Production of Larvicide Using Kakawate Leaves and Bignay Bark
In:
Submitted By josephnatski Words 2047 Pages 9
Isandaang araw
1st Scene
(sa isang opisina na puno ng mga libro, )
Jasha: Ayoko! Di ako papayag na ipakasal niyo ako sa taong di ko naman kilala! Hindi mo kasi ako naiintindihan eh. Iba na lang, ayoko talaga.
Papa ni Jasha: Anak para ito sa ating kompanya. Pumayag ka na. Isipin mo ang kondisyon mo. Saka matanda na rin ako. Hindi ko alam kung mauuna akong mawala o ikaw.
Jasha: Di po ba kayo maawa sa lalaking maiiwan ko pag nawala ako? Iiwan ko din siya . di ko nga alam kung makakaabot ako next year eh. Mamamatay din naman ako.
Papa ni Jasha: Wag ka magsalita ng ganiyan.
Jasha: Totoo naman eh! Yung mga doktor ko na ang nagsabi.
Papa ni Jasha: (magbubuntong hininga) Pupunta muna ako sa kwarto. Katukin mo na lang ako kung nakapagdesisyon ka na.
Jasha: (mag-aalangan at pipigilan ang kaniyang papa) Pa, Hindi naman masama di ba? Kung para sa isandaang araw lang?
Papa ni Jasha: (ngingitian si Jasha) Wag ka mag-alala para naman ito sayo.
2nd scene
Rixx: woah! Dad nang-gu-good time ka ata eh. (tatawa tawa)
Papa ni Rixx: Seryoso ako Rixx.
Rixx: Dad, ano bay an? Ipapakasal niyo ko sa edad na 17. Tsaka gwapo kong to, maraming manghihinayang.
Papa ni Rixx: Tumigil ka sa kahanginan mo.
Rixx: Pwede ka namang umatras dun ha.
Papa ni Rixx: Tumatanaw lang ako ng utang na loob sa kanila dahil tinulungan nila tao kaya nandito tayo sa kinatatayuan natin ngayon
Rixx: Basta Ayoko!
Papa ni Rixx: Utos ko na to sayo at di mo to pwede suwayin or else walang kotse, allowance at gadgets. Wala kahit ano.
Rixx: Argh, kung wala namna akong magagawa edi oo pumapayag na ko. (sabay alis sa bahay nila)
3rd Scene
Narrator: Lumipas ang mga raw ng mabilis hanggang sa dumating na ang mismong araw ng may kasal.
(wedding ceremony)
Jasha: Hay sa lahat ba naman ng mapapangasawa ko ikaw pa. (pabulong)
Rixx: Hindi ko naman ginusto to no. (Nag-ehem yung pari)
Narrator: Nagpatuloy ang seremonya hanggang sa..
Rixx: I do
Jasha: I do
Pari: I pronounce you husband ang wife.. You may now kiss the bride.
(aakto na hahalik – sasabayan ito ng pagsara ng kurtina)
4th scene
(Sa loob ng ospital)
Doktor: Mr. Lauchengco?
Rixx: Ako po yung asawa niya. Ano po nangyari sa kanya?
Doktor: Congratulations Mr. LAucchengco, your wife is 1 month and 2 weeks pregnant
Rixx: (hindi makapaniwala sa narinig, hindi alam kung matutuwa o hindi) bu-buntis siya..
Doktor: but delikado para sa kanya ang pagbubuntis niya dahil sa kondisyon niya kaya lagi mo siyang bantayan at huwag hayaang mapagod.
Rixx: okay dok.
5th scene
Narrator: Sa pagbubuntis ni Jasha ay naisipan nilang magbakasyon. Ito ay sa isang bayan kung saan naroon ang nanay ni Rixx na sinadya ni Jasha upang mapagbati ang mga ito at isang beses ay nakita niya ito sa may simbahan at kaniya itong kinausap.
(scene: nag-uusap si Jasha at nanay ni Rixx pero walang boses)
6th scene:
Narrator: Isang hindi inaasahang bisita naman ang nagpunta sa bahay nila Rixx.
Lyla: Hello Tito!
P.ni R: Lyla?
Lyla: Opo Tito
Rixx: Bakit ka napapad dito?
Lyla: Gusto ko kasing pumunta ng simbahan at mag give thanks kay God dahil nakarating ako ng safe dito.Saka ar ibigay yung invitation para sa welcoming party ko sa isang bar malapit dito.
Rixx: Sige sasamahan na kita dito sa pinakamalapit para di tayo abutan ng dilim sa labas.
(Pagdating sa simbahan)
Lyla: Wait, si Jasha ba yun? Kasama ang mama mo?
(Nainis si Rixx sa nakita at pinuntahan ito nagulat naman si Jasha na makita ang dalawa na magkasama)
Jasha: R-rixx? L-lyla? Bakit kayo magkasama?
Rixx: Nagpasama lang siya dito. Eh ikaw? magdidilim na bakit nasa labas ka pa at bakit mo kasama ang babaeng to?
Jasha: Rixx, ano ba! Kung pagsalitaan mo siya parang hindi mo siya nanay ah! Saka gusto nya lang na mapatawad mo siya.
Rixx: Hindi ko siya kayang patawarin. At sana hindi ka na nakialam dahil lalong gumulo ang lahat.
Jasha: Kailan? Pag wala na siya?
Rixx: Pwede bang tama na?! ayoko nang makinig sa mga litanya mo! There’s no way na makikipagbati ako sa matandang babaeng yan and maybe sa’yo rin!
(nagwalk-out si Rixx at mabilis na tumakbo. Naiwan si Jasha na naiiyak at si Lyla na nakangisi sa kanya)
Lyla: As expected, simula ngayon he will definitely hate you. Ayaw niya kasi sa mga intrimitidang tulad mo… Masyado kang pakialamera. Ciao!
8th scene:
Narrator: Umuwi si Jasha nang malungkot at hinitay na dumating ang asawa.
(Biglang dadating si rixx)
Jasha: Rixx, san ka pupunta? Iiwan mo na ba ako?
Rixx: Aalis. Ano pa ba sa tingin mo? Magpapalamig muna ako. Maganda siguro kung hindi muna kita makita ngayon.
Jasha: R-Rixx?
Rixx: Una na ako.
Jasha: Kelan ka uuwi? Babalik ka pa ba?
Rixx: Bukas siguro.
(Nalungkot si Jasha at naiyak)
9th scene:
Narrator: Kinaumagahan ay naghanda si Jasha para sa kaarawan ni Rixx at para magsorry. Nakailang text at tawag na siya dito pero hindi niya ito sinasagot tumawag siya kay Aste.
Jasha: Hello, Aste?
Aste: Napatawag ka? Balita ko may prob kayo ni best friend?
Jasha: Oo nga eh. Yan nga ang dahilan ng pagtawag ko eh, alam mo ba kung na saan siya? Kasi makikipagbati na sana ako, lulunukin ko na ang pride ko.
Aste: Nasa welcome party siya ni Lyla. Alam mo naman siguro kung saan yun diba?
Jasha: Sige, thank you talaga ah. Bye.
Narrator: Nagmadaling pumunta si Jasha sa bar.Pumasok siya sa loob at hinanap ang asawa. Kumuha siya ng inumin pero ito ay nabitawan niya ng makita ang asawa na may kahalikang babae, si Lyla.
Rixx: J-Jasha?I
(tatakbo palabas sa bar pero biglang titigil sa sakit ng kaniyang tiyan)
Rixx: J-Jasha, y-you’re b-bleeding.(lalapitan ang asawa)
Jasha:Lumayo ka sakin!! AHHH! OUCH—
Rixx: Jasha hold on. Dadalhin kita sa ospital.
9th scene
Doktor: Ikaw ba ang asawa ni Jasha Lauchengco?
(tumango si Rixx)
Doktor: Alam mo na siguro ang health condition ng asawa mo na bawal siyang magkaanak pero tinuloy niya pa rin diba?
Rixx: Anong health condition? Wala akong alam na bawal siyang magbuntis… Ang alam ko eh healthy ang asawa ko.
Doktor: Wala bang nakapagsabi sa’yo na may MVP ang asawa mo?
Rixx: MVP? Ano yun?
Doktor: Mitral valve prolapsed, hijo. This may cause sudden death kahit anong oras ay pwede siyang sumuko. Binigyan na siya ng taning for the fast few months, bago siya ikasal at sa pagkakaalam ko ay 3 months iyon.
Rixx: Magti-three months na kaming kasal so t-that means… anytime sooner? Kumusta po yung bata?
Doktor: I’m so sorry to say this but, mas nauna na siyang kunin sa’yo. Wala na ang bata.Humina ang kapit ng bata… Maybe sa stress at lungkot niya nakuha.
Rixx: Eh yung asawa ko po?
Doktor: Mahina na siya, Hijo. Hindi ko alam kung gigising pa siya. Pero kung magigising siya, saglit na lang ang nalalabi niyang oras dito sa mundo, kaya ang payo ko sa’yo, make the most out of it.
(Matutulala si Rixx samantalang umalis naman yung doctor. Lalapitan si Rixx ng kaniyang papa)
Papa ni Rixx: Mag-usap tayo Rixx. (sumunod si Rixx sa kanyang papa)
Papa ni Rixx: iniisip ko na di ka gagawa ng ganitong bagay pero mukhang nagkamali ako.
Rixx: Bakit di niyo sinabi? bakit hindi niyo sinabing alam niyo na namamatay din naman yung mapapang-asawa ko?! Na iiwan niya rin ako?! Na maiiwan akong nasasaktan?! Sana di ko siya nasaktan.
P. ni R: KUNG TALAGANG FAITHFUL KA SA ASAWA MO, ALAM MO MAN O HINDI, HINDING-HINDI MO GAGAWIN YUN! Tapos ngayon, hindi mo kayang patawarin ang nanay mo sa salang GINAWA mo rin?! Alam mo ba, malayo pa lang ang birthday mo sinabi na niya sakin na before she dies she wants to see you happy at walang grudges sa Mommy mo
Rixx: Pero ano ba talaga ang dahilan kung bakit hindi niyo sinabi sakin?
P. ni R: Dahil ayaw ni Jasha na mahalin mo siya dahil lang sa may sakit siya, kaawaan mo siya. Ang gusto niya eh mahalin mo siya dahil siya ay siya.
Rixx: I’m sorry, Dad. I shouldn’t have done that.
P. ni R : Magsorry ka sa asawa mo. Pero kahit mag sorry ka, hindi natin alam kung magigising pa siya… The damage has been done
(Pagkalipas ng ilang araw)
Jecka: Gising na si Jasha!
(dali-daling pumunta si Rixx sa kwarto ni Jasha at naabutan nya ito na nakatingin lang sa bintana)
Rixx: Jasha, tignan mo ako, please.
Jasha:…
Rixx: Patawarin mo ko… Jasha, hindi ko sinsadyang lokohin ka. Hindi ako yung nag-initiate ng kiss. Tsaka lasing ako nun, ikaw ang nasa isip ko nun! Jasha, you know how much I love you.
Jasha: (lilingon kay Rixx) Yun na nga eh, I don’t know if you love me. Sa tingin mo ba ganun-ganun na lang ang pagpapatawad na gagawin ko? Nagkakamali ka. Inubos mo tiwala ko.
Rixx: Gagawin ko ang lahat, maniwala at magtiwala ka lang sakin.
Jasha: Kahit tumalon ka sa bintana dito sa kwartong to! Hindi kita kayang patawarin! Kahit umiyak ka ng dugo o lumuhod ka sa anong klaseng matalim na bagay eh hinding-hindi kita mapapatawad!
Rixx: Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako pinapatawad.
Jasha: Kahit manigas ka diyan hinding-hindi kita papatawarin! Ikaw papatawarin ko? Eh sarili mo ngang nanay hindi mo mapatawad ikaw pa kayang asawa ko lang?!
Rixx: Jasha naman. Mahirap yung sa lagay ng nanay ko.
Jasha: And for the last time, could you do me a favor?
Rixx: Ano yun? Anything for you.
Jasha: Let’s divorce and leave this room.
Rixx: Hilingin mo na lahat wag lang yan. Bibigyan kita ng time Jasha. Babalik ako. (umalis sa loob ng kwarto si Rixx)
Narrator: Nagpabalik-balik si Rixx kay Jasha pero lagi siya nitong tinataboy hanggang sa pati si Jasha ay hindi na siya matiis.
(tatapikin ni Jasha si Rixx)
Rixx: J-Jasha?
(magigising si Jasha, ngingiti at yayakapin si Rixx at yayakap ito pabalik)
Jasha: Hindi naman siguro masama kung magsisimula tayo ng panibago. Gusto kong sumaya.
(ngingiti si Rixx)
Rixx: Sayang wala na ang munting anghel natin.
Jasha: pumunta tayo sa orphanage. Dun tayo maghanap ng anghel natin.
Narrator: Nag-ampon sina Jasha ng isang bata galing sa orphanage na tinuring nila bilang tunay nilang anak.
10th scene
Narrator: Nagpunta sila sa Starfish Resort Hotelpara sa isang special dinner para sa 100th day ng mag-asawa. Naglaan sila ng isang surpresa para kay Jasha. Samantala sa kwarto nila Jasha kasama niya si Pol at Jecka.
(Biglang iiyak si Pol)
Jasha: oh, Bakit ka umiiiyak?
Pol: Eh akala ko iiwan mo ato eh?!
Jasha: (bubuntong-hininga) Oo na, hindi ka na iiwan ng Mommy.
Jecka: sana…(bubuntong hininga)
Jasha: Sana…? Ano?
Jecka: Sana… hindi mo kami iwanan agad.
Jasha: Jecka, wag ka munang magdrama. Hindi ko naman talaga kayo iiwan eh.
Pol: Mommy, san ka pupunta? Bat sabi nila iiwan mo kami?
Jasha: Anak, hindi ko pa alam kung pano ipapaliwanag sayo pero someday maiintindihan mo rin ang Mommy.
Pol: Gusto ko na po maintindihan ngayon. (yayakapin ni Jasha si Pol)
Jasha: Not now, son
(Lalagyan ni Jecka ng blindfold si Jasha)
Jasha: huy!
Jecka: cooperation please ..
(Dinala nila si Jasha sa rooftop kung saan nandun sila Rixx. Pagdating sa rooftop tatanggalin ni Jecka yung blindfold ni Jasha)
Rixx: Happy 100th day.
Jasha: Thank you.
Ibang tauhan: Una na kami Rixx.
Rixx: Sige salamat.
(titingin kay Jasha)
Rixx: Akalain mo yun umabot tayo ng isandaang araw. (bubuntong hininga si Jasha) Tara stargazing tayo.
Narrator: Bigla silang may natanaw na shooting star.
Jasha: Nag wish ka? Ano hiniling mo?
Rixx: Hiniling ko n asana makasam kita habang-buhay
(malulungkot si Jasha)
Rixx: Oh, bakit lumungkot ka?
(malungkot na titingin si Jasha kay Rixx pero biglang ngingiti.)
Jasha: Huwag ka mag-alala. Matutupad yung wish mo. (may iaabot na papel kay Rixx at ngingiti naman si Rixx)
Narrator: Binigay ni Jasha ang resulta ng lihim niyang pagpapacheck-up kung saan nakalagay na gumagaling na siya.
Biglang sususlot si Pol para yakapan ang dalawa.
Pol: Mommy!, Daddy! Happy 100th Day. I love you.