Free Essay

Pagsusuring Pampelikula - Kung Fu Panda

In:

Submitted By unfathomable01
Words 1298
Pages 6
Pagsusuring Pampelikula

1. Pamagat

Kung Fu Panda

2.. Buod

Nagsimula ang kwento sa isang eksena kung saan ang isang magiting na mandirigma kasama ang tinaguriang Furious 5 na kinabibilangan ng mahuhusay na estudyante ni Master Shifu ay buong tapang na nakipaglaban sa daan-daang mga kawal na nais sumakop sa kanila. Hinarap nila ang mga kalaban ng buong giting at tapang. Sa kasamaang palad, ang lahat ng ito ay panaginip lamang ng isang matabang panda na si Po. Isang Panda na ang tanging panga- rap ay mapabilang sa mga magigiting na estudyante ni Master Shifu at maging dalubhasa sa Kung Fu. Ngunit sa kanyang paggising ay balik sa katotohanan ang lahat, ang katotohanang siya ay anak lamang ng isang manininda ng noodle soup at hindi isang mandirigma na magaling sa Kung Fu. Lingid sa kaalaman ni Po na ang panaginip pala niyang ito ay maaaring magkatotoo at marahil ay nagsilbing pahiwatig kung ano ang magaganap sa hinaharap. Samantala sa Jade Palace, ang lugar ng mga magigiting na mandirigma at nina Master Shifu at Master Ugway ay naalarma ng sabihin ni Master Ugway na nagkaroon siya ng pangi- tain na makakatakas sa kulungan ang mabangis at masamang nilalang na si Tai-long. Winika ni Master Ugway na ang tangi lamang makakatalo kay Tai-long ay ang Dragon Warrior. Na sa mga oras na iyon ay hindi pa nila napipili. Kaya’t dali-dali silang nagpalabas ng balita at nag- tipon sa bulwagan upang piliin nan i Master Ugway ang nakatadhanang maging Dragon Warrior. Nang mabalitaan ito ng lahat ay agad silang nagmadali papunta ng Jade Palace upang masaksihan at makilala kung sino ang kanilang magiging tagapag ligtas. Isa na si Po sa mga nagmamadaling magpunta saJade Palace upang masaksihan ang mga magiging kagana- pan. Kahit pa napagsaraduhan na ng pinto ay talagang nagpumilit si Po na makapasok sa loob. Gamit ang ibat-ibang fireworks at upuan ay nakapasok nga sa loob si Po. Sa pagputok ng mga fireworks na nakakabit sa upuan aytinangay nga si Po pataas at doon na bumagsak sa loob at sa gitnang bahagi ng bulwagan kung saan pagdilat niya ng kanyang mga ay nakaturo na sa kanya si Master Ugway at siya na ang napili upang maging Dragon Warrior. Dito na nagsimula ang ibat-ibang pakikipag sapalaran ni Po upang matupad ang tungkuling nakatadhana na sa kanya, ang maging Dragon Warrior. Matutupad niya ito sa tulong ng kanyang mga master na sina Master Shifu at Master Ugway. Pati na rin ang tulong ng Furious 5 na sina Tigres, Monkey, Mantis, Snake at Crane. Naging masalamuot at puno ng aral ang nagging paglalakbay ni Po para sa katuparan ng kanyang misyon na itinadhana para sa kanya. Kahit ang lahat maging ang kanyang ama ay hindi naniwala na siya ang Dragon Warrior ngunit bandang huli ay natuto si Po at natalo nga niya ang kinatatakutang si Tai-long at naibalik niya ang kapayapaan sa kanilang lugar.

3. Mga Sangkap ng Pelikula

A. Iskrip

Ang iskrip na ginamit sa pelikulang ito ay masasabi mong talagang pinag-aralan ng mabuti. Nilapatan ng maaayos na salita na siyang nagbigay buhay sa bawat karakter ng pelikula. Sa pamamagitan ng maayos na iskrip ay naipakita ang ibat-ibang pag-uugali ng mga karakter at naiparating sa manonood ang aral na nais nilang ibahagi.

B. Tema Ang tema ng pelikula ay angkop para sa lahat ng manonood. Dahil gawa sa cartoon ang pelikula ay kagigiliwan itong panoorin ng mga bata. Kasabay nito ay madali ng maipararating sa kanila ang aral na nais ipabatid ng pelikula. Ang temang sinundan ng pelikula ay maaaring makaimpluwensiya sa lahat sapagkat maaari itong maganap o nagaganap na sa totoong buhay. Ilan sa mga tema ng pelikula ay paniniwala, pagtanggap, pag-asa, pagtitiwala, pag-unawa,pagiging responsible, pagpapasensiya, paggalang at pakikiisa. C. Pamagat

Ang pamagat ng pelikulang ito ay simple, payak at naaayon sa kwento. Kung Fu Panda, sa unang tingin ay tiyak papasok agad sa iyong isipan na ang pelikula ay maaaring tungkol sa pandang marunong mag kung fu. Nakukuha ang atensiyon ng manonood lalo nan g mga bata dahil hindi pa sila nakakakita ng panda na marunong mag kung fu. D. Tauhan

Ang mga tauhan sa kwentong ito ay mayroon lamang sapat na bilang. Dahil hindi masyadong marami ang bilang ng mga tauhan ay nagiging mas madali para sa mga manonood na matandaan lahat ang mga ito lalo na ng mga bata. Ang bawat tauhan ay nagkaroon ng mahahalagang gampanin. Ang relasyon ng mag-amang Po, ang matalino at mahinahong si Master Ugway, ang matiyagang si Master Shifu, ang Furious 5 na kinabibilangan ng limang ibat-ibang mga hayop upang maipakita na sa isang grupo ay mayroong ibat-ibang katangian, ugali at kakayahan, maliit man o malaki. Ang protagonist na si Tai-long, pinunong kawal, mga kawal at mga mamamayan. Magaling din ang mga taong nagbigay boses sa bawat karakter. E. Editing Dahil ang pelikula ay cartoon, wala namang naging problema sa editing dahil hindi na nagkaroon ng ibat-ibang shot ng camera mula sa magkakaibang anggulo. At hindi na rin kinailangang pagsunodsunurin ang ibat-ibang scene dahil ito ay nasa tuluyang daloy. Nakatuon ang editing ng pelikula sa mga computer effects upang mapagalaw at mabigyang buhay ang mga tauhan sa kwento.

F. Musika o Sound Effects Ang mga musikang ginamit ay naaayon sa bawat eksena na may ibat-ibang damdaming nais iparating. Sinipi at pinag-aralang mabuti ang bawat musikang na nakatulong sa pagbibigay buhay sa cartoon.

G. Disenyong Set

Ang bawat set o lugar na pinangyarihan pati ang ayos at porma nito, lahat ay naaayon sa ibat-ibang eksena at damdaming nais iparating. Dahil kung fu ang isa sa tema ng pelikula ay tama lamang na nakatuon ang setting ng pelikula sa lugar at kultura ng China kung saan nagmula ang kung fu.

H. Direksyon Ang Direksyon ng pelikulang ito na pinangunahan nina John Steveson at Mark Osborne, ay talagang sinipi at pinag-aralan. Gamit ang talento ng bawat isa ay nakabuo sila ng pelikulang angkop para sa ibat-ibang manonood na talaga namang kapupulutan ng aral, bata man o matanda.

I. Cinematography

Dahil gawa sa cartoon ang pelikula ay naging madali para sa mga lumikha nito ang pagpili ng ibat-ibang disenyo, hugis, mga karakter at pati ang katingkaran ng mga kulay. Maging ang liwanag na kinakailangan ay madali nilang nakukuha. wala naring maraming camera shots na kinakailangang i-edit at pagdugtong-dugtongin.

J. Diyalogo Ang pananalita ng mga karakter at maging ang pagbato ng bawat linya ay maparaan at madaling maunawaan. Mahuhusay ang mga artistang nag dub at nagbigay boses at buhay sa bawat karakter. 4. Moral ng Pelikula

Maraming moral at aral ang makikita natin sa pelikulang ito kung panonoorin at uunawaing mabuti. Una ay anu man ang hamon ng buhay ay dapat magpatuloy sa iyong mga pangarap upang makakamit mo ito. Ikalawa ay ay huwag na tayong mabuhay sa nakaraan kundi harapin ang kasalukuyan at itama ang mga nagawang mali sa nakaraan. Ikatlo ay laging maging positibo sa anumang ginagawa mo, simple man o mahirap, gawin ito ng may pag-ibig sa puso at matutong magpasalamat sa mga taong nasa paligid mo na naging parte ng buhay mo na nakatulong sa pagiging produktibo at makabuluhan.

5. Rating Sa 1-10 kung saan 1 ang pinaka mababa, ang pelikulang ito ay 9.

6. Rekomendasyon

Ang pelikulang ito ay maaaring irekomenda sa mga manonood na may edad 5 pataas. Dapat lamang na patnubayan ang mga batang manonood sa mga eksenang mayroong pagtutunggali. Iminumungkahi ko na ipaliwanag sa mga batang manonood ang mga magagandang aral na nakapaloob sa pelikula.

7. Iba pang tala

Sana ay maging posible na mapanood ito na nakadub sa wikang Filipino. Upang higit na maunawaan ng kabatang Pilipino ang mga magagandang aral na nais iparating ng pelikula.

Rommel Naquila BEED – 2A

Similar Documents