Free Essay

Pananaliksil Tungkol Sa Wattpad

In:

Submitted By hanimi
Words 1793
Pages 8
Ang kahalagahan ng Wattpad

Isang Gawain sa Talaan ng Nilalaman

Kabanata I ------------------------------------------------------------------------------ i. Panimula ii. Paglalahad ng Suliranin iii. Metodolohiya
Kabanata II ----------------------------------------------------------------------------- iv Resulta ng Pag-aaral v. Kaligiran vi. Paraan
Kabanata III --------------------------------------------------------------------------- vii. Lagom viii. Konklusipn ix. Rekomendasyon x. Bibliograpiya

-------------------------------------------------
Kabanata I

i. Panimula ii. Paglalahad ng Suliranin iii. Metodolohiya

Panimula

Ang pagbasa ay importanteng kasanayan na dapat taglayin ng isang tao. Ito ay isa sa mahalagang pundasyon ng pagkatuto na dapat nating paunlarin. Ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng modernong panahon marami ng nagsisilabasang bagay at pangyayari na naging dahilan kaya nawala ang interes ng tao sa pagbabasa. Ilan sa modernong teknolohiyang ito ay ang T.V kung saan panonoorin mo na lamang ang mga ipinalalabas at makukuha mo na ang ideya ng pinapanood mo, mga laro sa kompyuter atbp. na mas kinagiliwan ng tao sa kadahilanang hindi na nila kailangan ng komprehensibong pag--iisip
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kung paano ginamit ang modernong teknolohiya upang maibalik ang interes ng tao sa pagbabasa. Ito ay ang “Wattpad”. Ang Wattpad ay isang website na nagbalik ng interes sa pagbabasa ng mga tao. Ito ay parang isang makapal na libro na kinapapalooban ng iba’t ibang genra ng mga kwento, tula, artikulo, sanaysay at iba’t ibang likha ng literatura na gawa ng mga gumagamit ng site. Ang site na ito ay kahangahanga sapagkat hindi lamang kasanayan sa pagbasa ang mahahasa mo dito dahil hinihikayat rin ng site na ito ang pagsusulat. Ang mga taong may sariling “user account” ay maaari ring gumawa ng sarili nilang gawa at ilathala ito sa site.
Ang wattpad ay isa sa mga nakakawiling site dahil hindi lamang ito nakakapagbigay ng kasiyahan sa mga gumagamit bagkus binibigyan nito ng oportunidad ang mga tao na ipakita ang kanilang galing at talento upang kanilang maipamahagi sa iba. Ito rin ay nagbubukas ng pinto para sa mga nagnanais na maging manunulat.

Kahalagahan ng pananaliksik: 1. Sa Mag-aaral * Mabibigyan ng pagkakataong maipamahagi ang talento sa pagsusulat. * Makakatulong upang mahasa ang kasanayan sa pagsusulat. 2. Sa mga nag-nanais na maging manunulat * Nagiging tulay ang wattpad upang maisakatuparan nila ang kanilang ninanais. * Isang paraan upang madiskubre ang kanilang talento ng mga kompanyang naglalathala ng libro. 3. Sa tagapaglathala * Nadidiskubre ang mga taong may potensyal na maging isang mahusay na manunulat at mailathala ang magagandang gawa. * Scouting ground ng mga baguhang manunulat.

4. Manunulat * Nagsisilbing tulay sa mga manunulat at magbabasa. * Nalalaman ang mga kamalian sa pamamagitan ng mga komento ng mambabasa at nalalaman nila ang mga nasa isip ng mga ito.
Paglalahad ng Suliranin 1. Paano nakakaapekto ang wattpad sa pag-aaral ng mga estudyante? 2. Gaano ito nakakaimpluwensya sa mga magbabasa? 3. Paano ito nakakaapekto sa kalusugan?

Metodolohiya Sa tulong ng makabagong teknolohiya, gumamit ang mananaliksik ng internet upang makapangalap ng sapat na impormasyong kailangan sa paksa. Binisita ang mga kilalang website na makapagbibigay ng matibay at konkretong impormasyon para sa pananaliksik. Gumawa ng sariling wattpad account upang lubos na maunawaan ang nilalaman at maranasan ang mundo sa loob ng wattpad. Nangalap rin ang mananaliksik ng mga impormasyon (positibo at negatibong epekto) mula sa mga taong gumagamit ng nasabing website.

-------------------------------------------------
Kabanata II

iv. Resulta ng Pag-aaral v. Kaligiran vi. Paraan

Resulta ng Pag-aaral Ang Wattpad ay isa sa mga mabilis na lumagong website sa buong mundo. Dahil madali lamang itong gamitin marami na ang gumagawa ng sarili nilang account upang makapagbasa at makapagsulat. Halos 18 million ang naitalang gumagamit ng website na ito noong 2013. Sa loob lamang ng pitong taon na pagpapatakbo rito. Ilan sa mga malalaking kompanyan ay namuhunan na dito sa kadahilanang malaki ang kikitain nila sa pagbibigay ng sponsor. Sa tulong ng wattpad muling napukaw ang hilig sa pagbabasa ng mga tao. Karamihan sa mga gumagamit ng website na ito ay mga kabataan. Ayon sa kanila nakakainganyo ang pagbabasa sa wattpad dahil sa kakaibang anyo nito at napakainteresadoang mga nilalaman nakaramihan ay likha rin ng mga kabataan. Natutuwa sila sa mga nilalaman ng site na ito dahil naiiugnay nila ito sa kwento ng kanilang buhay
Ayon sa survey na ginawa ng isang kompanya, isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming tala ng gumagamit sa site. Sa sobrang pagkahilig ng mga kabataan sa pagbabasa ay nakakaligtaan na nila ang pag-aaral bagkos mas binibigyan nila ng oras pagbabasa o paguupdate sa wattpad. Ang iba sa kanila ay nagpupuyat at minsan ay nalilipasan na ng pagkain dahil nakatutuktok na sila sa pagbabasa na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan. Ang kagandahan naman sa site nito ay nagkakaroon sila ng pagkakataon na maihayagang kanilang sarili. Nagkakaroon ng palitan ng opinion, pagkatototo atbp. Sa bawat kwento na nababasa nila may mga napupulot silang aral.
Ilan sa mga nagsusulat sa wattpad ay nadiskubre na at ngayon ay naglalathala na ng sarili nilang libro. Ilan sa mga manunulat na ito ay si Denny na nagsulat ng sikat na libro ng “Diary ng Pangit” na malapit na ring ipalabas sa Sinehan. Marami na ring manunulat ang nakilala sa pamamagitan ng wattpad. Kaligiran
Wattpad o "YouTube for ebooks" ang bagong kinagigiliwan ng mga kabataan sa makabagong panahon. Ito ay isang “online community” kung saan maaring makapaglatha at makapagbasa ng artikulo, kwento, tula at kung ano mang literaturang gawa ang sino mang gumagamit nito. Ito ay nabuo sa pagtutulungan ni Ivan Yuen at Allen Lau sa taong 2006. Ang mga nilalaman nito ay mga gawa ng mga hindi kilala at tanyag na manunulat saan mang sulok ng mundo. Ang mga gumagamit nito ay maaring magbigay ng kanilang komento sa lathalang nabasa nila sa wattpad at magbigay ng boto sa mga nagustuhan nilang kwento o sumali sa ano mang grupo sa website. Karamihan sa mga gumagamit ng website na ito ay nanggagaling sa bansang U.K, Canada, Pilipinas at marami pang iba.
Ang Wattpad ay nagsisilbing hagdanan sa mga naghahangad na maging manunulat upang mailathala at maipamahagi ang kanilang gawa. Maari rin silang makakuha ng puna mula sa kanilang mambabasa at makahalubilo sa ibang manunulat at mambabasa sa wattpad. Ito ay nagbibigay ng libreng access sa kompyuter at iba pang mobile devices. Fiction, non-fiction, romance, humor, poetry, short story, vampire at iba pang genre ang matatagpuan mo sa wattpad. Ang genre na parating binibisita ng mga gumagamit ng website na ito ay ang mga gawa na nakapaloob sa genre ng Fiction, Romance, paranormal at fan fictions. Ang mga kwentong nakakatanggap ng maraming boto ay lumalabas sa “What’s Hot List” nila at nagbabago ito araw-araw depende sa natatangap na boto at bilang ng nagbabasa. Ayon sa site karamihan sa mga gumagamit nito ay ang mga kabataan. Upang magamit ang mga pasilidad sa website na ito, kailangang gumawa ng sariling wattpad account kung saan doon nakalagay ang mga importante impormasyon : Pangalan, edad, lokasyon, at kasarian.
Ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mga manunulat na makapaglathala ng sarili nilang gawa at maipamahagi ang kanilang talento, magkaroon ng tagahanga at makatanggap ng feedback mula sa kanilang mambabasa. Ang mga mambabasa naman ay nabibigyan ng pagkakataon na mkapagbigay ng commento sa kanilang nabasa at makasalamuha ang paborito nilang manunulat at ibang kaibigan sa wattpad.

Paraan * Gabay ng magulang ang siyang pinakamagandang solusyon upang maiwasan ang pagkalingat ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral. * Iwasan ang pagbababad sa harap ng kompyuter o cellphone dahil nakakasira ang radiation sa mata. * Bigyan ng halaga ang oras. Kung maaari gumawa ng talatakdaan upang mabadyet ang oras.

-------------------------------------------------
Kabanata III

vii. Lagom viii. Konklusyon ix. Rekomendasyon

Lagom Ito ang nagsisilbing libangan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Sa pamamagitan nito mas marami at napapadali nito ang kanilang paghahanap ng mga paborito nilang babasahin. Kailangan lamang ng gabay at patnubay ng mga magulang ubang magamit ng hosto ang mga ito. Limitahan lamang ang lahat ng bagay upang hindi ito maghatid o magdulot ng masamang epekto at papagtibayin pa nito ang magandang samahan sa loob ng pamilya sapagkat kung bilang ina Masaya sa pakiramdam na nahuhumaling ang anak sa pagbabasang wattpad dahil alam ko maraming ideya ang makukuha niya. Bilang isa naman sa mga kabataan masayang magbasa at lumikha ng sariling babasahin gamit ang wattpad at sa tulong din ng ibang mga kabataan na tumatangkilik nito. Isa lamang ang wattpad sa marami pang site sa kompyuter na nagbibigay ng importansya kung gaano kahalaga ang pagbabasa bilang gabay at sandata sapagkat naniniwala ako na hanggat may binabasa ka , lumalawig at lumalago ang kaalaman mo. Walang taongwalang alam kung patuloy lang papahalagahan ang pagbabasa gamit man ang teknolohiya dito o maging aktwal gaya ng mga libro. Konklusyon Isa sa may malaking impluwensya lalo na sa mga kabataan ay ang makabagong teknolohiya. Halos lahat ng mga gumagamit nito ay mga kabataan upang ilahad nagkani-kanilang sarili sa pamamagitan ng makabagong teknolohiyang ito. Isa ito sa nakakapukaw ng interest. Magandang solusyon ang paggamit ng teknolohiya upang makuha mula ang interes ng mga mag-aaral lalo na kanilang pag-aaral. Ang wattpad na siyang nagiging tulay upang muling pukawin ang kanilang interes sa pagbabasa at pagsulat. Isang magandang paraan ito upang maalis ang kanilang pagkahilig sa mga laro na wala na mang magandang naidudulot.
Bilang isang mag-aaral isa lamang ako sa nahuhumaling sa pagbabasa ng WATTPAD hindi ko maikakaila na kung minsan ay mas pinipili ko pa ito kaysa sa aking mga tungkulin bilang estudyante pero ang kagandahan naman ay marami akong nakakalap na ideya at inpormasyon ukol sa aking nabasa na maaari kung gamitin sa araw-araw kung pamumuhay. ngunit dapat nating isa isip na huwag nating masyadong ituon ang ating oras s mga ganitong bagay sapagkat hindi lamang dito umiikot ang buhay natin. Lahat ng bagay ay may kagandahan ang kasamaan ring naidudulot kaya wag nating abusuhin ang paggamit.

Rekomendasyon

Inirerekomenda ng mga manananaliksik na papagtibayin at tangkilikin ang mga ganitong uri ng website na tumutulong na paunlarin ang ating mga tinatagong kakayahan at galing sa paggamit ng ating imahinasyon. Ito ay nakakatulong sa pagpapatibay ng ating pagkatao sa pamamagitan ng pakikisama at pakikisalamuha sa ano mang aspeto tulad ng magkokomento at pakikipag-ugnay sa ano mang uri ng tao, mapabata man o matanda.
Dahil isa ang media at teknolohiya sa nakakaimpluwensya sa tao maari itong gamitin lalo na sa mga mag-aaral upang makapaghatid ng kaalaman at mapadali ang kanilang pagkatotoo. Ngunit mas magandang magtala ng limitasyon sa ganitong bagay upang maiwasan ang ano mang di kanais-nais na maidudulot nito sa atin.

Bibliograpiya

http://www.wattpad.com http://stories.wattpad.com/project/wattpad/ http://en.wikipedia.org/wiki/Wattpad http://mashable.com/2013/09/30/wattpad/ http://www.publishersweekly.com/pw/by-topic/digital/content-and-e-books/article/60535-wattpad-grew-to-18-million-users-in-2013.html http://techcrunch.com/2012/02/10/wattpad-1-billion-minutes/ http://wattpad.wikia.com/wiki/Wattpad_Stories
http://www.crunchbase.com/company/wattpad#ixzz2wVzE8kJv

Similar Documents