Free Essay

Pamaahong Papel

In:

Submitted By ysabeljoshi
Words 2395
Pages 10
Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Nakakapagtapos Ang Mga
Piling Mag-aaral ng BSIT-1 Ng Sa
CVSU Carmona Campus

Ipinasa kay Gng. Carolina Isidro bilang isa pangangailangang sa Filipino 1. Pagabasa at pagsulat tungo sa paniniliksik.

Ipinasa nina:
Posada, Franz Bernard
Marcelo, Cherry Mae
Motilla, Patricia Icar
Sarro, Christian jay

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pamanahong papel na ito na pinagamatang ( Mga Dahilan Kung Bakit Nakakapagtapos Ang Piling Mag-aaral Ng BSIT-1 Ng Cavite State University, Carmona Campus ) ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananalikisik mula sa BSHRM-1a na binubuo nila:

Posada,Franz Bernard Motilla, Patricia Icar
Sarro,Christian Jay Marcelo, Cherry Mae

Tinatanggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, Cavite State University, Carmona Campus bilang pangangailangang sa asignaturang Filipino 1, akademikong pananaliksik.

Gng. Carolina Zamora , Isidro
Propesor Ng Departamento

PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang aming pinaabot sa sa mga sumusunod na indibidwal, tanggapan at iba pang mga naging bahaging aming pag-aaral para sa walang humpay na supporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpayang pag-aaral na ito. Sa Cavite State University ng Carmona Campus para sa paglalaaan nila ng kanilang oras upang mabahagi ang mahahalagang impormasyon at kaalaman na aming nagamit sa aming buong pananaliksik.

Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig nakilahok sa pagsagot nang tapat sa kanilang mga kwestyuner at serbey.

Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa unang taon para sa pagtutulungan, pagbibigay inspirasyon at pagsuporta upang matapos ang aming pananaliksik.

Kay Gng. Carolina Zamora Isidro, ang aming minamahal na guro at tagapayo sa asignaturang Filipino, ipanaabot po naming ang aming pasasalamat dahil sa inyong walang sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay at pag-unawa samin habang isinagawa namin ang aming pananaliksik at lalong na sa pagbabahagi ng inyong mga kaalaman ukol dito.

Sa mga magulang na tumulong at umintindi samin sa mga panahong abala kami sa paggawa ng pag-aaral na ito at sapag bibigay ng moral at pinansyal na supporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin.

Sa Poong mayKapal, sapag bibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa aming pananaliksi. Sa pag dinig sa among mgapanalangi lalung-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob ito sa takdang panahon.

Muli, maraming –maraming. Salamat po sa inyong lahat.

-Mga Mananaliksik

TALAAN NG MGA NILALAMAN Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito……………………………………. 1 Introduksyon……………………………………………………….............. 1 Layunin ng Pag-aaral………………………………………………………… 1 Kahalaghan ng Pag-aaral…………………………………………………. 1 Saklaw at Limitasyon………………………………………………………..1 Depinisyon ng Terminolohiya…………………………………………….2 Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literartura …………………..3-4 Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik…………………………….5 Disenyo ng Pananaliksik………………………………………………….5 Mga Respondente…………………………………………………………..5 Instrumentong Pampananaliksik……………………………………..5 Tritment ng mga Datos…………………………………………………..5
Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos………….6-11 Kabanata V, Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon…………………..12 Lagom………………………………………………………………………….12 Kongklusyon…………………………………………………………………..13 Rekomendasyon……………………………………………………………13

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP Grap 1: Madalas na dahilan kung bakit dumarami pa ang mga hindi nakakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo………………………………….6 Grap 2: Mas nakakapagtapos ba ng pag-aaral ang mga babae kaysa sa mga lalaki dahil sa sipag at tiyaga nito………………………………………7

Grap 3: Mas nakakapagtapos ba ng pag-aaral ang mga lalaki kaysa sa mga babae dahil sa sipag at tiyaga nito…………………………………….8

Grap 4: Determinado kabang makapagtapos ng iyong pag-aaral………..9 Grap 5: Gusto mo ba ang napili mong kurso………………………………..10

Grap 6: Mas gugustuhin mo bang makapagtrabaho agad kesa makapagtapos ng pag-aaral?

1

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Sa panahon ngayon , napakahirap ng buhay. Karamihan sa atin ay salat. Kaya ang ating mga magulang ay todo ang pagsisikap upang tayong mga anak nila ay mabigyan ng magandang edukasyon. Ito ay para hindi natin danasin ang kahirapan na nararanasan ng ating mga magulang. Ika nga ng mga nakatatanda sa atin, edukasyon ay tungo sa mabuting kinabukasan. Ngunit nakalulungkot isipin na karamihan pa rin sa atin ay hindi nakapag-papatuloy sa pag-aaral dahil sa iba't-ibang kadahilanan.
Layunin sa pag-aaral Ang mga mananaliksik ay ginawa ang pananaliksik na ito upang masagot ang mga katanungang ayon sa paksa. Tulad ng kung "Bakit ang mga piling mag-aaral ng BSIT-1 ng CvSU-Carmona ay hindi nakapapagpatuloy o sa pag-aaral?" At kung "Anu-ano ang mga kadahilanan sa kanilang paghinto?"
Kahalagahan ng pag-aaral Ang paksang ito ay mahalaga sapagkat ang ating isipan ay magiging bukas sa mga ganitong usapin. Mamumulat tayo sa katotohanan na ang buhay ay hindi madali. Maraming nangyayari na sadyang nakalulungkot at hindi inaasahan. Ito ay mapakikinabangan ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan na nagnanais makapag kolehiyo at kumuha nga kursong BSIT. At ng mga kapwa namin mag-aaral sa CvSU-Carmona.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag- aaral na ito ay sumasaklaw sa sampung piling magaaral na BSIT-1 ng Cavite State University Carmona Campus. Sila ang magbibigay ng mga
2

impormasyon kung bakit hindi nakakapagtapos ang kapwa magaaral nilang BSIT-1.
Ang pag aaral na ito ay gagawin lamang sa loob ng Cavite State University Carmona Campus dahil ditto kukuha ng mga magaaral na magbibigay ng impormasyon sa paksang napili.Tanging sampung piling estudyante lamang ang hihingan ng impormason sa pag aaral na ito.

Depinisyon ng mga terminolohiya Ang BSIT ay Bachelor of Science in Information Tehnology na isag programa ng kinukuha sa kolehiyo.
Ang salat ay nangangahulugang kakulangan.

3

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at ibapa, Ang isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ngclassrooms at guro sa public schools ay maraming mga estudyante saprivate schools ang lumilipat sa public schools.Sa ngayon, halos 20 milyonang mga estudyante mula elementary hanggang high school sa publicschool. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon naestudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mgaestudyante sa private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas naang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat na bilihin

Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sa bawat 100 estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng hayskul at 14 lamang sa mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datosna ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang problema natin sa edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatama sa ng kabataang Pilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon,Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon

Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan ay mayroong 34,295,000 na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan edad anim hanggang dalawampu’t apat. Sa kabuuangito, mas malaki ang porsyento sa ilalim ng pampublikong paaralan. Mga paaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno..Malinaw na masasakripisyo rin ang kalidad ng edukasyon dahil sasinasabing subject integration. Samantalang
4
ang Filipino ay itinuturing na “basic tool subject” katulad na lamang ng pagkatuto ng alpabeto, pagbasa,at pagsulat nito, ang Sibika at Kultura naman ay nagtuturo ng kasaysayan,pag-ibig sa bayan, at tamang pagtingin ng mag-aaral sa sarili at bansabilang Pilipino. Sa kalaunan, ito ang magbibigay sa kanila ng giya upangmaging mabubuting mamamayang Pilipino -- sa loob at labas ng bansa.Ngunit kung “short cut” ang gagawin nating pagtuturo nito sa kanila, hind imalayong “bansot” din ang magiging pagkilala nila sa kanilang mgasarili.Bukod pa rito, kailangan ding ma-retrain ang mga guro dahil sasinasabing pagsasama-sama ng mga aralin. Kailangan ding maglabas ngbagong babasahin at educational aides na aakma sa tinaguriang “revised subject nomenclature.”Ito’y ilan lamang sa kagyat na makikitang problema sa solusyong ipinipilit sa higit na malaking problema ng kakulangan sa badyet para sa edukasyon at malinaw na hindi pagbibigay-prayoridad ng pamahalaan ditto (Bro. Eddie Villanueva,2009).Hindi solusyon sa pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon sa bansaang tig-isang taong dagdag sa elementarya at high school kundi ang pagdagdag ng silid-aralan at mga guro. Hindi rin umano natututukan ng isang guro ang kanilang mga estudyante dahil umaabot sa 65 mag-aaral sa isang silid-aralan gayung 30 hanggang 35 lamang ang dapat. Dahil dito,kailangang matutukan umano ng susunod na gobyerno lalo na ang mamumuno sa Department of Education (DepEd) ang pagdagdag sa silid-aralan at mga guro

Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabing ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng edukasyon ng Tanzania at Zambia, dalawang bansa sa Africa na masmahirap pa sa ating bansa. Malubha na talaga ang kalagayan ng edukasyon sa bansa natin kung na gawang malampasan tayo sa larangan ng edukasyon ng mga bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas.

5 Kabanata III Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyong isinagawa sa pananaliksik na ito ay deskriptib-analiktik ng Pananaliksik. Ang mga mananaliksik sa pag aaral na ito ay tinangkang alamin at suriin ang impormasyon tungkol sa dahilan kung bakit hindi nakakapagtapos ng pag aaral ang mga piling magaaral ng BSIT-1 ng CvSU Carmona Campus.

2. Mga Respondente
Ang mga piling estudyante sa pag aaral na ito ay mga magaaral na nasa unang taon. Ang mga respondent ay kumukuha ng kurso na Information Technology ng kasalukuyang semester ng Cavite State University. Ang mga respondente ay nasa sampung bilang.

3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang Pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Naghanda ang mga mananaliksik ng mga sarbey-kwestyoneyr upang makakuha ng impormasyon kung anu-ano ang dahilan kung bakit hindi nakakapagtapos ng pagaaral ang mga piling magaaral ng BSIT-1 ng CvSU Carmona Campus. Ang mga mananaliksik ay kumuha rin ng mga impormasyon sa internet para sa lalong pagpapapabuti ng pagaaral na ito.

4. Tritment ng mga datos
Ang pananaliksik na ito ay walang ginawang pagtatangka na sumuri ng mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika dahil ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag aaral pa lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtamo ng digri.

6
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay makikita ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ayo sa isinagawang sarbey.

Grap 1
Madalas na dahilan kung bakit dumarami pa ang mga hindi nakakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Sampu sa mag-aaral ang nagsabi na ang kakapusan sa pera ang pinakapangunahing dahilan kung bakit karamihan sa atin ang hindi nakakapag-aral sa kolehiyo. 7 naman ang nagsabi na ang kagustuhan na pagkakaroon ng trabaho ang dahilan. Sa dahilang pagkawala ng interes sa pag-aaral naman ay 6 na estudyante ang nagsagot . At sa dahilang maagang pagbubuntis ay wala.

7
Tanong bilang 2
Mas nakakapagtapos ba ng pag-aaral ang mga babae kaysa sa mga lalaki dahil sa sipag at tiyaga nito?

Grap 2

7 sa sampung mag-aaral na respondente mas nakakatpos ng pag-aaral ang mga babae ang nagsabi na dahil sa sipag at tiyaga ng mga ito. At 3 mag-aaral naman ang hindi sumang-ayon

7

8
Tanong bilang 3 Mas nakakapagtapos ba ng pag-aaral ang mga lalaki kaysa sa mga babae dahil sa sipag at tiyaga nito?

Grap 3

Sa mga mag-aaral na respondente, 6 ang nagsabi na mas nakakatpos ng pag-aaral ang mga lalaki dahil sa sipag at tiyaga ng mga ito. 2 ang nagsabi ng hindi. At 2 sa mga mag-aaral ang walang pinili.

9
Tanong bilang 4
Determinado kabang makapagtapos ng iyong pag-aaral?

Grap 4

Ang 10 mag-aaral na isinarbey ng mga mananaliksik ay nagsabi na determinado silang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

10
Tanong bilang 5
Gusto mo ba ang napili mong kurso?

Grap 5

Ang kursong kinuha ng mga respondent ay ang kanila talagang ninanais. Wala sa kanila ang nagsabi ng hindi.

11

Tanong bilang 6
Mas gugustuhin mo bang makapagtrabaho agad kesa makapagtapos ng pag-aaral?
Grap 6

Ang mga mag-aaral ay mas nais matapos muna ang kanilang pag-aaral. Wala sa kanila ang nagsabi na mas gusto nilang unahin ang pagkakaroon ng trabaho.

12

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

Lagom

Nag-umpisa ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga mananaliksik na masagot ang mga katanungang ayon sa paksa Gayundin ang mga aspeto tungkol sa nasabing programa at malaman ang mabuti at di-mabuting magiging dulot nito.Nagsimula ang mga mananaliksik sa paghanap sa internet ng mga ideya at impormasyon tungkol sa kanilang paksang Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Nakakapagtapos Ang Mga Piling Mag-aaral ng BSIT-1 Ng Sa CVSU Carmona Campus.Pumili din ang mga mananaliksik ng paraan ng pananaliksik na gagamitin at napili ang pagsasarbey. Sa pagsasarbey, pumili sila ng mga kalahok sa pag-aaral na ito at napili nilang magsarbey iba,t ibang seksyon ng BSIT-1.Sunod na ginawa ay ang paghahanda at paggawa ng mga talatanungan na pasasagutan sa mga respondente. At pagkatapos ay binilang at pinag-isa nila ang mga magkakaparehong sagot sa bawat tanong. Sa mga pinag-isang katanungan, kinuha ang bahagdan o porsyento nito sa kalahatang bilang ng mga respondente. Masusing pinaghambing ang mga resulta at inanalisa. Lumalabas sa pagsusuri ng mga mananaliksik na karamihan sa mga respondente ay hindi sumasang-ayon sa halos kalahatan ng mga katanungang kanilang ibinigay. .Sa mga mananaliksik naman, nakuha na nila ang kanilang mga ninanais na mga kasagutan at katanungan nila. Higit sa lahat nakamit nila at nagawa kung ano ang kanilang layunin sa pag-aaral na ito.
13
Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na mga datos, ang nga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: * Lahat ng mag-aaral na napagtanungan ng mga mananaliksik ay diterminadong makapagtapos ng pag-aaral. * Ang kurso na napili ay talagang gusto nila. * At walang sinuman sa kanila ang may nais na magtrabaho agad kaysa makapagtapos ng pag-aaral.
Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: Para sa mag-aaral nirerekomenda namin na kumauha ng bokasyonal na pag-aaral sa TESDA kung sila ay walang kakayahang makapag-aral sa isang unibersidad. O kaya magtrabaho muna sila upang makag-ipon ng pera upang sag anon magkaroon pa sila ng dagdag na kaalaman at malinang pa ang kanilang kakayahan.

Similar Documents

Free Essay

Contabilidad Financiera

...PRESENTACION En los últimos años hemos visto el rápido crecimiento que nuestra economía ha experimentado, acorde con ello las empresas crecen, crecen sus ventas, y crecen sus necesidades de financiamiento; necesitan nuevas herramientas financieras relacionadas al financiamiento y la inversión de sus actividades, esto hace que sea necesario que todo profesional inmerso en el mundo de las finanzas, deba tener conocimientos sólidos de la terminología que se utiliza en esta área. CONTENIDO El glosario de términos económicos y financieros tiene conceptos y definiciones de aquellos términos conocidos y poco conocidos, relacionados con productos bancarios, financieros y económicos. Así mismo tendrá como base una serie de conceptos de la A a la Z, que será enriquecido constantemente con nuevos términos y ejemplos. “GLOSARIO DE TÉRMINOS ECONÓMICOS FINANCIEROS “ - Pág. 1 GLOSARIO DE TERMINOS A AAA: Los bonos que tienen esta clasificación corresponden a las emisiones con la más alta calidad de crédito. Los factores de riesgo son prácticamente inexistentes. El pago de intereses esta protegido excepcionalmente por un margen estable de beneficio. A titulo oneroso: Es la denominación que recibe una prestación de servicios o provisión de bienes cuando a cambio se recibe un pago en dinero o en especies. A la orden: Característica de un titulo valor que indica que éste se ha emitido no al portador, sino a favor de una persona en concreto, quien a su vez ordena al deudor que pague...

Words: 47994 - Pages: 192

Free Essay

Criptomonedas

...Trabajo Final de Graduación Maestría en Finanzas UTDT Año Académico 2016 Alumno: José Hernán Bargiela CRIPTOMONEDAS ¿Cómo puede una empresa argentina operar y tomar deuda en criptomonedas, registrando su contabilidad de una forma transparente y asegurar el cumplimiento de la ley al mismo tiempo? “El oro circula porque tiene valor, pero el papel moneda tiene valor porque circula.” Karl Marx (1818-1883) Filósofo y economista alemán Contenido Abstract ................................................................................................................................. 1 Introducción .......................................................................................................................... 3 El sistema bancario y su moneda........................................................................................ 3 El comercio electrónico ...................................................................................................... 4 Bitcoin: La revolución ........................................................................................................ 5 Metodología ........................................................................................................................... 6 Criptomonedas - Definición y alcance .............................................................................. 7 Bitcoin - Definición y alcance ..................................................................................

Words: 20752 - Pages: 84

Free Essay

Electronic Money in Ecuador

...“La implementación del Sistema de Dinero Electrónico en el ECUADOR” Kevin Andrés Chicaíza Sinche En el Ecuador no se cuenta con un sistema monetario propio que proporcione liquidez monetaria para que los negocios nacionales e internacionales y los pagos en distintas monedas o divisas se desarrollen en forma fluida, por lo que las autoridades económicas han desarrollado este sistema de dinero electrónico. Con la implementación del dinero electrónico no será necesario mantener una cuenta bancaria y con ello se pretende bancarizar a las personas que no tienen acceso al sistema formal. Las autoridades garantizan que este dinero electrónico no podrá ser robado, a pesar de que se pierda o se sustraigan el móvil. Las claves y las contraseñas servirán para ese fin. Los costos por transacción están todavía por definirse, aunque sería el mínimo. Las personas podrán cargar en su teléfono móvil un monto específico, el cual se irá debitando conforme su uso. De esta forma no tendrán que llevar el dinero en su bolsillo, sino solo hacer uso de su celular. En Ecuador, cerca del 40% de la población no tiene acceso a servicios bancarios; sin embargo, cerca del 95% tiene acceso a un teléfono celular. De manera que la implementación adecuada y responsable de un sistema de pagos con moneda electrónica, puede ser una oportunidad para diversos sectores productivos llegando a ciudadanos que normalmente no formaban parte de su cartera de negocio; son algunos de los argumentos...

Words: 2308 - Pages: 10

Free Essay

Supply

...Introducción Chabot es una empresa privada que diseña, comercializa y fabrica papel tapiz. Los productos de la compañía se envían en todo el país bajo la marca Chabot. Además de los productos etiquetados propios de la empresa, Chabot también fabrica y distribuye diseños caracter con licencia y marcas privadas. El año pasado, Chabot tuvo ingresos por ventas anuales de aproximadamente $ 200M. Zach Miller es el director general de Chabot y se ha convertido cada vez más preocupados por las prácticas de la cadena de suministro de la compañía. Métricas de rendimiento financieros están sufriendo, los niveles de inventario están aumentando, y los clientes no están satisfechos con el nivel actual de servicio. Sus preocupaciones fueron validados cuando recibió una carta inquietante de su principal cliente la semana pasada (Ver Anexo 1). La carta cliente sugiere que todo su negocio está en peligro si no hay mejoras sustanciales en la rotación de inventario, la financiación de rebajas para el inventario no productivo, y los niveles de servicio de cumplimiento de pedidos. Perder el mayor cliente de Chabot solamente exacerbaría la tendencia actual de disminución de los ingresos netos (Ver Declaración de ingresos). Por lo tanto, el Sr. Miller ha contratado a una empresa de consultoría para revisar la cadena de suministro Chabot y recomendar acciones apropiadas. Descripción de la Industria La industria del papel pintado por menor incluye cerca de 8.000 tiendas con ingresos anuales ...

Words: 2674 - Pages: 11

Free Essay

DiseñO de Actividad

...Universidad de Puerto Rico en Bayamón Departamento de Ciencias Sociales Dinámica de Grupo Tema: Feria de Abrazos Título de la dinámica: Ruta de Cariño Tamaño del grupo: 14-15 niños Características del grupo: * Niños maltratados. * Niños que necesitan cariño. * Niños pequeños de 0 a 3 años. Duración de la actividad: 2 horas Materiales a utilizar: * Papel * Libro de Cuentos * Marionetas * Laptop * Bocinas Portátiles * Pintura “Washable” * Toallas Húmedas * Pinceles Descripción: Llevar un momento de felicidad a niños y ser movidos por la compasión, amor y paciencia. Objetivos generales: * Que los/as participantes se diviertan mucho. Objetivos * Que los participantes se sientan queridos y felices. * Que los participantes aprendan, divirtiéndose. * Que los participantes jueguen y compartan todos juntos. Rol del facilitador: Tiempo | Actividad | Materiales a Utilizar | 5 min | Retraso | -- | 20 minutos | Actividad #1 Lectura del cuento:Facilitador: Natalia CaraballoDescripción: Utilizando marionetas se narrará la historia _______________ La niñez tendrán la oportunidad de ser partícipes de la historia a través de movimientos y sonidos. | Libro de cuento y marionetas. | 15 minutos | Actividad #2 Hora del baileFacilitador: Descripción: La niñez tendrá la oportunidad de bailar y expresarse a través de las canciones de Atención Atención. El grupo GAC los acompañaran mientras...

Words: 267 - Pages: 2