...MGA UNANG BAYANI NG WIKANG PAMBANSA (Talumpati para sa kumperensiyang Ambagan, 5 Marso 2009, Pulungang Recto, Faculty Center, UP Diliman) ni Virgilio S. Almario (TSIKA: Ang ating kumperensiya ngayon ay isang patunay na maraming mahalagang gawain táyong nakakalimutan para sa Wikang Pambansa. Sinasabi sa Seksiyong 6, Artikulo XIV ng Konstitusyong 1987 na: “Ang pambansang wika ng Filipinas ay Filipino. Hábang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Filipinas at iba pang wika.” Ano ang ginagawa natin para paunlarin ang ating wika? Kung pagbabatayan ang Sawikaan ng FIT nitóng nakaraang limáng taon, puro Ingles at imbentong wika ng bakla ang pumapasok ngayon sa ating kamalayan. Idiniin ng Konstitusyon ang pagpapayaman sa pamamagitan ng “mga umiiral na wika sa Filipinas”—na palagay ko’y nangangahulugang ang mga katutubong wika ng ating bansa—ngunit mukhang ipinababahala natin sa Diyos ang tungkuling ito. Na hindi mangyayari. Kayâ’t napakahalaga ng Ambagan upang magising táyo sa malaking hamon sa atin ng Konstitusyon at siya namang dapat gawin upang higit na maging totoong “pambansa” ang ating wika. “Pambansa” sapagkat kumukuha ng lakas sa mga katutubong wika ng bansa.) ISANG MAHALAGANG GAWAIN para sa Wikang Pambansa ang pagbuo mismo ng kasaysayan nitó. Hanggang ngayon, wala táyong mapagkakatiwalaang kasaysayan hinggil sa naging saligan ng simula at mga mohon ng pag-unlad ng Filipino. Kayâ walang sanggunian ang mga guro’t estudyante kahit...
Words: 5910 - Pages: 24
...Komunikasyon sa Akademikong Filipino A.WIKA 1. Ano ang Wika * Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. 2.Katangian ng Wika * may balangkas; * binubuo ng makahulugang tunog; * pinipili at isinasa-ayos; * arbitraryo; * nakabatay sa kultura; * ginagamit; * kagila-gilagis; * makapangyarihan * may antas; * may pulitika; * at ginagamit araw-araw. 3.Mahalaga baa ng Wika * mahalaga ito sa atin ang ating wika kasi ito ay sumisimbolo sa ating pag katao kng saan tayo na bibilang. ang wika ay sumasagisag ng isang bansa . kaya mahalaga talaga ang ating wika sa atin. kahit na minsan ay hindi tayo magkaintindihan ay gumagawa pa rin tayo ng paraan para magkaintindihan pwede itong gawin sa pamamagitan ng pag gamit ng "sign language" o di kaya ay sa pag susulat para maiparating ang inyong damdamin..... 4.Varayti ng Wika * ang mga varayti ng wika ay engles, tagalog, epsanyol, french...
Words: 4512 - Pages: 19
... Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay kabilang sa iisang wika. Ayon sa KWF, ang Filipino ay ang uri ng wika na sinasalita sa Metro Manila...
Words: 44725 - Pages: 179