Free Essay

Pulubi at Ang Pitaka

In:

Submitted By katiieelle
Words 447
Pages 2
Pagsusulat ng Sariling Parabula
Layunin: Nakasusulat ng sariling parabola ayon sa istilo at pamamaraan nito
I.
1. Paksa: Kahirapan at Katapatan 2. Tauhan: Si Nunu, Si Aling Ana 3. Tagpuan: Sa lansangan ng Quiapo 4. Simbolismo: Ang pitaka ay nagsisimbolo ng tukso. 5. Talinghaga: Gawin ang nararapat gawin dahil ito’y tama at hindi dahil sa kapalit na pabuyang matatangap.
II.
Ang Pulubi at Ang Pitaka Sa lansangan ng Quiapo, mayroong isang pulubing bata na pinangalanan ay Nunu. Siya ay mayroong malaking nunal sa pisngi at iyon ang dahilan kung Nunu ang tawag ng lahat sa kanya. Siya ay nagtitinda ng sampaguita sa labas ng simbahan. Isang araw may babaeng na nagmamadaling tumakbo na dahilan nang pagkahulog nagkanyang pitaka. Nilapitan ni Nunu ang pitaka at saka dinukot. Napaisip siya, “Isasauli ko ba ito o hindi?” Habang si Nunu ay tulala sa kakaisip may nakapansin sa kanya, isang matandang babaeng tinatawag na Aling Ana na hindi na makakalakad. Siya’y matagal-tagal naring namamalimos sa Simbahan ng Quiapo. “Nunu!” tawag ng matanda. Nilingunan ni Nunu ang tumawag sa kanya at nilapitan. “Po?” sagot ni Nunu. “Kung ako pa sa’yo Nunu, isauli mo iyang pitaka. Kahit naghihirap at nagugutom ka, dapat ibalik mo ang hindi sa’yo. May marami pang paraan upang makaginhawa ka mula sa kahirapan at hindi kabilang ang pagdudukot.” Sabi ng matanda. Naliwanagan si Nunu sa sinabi ng matanda. “Salamat po, Aling Ana” sabay ngiti ni Nunu sa matanda. Napansing bumalik ni Nunu ang may-ari ng pitaka na parang may hinahanap. Tumakbong papalapit si Nunu sa babae. “Nahulog niyo po ng kayo’y nagmamadaling tumakbo” sabay abot sa pitaka. “Naku, salamat bata. Kung hindi dahil sa iyo baka wala na akung pambayad para sa operasyon ng anak ko” Sabi ng babae na mangingiyak na sa tuwa. “Bilang gantimpala, eto” sabay abot ng babae ng isang daan kay Nunu. “Pero hindi ko po ito matatanggap” sabi ni Nunu “mas nangangailangan pa po ang iyong anak kaysa sa akin” “Tanggapin mo na, bata. Bilang kapalit ng kabaitan mo” sabi ng babae at niyakap si Nunu. Nagpasalamat muli ang babae bago umalis. Tinignan muli ni Nunu ang perang hawak niya at unang tumatak sa isip niya ay si Aling Ana kaya umalis si Nunu upang bumili ng tinapay at inumin para sa kanilang dalawa.
III. Mensahe Sa bawat aspeto ng ating buhay, dapat maging tapat tayo kahit sa taong hindi kakilala natin. Dapat gumawa tayo ng mabuti dahil alam natin na ito’y karapat-dapat gawin at hindi dahil sa pabuyang matatanggap natin. Dapat marunong tayong magbayad ng untang na loob sa mga taong naging parte na ng buhay at kung hindi dahil sa kanila ay hindi ka magiging sino ka ngayon.

Similar Documents

Free Essay

Mga Tula

...malalim Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin! II Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay "Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay, ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan." III Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak; Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag, Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap IV Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay. Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan! V Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi; tumangis s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagit Iluha ang aking palad na napakaapi! VI Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay; Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan, Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan! 2. Pagsusuri sa pormalismo Sa Aking Bayan Simon A. Mercado 1 Kumislap ang isip ng pantas na malay 2 At ang sandaigdig ay naliwanagan 3 Nagsipamulaklak ng dunong na yaman 4 Ang nangagpunyaging paham na isipan; 5 At tayo’y...

Words: 13887 - Pages: 56