Free Essay

Report Noli Me Tangere Kabanata 57-58

In:

Submitted By bvrlyrms
Words 600
Pages 3
NOLI ME TANGERE
Kabanata 57-58
TAGAPAG-ULAT: Beverly Ramos / Raver Reyes______________________________
KAGAMITAN: POWERPOINT presentation/ video presentation___________________ I. Mga Layunin * Maipaunawa ang kahalagahan ng pakikipagkapwa tao. * Maipaliwanag ang mga kaganapan sa nasabing kabanata ng Noli Me Tangere. * Masuri ang iba’t-ibang kanser ng lipunan na matutunghayan sa nasabing kabanata. * Masasagot ang mga mahahalagang tanong sa kabanata 57-58 II. Pamaraan

A. BALIK ARAL
1. Sino ang dumakip kay Ibarra? -Sarhento
2. Bakit gulong-gulo ang isip ni Elias nang pumasok siya sa bahay ni Ibarra? –Dahil naalala niya ang sinapit ng kanyang angkan.
3. Sino ang may kagagawan ng pagkasunog ng bahay ni Ibarra? -Elias
4. Kumalat ba ang mga sabi at kuro-kuro sa bayan tungkol sa nangyari kila Ibarra? -Oo
5. Sino ang tinutukoy ng utusang babae na nagbigti sa puno ng santol? -Lucas

B. PAGBIBIGAY NG MAHALAGANG TANONG

“Magtatanim ka ba ng sama ng loob sa mga taong natulungan mo at tinalikuran ka kapag ikaw naman ang nangailangan?”

C. Pagganyak
Istratehiya: Video Presentation (The Passion of the Christ clip mula sa YouTube) D. Paglinang sa Aralin * Pagpapabasa ng Kabanata 57-58 * Pagbuod ng mga pangyayari sa Kabanata
Istratehiya: Powerpoint Presentation

E. Halagang Pangkatauhan
Tumingin muna sa sarili bago manghusga sa kapwa.

F. Pagpapaliwanag sa sinabi ng tauhan at pag-uugnay sa sariling buhay. “Tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sisi at tinatawag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao, hangga’t sa natawag na siyang erehe. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra.”

Sa ating mga tao normal na ang maging mapanghusga. Minamaliit natin kaagad ang mga taong nakagagawa ng mali, madali para sa atin ang sila’y husgahan. Isang pagkakamali mo lang, di na nila maaalala ang mga tamang ginawa mo sa kanila. Bakit nga ba ganun tayo? Akala natin kung sino tayo para husgahan sila. Masakit isipin na karamihan sa atin ay ganun, may nagawang mali lang ang isang tao, akala natin may mas karapatan tayo sa kanila, samantalang pantay pantay lang tayong nilikha ng Diyos. Nakakalimutan natin na minsa’y sila pa yung mga taong tumulong sa atin. Ang Panghuhusga sa ibang tao ay di nangangahulugan kung ano sila, pero mas pinapakita dito kung sino ka talaga.

G. Kanser ng Lipunan * Kahinaan ng mga kababaihan- Ang ginawang pagbabawal kay Sinang ni Kapitan Basilio na umiyak kay Ibarra. * Kahinaan ng mga Pilipino- Nang pinagbuntungan ng mga tao ng sisi si Ibarra sa mga nangyari. * Katiwalian- Ang ginawang pakikialam ni Donya Consolacion sa pagpaparusa kay Tarsilio. * Maling sistema ng pamahalaan- Ginawang pagpaparusa kay Tarsilio at sa iba pang bilanggo. H. Ebalwasyon 1) Sino ang unang bilanggo na inilabas? -Tarsilo 2) Bakit lumabas si Padre Salvi sa bulwagan? –Dahil hindi kinaya ng sikmura niya ang nagaganap na pagpapahirap kay Tarsilo. 3) Ano ang tunay na pangalan ni Tarsilo? –Tarsilo Alasigan 4) Sa iyong palagay, may karapatan ba si Donya Consolacion sa pagpaparusa kay Tarsilo? Bakit? (Opinyon) 5) Anong ikinamatay ng huli? –Ang katawan niya’y inilubog sa balon habang nakabitin patiwarik, dahilan nang pagkalunod ang kanyang kamatayan. 6) Anong naging reaksyon ng mga tao nang nakita nila si Ibarra? –Galit sila at sinisisi si Ibarra sa mga nangyari. 7) Bakit ipinatali ni Ibarra ang kanyang kamay? –Dahil siya lamang ang hindi nakatali sa kanila at binabatikos ng mga tao ang tungkol dito. 8) Sino ang sinisisi ng taumbayan sa mga nangyari? – Si Ibarra 9) Anong nangyari kay Pilosopo Tasyo matapos nyang magmasid sa mga nangyayari? –Siya’y namatay 10) Siya ang nagbawal kay Sinang na umiyak. –Kapitan Basilio I. Takdang Aralin
Walang ibibigay na takdang aralin.

Similar Documents