Free Essay

Peyyrs

In:

Submitted By Shy21
Words 510
Pages 3
Ako si Leah. Bata pa ako nang nagsimulang magka-crush . Kinder pa ako nagkaroon ng first crush si Christian. Kaklase ko siya noon at the same time seatmate ko rin siya , kaya yun ! hahaha ang weird ano? Kahit an gaga ko pa nagka-crush, ang hirap paniwalaan na may tipong boyish ako. Minsan nga pinagkakaalaman akong tomboy sa amin. Pero hindi ako nagkakagusto ng babae ah! No! never!
Noon, nakikitira lang kami sa aking lolo sa syudad. May probinsya kami at bumibisita kami roon kada taon. Doon ko nakilala ang bestfriend ko, si Jake. Kay lola kami tumutuloy tuwing bumibisita kami kung saan kapit-bahay lang naming sila Jake. Mas bata pa ako sa kanya ng isang taon. Masayang-masaya ako tuing magkakasama at maglalaro kami ni Jake. May mga pinsan naman ako roon ngunit iba talaga kung si Jake ang kasama ko. Nakakalungkot man na kinakailangan naming umuwi sa syudad at sa susunod pang taon kami ulit magkikita.
Nagulat nalang ako ng mabalitaan ko na itatayo ang sarili naming bahay sa probinsya at doon na ako mag-aaral. Masayang-masaya ako lalo pa’t doon ako mag-aaral sa pinapasukan ni Jake.
Ilang buwan na lamang lilipa’t na kami. Naka-enroll na ako sa paaralan ni Jake. Sobrang excited ako nun dahil magkakasama na kami ni Jake araw-araw.
Unang araw ko na sa school. Naiilang ako nun dahil wala pa akong nakikilala. Buti nalang andon na si Jake at inaalalayan ako. Doon nawala ang hiya ko dahil kay Jake.
Araw-araw kaming magkasama—pagkatapos ng klase, hinahatid niya ako at kung wala naming pasok ay nagpapalipas oras siya sa amin o kaya ako ang pupunta sa kanila. Para kaming magkakapit-tuko, hindi mahihiwalay-hiwalay.
Ilang taon ng pagsasama, tumuntong na ako sa ika-5 baitang at siya naman ay nasa ika-6. Mga dalagita at binatilyo na kami. Ganoon padin ang aming ritwal—hatid, sundo, at wala na masyadong laro. Doon din namin nadiskkubre ang aming itinatagong talent o kakayahan particular sa paglalaro ng badminton, pagsayaw at lalong-lalo na sa pagkanta. Mas lalong tumibay ang aming pagsasama dahil parati kaming magkasama sa mga patimpalak at mga kasiyahan.
Ilang buwan ang umipas, maraming araw na nagdaan.. papalapit na ang graduation ni Jake. Iiwan na niya ako. Hindi na kami magsasama sa susunod na school year.
Buwan ng Pebrero, buwan ng mga puso. Nagtataka ako na dumating araw na di na kami masyadong nagsasama ni Jake. Parang may nagbago, ewan ko kung bakit. Nagtataka rin ako dahil tinutukso na ako ng among kamag-aral about sa amin ni Jake. Wala lang sa akin yun , pero bakit kami tinutukso na parang hindi sanay ang mga tao na palagi kaming magsasama.
Isang araw may tumatawag sa akin, isang kaklase ko at isa naman yung kaklase ni Jake. Pareho sila ng sinasabi,
“ Leah.. may naghahanap sayo.” Sabi nila.
“Sino ? nasaan siya? “ sagot ko naman.
“Punta ka nalang dw sa hardin.” Pasabi.
Pumunta ako sa likod ng aming silid kung saan ang hardin. Napakatahimik ng paligid, nagtataka ako kung bakit walang naglalaro doon.

Similar Documents