Free Essay

Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Sigarilyo

In:

Submitted By cloudgem
Words 2856
Pages 12
University of Perpetual Help System Laguna – Jonelta
Sto. Niño, City of Biñan, Laguna

“PANANALIKSIK UKOL SA EPEKTO NG PANINIGARILYO” Isang Pamanahong – Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Arte at Siyenya DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito napinamagatang
Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo

Ipinasa Nina: * Acero, Aphodite Venus P. * Francisco, Precious Joy G. * Gigawin, Madel Angela P. * Ocampo, Lois Ma. Levine B. * Roscain, Shien G. * Zamora, Rick Raymund B.

PASASALAMAT

Buong-puso kong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito kay Ginoong Villanueva ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapagandaat mailathala ang aming papel,- sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ngmahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito,- sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ngkabutihan na lubos na nakatulong sa amin,- sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindiako maliliwanagan at hindi ko magagawa ang tamang mga hakbang upangmatapos ang aking pinaghirapang trabaho.
Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Talaan ng Nilalaman

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON B. LAYUNIN NG PAG- AARAL C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL D. SAKLAW AT LIMITASYON E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN F. PARADIGM

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK” A. DISENYO NG PANANALIKSIK B. MGA RESPONDENT C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON” A. LAGOM B. KONKLUSYON C. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA

A. INTRODUKSYON

Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay isinasagawa ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ngpanahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso. Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayanna magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot samga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdala sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mga taon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, ay naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya. Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog angsangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihitng usok na inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisipang tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp. Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisip ang ibang tao ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada-labing tatlong segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika. Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, laging bumabahing at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabagong pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga. Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal nanakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sananinigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara samga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ngpagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser. Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa pusolalo na sa unang taon C. LAYUNIN SA PAG-AARAL
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi naninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.
1.) Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyoang kabataan.
2.) Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isangmag-aaral na naninigarilyo.
3.) Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mgananinigarilyo.

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ngmga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rinsa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito samga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyona ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ayang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sapaninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulongupang mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bungang kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang naito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo samga kabataan, lalo na sa Pilipinas. Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mgamamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batasna ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di napagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ngWorld Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina. Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weightat birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at CarbonMonoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga bagatuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan aykalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparamingplema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sausok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng siponat trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sapuso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isangtaong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mgabaga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga atmaging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ngemphysema. May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11hanggang 19 ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Department of Health (DoH) at World Health Organization (WHO). Batay sapag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60 porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo aypawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakitang mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala si Dr Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of the Philippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataangnaninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ngtabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17 hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo samantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik,ngunit napili ko na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, nagumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maramingrespondente.

B. MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taong naninigarilyo o mga smokers sa aming paaralan. Pinili ko ang mga respondente sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at sila ang pinaka-epektibong mapagkukunan ng impormasyon.

C. MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mgaopinyon ng mga respondent. Kumuha rin ako ng impormasyon sa mgaartikulo sa dyaryo at sa internet.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya’twala akong ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal napamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga respondentengtumugon sa bawat katanungan sa survey questionnaire.
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
KARANIWANG DAHILAN KUNG BAKIT MARAMING KABATAAN ANG NANINIGARILYO

Sa tatlong pangunahing dahilan ng paninigarilyo ng kabataan, apat na pung bahagdan ang nagsasabing pamilya ang nakakapagdulot ngmasamang impluwensiya sa kanilang mga kaanak, samantalang limampu’t-tatlong bahagdan naman ang nagsasabing ang mga barakda nila angnaguudyok ng paninigarilyo at iba pang mga bisyo. Pitong bahagdan namanang nagsasabing sa personal na buhay lamang ang dahilan. Batay dito, masasabi nating ang mga barkada nila ang may pinakamalakingimpluwensiya sa kanila.

IBA’T-IBANG SALIK NA NAKAKAAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG KABATAAN

PAMILYA | Kalagayan ng Buhay Paninigarilyo ng Magulang, kapatid at iba pang mga kamag-anak Kakulangan sa patnubay ng magulang | BARKADA | Peer Pressure- tumutukoy sa impluwensya ng isang grupo na naghihikayat sa isang tao upang baguhin ang kanyan pag-uugali na pareho sa mga kaugalian ng grupoNahuhumaling sila sa patalastas ng sigarilyo sa telebisyon | PERSONAL NA BUHAY | Kahinaan ng loob sa pagharap ng problemaPampalipas oras |

Ipinagbawal na ni Dr. Maricar Limpin ang mga patalatastas sa sigarilyonoong pang Hulyo 1, 2007 alinsunod sa Sec. 22 ng Tobacco Control Act.Subalit tanging ang Davao City at Legazpi City pa lamang ang tumatalimadito, ayon sa kanya

ASPEKTONG NAKAKAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG MGA MAG-AARAL

Sa mga aspektong naaapektuhan ng paninigarilyo ng mga mag-aaral,tatlumpu’t-siyam na bahagdan ang nagsasabing naaapektuhan ngpaninigarilyo ang kanilang pag-aaral, habang limampung bahagdan angnagsasabing ang kalusugan ang naaapektuhan ng kanilang paninigarilyo. Labing-isang bahagdan naman ang nagsasabing pamilya at kaibigan angnaaapektuhan nito. Mahihinuha dito na kalusugan ang pinakamalaking aspekto ng naaapektuhan ng paninigarilyo. Dahil sa pagkabahala sa mataas ng bilang ng mga Pilipino na namamatay sanhi ng mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo, isang resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes upang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga paaralan at unibersidad. Ayon kay Nueva Ecija Rep. Eduardo Nonato Joson, tinatayang 20,000 Filipino ang namamatay sa mga tinatawag na smoking-related illnessesbawat taon o dalawa bawat oras.Ayon umano sa isang global youth tobacco survey, sinabi ni Joson naumaabot sa 21.6 porsyento ng mga mag-aaral ay naninigarilyo. Sa nasabingbilang, 32.6 porsyento sa kanila ay lalaki at 12.9 porsyento ang babae. Ang malubha, one-fifth ng mga kabataang Filipino ang nagsisimulang matutong manigarilyo sa edad na 10. Sinisi ni Joson ang hindi epektibong kampanyang pamahalaan at mga babala sa pagdami ng mga kabataan nananinigarilyo. BILANG NG MGA KABATAANG NAHUHUMALING SA PANINIGARILYO :

➢ 20% ng kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na 10 pababa. (Miguel-Baquilod, M., NEC, 2001)
➢ Isa sa tatlo o 27% ng kabataang Pilipino ay naninigarilyo. (Global Youth Tobacco Survey ng WHO at CDC, 2007)
➢ Halos 40% ng mga batang lalaki ay naninigarilyo. (WHO, 2002)
➢ Apat sa sampung estudyante na may edad na 13-15 ay nakapanigarilyona. (CDC-MMWR, 2003)
➢ Isa sa walong estudyante ng may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo bago ang edad na 10. (CDC_MMWR, 2003
➢Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na manigarilyo rin pagtanda. (FCAP)
➢ 62% ng mga batang Pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mgatindahan. (CDC-MMWR, 2005)

PARAAN KUNG PAPAANO IWASAN ANG PANINIGARILYO NG MGA KABATAAN

Animnapu’t-pitong bahagdan ng mga respondente ang nagsabing disiplina sa sarili lamang ang kanilang solusyon upang maiwasan angpaninigarilyo. Ang pinagkakaabalahan naman ang sumunod na sagot ngdalawampung bahagdan ng mga respondente na siya nilang ginagawa upang maiwasan ang pagyoyosi o paninigarilyo. Samantalang labing-tatlong bahagdan lamang ang nagsabing gawaing pangkalakasan ang kanilangginagawa upang makaiwas.Ang taong may disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapatgawin dahil alam nilang hindi ito maganda.

IBA’T-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT MAKAKAIWAS SA PANINIGARILYO ANG KANILANG NAPILING GAWAIN:

➢ Naaalis ang pagkanegatibo
➢ Pang-agaw pansin
➢ Nagiging masaya
➢ Nakakalimutan ang problema
➢ Gumagaan ang pakiramdam
➢ Makakabuti sa kalusugan May mga nagsasabi na baka raw tumaba sila kapag itinigil angpaninigarilyo. Subukang bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag itnigilna ang paninigarilyo. Huwag hayaang ang inyong paninigarilyo ay mapalitanng panibagong bisyo. Kung kayo gustotung-gusto kumain nang matatamis,mas mabuting kumain ng prutas.Hindi pa huli para itigil ang bisyong sigarilyo. Kapag ginawa ninyo itongayon, natitiyak ko na malaki ang inyong mapapakinabang bukas. Hindi lamang kayo ang makikinabang kundi pati ang pamilya. Alalahanin angpinsalang dinudulot ng paninigarilyo sa katawan.

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. LAGOM

Ang karaniwang dahilan kung bakit maraming kabataan angnaninigarilyo ay pamilya (40%), barkada (53%), at personal na buhay (7%)
Mga aspektong nakakaapekto sa pannigarilyo ng mga mag-aaral ay kalusugan (50%), pag-aaral (39%), pamilya at kaibigan (11%).Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mag-aaral upang maiwasan angpaninigarilyo ay pagdisiplina sa sarili (67%), pinagkakaabalahan (20%), gawaing pangkalikasan (13%).

B. KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapag dulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser.Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin ay nakamamatay. Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay. Ang paninigarilyo rin ay masama para saating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.

C. REKOMENDASYON

Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo saibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ngtabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyonnang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at magpapalakas sainyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng pagkagustongmanigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-araw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan.Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkainmagpababa ng timbang habang sinisikap alisin ang ugalung paninigarilyo.Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling nalunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto angpaninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation Clinics. Dapat din ay dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa paninigarilyo ngmamamayang Pilipino.

BIBLIOGRAPIYABIB

LIOGRAPIYA
http://tl.wikipedia.org/wiki/Sigarilyohttp://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=434490http://tl.articlestreet.com/Article/The-Many-Perils-Of-Smoking-Tobacco/671975http://bisyonatoh.blogspot.com/http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211

Similar Documents

Free Essay

Filipino

...”ANG EPEKTO NG PANINIGARILYO SA MGA MAG-AARAL NG ACLC COLLEGE OF APALIT PARTIKULAR SA DEPARTAMENTO NG BSIT” Ipinasa nina: De Leon, Kitt Idelle Y. Ramos, Ricel A. Sumalinog, Decerie G. ACT12D Ipinasa kay: Mr. Robert Lovendino Instruktor PAUNANG SALITA Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino,Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito pinamagatang ”ANG EPEKTO NG PANINIGARILYO SA MGA MAG-AARAL NG ACLC COLLEGE OF APALIT PARTIKULAR SA DEPARTAMENTO NG BSIT” ay inihanda at hinarap ng mananaliksik mula sa sekyon ACT12D ACLC College of Apalit. Inaasahan naming na ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga estudyanteng sangkot sa isinagawa naming pag-aaral, at inaasahan din namen na naisagawa namen ng maayos ang aming tungkulin bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino,Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. PASASALAMAT Buong-puso naming pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito, ang aming minamahal na guro sa Filipino Ginoong Robert Lovendino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda at maisagawa ng wasto an gaming pananaliksik; sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aming pinagkuhanan ng mahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito,- sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ngkabutihan...

Words: 4342 - Pages: 18

Free Essay

Epekto Ng Sigarilyo

...Makati City MG AEPEKTO NG PANINIGARILYO SA KALUSUGAN NG NGIPIN AT MGA PARAAN KUNG PAPANO ITO MAIIWASAN Isang Pananaliksik Na Iniharap Sa Kagawaran Ng Pilipino Bilang Pagtupad Sa Mga Kahiligan Para Sa Asignaturang Filipno 12 Nina: Custodio, Ma. Shaira Jeune F. Dominguez, Valerie Joy P. Francisco, Angelica Mae M. Galvez, Alexandra Kate M. Poblete, Kathryn Zoielou V. Roman, Christine Anne C. KABANATA 1 Ang Mga Suliranin At Sandigan Nito Panimula Ang paninigarilyo ay isang bisyo na mahirap malunasan. Nalulunasan kung kaya ng mga tao na mapigilan ang paggamit nito. Iba-iba ang dahilan kung bakit naninigarilyo ang tao. Ang una ay dahil nakakatanggal ng kaba, pangalawa nakakataas ng pangatlo ay gusto lang itong gamitin dahil maraming ding gumagamit nito. Ayon sa isang pananaliksik ay ang isang epekto ng paninigarilyo at ang pagkawala ng ngipin. Kahit saan ka pumunta ngayon ay may makikita kang naninigarilyo at iyon ay isng sa mga problema ng hindi malulutas, kung paano maitigil ang paninigarilyo. Sabi nila kapag nasimulan mo nang gamitin ito, mahihirapan nang pigilin ito. Ang sigarilyo ay para na rin isang droga dahil sa isa sa mga sangkap nito ay ang nacotin na isang droga, ma labis na nakaka-adik. Ngunit hindi alam ng mga maninigarilyo ang epekto ng paninigarilyo sa kanilang ngipin. Ang pag-gamit ng sigarilyo ang dahilan bakit nagkakaroon ng mga sakit tulad ng sakit sa puso, emphysema at iba’t ibang uri ng kanser tulad ng kanser sa baga, lalamunan, tiyan...

Words: 4672 - Pages: 19

Premium Essay

Epekto Ng Paninigarilio

...laganap na sa maraming parte ng mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay isinasagawa sa mga ritwal ng mgatribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng mga espiritu. Ang ilan samga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ng panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang ³uso´. Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na magpausok, humithitat ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mgahalamang medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at may sugat. Nang sila aynaglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdala sila ng mga dahon ng tabako kaya namannang lumipas ang mga taon ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake,ay naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya.Ang paninigarilyo ay isang gawain na kung saan sinusunog ang sangkap,karaniwang tobako, na maaaring nirolyo sa papel sabay sa paghithit ng usok na inilalabasnito. Ayon sa MedIndia Online, ang isang stick ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp. Dahil nga naman ang mundo ay mabilismagbago nakaisip ang ibang mga tao ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo. Ngayon, maaari...

Words: 2844 - Pages: 12

Free Essay

Filipino

...Saloobin/Hinaing ng mga magaaral sa Internet Service ng LPU Isang Aksyon Riserts na ipinakita sa Kolehiyo ng Allied Medical Profession nina Veronica Thea Nayve Wendylee R. Perez Meg Ryan B. Ribao Ronel M. Villarba TALAAN NG NILALAMAN Pahina Panimula -------------------------------------------- Layunun ng Pag-aaral --------------------------------------------------------------- Kaugnay ng Panitikan at Pag-aaral -------------------------------------------------- Metodo --------------------------------------------------------------------- Mga Kalahok ------------------------------------------------------------------- Hakbang ng Pag-aaral ----------------------------------------------------------------------------- Pagtalakay Konklusyon ---------------------------------------------------------- Rekomendasyon --------------------------------------------------------- Referens ----------------------------------------------------------- Appendiks ------------------------------------------------------------------ Panimula Ang Wi-Fi ay naimbento nf NCR Corporation/AT&T (dating Lucent & Agree Systems) sa Nieuwegein, Netherlands. Si Vic Hayes ang imbentor nf Wi-Fi at tinaguriang “Father of Wi-Fi”. Si Hayes rin ang umupo bilang presidente ng Institute of Electrical and Electronics Engineers o IEEE committee na gumawa ng 802.11 standard noong 1997. Ang Wi-fi ay markang...

Words: 4093 - Pages: 17

Free Essay

Research Papers

...Epekto ng Paglalaro ng mga Computer Games sa mga Estudyante ng Tarlac State University Electronic and Information Technology Republic of the Philippines Tarlac State University College of Technology School-Year 2013-2014 MACALE,MARK KEVIN M. Ang Talaan ng Nilalaman Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran Nito * Introduksyon * Kahalagahan ng Pag-aaral * Saklaw at limitasyon ng Pag-aaral *Definisyon at Terminolohiya Kabanata II Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literaura Kabanata III Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik * Instrumento ng Pananaliksik * Tritment ng mga Datos * Paraan ng Pananaliksik Kabanata IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos * Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran Nito Introduksyon Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nagsimula ang Elektronikong mga kagamitan. Lumipas angilang mga dekada ito ay lumago at nakilala at nagging isang dekada ito ay lumago at nakilala atnagging isang pangkaraniwang bahagi sa pang araw araw na pamumuhay ng tao.Habang lumalago ang industriyang ito, patuloy ang pagdami at pagdiskubre ng mgamakabagong kagamitan. Isa na rito ang pagkilala ng kompyuter. Isa itong aparato na gumagawanang trabaho ng tao nang mas mabilisAng salitang Kompyuter ay nangangahul ugan noong una na “isang tao o isang bagay nanagkakalkula at nagbibigay ng resulta base sa isang lohikal na paraan at proseso”...

Words: 2247 - Pages: 9

Free Essay

Papel

...EPEKTO NG BISYO SA MGA KABATAAN AT MGA SUSUNOD PANG HENERASYON Ay isang Pamanahonang Papel na Iniharap sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng San Jose Community College, San Jose Malilipot Albay Bilang bahagi ng pagtugon sa pangangailangan ng kursong Bachelor of Science in Business Administration JUAN DELA CRUZ BSBA IA G. RICKY M. CABRILLAS Guro S.Y. 2014-2015 Republika ng Pilipinas San Jose Community College College of Business Administration San Jose Malilipot Albay DAHON NG PAGPAPATIBAY Ang pamanahonang papel na pinamagatang, “EPEKTO NG BISYO SA MGA KABATAAN AT MGA SUSUNOD PANG HENERASYON” ay inihanda ni JUAN DE LA CRUZ, sa pagtugon sa pangangailangan ng kursong Bachelor of Science in Busness Administration, ay isinumete sa aking guro sa asignaturang Filipino. _____________________ _________________ JUAN DE LA CRUZ Marka Mag-aaral ____________________ G. RICKY M. CABRILLAS Guro PANIMULA Ang pamanahonang papel ay isang uri ng pananaliksik na karaniwang ipinapagawa sa mga estudyante sa hayskul o kaya sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko, upang mas lalo pang mahasa at matuto ang mga estudyante sa paggawa ng papel na ito. Ito ay inihanda upang mapalawak ang kaalaman ng mag aaral sa mga gawaing pang paaralan, at lalong lalo...

Words: 5912 - Pages: 24

Free Essay

Mine

...Permanent Address Mobile Number Email Address 0927 412 1288 maevelyn018@yahoo.com Date and Place of Birth July 18, 1988 Mandaluyong City EDUCATION Secondary Level St. Emilene Academe Imus, Cavite Primary Level St. Emilene Academe Imus, Cavite WORK EXPERIENCE Associate Producer / Assistant Camera Person Sa Ilalim ng Tulay, Cinemaone Originals October 2011 Video Editor Talk, Understand, Care: Discipline Without Violence October 2011 Intern, Roadrunner Inc., May-June 2009 PASASALAMAT Ipinararating ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng taong sumuporta at gumabay upang maisakatuparan ang proyektong ito. Pasasalamat sa aking mga magulang na sina Mobil at Leny Calapardo para sa pagmamahal at walang sawang pagtitiwala sa aking kakayahan. Sa aking mga kapatid na sina Maybelle at Marbile Calapardo para sa walang patid ninyong suporta. At para sa sa aking pamangkin na Si Daniel Marcus Cadag na laging nagpapangiti sa gitna ng aking mga pinagdaraanan. Sa aking punong gabay, kay Prop. Libay Cantor na siyang unang nakakita ng potensyal ng pelikulang ito. Maraming salamat sa iyong tiwala at walang-humpay na pang-unawa. Sa aking mga kaibigang sina...

Words: 30375 - Pages: 122