Free Essay

Realdeal

In:

Submitted By vertigo20
Words 1347
Pages 6
Slug: Bawas VAT sa oil products muling hiniritVO: Muling hinirit ng isang mambabatas sa pamahalaan na ikonsiderang bawasan ang ipinapataw na Value added tax(VAT) sa lahat ng produktong petrolyo sa kadahilanang panibagong oil hike na ipapatupad ng mga kumpanya ng langis ngayon linggo.Ayon kay bayan muna partylist representative teddy casino, na kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay panahon nang bawasan ng kalahati ang 12% VAT.Sabi pa ni casino, ay may magagawa pa ang gobyerno na pababain ang tax sa langis dito sa ating bansa.Tinawag ni casino ang mga kumpanya ng langis na walang puso sa kadahilanang hindi pa man nakakabangon ang mga tao sa trahedya sa baha kabilang ang metro manila at ibang lalawigan ay walang iniisip ang mga ito kundi kumita ng malaki.Apela rin nito na ipasa ang house bill 6416 na naglalayong bawasan ang VAT rates sa kalahati sa presyo ng langis.Kevin foster para sa trinity patrol. | VIDEOSitner: pinapakita ang malacañang kasama ang mga mambabatas at muka ni teddy casino na nag sasalita. |
Politics:

SLUG: Carabuena, sinuspinde na!VO: Pinaboran ng Human Resource managers ang parusang ibinigay ng PHILIP MORRIS PHILIPPINES sa HR manager nitong si Robert Carabuena matapos Makita ng kumalat na video kung saan makikita ang pananapak sa isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority na Si Saturnino Fabros.Si carabuena ay pinatawan ng suspensyon ng PHILIP MORRIS PHILIPPINES matapos na ilantad sa programa ng TV5 ang ginawang pagmamaltrato sa isang tauhan ng MMDA na kumalat pa sa social media.Ayon kay Arthur Luis P. Florentin, president ng People management association of the Philippines, nararapat lamang ang naging aksyon ng cigarette maker sa kanilang opisyal.Naniniwala si florentin na kahit gaano pa kabigat ang sitwasyon ng mga sasakyan sa lansangan ay hindi dapat magpakita ng maling pag-uugali ang kahit na sinuman.Rhenz Dela Cruz para sa Trinity Patrol. | VIDEOSitner: pinapakita ang kumpanya ng PHILIP MORRIS PHILIPPINES.Sitner:pinapakita ang picture na sasaktan ni carabuena si fabros sa kuha ng TV5. |

Slug: Anti-RH solons papakiusapan!Lead in(Kevin):(Anti-RH solons papakiusapan ni SONNY BELMONTI JR. Live nag papatrol si Jo lesana. Jo.VO: yes Kevin, kakausapin ni house speaker Feliciano sonny Belmonte jr ang mababang kapulungan ng kongreso ang mga mambabatas na maaaring tumutol sa kontrobersyal na RH bill.Sabi pa ni Belmonte ay mag sasagawa siya ng private dialogue sa kanyang mga kasama na tumututol sa RH bill para maayos na at hindi mahadlangan ang pag usad nitong batas.(PAUSE FOR SOT)“I’ll be conducting a private dialogue with my collegues who are against the passage of the RH measure for us to set ground rules”(PAUSE FOR VO)VO: Noong nakalipas na linggo ay naantala ang pagtalakay sa period of amendments sa plenary matapos gumawa ng hakbang ang mga anti-RH na mambabatas ng paraan para hindi ito umusad.Bagama’t sinang-ayunan ni Belmonte na hindi maaaring mapigilan ang pagtayo ng isang mambabatas para sa privilege speech ay umapela naman ito na limitahan na lamang ito upang matalakay ang ilang pang mahahalagang panukalang batas.Jo Lesano para sa Trinity Patrol | VIDEOSitner: pinapakita ang mga tao sa malacañang kasama si Belmonte jr.ROLL SOT: | SLUG: Sapat na bigas hanggang 2013VO: Sinabi ng kagawaran ng agrikultura na makakamtan pa rin natin ang pagiging “rice sufficient” ng bansa sa susunod na taon.Ayon kay administrator ng national irrigation administrationna si Antonio nangel, base sa kanilang monitoring ay aabot sa 36,000 ektarya ng lupain ang nasira sa baha sa bansa.Ani pa ni nangel, walang dapat ipangamba ang ating mga kababayan meron pa raw dalawang harvest season sa bansa kaya naman abot kamay pa rin ang target na rice sufficiency sa susunod na taon.Ipinakita din ni nagel na mahigit 400 milyong piso ang tinatayang nasira sa irrigation system ng bansa at agad na raw kumilos ang gobyerno para masolusyunan na ito.Jacob zatarin para sa Trinity patrol | VIDEOSitner: pinapakita ang pag sasaka ng ilang magsasaka at kumpanya ng kagawaran ng agrikultura. |

SLUG: Conviction ni Abalos itiniyak!Lead in: Conviction ni abalos itiniyak ng prosecutors. Live sa malacañang Nicole Valenciano.Nicole.VO: Yes Kevin, itiniyak na nga ng government prosecutor na mako-convict si dating Commission On Elections Chairman Benjamin abalos na nasangkot sa naganap na dayaan noong 2007 sa Mindanao.Ito ay sa kabila ng ginawang pagpayag ng pasay court na mag bigay ng 1milyong multa si abalos para sa kanyang pansamantalang kalayaan.Ayon kay justice secretary Leila de lima, kapwa positibo ang joint panel ng department of justice at comelec na humahawak ng kaso na mapapatunayang guilty si abalos at sa iba pang akusado.(Pause for SOT)“we always remain hopeful. That’s what I told the DOJ panel. In the main trial, we should strengthen the case to secure conviction.”“possible corroborative, significant witnesses may be presented during trial proper when the court hears merits of the case. But for the purposes of bail application, we feel that the personal knowledge of martirizar was already strong”(Pause for VO)VO: Sinabi pa ni De lima na pag-uusapan nila sa Comelec ang naturang isyu pero inamin nito na wala ng saysay ang apela dahil pinagbigyan na ng korte ang mosyon para makapagpiyansa si abalos. | VIDEOSitner: pinapakitang nag sasalita ang reporter.ROLL SOT:Sitner: nag sasalita si de lima. |

ENTERTAINMENT: AUDIOLead in: EnTRItainment muna tayo kasama si merielle nabaza, merielle ano bang mga bago mong chismis diyan?VO: Yes Kevin, marami tayong bagong tsismis ngayon.Arnell Ignacio nanguna sa paglikom ng pera na ibibigay kay saturnino fabros ang MMDA na naabuso.(PAUSE FOR SOT)“kawawa naman kasi yon no, anim ang anak at maliit lang ang monthly salary nya so nag pasya ako na mag likom ng pera sa kapwa artista para ibigay sakanya para naman makaranas ng kaginhawaan yung tao”(PAUSE FOR VO)VO: Hindi naman nabigo si Arnell dahil mga kapwa artista niya ay nangako na magbibigay ng financial help para kay Fabros.At carmina and zoren itutuloy na ang civil wedding bago matapos ang 2012.Sa loob ng labing-apat na taon na pagsasama nila zoren at carmina kasama ang dalawa nilang anak kulang na lamang ay kasal. Pero noong nakaraang mahal na araw ay magpo-propose n asana ang aktor nang magbakasyon sila sa bansan japan.(Pause for SOT:zoren)“Kinuntsaba ko na yung kambal, si Cassandra pa nga ang sumukat ng singsing.nong magbabayad na ako ayaw tanggapin ang credit card ko yun pala di na activate. Hanggang sa na-miss ko yung opportunity na yon.”“so, hopefully maganap itong taon yung talagang formality na mag-tie ng know fomally.”(PAUSE FOR VO)VO: ayon naman kay carmina ay malaki daw ang chance na matuloy na ngayong taon ang pinaplano nilang civil wedding.At ayan ang mga tsismis natin ngayon mga kasama ako si merielle nabaza ang inyong tsismosang chikadora. Balik sayo kasamang Kevin. | VIDEOSitner: pinapakita ang pakikipag usap ni arnell Ignacio sa ilang artistaROLL SOT:Sitner: pinapakita ang muka ni zoren at carmina at ang pamilya niyaROLL SOT: |
Weather
SLUG: Bagyong Igme hanggang huwebes pa sa ating bansa!Lead in: Bagyong igme hanggang huwebes pa sa ating bansa. Nag papatrol argie cruz live sa PAG-ASA. Argie, kamusta na ba ang panahon ngayon? May update ba patungkol sa bagyo?VO: Yes Kevin, maari dawn a manatili si igme sa Philippine are of responsibility hanggang Wednesday o Thursday. Pero sa Thursday, inaasahan na palabas ito ng Philippine are of responsibility.Ayon kanina kay nikos peñaranda ay baka mag landfall si igme sa Taiwan o japan.Kanina naman sabi ni meno Mendoza ay na estimated 289 km east of aparri kaninang 10 am. Sinabi nya rin kanina na ang bagyong ito ay gumagalaw papuntang north 7kph at 260 km east northeast of basco,batanes sa martes ng umaga.Patuloy lang daw pong i-update ang inyong twitter or mag update sa www.pag-asa.dost.gov.ph or sa twitter follow nyo lang ang @dost_pagasa.Balik sayo kasamang Kevin. | VIDEOSitner: pinapakita ang measuring device ng PAG-ASA at pinapakita ang nag rereport na reporter. |

Similar Documents

Premium Essay

Construction Project

...Managing disputes in Contract SL. No. Particulars Page No. 1. Introduction 3 2. Various types of risk in contract 3 3. Various factors that increase contract risk 4 5. Limitation of Liability 5 6. Risk Allocation in contracts 5 7. Importance of fair allocation of risks 6 8. Managing risk in contract 7 9. Unforeseeable physical conditions 8 10. Ways to avoid pitfalls 9 11. Dispute Resolution 9 12. Conclusion 10 13. References 11 Introduction ...

Words: 3459 - Pages: 14