Free Essay

Resulta Ng Paggamit Ng Substandard Na Materyalea

In:

Submitted By rafaelperalta
Words 349
Pages 2
Mga resulta sa paggamit ng substandard na materyales sa konstruksyon * “MANILA, Philippines - Higit sa 50,000 kabahayan sa lalawigan ng Bohol ang gumuho o nasira dahil sa nakaraang lindol na umabot sa lakas na mahigit intensity 7.”
Sa pag-aaral ng mga inhinyero sa lawak ng pinsala sa mga gusali at kabahayan sa Bohol, kabilang sa kanilang mga naeksamin ay ang mga mabababang grado ng materyales. Ayon sa kanila, karaniwang ang mga kabahayang naging malaki ang pagkasira ay malamang nakagamit ng ‘sub-standard’ na mga materyales sa kanilang konstruksyon.
Wika nila, ang pinaka sanhi ng pag-kolapso ng isang gusali ay ang paggamit ng mahinang klase ng reinforcement steel o kabilya. Marami sa mga kabilya na nakita sa mga bahay na bumagsak ay may timbang na mas mababa ng 11 porsyento kaysa sa tamang espesipikasyon. Maaaring ang mga kabilya na ito ay ginamitan ng malalambot na wire rods kaya mahina ang ‘tensile strength,’ imbes na ang mas matigas na ‘billets.’ * Ang pagkalat ng mahinang klaseng kabilya sa Bohol at Cebu ay nauugat din sa malawakang smuggling ng mga produktong bakal. Ang pantalan ng Cebu ay kilala umano sa talamak na pagpapapasok ng smuggled na bakal galing sa Tsina na ginagawa sa mga plantang pipitsugin. Kaya nga ng makaranas ng matinding lindol ang Kalagitnaang Tsina ilang taon na ang lumipas, ilang siyudad din dito ang napuruhan. Ang may sala ay ang mahinang pagpapatupad sa mga engineering standards at mahinang bara ng bakal.

* Assessment sa pinsala ng 4.7 na lindol sa Makilala, North Cotabato

Tuloy ang isinasagawang assessment ng lokal na pamahalaan ng Makilala, North Cotabato kasama ang provincial government, PHIVOLCS at Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa laki ng iniwang pinsala ng 4.7 magnitude na lindol sa lugar. Ayon kay Makilala Mayor Rudy Coagdan, ang paggamit ng mga substandard na materyales ng mga residente sa pagpapatayo ng mga bahay ang pangunahing dahilan kung bakit nasira ang ilang mga bahay.
Ayon sa PHIVOLCS-Kidapawan, kung magandang uri ng mga materyales ang ginamit ng mga residente ay hindi ito basta-basta masisira ng nangyaring 4.7 magnitude na lindol.

Similar Documents