...Aralin 1 : Teoryang Realismo ANG PAGHUHUKOM (Bahagi ng Nobela) Isinalin ni Lualhati Bautista Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos. Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon… Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan ang mga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi’y patuloy na dumarating kay Fak… Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya’y gising. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyang isipan. Sa loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niya bubuweltahin ang mga nanakit sa kanya. Natatandaan niya nang malinaw na dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song. Kailangang...
Words: 23011 - Pages: 93