Free Essay

Reaksyon Sa Kahirapan

In:

Submitted By Leann24
Words 769
Pages 4
May Pag-asa Kung Maniwala Ka Sa mundong ito hindi maikakailang marami ang naghihirap. Dahil sa kahirapang ito maraming pamilya ang walang matirahan, walang sapat na edukasyon, at walang makain at iba pa. Kahirapan rin ang dahilan ng maraming krimen sa mga bansa. Walang hanap-buhay ang mga taong sangkot sa mga krimeng ito, mga krimen tulad ng pagnanakaw, pangho-hold-up, at marami pang iba. Subalit, bakit nga ba marami pa ring naghihirap kung ang mga bansa ay may kanya-kanyang sapat na yaman? Ano ba ang mga ginagawa ng gobyerno ng bawat bansa at hindi pa rin malutas-lutas ang issue tungkol sa kahirapan? Isa sa mga bansa na laganap ang kahirapan ay ang Pilipinas. Tinatayang dalawampo’t walong porsyento ng populasyon ng Pilpinas ay mahihirap. Kabilang sa populasyong naghihirap ang mag-anak na nabanggit sa kwentong “Si Miming at Ang Sanggol sa Underpass” na katha ni Crispulo Alarde Jr. Ang mag-anak na ito’y doon sa underpass natutulog, iyon na rin ata ang tinuturing nilang tahanan, dahil sa wala silang sariling tahanan. Ang mag-asawang ito’y nagkaroon ng anak. Ngunit dahil sa kahirapan napilitan silang ibinta ang kanilang anak sa isang mayamang pamilya sa Makati. Masakit man iyon sa kanila, ginawa pa rin nila iyon para rin sa ikabubuti ng buhay ng kanilang anak. Sapagkat, hindi nila gugustuhin na maranasan ng kanilang anak ang hirap na nararanasan nila ngayon. Marahil sa loob-loob ng ina ng bata sinasabi niya “kung hindi lang ako naging mahirap kasama ko pa sana ngayon ang aking anak at buo pa sana ang aming pamilya hanggang ngayon”. Pero hindi niya magawang sabihin ang mga katagang iyon dahil sa alam niya ang katutuhanan at alam niyang may kasalanan din siya kung bakit mahirap pa rin siya hanggang ngayon. Isa lamang itong patunay ng kahirapan sa bansa. Ang mag-anak na iyon ay ang siyang sumasalamin sa kahirapang nararanasan ng bansa. Ang mga ganitong pangyayari, na nagaganap sa bansa, ay nakakapagpagabagab sa aking isipan. Maraming tanong ang mga nabubuo. Bakit may mga taong walang makain at matirahan? Higit sa lahat, bakit may mga naghihirap pa rin? Katanungang kung minsan ay alam ko ang sagot, kung minsan nama’y hindi. Isa sa mga naiisip kong dahilan ng kahirapan ay dahil sa mga mukhang pera’t corrupt na mga opisyal ng pamahalaan. Masasabi kong halos lahat ay panghuthut lang ng pera ng mga mamamayan ang habol. May iba naming mabuti ang pakay pero mabibilang mo sila gamit lang ang iyong mga daliri, ganun lang sila kadami. Hindi naman iyon nakapagtataka at kapansin-pansin naman ang resulta nito. Sa mga probinsya masasabi kong pinakalaganap ang mga katiwalian. Minsan nagsusumiti sila ng proyektong sa pamahalaan upang ito’y approbahan at upang sila’y makalikom ng pundo sa gagawin nilang proyekto. Sa unang taon (o marahil buwan) ng pagsasagawa ng proyekto masasabing mong “okay naman pala at sinisimulan nila ng maaga ang proyeko” pero pagkalipas ng mga taon mapapansin mong hindi pa rin iyon natatapos. Bakit? Dahil sa ang pundo ang pinagbubulsa na nila at wala ng natitira upang tapusin pa ang proyekto. Ganun ang mga technique na ginagawa nila. Isa lamang iyon sa mga halimbawa ng mga katiwalian sa mga probinsya, lalong-lalo na sa bansa. Nakakapanghinayang dahil alam naman nating ang mga tao na nasa pamahalaan ay matatalino, nagkapagtapos ng pag-aaral, may mga degree pero mas masahol pa sila sa mga magnanakaw sa lansangan. Sabi pa nga ng tito (taga-Samar) ko “nag-aral siya sa Harvard University tapos babalik sa Pilipinas para lang magnakaw”. Masyado silang nasilaw sa pera. Mas masahol pa sila sa mga magnanakaw na mahihirap. Ang mga mahihirap nagnanakaw para may makain, at para mabuhay. Nagnanakaw sila pero iilang tao lang ang napipirwesyo. Ang mga opisyal naman nagnanakaw para sa kapangyarihan dahil para sa kanila kapag marami kang pera makapangyarihan ka. Sa tuwing nagnanakaw sila buong mamamayan apektado. Darating pa kaya araw na wala ng mahirap sa bansa? Naniniwala akong darating din ang panahon kung saan wala ng nagugutom, at wala ng naghihirap. Kung magsusumikap lang ang lahat upang makaahon sa hirap walang impossible. Kung maglilingkod lang ng tapat ang mga namamahala sa bansa walang impossible. Kung magtutulangan ang bawat isa malaki ang posibilidad na sa darating na panahon bawat isa’y may kanya-kanya ng tahanan na. Ang bawat isa ay nakakain na ng sapat araw-araw. Hindi na kailangan ng mga magulang na ibinta ang kanikanilang mga anak dahil kaya na nila itong buhayin. Mababawasan, at maaaring mawala, na rin ang kremin sa bansa. At kung maniniwala lang ang lahat makakamit rin natin ang kasaganahan. Sabi pa nga “If you believe everything is possible”.

Similar Documents

Free Essay

Sona Reaction Paper

...aking nasaksihan sa Bulwagan ng SEARCA noong ika-23 ng Hulyo, at ito nga ang ikatlong SONA ni P-Noy. Nabiyayaan din ako ng pagkakataong marinig ang saloobin ng iba’t ibang indibidwal na mula sa sektor ng edukasyon, agrikultura, at ekonomiya. Ihahayag ko sa papel na ito ang aking reaksyon sa inilahad ng ating pangulo hinggil sa kalagayan ng ating bayan. SO ano NA nga ba? Tunay ngang napakapositibo ng dating ng SONA na ito – hindi lamang ang mga positibong pagbabagong naganap sa ating bansa sa kasalukuyan ang kanyang tinalakay kundi pati na rin ang mga positibong epekto ng kanyang pamamalakad sa ating hinaharap. Sinimulan niyang talakayin ang mga baluktot na pamamaraan ng nakaraang gobyerno at ang kanyang ginawang pagbabago sa mga ito – buti na lang at hindi niya ito gaanong pinagtuunan ng pansin. Ang isa sa mga hangarin niya ay ang mawala ang katiwalian sa gobyerno na para sa akin ay isang napakahirap na gawin. Sa dinami-rami ng mga taong nagnanakaw sa kaban ng ating bayan, mahabang proseso ang pagdadaanan para lang mapatunayan na nagkasala ang isang opisyal kagaya na lamang ng dating punong mahistrado. Isa lamang siya sa napakadami pang iba. Datapwat mahirap mawala ang korupsyon, magandang simula ito sa ating pamahalaan. Pinakita lamang nito na hindi imposible na salungatin ang may kapangyarihan kapag sila ay may sala. Sana ay ipagpatuloy niya ang pagkiling sa tamang daan at huwag magpabulag sa kislap ng kaban. Malaking parte ng SONA ang naituon sa pagsasabi ng mga...

Words: 666 - Pages: 3

Free Essay

Weeee

...Katha Nagbukas ang kwento sa pakikipag-usap ni Hilda sa isang babae na baguhan pa lamang sa bar na pangalan ay Uncle Tom’s na pagmamay-ari ng isang Amerikano, si Thomas Dewey. Ibinahagi niya ang kanyang buhay, simula sa kanyang kabataan at kung paano din siya nagsimula magtrabaho sa Uncle Tom’s. Si Hilda na kilala din bilang Ne ay lumaki na ulila sa ama kaya ang kanyang Nanay na lamang ang nagpalaki sa kanya. Pinalaki siya ng kanyang ina na maging konserbatibo sa pagkilos at sa pananamit. Kilala siya sa kanilang lugar, ang Looban, dahil sa angkin niyang kagandahan. Nang nakatapos na ng hayskul, nagtrabaho siya bilang weytres sa isang restoran upang mapagipunan ang matrikula niya sa kolehiyo dahil pangarap niya maging nars. Sa restoran na iyon ay nakilala niya si Mother, isang Mama-san, inaaya siya na maging a-go-go dancer sa isang bar kung saan malaki ang makukuha niyang sweldo. Pumayag siya at simula noon ay nag-iba na ang itsura, pananamit at pagkatao niya. Natuto siya gumawa ng mga masasamang gawain tulad ng pag-iinom, paggamit ng droga, pakikipatalik at pagpapalaglag ng bata kagaya ng ibang regular bar girl dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari. Nalaman ng mga taga- Looban at ng kanyang ina ang tungkol sa pag- a-go-go dancing niya noong siya ay nakita ng kanyang kababata. Sa kabila ng mga panghuhusga ng mga taga-Looban sa kanya, ang pagmamahal ng kanyang ina ay hindi nagbago at ito ang nagbibigay seguridad kay Hilda sa tuwing nawawala siya sa kanyang sarili. III...

Words: 1606 - Pages: 7

Free Essay

Doc, Docx, Pdf, Wps, Rtf, Odt

...BALANGKAS NG PAGSUSURI Pagsusuri sa maikling kwento na “Ang Mundo sa Paningin ng Isang” ni Rogelio L.Ordonez ganit ang Balangkas ni Prop. Nenita Papa I. A. PAMAGAT NG KATHA AT MAY-AKDA “Ang Mundo sa Paningin ng Isang” ni Rogelio L. Ordonez. Isang maikling kwento na nagpapakita ng isang uri sa lipunan. Mga taong nagtitiis at pilit na nilalabanan ang kahimagsikan ng isang makapangyarihang na unti-unti silang sinasakop. B. SANGGUNIAN www.plumaatpapel.wordpress.com Ni Rogelio L. Ordonez (http://plumaatpapel.com) II. BUOD Ang kwento ay tungkol sa malupit na si Don Miguelito na kung saan ay may pagmamay-ari ng dalawampu’t libong lupain ng tabako na minana ng kanyang pangalawang asawa. Lumaki na talaga si Don Miguelito sa marangya at saganang pamumuhay, sa murang edad rin siya naulila matapos mamatay ang kanyang mga magulang. Masasabi ngang matigas ang puso ni Don Miguelito dahil sa labis nitong kalupitan at walang awang pangmamaliit sa kanyang mga trabahador gaya ng buong araw na pagtatrabaho na wala na sa tamang oras, mababang sahod at kung ika’y nga’y magtatangkang magreklamo sa kanyang patakaran ay papuntahin kana sa kahera at maaari mo ng kunin ang iyong huling sahod. Ngunit naglakas loo ang mga kanyang magagawa na nagplanong gumawa ng unyon para maipaglaban ang kanilang hiling at nais na mabago na ang baluktot na pagtrato sa kanila ni Don Miguelito. Ngunit labis na kumunot ang noon at kumulo ang dugo nito ng malaman niya ang ginawa ng kanyang...

Words: 1874 - Pages: 8

Free Essay

Pangangatwiran

...* “Sa patuloy na pakikihamok ng tao sa buhay, taglay nito ang husay sa pangangatwiran. Anumang desisyon na kanyang ginagawa ay may karampatang dahilan (mabuti man o pansariling kapakanan lamang). Nagagawa nating tama ang mali at napaninindigan na tama ang para sa atin ay tama basta maitatak lamang sa isipan ng tao na tayo ang may tamang katwiran.” * Sa usaping pampamilya, hindi dapat na machismo lamang ang mangingibabaw at hindi rin dapat na abusuhin ng babae ang kanyang pagiging babae para lamang masunod ang anumang layaw. Kailangan ang matinding pag-uusap at masinsinang pagtitimbang ng mga katwiran at mapag-aralan ang lahat ng mga punto para sa isang maligayang samahan. PAGKAKAIBA NG PANGANGATWIRAN SA DEBATE * Malaki ang pagkakaiba ng pangangatwiran sa debate sapagkat bahagi ng pangangatwiran ang debate samantalang ang debate ay hindi bahagi ng pangangatwiran. Pangangatwiran | Debate | * Masining na pagpapaliwanag sa saloobin at paniniwala ng isang indibidwal hinggil sa isyu o paksa. | * Sining na nangungumbinsi sa ibang kasangkot sa komunikasyon na ang panig ng tagapagdala ng mensahe ay tama at nararapat na sang-ayunan. | * Maituturing na linyar na proseso ng komunikasyon ang pangangatwiran sa maraming pagkakataon sapagkat hindi naman ito nangangailangan ng tugon ng tumatanggap ng mensahe at ang mahalaga lamang ay naipaliwanag ng isang indibidwal ang kanyang panig. | * Madalas na paikot na proseso ng komunikasyon ang kasangkot sa debate o pakikipagtalo...

Words: 1773 - Pages: 8

Free Essay

Talumpati

...tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. II. Mga Bahagi ng Talumpati Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati: 1. Pambungad - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla. 2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati. 3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati. III. A. Mga Uri ng Talumpati Talumpati na Nagpapaliwanag * pagbibigay kaalaman ang hangganan ng talumpating ito. Nag-uulat, naglalarawan, tumatalakay para maintindihan ng tagapakinig ang paksa. Gumagamit ng biswal na kagamitan, ng paghahambing upang higit na maunawaan.may katibayan na katotohanan na pagpapaliwanag nang mabuti sa paksa. * limitado ang mahahalagang puntos na dapat talakayin, sapat lang na matandaan ng kaisipan ng mga tagapakinig. Talumpati na Nanghihikayat * Layuning makaimpluwensya sa pag-iisip at kilos...

Words: 2414 - Pages: 10

Free Essay

Albertt

...ilang akdang pampelikula.Pinanganak si LUathati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philipiines, ngunit nag-drop out bago man siya matapos ang kanyang unang taon. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada ’70, at Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? Na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca award para sa dalawa sa kanyang maikling kento: Tatlong Kwento Ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlonmg gantimpala, 1983) . Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story, Best screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy awards, at Star awards. II.BUOD Ang nobela ay nagsimula sa pagpapakilala ng mga tauhan at nabigyan ng pansin si Amanda isang uri ng asawang alipin ng makalumang paniniwala sa tungkulin ng babae at lalaki. Una’y di niya binigyan ng pansin ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit nang magsimula nang manaig ang damdaming anaktibista ni Jules at ang pagkamapusok ni Gani ay nabahala siya nang lubusan. Unti-unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano nga ba ang ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na sa katagalan nga’y tuluyan nang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan. Bunga nito’y nagkaroon ng...

Words: 1602 - Pages: 7

Premium Essay

Working Student

...PAG-AARAL TUNGKOL SA HINDI MAIBALANSENG ORAS AT PANAHON NG PAG-AARAL AT PAGTATRABAHO NG HALOS KARAMIHAN NG MANGGAGAWANG MAG-AARAL KALITATIBONG PANANALIKSIK Isang Proposal ng Kalitatibong Pananaliksik na Inihirap sa Gurong Tagapayo, Prof. Leonardo G. Adap, MAEd-GC sa Paaralang Tersarya ng Higher School ng UMak-Unibersidad ng Makati Lungsod ng Makati Bilang Bahagi sa mga Gawaing Kailangan sa Pagpasa sa Kursong Filipino 6-Iskolarling Pagbasa at Pagsulat Ipinasa kay: Leonardo G.Adap, MAEd-GC Propesor-Kolehiyo ng Sining at Agham Unibersidad ng Makati Mga mananaliksik: Avanez, Germhel Shaira G. Tuazon, Mark Anthony D. Ramirez, Irah Nicole L. Sayman, Jade M. Berdos, Remel Cepe, Hervie C. Del Rosario, Jean Mathew V. Roda, Genisis K12-22 Setyembre 2014 A.Panimula Sa gitna ng krisis hindi maikakaila na ang kahirapan ang pinaka matinding suliranin ng ating buhay. Lahat ng tao ay nararanasan ito, partikular na ang kabataang Pilipino. Itinuturing ito na pinakamahalagang kayamanan ng bansa. Ngunit ang mga kabataan ngayon ay hindi lamang sa pag-aaral napupunta ang atensyon, may iba pang kailangang maghanap ng trabaho at ikabubuhay matustusan lamang ang mga pangangailangan sa pag-aaral. At dahil sa konklusyong iyon, hindi nagagawang balansihen ng mga estudyante ang pag-aaral at pagtatrabaho. Sapagkat, gigising ng maaga na walang laman ang tiyan, baon, pamasahe, pambayad sa mga voluntary contribution at iba pa. Dahil dyan mas naglalaan pa ng oras ang mga manggagawang...

Words: 4309 - Pages: 18

Free Essay

Family Planning

...Abdullah Guro sa Filipino Bilang bahagi ng katuparan sa assignaturang Filipino Ika-apat na taon Ni: Naifah B.Amerol IV-Aquarius Felix A.Panganiban Academy of the Philippines Marso 2012 TALAAN NG MGA NILALAMAN KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon 2. Layunin ng Pag – aaral 3. Kahalagahan ng Pag – aaral 4. Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral 5. Depinisyon ng mga Terminolohiya KABANATA 2. MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA KABANATA 3. DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 1.Metodolohiya 2. Disenyo ng Pananaliksik 3. Instrumentong Pampananaliksik 4. Mga Respondente 5. Tritment ng mga Datos 6.Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos KABANATA 4. LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 1. Lagom 2.Kongklusyon 3. Rekomendasyon LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN APENDIKS KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG – AARAL 1. Introduksyon Sa tahanan simulang nahuhubog ang katauhan ng isang tao. Ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga estudyante ay ginagampanan rin ang tungkuling ito. Kapag sinabing paaralan, kadalasang naiisip ay ang lugar kung saan nag-aaral at natututo ng mga bagay-bagay ang tao. Ngunit hindi lamang puro impormasyon tungkol sa matematika, siyensa, o wika ang natututunan ng mga estudyante sa paaralan. Mayroong mga organisasyong maaaring salihan ang mga mag-aaral depende sa kanilang hilig. Ang mga organisasyong ito ay may mga gawaing maaaring humubog sa iba pang aspeto...

Words: 9859 - Pages: 40

Free Essay

Study Habits

...pasasalamat naming mga mananaliksik sa mga sumusunod: Una sa lahat, nais naming magpasalamat sa poong Maykapal sa pagbibigay sa amin ng karagdagang lakas at grasya upang malampasan ang anumang pagsubok na aming dinaranas. wala kaming mapapala sa buhay kung wala siya sa aming puso. Lahat ng lakas namin sa pag- gawa ng proyektong ito ay nanggaling sa kanya. Nakayanan namin ang mga paghihirap tulad ng presyur at puyat kung hindi lang sa kanyang pag-gabay sa amin sa araw-araw. Nais din naming magbigay pasasalamat sa aming mga pamilya sa pagbibigay ng walang sawang suporta sa amin lalung-lalo na nung kinailangan namin. Sila ang nagpaaral sa amin sa magandang unibersidad at nagaalaga sa amin hanggang ngayon sa likod ng kanilang mga trabaho. Isa sila sa dahilan kung bakit kami nagpupursigeng makakuha ng magandang marka sa papamagitan ng pag-gawa ng magandang pamanahong papel. Salamat sa seksyon I-9 sa pagiging matutulunging mga kaibigan at matitinik na kakompitensya rin. Marami kaming natutunan sa kanilang mga gawain at ito ang nagudyok samin na gumawa ng magandang kwalidad na proyekto. Pinakita nila sa amin na maraming magagawa kapag nagtutulungan ng taos puso ang isa’t isa. Hinding hindi rin namin makakalimutan ang pagbibigay pasasalamat sa aming napakabuti at kabighanihani na propesor sa Filipino na si Ginang Zendel Taruc sa pamamahagi ng kanyang kaalaman at pagbibigay ng proyektong pamanahong papel. Naging mahirap ang paggawa ng isang pananaliksik sa papel ngunit ginawa niya...

Words: 11155 - Pages: 45

Free Essay

Research Paper

...pasasalamat naming mga mananaliksik sa mga sumusunod: Una sa lahat, nais naming magpasalamat sa poong Maykapal sa pagbibigay sa amin ng karagdagang lakas at grasya upang malampasan ang anumang pagsubok na aming dinaranas. wala kaming mapapala sa buhay kung wala siya sa aming puso. Lahat ng lakas namin sa pag- gawa ng proyektong ito ay nanggaling sa kanya. Nakayanan namin ang mga paghihirap tulad ng presyur at puyat kung hindi lang sa kanyang pag-gabay sa amin sa araw-araw. Nais din naming magbigay pasasalamat sa aming mga pamilya sa pagbibigay ng walang sawang suporta sa amin lalung-lalo na nung kinailangan namin. Sila ang nagpaaral sa amin sa magandang unibersidad at nagaalaga sa amin hanggang ngayon sa likod ng kanilang mga trabaho. Isa sila sa dahilan kung bakit kami nagpupursigeng makakuha ng magandang marka sa papamagitan ng pag-gawa ng magandang pamanahong papel. Salamat sa seksyon I-9 sa pagiging matutulunging mga kaibigan at matitinik na kakompitensya rin. Marami kaming natutunan sa kanilang mga gawain at ito ang nagudyok samin na gumawa ng magandang kwalidad na proyekto. Pinakita nila sa amin na maraming magagawa kapag nagtutulungan ng taos puso ang isa’t isa. Hinding hindi rin namin makakalimutan ang pagbibigay pasasalamat sa aming napakabuti at kabighanihani na propesor sa Filipino na si Ginang Zendel Taruc sa pamamahagi ng kanyang kaalaman at pagbibigay ng proyektong pamanahong papel. Naging mahirap ang paggawa ng isang pananaliksik sa papel ngunit ginawa niya ang lahat...

Words: 11085 - Pages: 45

Free Essay

Communication

...com/2015/09/27/ang-reyna-ng-espada-at-mga-pusa/ II. Buod ng Katha Ang kuwento ng Ang Reyna ng Espada at mga Pusa ay tungkol sa isang tao na nag ngangalan na Jose T. Clutario III o mas kilalang Clutario. Siya ay nakulong dahil sa salang pagpatay, at binigyan siya ng Presidente ng Pilipinas ng Executive clemency, o isang paraan para makalaya siya. Pero ayaw ni Clutario lumabas sa bilangguan dahil ayaw niya iiwan ang kanyang kaibigan. Ang kaibigan niya na si Peng, ay nagulat iniisip ni Clutario dahil para kay Peng, hindi niya ito dapat palalagpasan na pagkakataon. Si Peng naman ay gustong-gusto na makalaya sa kulungan at tinanong ang kanyang kaibigan niya kung pwede siya sumama. Ngunit sinagot siya ni Clutario na hindi, dahil ayaw niyang lumbas sa dahilan na wala siya raw pupuntahan kapag nakalaya na siya, at hindi niya gusto na iiwan lamang ang mga kaibigan niya sa kulungan. Sinabi ni Peng kay Clutario na nanaginip siya na naglalaro siya ng solitaryo at tinanong niya kung lalabasba talaga si Clutario. Ang sabi ni Peng, kapag ang kulay ng baraha ay nakakasunod-sundo, halimbawa pula na hearts at itim na spades (o para kay Peng tinagawag niya ito na “bulaklak”) ay oo ang sagot nga mga baraha. Naglaro si Peng kasama kay Clutario at binuksan niya ang mga baraha, hanggan nakapadpad sila sa Queen of Spades na hindi naman kamukha ng Queen of Spades, ito ay dahil noong na wala ang mga baraha ni Peng gumawa si Clutario ng bago, mula sa mga sa karton ng sigarilyo. At ginuhit ni Clutario ang Queen of Spades na parang pusa. At doon...

Words: 6678 - Pages: 27

Free Essay

Timawa

...ni Andres sa kanyang gawain sa kusina ng dormitory ay inusisa siya ni Alice at Bill ukol sa kanyang karanasan sa buhay. Naitanong sa kanya kung anu-ano ang kanyang naging trabaho sa at ang kanyang tugon ay siya ay naging tagahugas ng pinggan, nagging tagapitas ng mansanas at dalanghita, tagatanim ng kamatis, letsugas at reployo, naging serbedor, utusan at iba’t-iba pang mga trabaho. Isa pang tanong sa kanya ay kung bakit hindi na lang niya ipinagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho at nagpasya pa siyang mag-aral. Ang kanyang sagot ay sapagkat ito ay naipangako niya sa kanyang ama. Naikwento rin ni Andres na isang magsasaka ang kanyang ama at tuwing fiesta ay nagtitipon ang mag-anak upang tumulong sa pag-aayos. Sabay-sabay rin silang kumakain subalit sila ay minata ng isang Donya at sinabihang mga timawa na hindi pa raw tapos makakain ang mga bisita ay ayun sila at kumakain na. Sinabi rin ng kanyang ama na kung ayaw ni Andres na matulad sa kanya ay dapat itong mag-aral. Napag-usapan rin nila na dapat ay subukan ring mag-aliw ni Andres dahil tila maabot naman nito ang kanyang mga pangarap. Natapos ang usapan ng lumalalim ang gabi at inihatid ni Andres si Alice sa kanyang tinituluyan. Habang patungo sina Bill at Andres sa kanilang tinutuluyan ay tinukso ni Bill si Andres kay Alice dahil sa kanyang pakiwari ay may gusto ito roon. Panay ang udyok ni Bill na ligawan na ni Andres si Alice dahil sa tingin rin niya ay may gusto rin si Alice sa Pilipinong...

Words: 6595 - Pages: 27

Free Essay

Asdzxcasdasdasdzzxc

...at di-mawaglit sa isipan. Ikaw, anong pangyayari sa iyong buhay ang di-mo malilimutan? Bakit? Kaya mo ba itong isalaysay nang tuluy-tuloy? Madalas tayong magbahagi ng mga pangyayaring ating napanood o di kaya’y nabasa. Subalit higit na kasiya-siya kung ito’y naging bahagi ng ating karanasang nakakatuwa… nakakatakot… nakahihiya… Ito ang paksa ng araling pag-aaralan mo ngayon; ang pagsulat ng isang pagsasalaysay. Tungkol din ito sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon, pagbuo ng magkakaugnay na kaisipan at impormasyon, pagpapahayag ng sariling opinyon, damdamin o saloobin sa isang halimbawang salaysay at pagbuo ng isang maayos na talatang nagsasalaysay. Tiyak na magiging kawili-wili ang bawat gawaing iyong pag-aaralan sapagkat kuwento ito ng bahagi ng buhay na maaaring mangyari rin sa iyo o kaya’y nangyari na. Handa ka na ba para sa pagsisimula ng iyong aralin? Ano ang matutunan mo? Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: A. Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon. 1. wastong baybay 2. wastong bantas 3. kawastuang gramatikal B. Naipahahayag ang pansariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa isang halimbawang modelo C. Nasusuri ang sangkap at katangian ng mabuting pagsasalaysay 1. format 2. nilalaman D. Maipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng isang sulating nagsasalaysay na may magkaugnay na kaisipan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gabay sa sariling pagkatuto...

Words: 9571 - Pages: 39

Free Essay

Reasons in Shifting the College Students

...Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan maari itong mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita. 2. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda. 3. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,  simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan. 4. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na sulati; isang kasanayan. 5. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gating nadarama na di natin kayang sabihin 6. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion. 7. Ayon kay Arapoff, ito ay  isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay ng pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan.. 8. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng damdamin at isipan ng tao.   1. II.                Kahalagahan...

Words: 7402 - Pages: 30

Free Essay

Sfsdsgfhyj Yuyuyuy

...po kasi ang ating pakiramdam sa kasalukuyan. Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Senate President Franklin Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte, Jr. at mga miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani mula sa ating unipormadong hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal ko pong kababayan: Magandang hapon po sa inyong lahat. Ito ang aking ikaanim na SONA. Muli akong humaharap sa Kongreso at sa sambayanan upang iulat ang lagay ng ating bansa. Mahigit limang taon na ang lumilipas mula nang itinigil natin ang wang-wang, hindi lang sa kalsada, kundi sa buong lipunan; mula nang pormal tayong nanumpang labanan ang katiwalian upang masugpo ang kahirapan; at mula nang natuto muling mangarap ang Pilipino – ang atin pong mga Boss. Mga Boss, ito ang kuwento ng ating paglalakbay sa Daang Matuwid. Nito lang pong Biyernes, pinasinayaan natin ang Muntinlupa-Cavite Expressway. Una po ito sa nakapilang Public-Private Partnerships na tayo ang nag-apruba, at sa ilalim ng administrasyon natin binuksan sa publiko. Sa ating mga sinundan: Halos magmakaawa ang pamahalaan sa pribadong sektor na lumahok sa mga proyekto. Ngayon sila na...

Words: 12396 - Pages: 50