...Sa ating bansang Pilipinas ay may mahigit na 40 tayong iba’t ibang katutubong grupo at sa bawat grupo ay may kanya-kanyang kultura at lengwahe. Bawat pangkat din ay nakatira sa isang “specific” na rehiyon sa isang isla. Ang ating mga pangkat-etniko ay makikita sa iba’t ibang parte ng tatlo nating kapuluan: Luzon, Visayas at Mindanao. Ang ating mga katutubo, o mas kilala bilang mga “Lumads” ay silang mga taong namili na mamuhay ayon sa tradisyon na pamamaraan hindi katulad natin na patuloy na nag-eebolb dahil sa mga mananakop na napapadpad sa ating teritoryo. SINO NGA BA ANG MGA ITINUTURING NATING MGA INDIGENOUS PEOPLE? Sa tagalog, sila ang mga “Pangkat-etniko o mga Katutubo.” Sila ang mga itinuturing nating mga sinaunang tao dito sa Pilipinas. Noong Martes, Setyembre 15, ay ginanap ang Noise Barrage para sa paghingi ng hustisya sa pagpatay sa mga Lumads. Sa aking mga nasagap na balita, ang nangungunang dahilan daw sa pagpatay sa kanila ay hindi dahil sa sila ay pinagbibintangang mga NPA o New People’s Army, ang katotohanan nito ay gusto nilang kunin ang lupa ng mga Lumads dahil sa mga naitatago nitong mga ginto at mga mineral na hindi mapagkakaila na mapakikinabangan talaga. Naisip ko lang— wala bang karapatan ang mga Lumads na angkinin ang lupa na sa kanila naman talaga? Mas nauna pa sila sa ating makatungtong dito sa Pilipinas, pero parang sila pa ang naaagrabyado. Sabi nila, hindi raw ito ang unang beses na nangyari, pero bakit parang hindi nakararating sa gobyerno ang...
Words: 270 - Pages: 2
...malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang nap Paksa: Heograpiyang Pantao Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Wika Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan sa mga...
Words: 6009 - Pages: 25
...34 Alipato Kasaysayang Bayan at Tradisyonal na Kasaysayan: Epekto sa Nasyonalismo at Pambansang Identidad ng mga Mag-aaral Charina B. Agcaoili Introduksyon Ang nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan. Bahagi nito ang paggigiit sa soberanya ng bansa, kalayaan, at pag-asa sa sariling kakayahan (Lichauco, 1968). Isa rin itong malinaw na konsepto ng mga elementong bumubuo sa pagiging nasyon ng isang bansa, at bagay na nagtatangi at nagpapakita ng kaibahan nito sa iba pang nasyon (Alfonso, 1967; De La Costa, 1965; Osorio, 1963; Tañada, 1955). Sa pananaw ni Rizal, ang nasyonalismo ay pagsasakripisyo para sa bayan. Handang kalimutan ng isang taong makabayan ang kanyang sarili para maisulong ang kabutihan ng kanyang mga kababayan. Higit sa lahat, gagawin niya ito nang walang pag-aalinlangan o “sin dudas, sin pesar” (Quibuyen, 1999; Marquez-Marcelo, 1984). Kaugnay din ng nasyonalismo ang katapatan sa mga institusyon, tradisyon, at pagpapahalaga sa kasaysayan (Abueva, 1999). Mahalaga ang pagkakaroon ng mga mamamayang makabayan sa pagsulong ng isang bansa (Loong, 2007; de Quiros, 2002, Lumbera, 2000). Sa ika-19 na dantaon ng Meiji, ang nasyonalismo ang nagbigay-sigla sa mga Hapones na hangaring mapantayan ang kalagayan ng mga bansang nasa Kanluran. Ito rin ang dahilan ng pagsusumikap ng mga Tsinong paunlarin at gawing moderno ang kanilang ekonomiya (Loong, 2007). Umunlad naman ang mga bansang tulad ng Timog Korea, Rusya, Britanya at Pransya bunga ng mga mamamayang makabayan. Maliban dito...
Words: 6875 - Pages: 28
...Filkom- Kabanata 1 Aralin 1 “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan o binigyan ng makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng kaisipan.” – Henry Allan Gleason (ecologist, botanist at taxonomist) *See page 3 – Webster, Sturtevant….* Katangian ng Wika * Ang wika ay masistemang balangkas * Tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors a. Ponolohiya o tunog – makaagham na pag-aaral ng mga makahulugang tunog o ponema b. Morpolohiya o salita- pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng tunog o morpema c. Sintaksis o parirala/sugnay/pangungusap- pag-aaral ng sistema ng pagasama-sama o paguugnay-ugnay ng mga salita d. Semantika o kahulugan ng salita- kahulugan o relasyon ng mga salita Diskurso- palitan ng pangungusap * Ang wika ay sinasalitang tunog * Interaksyon ng mga aparato sa pagsalita gaya ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid (speech organs) * Unibersal na katotohanan sa wika na tunog- pinakapangunahing pangangailangan ng wika * Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog * Simbolong bokal at arbitrary * Dualismo- isang panagisag at isang kahulugan * Arbitraryo- walang tiyak na batayan * Ito ay arbitraryo sapagkat walang rasyunal na magagamit upang ipaliwanag ang koneksyon ng mga ito * Nakaugaliang gamitin * Ang wika ay komunikasyon * Kasangkapan ng komunikasyon ...
Words: 3394 - Pages: 14
...Mga dapat gawin Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VI- Western Visayas DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL Cottage Road, Bacolod City ARALING PANLIPUNAN I (Unang Markahan sa Unang Baitang) S.Y. 2015-2016 I. Panuto: Basahing mabuti ang mga hinihinging impormasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot. Ipinakilala ni Ana ang kanyang sarili sa harap nag klase. Alin sa sumusunod ang dapat niyang isabi? A. Ang pangalan ko ay si Ana De Belen B. Si Ana ako C. Ako si Ana Tinanong ng guro si Rex. “Ilang taong gulang ka na? Alin dito ang tama niyang isagot? A. Nasa unang baitang ak B. Ako ay may anim na taong gulang na po. C. Si Rex po ako Nawawala si Carla sa mall at umiiyak siya nang biglang lapitan ng “Security Guard” Nawawala ka ba , saan ka nakatira? “ tanong ng guard. Alin sa sumusunod ang isasagot ni Carla? A. Ipinanganak ako noong Ika -3 ng Enero taong 2008 B. Nakatira po ako sa Kalye Rizal, Barangay Mabini C. Ako po si Carla. Isa-isang tinanong ng bisita ang mga mag-aaral kung saan sila nag-aaral. Alin sa kanila ang sumagot ng wasto. A. ako ay anim na taong gulang B. Ako ay nakatira sa Barangay Rizal C. Ako ay nag-aaral sa Paaralng ng Sto. Rosario. II. Panuto: Piliin ang mukha na pangpapakita ng iba't – ibang damdamin. Iguhit ito sa papel MalungkotMasayaNagulat ______________ 5. Binulaga ka ng iyong kaklase. ______________ 6. Dumating si tatay may dalang bagong laruan. ______________...
Words: 6898 - Pages: 28
...ang hindi nila natinag na damdamin sa paglaya. Sila ang mga mukha na hindi nabigyang pansin sa kasaysayan na layunin marahil na mapansin sa pagsulat ng akda o kabuuang libro ng The Moro Readers. Noong pre-kolonyal na panahon pa lamang raw sa bansa, malaki na ang impluwensyang pulitikal ng mga Pilipinong Islam. Marami sa mga grupong islam ang namumuno sa mga sultanato sa maraming lugar, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Brunei, na nagpahirap sa pananakop ng español. Ilan sa mga sultanato ay ang sultanato sa sulu sa pinamunan ni Raja Baginda at ang naging unang sultanato ay sharif abubakar. Sa Central Mindanao naman si Raja Kabunsuan at si Sultan Kudarat sa Maguindana. Malaki ang kinalaman ngpagpapakasal sa iba't ibang pangkat o grupong etniko sa pagpapalawak ng impluwensyang pulitikal at teritoryo na ginawa ng mga nabanggit. Maging sa ekonomiya, sinabing noon pa man ay aktibo ng kabilang sa East Asian maritime trade o ang Sulu Zone. Bagamat magkakaiba ng pinamamahalaan ang mga sultanato, nagkakaisa sila sa pakikipaglaban sa kanilang kaaway. Ang pakikipaglaban ng mga Moro sa Kolonyalismo ay hinati ng mga kolonyalista at mga elite bilang tatlong proseso ng kolonyalismo sa mga Moro ayon kay Teopisto Guingona. Una ay ang halos 3 dekada ng Moro-Spanish War, ang ikalawa ay ang paglaban sa amerika at ang huli ay panahon mula 1914 hanggang sa kolonyalismo ng Japanese. Pero...
Words: 1205 - Pages: 5
...ang katangian ng wika ay: 1. ang wika ay mayroong 2 masistemang balangkas 2. ang wika ay arbitraryo 3. ang wika ay sinasalitang tunog 4. ang wika ay ginagamit sa komunikasyon 5. ang wika ay pantao 6. ang wika ay nakaugat sa kultura 7. ang wika ay malikhain 8. ang wika ay patuloy na nagbabago 9. ang wika ay natatangi ang teorya ng wika ay: 1. teoryang bawaw 2. teoryang pooh pooh 3. teoryang tara ra boom de ay 4. teoryang ding dong 5. teoryang tata 6. teoryang yo-he-ho ang kahalagahan ng wika ay: 1. ang wika ay instumento ng edukasyon 2. nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman 3. nagbubuklod sa bansa 4. lumilinang ng malikhaing isip Mga Pangunahin At Pandaigdigan katangian ng Wika ni Gleason. 1. masistemang balangkas – kapag sinasabing masistema, ang ibig ipakahulugan nito ay may kaayusan o order . bawat wika kung ganoon ay may kaaysan o order ang istruktura. May dalawang masistemang balangtas ang wika ; ang balangkas ng may tunog at ang balangkas ng mga kahulugan. Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsam- sama sa isang sistematikong paraan upang makabuo ng mga makahulugang yunit tulad ng mga salita . gayundin , ang mga salita ay mapagsasama –sama upang makabuo ng mga parirala at sugnay /pangungusap 2. sinasalitang tunog- maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi lahat ay maituturing na wika . ilang sa mga halimbawa ay ang alarma ng orasan . kulog sa kalangitan, wang wang ng patrol ng pulis, lagaslas ng tubig,...
Words: 2735 - Pages: 11
...GABAY NG GURO SA BAITANG 7 UNANG MARKAHAN LINGGO 1 I. Mga Kagamitan Unang Araw a. CD player/mp3 player b. Concept Map ng salitang “Pagkabata” c. Kuwadradong papel na maaring sulatan ng isang salita d. Kopya ng “Batang-bata ka pa” Ikalawang Araw a. Papel na susulatan ng talata b. Papel para sa Venn Diagram Ikatlong Araw a. Makukulay na papel b. Gunting c. Pandikit II. Pamamaraan Unang Araw a. Panimulang Pagtaya (10 minuto) Magpakita ng isang concept map ng salitang “pagkabata”. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng papel na pagsusulatan nila ng isang salitang maglalarawan sa kanilang pagkabata. Ididikit nila ito sa palibot ng concept map at maaring magbahagi ang ilang mag-aaral kung bakit ito ang salitang isinulat nila. b. Presentasyon (15 minuto) Bigyan ang bawat mag-aaral ng kopya ng awit na “Batang-bata ka pa” o magpaskil ng kopyang pangklase sa pisara. Patutugtugin ang awit nang dalawang beses upang mapakinggan ng mga mag-aaral. c. Pagpapayaman (20 minuto) Magkaroon ng talakayan tungkol sa pinakinggang awit: 1. Ano ang pamagat ng awit? 2. Tungkol saan ang awit na ito? 3. Paano inilalarawan ng awit na ito ang pagkabata? 4. Sumasang-ayon ka ba sa sinasabi nito? 5. Ano sa tingin mo ang tinutukoy ng awit na “karapatan” kahit bata pa? 6. Ano kaya ang mga bagay na hindi pa nalalaman ng mga bata ayon sa awit? 7. Matapos marinig at mabasa ang awit na ito, may nabago ba sa pagtingin mo sa ‘pagkabata’? Ibahagi kung mayroon. 8. Masasabi mo bang tama...
Words: 8932 - Pages: 36
...KOLEKSYON AT PAGHAHAMBING NG MGA PAMAHIIN SA LALAWIGAN NG TARLAC, BULACAN AT NUEVA VIZCAYA nina Salvador, Camille Joyce Delos Santos, Mary Ann Tan, Charmaine Jenilou Pascua, Maggie Mae Carganilla, Opal Lynn Dumale, Rico Martin Llanillo, Hazel Anne Paulino, Paula Mae Mactal, Gelli Rose Uzon, Jennifer Isang Tesis na Iniharap sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Central Luzon State University Bilang Katugunan sa Pangangailangan Ng Asignaturang Filipino 105 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Marso 2014 KABANATA I. Ang Suliranin at ang Kaligiran ng Pag-aaral PANIMULA “Ang pamahiin ay isang matandang kaugalian na kinagisnan mula pa sa ating mga ninuno, buhat pa noong unang panahon at tinataglay pa rin ng marami, lalo na yaong mga naninirahan sa malalayong lalawigan. Ang paniniwala sa mga pamahiin ay naging panunturan ng pang-araw-araw na buhay ng ibang tao, pati na rin ang pagiging babala nito sa bawat gawain, plano, o hangarin nila sa buhay. Maaaring ginagawa nila ang mga ito bilang respeto at pagbibigay-galang sa mga nakatatandang nagpayo sa kanila na sumunod sa mga pamahiin. Ang pamahiin ay isang walang basehang paniniwala hinggil sa mga bagay-bagay na wala namang relasyon sa isa’t-isa. Aminin man o hindi, malaki ang nagagawang impluwensya ng mga pamahiin sa usaping kultura, buhay, kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahang mga Pilipino. Maraming...
Words: 2542 - Pages: 11
...Ang Pananakop ng mga Espanyol Kolonisasyon at Kristiyanisasyon Sa pagdating ng mga dayuhang Espanyol sa ating bansa, naging magulo na ang pamumuhay ng mga Pilipino. Layunin ng mga Espanyol na sakupin at pamunuan ang Pilipinas. Mayroong dalawang estratehiya sa pananakop ang mga Espanyol, ang Ebanghelisasyon; na sinasagisag ng krus. Ito ay isinasagawa sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa sa paraang Kristiyanisasyon. Ikalawa ay ang Kolonisasyon; ito ay isinasagisag ng espada. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng lakas-militar. Subalit naging mas epektibo ang paggamit ng ebanghelisasyon na pinamunuan ng mga prayleng Espanyol na ginamitan nila ng sandatang krus, rosaryo at dasal. Nabihag naman nila ang puso ng mga pilipino dahil sa pamamaraang ito. Nagpatupad sila ng mga patakaran katulad na lamang ng Entrada, Reduccion at Doctrina, na nagdulot ng matinding transpormasyon sa mga sinaunang pamayanang Pilipino. Entrada; ito ang unang pagsakop na isinagawa ng mga Espanyol na ginamitan nila ng puwersang militar. Matapos nito sumunod naman ang mga paring misyonero at mga pinunong sibilyan naman ang pumasok sa bagong sakop na katutubong komunidad. Sila ang nangasiwa sa organisasyong politikal sa pamamagitan ng reduccion. Samantala, ang mga paring misyonero naman ang nangasiwa sa pagpapatupad ng doctrina. Sila ang nangangasiwa sa pabibinyag ng mga katutubong itinurin nilang pagano. Maliban dito nagpatupad din sila ng "sistemang...
Words: 2453 - Pages: 10
...95 PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG: ng Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pagunlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano? Mga Araling Sakop ng Modyul Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang Pamumuhay sa Asya 96 Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag ng Kabihasnan sa Asya...
Words: 20598 - Pages: 83
...Tema: “Wika Natin ang Daang Matuwid” Paksa: May Tatlong Landas ang Wika Ang bayaning Gat. Jose Rizal ay siyang nagpagunita kung anong kahalagahan ng wika sa ating nilikha wika niya “ Ang wika ang siyang diwa ng bayan”. Ang unang dapat usisain bakit naging Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas? Sa 1935 kumbensyon konstitusyonal, isang wikang batay sa isa sa mga katutubong wika ng Pilipinas ang ating naging wikang pambansa. Nakapagtatakang isipin na sa daming edukadong ang dila’y Peninsulares at mapuputing kano ay nauwi tayo sa Filipino samantalang sakop ang Pilipinas ng mga Amerikanong ng mga panahong ito. Matalik na ugnayan sana sa Espanya at mga bansang sa Amerika Latina ang ating tinatamasa kung Espanyol ang napiling pambansang wika. Hindi kaya naman wala na sana tayong problemang pinag-uusapan kung Ingles naman, ngunit pinagtibay nila ang pagbuo ng wikang pambansang nakabatay sa isang katutubong wika ng Pilipinas. Bakit mas pinagtibay nila ang pagkakaroon ng wikang pambansa kung may matatamasa naman tayong mabuti sa pagpili ng isa sa dalawang banyagang wika? Sapagkat higit nilang pinaniniwalaang magkakaisa tayo bilang isang bansa at makapagsasarili ng politika at ekonomiya kung isang wikang katutubo ang ating magiging wikang pambansa. Bahagi ng paniniwalang ito ng matinding nasyonalismo na dulot ng nakaraang himagsikang Pilipino na noo’y maalab na maalab sa puso ng mga lider na naging deligado sa kumbensyong pansaligang batas. Bakit Filipino at hindi Pilipino? Sapagkat...
Words: 2955 - Pages: 12
...Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay kabilang sa iisang wika. Ayon sa KWF, ang Filipino ay ang uri ng wika na sinasalita sa Metro Manila at iba pang punong-lunsod na pinagtatagpuan ng iba’t ibang grupong etniko. Ito ang pinakaprestihiyosong uri ng Tagalog at ang wikang ginagamit ng masmidyang pambansa. Ang isa pang panukat para makilala ang isang wika sa isang diyalekto ay: ibang gramatika, ibang wika. Iisa ang gramatika ng...
Words: 44725 - Pages: 179