weeKABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananliksik sa pag-aaral na ito ang pagapapanatili ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Financial Accounting Theory.
2. Mga Respondente
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng kursong Accountancy na nakapagtapos na ng labinlimang (15) yunit sa asignaturang Financial Accounting sa kasalukuyang semester ng Holy Cross of Davao College. Ang mga respondente ay kinuha sa isang klase sa asignaturang Accounting na binubuo ng 40 na mag-aaral.
3. Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng test questionnaire upang malaman ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa Financial Accounting Theory.
Upang lalong mapabuti ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon sa iba’t ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga libro, internet, at iba pa.
4. Tritment ng mga Datos
Dahil ang pamanahong papel na ito ay hindi isang pangangailangan sa pagtatamo sa isang digri, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik.
KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
KABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang pagpapanatili ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kursong Accountancy hinggil sa Financial Accounting Theory. Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nag-disenyo ng test questionnaire na pinasagutan sa 40 na mag-aaral ng kursong Accountancy sa Holy Cross of Davao College.
2. Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:
3. Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a. Para sa mga mag-aaral, marapat na pagtuunan nila ng pansin ang mga bahaging maliit lang ang markang nakuha
b. Para sa mga propesor, nawa ay tasahan pa nila ang kanilang pamamaraan sa pagtuturo ng mga asignatura sa Financial Accounting.