunan. Sa madaling sabi, kung ano ang kalagayan ng pamilyang Pilipino siya ring nagiging anyo ng bansang Pilipinas. May mahalagang papel na ginagampanan ang pagpaplano sa paghubog ng matiwasay at produktibong pamilya. Ibig ipakahulugan nito na pinaplano at binibigyang halaga mo ang kinabukasan ng iyong pamilya.
Ang family planning ay ang pagkakaroon ng ninanais na bilang ng mga anak. Iilan sa mga basehan nito ay ang relihiyon at paniniwala ng mag-asawa at ang kakayahang maibigay ang pangangilangan ng pamilya gaya ng pagkain, damit, tirahan, edukasyon, emosyonal na aspeto at iba pa. Ito ay ang pag-aagwat ng tama o ang tatlo hanggang limang taong hustong pagitan sa bawat anak. Kinakailangan na ang ina ay magdadalang tao sa edad na hindi baba sa 18 gulang para maging tiyak at ligtas ang kanyang pagbubuntis. Ang sunod-sunod na panganganak ay maaring humantong sa abnormalidad ng bata at posibleng ikamatay nito. Kadalasan sa mga mag asawa ay naniniwala na mas mabuti ang agarang pagkakaroon ng mga anak habang ang ina ay bata pa sapagkat kaya pa ng kanyang katawan ang pagdadalang tao. Ngunit, ang ganitong persepsyon ay tinuturing na mali sapagkat ang sunod-sunod na pagbubuntis ay delikado para sa ina sa kahit anong gulang. Ang family planning ay paggamit ng ligtas, mabisa at maaasahang mga paraan na dumaan sa masusing pag-aaral upang maging epektibo.
Layunin ng pagpaplano ng pamilya ang kabutihang dulot sa bawat miyembro ng pamilya. Sa ina na syang nagdadala ng sanggol sa kanyang sinapupunan sa 9 na buwan, pinababalik nito ang lakas at pagbuti ng kanyang kalusugan. Ito din ay nagbibigay ng sapat na panahon para mas mabigayan niya ng sapat na atensyon ang anak, bana at ang kanyang sarili. Sa pamamagitan nito natutuunan niya ng maayos na pag-aalaga at pagpapalaki ang mga anak.
May mabuti ring epekto ang family planning sa ama. Una, nagbibigay ito ng ginhawa sa kabuhayan. Kung tama ang agwat sa kanyang mga anak nagkakaroon siya ng sapat na panahon na timbangin ang kanyang responsibilidad at pagpaplano sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Gaya ng ina mas mabigyan niya ng pansin ang anak, asawa at sarili. Kung naayon ang dami ng kanyang anak, mas malaki ang posibilidad na maka -ipon siya para kanyang pamilya. Higit sa lahat, nagiging mas magaan ang resposibilidad na papasanin.
Bawat bata ay may karapatan na dapat tugunan ng mga magulang. Sa mga anak, mas maalagaan, masustentuhan ang kanilang pangangilangan, at mabigyan ng sapat na edukasyon. Kapag sunod-sunod, nagkakaroon ng kompetisyon sa atensyon ng magulang na nag-reresulta sa hindi pagkaka unawaan.
Maginhawang pamumuhay, sapat na panahon para sa isa’t isa at matugunan ang pangangailangan ay ang mga kabutihang dulot ng family planning para sa buong pamilya.
Hindi ikinakaila na iilan sa mga mag-asawa ay nagkakaroon ng pag aalinlangan sa pagpaplano ng pamilya. Iba sa mga ito ay nagkakaroon ng maling pag-unawa sa kung ano talaga ang family planning.
Ang mga katotohan tungkol sa family planning ay;ito ay ligtas, mabisa at maasahan at hindi ito aborsiyon. Ang aborsiyon ay ang pagtigil sa pagbubuntis; ang family planning ay mga pamamaraan upang maiwasan ang pagdadalang-tao ng babae. Kung hindi buntis walang aborsyon na magaganap. Nakakatulong ito sa pagbuti ng relasyong sekswal ng mag-asawa dahil nawawala ang pangamba sa di-planadong pagbubuntis. Ito ay maraming paraang pansamantala na maaaring itigil anumang oras gaya ng pills, condom, at Intrauterine device (IUD) na murang mabibili sa botika at ilan pa sa mga paraan nito ay nakukuha ng libre sa mga RHUs o health centers at mayroong ring impormasyon at serbisyo sa family planning sa mga pribadong klinika at ospital.
Ilan sa mga ina ay namamatay dahil sa hindi planadong pagbubuntis at maraming sanggol ang hindi nabibigyang pagmasdan ang mundo. Sa panahon ngayon maraming magulang ang hindi napapanagutan ang mga karapatan ng kanilang mga anak. Sa pamamagitan ng pagplano ng iyong pamilya pinaplano mo hindi lamang ang inyong kinbukasan pati rin ang susunod na salinlahi kinakailangan ang kahandaan hindi lamang sa pisikal kundi pati rin sa finansyal, mental, emosyonal, spiritwal at lahat ng aspeto sa buhay.

Similar Documents