Free Essay

Para Kay B

In:

Submitted By thatguyryan324
Words 2837
Pages 12
Para Kay B.
Ni Ricky Lee

Ipinasa ni: Ryan M. Ramirez
IV-Coral
Pinasa kay: G. Aruta
(Guro sa Filipino IV)

Tagpuan Sa San Ildefonso unang nangyari ang lahat. Dito sinimulan ng may akda ang limang kwento ng pag-ibig at dito din natapos. Ang San Ildefonso ay isang bayang palaging mayroong rally laban sa Mayor. Laging may nagpuputol ng mga punong kahoy dito, kaya ganoon na lamang kinamumuhian ng mga mamamayan ang bayang ito. Halos maubos na ang mga punong kahoy dahil sa walang hanggang pagputol ng mga trabahador ng Mayor (Mayor Ignacio) at kapag dumating na ang ganti ng kalikasan mabilis itong malulusaw at mawawasak.
Mga Tauhan
Irene – wirdong batang babae na may photographic memory. Matalino kaya nababansagang wirdo. Nagmahal sa nakaraan na ngakong pakakasalan siya.
Jordan- tinedyer na ulilang lubos matapos pagbabarilin ang mga magulang at masuwerteng nakaligtas sa mga ito sa pamamagitan ng pagtakip ng kaniyang ina sa kanya. Binatang laging pinaguusapang isang anak ng NPA. Guwapo ito na bumihag sa puso ni Irene at pinangakuan ang batang babae na sa paglaki nito ay kanyang pakakasalan.
Mrs. Ignacio – maybahay ng mayor na hindi na maramdaman ang pagmamahal sa kanya ng asawa. Laging tumatalsik ang mga laway.
Elena – ina ni Irene na matagal ng patay ngunit nagpapakita pa rin sa kanya tuwing siya’y may problema. May pulang tali sa buhok at pulang cutex sa mga kuko nito.
Sandra – babaeng nagmahal sa bawal na pagibig. Umibig sa kanyang kapatid na si Lupe. Nagtrabaho sa isang hotel at may tatlong anak at pinakasalan ni Ruben. Lahat sakanya ay dapat fair o patas.
Lupe – kuya ni Sandra, na pangarap maging sikat na gitarista ng isang banda. Naging isang isnatser matapos palayasin ng ama sa kanilang bahay dahil nahuli silang magkapatid na nagtatalik.
Belinda – anak ni Sandra kay Lupe. May parang kakaibang pag-iisip. Kahit ito’y walong taong gulang na ay di pa gaanong makapagsalita.
Erica – isang babaeng taga Maldiaga na hindi marunong magmahal sa kadahilanan na ring ang kinagisnang bayan ay di maruong mag mahal. Napunta sa mundo ng puno ng pagibig at sinubukang pag-aralang mabuti ang umibig. Pinag-aralan niyang ibigin si Jake ngunit hindi niya magawa.
Jake – anak ni Mrs. Baylon na umampon kay Erica. Lahat ng ayaw ng ina niya para sa kanya ay kanyang sinusuway. Babaero ngunit nagbago nang makilala si Erica.
Mrs. Baylon – matandang babae, na ina ni Jake, na may hugis bombilya ang buhok at mahilig dasalan ang urn o abo ng kanyang asawa kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na biyuda na rin.
Ester – isang tomboy na ayaw amining tomboy. Umibig kay Sara na katulong ng kanyang ina noong ito’y nabubuhay pa. Mahilig sa kulay na dilaw at simple kung mag make-up at mag-ayos ng buhok.
AJ – baklang anak ni Ester na naging tulay upang magkita ulit sila ni Sara. Mahilig sumali sa mga gay beauty contest.
Bessie – ang babaeng kung sinu-sino ang pinapatulan. Nagbebenta ng mga gamit mula sa mga taong sawi sa pagibig o binansagang mga Capital S. Babaeng magaling umarte ng iba’t ibang tauhan dahil pangarap nitong maging isang artista balangaraw. Naging kaibigan ni Lucas at napamahal na siya dito dahil sa hindi niya ito maakit.
Brigs – ang mapang-trip na basketbolista na anak ni Colonel Moncayao. Nambugbog kay Lucas na naging dahilan ng pag-alis nito sa pad ni Bessie.
Manang Belen – ang tumulong at kumupkop kay Lucas matapos itong mabugbog. Matabang matandang babae na manghihilot. Pinatay ang asawa at ikinulong sa mental hospital. Ang kanyang mga anak ay nasa Australia nang dumating si Lucas itinuring niya na itong parang totoong anak.
Charlie – kaibigan ni Lucas na madalas nitong kainuman at kausap maghapon. Ang asawa nito ay nasa Canada. Siya ay isang aktibista at noon nang nagsusulat ng mga kwento na wala ng kopya ngayon.
Lucas - ang nagsulat ng lahat ng kwento. Ang limang kwentong ginawa niya para kay Bessie. Isang hapon na tigyawatin at pangit ngunit kahit papano nabihag nito si Bessie.

Buod ng Nobela
Ang nobela ay may limang kwento. Dito sinasabing may quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang magiging maligaya. Sa unang kwento, makikilala si Irene na naghangad na pakakasalan ni Jordan paglaki nito. Ngunit biglang umalis si Jordan at di na nagpakita. Ngunit isang araw sa isang hotel nagkita sila, ngunit hindi siya maalala ni Jordan pero ang totoo nagkukunwari lamang si Jordan upang makalimot ng tuluyan sa nakaraan. Ang nakaraan ay ang pagiging ulila nito matapos patayin ng mga sinasabing vigilante ang kanyang mga magulang. Isinumpa nitong lalayo sa bayan ng San Ildefonso at sinabing ang bayang iyon ay wawasakin ng apoy. Nagtalik sila ni Irene at pagkatapos nito umalis na lang si Irene sa pagkakadismaya na hindi siya maalala ni Jordan.
Sa ikalawang kwento, may magkapatid na sina Sandra at Lupe na nagmamahalan. Isang araw nahuli silang nagtatalik sa isang bodega. Pinalayas ng ama si Lupe at ito’y pumunta sa maynila. Nagkanobyo ng iba si Sandra, si Ruben. Isang habang naglalakad sila sa dilim ay biglang may nang-isnats ng cellphone ni Ruben at iyon ay si Lupe. Tinawagan ni Sandra ang cellphone ni Ruben upang makausap ang kuya na si Lupe. Nagkikita sila sa isang hotel at may nangyari sakanila. Matapos ang nangyari ay nawala na muli si Lupe at dumating si Ruben upang pakasalan si Sandra kahit ito’y buntis na at ama ay si Lupe.
Sa ikatlong kwento, may isang babaeng taga Maldiaga. Kung saan ang komunidad ay di marunong magmahal. Napunta siya sa kabilang mundo at dito pinag-aralan niyang magmahal. Pinag-aralan niyang mahalin si Jake na anak ni Mrs. Baylon na kumupkop sakanya. Ngunit hindi niya magawang mahalin si Jake at ito’y umalis. Nakilala niya si Mary Cruz, isang director. Niyaya siyang maging TV Host at endorser ng mga sikat na produkto dahil siya ay nakakatuwa at magaling pagdating sa pageendorso. Naging sikat siya at nagpapayo sa mga nakikinig sa radio tungkol sa pag-ibig. Isang araw nakita niya si Mrs. Baylon at dinala siya nito sa bahay nila. Nakita niya si Jake na nasa bintana at hindi kumikibo. Kwento ni mrs. Baylon, hinanap daw ni jake si Erica sa kung saan-saan pati na sa Maldiaga ngunit din ito mahanap ang Maldiaga. Minsan pa raw ay lumusong ito sa ilalim ng dagat at natagpuang walang malay. Hindi na ito makakapagsalita ngunit makakagalaw naman. Iniwan ni Erica ang trabaho niya at inalagaan si Jake.
Sa ikaapat na kwento, si Ester na may limang anak at biyuda na. Sa pagkamatay ng asawa nito ang nagging sandalan niya ay si Sara na matagal niya nang pinagtataguan ng pagmamahal. May nangyari sakanila ni Sara at pagkatapos nun ay umalis na si Sara sa buhay ni Ester. Ngunit nagging Masaya naman kahit papano ang kanyang buhay ng matuklasan niyang bakla ang kanyang anak na si AJ. Malapit sila sa isa’t isa at pawang magkaibigan lamang. Napansin ni AJ na malungkot ang ina, kaya hinanap nito si Sara at natuklasang may asawa na at tatlong anak. Pinuntahan ni AJ at Ester si Sara, nakilala nila si Pio ang kanyang pangit na asawa. Humahadlang si Pio sa pakikipagusap ni Sara kay Ester kaya umuwing malungkot si Ester. Sinundan ni Sara si Ester sa kanilang bahay at sinabing magtratrabaho ulit siya sa pagawaan ng barong nila at para na rin makasama niya ulit si Ester.
Sa ikalimang kwento, may isang babaeng masasabing kung kani-kanino pumapatol, siya ay si Bessie. Minsan napagtripan niyang akitin at tikman ang isang hapon na tigyawatin, si lucas. Si Lucas ay isang writer. Nakitira si Lucas sa pad o condo ni Bessie at doon sila’y naging mas malapit pa sa isa’t isa. Nagkagusto si lucas kay Bessie ngunit ayaw nitong pagsamantalahan si Bessie dahil sabi nito na makikipagtalik lamang siya sa babaeng gusto rin siya. Si Bessie ang nagbigay ng laptop kay Lucas upang gumawa ng mga kwento at ginawa niya ang mga kwento para kay Bessie at kanya itong iaarte. Isang araw dumalaw ang kaibigan ni Bessie na si Brigs na anak ni Colonel Moncayao. Pinagtripan si Lucas na siyang kinagalit nito at hinagis ang damit sa mukha ni Brigs. Nagalit si Brigs dahil ayaw nitong inaagawan ng gamit. Dahil ang damit na suot ni Lucas ay kay Brigs na naiwan nito matapos makipagsiping kay Bessie. Binugbog ni Brigs si Lucas hanggang sa ito’y manghina. Dinala nila si Bessie sa kung saan-saan at tinapon sa isang bangketa. Kinaumagahan umuwi si Bessie sa kanyang pad. Tinulungan niya si Lucas ngunit ayaw nitong magpatulong dahil sa galit. Nakatulog silang dalawa ngunit pakagising ni Bessie wala na si Lucas. Si Lucas ay nawalan ng malay sa kalye at ito’y kinupkop ni Manang Belen. Nakatira ito malapit sa tren. Tinulungan niya si lucas na bumangon uli. Nakilala niya rin si Charlie, ang naging kaibigan niya. Tinulungan din nitong tulakin si Lucas na magsulat ulit. Hinanap ni Bessie si Lucas hanggang sa mapadpad ito sa San Ildefonso. Sa tulay nakita niya si Jordan na hinahanap naman ay si Irene.
Sa pagpapatuloy ni Lucas sa pagsusulat, nagsilabasan ang mga tauhan sa loob ng kuwarto. Ang limang babae na sina Irene, Sandra, Erica, Ester at Bessie. Nagrereklamo sila dahil hindi maganda ang katapusan ng kwento nila. Si Irene na hindi daw siya maalala ni Jordan. Si Sandra ay kontento na. Si Erica na ayaw maging isang parang bangkay na habang buhay si Jake. Si Ester ay nagaalangang magreklamo ngunit naging kontento na rin ito. Si Bessie na naghihintay pa sa katapusan ng kwneto nila ni Lucas. Pinarevise ni Erica at Irene ang kwento nila. Sa kwento ni Erica, napunta si Jake sa Maldiaga at naging katulad na ng mga tao doon. Si Erica ay nakapag asawa ng isang excutive at pinakasalan. Sna Irene at Jordan ay nagkita ng muli at nagpatawaran na.
Suliranin
Ang pagdating ni Brigs at pagbugbog nito kay Lucas at siya’y napalayo kay Bessie. Naging sanhi upang hindi matupad ang pangarap niyang maiarte ni Bessie ang mga kwentong kanyang nilikha.
Wakas
Nagwakas ang nobela ng may mga matutunang aral. Sa limang taong nagmamahal isa lang ang magiging maligaya. Pinuntahan ni Lucas si Bessie sa San Ildefonso natuklasan niyang nakikipag-live in na si Bessie kay Brigs. Mula noon ay namuhay na si lucas ng mag-isa ngunit di na nagsulat ng mga kwento tungkol sa pag-ibig. Nagsulat na lamang siya tungkol sa kanyang bansang nagiging kawawa na.

Mga Teoryang Ginamit

Teoryang Realismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat. Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo
Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Teoryang Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Teoryang Queer
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.
Reaksyon
Sa aking nabasa, ako ay natuwa dahil napakaganda ng kwento ng nobela. Nalaman ko na bihira lang ang makakakuha ng masayang pag-ibig at magiging maligaya habang buhay. Natutunan ko na ang pagmamahal ay walang pinipiling oras, kahit kailan maaari tayong umibig. Umibig ng tapat at lubos. Nasiyahan ako dahil kahit may mga negatibong bahagi ang mga ugali ng mga tauhan nagagawa pa rin nilang mag mahal ng totoo. Kahit anong pagkatao man ang mayroon sila, kahit magkakaiba man ang panlabas na anyo ng mga tao, lahat sila marunong magmahal ng totoo at lubusan. Na-enjoy ko ang nobela dahil maganda ang bagsakan ng mga salita. Nakikita ko sa aking imahinasyon ang mga nakasulat dito at parang nanunuod lang ako ng mga pelikula. Pelikulang Masasabi kong pinakamagandang pangitain sa aking buhay. Minsa’y parang nakakasama ko pa ang mga tauhan at nakikita sila na parang totoong tao sa aking paligid.

Talambuhay ni Ricky Lee
Si Ricardo A. Lee (Ricky Lee) ay isang manunulat mula sa Pilipinas. Higit siyang popular bilang isa sa itinuturing na pinakamahusay na scriptwriter ng bansa sa larangan ng pelikula at telebisyon, bagamat kilala rin siya sa kanyang masining na kontribusyon sa larangan ng maikling kwento, nobela, dula at pamamahayag.
Nakapagsulat na siya nang mahigit sa 150 naisapelikulang iskrip mula pa noong 1973. Nakapagtamo na siya nang mahigit 50 tropeo mula sa iba't ibang samahang pampelikula; kabilang na dito ang isang Natatanging Gawad Urian. Marami sa kanyang mga pelikula ay naipalabas na sa Cannes, Toronto, Berlin at iba pang mga internasyunal na film festivals. Kabilang dito ang Himala, Moral, Brutal, Relasyon, Karnal, Bulaklak ng Maynila, Gumapang Ka sa Lusak, Jaguar, Salome, The Flor Contemplacion Story, Dolzura Cortes, Muru-Ami, Bagong Buwan, Rizal, Nasaan Ka Man, Madrasta, Anak at Dubai.
Bilang fiksyunista, mandudula at mamamahayag, si Lee ay nakapagkamit din ng maraming pagkilala sa pagsusulat ng fiksyon mula sa Pilipino Free Press, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas. Noong 2000, hinirang din siya bilang isa sa 100 Artista na pinarangalan ng Cultural Center of the Philippines ng Centennial Honors for the Arts award.
Si Lee ang naglathala ng unang libro ng mga iskrip sa Pilipinas, ang Brutal/Salome. Naglabas din siya noong 1988 ng isang manwal sa pagsusulat ng iskrip, ang Trip to Quiapo, na naging isang bestseller at isang rekisitong teksto sa mga kursong pangkomunikasyon sa bansa. Ang iba pa niyang publikasyon ay ang mga sumusunod: Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon, isang antolohiya ng kanyang mga sanaysay, lathalain at ang iskrip ng Himala, na nagkamit ng CNN Award for Best Asia-Pacific Film of All Time noong 2009); Moral (iskrip), at; Pitik-Bulag sa Buwan ng Pebrero (dula). Nagwagi din ng Philippine National Book Award ang dalawang libro niya ng iskrip: Brutal/Salome (1981) at, kasama sina Jun Lana at Peter Ong Lim, Screenplay ng "Jose Rizal" (1999). Noong 2009, naglathala din siya ng ispesyal na edisyon ng mga librong Si Tatang... at Trip to Quiapo.
Noong Nobyembre 2008, inilabas niya ang kanyang unang nobelang Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) na mainit na tinanggap ng mga mambabasa. Ang kanyang pangalawang nobela, Si Amapola sa 65 na Kabanata, ay matagumpay ring inilunsad noong Nobyembre 2011.
Mula pa noong 1982, nagbibigay din si Lee ng libreng scriptwriting workshop sa kanyang tahanan para sa mga nagsisimulang manunulat. Daan-daang scriptwriters na ang dumaan sa kanyang workshop at lumilikha na ng kanilang marka sa industriya ng telebisyon at pelikula. Noong 2000, kasama ng kanyang mga workshoppers, itinatag at pinamunuan ni Lee ang Writers Studio (ngayo'y Philippine Writers Studio Foundation) bilang daluyan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga manunulat.
Sa kasalukuyan, nagtatrabaho si Lee sa ABS-CBN bilang Creative Manager at abala sa pagsusulat ng pangatlo niyang nobela.
Isinilang siya noong Marso 19, 1948 sa Daet, Camarines Norte.

Batayan sa Pagsulat ng Akda
Matagal nang gusto ni Ricky Lee na magsulat ng isang nobela dahil iyon talaga ang gusto niya. Ginawa niya ang nobela dahil ito ang unang isusulat niyang tungkol sa pag-ibig. Hindi sinabi ng may akda kung ano ang batayan. Pero para sa akin naging batayan dito ang mga tao sa paligid niya at maging sa ating lahat. Sa ngayon kung titgnan mo ang kapaligiran lahat ng tao ay may iba’t ibang kwento ng kanilang buhay pag-ibig ngunit sa dinami dami nilang nagmamahal iilan lang ang nagiging Masaya.
Layunin ng May Akda
Gusto ni Ricky Lee na mabasa siya ng mga iba’t ibang tao. Gusto niyang mabasa sya ng mga nakasakay sa MRT, nagbabantay ng ospital, nagpapatulog ng anak. Gusto niyang maikuwento sa lahat hindi lamang sa mga kapwa manunulat at mga nag-aaral ng literature.
Konklusyon
Sa nobelang ito mauunawaan natin kung bakit bihira lang ang nagiging masaya sa mundo. Ito ay ang dahilan na iilan lang ang napipili na maging maligaya depende sa kung paano niya ito panghahawakan. Magiging Masaya ka kung ipaglalaban mo ang pag-ibig na sa tingin mo ay nararapat para sa inyong dalawa ng iyong minamahal. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman. Lahat iba-iba at magkaiba sa bawat bagay. Magkaiba sa anyo at pag-uugali, ngunit lahat tayo pantay-pantay pagdating sa pag-ibig. Lahat tayo may karapatang umibig ng tama sa taong nararapat para sa atin.

Similar Documents

Free Essay

Para Kay B

...“SA BAWAT LIMANG UMIIBIG AY ISA LANG ANG MAGIGING MASAYA, ALIN KA KAYA SA LIMA?” “PARA KAY B”, unang beses na narinig ko ang pamagat na ito ay nagtaka na ‘ko. Bakit ganoon? Ano yung B? Sino si B? Agad kong hinanap ang librong ito na isinulat ni Ricky Lee. Nang matagpuan ko na, aaah ito pala yon. Istorya na patungkol sa Love. Sina Irene, Sandra, Erica, Ester at si Bessie, limang babae na may kanya-kanyang istorya patungkol sa kani-kanilang buhay pag-ibig. Unahin natin kay Irene, habang binabasa ko ang istorya nya ay nagkaroon na ako agad ng pagkalito. Ang una ay nasa restaurant lamang sila tapos bigla nalang malilipat ang istorya sa nakaraan niya, ngunit habang patuloy ko pa din itong binabasa ay unti-unti na ding nasasagot ang mga namuong katanungan sa isip ko. Naitawid ng maayos ang kwento, detalyadong detalyado ngunit hindi maikakailang nakakabitin din. Maraming katanungan sa karakter ang naiwang hindi nasagot. Ang sabi ko nga sa isip ko “Ano yun? Nakakainis naman si Jordan, ‘di hamak tanda nya kay Irene ngunit hindi nya maalala ‘to. Ang imposible naman.” “Ganoon nalang? Pagkatapos nya makipag make love kay Jordan ay lalayasan nalang niya ito basta-basta?” “Yung kaputol ng buhok at yung boses sa walkman ni Fr. Zuniga hindi nasagot kung kanino, nakaka-curious din kasi. ” ang nasa isip ko nang natapos ko nang basahin ang kwento ni Irene, baka ang nais iparating ni Ricky Lee ay bahala na ang mga mambabasa ang magbigay ng ending. Sumunod si Sandra, nakakatuwang naikonek ang...

Words: 1306 - Pages: 6

Premium Essay

Rizal

...sBUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI A.    Pagsilang 1.     Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna 2.     Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. 3.     Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal 4.     Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal A.    Magulang 1.     Francisco Mercado 1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose 3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba. 4. Namatay noong Enero 5, 1898. 2.     Teodora Alonzo 1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila 2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa 3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol. 4. Namatay noong Agosto 16, 1911 A.    Magkakapatid na Rizal 1.                 Saturnina 2.                 Paciano 3.                 Narcisa 4.                 Olympia 5.                 Lucia 6.                 Maria 7.                 Jose 8.                 Concepcion 9.                 Josefa 10.            Trinidad 11.            Soledad A.    Mga Ninuno 1.     Ninuno sa Ama 1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si 2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si 3. Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si 4. Francisco...

Words: 16364 - Pages: 66

Premium Essay

Rizal

...TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI A. Pagsilang 1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna 2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. 3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal 4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal A. Magulang 1. Francisco Mercado 1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose 3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba. 4. Namatay noong Enero 5, 1898. 2. Teodora Alonzo 1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila 2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa 3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol. 4. Namatay noong Agosto 16, 1911 A. Magkakapatid na Rizal 1. Saturnina 2. Paciano 3. Narcisa 4. Olympia 5. Lucia 6. Maria 7. Jose 8. Concepcion 9. Josefa 10. Trinidad 11. Soledad A. Mga Ninuno 1. Ninuno sa Ama 1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si 2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak...

Words: 15260 - Pages: 62

Free Essay

El Fili 4.4 to 4.5 Journal Questions

...bakit hindi hinihikayatni Tandang Selo na magrereklamo o umalma si Kabesang Tales sa trato sa kanya ng mga prayle? Sang-ayon k a ba rito? Ipaliwanag. 3. Bakit bagama’t ayaw sana ay nagdesisyon pa ring mamasukalang alila si Huli? Ano ang pinatutunayan nito sa kanya bilang isang anak? May mga katulad pa ba niya sa kasalukuyan? Magbigay ng tiyak na halimbawa. Kabanata 6 Si Basilio 1. Isalaysay ang nakaraan ni Basilio? Ano ang nagpanatiling matatag sa kanya sa kabila ng mga kasawian? Ano ang pinatutunayan nitosa kanya bilang anak? 2. Ilarawan ang mga naging propesyon ni Basiliol. Paano sila nakatulong para higit pa na maging matatag ang binate? Kabanata 8 Maligayang Pasko 1. Anong magandang ugali ni Huli ang mababakas sa kabanatang ito? Taglay mo rin ba ang katangiang ito? Patunayan. 2. Paano ipinakita ni Basilio ang pagsuporta kay Huli sa panahong lugmok siya? Ano ang pinatutunayan nito sa kanya bilang isang kasintahan? 3. Paano ipinagdiwang ng pamilya ni Huli ang pasko? Ganito ka rin ba magdiwang ng Pasko ang mga Pilipino ngayon? Patunayan. 4. Kung ikaw ay isang milyonaryo, paano mo ipagdiriwang ang Pasko? Bakit sa ganitong paraan ka magdiriwang? Kabanata 9 Si Pilato 1. Ano-anong mga suliraning panlipunan ang ipinakita sa Kabanata? Nangyayari pa rin ba ang mga ito sa kasalukuyan? Patunayan. 2. Anong katangian ni Hermana Penchang bilang isang mananampalataya ang hindi kahanga-hanga? Ano ang mainam na gawin sa mga tulad...

Words: 1371 - Pages: 6

Free Essay

Factors Affecting Study Habits

...Markahan, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Nilalayon ng Modyul 1 na nakagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing panghihiyakat sa pamamagitan ng book fair at ilang pamamaraan na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral sa mga susunod na mga modyul Sa pagtalakay ng mga aralin, gagabayan ang mga mag-aaral na masagot ang mga pokus na tanong na: “Paano nakatutulong ang pag-aaral ng iba’t ibang akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang Asyano”. At “paano nakatutulong ang gramatika at retorika para sa malalim na pagsusuri ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang...

Words: 8963 - Pages: 36

Free Essay

Report Noli Me Tangere Kabanata 57-58

...kaganapan sa nasabing kabanata ng Noli Me Tangere. * Masuri ang iba’t-ibang kanser ng lipunan na matutunghayan sa nasabing kabanata. * Masasagot ang mga mahahalagang tanong sa kabanata 57-58 II. Pamaraan A. BALIK ARAL 1. Sino ang dumakip kay Ibarra? -Sarhento 2. Bakit gulong-gulo ang isip ni Elias nang pumasok siya sa bahay ni Ibarra? –Dahil naalala niya ang sinapit ng kanyang angkan. 3. Sino ang may kagagawan ng pagkasunog ng bahay ni Ibarra? -Elias 4. Kumalat ba ang mga sabi at kuro-kuro sa bayan tungkol sa nangyari kila Ibarra? -Oo 5. Sino ang tinutukoy ng utusang babae na nagbigti sa puno ng santol? -Lucas B. PAGBIBIGAY NG MAHALAGANG TANONG “Magtatanim ka ba ng sama ng loob sa mga taong natulungan mo at tinalikuran ka kapag ikaw naman ang nangailangan?” C. Pagganyak Istratehiya: Video Presentation (The Passion of the Christ clip mula sa YouTube) D. Paglinang sa Aralin * Pagpapabasa ng Kabanata 57-58 * Pagbuod ng mga pangyayari sa Kabanata Istratehiya: Powerpoint Presentation E. Halagang Pangkatauhan Tumingin muna sa sarili bago manghusga sa kapwa. F. Pagpapaliwanag sa sinabi ng tauhan at pag-uugnay sa sariling buhay. “Tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sisi at tinatawag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao, hangga’t sa natawag na siyang erehe. Kasunod nito ay pinagbabato si...

Words: 600 - Pages: 3

Free Essay

Lalaki Sa Dilim

...Pascual ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-16 ng Enero 1928. Ang kanyang magulang ay sina Domingo Pascual at Adriana Punongbayan. Napangasawa niya si Erminda Besabe at may lima silang anak. Nagsimulang sumulat si Pascual bilang isang kuwentista noong dekada 1950 bago sineryoso ang paiging isang nobeslista. Sumubok din siyan mag-ambag sa komiks, hanggang maging staff ng liwayway. Naging manunulat din si Pascual sa Ace Publication at hindi nagtagal ay inatasang maging staff para sa mga komiks na Espesyal, Hiwaga, Pilipino at Tagalog. Pinatunayan ni Pascual na may ibubuga siya sa pagsusulat kahit hindi siya nakatapos ng kursong Journalism sa Far Eastern University. Nagsulat din sa Ingles si Pascual at nagawa niyang makapaglathala ng ilang kwento sa Free Press at This Week Magazine. Sa labing dalawang kwento na naisusulat niya, anim lamang ang nakapapasa. Tinalikdan niya ang pagsulat sa Ingles makaraang makapagbulay, at hinarap niya ang hamon sa pagsusulat sa sariling wika. Bumukas ang pinto kay Pascual sa larangan ng panitikang Filipino nang ilathala ng Liwayway ang kanyang kuwentong “Ang Kulapi” noong 1952. Noong 1954, naging Literary Editor siya ng Liwayway at nagtagal iyon hanggang 1980. Tinatayang nakasusulat siya noon ng dalawang kwento kada buwan. Nagwagi ng dalawang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kanyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di ko Masilip ang Langit” (1981). Pagsapit ng 1975, nag-iba ang ihip ng simoy sa panulat ng...

Words: 2649 - Pages: 11

Free Essay

Glory Road

...PROYEKTO SA FILIPINO IPINASA NI: CHRISTAN MARK B. HERNANDEZ (III-YAKAL) IPAPASA KAY: MR.BADILLO (GURO SA FILIPINO) DEKADA ‘70 MAY AKDA; LUALHATI TORRES BAUTISTA I.PANIMULA Layunin ng proyekto na to na malaman ng mangbabasa ang dinanas ng kababayang Pilipino nung DEKADA 70’ dahil ang napapaloob dito ay ang paghihigpit ng gobyerno sa mga taong gustong maging Malaya. II.PASASALAMAT Ako ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong hiningian ko ng tulong at sa mga taong naging inspirasyon ko dito sa paggawa ng pag-aalasa ng nobelang ito .Sa aking nanay at Lola na tumulong na magbigay ng dagdag impormasyon na nakasaad sa aking nobela, III.PAGHAHANDOG Inihahandog ko ito unang-una sa aking KAIBIGAN AT KAKLASE na nag gabay sa akin sa pag aalsa na ito .At sa aking MAGULANG na lubos na sumuporta sa paggawa ko nito. IV.TALAAN NG NILALAMAN Pagpapakilala- pahina ……………………………………………1 Paunang salita-pahina ……………………………………………5 Unang kabanata-pahina ………………………………….......13 Ikalawang kabanata-pahina………………………………..…20 Ikatlong kabanata-pahina…………………………………..…26 Ikaapat na kabanat-pahina………………………………….. 33 Ikalimang kabanata-pahina ………………………………….40 Ikaanim na kabanata-pahina…………………………………50 Ikapitong kabanata-pahina …………………………………..56 Ikawalong kabanat-pahina …………………………………..62 Ikasiyam na kabanata-pahina……………………………….68 Ikasampung kabanata-pahina ……………………………..74 Ikalabing isang kabanata-pahina...

Words: 2780 - Pages: 12

Free Essay

Rizal

...BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896) Mga Magulang: FRANCISO MERCADO at TEODORA ALONSO (“Z” sa ibang aklat) Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik); Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila) Nagbinyag: Padre Rufino Collantes Ninong: Padre Pedro Casañas Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao) Buong Pangalan: Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda Jose Protacio - first name Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo 19) Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang Español Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng trigo/green fields of barley) Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa/maiden name; middle name ni Jose Rizal Realonda: middle name ng kanyang ina noong dalaga pa; galing sa lola ni Rizal Mga kapatid: 1. Saturnina 2. Paciano – tanging lalaking kapatid ni Jose; tumustos/nagpondo sa pag-aaral ni Jose sa Europa;...

Words: 3770 - Pages: 16

Free Essay

Modyul

...Modyul sa Noli Me Tangere III (Kab.17-32) PANIMULA Ang modyul na ito ay makakatulong sa iyo upang tumuklas ng bagongt kaalaman msa araling ito.Ito’y makakatulong upang mapayaman ang inyong kaalaman tungkol sa panitikan at maaaring kapaulutan Ng aral.Handa ka na bang matutunan ang araling ito? PANANAW Malaki ang maitutulong sa iyo ng babasahing kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere .Sapagkat ito ay may mensahe o0 aral na maaring makatulong sa iyo para maging isang mabuting bata. PAALALA Naririto ang mga tagubilin upang mabatid mo ang mga nilalaman ng modyul na ito. 1.Basahin at pag-aralan ang modyul na ito. 2.Huwag susulatan at iwasang mapilas ang pahina 3.Panatilihin ang kalinisan ng pahina hanggang matapos ka ditto 4.Maging matiyaga at hindi magsawa sa mga gawaing inihanda para sa iyo. 5.Kailangang basahin mo nang may pang-unawa upang maging maayos ang pagsagot sa mga katanungan 6.Kailangang nakahanda kang may nakahanda kang malinis na sagutang papel sapagkat doon mo Ilalagay ang iyong sagot 7.Kung mahihirapan ka sa paksa mamari kang magtanong sa iyong guro 8.Pagkatapos sagutin ang mga pagsasanay pwede mo nang iwasto ang pagsasanay 9.Inaasahan kong magiging tapat ka sa itong sariling kakayahan PANUTO Kaibigan ,pagtunghay mo ngsa araling ito, kinakailanagan basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto. 1.Basahin at pagtuunan ng pansin ang kabuuan ng binasang kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere 2.Pansinin ang mga nagging...

Words: 8475 - Pages: 34

Free Essay

The Faith of the Iglesia Ni Cristo

...simpleng pakikipanayam lamang. Nais ko ng epektibong impluwensya, hindi naman dahil sa nais kong tuwirang dalhin ang aking kakapanayamin kay Kristo, kundi nais ko na kahit kaunti ay maransan niya ang tunay na pag-ibig at habag ng Diyos na matatagpuan sa katotohanan ng Kanyang Salita. Isang nakakahamong gawain, na nangangailangan ng panahon, ideya, puso, at pamumuhunan sa pagluhod tuwina sa pananalangin. Hindi ito biro – nais kong maging mabuti ang kaniyang pagtingin sa ating mga Kristyano – kaya naman malaki ang nakaatang na tungkulin sa aming mga estyudante ng asignaturang ito. Mga Layunin ng Pakikipag-relasyong Ito 1. Syempre pa nagunguna sa listahan ay ang magampanan ang hinihingi ng aming asignatura sa Cults 1 – ang makipanayam sa isang taong nabibilang sa hidwang pananampalataya, sa pagkakataong ito ay isang myembro ng Iglesia ni Cristo. Naisin na malaman ang personal na kumbiksyon ng kakapanayamin ukol sa kaniyang relihiyong kinabibilangan, at ang impluwensya nito (kumbiksyon at relihiyon) sa kanyang buhay. Pahintulutan akong magdagdag ng personal kong mga hangarin. 2. Maipakita at maipadama ang kadakilaan ng pag-ibig at kahabagan ni Kristo sa pamamagitan ng wastong paniniwala at patotoo sa buhay. 3. Makipagkaibigan at makaimpluwensya. Pagpapakilala ng Isang Bagong Relasyon. Ayene. Ang kanyang ngalan. Nakilala ko siya dahil kay Ms. Febe Marasigan, kaibigan ko mula sa Nag-iba, Naujan. Minsang dumalaw ako sa SPEM Office dito sa Calapan, ay nakapagsabi ako ukol...

Words: 4238 - Pages: 17

Free Essay

Ava Maldita (Wattpad)

... STEALING IS A CRIME. Credits to wattpad for keeping and publishing my stories for free. Chums note: The following is a work of fiction. Any resemblance to persons living or dead is purely coincidental. If you’re going to post MY story to other sites, please do acknowledge me as the author. Oh? Aarte pa? :) Hindi naman isang diretso ang bahay namin, madaming pasikot-sikot. Malay ko kay Daddy kung bakit ganito bahay namin. "bakit hindi na lang sa dining room?" tanong ni miranda "hmm. Pede naman sa dining room, basta ba ililipat mo yung kitchen sa rooftop at dun ka magluluto. Sounds good right? What do you think?" sabi ko sa kanya "Ano bang iluluto ko?" tanong nya "try mo iluto yung sarili mo. *tingin sa mga katulong* kayo, feel free to order Miranda around. Sabihin nyo sa kanya yung ,mga gusto nyong kainin. This is your chance para makain yung mga gusto nyo. Lubusin nyo na habang mabait pa ako" sabi ko sa kanila Nakita ko naman na natuwa sila sa sinabi ko. Aba, ang swerte nila ha, makakain na nila yung gusto nila at makakasabay pa nila ako sa pagkain. Pasalamat sila kailangan ko silang gamitin para pahirapan si Miranda. Umakyat na kaming lahat sa taas at nag-umpisa ng magluto si Miranda ng dinner namin. Kung ilang klase at kung ano anong pagkain ang iluluto nya? Hindi ko alam, basta ang alam ko masaya akong nakikitang nahihirapan sya. *rooftop* Mikee : hanggang kelan mo papahirapan si Miranda? Ako : hanggat gusto ko. Mikee: pano kung mag-sumbong sa daddy mo? Ako: edi magsumbong...

Words: 8469 - Pages: 34

Free Essay

Ibat Ibang Religion

...PINAGMULAN NG IBA’T-IBANG RELIHIYON SA PILIPINAS AT PARAAN NG PAGSAMBA:ISANG PAGHAHAMBING Isang Pamanahong Papel na Iniharap kay Prepesor Salvy T. Robles Dalubguro sa Filipino, Pamantasan ng Silangan, Kolehiyo ng Sining at Agham Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang Pabasa’t Pagsulat sa Iba’t Ibang Displina – ZFI II2 Nina: Balmonte, Jhoanna L. Meriales, Ronjor Aga R. Pacuan, Catherine D. Pascual, Jezter S. Diaz, Nathalie Dei J. Manuel, Ariel B. Gloriani, Analiza B. Naval, Arvin Gilbang, Janeca T. Marso 2013 i DAHON NG PAGPAPATIBAY Pinagtibay ng lupon sa pagsusulit na oral na ang kaloob na marka ay _____%? Tagasulit Salvy T. Robles Dalubguro sa Pilipino Kolehiyo ng Sining ay Agham ii PASASALAMAT Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga mananaliksik sa mga manunulat ng aklat na nabasa na nakatulong sa ginawang pananaliksik. Nagpapasalamat din ang mga mananaliksik kay propesor Salvy T. Robles, dalubguro sa Pilipino na nagbigay kaalaman sa paggawa ng tesis. Maraming salamat sa Pamantasan ng Silangan dahil sa mga aklat na ipinahiram sa mga mananaliksik na nakapagbigay ng dagdag kaalaman at impormasyon. Lubos din ang kanilang pasasalamat sa mga magulang na laging gumagabay sa mga mananaliksik. At higit sa lahat, sa poong...

Words: 3224 - Pages: 13

Free Essay

Aaaaaaaaa

...Banghay-Gawain sa Florante at Laura 2-Xavier: Pangkat 3: Capulong, Bernadette Labagala, Lea Leyson, Michael Ochoa, Jomar Aralin 7: Ang Pagluha Niya Kung Ako’y May Hapis Nagiging Ligaya Yaring Madlang Sakit I. Layunin: A. Nagagamit ng mga mag-aaral sa sariling pangungusap ang mga talasalitaan na inilalahad ng pangkat. B. Nailalahad ang mga daloy ng pangyayari sa pamamagitan ng estratehiyang Pakikipanayam o Interbyu. C. Naiuugnay ang isyung panlipunan at pagpapahalagang Pilipino sa mga isyu na napapaloob sa Aralin. II. Talasalitaan: Gagamitin ng mga pangkat ang isa sa mga salitang ibinigay at gagamitin ito sa isang pangungusap. Isang kasapi lamang mula sa isang pangkat ang maaaring sumali rito. Mga Salita: 1. gunamgunam - alaala 2. apuhapin - nagilap;hanapin 3. bumalisbis - biglang umagos 4. panibugho - pagseselos 5. hahapisin - pahihirapan (hapos-hirap) III. Buod ng Nakaraang Aralin: Sa loob ng mapanganib na gubat matutunghayan ang pagtangis ni Florante. Kinausap at itinanong niya ang Diyos kung bakit namamayani ang kasamaan sa Albania. Lahat ng ito ay resulta ng paghahangad ni Adolfo sa trono ni Haring Linseo at kayamanan ni Duke Briseo. IV. Trivia: Ito’y ilalahad kasama sa pagtatanghal ng pangyayari gamit ang istratehiyang Talk Show. Mga Trivia: ➢ Nahihimatay ang mga tao dahil sa sobrang pagod na nararamdaman nila o sa Ingles ay tinatawag...

Words: 1068 - Pages: 5

Free Essay

Gjjl; Jop

...kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip. Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at...

Words: 673 - Pages: 3