Sa Panahon ng mga kastila dito sa ating bansa maraming suliranin ang nasagupa nating mga Pilipino. Kapansin-pansin ito sa mga nobelang isinulat ng ating Pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na nagmulat sa mga Pilipino ng ginagawang pang-aalipusta ng mga kastila.
Ang politika noong panahon ng Kastila ay hindi natin maikakailang Magulo at hindi magkasundo ang mga namumuno sa ating bansa na mga Kastila, base ito sa aking napansin sa Dokumentaryo ng Buhay ni Rizal walang Pilipino ang Namumuno sa ating bansa kundi puro sila mga kastila na masiyadong mababa ang tingin sa ating mga Pilipino, Napakahirap isiping sa panahong iyon na imbis na tayong mga Pilipino ang namumuno sa ating sariling bansa at tila ba tayo pa ang pinagkakaitan sa ating sariling lupa. Hindi natin magawa ang mamuno rito sapagkat tayo ay nakagapos sa pamamahala ng mga kastila, Na alam nating napakamapang-api at mga walang awang saktan ang mga mahihirap.
Ang Simbahan ang isa sa maimpluensya sa bansa noong Panahong iyon, na sya naming sinusunod ng nakararaming mamamayan, lahat ng naisin at gustuhin ng mga prayle ay nakukuha nila, ang mga prayle ang nakikinabang sa mga pinaghihirapang kinikita ng mga mamamayan, na dapat ay sa mga tao ito na naghihirap kumita lamang ng kaunting salapi, ngunit sino ang nakinabang sila na mga prayle na wala namang naitutulong sa pagtaas ng ekonomiya ng Pilipinas sa halip ay lalo pa ngang naghihirap ang ating bansa dahil sa pamamalakad ng gobyerno na nakaugnay sa simbahan at mga prayle. Ang mga kastila ang yumayaman subalit ang mga Pilipino ang naghihirap at nalulugmok sa kahirapan bagamat sila ang nagtatrabaho upang magkaroon ng kaban ang Bayan na sya namang kinukurakot ng Simbahan at Pamahalaan. Sa laki ng Buwis na hinihingi ng mga namamalakad sa Pilipinas wala pa ring asensong nangyayari sa Bansa noong panahong iyon, nanatiling mahirap ang mahirap.
Maraming Pilipino sa panahong ng kastila ang hindi nakapag-aral sapagkat kapos sila sa salapi, kaya naman kung alipustahin na lang ng mga kastilang nakapag-aral ang mga Pilipino ay gayun-gayun na lang. Si Rizal ay mapalad sapagkat nagawa niyang makapag-aral ngunit sa kabila nito ay madami pa rin ang naging balakid sa kanya dahil madalas ikumpara ang mga Pilipino sa mga Kastila tulad na nga lang ng isang pangyayari sa klase ni Rizal na ikinumpara ang isang Pilipino sa Isang Kastila sapagkat ang kanilang propesor ay isang Kastila sinabi nito ang mga magagandang bagay tungkol sa mga Kastila at sa Pilipino naman ay ang mga bagay na panget, labis na nanlumo si Rizal sa pangyayaring iyon kaya’t ipinagtanggol niya ang kapwa niya Pilipino pagkatapos ng Klase nila ay nagpulong ang mga estudyanteng Pilipino at habang nagpupulong sila ay dumating ang mga estudyanteng Kastila nagsimula ito ng gulo sa Paaralang pinapasukan ni Rizal sa pangyayaring ito makikita ang labis na pagmamaliit ng mga kastila sa Pilipino.
Sa mga Nobelang isinulat ng ating Pambansang Bayani minulat nito ang mga Pilipino upang Lumaban at ipagtanggol ang karapatan nating mga Pilipino, sa Pagkamatay ni Rizal nagsimula ang paghihimagsik laban sa Gobyernong Mapang-api ang mga Kastila pinangunahan ito ni Andres Bonifacio at hindi naman sila nabigo dahil nakamit natin ang Kalayaan. Kung ang ating pambansang bayani ay gumamit ng kanyang panulat laban sa mga kastila, ang Katipunan naman ay gumamit na ng dahas upang makamit ang kalayaan. Tama nga ba na sa dahas nila nakamtan ang kalayaan?, marahil oo dahil ito na lang ang solusyon upang matigil ang masamang pamamalakad ng mga kastila sa ating bansa. Sa naganap na paghihimagsik nating mga Pilipino laban sa mga Kastila nagdulot ito ng malawakang digmaan sa Pilipinas na ikinasawi ng maraming Pilipino sa kabila nito marami pa ring Pilipino ang nakipaglaban para sa ating Kalayaan. Ang mga Pilipino talaga ay Likas na matatapang at handang gawin ang lahat para sa Bayang Sinilangan. Dapat lang nating ingatan ang ating pagiging Malaya dahil kapag ito ay muli nating pinakawalan hindi natin tiyak ang kahahantungan at masasayang lahat ng pinaghirapan ng mga taong nakipaglaban makuha lang natin ang kalayaan. Nang nag-alsa ang tatlong Paring martir o mas kilala sa GOMBURZA, laban sa mga Kastila. Natunghayan ng maraming mamamayan ang paghatol sa mga ito ng Kamatayan kabilang nga sa nakasaksi nito ay ang kapatid ni Rizal na si Paciano. Hindi makatarungan ang ginawang paghatol sa tatlong paring ito ngunit ano ang magagawa ng mga mamamayan. Sa pagkamatay ng tatlong pari nagising nito ang mga tao na panahon na upang sila ay kumilos at mag-isip laban sa mga kastila, minulat ng kanilang pagkamatay ang natutulog na isipan ng mga tao, na hindi habang panahon ay papayag na lamang silang magpapaapi sa mga kastila. Sa pagkamatay nila marami ang lumabas na galit at poot laban sa Kastila. Napaka walang awa ang ginawang ito ng mga Kastila. Ang matagal na pagkakatulog at takot ng mga Pilipino ay naging sanhi ng matagal na pananakop sa atin ng mga Kastila, matagal na pang-aalipusta, pangaapi, pagmamaliit. Matagal na nanahimik ang mga Pilipino at sa pag-gising nito hindi na ito paaapi pang muli sa kamay ng ibang Tao. Sa Nobela ni Dr. Jose Rizal namulat ang mga Pilipino tunay na kalagayan n gating Bansa na kailangan ng Pagkakapantay-pantay na karapatan ng mga tao. Sa pagkamatay ng tatlong paring GOMBURZA nagising ang isipan ng mga tao laban sa mga Kastila. Samantalang ang Katipunan naman ang syang gumamit ng dahas upang makamit ang kalayaan. Ang mga pangyayaring ito ay nakatatak sa ating kasaysayan at nagtanim sa atin ng mga aral na kailanman ay hindi mawawala sa isipan ng bawat mamayan ng Pilipinas. Tunay nga na kahanga-hanga ang ginamit na pamamaraan ng ating mga bayani upang makamit an gating kalayaan. Isang di matatawarang kadakilaan. Patunay lang na tayong mga Pilipino ay mahal ang ating bayan at handa natin itong ipag-laban mula sa mga kaaway. Para sa akin kung minsan ang paggamit ng dahas ay hindi kasalanan kung ito naman ay para sa ating ikabubuti ng karamihan.Isa itong kasaysayan na mananatili sa atin.