Free Essay

Rizal

In:

Submitted By maiel
Words 3770
Pages 16
MAIKLING TALAMBUHAY NI JOSE PROTACIO RIZAL
(Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo ng Lahing Malayo)
ISINILANG SA: Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861)
BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896)
Mga Magulang: FRANCISO MERCADO at TEODORA ALONSO (“Z” sa ibang aklat)
Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik); Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila)
Nagbinyag: Padre Rufino Collantes
Ninong: Padre Pedro Casañas
Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao)
Buong Pangalan: Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda
Jose Protacio - first name
Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo
Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo 19)
Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang Español
Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng trigo/green fields of barley)
Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa/maiden name; middle name ni Jose Rizal
Realonda: middle name ng kanyang ina noong dalaga pa; galing sa lola ni Rizal
Mga kapatid: 1. Saturnina 2. Paciano – tanging lalaking kapatid ni Jose; tumustos/nagpondo sa pag-aaral ni Jose sa Europa; naging heneral ng Hukbo ng Rebolusyong Pilipino 3. Narcisa 4. Olympia – namatay sa 13 oras na panganganak 5. Lucia 6. Maria 7. Concepcion – kasunod ni Jose; namatay sa sakit sa edad na 3 taon 8. Josefa – naging pangulo ng pangkababaihang grupo ng Katipunan 9. Trinidad – tinuruan ni Jose ng Ingles; pinagbigyan ng lamparang naglalaman ng teksto ng Mi Ultimo Adios 10. Soledad
Unang guro: ang kanyang ina (nagturo ng alpabetong Kastila/abecedario; pagdarasal sa Latin at panimulang pagbasa)
Unang pighating naranasan: pagkamatay ni Concepcion (Concha) na lagi niyang kalaro
Unang tulang sinulat: “Sa Aking mga Kabata” (sinulat sa Tagalog; tungkol sa pagmamahal sa sariling wika; 8-taong gulang siya noon)
Mga Tiyuhing Nakaimpluwensya: 1. Tiyo Manuel – palakasan/sports 2. Tiyo Gregorio – pag-ibig sa aklat 3. Tiyo Jose Alberto – husay sa sining/art
Unang guro sa pormal na edukasyon: Justiniano Aguino-Cruz (paaralan sa Biñan, Laguna)
Unang Kawalang-katarungang dinanas ng pamilya Rizal: pagkakulong ni Doña Teodora dahil sa walang basehan na paratang ng paglason sa hipag/sister-in-law niya
Pangyayaring nagmulat kay Rizal sa kawalang-katarungan sa Pilipinas: Pagbitay sa Gomburza (Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora; tatlong Pilipinong pari na nagsusulong sa Pilipinisasyon ng mga parokya; idiniin o i-friname-up sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872)
Buhay-High School: sa Ateneo Municipal (nasa loob ng Intramuros, Maynila noon; paboritong paaralan ni Jose; pinatatakbo ng mga Heswita/Jesuit
Tulang sinulat sa paglaya ng ina: “Mi Primera Inspiracion” (My First Inspiration/Ang Una Kong Inspirasyon)
Unang Guro sa Ateneo: Padre Jose Bech
Paboritong Guro sa Ateneo: Padre Francisco Sanchez (humikayat sa kanya na ipagpatuloy ang pagsusulat)
1877: Nagtapos sa Ateneo; sobresaliente o excellent ang marka sa lahat ng asignatura; tumanggap ng diplomang Bachiller en Artes (katumbas ng high school diploma ngayon)
Abril 1877: Pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) para magkolehiyo; pinatatakbo ng mga Dominikano/Dominicans; kumuha ng Pilosopiya at Letra sa unang taon batay sa gusto ng ama; lumipat sa Medisina nang sumunod na taon, batay sa payo ni Padre Pablo Ramon, rektor ng Ateneo
Tulang nagwagi ng unang gantimpala – 1879 : “A la Juventud Filipina” (Sa Kabataang Pilipino/To The Filipino Youth); dito binigyang-diin ni Jose na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan
Dulang nagwagi ng unang gantimpala: “El Consejo de los dioses” (Ang Pulong ng mga diyos/The Council of the gods); tungkol sa pag-aaway-away ng mga diyos at diyosa sa Bundok Olimpo sa kung sino kina Homer (Griyegong/Greek sumulat ng “Iliad” at “Odyssey”), Virgil (nagsulat sa Latin ng “Aeneid”) at Miguel de Cervantes (Kastilang nagsulat ng “Don Quijote de la Mancha”) ang pinakamahusay; nagwagi ito sa patimpalak/contest na inorganisa ng Liceo Artistico Literario de Manila para sa paggunita sa ika-400 taong kamatayan ni Cervantes
1880: Hinampas ng espada ng isang gwardya sibil; nagreklamo kay Gob. Hen. Primo de Rivera pero walang nangyari
1882: Nagpasyang sa ibang bansa na lang mag-aral dahil: 1. Di gaanong mahusay ang pagtuturo sa UST noon 2. May diskriminasyon sa UST; minamaliit ang mga Pilipino 3. Galit sa kanya ang mga Dominikano dahil sa pagtatatag niya ng Compañerismo (kapatiran/fraternity ng mga Pilipino) 4. Gusto niyang gamutin ang mata ng ina (mas maganda ang turo sa Europa)
Mayo 1882: naglakbay papuntang Europa, mula sa Maynila
Ruta mula Maynila (sa pamamagitan ng barko/ship): 1. Singapore 2. Colombo, Sri Lanka 3. Aden, Yemen 4. terminal sa Suez Canal (Ehipto/Egypt) 5. Italya 6. Pransya 7. Espanya (dumating: Hunyo 1882)
Unang sinulat sa Europa: Sanaysay/essay na “Amor Patrio” (Pag-ibig sa Bayan o Love of Country); gumamit ng sagisag-panulat o pen name na Laong Laan (“matagal nang inalay”) isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar, na gumamit naman ng pen name na Dolores Manapat; lumabas sa “Diariong Tagalog” (unang dyaryong Tagalog sa Pilipinas)
Nobyembre 1882: Pumasok sa Universidad Central de Madrid/UCM; kumuha ng kursong Pilosopiya at Letra at Medisina; habang nasa UCM ay umanib siya sa “Circulo Hispano-Filipino” at sa Masonerya o Freemasonry
Talumpati sa Madrid: binigkas sa karangalan nina Juan Luna at Felix Resureccion-Hidalgo, 2 pintor na Pilipinong nagwagi sa Pambansang Eskposisyon sa Sining (ng Espanya) para sa “La Spolarium” at “Virgenes Expuestas Al Populacho,” na parehong masining na tumuligsa sa masamang pamamahala ng mga Kastila
1884: Binigyan ng lisensya sa medisina; bago pumunta sa Paris, dinalaw muna ang mga kaibigan niyang sina Maximo Viola at Pardo de Tavera na nasa Barcelona
1885: Pumunta sa Paris, Pransya upang magsanay sa klinika ni Dr. Louis de Weckert; naging bahagi ng “La Solidaridad” (dyaryo ng Kilusang Propaganda)
Sa Alemanya/Germany: • Nakilala si Prof. Ferdinand Blumentritt (Austrian na ethnologist na nananaliksik tungkol sa wikang Tagalog) na siya niyang naging pinakamatalik na kaibigan/best friend • Nagsanay sa ospital na pangmata ng University of Heidelberg sa pamamahala ni Dr. Otto Becker • Habang nasa Heidelberg, sinulat ang tulang “A las Flores del Heidelberg” (Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg/To the Flowers of Heidelberg); nagpapakita ng pangungulila sa sariling bayan • Tinapos at pinalimbag ang “Noli Me Tangere” sa Alemanya; pinautang siya ng pera ni Maximo Viola (kaibigan niyang taga-San Miguel, Bulacan) para sa pagpapalimbag ng unang 2,000 kopya/sipi ng Noli; bago umuwi sa Pilipinas para alamin ang reaksyon ng mga Pilipino sa nobela, ay naglakbay muna siya sa Europa kasama si Maximo Viola
Unang Pagbalik sa Pilipinas: • Nanggamot at naging makatarungan sa paniningil (depende sa katayuan o status ng pasyente ang singil); nakilala bilang Dr. Ulliman (dahil nagsanay sa Alemanya) • Pinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero; pinag-iingat siya nito sa mga tumutuligsa sa Noli; binigyan siya ng gwardya (Jose Taviel de Andrade) • Tinuligsa ng mga prayle ang Noli: sumulat ng liham-pastoral si Padre Jose Rodriguez na pinamagatang “Caiingat Cayo” (Mag-ingat kayo/Beware!); pinag-iingat at pinagbabawalan niya ang mga tao na basahin ang sinulat ni Jose na diumano’y subersibo (laban sa gobyerno) at heretikal (kontra sa Simbahan) • Sinagot ni Marcelo H. del Pilar ng “Caiigat Cayo” (Maging Igat Kayo/Be Like Eels) ang batikos ni Rodriguez; pinayuhan niya ang mga tao na maging parang igat/eel (isang uri ng madulas na isdang mahirap hulihin) ang mga tao upang di sila mabitag o ma-trap sa kasinungalingan ng mga prayleng galit kay Rizal • Ipinagtanggol din ni Padre Vicente Garcia si Rizal • Nagpasya si Rizal na muling maglakbay sa ibang bansa upang mas malayang makakilos (sa Pilipinas, mahirap magsulat o bumatikos dahil malakas ang impluwensya ng mga prayle)
Ikalawang Paglalakbay ni Jose Rizal (mula Maynila): 1. Hong Kong – pumasyal sa mga Pilipinong taga-roon na gaya ni Jose Maria Basa na tumulong sa pagpupuslit o pagi-smuggle ng mga kopya ng Noli 2. Hapon – nakilala niya rito si O-Sei-San 3. Estados Unidos – nabiktima sila ng diskriminasyon; “bansang malaya ngunit para lamang sa mga puti,” ayon kay Rizal 4. Londres/London, Gran Britanya/Great Britain – nanaliksik sa malaking aklatan para ihanda ang anotasyon sa “Sucesos de las Islas Pilipinas” (Mga Pangyayari sa Kapuluan ng Pilipinas/Events in the Philippine Islands) ni Dr. Antonio de Morga; ang aklat na ito ay nagpapatunay na may sibilisasyon na ang mga Pilipino nang abutan o madatnan sila ng mga Kastila; dito rin niya sinulat ang “Liham sa mga Kababaihang Taga-Malolos” (Malolos, Bulacan; sinulatan niya ang mga babaeng taga-rito para ipakita ang kanyang paghanga at pagsuporta sa kanilang layunin na magpatayo ng paaralang pambabae roon) 5. Sa Belhika/Belgium – dito inilimbag (sa Ghent, Belgium) ang “El Filibusterismo,” ang karugtong/ sequel ng Noli Me Tangere; ang El Fili ay inalay niya sa Gomburza; pinautang siya ni Valentin Ventura upang ito’y ipalimbag 6. Sa Hong Kong ulit – para manggamot at makipagkita sa buong pamilya Rizal (dito sila nagpasko; kapapalayas pa lamang ng pamilya nila at ng iba pang pamilya ng mga magsasaka sa asyenda/hacienda ng mga Dominikano sa Calamba, Laguna; ayaw na kasing magbayad ng upa ni Don Francisco dahil sobrang taas na ang sinisingil); sandaling nanggamot din si Jose sa Hong Kong; habang narito, sumulat din siya kay Gob. Hen. Eulogio Despujol upang hilingin dito na dalhin o i-resettle ang mga taga-Calamba sa Sabah/North Borneo (ito ang tinawag ni Rizal na “Proyekto ng Kolonisasyon ng Borneo” na ibinasura lang si Despujol)
Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas: Bakit nagpasyang bumalik? 1. Para mapanatili ang pagkakaisa ng Kilusang Propaganda (nag-away-away sila noon sa Europa kung sino ang dapat maging pangulo nila, si Rizal o si del Pilar; umalis na lang si Rizal para maresolba ito) 2. Kakausapin niya si Despujol para alamin kung magbabago pa ang pasya nito 3. Itatatag niya “La Liga Filipina” (Ang Liga ng mga Pilipino/League of Filipinos) sa Pilipinas
Mga Nangyari sa Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas: 1. Itinatag niya “La Liga Filipina” noong Hulyo 2, 1892 sa bahay ni Doroteo Onjungco sa Tondo, Maynila (ang La Liga ay samahang sibiko para sa mga Pilipino na layuning magsulong ng mga reporma sa Pilipinas); isa si Andres Bonifacio sa mga orihinal na kasapi ng La Liga 2. Limang araw pagkatatag ng La Liga (Hulyo 7), ipinatapon (in-exile) si Rizal sa Dapitan, Zamboanga dahil sa mga sumusunod na dahilan: a. May nakuhang sipi ng “Pobres Frailes” sa unan ni Lucia (kapatid na kasama niya sa paglalakbay); ang babasahing ito’y anti-prayle/ kontra sa Simbahan (malamang na inilagay lamang ito sa bagahe ng magkapatid) b. Inalay ni Rizal ang “El Filibusterismo” sa Gomburza, kaya’t ito’y subersibo c. Diumano’y (allegedly) iligal daw ang La Liga Filipina 3. Hulyo 7, 1892 din: itinatag ni Andres Bonifacio at ng ilan pang kasapi ng La Liga Filipina, ang KKK/Katipunan (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan/ Supreme and Most Respectable Organization of the Sons of the Motherland) para simulan ang sikretong pag-oorganisa na hahantong sa armadong pag-aalsa/rebolusyon para mapatalsik ang mga Kastila at makapagtayo ng demokratikong gobyernong pinatatakbo ng mga Pilipino (para sa kanila, ang pagkapatapon ni Rizal ay senyales na wala nang pag-asa ang reporma sa ilalim ng mga Kastila at kung gayon, wasto na ang magrebolusyon)
Mga Nangyari sa Dapitan 1. Nagtayo siya ng paaralan para sa mga batang lalaki 2. Nagtayo ng patubig/irrigation system para sa mga magsasaka at mamamayang taga-Dapitan 3. Nakipagdebate (sa sulat) kay Padre Ramon Pastells (isang Heswita) tungkol sa mga usaping panrelihiyon 4. Sinulat ang tulang “Mi Retiro” (Ang Aking Pahingahan) bilang tugon sa hiling ng ina 5. Nakatuklas ng mga bagong specie ng palaka, tutubi/dragonfly at uwang/ beetle na malao’y ipapangalan sa kanya 6. Naglilok ng mga pigurin at estatwang bato atbp. 7. Tumanggap ng mga pasyente mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at ng daigdig 8. Nakilala at kinasama (live-in) si Josephine Bracken, na malao’y mistulang asawa na rin niya 9. Dinalaw siya ni Dr. Pio Valenzuela (sugo/emissary ni Andres Bonifacio) para alamin ang opinyon niya sa rebolusyong inoorganisa ng Katipunan; inalok siya ni Valenzuela na itakas para pamunuan niya ang rebolusyon, di pumayag si Rizal at sinabi rin niyang tutol siya sa rebolusyon dahil: a. Nangako siya sa mga Kastila na di tatakas sa Dapitan b. Hindi pa raw handa ang mga Pilipino (kulang sa armas atbp.) c. Wala pa raw pagkakaisa ang mga Pilipino d. Diumano’y hindi pa sanay mamahala ang mga Pilipino e. Marami raw madadamay na inosente 10. Sumulat si Jose kay Gob. Hen. Ramon Blanco para hilingin na payagan siyang pumunta sa Cuba para maging doktor sa Hukbong Kastila (Spanish Army; noo’y nagrerebolusyon na ang mga Cubano laban sa mga Kastila; ayon sa ibang aklat, sikretong plano ni Rizal na obserbahan ang taktikang gerilya/guerilla tactics na ginagamit ng mga Cubano laban sa Español)
Agosto 23, 1896: Nagsimula ang hayagang pag-aalsa ng Katipunan laban sa mga Kastila
Hulyo 1896: Pinayagan siya ni Blanco na pumunta sa Cuba; nakaalis ang bapor nila sa Maynila pero nasa Singapore pa lamang ang barkong sinasakyan niya’y muli siyang ipinaaresto (September 30). Nang makarating sa España ang kanilang barko ay inilipat siya sa isang barkong militar at ibinalik sa Pilipinas para ikulong sa Fort Santiago (sa loob ng Intramuros).
Disyembre 8, 1896: Pinamili siya ng magiging abogado niya sa isang listahan; pinili niya si Luis Taviel de Andrade
Disyembre 11, 1896: Binasahan siya ng sakdal/ipinaalam sa kanya ang mga ikinaso sa kanya: 1. Sedisyon o pag-uudyok ng pag-aalsa 2. Rebelyon o pagsulat ng aklat laban sa pamahalaan 3. Pagtatatag ng diumano’y lihim na samahan (La Liga)
Depensa ni Rizal at kanyang abogado: Walang kinalaman si Rizal sa pag-aalsa ng Katipunan, dahil tutol nga siya sa rebolusyon (nagpalabas pa nga siya ng manipesto para patunayan ito); hindi subersibo o sedisyoso ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil hindi naman ito itinago ni Rizal kaninuman, layunin lamang niyang isiwalat ang katotohanan; Lalong hindi lihim ang La Liga Filipina dahil alam na nga ng mga Kastila ang tungkol dito at wala ring ginawang labag sa batas ang La Liga (humihingi lamang ito ng reporma)
Paano nadiin si Rizal: Dahil sa pagbaligtad at pagtatraydor ng mga dati niyang kasamahan, mga kapwa Pilipino, lalo na si Dr. Pio Valenzuela (na nakakatawa ma’y siya pang nagdiin kay Rizal sa hukuman); galit na galit kay Rizal ang mga prayle dahil sa kanyang sinulat na nagsiwalat sa mga baho ng ilang miyembro ng Simbahan, kaya idiniin nila ito (gaya ng ginawa nila sa Gomburza), kaya kahit inosente’y hinatulan pa rin siya.
Disyembre 28, 1896: Nilagdaan ni Gob. Hen. Camilo Polavieja ang hatol/sentensya ng kamatayan ni Rizal
Disyembre 29, 1896: Sinulat niya ang kanyang huling tula: “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam/My Last Farewell)
Disyembre 30, 1896: Binaril sa Bagumbayan (Luneta) si Rizal, habang sumisikat ang araw sa silangan, namatay siya nang di nakita ang pagsikat ng araw sa silangan (ang paglaya ng Pilipinas), ngunit di kalabisang sabihing siya ang isa sa nagmulat ng sambayanan upang makita nito ang kanyang aping kalagayan at sa huli’y mag-alsa upang lumaya sa pagkaalipin.

MGA PAG-IBIG NI RIZAL 1. Segunda Katigbak – unang pag-ibig; kapatid ng kanyang kaibigang si Mariano; nakilala nang siya’y nasa UST; di gaanong matangkad, may mga matang nangungusap, kulay rosas na pisngi

2. Margarita Almeda-Gomez – ikalawang pag-ibig; taga-Pakil, Laguna; kayumangging kulay, kaakit-akit ang mga mata 3. Leonor Rivera – pinakadakilang pag-ibig ni Rizal; second cousin niya; si “Taimis”; pinaghanguan ng karakter ni Maria Clara; ikinasal sa British/Ingles na si Charles Henry Kipping 4. Jacinta Evardo Laza - si “Binibining L” 5. Leonor Valenzuela – kapitbahay sa Intamuros; kasulatan niya gamit ang asin at tubig; taga-Calamba; estudyante ng medisina 6. Suzanne Jacoby – nakilala sa Belgium; sandali lamang silang nagkaibigan ‘pagkat umalis din agad si Rizal para asikasuhin ang kaso ng pamilya sa Espanya 7. Gertrude Beckett – dalagang taga-London; kapamilya ng kanyang tinirhan doon; tumulong sa pag-aaral niya ng Ingles. 8. Magkapatid na Adelina at Nelly Boustead – noong una’y mas nagustuhan si Adelina na mas bata; si Nelly ay gusto rin ni Antonio Luna; dahil nangungulila kay Leonor (na nabalitaan niyang nagpakasal na), niyaya niya si Nelly na magpakasal; nagpatumpik-tumpik si Nelly dahil alam niyang nangungulila lang si Rizal kay Leonor at baka maging panakip-butas lang siya, isa pa, Protestante si Nelly at ayaw namang itakwil ni Rizal ang kanyang pagka-Katoliko. 9. Usui Seiko/O-Sei-San/O Sei Keio – nagturo ng wikang Hapon/Niponggo kay Rizal; muntik na rin niyang pakasalan kundi lang dahil sa bayan 10. Consuelo Ortiga y Perez – Kastila; inalayan ni Rizal ng tula; iniwan niya ‘pagkat gusto rin ni Eduardo de Lete na kanyang kaibigan 11. Josephine Bracken – itinuring niyang asawa; isang Irish; ampon ng isang Amerikanong taga-Hong Kong na nagpagamot kay Rizal; balingkinitan ang katawan at asul ang mata

Ang BATAS RIZAL (ligal na batayan ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni
Jose Rizal) • Batas ng Republika Blg. 1425 • Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956 • Ipinatupad ng Lupon sa Pambansang Edukasyon (Committee of National Education) noong Agosto 16, 1956 • Akda ni Sen. Claro M. Recto ang orihinal na bersyon (lolo ni dating Sen. Ralph Recto) • Binatikos ng ilang grupo at senador ang bersyon ni Recto kaya naglabas ng pamalit o substitute bill si Sen. Jose P. Laurel Sr. (na batay sa panukala nina Sen. Emmanuel Pelaez at Roseller Lim); ito ang naging Batas Republika 1425
Mga Tumutol sa Orihinal na Bersyon ng Batas Rizal • Sen. Decoroso Rosales (kapatid ni Arsobispo Rosales) • Mariano Cuenco (kapatid ni Arsobispo Cuenco) • Padre Jesus Cavanna • Sen. Francisco “Soc” Rodrigo • ilang grupo sa Simbahang Katoliko
Puna sa Orihinal na Batas Rizal • Nilalabag daw ang kalayaan sa pagpili ng relihiyon • Bahagi na raw ng nakalipas ang Noli at Fili kaya di na dapat pag-aralan pa • May 120 pahayag daw sa Noli laban sa Simbahang Katoliko
Pagtatanggol sa Batas Rizal • Pagpapalaganap ng nasyonalismo ang layunin ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni Rizal kaya walang masama rito • Hindi pa nalulutas ang mga suliraning panlipunang tinalakay ng nobela kaya kailangan pa rin itong pag-aralan
*Naayos ang gusot nang payagan ng bagong bersyon ng batas ang paggamit ng expurgated version ng mga nobela ni Rizal

Tatlong Pangunahing Probisyon ng

Batas Rizal • Pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pribado at publiko ng kursong tungkol sa buhay at mga sinulat ni Rizal lalo na ang Noli at El Fili • Pagpapalimbag at libreng pamamahagi ng mga orihinal at mga salin ng mga akdang ito • Pagpapanatili at pagpapalawak ng koleksyong Rizaliana sa mga aklatan sa bawat paaralan sa bansa

Paano pinili si Rizal bilang

Pambansang Bayani?
Pamantayan/Criteria sa Pagpili: 1. isang Pilipino 2. namayapa (patay na) 3. may matayog na pagmamahal sa bayan 4. may mahinahong damdamin (dapat ay ayaw sa rebolusyon, dahil noo’y sinasakop pa lang tayo ng mga Amerikano; kung rebolusyunaryo nga naman ang pambansang bayani, baka mag-alsa ang mga Pilipino laban sa kanila gaya ng nangyari noong panahon ng Kastila)
Ang Pinagpiliang Listahan: 1. Marcelo H. del Pilar 2. Graciano Lopez-Jaena 3. Hen. Antonio Luna 4. Emilio Jacinto 5. Jose Rizal 6. Emilio Aguinaldo* 7. Apolinario Mabini*
*Dahil sa bilang 2) at 3) ng pamantayan, inalis agad sa listahan sina Aguinaldo at Mabini, lalo pa’t para sa mga Amerikano, si Aguinaldo ay “mapusok” (nananawagan pa siyang ituloy ng mga Pilipino ang rebolusyon laban sa Amerikano, hanggang madakip siya sa Palanan, Isabela) at si Mabini nama’y “matigas ang ulo” (madali siyang nadakip siya ng mga Amerikano dahil lumpo; ayaw niyang manumpa ng katapatan sa simula sa mga Amerikano kaya pinatapon siya ng mga ito sa Guam; isa pa, nagpalabas din ng manipesto si Mabini, bago maaresto, na nagtatagubilin sa mga Pilipino na ituloy ang laban; pinatapon siya sa Guam sa takot ng mga Amerikano na maging simbolo siya ng rebolusyong Pilipino)
Ang mga nagpasya kung sino ang dapat maging Pambansang Bayani: 1. Commissioner William Howard Taft (malao’y naging pangulo ng Estados Unidos) 2. Morgan Schuster 3. Bernard Moses 4. Dean Worcester 5. Henry Clay Ide 6. Trinidad Pardo de Tavera* 7. Gregorio Araneta* 8. Cayetano Arellano* 9. Jose Luzurriaga* *Mga Pilipinong may lahing-Kastila; nang dumating ang mga Amerikano para tayo’y sakupin, sila ang kauna-unahang nagtaksil sa Rebolusyong Pilipino para makakuha ng pwesto sa ilalim ng gobyernong Amerikano sa Pilipinas • Imposibleng piliin si Antonio Luna, sapagkat anti-Amerikano na siya noon pa lamang; bago siya patayin ng mga kapwa Pilipinong tauhan ni Aguinaldo, siya ang nagbabala kay Aguinaldo na mag-ingat sa mga Amerikano • Malabo ring piliin si Emilio Jacinto sapagkat itinuring siyang “Utak ng Katipunan,” bagamat patay na siya noong panahon ng mga Amerikano (mayorya sa mga natirang kasapi ng Katipunan sa buong bansa ay nagpatuloy sa paglaban sa mga Amerikano hanggang madakip si Aguinaldo) • Halos kapantay lamang ni Rizal sina del Pilar at Jaena sa pagiging repormista (ayaw sa rebolusyon; bagamat nagpahayag si del Pilar na pabor siya sa rebolusyon bilang huling opsyon) ngunit lumamang si Rizal sa pagiging diumano’y mas dramatiko ng pagkamatay niya: siya’y binaril sa Bagumbayan, namatay naman sa tuberculosis si del Pilar at namatay rin sa sakit si Jaena (bagama’t kung tutuusin, dramatiko rin ang pagkamatay ni del Pilar na kaya nagkasakit ay sa kawalan ng perang pangkain; naubos ang kanyang pera sa paglalathala ng La Solidaridad na pangmulat sa mga Pilipino; namatay siyang isang pulubi sa Espanya). • Gayunman, isang bagay ang di pinagtatalunan, at hindi tinututulan maging ng mga umaayaw kay Rizal bilang pambansang bayani: ang kadakilaan ng kanyang panulat: ang pagsulat niya sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo na parehong de-kalidad na obra-maestrang tumatalakay sa mga suliraning panlipunan at nagmulat sa mga Pilipinong inaalipin ng Espanya. Walang nakapantay sa husay niyang magsulat para magmulat.

Inihanda ni: G. David Michael M. San Juan
Guro sa Filipino, Colegio San Agustin
Mataas na Paaralan
Hunyo 23, 2007

PAUNAWA: Dahil iba’t iba ang sangguniang ginamit, maaaring magkaroon ng kaunting minor discrepancy sa spelling atbp. kapag ikinumpara ang laman ng handout na ito sa ibang libro. Tandaan, ang mga libro man ay nagkakamali. Walang substitute sa pagbabasa ng lahat ng available na materyales.
Kung gagamitin itong reference, maaari itong i-cite sa ganitong paraan (MLA Style):
San Juan, David Michael M. Maikling Talambuhay ni
Jose Protacio Rizal. Makati: Colegio San Agustin, 2007.

Similar Documents

Premium Essay

Rizal

...We knew Rizal was our Philippine national hero but do you even wonder who Jose Rizal really is? Having this privilege to fully watch the documentary film about the life of a hero directed by Butch Nolasco made me think that it’s very rare to find such person who would give his own life knowing he have all those wealth and intelligence that others don’t have for the sake of his motherland and fellow citizens. If you would be dare to die for your country, will you have the courage to accept it given at this particular moment? That’s the question that surely most of us would decline, wouldn’t we? The documentary film of Jose Rizal shows his life starting from his young age up until the day he died. There featured all the information about his family, the schools and courses that Rizal entered and toke up, his travels across different nations, the particular people he had made friends with and those of his enemies as well, and of course his sacrifices he did for the success of the 2 novels that play an important role in the awakening of patriotism among Filipino patriots .It was also featured the women that Rizal had flings with. As I remembered Segunda Katigbak was Rizal’s First girlfriend while Leonor Rivera his cousin became his first love that lasted for 11 years until her parents arranged a wedding to Kipping. It’s a genuine frustration indeed for a person to be in that kind of situation. Despite Rizal is in the moment of great sorrow with how his relationship with...

Words: 691 - Pages: 3

Free Essay

Rizal

...Rizal sa Berlin (1886): Tag-lamig at ang Noli • Naghirap si Rizal dahil walang padalang pera mula sa Calamba at siya’y talagang wala ni isang kusing • Naibenta na niya pati mga aklat niya, hindi niya mabayaran ang renta, kumakain lamang siya isang beses isang araw (na tinapay, tubig at sabaw lamang), naluma ang kanyang mga damit at manipis na sa kagagamit, siya mismo ang naglalaba ng kanyang damit dahil wala na siyang pambayad • Nagkasakit si Rizal dahil sa lamig at nang magsimula ang kanyang pagubo ay natakot siyang maaring magkaroon siya ng tuberculosis • Rizal sa isang sulat sa isang kaibigan: “Hindi na ako nananalig na malalathala pa ang Noli Me Tangere noong nasa Berlin ako…Naroon ako sa puntong ibabalibag ko sa apoy ang aking akda bilang isang isinumpang bagay, nararapat lamang matupok…” Rizal at Viola (Disyembre1886): Noli Me Tangere • Naabutan ni Maximo Viola si Rizal na hulog ang katawan at yayat ang itsura at pinayuhan si Rizal na kulang lamang sa pagkain at walang tuberculosis pagkatapos eksaminin ang kalagayan ng kaibigan • Nagbalik ang pananalig ni Rizal sa sarili sa tulong ng aruga at pagtangkilik ng kaibigang si Maximo Viola Berlin (Pebrero 21, 1887): Noli Me Tangere • Natapos ni Rizal ang manuscript ng Noli Me Tangere 11:30 ng gabi Lunes Pebrero 21 1887 • Natanggap mula kay Paciano sa pamamagitan ng bayaw na si Silvestre Ubaldo ang 300 pisong hiningi niya (na nagastos niya sa pagkain at tirahan kayat walang natira para pagpapalimbag) • Nagalok si Maximo Viola na...

Words: 4101 - Pages: 17

Free Essay

Rizal

...Jose Rizal at the University of Santo Tomas Gian Linardo Mari T. Estrella  Enrolment at the University of Santo Tomas Even if Rizal liked painting much, he was not then intending to make art as his profession. He was not yet certain of what course to pursue. In his Memorias de un estudiante, he says that he was still undecided then about the university career he would follow as the school year 1877-1878 is nearing. Different authors of Rizal give different answers on what and who influenced Rizal in opting what course to take. It is the question of who made the final choice, he himself, his mother, his father, his brother or the Jesuits. Rizal tells us that his mother was worried about him pursuing a university career in Manila because of her ingenuity, or possibly her motherly instinct. His mother Teodora feared that Rizal would come to a bad end just as the fate of ilustrados before like Father Burgos. Buthe does not say in memorias de un estudiante, he did not specify what her mother preferred for him. His brother Paciano discouraged him from taking law, because of the belief that Rizal would not be able to practice that profession due to the political conditions that time. In his memorias de un estudiante, he recalls: “I enrolled in Metaphysics because, aside From the fact that I had doubts about the career I should follow, my father wanted me to study it (Metaphysics).”  Very likely, Don Francisco had pictured Rizal having a career in Civil Law. And due to this, Don...

Words: 2045 - Pages: 9

Premium Essay

Rizal

...José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda [1] (June 19, 1861 – December 30, 1896, Bagumbayan), was aFilipino polymath, patriot and the most prominent advocate for reform in the Philippines during the Spanish colonial era. He is regarded as the foremost Filipino patriot and is listed as one of the national heroes of the Philippines by National Heroes Committee.[2] His execution by the Spanish in 1896, a date marked annually as Rizal Day, a Philippine national holiday, was one of the causes of the Philippine Revolution. Rizal was born to a rich family in Calamba, Laguna and was the seventh of eleven children. He attended the Ateneo Municipal de Manila, earning a Bachelor of Arts, and enrolled in medicine at the University of Santo Tomas. He continued his studies at the Universidad Central de Madrid in Madrid, Spain, earning the degree of Licentiate in Medicine. He also attended the University of Paris and earned a second doctorate at the University of Heidelberg. Rizal was a polyglot conversant in twenty-two languages.[3][4][5][6] He was a prolific poet, essayist, diarist, correspondent, and novelist whose most famous works were his two novels, Noli me Tangere and El filibusterismo.[7]These social commentaries on Spanish rule formed the nucleus of literature that inspired peaceful reformists and armed revolutionaries alike. As a political figure, José Rizal was the founder of La Liga Filipina, a civic organization that subsequently gave birth to the Katipunan[8] led by Andrés...

Words: 3262 - Pages: 14

Premium Essay

Rizal

...Alonso-Realonda y Quintos, and dad, Francisco Rizal-Mercado y Alejandra, marry on June 28th. 1861 On June 19th José Rizal is born to become the seventh child born to his parents. Three days later Rizal was christenedwith the name Jose Protasio Rizal-Mercado y Alonso-Realonda. 1870 José begins school under the instruction of Justiniano Aquin Cruz at just nine years of age. 1871 José continues his education under the instruction of Lucas Padua. 1872 Rizal is examined by those in charge of college entrance to St. Tomas University in Manila; he enters the school system as a scholar. 1875 Rizal enters the Ateneo as a boarder at just 14 years of age. 1876 At the age of 15, Rizal receives a Bachelor of Arts Degree from the Ateneo de Manila. He not only receives this degree, but receives it with the highest honors possible. 1877 In June José begins to go to school at St. Tomas University in Manila where he studies philosophy. Writing Career 1877 In November Rizal writes a poem and receives recognition for his writing from the Royal Economic Society of Friends of the Country, also known as Amigos del Pals. The recognition comes in the form of a diploma of merit and honorable mention. 1878 In June Rizal decides to switch gears in his educational pursuits and transfers into the medical courses at St. Tomas University. During this time he also writes an additional two poems that win him further recognition. 1880 At the age of 19 Rizal writes another poem for a competition where...

Words: 750 - Pages: 3

Premium Essay

Rizal

...Reflections on Rizal - Three Thoughts Tiny Dancer Hero There is this idea that heroes inevitably reflect their country. When you think about it historical heroes exist as receptacles of a nation’s hopes and dreams. They are the guiding lights, the individuals who helped shape the nature of a people. Heroes are, in other words, can be considered the soul and conscience of a country. Their philosophies, ideals, and examples acting as the benchmarks for right collective action. That, as well, is why each generation must recast their nation’s heroes in new forms and view them in new perspectives. Heroes and their actions, much like all of history, are consistently up for reinterpretation. Without that process they will never be relevant. A disturbing question to ask is if our heroes are really relevant today. As a result, studying how our heroes are approached and constructed in the public sphere gives a country an understanding of who they are as a people. Heroes are a reflection of the values of a people. And if that is the case, as I strongly suspect it is, then the way we currently construct Jose Rizal (the way we approach him and his legacy) does not speak too well of us. There is something faintly disturbing about the fact that more is written, and known, in popular society (and pop history) about how many languages Rizal spoke (and how many women he supposedly bedded) than the importance of his annotated Morga. Or even that there is this pervasive sense of Rizal the Reformer...

Words: 1293 - Pages: 6

Premium Essay

Rizal

...The movie Jose Rizal which was excellently played by Cesar Montano as the lead role was a heartwarming one that shows how Rizal runs his life. While watching the movie, I felt mixed emotions given the fact that it was made to help us, Filipinos, understand what our national hero had done for the country. It shows how Rizal really love his mother country for him to sacrificed his own life. The film also works through a series of flashback showing Rizal as a genius, a write, a doctor, an artist, a lover, a friend, a brother, a son that gives texture to his character. It shows the great explanation of the Philippine history, the nationalism and heroism in a non-violent manner, though, there were times that the characters speak in Spanish language and I couldn’t understand it unless I will read the subtitles. I could also say that the other characters weren’t having any difficulties in reciting their Spanish lines. The actors’ dedication for the film is inevitable especially Cesar Montano who is very perfect for the role of Rizal. His values and great performance as the lead actor is impeccable and has a great impact on me as the audience of the said film. Also, the supporting casts like Jhong Hilario who played as Rizal’s servant, Jaime Fabregas as Rizal’s attorney did a great job on portraying their role fluently. They made it easy for me to understand the flow of the story. However, there are also negative comments that I must say about the movie. The plot was...

Words: 484 - Pages: 2

Premium Essay

Rizal

...Life of Jose Rizal JOSE RIZAL, the national hero of the Philippines and pride of the Malayan race, was born on June 19, 1861, in the town of Calamba, Laguna. He was the seventh child in a family of 11 children (2 boys and 9 girls). Both his parents were educated and belonged to distinguished families. His father, Francisco Mercado Rizal, an industrious farmer whom Rizal called "a model of fathers," came from Biñan, Laguna; while his mother, Teodora Alonzo y Quintos, a highly cultured and accomplished woman whom Rizal called "loving and prudent mother," was born in Meisic, Sta. Cruz, Manila. At the age of 3, he learned the alphabet from his mother; at 5, while learning to read and write, he already showed inclinations to be an artist. He astounded his family and relatives by his pencil drawings and sketches and by his moldings of clay. At the age 8, he wrote a Tagalog poem, "Sa Aking Mga Kabata," the theme of which revolves on the love of one’s language. In 1877, at the age of 16, he obtained his Bachelor of Arts degree with an average of "excellent" from the Ateneo Municipal de Manila. In the same year, he enrolled in Philosophy and Letters at the University of Santo Tomas, while at the same time took courses leading to the degree of surveyor and expert assessor at the Ateneo. He finished the latter course on March 21, 1877 and passed the Surveyor’s examination on May 21, 1878; but because of his age, 17, he was not granted license to practice the profession until December...

Words: 998 - Pages: 4

Premium Essay

Rizal

...Reaction on Dr. Jose Rizal Dr. Jose Rizal is one of the Filipino heroes and he is the very famous enthusiast of the changes in the Philippines in the time of Spaniards invasion. He recognizes as one of the primary hero and selected as one of the national hero of the Philippines. Rizal was a great writer, he is a poet and novel writer, he wrote two novels the Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Thesew were very harsh indictments of Spanish tyranny and of the church which came to acquire immense political power. He founded the La Liga Filipina one organization that became way instead of integrality aggregation leaded by Andres bonifacio, one of the secret organizations that started a filipino rebellion against Spain that became fundamental of first republic of the Philippines under Emilio Aguinaldo. He is mainstay of having the Philippines own government in peaceful way instead in blustery rebellion, and just support the violence as the lasted resorted. He believe that the only reason of liberation of the Philippines and having own government was returning reputation of the citizens. Jose Rizal was the Filipino hero who sacrifice his life to gain the aspire freedom for the Philippines . Even we can say that he did not fight using sword but he fight using pen. And because of what he did, his life became miserable. His novel entitled Noli Me Tangere and El Filibusterismo was the reason why Spaniards displeasure him. I can say that Jose Rizal is a tough; he can face...

Words: 359 - Pages: 2

Free Essay

Rizal

...Rizal Sa Dapitan Rizal Sa Dapitan A Film Analysis There are only a few people who are able to stand up and fight for what is right. Only few can get the courage and believe that there really is hope if we all just fight for our rights, our beliefs and our country and one of these people showed Filipinos that we are not inferior and that we deserve a life that is the same as others. Our national hero, Dr. Jose Rizal, opened our eyes and fought for our freedom even if it means endangering himself and his family. He knew the consequences of his actions yet he still continued and never gave up the fight and stood till the very end. Being exiled in Dapitan is not really a haven for him, it was a prison, a place where he is away from his family and friends, where he felt sad and alone and still made the most out of it. Rizal Sa Dapitan is probably the one that stands out from the other Rizal movies that I know since it was very specific, focusing only on Rizal’s exile in Dapitan, Zamboanga del Norte. It gave viewers a quick glance of what life was like when our national hero was in a remote place and how did he cope up not only with the lifestyle in Dapitan but with his separation from his family. The film was able to depict how he used his talents and intelligence to help the small community in Dapitan and impart knowledge to young men. He made an irrigation system; he planted plants and crops, raised chickens and cure those who are sick. Even if our hero is in a remote place...

Words: 380 - Pages: 2

Premium Essay

Jose Rizal

...JOSE RIZAL JOSÉ PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONSO REALONDA (born 19 June 1861, Calamba, Philippines- died 30 December 1896, Manila, Philippines), patriot, physician and man of letters whose life and literary works were an inspiration to the Philippine nationalist movement. Rizal was the son of a prosperous landowner and sugar planter of Chinese-Filipino descent on the island of Luzon. His mother, Teodora Alonso, one of the most highly educated women in the Philippines at that time, exerted a powerful influence on his intellectual development. He was educated at the Ateneo de Manila and the University of Santo Tomas in Manila. In 1882, he went to study medicine and liberal arts at the University of Madrid. A brilliant student, he soon became the leader of the small community of Filipino students in Spain and committed himself to the reform of Spanish rule in his home country, though he never advocated Philippine independence. The chief enemy of reform, in his eyes, was not Spain, which was going through a profound revolution, but the Franciscan, Augustinian and Dominican friars who held the country in political and economic paralysis. Rizal continued his medical studies in Paris and Heidelberg. In 1886, he published his first novel in Spanish, Noli Me Tangere, a passionate exposure of the evils of the friars rule, comparable in its effect to Harriet Beecher Stowe's Uncle Tom's Cabin. A sequel,El Filibusterismo, 1891, established his reputation as the leading spokesman of the...

Words: 1947 - Pages: 8

Premium Essay

Rizal Law

...RIZL11 - LIFE AND WORKS OF RIZAL RIZAL LAW (Batas Rizal) REPUBLIC ACT NO. 1425 AN ACT TO INCLUDE IN THE CURRICULA OF ALL PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS, COLLEGES AND UNIVERSITIES COURSES ON THE LIFE, WORKS AND WRITINGS OF JOSE RIZAL, PARTICULARLY HIS NOVELS NOLI ME TANGERE AND EL FILIBUSTERISMO, AUTHORIZING THE PRINTING AND DISTRIBUTION THEREOF, AND FOR OTHER PURPOSES. WHEREAS, today, more than any other period of our history, there is a need for a re-dedication to the ideals of freedom and nationalism for which our heroes lived and died; WHEREAS, it is meet that in honoring them, particularly the national hero and patriot, Jose Rizal, we remember with special fondness and devotion their lives and works that have shaped the national character; WHEREAS, the life, works and writing of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, are a constant and inspiring source of patriotism with which the minds of the youth, especially during their formative and decisive years in school, should be suffused; WHEREAS, all educational institutions are under the supervision of, and subject to regulation by the State, and all schools are enjoined to develop moral character, personal discipline, civic conscience and to teach the duties of citizenship; Now, therefore, SECTION 1. Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novel Noli Me Tangere and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools, colleges and universities...

Words: 685 - Pages: 3

Premium Essay

Jose Rizal

...RIZAL SA DAPITAN The movie “Rizal sa Dapitan” shows Rizal’s life in exile in the said place before his execution. During his exile, he refused to just mope around and wait for his freedom. Instead, he made his exile in Dapitan very fruitful as much as possible. For fruitful leisure, he planted several kinds of plants, made an irrigation system, and sculpted. He offered free medicinal check-ups for the locals and even performed a surgery on his mother, blinded by a severe cataract, when she and Jose Rizal’s sisters left from Hong Kong to visit him. He became a local teacher or “maestro” for the young boys, offering free education for the less fortunate. And of course, like any other young man, he fell in love and got married to an Irish-American who came from Hong Kong to Dapitan, Josephine Bracken, who asked for help to cure her blind father. Towards the end of the movie, a fellow doctor and a member of the KKK, Pio Valenzuela, visited him to ask for advice on their planned “revolution”. But since the colony was not yet ready for a revolution, he just advised that the KKK should first stock up on armory and weapon through their rich fellow countrymen and train for battle. By watching the movie, I learned more on the life of our national hero. I was even able to establish the “good and bad” about our beloved Jose Rizal. For the “bad”, I can only think of one thing. During Josephine’s pregnancy, Jose Rizal’s sister, Maria, accused Josephine as a spy sent by the wicked friars...

Words: 338 - Pages: 2

Premium Essay

Ust Rizal

...AT THE UNIVERSITY OF SANTO TOMAS 1877 – 82 2 courses enrolled at UST * Philsophy and Letters (1877 – 1878) * Medicine Mother’s Opposition to Higher Education * Don Francisco and Paciano wanted Jose to pursue higher learning * Dona Teodora opposed this RIZAL ENTERS THE UNIVERSITY April 1877, Rizal at 16 years old, entered University of Santo Tomas 2 reasons why he enrolled Philosophy and Letters * His father liked it * He was not sure what career to pursue FATHER PABLO RAMON - Rector of the Ateneo, Rizal asked for advice on the choice of career Rizal studied Cosmology, Metaphysics, Theodicy, and History of Philosophy He took up a medical course 1878-1879 because; * he followed Ateneo Rector’s advice * wanted to be able to cure his mother’s growing blindness FINISHES SURVEYING COURSE IN ATENEO 1878 * He took a vocational course in Ateneo during his first term in UST * The course lead to the title perito agrimensor (expert surveyor) * He passed the final examination at the age of 17 * He was granted the title on November 25, 1881 * His loyalty to Ateneo continued * President of the Academy of Spanish Literature * Secretary of the Academy of Natural Sciences * Secretary of the Marian Congregation ROMANCES WITH OTHER GIRLS * SEGUNDA KATIGBAK * 14 yr. old Batanguena and engaged to Manuel Luz * “MISS L” * A girl with seductive eyes. The romance died a natural...

Words: 2619 - Pages: 11

Premium Essay

Rizal Bibliography

...of Jose Rizal The Birth of a Hero: Born On June 19, 1861, Seventh of the 11 Children of Theodora Relonda and Francisco Mercado Real Name: Jose Protacio Alonzo Mercado Rizal y Realonda Rizal as a Child: Age of 3 – learns his alphabet from his mother. Age of 5 – learns how to write and read. Age of 8 – wrote his first poem “ Sa aking mga Kababata “ 11 Children of Francisco and Theodora Saturnina ( 1850 – 1913 ) - eldest child of the family. Paciano ( 1815 – 1930 ) - Older brother of Jose Rizal. Narcisa ( 1852 – 1939 ) - also called as “Sisa” and the third child of the family. Olimpia Rizal ( 1855 – 1887 ) - a telegraph operator in Manila. Lucia ( 1857 – 1919 ) - married to Mariano Herbosa of Calamba. Maria ( 1859 – 1945 ) - also called as “Biang”. JOSE ( 1861 – 1896 ) ( The greatest hero and Philippine encyclopedia ) - also called as “Pepe”. Concepcion ( 1862 – 1865 ) - also called as “Concha”. Died at the age of 3 due to a serious case of illness. Josefa ( 1865 – 1945 ) - also called as “Panggo”. Trinidad ( 1868 – 1951 ) - also called as “Trining”. Soledad ( 1870 – 1929 ) - youngest member of the family. She marry Pantaleon Quintero of Calamba. The Hero’s Pain Rizal is very sad when his sister concha died, because concha is very close to him, they play together and do other stuffs together. Concha died at the age of 3. The story of the Moth This is the story of Thoedora to Rizal, he made...

Words: 801 - Pages: 4