Free Essay

Paraluman

In:

Submitted By hazelmarievenida
Words 645
Pages 3
Paninindigan para kay Inang Bayan

Binubuo ng tatlong sangay ang pamahalaan – ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura. Layunin ng istrukturang ito na tiyaking na ginagawa ng magkakahiwalay na sangay ang kanilang tungkulin. Isa rin paraan upang matiyak na hindi sentralisado ang kapangyarihang tangan ng pamahalaan. Nakalulungkot na pinaniniwalaang sangkot sa iba’t ibang kaso ng katiwalian ang mga lingkod-bayad. Higit pa rito, mistulang isinasantabi ang linyang naghahati sa tatlong sangay ng pamahalaan.
Mistulang teleseryeng sinubaybayan ng taumbayan ang mga pangyayari sa pork barrel scam. Mula sa paglantad ni Benhur Luy, pagkakadawit ng ilang mga senador, at pagsuko at pagkakakulong kay Janet Napoles. Ikinagalit ng maraming Pilipino ang pagbulsa ng ilang mambabatas sa perang pinaghirapan ng mga manggagawang Pilipino. Naglunsad ng ilang pagtitipon ang ilang sa ating mga kababayan upang tuluyang tanggalin ang pork barrel. Sa pagtindi ng kontrobersya, sinuportahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbuwag sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at pagbuo ng bagong mekanismo sa pamamahala ng pondo. Hati ang saloobin ng mga eksperto hinggil sa hakbanging ito mistulang pagpapalit lamang ito ng pangalan upang humupa ang init ng ulo ng taumbayan?
Sa pagkakadawit ni Senador Jinggoy Estrada bilang isa sa mga nangulimbat sa kaban ng bayan, inihayag niya ang pamamahagi ng tanggapan ng pangulo ng salapi pagkatapos ng impeachment ni Renato Corona. Kapansin-pansin na mas malaki ang pondong ipinagkaloob sa mga senador na nagpatalsik kay Corona, mistulang pabuya sa kanilang pakikiisa. Bilang depensa, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na dagdag pondo ito at galing sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Sadyang napapanahon nga naman ang dagdag pondong ipinagkaloob ng pangulo? Mistulang pagbubunyi ba ito sanhi ng katuparan ng kanyang mga plano?
Sangkot din ang ilang kagawaran sa isyu ng korupsyon. Mainit na usapin ngayon ang maanomalyang pamamahagi ng Malampaya Fund ng administrasyong Arroyo. Sa ulat ng Commission on Audit, 14.393 bilyong piso ang inilabas mula sa pondo bilang special allotment release orders (Saros). Sa katunayan, nagkaroon ng dagdag pondo ang Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ni Rolando Andaya sanhi ng Saros. Nakasaad sa Presidential Decree (PD) No. 910 na maaaring gamitin ang kita mula sa Malampaya sa pagpopondo ng paglinang sa mga pagmumulan ng yamang enerhiya at iba pang gawaing alinsunod sa utos ng pangulo. Hindi naman tugma sa probisyon sa PD 910 ang dagdag pondong natanggap ng DBM, hindi ba’t may pondong inilalaan sa kanila mula sa napagkasunduang badyet ng Kongreso?
Sa gitna ng mga pangyayaring ito, daing ng mga mamamayan na maparusahan ang mga nagkasala at makamit ang hustisya. Malaking papel ang gagampanan ng sangay ng hudikatura. Isang sangay na minsan ding binalot ng kontrobersya at kasalukuyang ibinabalik ang tiwala ng taumbayan. Pag-asa ang tangan ni Juan sa pagdulog nito sa korte – umaasang mananagot ang mga lumustay sa bawat sentimong pinaghirapan ng mga manggagawang Pilipino. Isang hamon sa hudikaturang ibalik ang pangunahing layunin ng pagkakaroon ng tatlong sangay sa pamahalaan. Isang malaking hamon sa kanilang patunayang patas ang pagpapatupad ng batas, wala kinikilingan at hindi nababayaran.
Ilang ulit nang tinawid ang linyang naghihiwalay sa ehekutibo at lehislatibo, kailan mabibigyang-aksyon ang paglabag na ito? Isang paninindigan para kay Inang Bayan ang masusing paglilitis at pagpapatalsik sa mga buwayang nakaupo sa pamahalaan. Hindi ba’t tuwid na daan ang sinusulong ng kasalukuyang administrasyon? Hindi ito mararating kung magbubulag-bulagan tayo na hawak lamang ng iilan ang kapangyarihan. Hindi ito mararating kung mabibigo ang tatlong sangay ng pamahalaan na gawin ang kanilang magkakahiwa-hiwalay na tungkulin.
Ehekutibo, lehislatibo at hudikatura – tatlong iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Ito ang istruktura ng gobyerno upang matiyak na ginagawa nila ang kanilang gampanin at pantay ang pagkakabahagi ng kapangyarihan. Sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas, taguri na lamang ang tatlong sangay na ito. Ngunit hindi pa huli ang lahat upang maibalik ng linyang naghihiwalay sa tatlong sangay ng pamahalaan. Maglakas-loob nawa ang mga nasa lingkod-bayan na manindigan para sa katotohanan.

Similar Documents

Free Essay

Sanaysay

...SANAYSAY • Ang Sanaysay ang pinakagamitin sa halos lahat ng larangan ng mga mamamayan pampulitika, pang-ekukasyon, at iba pa. • Ang sanaysay ang laging ginagamit sa pagsagot sa isang bahagi ng pagsusulit, sa pagsulat ng liham, pag-uulat at pananaliksik, sa paglalahad ng mga kautusan,palibot-liham, alituntunin. Kahulugan ng Sanaysay • Sa diksyunaryo o Isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa alinmang akda Michael De Montaigne (9/15/1592- 2/28/1933) • lumikha ng sanaysay • pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan ang mga kaisipan ay maaaring makipagsapalaran sa kanino mang mga kaibigan o kakilala • kung ang liriko ay sa panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay Alejandro Abadilla (March 10, 1906-August 26, 1969) • kilalang makata at mananansay • Ang sanaysay ay kuha sa kahulugan ng pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay ng pagsasalaysay • idinugtong pa niya na walang iniwan sa isang tulang liriko sa larangan ng panunugma o pagtula at madalas ay sentido komon at nasa awtor Genoveva Edroza-Matute –(January 3, 1915- March 21, 2009) • Premyadong manunulat at mananasaysay • Ang sanaysay sa makitid na pagpapakahulugan ay pagtataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan, kuro-kuro o palagay, at ng kasiyahan ng manunulat upang umaliw, magbigay ng kaalaman, o magturo. • idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa na...

Words: 1061 - Pages: 5

Free Essay

Factors Affecting Study Habits

...9 Panitikang Asyano Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga mula sa mga publikong paaralan, kolehiyo at/o unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. DRAFT April 1, 2014 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas (Gabay ng Guro) 1 DRAFT April 1, 2014 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA 2 I. PANIMULA Matapos na pag-aralan sa Baitang 8 ang mga panitikang pambansa, tiyak na napaghandaan ng mga mag-aaral ang malalim na pagtalakay at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan ng mga karatig-bansa sa Asya. Sa Modyul1, matutunghayan natin ang mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Inaasahan nating ang mga aralin sa module na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas. Inaasahang pagkatapos ng Unang Markahan, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Nilalayon ng Modyul 1 na nakagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing panghihiyakat sa pamamagitan ng book fair at ilang pamamaraan na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral...

Words: 8963 - Pages: 36

Premium Essay

Vinegar as Alternative Battery

...Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION K to 12 Basic Education Curriculum Technology and Livelihood Education Learning Module HOUSEHOLD SERVICES EXPLORATORY COURSE Grades 7 and Grade 8 TABLE OF CONTENTS Page What is this Module About? ................................................................................................. 2 How do you Use this Module ............................................................................................... 3 LESSON 1 – Use and Maintenance of Cleaning Tools and Equipment............ 4 - 25 LESSON 2 - Practice Occupational Health and Safety Procedures ................ 26 - 61 LESSON 3 – Maintain an Effective Relationship with Clients/Customers ..... 62 - 89 Answer Keys ................................................................................................................ 90 - 95 Acknowledgment ............................................................................................................... 96 HOUSEHOLD SERVICES K to 12 – Technology and Livelihood Education 1 What Is This Module About? Welcome to the world of Household Services! This Module is an exploratory and introductory course on Household Services which leads you to Household Services National Certificate Level II ( NC II)1. It cover 3 common competencies in Household Services that a Grade 7/Grade 8 Technology and Livelihood Education (TLE) students like you ought to possess, namely: 1) Use and maintenance...

Words: 20295 - Pages: 82

Free Essay

Pc Hardware Servicing

...Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION K to 12 Basic Education Curriculum Technology and Livelihood Education Learning Module COMPUTER HARDWARE SERVICING EXPLORATORY COURSE Grades 7 and Grade 8 TABLE OF CONTENTS What Is This Module About? .................................................................................... 2 How Do You Use This Module ............................................................................... 3 LESSON 1 – Use Hand Tools ........................................................................ 4 – 30 LESSON 2 – Perform Mensuration and Calculation ................................ 31 – 46 LESSON 3 –Prepare and Interpret Technical Drawing ............................ 47 – 63 LESSON 4 – Practice Occupational Safety and Health............................. 64 - 103 Answer Keys .................................................................................................. 104 - 111 Acknowledgment..................................................................................................... 112 COMPUTER HARDWARE SERVICING K to 12 – Technology and Livelihood Education 1 What Is This Module About? Welcome to the world of Computer Hardware Servicing! This Module is an exploratory course which leads you to Computer Hardware Servicing National Certificate Level II ( NC II)1. It covers 4 common competencies that a Grade 7 / Grade 8 Technology and Livelihood Education (TLE) student like you ought...

Words: 22909 - Pages: 92

Premium Essay

Onnie

...Title: Eric Clapton - Tears In Heaven lyrics Would you know my name If I saw you in heaven Will it be the same If I saw you in heaven I must be strong, and carry on Cause I know I don't belong Here in heaven Would you hold my hand If I saw you in heaven Would you help me stand If I saw you in heaven I'll find my way, through night and day Cause I know I just can't stay Here in heaven Time can bring you down Time can bend your knee Time can break your heart Have you begging please Begging please (instrumental) Beyond the door There's peace I'm sure. And I know there'll be no more... Tears in heaven Would you know my name If I saw you in heaven Will it be the same If I saw you in heaven I must be strong, and carry on Cause I know I don't belong Here in heaven Cause I know I don't belong Here in heaven Title: David Archuleta - Crush lyrics Deep inside It was a rush What a rush 'Cause the possibility That you would ever feel the same way About me It's just too much Just too much Why do I keep running from the truth All I ever think about is you You got me hypnotized So mesmerized And I've just got to know [chorus:] Do you ever think When you're all alone All that we could be? Where this thing could go? Am I crazy or falling in love? Is it really just another crush? Do you catch a breath When I look at you? Are you holding back Like the way I do? 'Cause I'm trying, trying to...

Words: 18902 - Pages: 76

Free Essay

Sdfgf

...exploring while using the software. 3. The personnel especially in the lowland and interior municipalities need to undergo training along Microsoft Excel and use of Internet; and the department heads should find time to attend training on advanced I.T. like Microsoft PowerPoint. 4. The Local Government Units should include in their Municipal Development Plans how they can improve and advance along Information and Communication Technology, particularly their connection to the World Wide Web. References A. Book Milton, Susan J. and Arnold, Jesse C. Introduction to Probability and Statistics: Principles and Applications For Engineering and The Computing Sciences. New York, Mc Graw Hill, 2004 B. Theses Benzon, Paraluman Ma. Fatima C. “Computer Literacy of Local Government Unit Personnel of Vigan City”, (Unpublished Master Thesis, University of Northern Philippines, Vigan City, 2006) Lumibao, Donna Marie C. “Computer and Information Technology in the local Government Units of the First District of Ilocos Sur”, (Unpublished Master Thesis, University of Northern Philippines, Vigan City, 2004) C. Magazine National Information Technology Plan. Info Trends, 1988 88 UNP Research Journal Vol. XIX January-December 2010 Linguistic Errors in the Oral Expositions of Speech Communication Students of the College of Teacher Education in the University of Northern Philippines ...

Words: 30250 - Pages: 121