Free Essay

Red Paper Bag

In:

Submitted By yourmaronliam
Words 9733
Pages 39
Ayoko na sanang magkwento tungkol sa pag-ibig. Minsan nakaka-umay na din. Dahil gaya ng lumang mantika na ilang beses na pinagprituhan, maanta na sa panlasa. Sarap magmumog ng atsara. Lahat kasi sa modernong liko ng pakikipagkapwa tao, yun ang sanhi ng kasiyahan o puno’t dulo ng problema. Pero ano pa nga bang pwede kong ibahagi? Ang kagilagilalas na pagtutupi ko ng aking brief at panyo kaninang tanghali? Kung paano ko buong tapang na kinuskos ang kalawang sa patungan ng naghihingalo naming kalan? Bakit kanang kamay ang ginagamit kong panguha ng ulam sa hapag-kainan imbes na kaliwa o di naman kaya ay kutsara? Wala namang matutuwa dun. Mukhang walang palag. Sige. Pag-ibig na nga lang ulit.

Sabagay, hindi naman ito kwentong ordinaryo.

Sabi nila, isa sa mga advantage ng kababaihan sa mga lalaki ay ang woman’s intuition. Ang matinding kapangyarihan na ibinibigay lamang sa mga may vagina. Kaya siguro karamihan sa mga manghuhula sa Quiapo ay mga babae. At kalimitan, kapag kapwa babae ang nagpapahula ng tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig ay dalawa lang ang posibleng resulta: (a) ‘magkakatuluyan kayo, ikakasal at tatanda ng magkasama’ at (b) ‘may kabit ang kupal na yan’.

Pero teka. Para lang ba sa mga lihim na ka-draguhan ng mga lalaki gumagana ang alamat ng woman’s intuition gaya ng spider sense ni Batman? Mali ata yung pagkukumpara. Hindi ba ito applicable sa mga positibong pangyayari gaya ng isang lalaking palihim na may gusto sa isang dalaga na sadyang walang sapat na lakas ng loob at dami ng ‘moves’ para umamin o magparamdam man lang. Kailan ba nagsisimulang magkaroon ng woman’s intuition ang isang babae? May age limit ba at tipong kailangan isang full fledged woman na talaga? Nasa bra size ba? Kapag tinubuan na ng buhok sa kili-kili? Kapag inahit na ang unang bugso ng buhok sa kili-kili? Kusa lang ba itong dumadating at automatic na sasapi sa katawan nila? O may isang underground training facility na magsasanay sa mga kababaihan para lumakas ang kanilang pang-amoy at pangdama sa bumubulang third-party?

Hindi ko kasi alam kung meron siya nun. At kung meron man, sapat kaya ang wavelength ng antenna nito para kahit pahapyaw na singhot man lang ay nalaman niyang halos kainin ko ang table of contents ng english textbook na madalas naming sabay na basahin tuwing may reading exercise. Hindi na siguro kailangan ng mahabang paliwanag at masalitang deskripsiyon ng mga pangyayari. Torpe ako. Panaginip siya. Hindi ko nasabi. Naubos ang oras. Cliche ng lahat ng mga cliche.

Naaalala ko na lang yung huling beses na nakita ko siya. Mga huling araw na estudyante kami sa iisang paaralan. Kumaway na lang ako habang papaalis na siya. Ewan. Wala man akong sexist gift of sight, parang may kung anong nagsasabi sa akin nun na yun na ang huling beses na magkikita kami.

Bakit ako masyadong apektado ng presensya o kawalan niya? Hindi ko din alam. Sa totoo nga medyo irita din ako sa kanya noon. Para kasi siyang perlas sa loob ng isang endangered na kabibe kung ituring ng mga teacher namin dati. HIndi man ako naaalibadbaran sa talino niya, nakaka-urat lang talaga dahil wala namang espesyal pero parang lahat aligagang bilhin ang atensyon niyang binudburan ng kinayod na niyog sa ibabaw.

Pero sa bandang ending, wala eh, nahulog din ako. Una mukha, salubsob at hindi na makabangon. Huli na ng malaman kong patapos na ang oras samantalang nagpapagpag pa rin ako at pilit na sinisilip ang mga galos. HIndi ko na siya nakita ulit. Kung namumuhay ba siyang mapayapa at buong kasiyahan o nagsisilbing pataba sa lupa at source of nourishment ng mga bulate ay hindi ko alam. Sino bang may alam? Wala na akong natanggap na balita.

Hindi naman big deal. Hindi naman ako namatay o nalublob sa matinding depression. Kaso gaya ng kati sa likod na kapag puro pahapyaw lang ang kamot, maya-maya, paminsan-minsan, bumabalik ang alaala niya. Makulit. Walang balak manahimik. Nagkaroon na din ako ng girlfriend. Iniwan na din ako ng girlfriend. Nagkaroon ulit. Tapos nawala din pagkatapos niyang malaman na kami na pala.

Sabi kasi nila, pagdating ng panahon kung saan nasa bandang takip-silim ka na ng buhay, mas pagsisisihan mo daw ang mga bagay na hindi mo nagawa kaysa sa mga bagay na ginawa mo. Wala man akong malinaw na paliwanag o matibay na eksplenasyon kung bakit, pero sa tingin ko, hanggang huli, iisip isipin ko pa rin kung ano kayang nangyari kung sakaling niyaya ko siyang lumabas para manood ng sine o kung sinabayan ko siyang pumunta ng library. Ako rin. Hindi ko maintindihan.

Hindi kaya dahil sa gitna ng punyemas na kahulugan ng salitang destiny o fate eh may nagtatagong hibla ng katotohanan at posibilidad. Na baka kaya kahit anong hinay lang ng naging koneksyon namin ay hindi ko siya maipagpag. Hindi kaya nabuhay na kami noon. At patuloy na nagku-krus ang aming landas sa bawat pahina ng reincarnation evaporated milk theory. HIndi kaya mag-sing irog kami sa panahon ng mga kastila kung saan isa akong katipunero samantalang treasurer naman siya o taga lista ng not in proper seat sa tuwing may lihim na pagpupulong ang Katipunan? O di kaya ay isa siya sa mga teller ng bangko na aking hinoldap noong panahon ng great depression? Pwede ring ako ang pinakaunang tao na gumamit ng bato bilang kasangkapan sa pangangaso samantalang siya naman ang unang gumamit ng balat ng hayop bilang underwear.

Baka kahit anong lipat, bago at lipas ng tagpo, anyo at panahon, pilit kaming pinagkikiskis ng pagkakataon. Parang nang-aasar lang. Nanunuya. Naghahanap ng mabu-bwiset. Tipong saktong dikit lang, makadama lang ng konting init ng kislap, iiiwas na din kami at saka na ulit. Sa susunod na yugto ng walang katapusang kwento.

Nagising ako kanina. Tumayo para kunin ang isusuot. Laking gulat ko ng makita ang mga lumang poster na nakadikit pa rin sa walang pinturang dingding ng aking kwarto. Ilang taon na mula nang pinilas ko ang mga iyon. Napaglipasan na kasi ng panahon ang mga basketbolistang tampok. Kailangan na ding ayusin at pinturahan ang parte na pinagdidikitan nila para hindi mabulok sa tuwing malakas ang ulan. Nakakapagtaka. Paano sila nakabalik?

Mas lalong naging praning ang eksena nang makita ang uniform ko na nakahanger sa hawakan ng aking lumang cabinet. May kung anong retro-party bang nangyayari sa bahay namin? Bigla bang naging sentimental ang nanay ko at palihim na binabalik ang mga bagay na matagal nang nabago?

Bumaba ako. Amoy hotdog na pinirito. Bakit daw hindi pa ako bihis sabi ni nanay. Male-late na daw ako sa klase.

ANONG LATE? ANONG KLASE? SAAN? NAKA-ECSTASY BA LAHAT NGAYON? WORLD ECSTASY DAY?

Pumasok ako ng banyo. Naghilamos. Baka kasi kapag sinampal ko ang sarili ko ng tubig, magigising din ako habang nasa kama kung saan napapaligiran ako ng madaming bote ng beer at ilang bukas na supot ng lecheng chicharon na vegetarian daw pero mas maalat pa sa karagatang pasipiko.

BAKA LASING LANG AKO.

Kaso wala. Walang warp o flash ang dumating para umayos ang mundo. Naririnig ko lang ang paulit ulit na pagmamadali sa akin ni nanay habang buong sindak ko namang tinititigan ang de bateryang toothbrush na niregalo sa akin noon ng ninang ko mula sa ibang bansa. Bakit buhay pa ‘to? Tandang tanda ko pa noong magretiro ito at gamitin ko na lamang bilang panglinis ng sapatos. Ano bang nangyayari?

Saklaw pa rin ng takot, kaba at pagkalito. Pero pinilit kong umayos. Ayokong magcommute papuntang mental hospital. Nagbihis na din ako at pumasok. Lahat ng lugar, bahay at kalsadang madaan ko ay tila umatras ng ilang taon. Malala na ‘to.

Pumikit ako saglit, ilang hakbang bago pumasok sa classroom. Baka kasi sa pagkakataong ito, umayos na. Pero isang tuktok ang dumating sa katauhan ng chalk box ni Ma’am Chemistry. Ano daw ang tinatayo tayo ko dun gayong madumi pa ang blackboard. Naalala ko, madalas nga pala akong mautusan na maglinis ng pisara at singhutin ng buong giliw ang mga puting alikabok sabay pagpag na din sa mga napunta sa pantalon ko.

Umupo ako sabay lumingon sa kabilang row. Andun siya. Nakatingin sa harap. Walang kibo. Gaya ng dati. Gusto ko siyang sigawan o sutsutan. Kahit ano. Matawag lang ang kanyang atensyon. Pero paano kung panaginip lang ito? At paano kung hindi? Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal nakatingin. Sampu, labinglima o tatlumpong minuto. Sinong may alam? Wala naman sigurong nakapansin ng nakapanlulumo kong kahibangan dala ng mga pangyayari. Gusto ko lang siyang tignan. Baka kasi sa susunod na pagpikit ng mata ko, wala na siya. Sulit. Todo. Parang wala nang bukas. Sabagay. Paano ba magkakaroon ng bukas sa kahapon? Anong susunod kung umaapak ka patungo sa likod ng pila? Anong aabangan mo sa hinaharap kung nakalatag na ang nakaraan at doon ka mismo nakahiga? At totoo bang hindi umaalis sa pwesto ang jeep na may biyaheng balic-balic? O napatagal lang ang babad ko sa youtube kakapanood ng Wow Mali highlights?

Biglang humirit si ma’am. Tinawag ang pangalan ko. Ano daw ang atomic weight ng zirconium. Muntik na akong masuka sa kaba. Kung bumalik man nga ako sa nakaraan, punyemas, bakit lumanding sa chemistry class. Hindi naman sa bobits ako. Kaso pagdating sa subject na ito, kahit pa siguro ma-trap ako sa isang infinite loop ng school year kung saan puro chemistry ang itinuturo ay hindi ako gagaling. Bakit hindi na lang sa values education kung saan puso ang ginagamit upang masagot ang mga nakapanlilinlang na mga tanong gaya ng :

Kung sakaling niregaluhan ka ng isang kaibigan sa iyong kaarawan, ano ang iyong dapat sabihin? a. Sa wakas, after 60 years, nagregalo ka din. May naimbento na pa lang gamot sa kakuriputan.
b. Bakit ang liit? Ano ‘to? Cotton buds?
c. Maraming salamat. Ipinapangako ko na habang buhay tayong magiging magkaibigan.
d. Ibig ba sabihin nito, kailangan din kitang regaluhan?

Tumayo ako. Tumingin ang mga kaklase ko. May iba pang natatawa dahil ni hibla ng karunungan ay hindi matatagpuan sa hilatsa ng pagmumukha ko. Atomic weight? Atomic weight? Trick question ba yun kung saan ang sagot ay ‘Hahaha, walang ganun ma’am, kala mo maloloko niyo ako ah’. Mukhang hindi eh. Dahil kung meron mang hindi nag e-exist sa mundong ito, iyon ay ang sense of humor ng chemistry teacher ko.

Atomic weight? So timbang? Pumikit na lang ako sabay lunok ng ‘bahala na’. Sabi ko, 1.23 grams. Halos sumabog ang classroom sa pagtawa. Napangiti din si ma’am pero agad din nasundan ng ngiwi ng disappointment. Sabi niya umupo na lang ako. Atomic weight daw ang tinatanong niya at hindi bigat ng utak ko. Nakuha ko pa daw magpasobra sa hula ko. Natawa na din ako. Pero bumawi naman siya at sinabing dahil sa pa-tsamba kong sagot na 1.23 grams, malamang may future ako sa pagtitinda ng ipinagbabawal na gamot via sachet.

Pagkalipas ng euphoria na dala ng aking ka-engotan, lumingon ako sa kanya. Ewan ko kung tumawa din ba siya. Tahimik lang na nagbabasa ng periodic table of elements at panaka nakang lumilingon sa harap. Ulit. Kalmado. Sana ganun lang din ako. Sana parang wala lang.

Dumating ang recess. Mag-isa akong bumaba sa hagdan. Ilang hakbang lang ang lamang niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, marahil pakiramdam ko, pangalawang pagkakataon na ito para gumawa ng hakbang kaya nilapitan ko siya. Dumating din kasi sa puntong naging malapit kami noon bago tuluyang nagpaalam, kaya akala ko, kahit papaano, may kung anong pisi na nagdudugtong sa amin. Kaso sa puntong ito, hindi pa pala iyon parte ng katotohanan. Kaso huli na ang lahat.

Lumapit ako, sa bandang likuran niya. Sabay tanong ng ‘anong kakainin mo?’. Lumingon siya sa akin. Sabay balik ng tingin na parang nalilito. Tapos lumingon ulit siya na parang naghahanap ng posibleng kausap ko. Nang walang makita, tumuro siya sa kanyang dibdib sabay tanong ng ‘ako ba kausap mo?’.

Muntik na akong matunaw sa hiya at unti-unting gumapang pababa sa hagdan. Kahit pa may posibilidad na panaginip lang lahat ng ito, nakakapanghina pa rin ang sinabi niya. Pinilit kong ngumiti. Ngiti na madalas lamang ilabas sa tuwing may handaan tapos hindi mo gusto yung pagkain kaso nakatingin yung nagluto. Masyado atang matagal ang sagot ko kaya tumalikod agad siya at naglakad palayo. Pero dahil niyayanig pa rin ako ng kaba, parang timang akong sumunod sa kanya at pilit inihabol ang sagot na ‘ikaw nga’.

Hindi siya lumingon. Pumila siya sa canteen. Sumunod naman ako. Nang nalaman niyang ako pa rin ang nasa likuran niya, agad niya akong binigyan ng isang ‘kilala-kita-pero-hindi-tayo-close-kaya-please-lang-lumayo-ka-sa-akin-ng-ilang-metro’ look.

Lumabas na lang ako. Umupo sa bakanteng silya at nag-isip. Hindi ko naman siya masisisi. Ito yung mga panahon na hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Technically, bukod sa pagiging magkaklase, wala kaming koneksyon. As in wala.

Hindi ko naman pwedeng abangan siya sa isang bakanteng corridor, hawakan sa mga braso at sabihing galing ako sa hinaharap at milagrong nagbalik sa nakaraan at maaaring mabago ko ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagtatapat ng kung ano mang mala-dragon katol na tama ko pagdating sa kanya? Hindi maaari. Dahil kapag nagkataon, tatlong lugar lang ang pwede kong bagsakan. Guidance office. Kulungan. At mental institution. Hindi ko inaasahang bibilog ang kanyang mga mata sa gulat sabay sabing ‘hindi nga?’. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung nasaan nga ako.

Dumating ang uwian. Ako ang muling nautusan na magbura ng blackboard. Palabas na ako ng inihabol sa akin ng isa sa mga cleaners ang isang notebook. Sabi ko hindi sa akin yun. Pakitanong ko na lang daw sa mga maabutan ko pang mga classmate namin. Habang naglalakad, binuksan ko. Walang pangalan. Walang address. At walang strand ng buhok para maipa-DNA test upang malaman kung sino ang may-ari. Wala din naman masyadong nakasulat sa loob. Bukod sa mga lettering at drawing gamit ang iba’t ibang kulay ng stabilo boss. Highlighter ata yung tawag dun.

May kung anong excitement ang pumuno sa loob ko. Nagmadali akong bumaba. Halos patakbo hanggang makarating ng school ground. Pilit hinanap ang isang pamilyar na mukha sa gitna ng mga naguumpukang estudyante.

Sa isa pang medyo awkward na pagkakataon, nilapitan ko siya. Sabay abot ng notebook. Muli, tinignan niya ako ng alanganing nagdududa at alaganing gustong tumawag ng pulis. Paano ko daw nalaman na sa kanya yun. Sabi ko naman, siya lang ang kilala kong adik na adik sa stabilo boss. Binatuhan niya ako ng isa pang tanong. Paano ko naman daw nalaman na mahilig siyang gumamit ng highlighter. Hindi ako nakasagot. Dahil muli, imposibleng paniwalaan niya ang posibleng isagot ko.

Ngumiti lang ako. Ngumiti na lang din siya. Kinuha ang notebook, nagpasalamat at saka umalis. Kung maaari lang, marami pa akong gustong sabihin. Hindi lang ang tungkol sa stabilo boss.

Alam ko din na mahilig kang magbasa. Na kapag isinusulat mo ang salitang ‘buko’ ay letter c ang ginagamit mo imbes na letter k. Hindi mo masabi ang salitang ‘arnibal’ nang hindi ginagamitan ng isang tila maarteng french accent. Magaling ka sa english. Sablay naman ako sa chemistry. At higit sa lahat, darating ang panahon na magiging malapit tayo. May ibig sabihin man yun o wala. Pero matatapos din. Mawawala. At hindi muling magkakaroon. Kung may isa man sa ating kusang lumayo o umiwas ay hindi ko alam.

Gusto ko lang sanang mabago. O mas tama bang sabihing, gusto kong sumubok ulit.
Tumunog yung alarm clock. Bumangon agad ako. Sabi ko na nga ba. Bumalik na kasi ang lahat sa dati. Ang ayos ng kwarto. Ang pwesto ng sapatos sa ilalim ng kama. Ang maliit na lamesa at ang mga librong di ko pa natatapos basahin sa ibabaw nito. Nakakapanghinayang. Di ko rin alam kung bakit. Malaking parte naman ng utak ko ang nagsasabing panaginip lang ang lahat. Umupo ulit ako sa gilid ng kama. Nakatulala sa wala. Sabay buntong hininga moment. Wrong move. Di pa nga pala akong nagsisipilyo. Nang maka-recover na ako sa hilo, tuluyan na akong naligo, syempre nag-toothbrush, nagbihis at umalis ng bahay.

Habang naglalakad papunta sa sakayan, hindi pa rin ako mapakali. Pilit kong inaalala yung mga detalye. Kaso parang habang hinihila ko sila pabalik, lalo namang lumalayo. Ito siguro yung proverbial na buhangin sa iyong palad. O bigas sa iyong chopstick. Hindi ko alam. Basta ang ibig kong sabihin, kahit anong pilit ko, kusang nawawala.

Ilang jeep na ang dumaan, hindi man lang ako nag-abalang lumingon o tignan ang sign sa harap nito. Ewan. Siguro baka sa loob-loob ko, gusto kong bilangin ang mga nakalampas na sasakyan, bilang improvised na tupa, hanggang sa makatulog. Baka sakaling masundan ang panaginip kanina. Baka masingitan ng mga romantikong tagpo na mababasa mo lang sa mga pocketbooks o barubal na tabloid. Baka sa isang eksena, biglang uulan at pareho kaming mai-stranded sa waiting shed tapos magkukwentuhan kami ng tungkol sa kung anu-anong bagay hanggang sa tumila ang mga patak ng ulap. O baka sa gitna ng isang klase, magiging magka-partner kami sa isang experiment, report o project. Kahit ano. Kahit pa ako ang maging guinea pig o crash test dummy. Baka sa sobrang tamis at matinding pagnanais, maging permanente na ang pansamantalang atras ng oras. At baka sa pagkakataong yun, maka-tsamba ako.

Pagtingin ko sa relo, medyo alanganin na pala. Agad kong itinaas ang kanina pa nakayukong ulo mula sa pagkakatitig sa semento, pinara ang pinakaunang jeep na dumaan, naupo, nagbayad at tumingin sa labas ng bintana. Ayoko nang magisip. Baka hindi kayanin ng marupok kong utak at tuluyan itong bumigay. Inaliw ko na lang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagaayos ng aking sling bag. Sabit sa kaliwanag balikat. Lipat sa kanang balikat. Pulupot sa leeg. Lahat ng posibleng paraan ng pagsabit nito sa aking katawan ay ginawa ko na. Madistract lang. Kaso mukhang nagdistract din yung ale sa tapat ko. Kapansin-pansin ang pag-aalala/nerbiyos sa kanyang mukha habang binibigyan ako ng mabibilis na lingon. Lalo na ang biglaan niyang paglipat ng kinauupuan mga ilang metro ang layo sa akin. Dahil dun, mas pinili ko nang manahimik. Baka pababain pa kasi ako. O mas malala, buhatin ng mga kapwa ko pasahero at itapon palabas ng jeep habang matulin ang andar nito sa pagaakalang may sapak ako sa utak o may masamang balak.

Hindi ko ma-gets kung bakit medyo matindi pa rin ang impact niya sa akin hanggang ngayon. Matagal na rin naman yun di ba? At isa pa, nabuhay nga ako ng ganito katagal nang wala siya, ngayon pa ba naman ako mag-iinarte at sasabihing siya ang mundo ko, na sa kanya umiikot ang mundo ko o na ang mundo ko at ang axis na iniikutan nito ay parehong siya. Malaking ka-draguhan naman yun. At baka ma-misinterpret niya pa na ang ibig kong sabihin ay mukha siyang globo. Mahirap na. Wala na rin naman kaming komunikasyon. Kaya malabo na ang posibilidad na tawagan ko siya bigla, sa isang maulan na madaling araw, habang nasa impluwensiya ng alkohol at hindi mapigilan ang pagsilip sa nakaraan. Isa pa, sa dinami-dami ng taong nakakasalubong ko sa MRT, mall, palengke o pampublikong kubeta, ay bakit kahit minsan, kahit sandali lang, hindi siya isa sa mga yun. Mali pala yung huling halibawa dahil hiwalay ang CR ng babae at lalaki. Hindi ko alam kung kailangan ko ba itong isangguni sa law of probability o sumuko na lang at sabihing baka hindi lang talaga nakatadhana na muling magtagpo ang landas namin. Mas madali yung pangalawa. Hindi kailangan ng math.

Baka sadyang may mga bagay lang na mahirap kalimutan. Mga bagay na nagkaroon ng pambihirang kalabit sa puso o isip natin. Hindi madaling iwan habang umuusad sa kasalukuyan. Halos imposibleng ipagpag. Daig pa ang balakubak. Malaglag man sa ulo mo, kakapit naman sa balikat o dibdib. Sana nga lang ang mga alaalang ganito ay may katapat na dandruff shampoo o lighter fluid. Na kapag ayaw mo na, pwedeng isabon para mawala o kung gusto mo ng may thrill, ay sindihan hanggang maabo. Kaso wala eh. Ganun talaga yata. Gaya ng amoy ng paborito mong ulam na madalas lutuin ng ermats mo, tunog ng laruang eroplano na natanggap mo bilang pinakaunang regalo o kahihiyan na mula sa tawanang iyong natamo nang minsan kang nalasing at sumuka, may mga memoryang matindi pa sa madikit na pulang asukal ng bananacue. At bawal ito sa mga tulad kong kasing tibay lang ng mumurahing pustiso ang puso.

Napatid lang ang hakbang ng pagiisip ko nang biglang huminto ang jeep dala ng isang malambing na tinig ng pag-para. Nakayuko at marahang lumakad ang babae papunta sa estribo para bumaba. Hindi ko na masyadong binigyan ng pansin. Normal lang naman yun. Buti sana kung sa bintana siya dumaan o di kaya ay gumulong pababa. Kaso bago pa ata tuluyang maka-apak ang dalaga sa semento ay nagmamadaling pinaandar ng dragong driver ang sasakyan. Napakapit siya at tuluyang nabitiwan ang mga dalang gamit. Agad sinita ng ibang pasahero ang nangyari at huminto naman ang jeep. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Tumulong ba at damputin ang mga nahulog niyang dala o hintayin ang matinding ratsada ng bibig niya na puno ng mura, panlalait at ilang english sentences hanggang sa matunaw ang driver at sipsipin ng lupa? Nakaka-excite kasi. Parang eksena lang sa telenovela.

Nabigo ako. At medyo nadisappoint. Kasi umiling lang yung babae at tuluyang bumaba saka nagsimulang damputin ang nabitiwan niyang gamit. Napaka kalmado niya. Pambihira. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung dala ng selective at panakanakang konsensya o sadyang sabog lang, pero bumaba na din ako at tinulungan siya. Pangako. Walang halong malisya o balak na humirit ng ‘naniniwala ka ba sa love at first sight?’pagkatapos.
Hindi ko na siya tinignan. Basta sinabi ko lang, ‘miss, tulungan na kita’. Ang term na ‘miss’ kasi ang pinaka-safe sa lahat kung hindi mo kilala ang kausap. Baka ma-offend kasi kapag ‘ate’, ‘manang’ o ‘ale’ ang gamitin ko. Kung sakaling married naman siya at may mga anak, tunog compliment ang dating.

Hindi siya sumagot. Hindi ko na rin inantay. Basta dumampot na lang ako ng ilang notebook at mga papel. Hindi ko alam kung papasok ba siya sa eskwela o ipapakilo ang mga yun sa junkshop. Ang dami eh. Sa kabila ng pagmamadali ko, parang may kung anong nakasulat sa isang folder gamit ang itim na marker ang tumawag sa atensyon ko. Pilit kong binalikan. Bahala na kung magalit siya at isiping pakialamero ako. Malinaw pa sa sikat ng araw. Pangalan niya. Pangalan ng babaeng kausap ko kanina lang para ibalik ang pesteng notebook niya, ilang taon na dapat ang nakakalipas. Umiling ako. Nagkataon lang siguro. Tutal, ang dami namang tao sa Pilipinas ang may ganoong pangalan. Tumayo ako, pinagpagan ang ilang naalikabukang folder at humarap sa kanya. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin at nakangiti.

‘Hi’ daw, kasunod ng pagbanggit ng pangalan ko. ‘Ha?’ lang ang naisagot ko. Inayos niya ang kanyang mahaba at derechong buhok. Muntik na akong mapamura at mapaatras sa kalapit na kanal. Siya nga. Siya nga yun. Imposibleng hindi. Kinumusta niya ako. Hindi ako nakasagot. Baka kasi ilusyon lang din ito dala ng pagiisip ko kanina. O baka nakatulog ulit ako kakabilang ng jeep sa kalye at natuloy ang panaginip. Napilitan lang akong kumilos nang kunin niya sa akin ang mga gamit niya.

Napatanong na din ako ng ‘musta?’. Pinaikli, para cool. Pero siguro natural na reaksyon lang yun ng bibig ko para masalisihan ko siya ng matatagal na titig habang pinagkukumpara ang itsura niya noon sa dating niya ngayon. Mas mahaba na ang buhok niya. Dating kulot, naging straight. Salamat Ricky Reyes siguro. Mas pumuti siya. Baka nanalo ng lifetime supply ng papaya soap o papel de liha. Pero ganun pa rin ang boses. Ganun pa rin ang ngiti. Ganun pa rin ang epekto niya sa akin.

Hindi ko na narinig yung sinagot niya. O kung ilang sandali na ba ang lumipas. Basta parang nagkukwento siya tungkol sa isang bagay na naalala niya noong magkaklase pa kami. Tumangu-tango lang ako sabay ngiti na tila nang-iinis. Maya-maya pa, sinapak niya ako sa braso. Bakit daw ngayon lang ako nagpakita sa kanya. Kung alam niya lang. Na nagkita kami kanina lang.

Pasakay daw siya ng isang tricycle. Nag-volunteer na akong dalhin ang mga gamit niya at ihatid siya sa sakayan. Kahit pa siguro kailangang bumili ng ticket para masamahan siya saglit ay pipila at bibili ako. Mga tatlong rolyo ang dami. O kaya yung tipong ride-all-you-can. Konting kwento sa kasalukuyang trabaho, ilang update sa iba pa naming kaklase at marami-maraming bato ng kantyaw ng pagtaba, pagputi at pagiging mayaman na, ang sumunod. Tinanong ko din siya kung bakit ngayon ko lang siya nakasabay samantalang iyon naman ang ruta ko araw-araw. Kakalipat niya lang daw ng bahay, ilang sakay mula sa tinitirahan ko. Pinigilan kong sumuntok sa hangin na simbolo ng tagumpay with matching‘yes!’.

Nagpalitan kami ng cellphone number. Hindi pa sana sapat yun kaso nahiya na akong kunin ang address, SSS number at blood type niya para matuntun ko siya kung sakaling gumuho lahat ng cellsite mamayang hapon. Mahirap na. Sa panahon ngayon, wala nang imposible. Bago siya tuluyang pumasok sa bakanteng tricycle, may ikukwento daw siyang medyo weird. Akala ko sasabihin niyang napanaginipan niya ako kagabi na sasagutin ko naman ng buong katotohanan na ‘oo, ako rin’. Kaso hindi pala. Sabi niya, kaninang umaga, habang inihahanda ang mga papeles niya para sa isang report sa trabaho, nakita niya ang isang lumang notebook na akala niya matagal na niyang naiwala. Weird daw dahil pagkatapos nun, nagkita naman kami. Nagkibit balikat lang ako dahil posibleng mangyari naman talaga yun kahit kanino. Sabi ko, baka na-misplaced niya lang at aksidenteng natagpuan. Sabi naman niya, naiwan na daw niya yun sa school noon pang magkaklase kami. Biglang lumabas sa bibig ko ang tanong na ‘yung maraming sulat ng stabilo boss?’. Biglang kumunot ang noo niya, nag-isip at tila ilang linggo nang constipated. ‘Paano mo nalaman?’, pabalik niyang tanong sa akin.

Alam kong mahabang paliwanagan ang susunod kapag sinabi ko ang totoo. At baka matakot lang siya kung ikukwento ko at isiping naging paksa siya ng isang wet dream ko. Kaya nagdahilan na lang ako na nakita ko na ang notebook na yun dati pa. Tumango siya na tila tinanggap ang punyemas na paliwanag ko saka nagpaalam. Sabi ko, text text na lang. Ngumiti siya. Ewan ko kung ‘oo ba, gusto ko yun’ ba ang ibig sabihin nun o ‘mukha mo, ungas, hindi ako magrereply’.

Malas. Kulang ang sandaling usapan para mag sink-in sa akin ang sunod-sunod na hindi maipaliwanag na pangyayari.

Malas. Late na ako.

Natapos ang araw. Hindi ko na napansin. Naubos kasi ang oras kaka-maneuver ng iwas moves para hindi makasalubong si boss sa hallway. Muntik ko na ngang gawin ang trabaho ko sa loob ng CR. Late kasi ako. Nakasabay ko kasi siya. Bittersweet. Nalagay sa alanganin ang aking estado dito sa trabaho at nanganib na maging taong grasa sanhi ng kawalan ng sahod. Pero bawi naman dahil nakita ko siya. Alam ko mukhang hindi magkasing bigat ang dalawang pahayag na yun. Handa ba akong isugal ang aking career para lang magkaroon ako ng tsansang makita siya? Syempre hindi. Espesyal siya sa akin. Pero walang pakialam ang sikmura ko sa kanya. Sa kabilang banda, ano ba naman yung makaltasan ka ng hindi tataas sa singkwenta pesos na sahod kapalit ang imahe na magsisilbing inspirasyon ko mula ngayon, hanggang sa maging employee of the year, na mauuwi sa pagiging presidente ko ng kumpanya. Nalipasan yata ako ng gutom.

Pag-uwi, panay ang silip ko sa tuwing hihinto ang sinasakyang jeep. Malay mo naman, muli akong himasin ng swerte sa pisngi at kurot-kurutin. Kaso wala. Hindi siya ang mga sumunod kong naging kapwa pasahero. Mukhang hindi nga tumatama ang kidlat sa iisang lugar nang dalawang beses. Kung magkaganun man, sobrang bihira. Maya-maya pa, may sumakay na babae. Ang taas ng takong. Pakiramdam ko may nakatagong de lata sa loob nito. Ayaw niya sigurong mamigay. Madamot. Pag-upo niya, humirit siya ng ‘ang sikip naman’, sabay simangot sa buong ka-jeep-an. Napatingin ako sa labas ng bintana sabay tanong sa hangin. Kapag kaya siya ang tinamaan ng kidlat, sakto na ba ang isang hagupit para umayos ang kilos niya o kailangan ko pang maghintay ng pangalawang matinding bagsak ng kuryente?

Hindi ko na siya pinansin. Buong biyahe ay nakatitig lang ako sa aking cellphone habang nanalangin na sana lumabas ang pangalan niya sa screen. Mapa-text, tawag, missed call o wrong sent. Kahit ano dun. Okay. Huwag naman yung wrong sent na naglalaman ng mga mensahe ng pag-ibig niya para sa iba. Masaklap naman yun.

Alam ko na masyado akong arogante para maghintay ng kung anong kislap ng komunikasyon mula sa kanya samantalang wala din naman akong ipinadala. Pakiramdam ko, mas maarte pa ako dun sa babaeng naka-takong dahil sa loob-loob ko, gusto kong siya ang mauna. Hindi ba parang may rule kung saan kapag binigyan ka ng phone number ay may X number of hours o days bago mo siya talaga tawagan para hindi magmukhang desperado at uhaw para sa ilang patak ng kanyang atensyon? Alam ko, tunog pang-pelikula at hindi naman ako nagtataglay ng pang-bidang charisma. Siguro hindi applicable sa akin yun at dapat ko na siyang padalhan ng mensahe. Isa pa, ayoko man, pero talagang cactus ako para sa kanya. Puno ng tinik ng mga alaala ng kahapon. Natutong mag-exist nang tuyo ang lalamunan. Pero sa bandang huli, hindi aayaw sa konting ulan sa katauhan niya.

Pero hindi mo din naman maaalis ang pangamba. Lahat naman siguro takot sa rejection. Tipong mas okay pang malaman mo na agad na wala kang pag-asa bago ka pa magsimula. Hindi totoong walang mawawala kung susubukan mo. Marami.

Pero bago pa man tuluyang magtalo ang imaginary optimistic at negatibong version ng sarili ko sa loob ng aking utak, kumilos bigla ang mga daliri. Tuloy-tuloy ang pindot ng keypad. Hindi ko na namalayan, nag-send na pala. Kinabahan ako bigla. Nanlamig. ‘Hi’ ang nakasulat sa pinakarecent na listahan ng sent messages. Peste. Wala nang atrasan.

Gusto kong magbungkal ng lupa, ihagis ang cellphone sa butas na iyon at buhusan ng semento. Para kung sakaling malamya man ang kanyang reply, hindi ko na mababasa. Hindi ako malulungkot. Hindi ako mahihiya sa sarili ko at sa kanya. Kaso sayang naman yung cellphone ko kung ililibing ko siya. At isa pa, hindi ako marunong gumamit ng pala.

Itinago ko na lang sa bag at pinagiisipan kung dapat ko bang silipin pag-uwi o huwag na lang pansinin hanggang sa ma-lowbat. Peste. Text lang ‘to. Pero aligagang-aligaga ako. Paano pa kaya sa tunay na buhay. May posibilidad kayang magkombulsyon ako sa harap niya kung sakaling higit pa sa magka-ibigang matagal na hindi nagkita ang mga hirit na ilalatag ko sa lamesa? Huwag sana niyang itaob. Ilang taon pa namang walang basehan na pangungulila sa kanya ang ipinusta ko.

Nag-vibrate ang bulsa ng bag ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Nginig ng kaligayahan. Nakapikit kong dinukot ang cellphone. Parang tanga lang. Sana nung mga sandaling yun, walang ungas na nakatingin sa akin at pinagtripan akong kunan ng video. Hindi ko binuksan agad. Nag-usal muna ako ng ilang maiikling panalangin. Na sana hindi ito isa sa mga tropa kong mangungutang lang. Na sana hindi ito lecheng advertisement ng aking telecom provider tungkol sa kung anong unlitext promo o libreng ringback tone. Na sana hindi lang ito reminder mula sa kalendaryo. Na sana siya yun.

Inilapit ko sa aking mukha ang screen. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Kung baga sa baraha, pinintahan muna. Napadaan sa lubak ang jeep. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone. Nag-ala action star ako sa pagkukumahog na saluhin ito habang tila laos na komedyante naman ang itsura ng mukha ko sa kaba. Nakapitan ko naman at di sinasadyang napindot. Bumukas. Pangalan niya. Tinuloy ko na. ‘Hello. Musta? It was nice seeing you! :)’. Halos ihagis ko ang cellphone palabas ng bintana sa tuwa. Buti na lang hinila ako pabalik ng konting common sense at sinabing kailangan ko pang mag-reply.

Kaso parang dahil sa pagdating ng message na yun, mas dumami ang tanong kaysa sagot. Ano bang ibig sabihin ng text niya? Parang linya yun ng mga taong nakasalubong mo sa daan, tapos gustong gusto mo maka-kwentuhan, kaso nagmamadali kaya medyo pahapyaw agad ang paalam. Dapat ko bang ibalik kahit man lang ang imortal na smiley face? At kung sakaling magre-reply ako, dapat bang i-delat ko kahit na ilang minuto man lang para hindi niya mahalatang buong araw akong nakatunganga sa cellphone ko at inaantay ang text niya? At saka dapat witty. Dapat interesante. Dapat mapapa-tawa ko siya sa susunod na padala ko ng mensahe. Para naman ganahan siyang makipagpalitan ng text.

Nag-isip ako saglit na kunwari may kakayahan talaga akong gawin yun, sabay type ng ‘alam mo ba na sa araw na ito na-assasinate si JFK, tapos saktong nagkita tayo’. Nagreply siya ng ‘so balak mo akong barilin bilang celebratory reenactment?’. Natawa na lang ako sabay sabing ‘pasensya na, wala kasi akong masabing interesante, baka hindi ka na magreply’.

Ayun. Hindi na nga nag-reply. Sarap. Lasang thumbtacks. Swabe ang hagod sa lalamunan. Derecho sa puso.

Pagpasok ko ng bahay, tinanggal ko ang mala-kulambong takip para makita ang ulam. Adobong manok. Pero ang gustong sabihin ng puso ko ay adobong damdamin. Maitim. Walang pag-asang magliwanag. Maalat. At sa gabing ito, hindi na pwedeng tumamis pa.

Tuloy-tuloy sa kwarto. Lapag ng bag. Palit ng damit sabay walang pakialam na nagpatihulog sa kama. na tila lumang commercial ng nestea. Wala akong ganang kumain. Busog na ako sa paglunok ng nilamukot na pag-asa. Gusto ko na lang matulog. At umasang bukas, nilunod na ng mga unan ang panghihinayang.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaidlip. Nagising na lang ako bigla dahil sa maingay na panginginig ng cellphone ko sa loob ng bag laban sa kahoy na lamesang pinapatungan nito. Ang bilis naman ng oras. Nag-alarm na agad. Ganito ba kadali ang pagsikat ng araw para sa mga taong nagkaroon ng masalimuot na gabi. OA ko naman.

Kinuha ko para itigil ang panggigising niya at sabihing ‘oo, babangon na, at hihigang muli ng mga limang minuto’. Kaso sabi sa orasan, 9:02 pa lang. At hindi alarm kundi isang tawag ang nagdudulot ng panandaliang kilig sa cellphone ko. Siya. Tumatawag. Sa akin.

Hindi ko na namalayan ang pagkakasunod-sunod ng mga dialogue. Basta sabi niya sorry daw, na lowbat siya sa daan. Pakiramdam ko, ng mga sandaling iyon, magkasing sukat ang ulo ko at ang ulo ni Jollibee. Hindi naman pala ako ang problema. Hindi naman sa ayaw niya. Kundi ang pagiging mahina ng kanyang baterya ang may sala. Ang sarap damhin. Ang sarap ulit-ulitin. Lalo na kung ang ulam ay ang posibilidad na ako ang una niyang tinawagan pagkatapos na mabuhay muli ang kanyang telepono. Calamansi na lang at konting sili, pwede nang ilaban sa paramihan ng makakaing extra rice. Sarap.

Alam ko mababaw. Pero hindi naman ako nagmamadaling tumalon sa bandang doon kung saan pwede akong malunod. Wala namang sinusukat na lalim ang kilig. Kailangan niya lang ng konting rason at simpleng tulak ng pagtingin.

Handa naman akong maglakad ng ilang milya papunta sa kanya. Kahit pa kailanganin kong dumaan sa eskinitang puno ng mga patibong at wala pang nakakalabas ng buhay. Pero iba pa rin pala talaga kapag siya na mismo ang umusog papalapit sa’yo. Kahit kaunti lang. Kahit pansamantala. Kahit wala pang sigurado. Pampalakas loob lang. Kaya ‘to.

Bago magpaalam, tinanong niya ako kung gusto kong makipagkwentuhan ng mas matagal. Tungkol sa dati. Tungkol sa luma. Tungkol sa kahapon. Kasabay ng konting update sa mga bago. Hindi pa niya natatapos ang tanong, napa-oo na ako. Nakakahiya. Dinig ko ang talon ng mga sinasabi niya dahil sa biglaang sapaw ko. Sarap umuntog sa pader. Pero natawa naman siya. Text-text na lang daw kung kailan pwede.

Tumunog na ang closing beep. Pero ayaw ko pa ring ilayo ang cellphone mula sa pagkakadikit sa tenga ko. Parang may natitira pa kasing echo ng boses niya. Sayang. Kailangan simutin. At baka sakaling sa mga munting talbog ng tinig na yun, may isang bumulong na 'nakagusto ako sayo dati'. Kaso mukhang kahit permanente kong itahi ang aking tenga sa earpiece ay hindi mangyayari yun.

Balik sa positibo. Niyaya niya ako. Ayos.

Sakto lang ang dating ko. Yata. Hindi maaga. Hindi late. Ilang beses ko ding inimagine ang mga susunod na tagpo habang buong ingat na wag masyadong sumandal sa sinasakyang jeep para hindi magusot ang medyo kagalang-galang na polo. Wala akong hilig sa kwelyo. Pakiramdam ko hindi siya bagay sa Pilipinas. Mainit eh. Dapat magkaroon tayo ng bagong pamantayan ng pagiging kagalang-galang pagdating sa pananamit nang hindi isinasakripisyo ang matinding pagpapawis at panganib ng heat stroke. Tipong sando bilang business casual. Pero may hiwalay na sleeve na tatakip lamang sa region ng ating mahiwagang kili-kili, para sa kapakanan ng madla. Ewan. Kabado lang siguro ako kaya ganito mag-isip.

Sinubukan ko ding planuhin ang magiging takbo ng pag-uusap namin. Konting kwento tungkol sa mga makalumang moment naming dalawa. Kasabay ang matinding iwas sa mga nakakahiyang pangyayari noon. Gaya nung tinulungan ko siyang mag-ayos ng mga test papers at i-arrange ang mga iyon ayon sa score. Pero hinto na sa parte kung saan maaaring pumasok ang alaalang nasa bandang ilalim ang papel ko dahil sa napakaraming pulang ekis. Pasok din ang istorya ng field trip kung saan nakaupo ako sa likod ng kinauupuan niya at habang nasa biyahe panay ang palitan namin ng baon. Pero kailangang iwasan din na maisingit ang parte kung saan nagbukas ako ng cheese-flavored chips at napagbintangang nagpakawala ng bio-gas.

Syempre hindi naman pwedeng magbababad sa mga bagay na tapos na. Yun ang pinaka-mission. Ang makilala ang bagong siya. Malaman ang mga bagong balita tungkol sa kanya. At sa parehong proseso, malaman niya din yung sa akin. Kung ano ang mga pinagkakaabalahan. Mga nabasang libro. Mga paboritong pelikula. Bandang napanood ng live o asian boyband na sinasabayan ang hindi ma-decipher na lyrics. At higit sa lahat, kahit pa balewala na ang ibang sahog, ang kanyang estado pagdating sa buhay-pagibig. Kung pwede lang dumerecho dun nang walang pasakalye, malamang, tinumbok ko na. Available ka ba? Gusto kita eh. May pag-asa ba ako? Brutal na approach. Ewan ko kung may gumawa na nun. Pero sigurado ako, kung sakaling mang maisipan ko talagang humirit ng ganun, aking sisiguraduhin na hindi kami kumakain ng sizzling ostrich o humihigop ng mainit na kape ng mga sandaling iyon. Mahirap na. Baka banlian niya ako na parang dahon ng bayabas para ipanglanggas.

Kalmado pa rin naman ako kahit papaano. Binaybay ang daan papunta sa pagkikitaan naming restaurant habang binibilang ang mga parisukat na tiles sa sahig at iniiwasang matapakan ang linya. Pagdating ko, kumaway agad siya mula sa isang lamesa na nakapuwesto sa labas. Hindi ko alam kung bakit ang daming gustong maupo dun. Ang daming dumadaan na tao na tila pinagmamasdan ka habang kumakain. Medyo pigil tuloy ang bilis ng pagsubo at mahinahon ang dami ng pagkain sa bawat biyahe ng kutsara papunta sa iyong bibig. Pakiramdam ko, kapag um-average ako ng mahigit sa tatlong lunok kada minuto ay may lalapit sa akin at sasabihing ‘mawalang galang na po, pero ang takaw mo’. Hindi lang siguro ako sanay. Kasi kung ako ang papipiliin, baka magbaon ako ng tent para hindi mapansin ng ibang customer kung gaano ako kabagsik pagdating sa kainan. Pero matakaw man ako, mahiyain naman. Ewan ko kung may koneksyon.

Dahan-dahan akong lumapit. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at tila inaakay ako papunta doon ng kanyang nakakahumaling na ngiti. Bagong oral prophylaxis siguro. Ngumiti din ako. Pero alalay lang. Dinuguan ang ulam ko kanina at baka hindi ito nagapi ng simpleng pagsisipilyo. Lumapit pa ako ng ilang hakbang. Sapat na yun para mapagmasdan ko ang suot niya. Simple lang. Itim na blouse. Ewan ko kung yun ba ang tawag dun. Lalaki kasi ako. Sando at t-shirt lang ang alam kong term. Nakapantalon. Tapos tsinelas. May kulay pink na bag naman na nakapatong sa lamesa. Sa kanya siguro yun. Mukhang gawa sa balat ng dinosaur. Hindi yata siya advocate ng PETA. Medyo malaki ang sukat. Tipong alanganing naglayas ng bahay, alanganing marami lang talagang dala. Keen power of observation. Pero hindi ko alam kung anong kulay ng undies niya. Hindi ako umabot dun. Hindi ako pervert. Hindi ko din alam kung bakit naisip ko yun. Muli, isa na namang bagay na hindi dapat isingit sa usapan.

Pakiramdam ko, sobrang bagal ng lakad ko. Baka dahil masyado ko lang nilalasap ang naturang eksena. O di kaya parang timang akong naghihintay ng romantikong theme song sa background. Na masusundan ng unti-unting pagbilis ng mga hakbang hanggang sa maging takbo, ganun din siya, magtatagpo kami sa gitna ng mataong daanan at tatalon siya upang saluhin ko. Iikot-ikot kami, hihinto, ngingiti at dahan-dahang magtatagpo ang aming mga sabik na labi dahil sa matagal na pagkakawalay habang mahigpit ang yakap. Tapos, maha-‘haching’ ako. Ayos.

Pagdating ko sa mismong lamesa, nagbigay ako ng isang maligamgam na ‘Hi’. Na sinuklian naman niya ng matamis na ‘Hello’. Na may side dish ng maka-diarrhea na ‘nga pala, boyfriend ko’, sabay turo sa lalaking nakaupo. Hindi ko lang napansin. Hindi pa naguumpisa ang boxing, lupaypay na ako. Binabawi ko na. Wala akong keen power of observation.

Nagkataon daw diyan lang sa malapit nagta-trabaho ang kanyang lason este boyfriend kaya naisipan na din nitong mag-break ng maaga para sumabay kumain. Babalik din daw pagkatapos. Hindi ko na masyado pinakinggan ang mga sumunod na detalye. Tumangu-tango lang ako na may mangilan-ngilang ngiti na tila nakakain ng nakalalasong singkamas pero hindi naman pwedeng magpakita ng kahinaan. Nandoon lang ako. Nginunguya ang sitwasyon. At inaantay na mamanhid ang panga, mawalan ng malay at tumigil ang tibok ng puso.

Mas instant pa sa lucky me ang pagiging broken-hearted ko. Binuhusan lang ng mainit na tubig sa katauhan ng lalaking naka-skinny jeans sa tabi niya. Tapos tinakpan ng madilim na katotohan ng ilang minuto, at voila, luto na ang noodles, papaitan flavor. May konting positibo naman. Libre daw nila. Kahit papano, may bawi. At doon ko napatunayan na hindi lahat ng bigo sa pag-ibig ay walang ganang kumain. Pucha. Bakante na ngang uuwi ang puso ko, pati ba naman sikmura? Hindi maaari yun. Ayun. Napagod nga ata yung isang babaeng crew kakabalik-balik sa mesa namin para maghatid ng kanin. Malas nila. Nakiuso sila sa unlimited rice promo. Nagkataon namang sawi ako.

Pagkatapos kong lunurin ang sarili sa kabusugan, hindi pa rin ako namatay. Malas. Akala ko kasi posible ang scenario na yun. Kaya naman nasaksihan ko pa ng live ang pagpapaalam nila dahil kinailangan nang umalis ng boyfriend niya. With matching kiss. Ang tamis. Para silang leche flan. At ako naman ang walang lasang llanera na naging biglaang spectator ng kanilang pagmamahalan. Kinamayan ako nung lalaki at nagpaalam. Nung mga sandaling yun, parang mas gusto ko pang isuksok ang aking daliri sa isang live na electrical outlet. Baka kasi hindi ganun kasakit. Kumpara dito.

Purnada ang plano. Nagulo ang proseso. Lahat ng mga bagay na gusto ko sanang sabihin ay tila naging mga langgam na nagtakbuhan sa iba’t ibang direksyon pagkatapos ihian ng isang pilyong bata. Napatulala na lang ako sa lamesa at mga walang laman na plato. Tinawag niya ako gamit ang mahinahong tinig. Tumingala ako para tignan siya. Bumungad siya ng ‘naalala mo nung filed trip natin dati?’. Tumango lang ulit ako at ngumiti. Yun din kasi ang balak kong pag-usapan. Ngayon, gusto ko na lang itanong sa kanya kung bakit.

Bakit niya ako hinila sa patibong na ito? Bakit niya ako itinulak sa isang ambush? Bakit hindi niya na lang sinabi agad? Bakit hindi niya naramdaman na gusto ko siya noon? Bakit tila hindi niya pa rin nararamdaman na gusto ko pa rin siya ngayon? Bakit siya lumalabas sa panaginip ko? Bakit sa dinami-dami ng jeep, doon pa siya sumakay sa parehong jeep na sasakyan ko?

At higit sa lahat, bakit hindi niya ako hinintay?

Hindi ko alam kung mabagal lang ba talaga ako o sadyang nagmadali siya. Pero sana inantay niya man lang ako kahit isang araw pa. Nanood muna siya sana ng pampadami lang na channel sa cable gaya ng arirang, nag-aral ng ibang lenggwahe, nag-cross stitch, nag Robin Padilla movie marathon, umukit ng kahoy base sa katauhan ni Machete, nagpalambot ng karne ng kalabaw gamit ang sindi ng katol o nagtanim ng monggo sa basang bulak at inantay itong maging togue. Kahit ano. Palipas inip lang. Darating naman ako. Puro galos man o gusot ang damit. Darating ako.

Sabagay, hindi ko naman pwedeng ibaling ang sisi sa kanya. Wala kaming kasunduan o napag-usapan tungkol sa kung ano man ang namagitan o pwedeng kahinatnan naming dalawa. Ako lang naman yung timang na umasang balang araw magkikita kami ulit at magkakaroon ito ng matamis na tuldok. Kaso wala na. Ilang taon din yun. Kung sakaling nagkaroon man siya ng, sorry for the term, ‘something’ para sa akin, malamang napanis na din ito sa paglipas ng mga araw at nauwi sa basurahan.

Sabi nila, kung gusto, maraming paraan, kapag ayaw, madaming dahilan. Hindi naman laging tama yun. Minsan siguro, sa buhay, may invisible force field na humaharang para makuha ang mga bagay na gusto natin. Kahit anong tindi, diin o tapang ng kagustuhan mo, minsan talaga ayaw, sablay at hindi pwede. Wala ka nang magagawa dun. Maliban sa umasa na sana, pagdating ng araw na pwede na, ay pwede pa. Ngiti. Tango. Tango. Ngiti. Halos lumungad na ako ng mga gestures ng pagsang-ayon na hindi ginagamitan ng salita. Barado ang lalamunan. Dumikit ang dila sa ngala-ngala. Wala akong masabing maganda kaya minabuti ko na lang na maging bida sa isang tila classic na silent film. Kaso sa eksenang ito, wala akong cute na bigote tulad ni Chaplin at hindi nakakatawa ang mga sumunod na pangyayari.

Natabig ang takbo ng dapat ay mga makalumang istorya namin papunta sa matamis kwento ng pagmamahalan nilang dalawa. Kung paano sila nagkakilala. Kung paano siya niligawan. Kung paano siya patuloy na nililigawan nito sa araw-araw. Kung paano sila nakalagpas sa mga pagsubok ala telenovela. Nakaupo ako sa tapat niya habang abot kisame ang ngiti niya sa tuwa habang naglilitanya. Abot kisame. Partida, nasa ground floor kami. Wala naman akong magawa. Medyo awkward naman kung bigla akong magsisisigaw sa gitna ng pampublikong lugar na iyon sabay itaob ang mesa kung saan kami nakapuwesto na tila isang sugarol na lubog sa utang at gumawa na lang ng paraan para muling mabalasa ang malas na baraha.

Kaso, sa bawat tipid na ngiti na iniaabot ko sa bawat sentence niya, pakiramdam ko, akala niya na sincere ang mga iyon kaya hala, sige, panay pa rin ang buhos ng kwento ng kanyang buhay pag-ibig kung saan kahit extra ay hindi ako kasali. Gusto ko nang umubo ng pasadya. Para naman makahalata. Kaso baka sa sarap ng kwento niya ay hindi niya pa rin mapansin ang pagputok ng bawat ugat ko sa mata na tanda ng matinding hinagpis at saka abutan ako ng cough syrup.

Puno ako ng saya at pag-asa nung umalis ng bahay. Pagdating ko dito, nadurog lahat. Muli, hindi ko naman siya sinisisi. Wala akong karapatan para magalit o kahit ga-hiblang tampo man lang. Pero parang sobra naman ang ikot ng tadhana. Nasagasaan ako ng aking hilaw na pagmamahal para sa kanya. Ang masaklap dun, hindi siya huminto para tignan man lang kung napano ako. Kung buhay pa ba o kasalukuyan nang nginunguya ang sarili kong siko dahil sa lakas ng impact. Paano ba naman, hindi niya alam eh. At bilang cherry sa ibabaw ng patong-patong na kamalasang ito, ako na nga ang biktima ng hit-and-run ng pag-ibig, ako pa ang nag-iisang witness sa mga testimonya ng kanyang walang umay na pagmamahal para sa ibang lalaki. Ang sarap. Walang katulad. Ngayon alam ko na kung bakit maraming ayaw gumamit ng helmet. Para kung sakaling hindi mapigilan ng sangkaterbang katok sa kahoy ang aksidente, at least, hindi mo na mararamdaman ang sakit.

Pag-uwi sa bahay, dumerecho lang ako ng kwarto. Hindi ko na inalam kung anong ulam, kung anong palabas sa tv, kung bakit maraming jerbaks ng aso sa kalsada at kung ilan sa kanila ang natapakan ko. Hindi na ako nagpalit ng damit. Masyado akong malungkot para isipin pa ang personal hygiene. At isa pa, para bawas labada. Pinatay ko ang ilaw. Nilakasan pa ang bentilador. Pinagsusuntok ko ang unan bago tuluyang higaan para eksakto ang hugis. Para na din mailabas ang sama ng loob. Hindi ko na binuksan ang umiilaw kong superman action figure bilang night light. Mas mabuti na ang madilim. Para mas madaling lunurin ng antok at makatulog agad. Oo, aminado naman ako. Takot ako sa dilim. Pero ngayon... ganun pa rin. Kaya binuksan ko na din ang nasabing source ng malamyang ilaw. Ayoko ng total absence ng liwanag. Pakiramdam ko kasi, bigla na lang may bubulong sa tenga ko at sasabihing magkakaroon ako ng diarrhea for seven days gaya ng isang sikat na horror flick. Pero ngayon, dahil sa lungkot, matutuwa pa siguro ako kung may ilang tinig mula sa kadiliman ang magsasabi sa aking ‘kung mag-asawa nga naghihiwalay, sila pa kaya’ o ‘patience is a virtue, maghihiwalay din sila’. Alam mo yun. Tamang pep talk lang. Sige na nga. Tamang maitim at mala-villain na pep talk lang.

Kinabukasan, para sa almusal, nagsagwan ako ng ilang itlog para maging scrambled eggs. Pero bago ko tuluyang basagin yung yolk, parang naawa ako. Dahil sa hindi malamang dahilan, tila gustong kumunekta ng nasabing pula ng itlog sa puso ko. Parang kapag tinuluyan ko itong batihin, makikita ko ang visual representation ng pagkadurog ng puso ko. Hindi ko din alam. Baka praning na ako. Ayaw ko siyang kanawin ng tinidor. Hindi. Hindi maaari. Dahil alam ko kung paano masaktan. Kung paano magdusa. Kung paano ialay sa kamay ng iba ang iyong natatanging pag-ibig para lamang basagin sa ngalan ng kaligayahan ng iba. Hindi. Hindi maaari. Kailangan kong sagipin lahat ng egg yolk sa mundo mula sa pagkadurog. Kahit ito pa ang pinakahuling bagay na gagawin ko sa aking boring na buhay.

Kaso biglang kumalam ang tiyan ko. At mainit na ang mantikang nakasalang. Sikmura muna bago ka-abnormalan ng puso.

Habang naglalakad papasok ng trabaho, naisip ko, na mas magiging matiwasay ang pamumuhay natin sa mundong ito kung sakaling gawa sa makina ang puso natin. Isipin mo na lang kung ang puso ng bawat tao ay hango sa design ng isang calculator. Pwede mong i-set ang function. Pwede mong i-off ang kakayahan nitong magmahal. Madali lang din naman ibalik kapag pwede na. At ang pinaka importante sa lahat, gaya ng karamihan sa ating mga electronic na kagamitan, kung sakaling magka-problema tulad ng sitwasyon ko, napaka-applicable ng time-tested na pangunang lunas; ang katok at ihip. Di ba? Kapag pumapalpak, katukin mo. Kapag sablay ang takbo, ihipan mo. Simple. At madalas, sa di malamang dahilan, ay epektibo. Hindi ko pwedeng isalin sa salita kung gaano ko kagustong katukin ang puso ko at kumbinsihin siyang marami pang iba. At kung sakaling pumalag, iihipan ko ng matindi, baka madumi lang gawa ng matagal na pag-tengga mula sa pagmamahal kaya hirap umintindi. Sana ganun lang kadali.

Kung iisipin mo, mas okey na lang siguro kung hindi ko siya nakita ulit. Alam ko medyo martir ang datingan pero mas convenient ang kasalukuyan kung sakaling hindi nangiliti ang nakaraan. Baka sa mga sandaling ito, masaya akong naglalakad patungo sa sakayan ng bus, kung saan ako lang mag-isa pero kahit pa ako lang ang timang na sumusunod sa batas, masaya pa rin. Baka paguwi mamaya, ie-enjoy ko ang isang apa ng ice cream habang buong ligayang kinakawayan ang bawat makakasalubong sa daan. Pwede ring mamasyal ako mag-isa sa mall at maghanap ng sapatos na hindi naman talaga available doon para lang kunyari ay isa akong possible customer.

Siguro ito ang dahilan kung bakit minsan ayaw nating malaman ang sagot sa isang matinding tanong. Gaya ng mahal din kaya niya ako o hindi. Dahil sa loob-loob ng bawat isa, may sagot na gusto mong panghawakan. Tipong kahit anong labo o liit ng tsansang maging totoo, dun ka pa rin nakakapit.

Kung hindi ko siya nakita, baka napeke ko pa ang sarili ko at isiping all this time, hinahanap niya rin ako. Na sa bawat gabing sumasagi siya sa isip ko ay naiisip niya rin ako. At sa mga sandaling biglaang maubos ang LPG namin ay handa siyang magpasalang ng sinaing sa kanila.

Ngayon, hindi na pwede yun. Wala nang wishful thinking. Natira ay suicidal tendencies.

Pauwi na ako at kasalukuyang naghihintay ng masasakyan. Natapos na naman ang isang araw. Muling umikot at napagod ang mga kamay ng orasan. Ilang libong sasakyan ang pumaroon at pumarito sa kalsadang kinatatayuan ko. At ilang lapis na naman ang napudpod dahil sa hindi matapos-tapos na pagkamangha ko sa automatic na pencil sharpener.

Nagbibilang ako ng barya bilang pamasahe. Ayoko na kasing sa jeep pa mismo maghalungkat ng ibabayad. Mahirap kaya yun. Lalo na kung punuan. Mission impossible ang pagdukot sa bulsa para makuha ang kakaunting pera. Pati na din ang cellphone. Kaya naman sakto ang timing ng isang text na dumating. Hindi pa ako nakakasakay. Pwede ko pang basahin nang walang usiserong nakikibasa at nang hindi kailangang mag a-ala lastikman para lang mahugot mula sa sisidlan ng aking pantalon. Naks. Ang lalim.

Halo-halo ang emosyon nang bumungad ang pangalan niya. Konting tuwa, konting gulat, isang dakot na pagtataka at tatlong kilong kilig. Binuksan ko agad, kasi atat ako. Napa kunot ang kilay ko kahit hindi ko iyon kayang gawin nang makita ang mensahe niyang binubuo ng isang salita, isang punctuation at isang emoticon. Kape. Question mark. Smiley face.

Hindi ko na-gets. Magulo ang text message niya. Isang salita lang pero ang daming tanong na pumasok sa utak ko. Nagkataon bang nabura lahat ng pangalan sa contacts niya at natira lang ay mga numero kaya isa-isa niyang tinetext ang nasa listahan para hanapin kung alin dun ang numero ng kaibigan niyang nagngangalang kape? Alam mo yun? Yung tipong may nakasalubong ka sa madilim na daan tapos hindi mo sigurado kung yun ba talaga ang sundo mo kaya tatanungin mo siya ng 'Hannibal Lecter?, is that you?'. O baka isa itong survey kung ilan sa mga kakilala niya ang mahilig sa kape. Pwede din namang isa itong makabagong 'flames' kung saan ang sumagot ng 'tsaa' ay makakatuluyan niya samantalang ang sumagot ng 'liquid bleach' ay 'enemy'.

Parang tanga lang pero parang profound din at the same time.

Kaya naman nireplyan ko siya ng napaka-lalim din na 'ha?'.

Kung gusto ko daw bang magkape. Sa totoo lang, hindi. Pero ngayon pa ba naman ako magsasabi ng totoo? Sinabi niya ang lugar. Andun na daw siya. Sabi ko naman papunta na ako. Muli, walang palag.

Gusto ko na sanang magmadali. Kaso hinila ako pabalik ng alaala ng nakaraan naming tagpo. Sakto sa oras akong dumating. Ang premyo? VIP ticket para mapanood ang tunay na buhay na love story niya sa lalaking hindi ako. Baka muli kong maabutan sila ng boyfriend niya. Alam ko pang-bobong solusyon, pero naisipang kong magpatagal muna. Malanding pagpapa-late. Baka kasi sa pagkakataong ito, masuyo ng aking lecheng pagpapa-importante ang tadhana at pumayag itong ma-solo ko siya. Kahit pa ako lang ang nakakaalam ng totoong pakay. Bantay salakay.

Naka-ilang text din siya kung nasaan na daw ako. Isang beses lang ako ulit nagreply ng 'papunta na, saglit na lang'. Na alam naman nating lahat ay code para sa 'wala pa akong balak umalis ng bahay, ang ganda ng palabas sa tv'. Mga kalahating oras din ang lumipas. Ilang chewing gum ang natanggalan ko ng tamis at posibleng maging bangungot ng kung sino mang makakatapak nito. Ilang metrong lakad na lang ang layo ko sa tagpuan nang i-text ko siya na naglalakad na ako papunta dun. Para tumayo siya o lumabas at mas madali kong makita. Walang reply. Tumuloy na ako. Hindi naman siguro mala-concert ang lugar na iyon para mahirapan akong hanapin siya. Nagkamali ako. Parang concert nga. Ang daming tao. Pero hindi mismo sa lugar na pinagbibilhan ng kape kundi sa tawiran sa tapat nito. May kung ano silang tinitignan. Maya-maya pa, may tumunog na sirena. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Baka dahil takot lang ako sa tunog ng bumbero. Minsan na kasing muntik masunog ang bahay namin sanhi ng pesteng christmas lights.

Lumapit ako. Sumingit sa pagitan ng ilang tao. Dumating ang ambulansya. Lalo akong kinabahan. Nakita ko siya. Buhat ng isang parang medical staff. Walang malay. Inilagay sa stretcher. Tinakluban ng tila kumot. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero nanghina ako. Gusto kong tawagin ang pangalan niya pero hindi ako nakapagsalita. Nagsama na ang takot, pagkabigla at nerbiyos. Muling tumunog ang sirena. Wala na siya. Unti-unting nawala ang mga tao. Habang naiwan ako dun. Tulala. Pero pinilit kong kumawala sa tali ng mga pangyayari. Walang anu-ano, malumanay kong hinawakan ang braso ng isang lalaki na tila mas nauna sa akin para huminto ito. Tinanong ko kung anong nangyari. Sabi niya, halos katabi niya daw ng lamesa ang babae kanina. Parang may inaantay. Maya-maya, biglang tumayo, naglakad at tumawid. Baka daw sasalubungin ang katagpo na hindi alam kung nasaan siya dahil iniwan ang puno pang inumin na binili. Tumango ako. Itinuloy niya. Nahagip daw ng mabilis na sasakyan bago tuluyang nakatawid. Tumango lang ako ulit. Naglakad ng mabagal. Sabay sumalampak ng upo sa gutter. Hindi ko alam ang gagawin.

Hindi ko alam ang gagawin.

Similar Documents

Free Essay

Why the Sky Is Blue

...Sticks • 2 Lg. boxes of Tissue • 2 Rolls of Paper Towel • 1 pk. of Lg. Index Cards • 2 boxes of Baby Wipes • 2 Lg. bottles of Hand Sanitizer • 1 Disposable Camera • 1 Book Bag • 4 boxes of Lg. Crayons (8 Basic Colors) • 6 Large Pencils Label All School Supplies 1st Grade • (4 packs) 24 #2 Pencils • 1 pair of Fiskar Scissors • 3 Plain Folders (Red, blue, green) • 1 Character Folder for graded papers • 4 Lg. Glue Sticks • 2 pks. of Notebook Paper (wide-rule) • 4 Lg. Rectangular Erasers • 1st Grade - continued • 1 Lg. Plastic or Cloth Pencil Pouch • 2 Lg. Bottles of Hand Sanitizer • 1 Box of Ziploc Snack or Sandwich Bags • 2 Lg. boxes of Tissue • 1 pk. of Lg. Unlined Index Cards • 3 Lg. Bottles of Clorox Wipes • 1 Ruler (standard & metric) • 1 Stretchable Book Cover • 1 Lg. box of Baby Wipes • 1 Black Dry Erase Marker • 4 boxes of 24 Crayons (One box per quarter) • 1 Book Bag (No roller book-bags) • 3 Spiral Notebooks (Wide Rule) (Red, blue, green) Please put your child’s name on all school supplies 2nd Grade • 2 PKS. OF #2 Pencils • 2 boxes of 24 Crayons • 3 plain Pocket Folders (Red, blue, green) • 3 Spiral Notebooks (Red, blue, green) • 2 boxes of Tissue • 4...

Words: 640 - Pages: 3

Premium Essay

Spectromotography Paper

...Atichai Suwannapeng Pre Lab #6 Diffusion, Osmosis, and Tonicity Group #3 Section A3 Group Members: Laghu Shakya, Alex Maican, Kelvin Chen, Ziye Lin 10/18/2015 Abstract: In this lab we will be gaining an understanding of how transport in membranes work. This is important because in our semi permeable cell membrane the mode of movement relies on transport. Some methods of transportation for molecules are simple diffusion, facilitated diffusion, active transport, exocytosis and osmosis. The reason molecules tend to move around when dissolved in a solution is because all molecules display random thermal motion and have kinetic energy. Kinetic energy is what allows the molecules to diffuse down a gradient of high concentration to regions of low concentration until the distribution of molecules become equal and achieved dynamic equilibrium. The entire solution only becomes homogeneous when one of the several factors are reached: the size of the dye molecules, temperature of the solution, density of the solvent and concentration of the dye. Heat is what causes random motion of molecules and passively moves molecules in biological systems. However, we can’t see this movement with our naked eye. In order for us to see this movement, we must use a microscope to see the small particles move after collision, this is called the Brownian movement. When talking about the cell membrane we must understand that it is selectively permeable, which means it can choose what can pass through...

Words: 1835 - Pages: 8

Free Essay

My Work

...2013-2014 SALEM ELEMENTARY SCHOOL SUPPLY LIST KINDERGARTEN 1 Beach Towel (no plastic mats, blankets or sleeping bags) 1 Art Shirt – (an old large T-Shirt) 1 Change of Clothes (labeled in zip lock bag) 2 Boxes of Tissues 1 Pair of Safety Scissors (prefer Fiskars) 3 7 oz. Bottles of Elmer’s White Washable Glue 4 Elmer’s Glue Sticks 2 Box of 16 Large Crayons (Not Jumbo) 2 24 Pack Crayola Crayons 1 Book Bag (Large Size) 2 Folders with pockets and prongs 2 Marble Composition Note books 1 Package Black Fine Dry-Erase Markers (low odor) 1 Pump Bottle Hand Santitizer BOYS – 1 Roll Paper Towels GIRLS – 1 Box OF Baby Wipes BOYS – 1 Box of 1 Gallon Ziploc Bags/1Box Sandwich Zip-Lock GIRLS –1 Box of 2 Gallon Ziploc Bags/1 Box Quart Zip-Lock **NO PENCIL BOXES ** PLEASE LABEL ALL ITEMS WITH NAME THIRD GRADE 4 Spiral Notebooks with Wide Ruled paper (70 sheets) 2 Marble Composition Books 2 Pkgs. Wide-Ruled Notebook Paper 24 #2 Pencils 1 Pkg. Pencil Tip Erasers 1 Box of 24 Crayons 15 Glue Sticks 1 Pair of Safety Scissors (prefer Fiskars) 5 Pocket Folder (1 each: Red, Blue, Yellow, Green, Orange) 2 Boxes of Tissue 1 Ruler (cm and inches) NOT SEE-THROUGH 1 Package Red Pens 1 Pkg. 4 Expo Markers (low odor) 1 Pkg. Sticky Notes 1 Zippered Pencil Pouch Boys - Zip Lock Sandwich Bags (1 box) Girls – Zip Lock Jumbo Bags (1 box) **NO PENCIL BOXES** DO NOT LABEL ANY ITEMS WITH NAME FIRST GRADE 1 Box of 24 Crayons 1 Pair of Safety Scissors (prefer Fiskars) 3 7 oz Bottles of White Elmer’s All-Purpose...

Words: 624 - Pages: 3

Premium Essay

The Color Distribution of Peanut M&Ms

...…………………………………………………………....7 Abstract The intent of this research paper is to determine whether the color distribution/proportion of peanut M&M’s derived from a random sample 14-ounce bag (o) is a good fit to the hypothesized distribution/proportion of an infinite population of peanut M&M’s as cited by Mars, Inc. (p). Introduction A 14-ounce bag of peanut M&M’s was utilized to observe and obtain the random sample color distribution/proportion data. According to Mars, Inc. and as shown on Table 1, p has hypothesized distribution/proportions of: Blue-0.23, Brown-0.12, Green-0.15, Orange-0.23, Red-0.12 and Yellow-0.15. Table 1 – Color Distribution/Proportion Figures via Mars, Inc. Color Milk Chocolate Peanut Crispy Minis Peanut Butter Almond Blue 24% 23% 17% 25% 20% 20% Brown 13% 12% 17% 13% 10% 10% Green 16% 15% 16% 12% 20% 20% Orange 20% 23% 16% 25% 20% 20% Red 13% 12% 17% 12% 10% 10% Yellow 14% 15% 17% 13% 20% 20% Methodology Using a goodness of fit test for the distribution of a multinomial (more than two categories) population, this study will determine whether the color distribution/proportion of peanut M&M’s derived from a random sample (14-ounce bag) is a good fit with the hypothesized distribution/proportion of an infinite population of peanut M&M’s as cited by Mars, Inc. The null hypothesis (Hₒ) or the hypothesis this paper...

Words: 1440 - Pages: 6

Premium Essay

M&M Project Report

...Contents I. Introduction II. Data Collection III. Data Analysis IV. Conclusion V. References Abstract This paper examines the proportion of M&M candies through the random sampling of 3 bags. After reading this paper one should have a better understanding of the process that accompanies packaging M&M candies. The bags used in the experiments were taken from different stores to help ensure a true sample of all the 1.69 oz of plain M&M candies. I. Introduction The purpose of this paper is to provide a written report of the five part M&M project. Part one was sampling. We were to purchase 3 bags of M&M and record the color counts of each bag in an Excel spread sheet. For part two we calculated the sample proportions for each color, the mean number of candies per1.69oz bag, created a histogram for the number of candies per bag, use Excel to compute the descriptive statistics for the total number of candies per bag and summarize the information. In part three we located the 95% confidence interval for the proportion of blue, orange, green, yellow, red and brown. For part four we tested claims for percentages of each color. In the final part of the project we tested the hypothesis that the population proportions of red and brown were equal. This report will explain what was done, present the results and provide an analysis of what was found. This reported is presented...

Words: 336 - Pages: 2

Premium Essay

M&M Project

...2013 Abstract This paper shows the true proportions of M&M candies through the random sampling of 3 different bags of plain M&M 1.69oz bag of candy bought from three different stores. I believed one will be able to determine data analysis and how it works as it relates to our class project. Introduction The rationale of writing this paper is to show how statistics data analysis works. Statistics as we learned, is the practice of collecting, organizing, analyzing and interpreting data to make decisions. The two types of data used in the project are sampling and proportions. The methods used can be used by any professional or in any occupation. It can be used to determine the standard deviation, mean of any data among others. Part 1 In part one, each student was asked to take a tally of the 3 bags of candies bought from three different stores. And then we were asked to count the totals of each color in all 3 bags. Part 2 We used the excel data provided to complete the assignment. We looked at the data from two perspectives” color and proportions and the number of candies per bag. For the color proportion; we used the total for each color divided but the total number of candies sampled. As for the number of candies per bag, we use the data in the number candies in bag column. We used the total number of candies per bag divided by the total...

Words: 975 - Pages: 4

Premium Essay

M&M Essay

...PROJECT REPORT Abstract This paper examines the proportion of M&M candies through the random sampling of 156 bags. After reading this paper one should have a better understanding of the process that accompanies packaging M&M candies. The bags used in the experiments were taken from different stores to help ensure a true sample of all the 1.69 oz of plain M&M candies. Introduction: Purpose of Report The purpose of this report is to examine the five project parts of an M&M analysis and examine a method for quality control. The parts of this project included using random sampling to gather data on the number of colored M&M candies, the sample proportion and sample mean, constructing a 95% confidence interval and testing claims of M&M candies. By the end of this report a better understanding of the methods behind packing M&M candies should be gained.  Project Part 1: Sampling Method To begin the M&M analysis a random sample of three 1.69oz bags of plain M&M candies where purchase by each individual students from three different stores. A random sample ensures that every member of the population has a chance to be selected. The population in statistics refers to the “collection of all outcomes, responses, measurements, or counts that are of interest (Larson, & Farber, 2009).” Buying bags from different stores assures a true sample of the population of all 1.69 oz bags of plain M&M candies. Once bags were purchased students were instructed...

Words: 1210 - Pages: 5

Free Essay

Make a Pen Bag

...Making a pen bag I have a very cute pen bag which you can put your pens and eraser. If you look at it in the front, the shape is a rectangle. If you look at its profile, it is a triangle. The design is for the capacity. There is a red plastic zipper on the top. Red is a main color of the pen bag. It is two double, and the materials are different. The outside is the soft plastic, and the inside is the hard cotton. If it is dirty, you can clean it with water, or wipe it with wet rag. If you have time, you can try to make a pen bag. It is very easy, and making one does not need much time. Firstly, you need to find some materials. You can use the old curtain, or bed sheet. If you want to make a new one, you can buy the fabric in the Wal-Mart. If you want a simple style, you can choose a pure color fabric. If you want a Korean style, you can choose a calico. Another thing you need is fusible interlining. You can buy the zipper when you buy the fabric. They should be in the same place in the Wal-Mart. The quality of the zipper is very important because its importance reflect the quality of the pen bag. The color of the zipper has better be similar as the fabric, or same as the main color of the fabric. You need some strings which color is same as the zipper. Moreover, we start to make a pen bag. You cut two cloths as 22*18 cm, and cut the fusible interlining in the same way. Then you iron them separately, one cloth with one fusible interlining. The edges of the fabric...

Words: 1910 - Pages: 8

Premium Essay

Quality Control Management at the Master Food Plant

...Quality Control Manager at the Masterfoods Plant Statistic 300 Introduction This paper is going to present information regarding the methods, analysis, and results on basis of the five different project assessments which were conducted at the Masterfoods plant. The investigative study was conducted using sampling method and this paper analyses the five sampling studies that were conducted to identify any flaws that could have been made during the study. A speculation is also presented on the possible causes of the flaws and an explanation of how to investigate unexpected results or failed tests is also clearly presented concerning the plant and bagging process (Lenz, Schmid & Wilrich, 2012). In the presentation, a role of a quality control manager is adopted so as to provide succinct information concerning the operations of the Masterfoods plant, with consideration for the candies produced and sold in the organization. Project Part 1: Sampling Method In this study the sampling of candies in three different bags were used to collect information on the number of the different colors of candies in the bags. The colors of the candies in the bags entailed blue, orange, green, yellow, red, and brown. In this study 160 candies were used in which 38 were blue, 33 orange, 25 green, 17 yellow, 30 red, and 17 brown candies. The three bags contained a total of 53, 55, and 52 candies with all of the aforementioned colors respectively (Rubin, 2010). It...

Words: 1068 - Pages: 5

Free Essay

Dog Books

...black dog. Or even a red (Clifford type) or blue (Blue's Clues type) version. a paper lunch bag (white would be good for this project, but brown is ok too) if using a brown lunch bag: two sheets of white construction paper a printer, some crayons, scissors, glue, paper for the printer paper bag dog puppet Optional: big wiggly eyes PRINT THE TEMPLATE: You can either print just template one or both templates. The more children you have per adult and the younger the children are, the simpler (less templates) you want the craft to be. If you aren't sure how many templates you should use, print both, but hide #2. If the kids make it through #1 and are eager for more, bring out the other. If they are tired of crafting, save them for another day or just discard them. Colour (as required) and cut out the template pieces. GET FAMILIAR WITH YOUR PAPER BAG: I'm going to walk through this slowly. Look at your paper bag. It should be closed and flat like a piece of paper. Just like when they are brand new. On one side, it's all smooth. This will be the BACK of your puppet It's important that all the kids get the back and front straight at the beginning! On the other side there's a flippy tab (which is typically the bottom of the bag when you're carrying your lunch around...) This flippy tab will be the HEAD Lift the flippy tab up a bit. Underneath of the tab will be the mouth, When the child puts her hand in the bag, she'll be able to make...

Words: 667 - Pages: 3

Premium Essay

Diffusion and Osmosis

...will absorb the iodine solution in the cup. In experiment 1B the tube of distilled water will lose weight, and the tube of glucose will gain weight. The purpose of the experiments is to differentiate which test was diffusion and which was osmosis. Materials: Experiment 1A: Plastic Cup, Plastic Pipet, Iodine-Potassium Iodide, Deionized Water, Glucose Paper Strip Experiment 1B: (3) 15 cm pieces of Dialysis Tubing, beaker, 15 cm piece of white thread, 80% Glucose, 2% Starch, Plastic cup, 10% glucose, 15 cm blue thread, distilled water, 15 cm red thread, 20% glucose Procedure Experiment 1A: First cut a 15-cm length of dialysis tubing. Place the dialysis tubing in a beaker of distilled water and allow it to remain in the beaker for 1 minute. Open the dialysis tube by rolling it in between thumb and index finger. Seal one end of the dialysis tube by tightly twisting and tying a knot at one end, approximately 2 cm from the end. Shake excess water from the tube. Using a plastic pipet, place 20 drops of iodine-potassium iodide in a cup. Fill it with Deionized water to within 2 cm of the top. Obtain a glucose test paper strip. Dip the strip into the cup and remove it. The strip will...

Words: 1249 - Pages: 5

Free Essay

Cup Cakes

... vegetable oil and egg whites called for on cake mix box Betty Crocker® gel food colors or paste food colors (red, orange, yellow, green, blue and purple) 2 containers (1 lb each) Betty Crocker® Rich & Creamy white frosting 1 Heat oven to 350°F (325°F for dark or nonstick pans). Place white paper baking cup in each of 24 regular-size muffin cups. 2 Make cake batter as directed on box for cupcakes, using water, oil and eggs. Divide batter evenly among 6 medium bowls. Add a different food color to each bowl to make red, orange, yellow, green, blue and purple. Place 1 level teaspoon of each color batter into each muffin cup, layering colors in order of rainbow—red, orange, yellow, green, blue and purple. Do not stir! Each cup will be about half full. 3 Bake 17 to 23 minutes or until toothpick inserted in center comes out clean. Cool 10 minutes. Remove cupcakes from pans; place on cooling racks. Cool completely, about 30 minutes. 4 Meanwhile, divide frosting evenly among 3 medium bowls. Tint 1 red, 1 yellow and 1 blue with food colors. Refrigerate about 30 minutes. 5 In large (16-inch) disposable decorating bag fitted with #6 star tip, place spoonfuls of each color of frosting side by side, alternating colors and working up from tip of bag. Do not mix colors together. Starting at 12 o’clock on outer edge of each cupcake and using constant pressure on bag, pipe frosting clockwise for 3 rotations, working toward center and ending in small peak. Store loosely...

Words: 277 - Pages: 2

Free Essay

Bio Chapter 1 Study Guide

...factors that the scientist varies during the experiment. Dependent Variable: A feature that the scientist measures in order to determine if it changed in response to the independent variable. What solutions were used to test for the 4 types of organic molecules? Iodine- Polysaccharide Benedict’s Reagent- Sugar Biuret Test- Protein Brown Paper Test- Lipids Vegetable Oil- Solubility of Lipids What does a positive test look like? -Iodine test for polysaccharide: dark purple/black/blue -Vegetable Oil test for solubility of lipids: 1 layer -Biuret test for protein: violet color -Benedict’s Reagent for sugar: very high concentration/orange-red How do you convert Celsius to Fahrenheit and vise versa? Degrees Fahrenheit= 9/5 degreesC + 32 degrees Degrees Celsius= 5/9(degreesF - 32 degrees) What is the compound scope magnification equation? eyepiece mag x objective mag What is the resolution equation?...

Words: 1508 - Pages: 7

Free Essay

Fisheries Essay

...Red Drum Fisheries Management of Coastal Florida Danny W. Lyles COMM/215 May 7, 2012 David Mumford Abstract This paper is intended to evaluate the success or failure of the fisheries management regarding Red Drum or Sciaenops ocellatus in the coastal Florida area of the United States. The Red Drum, or the common name “Redfish”, is a popular sport fish among anglers due to its reputation as a formidable adversary, and the value of it on the market for table fare. The advent of blackened recipes from the bayous of the southeast has also increased its popularity. Red Drum Fisheries Management of Coastal Florida The Red Drum inhabits inshore, near shore, and offshore waters throughout the Gulf of Mexico and the Atlantic Ocean. The adults spawn in rivers, bayous, and tidal areas and the fry will reside there for up to four years. This species can reach lengths of forty five inches and weigh as much as fifty pounds. Spawning is triggered by cooling waters and a decrease in daylight hours associated with late summer and fall. In 1989, the Red Drum was considered overfished in large part due to the fishing pressure placed on the species by recipes of “Blackened Redfish” introduced in Louisiana Cajun style restaurants and the chef’s that enjoyed success from the new menu item. In an attempt to control and regulate the harvesting of the species, the Florida Fish and Wildlife Conservation Commission (FWC) instituted a slot limit of eighteen to twenty – seven inches...

Words: 960 - Pages: 4

Premium Essay

Diaries

...thickened cream 156g egg yolks 76g caster sugar 265g Callebaut milk chocolate (33.6% cocoa), broken into pieces 265g Callebaut dark chocolate (60% cocoa), broken into pieces   Chocolate leaves and bark 100g good quality dark chocolate (57.8% cocoa) Assorted fresh leaves, washed and dried with paper towel   Chocolate mushrooms 150g Callebaut W2 white chocolate (28% cocoa) Red chocolate heart tops 200g Callebaut velvet white chocolate 20g red soluble oil based powder Edible pebbles 30g pistachios, roughly chopped Edible green metallic *You will need a 33cm x 23cm cake pan for this recipe. Pistachio dacquoise1. For the pistachio dacquoise, preheat oven to 170C.2. Whisk egg whites and cream of tartar in the bowl of an electric mixer to soft peaks, on medium speed. 3. Increase speed to high, then gradually add caster sugar while mixing continuously to allow sugar to dissolve. Add food coloring, whisking to combine. 4. Meanwhile, combine pistachios, icing sugar and flour in a bowl. 5. Gently fold meringue into bowl with pistachio mixture until just combined. 6. Using a palette knife, evenly spread mixture into a 35 x 25cm Flexipat or same-size tray lined with baking paper. Bake in oven for 15-18 minutes, then remove, and set aside to cool completely. 7. Trim dacquoise to 33cm x 23cm rectangle.   Crispy almond layer 1. For the...

Words: 1027 - Pages: 5