Free Essay

Palatanungan Para Sa Social Media Addiction Ng Kabataan

In:

Submitted By princessaurice
Words 549
Pages 3
PANGALAN:_____________________________ TAON/KURSO/SEKSYON:____________
Panuto: Bilugan lamang ang letra ng iyong kasagutan. Maaring pumili ng isa o higit pa sa mga nakalagay na opsyon.
A. PAG-AARAL
1. Ano sa tingin mo ang mga nagiging epekto ng Social Media sa iyong pag-aaral? A. Nagkakaroon ng madaling komunikasyon sa kapwa kamag-aral.
B. Napagkukunan ng mahahalagang impormasyon.
C. Nakakatulong upang mapadali ang palitan ng mga dokumento (e-mails)
D. Natatanggal ang pokus sa pagrerebyu.
E. Nagiging daan sa pangongopya ng impormasyon.
2. Nakakatulong ba ito sa iyong pag-aaral? Sa anong paraan?
A. Oo, sa pamamagitan ng pagkikipag- kumunikasyon sa mga kaklase at guro
B. Oo, sa pamamagitan ng paghatid nito ng makabagong teknolohiya sa paraan ng pakikipag-kumunikasyon sa iba.
C. Oo, sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga status.
D. Hindi. Dahil nauubos lamang ang aking oras sa mga Social Media na yan.
3. Nakaka-agaw ba ng pansin ang Social Media sa iba mong mga gawain?
A. Oo, dahil sa Social media hindi na ako nakakapag-aral ng maayos.
B.Hindi dahil marunong akong maghati ng aking oras para sa aking mga gawain.
C. Oo, dahil naaadik na ako sa mga Social Networking Sites.
D.Hindi dahil wala akong Social Media na sinalihan.
B.PAMUMUHAY
1. Ano ang networking site na kinabibilangan mo? A. Facebook B. Scout C. Twitter D. Yahoo E. Instagram
2. Ano sa tingin mo ang naging epekto nito sa iyong pakikipagkapwa?
A. Marami akong nakikilala.
B. Nakakakuha ako ng mga bagong kaibigan.
C. Naihahayag ko ng malaya ang aking mga saloobin.
D. Pagsisinungaling sa tunay na katauhan.
E. Napagkukunan ng hindi kaaya-ayang mga saloobin.
3. Ano sa tingin mo ang naging epekto nito sa iyong pamumuhay?
A. Napagaan nito ang paraan ng pakikipag-kumunikasyon ko sa ibang mga tao, lalo na sa mga kapamilya ko sa malayong lugar.
B. Naipapahayag ko ang aking saloobin at nagkaroon ako ng lakas ng loob na masabi ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa personal.
C. Hindi ko maiwasang tumigil sa kaka-facebook (twitter, instagram, scout, atbp.) at palaging nauubos ang oras ko.
D. Minsan ay hindi ako makapag-pokus sa aking mga Gawain sa bahay at paaralan.

C.PAMILYA
1. Nakakatulong ba ang Social Media sa iyong problema (Sa Pamilya)?
A. Oo, dahil naipapahayag ko ang aking saloobin sa pamamagitan nga pagpost ng mga status o litrato sa mga social media.
B. Hindi, dahil wala nang kinalaman ang Social Media sa aking mga problema.
C. Oo, dahil maaari kong ibahagi sa iba ang aking problema upang matulungan nila ako sa aking pinagdadaan.
2. Marami ka bang kamag-anak na gumagamit ng Social Media?
A. Marami-rami din naman
B. Meroon naman pero konti lang
C. Wala
3. Mahilig ka bang makipag-kumunikasyon sa iyong mga kamag-anak na nasa malayo nakatira?
A. Oo, tatlo(araw) hanggang apat(araw) sa isang linggo.
B. Isa(araw) hanggang dalawang(araw) sa isang linggo.
C. Isang araw sa isang linggo.
D. Hindi ako mahilig makipag-kumunikasyon sa kanila, paminsan-minsan lamang.

D.KINABUKASAN
1. Sa palagay mo, makakatulong ba ang Social Media sa iyong kinabukasn?
A. Oo B. Hindi C. Ibang kasagutan:______________________________
2. Alam mo ba ang epekto ng Social Media sa iyong kinabukasan?
A. Oo, Alam na alam ko
B. Hindi ko alam.

Similar Documents