Free Essay

Pakyuka

In:

Submitted By perseus43ver
Words 3158
Pages 13
"Pag-aaral sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST sa Samsung na cellphone"

Leorico, Marjorie
Mendoza, Jhalina Joy
Ramos, Erika Jhane
Timbol, Jellcie
Viloria, Yorica Barvi

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon Sa modernong panahon natin ngayon, lumalaganap na ang ibat-ibang uri ng gadget sa buong mundo at isa na rito ang cellphone. Ang cellphone ay isa sa mga pinakamabisang paraan sa pagkakaroon ng komunikasyon lalo na sa mga taong malayo sa ating tabi. Ang teleponong cellular ay isang pamamaraan upang mas mapadali ang uri ng komunikasyon at upang mabigyan ng pansin ang mga bagay na may kaugnayan sa makabagong teknolohiya. Kaugnay nito ang cellular ang kauna-unahang mga bagay na pinaunlakan ng mga Pilipino sa taglay nitong kaibahan. Karamihan ay gumagamit na ng cellphone, mapabata man o matanda. Tila ia tong parte ng ating buhay. At sa panahon natin ngayon, ang samsung smartphones ang isa sa mga pinaka kilala at pinaka tinantangkilik na brand ng cellphone ng mga nakararami. Tinatangkilik ito dahil sa iba't-ibang panahon. At isa na nga rito ang mataas na kalidad ng produkto na to. Sa pag-aaral na ito, nais ng mga mananliksik na malaman ang iba't-ibang pananaw ng ilang mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST tungkol sa samsung smartphones. Ano nga ba ang kanilang basehan at batayn sa pagbili bg cellphone? At ano nga ba ang maraming benepisyo at kahalagahan ng pag-aaral na ito?

Layunin Sa pag-aaral ng pananaw ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa ncst tungkol sa samsung na cellphone, nais ng mga mananaliksik na malaman ang pananaw ng ilang mag-aaral tungkol sa samsung na cellphone. Nais din ng mga mananaliksik na malaman ang batayan ng ilang mag-aaral sa pagbili ng cellphone.
Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST tungkol sa samsung na cellphones.
Ano ang batayan ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST sa pagbili ng cellphone.
Ilan ang bilang ng mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST ang gumagamit ng samsung smartphones.
Ano ang magandang katangian ng samsung na cellphone?
Ano ang hindi maganda katangian ng samsung na cellphone?

Kahalagahan ng pag-aaral: Bilang isang mananaliksik, mahalaga na malaman natin ang kahalagahan ng bawat pag-aaral na ating ginagawa at mahalaga rin na malaman natin ang bawat pakinabang na maari nating makuha mula sa pag-aaral na ating ginagawa. Ang "Pag-aaral sa pananaw ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA tungkol sa samsung na cellphones" ay may pakinabang at benepisyo sa mga sumusunod:

Indibidual o mga mag-aaral: Ang kahalagahan ng pagkuha ng pananaw ay upang makatulong ito sa pagpili ng mas magandang kalidad ng cellphone. Bilang isang mag-aaral alam natin na ang pera sy mahalaga, kaya naman nais namin makuha ang opinyonng bawat mag-aaral sa samsung, upang makapaglahad ng reperensyalsa pagbili ng cellphone. Ito din ay tulong upang mag bigay linaw kung ang cellphone na samsung ay sakto ba sa presyo na aakma sa kalidad nito. Makakatulong ito sa paghubog ng mga mag-aaral upang maging mapanuri at matalinong mamimili.

B. Pangkat ng mga gumagamit ng cellphone: Isa din kahalagahan sa pag-aaral ay ang mga gumagamit ng cellphone. Inililalahad dito kung ano-ano ang mga iniisip ng mga tao sa paggamit ng cellphone. Binibigyan din kahalagahan ang mga iniisip ng mga tao sa pag gamit ng cellphone. Isa din kahalagahan alamin kung anong brand ng cellphone ginagamit nila. At kung samsung man ano ang kalidad ng celllphone.

C. Institusyon ng samsung: Isa sa mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay sa institusyon ng kumpanyang samsung. Dahil malalamn nila ang pananaw ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST. Kung ano ang mga bagay na mapabuti ng samsung ang kanilang istretehiya sa paggawa ng cellphone, upang manatili sila sa market at upang mas lalong tangkilikin pa ng mga mamimili ang kanilang produkto.

D. Negosyante: Ang kahalagahan ng pag-aaral sa propesyon ng mga negosyante ay malalaman na nila ang pananaw ng mga mamimili sa pagbili ng samsung. Magkaroon ng advantage ang mga negosyante sapagkat alam nila ang pananaw ng mga mamimili nila. Mahalaga sa mga negosyant na malaman kung ano ang kagustohan at pangangailangan ng isang mamimili, dahil dito nila malalaman kung makukuntento ang mamimili sa kanilang produkto.
E. Sarili Upang maunawaan ang iba't ibang pananaw ng ibang tao tungkol sa samsung smartphones.
Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral sa pananaw ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST ay mayrong mga saklw at limitasyon. Ang ilan sa mga sakop nito ay ang mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST na kinakailangan ng mga mananaliksik upang malaman ang kanilang mga pananaw tungkol sa samsung na cellphone. Saklaw din ng pag-aaral na bigyan pansin ang cellphone na uri ng teknolohiya. Kabilang din ang alamin ang porsyentong gumagamit ng samsung na cellphone na mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST.

Ang pag-aaral na ito ay mayroon din mga limitasyon at isa na nga rito ay ang mag-aaral lamang na nasa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST ang kinakailangan at hindi ang ibang antas. Ang isa pa sa limitasyon nito ay hindi kabilang ang ibang antas at kurso na alamin na gumamgamit ng samsung na cellphone. Kabilang din dito ay cellphone lamang ang tatalakayin at hindi ang iba pang uri ng teknolohiya.

Depinisyon ng mga Teknolohiya
Brand - isang partikular na uri ng bagay.
Cellphone - isang uri ng teknolohiya na ginagamit sa pakikipag-komunikasyon.
Estratehiya - isang pangmatagalang plano o balak sa kung ano ang dapat.
Institusyon - namamhala o nagsasaayos sa isang lipunan.
Kalidad - antas ng isang produkto.
Preference - batayan sa pagpili ng isang produkto.
Propesyon - isang bokasyon na naitatag sa isang espisyalisadong pagsasanay.
Teknolohiya - ito ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumutulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Konseptwal na balangkas Ang cellphone ang isa sa midyum o isa sa mga paraan upang magkaroon ng komunikasyon sa isa't-isa at sa mga taong malayo sa atin. At sa modernong panahon natin ngayon, ang samsung smartphones ang isa sa pinakakilala at tinatangkilik na brand sa ating bansa. At dahil dito, ang mga mananaliksik ay nais pag-aralan at alamin ang pananaw ng ilang mag-aaral sa ika-apt na antas ng BSBA sa NCST tungkol sa samsung smartphones. Ano nga ba ang masasabi nila sa produktong ito? At ano-ano nga ba ang benepisyong maaring makuha ng ilan na may kinalalaman dito sa pag-aaral na ito? Para masagot ang mga katanungan sa pag-aaral na ito, anf mga mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey upang masagot ang ilang katanungan at layunin ng pag-aaral na ito. Kinakailangan dito ang kooperasyon ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng internet at maaring pumunta sa mga aklatan upang mangalap ng mga datos tungkol sa pag-aaral na ito.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Local na Literatura Ayon kay Aguirre, ang teleponong cellular ay isang pamamaraan upang mas mapadali ang uri ng komunikasyon at upang mabigyan ng pansin ang mga bagay na may kaugnayan sa makabagong teknolohiya at dahil sa makabagong uri ng teknolohiya ang cellular ang kauna-unahang mga bagay na pinaunlakan ng mga Pilipino dahil sa taglay nitong kakaiba ang siyang mas matibay namabigyan ng kasaysan ang makabagong teknolohiya at kung paano ito nagin gmatagumpay sa ating bansa. At dahil sa uri ng teknolohiyang ito ay mas napadali ang ating pakikipag-ugnayan sa mga taong mahal natin at ipinakikitarin kung paano ang isang uri ng telepono ng ito ay mas nabigyang pansin ng mga tao kahit pa sabihing napakamahal at hindi nila ito iniisip kundi ang makakita ng paraan sa madaling pakikipag-ugnayan. Ayon kay Sebastian, ang pagkakaimbento ng cellular ay hindi rin naman makakatulong sa ating bansa bagkus ito ay makakasira pa sa ating bansa dahil sa cellular phone na ito ay maraming nasirang pamilya at higit sa lahat maarami ang nagloko at marami din ang nasiraan ng loob dahil na rin sa hindi na sila makabili ng kanilang cellular phone. Ayon kay Smith, ang cellular na telepono ay ginagamit ng mga taong walang uri ng komunikasyon kung kaya’t sila ay bumili nito upang maging “in” sila sa ating bansa at upang ipakita kung anong uri ang teleponong ito at para din malaman kung paano ito gamitin at kung paano ito gamitin ng tama. Ayon kay Buenavista, na nagsasabi na ang paggamit ng teleponong cellular ay para mas makita ang tunay na halaga nito kung gagamitin lamang sa tama at huwag ilagay sa maling pamamaraan. Dahil sa maling pamamaraan nito ay marami ang nasira.
Dayuhang Literatura Samsung’s Mobile Phone Business A Humble Decade (1984~1993) In 1983, Samsung initiated its mobile telecommunications business, which it hoped would become the company’s future growth engine. Forty engineers, each of whom had previously worked either in the wireless telephone division or facsimile machine division, were assigned to a new unit named the “Wireless Development Team.”
The engineers had no idea what to do first. In desperation, they decided to obtain a rough picture of a Japanese-made mobile phone. Then they asked the Samsung branch in Japan to send them a Japanese car-phone. After disassembling and reassembling the sample car-phone hundreds of times, the engineers roughly understood how a mobile phone works. In 1986, Samsung was able to release its first built-in car phone, the SC-100. But the result was disastrous. The quality was so poor that many customers filed complaints, and the company ended up cutting the number of engineers in the development team from forty to ten. Ki Tae Lee, the then-head of the Wireless Development Team and the current president of the Telecommunications division, found himself in a major quandary in deciding whether or not to continue the mobile business. Ki Tae Lee decided to stay on track. He asked the company to buy ten Motorola mobile phones for benchmarking. It was a big expenditure for the company at the moment. Each unit cost about 2 million won, while the expected return on investment was uncertain. His engineers then went to work on analyzing them. Many of the phones were disassembled, and many weredropped or thrown away. They tested several aspects such as product design, quality, durability,and optimal environment for communications. Finally, in 1988, Samsung developed its first mobile phone (or “hand phone” in Korea), the SH-100. It was the first hand phone to be designed and manufactured in Korea.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isang deskripto na uri ng pananaliksik. Inilalarawan at inanalisa ng mga pangangalap ng mga datos, maingat na inilalahad ng mga mananaliksik ang mga nakalap na kasagutan at impormasyon.
B. Respondente Ang ilang mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST ang kinakailangan bilang respondent ng pag-aaral na ito. Ang bilang ng mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST ay kabuuang animnapu’t pito (67): Limampu (50) para sa marketing management, labing tatlo (13) para sa financial management ay apat (4) para sa entrepreneurial management. Ngunit hindi lahat ay mabibigyan ng pagkakataon upang sumagot ng sarbey at limampo (50) lamang ang kinakailangan.
C. Instrumento ng Pananaliksik Sa pangangalap ng mga datos at impormasyon ang mga mananaliksik ay nag-search sa internet tungkol sa pag-aarl na ito. Ang mga mananaliksik ay nagkakaroon din ng pakikipanayam o interbyu sa isa sa mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST at nag-conduct din ng sarbeyy ang mga mananliksik upang masagot ang ilang katanunganat upang malaman ang pananaw ng mga ito tungkol sa paksa.
D. Triment ng mga Datos Ayon sa mga sumagot na respondent na limampu (50) sa katanungan kung anong brand ng cellphone ginagamit nila. May (21) na sumagot ay Samsung. Pito (7) naman na Sony. At lima (5) ang sumagot na iphone ang ginagamit nila na cellphone. At ang iba naman ay dalawangpu(20) ang sumagot na iba ang cellphone na gamit nila. Sa pangalawang katanungan kung ano ang batayan sa pagpili ng cellphone meron lamang pinagpipilian na sa sagot ang una ay a. presyo b. kalidad/quality c. features/specs. at letrang d. para sa iba pa. At ang bilang ng sumagot sa letrang a. presyo meron lamang dalawangput isa (21) at labing dalawa (12) naman ang sumagot sa letrang b. kalidad/quality. At labing dalawa (12) din ang nagsagot sa letrang c. features/specs. At ang natitirang lima naman ang sumagot na iba pa. Para naman sa pangatlong katanungan na ano ang magandang katangian ng Samsung na cellphone. May labing dalawa (12) ang sumagot na features ang magandang katangian ng samsumg. At pito (7) naman ang sumagot ng quality. At labing syam (29) naman ang sumagot na parehong magandang katangian ang features at quality nito. Dalawa (2) para sa iba pa. Sa katanungan naman kung ano hindi magandang katangian ng Samsung na cellphone. May lima (5) na sumagot na hindi maganda ang features nito at apat (4) naman ang sumagot ng quality at sampu (10) naman ang sumagot ng presyo at labing tatlo (23) naman ang sumagot na wala hinding maganda katangian ang Samsung at walo (8) naman para sa iba pa. Para sa huling katanungan kung ano ang masasabi ng respondent sa halaga o presyo ng Samsung na cellphone. May walo(8) ang sumagot na mahal at tatlo (3) naman para hindi mahal at dalawangput isa (21) naman ang sumagot na katamtaman lang ang presyo ng Samsung at walo (8) naman para sa iba pa.

KABANTA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

[pic] Grap Bilang 1

Brand ng Cellphone na Ginagamit ng Mag-aaral sa Ika-apat na Antas ng BSBA sa NCST Pinapakita ng grap na ito ang kabuuang bilang ng mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST na gumagamit ng mga iba't ibang brand ng cellphone. Nangunguna nga sa mga ito ay ang sumagot ng iba pa na may kabuuang dalawampu (20) at sinundan ng Samsung na may kabuuang bilang na labing walo (18).

[pic]
Grap Bilang 2
Batayan sa Pagbili ng Cellphone Pinapakita ng ikalawang grap ang batayan ng mga mamimili sa pagbili ng cellphone. Nangunguna na rito ang presyo na may kabuuang bilang na dalawamput isa (21) at sumunod ang kalidad at features na may kabuuang bilang na labing dalawa (12).
Magandang Katangian Ayon sa mga nakalap na datos, tungkol sa mga magagandang katangian ng Samsung, labing dalawa (12) ang nagsasabi na features ang isa sa magandang katangian ng Samsung at pito (7) para sa kalidad nito. Marami naman ang nagsasabi na parehong features at kalidad ng Samsung ang maganda sa Samsung na cellphone. At halos dalawa (2) lamang ang nagsabi na may iba pang magandang katangian ang Samsung. Ayon naman sa nakalap na impormasyon mula sa isang panayam mula sa isa sa mga gumagamit ng Samsung na cellphone, sinasabi niya na hindi lamang quality at features ang maganda sa Samsung kundi pati na rin ang presyo o halaga nito sapagkat angkop naman ang kalidad at features sa presyo nito.

Hindi magandang katangian ng Samsung Ayon sa nakalap na datos at impormasyon mula sa naganap na pagsasarbey, halos karamihan ay nagsasabi na ang Samsung ay walang hindi magadang katangian na umabot sa dalawamput tatlo (23). Lima (5) naman sa mga respondent ang nagsasabi na features at apat (4) para sa kalidad ang hindi maganda sa Samsung na cellphone. Walo (8) naman ang nagsabi na may iba pa itong hindi magandang katangian ngunit hindi na nila ito ini-specify pa. Ayon na man sa nakakapanayam ng mananaliksik na gumagamit ng Samsung na cellphone, ang Samsung ay isa sa pinakamagandang brand ng cellphone ngunit meron din itong hindi malinaw ang camera pero mataas ang halaga kumpara sa mas mababang halaga pero mas malinaw naman ang kamera. Ayon naman sa hindi gumagamit ng Samsung na cellphone, wala naming halos hindi maganda sa Samsung at sapat na ang features o kalidad sa mayroon ito.
Halaga o Presyo ng Samsung Ayon sa sarbey, halos karamihan ay nagsasabi na ang halaga o presyo ng Samsung ay katamtaman at sapat lamang na umabot sa dalawaput isa (21) walo (8) naman ang nagsabi na ito ay mahal at tatlo (3) para sa hindi mahal. Labingwalo naman ang nagsagot ng iba pa ngunit hindi ini-specify. Ayon sa gumagamit ng Samsung cellphone, sinabi niya na ang halaga nito ay tama lamang sapagkat angkop naman sa features o kalidad nito. Ganun din naman ang sinasabi ng interbyuwi na hindi gumagamit ng cellphone na Samsung.

KABANAT V: LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. Lagom Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptib na uri ng pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay nag-conduct ng sarbey upang makapangalap ng mga datos at impormasyon. Nagkaroon din ng panayam ang ibang mananaliksik sa isa sa mga gumagamit ng Samsung na cellphone at isa sa hindi gumagamit nito. Kinakailangan ng mga mananaliksik ang kooperasyon ng ilan sa mga mag-aaral sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST upang gumanap bilang respondent ng pag-aaral na ito. May tinatayang animnaput pito (67) ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ngunit limampung (50) lamang ang nabigyan ng pagkakataon na sumagot sa mga ilang katangian sa sarbey. Ang mga mananaliksik ay pumunta sa mga silid ng mga mag-aaral upang mag-conduct ng sarbey. Ginawa ito sa mga oras na wala ang guro upang hindi makasagabal sa anumang leksyon sa loob ng silid-aralan.
B. Kongklusyon Ayon sa mga nakalapa na datos at impormasyon mula sa sarbey at pakikipanayam, napag-alaman ng pag-aaral na ito na ang Samsung ay isa sa pinakamagandang brand ng cellphone na tinatangkilik ng maraming mag-aara sa ika-apat na antas ng BSBA sa NCST. Napag-alaman na ang Samsung na cellphone ay may magandang features at kalidad at naangkop lamang ang presyo at halaga nito. Ngunit napag-alaman na ito na mayroon din naming hindi satisfied sa cellphone na ito tulad na lamang ng ilang nabanggit sa mga nakaraang pahayag. Sa kabuuan, maganda at satisfied naman ang nakakarami sa Samsung na cellphone, gumagamit man siya nito o hindi.

C. Rekomendasyon Ayon sa mga pahayag, may ilang suliraning natukoy ang mga mananaliksik at i8sa na rito ay ang tungkol sa hindi kagandahang camera na mas mahal na cellphone kumpara sa mas mura ngunit mas maganda ang kalidad ng camera. Bilang solusyon, iminumungkahi ng mga mananaliksik sa pamunuan ng Samsung Smartphones na i-improve o mas pagandahin pa nila ang kanilang produkto na ayon sa presyo nito upang mas masatisfy ang tinatarget nitong mamimili.

Similar Documents