...Bote ng Pag-asa Naglalakbay na ang tao sa kalawakan. Milyong milya ang iniabante ng sibilisasyon mula nang gumagala pa ang mga sinaunang tao sa kagubatan para sa kanyang pagkain. Pero kung titingnan ang paghihikahos ng mayorya ng populasyon, parang hindi umusad, kahit isang pulgada, ang kalidad ng buhay. Sa mundong ating ginagalawan, iba-iba ang nakikita natin sa araw-araw. Maraming pagbabago ang ating naranasan at ilan sa mga ito ang nagpapatibay sa anumang meron tayo. Ang bawat minuto ay nagiging oras…ang oras ay nagiging isang araw hanggang sa dumating ang isang linggo. Isang linggong maaring magbigay saya sa’yo o hindi kaya’y isang linggong puno ng pagsubok at kahirapan. Pero sa kabila ng mga ito ay nangingibabaw pa rin ang tibay ng ating loob pagdating sa pagsubok, lalong lalo na ang mga Pilipino. Kilala ang mga Pilipino sa kanilang “tibay ng loob”. Matiisin…Hindi bumibigay sa panahon ng pagsubok. Higit sa buong buhay na ang tibay ng loob ng lolang si Narcisa Povadora, 68, nangangalakal ng bote at plastic para sa ikabubuhay niya. May siyam siyang anak ngunit halos lahat ng ito ay nagsipag-asawa na at hindi na siya sinusuportahan ng mga ito. Sa isang barung-barung na gawa sa kahoy ay masaya siyang naninirahan kasama niya sa bahay nila ang kanyang asawa na nahihirapan na rin sa paglalakad at ang kanyang apo na bata pa lamang ay iniwan na ng kanyang anak sa kanya. Makikita mo sa bahay na hindi ubod ng ganda at halos na laman doon ay mga bote, plastic at kahit mga...
Words: 827 - Pages: 4
...mga kuko na nagsisilbing may liwanag o batay sa karanasan at pangyayari nito. Batay sa obserbasyon ng taga pagsuri ang sa mga kuko o ang kuko ay nangangahulugang karahasan. Karahasan na nararanasan ng isang probinsyano sa lugsod o syudad at ang liwanag naman ay nangangahulugang pag-asa o kalayaan ng isang tao. Pag-asa na may magandang buhay o may bagong buhay na maihahatid ang syudad, Kalayaan na mabuhay ng mapayapa saan manglugar. Maraming iba’t- ibang maiisip sa tuwing maririnig ang kakaibang pamapagat ng may akda. Hindi masasabi kung ano nga ba talaga ang tunay na pahiwatig nitong pamagat na ito ngunit ayon sa taga pagsuri ito ay hango sa karanasan ng isang tao at may hatid na mensahe na ang bawat tao ay may mga sariling karanasan, may maganda at hindi mabuting karanasan ngunit kahit anong pagsubok o karanasan man ang dumating ay may liwanag paring mararating. Tagpuan: Ang tagpuan ay sa Maynila na kung saan dito umiikot ang kwento. Dito nagsimula ang kwento at lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa nobelang “Sa mga Kuko ng Liwang.” Batay sa pagsusuri ng kritiko dito ginanap ang buong kwento sapagkat dito maaring maranasan ng isang tao o ng isang probinsyano ang anumang mga pagsubok sa buhay sapagkat ang Maynila ay isang syudad na may iba’t-ibang klase ng taong maaring makasalamuha at may ibang klase ng lipunang kinagagalawan ito. IV Pananalig Pampanitikan/ Mga Teorya Ayon sa pagsusuri ng kritiko ay ang mga teoryang pampanitikan ay hinihinalaang...
Words: 4058 - Pages: 17
...Pangkaasalan- Para sa akin, may mga katangian at ginawa si Kabesang Tales na maaari nating tularan. Tulad ng kanyang pagtitimpi, dapat alamin at isipin muna nating mabuti an gating gagawin. Basilio Si Basilio ay nag-aral ng medisina sa Ateneo Municipal sa tulong ni Kapitan Tiago. Ito ang dahilan kaya hindi siya naniniwala sa mga pamahiin. Siya ay matalino, matiisin at mapagmahal sa bayan. Siya rin ay mapangalaga lalo na sa kanyang ina na si Sisa. Bisang Pamdamdamin- Humahanga ako kay Basilio sapagkat sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari sa kanyang buhay ay nagawa pa rin niyang maging positibo at tulungan ang bayan. Bisang Pangkaisipan- Natutunan ko mula kay Basilio na dapat tayong maging maparaan and huwag mawawalan ng pag-asa. Maraming pagsubok ang buhay at hindi natind ito matatakasan, kailangan ay harapin natin ang mga ito na mayroong buong tapang. Bisang Pangkaasalan- Sa tingin ko ay dapat tularan si Basilio, lalo na ng kabataang Pilipino. Nagtataglay siya ng mga angking katangian na makapgpapaunlad sa buhay ng bawat isa. Para sa akin siya’y huwarang kabataan at mahahalintulad sa ating Pambansang bayani na si Dr. Jose...
Words: 297 - Pages: 2
...Edukasyon ( Talumpati) Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng mga kabataan. Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan an gating pag- uusapan ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko. Mga kabataang magiging susi upang umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na magiging daan sa pagbabagong ating inaasam. Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag- unlad ng agham sa ating lipunan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay. Katulad ng cellphone at computer. Mga makabagong bagay na makagpapadali n gating pamumuhay…lalung lalo na ng mga kabataan. Kahit saang dako ka man ngayon tumingin,marami ng mga internet café ang nagkalat. Iba’t ibang model na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat tayong mga nag- aaral sa pribadong paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito ba ay ginagamit natin sa tamang paraan? Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag- aaral. Katulad sa mga pananaliksik…hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo..encode mo lang ang topikong hinahanap mo…mag-antay ka lang ng ilang segundo...
Words: 706 - Pages: 3
...HESUS: Ang Aking “Superman” Napakaraming nangyayari sa mundo. Kung iisipin, hindi ito ikauunlad o ikabubuti ninoman. Maraming pighati at puno ng kalungkutan. Maraming pamilya ang nasisira,maraming puso ang nasusugatan at maraming tiyan ang nagugutom. Hindi maikakaila na kaliwa’t kanan ang mga pangyayaring ito. Mabuti na lang at mayroon akong superman, walang iba kundi si Hesus. Siya ang sumasagip sa akin, sa mga oras na nawawalan ako ng pag-asa, kapag ako ay balisa. Marami man akong problema lalo na sa pamilya, hindi Niya ako iniiwan, palagi Niyang inaabot ang kanyang mapagmahal at matulungin na mga kamay, na lubos ko namang kailangan. Siya man si superman parasa akin, masmarami pa Siyang kayang gawin. Lubos ang aking pasasalamat dahil nakilala ko ang Hesus. Siya ang nagbibigay liwanang sa madilim kong buhay. Nag-uukit ng ngiti sa aking mukha kung marami akong iniisip. Pumapawi ng luhang umaagos sa aking mga mata. Kailanman ay hindi niya ako binibigo. Alam kong maraming pagsubok ang buhay. Binibigyan tayo ng Diyos ng mga problema’t dalahin upang tayo’y patatagin. Naniniwala akong hindi ito ipagkakaloob kung hindi natin kakayanin. Ngunit hindi ko maiiwasann ang katotohanang ako’y tao lamang, nadudurog, nasasaktan at napapagod din, kung kayat kapag gusto ko nang sumuko at umiyak na lamang sa isang sulok, humihingi ako ng tulong sa Panginoong Hesus. Idinadalangin ko lahat ng hinanaing ko sa buhay. Si Hesus ang tunay na nagbibigay ng inspirasyon sa aking buhay. Palagi kong tinatanong...
Words: 383 - Pages: 2
...makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at matutong lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon lamang ang tangi nilang maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon daw ang pamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman. Isang sanaysay sa Filipino Ang Kahalagahan ng Edukasyon (Tagalog na Sanaysay) Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang...
Words: 765 - Pages: 4
... Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong maylupa. Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan. Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao. Pagpapahalaga Ang panalangin ay mabisang paraan sa matapos ang giyera o ano mang hindi pagkakaunawaan sa panig ng dalawang taong nagtatalo. Sa lahat ng problema o sitwasyon ay mayroong solusyon. Kahit gaano pa man ito kahirap mayroon pa ring pag-asa at mga taong may mabubuting loob na tutulong. Hindi kailangan na ang buhay dito sa mundo ay hindi pantay. May mga mayayaman, may mga mahihirap. Ngunit ang pagsubok ng buhay ay walang pinipili, kahit sino ka man presidente ka man ng bansa o ordinaryong tagapagbenta ng popcorn sa daan Hindi pwedeng wala kang pagdaanang pagsubok sa buhay kaya isa-isip natin na normal lang ang mga ganitong bagay sa mundong ating ginagalawan. Nararapat...
Words: 3453 - Pages: 14
...Mga Munting PAPEL SA PAGSUSURI NG PELIKULANG “MGA MUNTING TINIG” Sinuri nina: Daniel Louis Camaquin Ram Adolf Del Mundo Carlo Miguel Hernandez Nigel Salazar Mariel Afurong Joanne Frances Bronola Andrea Pauline Dimaculangan Larissa Grace Kaibigan Angelica Moncada Antas 10 ng LS 302 (Taon: 2012-2013) Para kay: Gng. Del Beltran Guro sa Filipino 10 I. INTRODUKSYON A. Pamagat at Tema ng Pelikula Ang “Mga Munting Tinig o Small Voices” ay isang pelikulang Tagalog na naghahatid ng napakagandang mensahe, aral, at paksa sa mga mambabasa. Ito ay nagpapahiwatig na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay sa buhay ng isang tao. Nagpapahiwatig ito na kahit mahirap, may karapatan pa rin ang mga taong mangarap. Lahat tayo ay binigyan ng kalayaan upang ating maisagawa ang lahat ng ating kagustuhan tulad ng mangarap. Ang bawat isa, saan mang panig ng mundo, ay may karapatang mangarap sapagkat tayo ay binayayaan ng kaniya-kaniyang talino at talento na dapat gamitin. Ang “Mga Munting Tinig” ay napapanood ng ibat-ibang kritiko at walang nagsabing di nila ito nagustuhan. Sa kasalukuyan, patuloy itong lumalaban upang magbigay inspirasyon sa tao habang natatamo nito ang tugatog ng tagumpay. B. Pagpapakilala sa Direksyon, Manunulat ng Iskrip, Mga Artistang Nagsiganap, Kumpanyang Gumawa ng Pelikula, Uri ng Pelikula Ang pelikulang “Mga Muniting Tinig o Small Voices” ay idinirehe ni Gil Portes. Siya rin mismo ang nagsulat nito kasama sina Adolfo...
Words: 3782 - Pages: 16
...kurso sa kolehiyo KABANATA 1 Sanligan ng Pag-aaral Panimula Ang edukasyon ay importante sa bawat isa sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao. Ito ang ating sandata upang magkaroon ng maganda at simple na pamumuhay. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bansa. Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabuksan ng estudyante. Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang estudyante na magtatapos sa sekondarya ay ang pagpili sa kung anong kurso ang nais niyang tahakin o kunin sa kolehiyo sapagkta ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharap na pamumuhay. Sa artikulo nina Rodman Webb at Robert Sherman (1989), kanilang binahagi na ang salitang career ay maaaring tumukoy sa isang linya ng trabaho o kurso ng propesyunal na buhay ng isang indibidwal. Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagpaintindi sa atin na ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-isipan ng mabuti. Sa pahayag ni Abeliade (1995), kanyang inisaad na ang pinansyal na kasiguraduhan ay isang mahalagang salik sa pagpili ng kurso. Hindi rin alintana ang malaking ginagampanan sa pagdedesisyon ng mga taong nakapaligid sa mga magsisipagtapos ng hayskul. Sa panahon ng mga kabataan ngayon higit na naipapakita ng mga magulang ang kanilang pag-aalala sa pwedeng mangyare sa kanilang mga...
Words: 1275 - Pages: 6
...PAPEL SA PAGSUSURI NG PELIKULANG “MGA MUNTING TINIG” Sinuri nina: Daniel Louis Camaquin Ram Adolf Del Mundo Carlo Miguel Hernandez Nigel Salazar Mariel Afurong Joanne Frances Bronola Andrea Pauline Dimaculangan Larissa Grace Kaibigan Angelica Moncada Antas 10 ng LS 302 (Taon: 2012-2013) Para kay: Gng. Del Beltran Guro sa Filipino 10 I. INTRODUKSYON A. Pamagat at Tema ng Pelikula Ang “Mga Munting Tinig o Small Voices” ay isang pelikulang Tagalog na naghahatid ng napakagandang mensahe, aral, at paksa sa mga mambabasa. Ito ay nagpapahiwatig na ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay sa buhay ng isang tao. Nagpapahiwatig ito na kahit mahirap, may karapatan pa rin ang mga taong mangarap. Lahat tayo ay binigyan ng kalayaan upang ating maisagawa ang lahat ng ating kagustuhan tulad ng mangarap. Ang bawat isa, saan mang panig ng mundo, ay may karapatang mangarap sapagkat tayo ay binayayaan ng kaniya-kaniyang talino at talento na dapat gamitin. Ang “Mga Munting Tinig” ay napapanood ng ibat-ibang kritiko at walang nagsabing di nila ito nagustuhan. Sa kasalukuyan, patuloy itong lumalaban upang magbigay inspirasyon sa tao habang natatamo nito ang tugatog ng tagumpay. B. Pagpapakilala sa Direksyon, Manunulat ng Iskrip, Mga Artistang Nagsiganap, Kumpanyang Gumawa ng Pelikula, Uri ng Pelikula Ang pelikulang “Mga Muniting Tinig o Small Voices” ay idinirehe ni Gil Portes. Siya rin mismo ang nagsulat nito kasama sina Adolfo Alix, Jr. at Senedy...
Words: 3780 - Pages: 16
...mabuting bata. PAALALA Naririto ang mga tagubilin upang mabatid mo ang mga nilalaman ng modyul na ito. 1.Basahin at pag-aralan ang modyul na ito. 2.Huwag susulatan at iwasang mapilas ang pahina 3.Panatilihin ang kalinisan ng pahina hanggang matapos ka ditto 4.Maging matiyaga at hindi magsawa sa mga gawaing inihanda para sa iyo. 5.Kailangang basahin mo nang may pang-unawa upang maging maayos ang pagsagot sa mga katanungan 6.Kailangang nakahanda kang may nakahanda kang malinis na sagutang papel sapagkat doon mo Ilalagay ang iyong sagot 7.Kung mahihirapan ka sa paksa mamari kang magtanong sa iyong guro 8.Pagkatapos sagutin ang mga pagsasanay pwede mo nang iwasto ang pagsasanay 9.Inaasahan kong magiging tapat ka sa itong sariling kakayahan PANUTO Kaibigan ,pagtunghay mo ngsa araling ito, kinakailanagan basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto. 1.Basahin at pagtuunan ng pansin ang kabuuan ng binasang kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere 2.Pansinin ang mga nagging suliraning nakaharap ni Basilio sa kabanata 3.Bigyang pansin din ang iyong nararamdaman pagkatapos basahin ang kabanata I.Layunin: A.Naibibigay ang sanhi at bunga batay sa naganap na insidente sa kabanata B.Naipapaliwanag ang mga suliraning nakaharap ni Basilio sa pagsita ng gwardya sibil KAHANDAANG -ASAL Ang lahat ay nagiging posible kapag may pag-ibig na namamayani...
Words: 8475 - Pages: 34
...________________________ _______________________ Prof. Elna R. Lopez,MA Prof. Emily Linatoc Member Member __________________________ Prof. Queencita M. Realingo Gramaryan Sinang-ayunan at tinanggap bilang bahagi ng gawaing kailangan para sa pagtatamo ng titulong Batsilyer sa Agham ng Sikolohiya. _________________________ Dr. Amada Banaag Dekana, Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham TALAAN NG NILALAMAN Abstrak Panimula Layunin ng Pag – aaral Kaugnay na Literatura Isinusulong na Teorya Metodo Disenyo ng Pananaliksik Kalahok Panukat Pamamaraan Pag – aanalisa ng Datos Resulta at Diskusyon Konklusyon Rekomendasyon Talasanggunian...
Words: 10575 - Pages: 43
...Noong Unang Panahon, Sa sinaunang Gresya, ay merong isang bata na makulit at palagi niyang pangarap na makasama sa kaniyang ama sa kaharian ng mga diyos at diyosa sa bundok ng Olympus. Siya ay si Ilios na ibig sabihan sa griyego ay “Araw” , ngunit siya ay kalahating diyos at ang kanyang ina ay tao lamang. Dahil ang kanyang ama ay isang Diyos at palaging wala sa tabi ang kanyang ama, kaya ang kanyang ina lamang ay nagpapalaki sa kanya sa isang maliit na bahay sa isang isla ng Delos. Isang araw habang naglalaba ang kanyang ina merong mga kawal na mula sa Kaharian ng Athens na paparating sa bahay ng mag-ina, sinigawan ng kanyang ina na pumasok sa bahay mula sa pangangaso ang labin limang taong gulang na si Ilios at maghintay sa mga kawal. Isang kapitan ng mga kawal ay lumapit sa mag-ina at sinabing ,“Ako ay si Kapitan Runo ang ika tatlumpong tatlong sandtahang lakas na mula sa kaharian ng Athens at kailangan namin ang iyong anak na makasama sa lakbay papunta sa ilog ng Styx upang kunin ang nawawalang kaluluwa ng aming prinsipe”. sabi ng ina ni Ilios .“ Bakit kailangan niyo ang aking anak sa inyong mapanganib na paglalakbay, labin limang taong gulang lamang siya at walang ka ano-anong alam sa pagdidigma?”. sabi ni Kapitan Runo . “ Narinig namin na ang iyong anak ay anak rin ng diyos ng araw na si Apollo at kailangan namin ang tulong ng diyos ng araw upang kami ay may panglaban sa lugar ng kadiliman.” Sabi ng ina, “Sabihin niyo ang diyos ng araw ninyo na tumulong sa inyo hinde yung...
Words: 2230 - Pages: 9
...Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (University of the City of Manila) Intramuros, Maynila COLLEGE OF ACCOUNTANY AND FINANCE SI RIZAL BILANG KRITIKO NANG PAMAHALAANG KASTILA AT SALAMIN NG OPOSISYON NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON Bilang bahagi ng pangangailangan sa ANG BUHAY AT MGA SINULAT NI DR. JOSE RIZAL Bachelor of Science in Business Administration Major in Finance & Treasury Management Ipinasa ni: Bernardo, Maria Paula Dañas, Janine Alyssa Fernando, Luisa Faye Formoso, Fate Celynne Pili, Sarah Mae Salonga Jovie Lyn Ipinasa kay: Propesor Santiago Pebrero 15, 2016 I.INTRODUKSYON Naging biktima ang Pilipinas sa malupit at mapang-abusong pamamalakad at pananakop ng mga kastila. Marami sa ating mga kababayan o ninuno ang nakaranas ng paghihirap at pagmamalupit sa ilalim ng kanilang pamumuno. Naging magulo ang pulitika ng mga kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (1808-1833). Apektado ang ating bansa dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago-bago ang mga kailangang sundan na patakaran. Hindi makatarungan, malupit, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa Pilipinas. Na lanmang ni heneral Rafael de Izquierdo, na gumalit sa mga pilipino noong ipapatay niya kahit inosente ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Nawalang ng karapatan ang mga pilipino at ang batas daw ay para sa mga puting espanyol lamang. Ilan lamang iyan...
Words: 3782 - Pages: 16
...Ano ang bayani sa panahong ngayon? Ni Gianina Martha Anit Isa ang bayani sa mga konseptong mahalaga para sa isang bansa. Ang bayani ay nagsisilbing inspirasyon para sa isang lupon ng mga tao. Inspirasyong hindi lamang upang gayahin ngunit mas higit ang pagbibigay ng pag-asa sa mga tao na may lulutas ng kanilang suliranin, at may magbubuklod sa kanila tungo sa pagkakaisa. Madalas ginagawang ehemplo ang bayani sa dapat na asal ng mga tao. At sa kaso ng RA 1425, ginamit ni Claro M. Recto ang pambansang bayani ng Pilipinas upang maging instrumento sa pagbuo ng kaisipang nasyonalista at pagkakabuklodbuklod ng mga Pilipino. Ngunit ano na nga ba ang bayani sa panahon natin ngayon? Kasama bang nabago ito sa pagtakbo ng kasaysayan ng ating bansa? Ayon sa mga lektura sa PI 100, ang bayani o ang ibang anyo ng salita na ito ay nakakalat sa ibat-ibang dayalekto at lengwahe. Masasabing kalat ang konseptong ito sa unang panahon pa lamang. Kabilang din ang salitang ito sa mga diksyunaryo at dokumento ukol sa wika. Halimbawa, ayon sa Boxer Codex noong 1590, ang bayani ay isang lider mandirigma, walang takot, at nagbibigay ng tulong ng walang kapalit. Ayon naman kay Pedro San Buenaventura noong ikalabing anim o ikalabing pitong dantaon, ang bayani ay isang taong may tapang. Nabuo naman nila Juan de Noceda at Pedro San Licar ang iba’t ibang anyo ng salitang bayani, tulad ng magbayani, ipabayani, at bayanihan. Ang magbayani ay nangangahulugan ng pagpapanggap bilang isang bayani...
Words: 1074 - Pages: 5