Free Essay

Rizal

In:

Submitted By geladax21
Words 3721
Pages 15
Isang pagsusuring pampelikula ni Marilou Diaz-Abaya sa pagdulog na historikal- bayograpikal

I. Pamagat
Sabi nga ng mga batikan nating direktor sa industriya gayundin sa larangan ng paggawa ng mga pelikula’t dokumentaryo, ang pamagat o ang titulo nito ang siyang pangunahin at huling elemento na kinakikitaan ng malaki at masusing pagkikritiko upang mabigyan ito ng mahusay na pagpapahalaga.
Dito rin nakasalalay ang kabuuan ng istorya at hugis nito upang maihatid sa mga manunuod ang tunay o awtentikong pagpapakahulugan nito.
Samakatwid, sa pelikulang pinanghawakan ni Abaya, ang “José Rizal” ay isang makapangyarihan at maipluwensiyang obra sapagkat matapang at puro ang intensyong ginamit nito upang mahikayat ang mga tao sa panunuod lalo na’t maraming mga mananaliksik at Rizalista ang naglalayong mas makilala ang pambansa nating bayani. Mabuti na lamang at patuloy pa rin ang pag- usbong ng mga ganitong direksyon sapagkat mas maimumutawi sa ating mga Pilipino ang tungkol sa mga bagay- bagay na siyang bumubuhay sa ating kasaysayan.
II. Paksang Diwa
Dito naipakita ang buhay ng ating Rizal gayundin ang relasyon nito sa kaniyang mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere.
Maliban rito ay napaisantabi rin ang mga pangarap niya para sa bansa, ang pagsasakripisyo niya para sa taong bayan, ang padungis nito sa katauhan para sa pagmamahal at sa pag- iwan nito sa Inang bayan at pamilya para sa edukasyon, karangalan at pagbuo ng isang lipi na maglalayong pakawalan ang bansa sa bisig ng mga mapanirang- puri at mapagmalabis na Kastila.
Sa pagkakatapon niya sa Dapitan ay maraming pagmumuni ang naipahatid sa atin. Bagamat naging usap- usapan ito sa mahabang panahon at hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman ang kung anong kahiwagahang batid nito sa ating pagkatao ay patuloy itong namayani sa kaisipan at nagsilbing inspirasyon sa ating mga Pilipino upang kilalanin, purihin, patayin at muling buhayin si Rizal sa ating mga diwa.
Alam naman na ’ting lahat na malaki ang naiambag ni Rizal sa ating pambansang kalayaan gayundin sa pagkamit natin sa mga makataong karapatan kaya naman ay mataas din ang naging estado at personalidad nito sa pagkakakilanlan- sa Madrid, Belgium, Italya, Pransiya, Espanya at sa iba’t ibang panig ng mundo. Tunay ngang si Rizal ay isang dignitaryo ng ating panahon na kailanman ay hindi mawawalan ang bawat isa sa atin ng rason upang makalimutan at hindi pag- aralan ang kaniyang buhay magkagayong wala pa tayo sa kalingkingan nito.
III. Mga Nagsiganap
Mga pangunahing tauhan:
 Cesar Montano – siya kumbaga ang “highlight” ng pelikula sapagkat binig- yan niya ng dyastipikasyon ang kaniyang karakter bilang pambansa nating bayni, si Rizal. Masasabi kong naging magaling ang kaniyang pagtanggap sa karakter. Sa kaniyang katauhan din umikot ang kabuuan ng istorya.
 Joel Torre – bilang si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere at Simon ng El Filibusterismo. Siya ang nasa isip ng panahong nasa Dapitan siya at gumagawa ng kaniyang mga nobela na siyang gagamitin laban sa mga Kastila.
 Gloria Diaz – siya ang ina ni Rizal, si Aling Lolay, na ipinakita ang wagas na pagmamahal sa anak hanggang sa kahuli- hulihan ng hininga nito. Bagamat isang matanda ang kailangan nitong ganapin ay naisagawa niya ang karakter nang maayos at taos sa puso.
 Jaime Fabregas – siya ang abogado ni Rizal na si Luis Taviel de Andrade na naging daan upang bigyang pag- asa ang nagdidilim na pananaw ni Rizal sa mga oras na ito’y wala sa piling ng pamilya at gayundin sa minamahal niya.
 Chin-Chin Gutierrez – siya ang Britanya? o Ingles? na kasintahan ni Rizal. Siya’y isa sa mga babaeng pinagmulan ng mga isyung hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinutuligsa at ang pinakamainit at matindi rito ay ang usaping retraksyon, kung siya nga ba ay tumiwalag sa malaya nitong paniniwala at sumapi sa relihiyong Katoliko dahil sa pag- ibig.
 Mickey Ferriols – siya si ____ na naging inspirasyon ni Rizal sa paggawa ng mga komposisyon at tula. Siya rin ang pumukaw sa damdamin nitong manghina lalo nang malaman ni Rizal ang tungkol sa pagpapakasal nito sa isang dayuhang hindi niya mahal.
 Gardo Versoza - si Andres Bonifacio na naging katuwang ni Rizal sa pagkakaroon ng “cold war” o isang uri ng paghihimagsik gamit ang pananalita o panulat ngunit nang maglaon ay nag- iba ito ng taktika at sinabing kailangan ng gumamit ng armas upang mapuksa ang kasamaan ng mga Kastila sa ating mga Pilipino.
Iba pang mga tauhan:
Peque Gallaga, Ronnie Lazaro, Nonie Buencamino, Tanya Gomez, Dominic Guintu, Crispin Medina,Tony Mabesa, Alexis Santaren, Chiqui Burgos, Rowena Basco, Marco Sison, Joel Lamangan, Tony Carreon, Roeder, Richard Quan, Cristobal Gomez, Nanding Josef, Ryan Eigenmann, Ogie Juliano, Minco Fabregas, Shelby Payne, Pocholo Montes, Jesus Diaz, Karl Meyer, LJ Moreno, Bhey Vito, Toto Natividad, Dennis Marasigan, Gregg De Guzman, Eddie Aquino, Kokoy Palma, Pen Medina
IV. Kakintalan
Si Rizal na ata ang taong hindi tumigil ang pag- ikot ng mundo sa piling ng mga problema. Halos lahat ng kaniyang naranasan sa buhay ay puro hinanakit at pagpapakasakit. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda ay parang naitalaga na ang kaniyang sarili sa isang mahirap at napakalaking misyon- ang pagkamit ng K-A-L-A-Y-A-A-N para sa libu- libong Pilipino.
Ang masasabi kong pinakamasukdol na nangyari sa buhay ni Rizal ay ang pagkaipit niya sa sitwasyong siya’y nakikipagtalo sa kaniyang sarili tungkol sa nasimulan, ang panahong nalaman niyang siya’y iniwan ni ____ at higit sa lahat, ang pagtanggap niya nang lubos sa madayang hatol ng kolonya ng Espanya na nagawa nitong ngumiti sa kabila ng kaniyang nalalapit na sandali. Sa mga kaganapang ito ay aking napagtanto ang hirap at dami ng sakripisyong kaniyang ginawa para sa bansa. At ako’y nalulungkot dahil sa lalim ng pinaghuhugutang hangarin ay wala itong naging karamay sa mga panahong siya’y nag- iisa at naghahanap ng kalinga mula sa pamilya, sa minamahal at gayundin sa sambayan.
V. Musika
Malaki ang naging impluwensiya ng musika rito sa ating pelikula sapagkat nabigyan ang bawat eksena ng makulay na interpretasyon. Kumbaga, ito ang siyang naging daan upang madala ang bawat manunuod sa kung ano ang dapat maramdaman nito.
Bilang isang opisyal na kandidato para sa “Panorama, Berlin International Film Festival 1998, ito ay nagkamit ng mga gantimpalang “BEST SOUND”, “BEST MUSIC” at “BEST SONG” na siyang nagpapatunay sa kahusayan ng mga Pinoy sa pagbuo at pagsasaayos ng mga ganitong awitin.
VI. Implikasyon sa Lipunan
Marami ang naging epekto nito sa ating lipunan lalo na sa ating mga mamamayan. Si Rizal na ating modelo ay nagsilbi ring panginoon sa iba nating kababayan - isang pagpapakahulugan na ang ating pambansang bayani ay patuloy pa ring namamayani sa ating mga puso’t diwa. Hindi lamang ito sapagkat naging piso rin si Rizal at naging imprenta sa samut saring kagamitan magmula sa kasuotan, poster, aksesorya, antique at maging sa adbertisismo.
Talagang napakalakas ng tama natin kay Rizal, na tila isa siyang lambanog na nagsusumamo sa ating lalamunan habang tumatagal. Ganoon din si Pepe sapagkat hindi nawala sa kaniyang listahan ang pagkamit ng kalayaan para sa bansa.
VII. Rekomendasyon
Rizal… Rizal…Rizal… bukambibig araw- araw pero ang tanong, kilala mo ba siya?
Ito ang siyang dapat malaman natin nang sa ganuo’y maliwanagan tayo sa ating mga pananaw tungkol sa kaniya. Maliban na lang kung ayaw mo talaga. Pero isang malaking realisasyon at pagbabago ang sa ating buhay ang magaganap kung pag- aaralan natin ang buhay niya. Hindi ko sinasabing siya’y inyong panigan sapagkat kayo mismo ang magbibigay kritiko sa kaniya kapag inyong napanuod ang pelikula gayundin sa pagbabasa ng kaniyang sulatin at mga ilang libro na ‘related’ sa kaniyang pagkatao. (Halimbawa: Rizal Without the Overcoat ni Ambeth Ocampo at Life and Works of Rizal ni Gregorio F. Zaide)
Isa rin na dapat nating isaalang- alang ay ang pagkakaroon natin ng malaya at malikhaing daloy ng pag- iisip kay naman ay huwag nating palampasin ang ganitong pagkakataon na siya’y ating ipagtanggol sa mga pagtuligsa tungkol sa kaniyang tunay na hangarin para sa bansa.
Panahon na siguro upang tayo’y magbalik- tanaw at siya naman ang bigyan natin ng pagpapahalaga gaya ng ginawa niya para sa atin noong nabubuhay pa siya.

Bayaning Third World

Isang pagsusuring pampelikula ni Mike de Leon sa pagdulog na historikal- bayograpikal at surealismo

I. Pamagat
Alam naman nating lahat na sa ‘third world category’ nabibilang ang ating bansa. Ibig sabihin nito, tayo ay nasa uring pasulong pa lamang ngunit naghihirap pa rin. Magkagayon man ay pinipilit o mas mabuting sambitin kong, ginagawa natin ang lahat upang makamit ang mga nakalaang hangarin at pangarap para sa bansa, gaya ng ginawa ni Rizal upang makapag- ambag ng kaunlaran sa Inang Bayan.
Tulad sa sistema ng hurado, may mga prosesong dapat alamin at isaalang- alang. At kung titingnan ito mula sa pelikula ay may naiungkat na bagong pagkatao ni Rizal na siya naman itong kinikritiko nang taliwas sa hindi dapat maisip ng tao. Ika nga ng mga historiko, isa itong ‘alter ego’ na siyang nagpabago sa isipan nating lahat at magpapabago pa sa pananaw ng mga susunod na henerasyon.
Samantala, itong mga maliliit na impormasyon na siyang nakalap dahil sa tulong na rin ng ating mga mananaliksik ang ating magiging susi sa pagtuklas ng malalaki at ebidenteng mga bagay na maaaring makatulong upang malaman ang buong istorya ng ating pambansang bayani na magpahanggang sa ngayon ay itinuturing pa ring isang misteryosong pigura at imahe sa mata ng nakararami.
II. Paksang Diwa
“A film within a film yet not cinematic enough”
Ito ang masasabi ko tungkol sa pelikula.
Lahat tayo ay naglalayong makilala ang ating pambansang bayani kahit sa anong paraan. At ganito nga ang ginagawa ng ating mga manunulat, historiko at mga ‘film makers’ na ang tanging dahilan ay maihatid uhaw ang kanilang interes at kagustuhang mapalapit kay Rizal.
Sa pelikulang nasaksihan ay tinalakay ang iba’t ibang elemento na siyang sumasaklaw sa kalagayan ng ating bansa sa panahong tayo’y sinakop ng mga Kastila. Dito rin naipakita ang kagitingan at buong tapang pagharap ni Rizal sa mga dayuhan upang puksain ang pwersa nila nang sa ganoon ay magkaroon ng kalayaan sa bansa.
Samantala, may mga ilang eksena sa palabas na waring ang tauhan ay nagiging persona o nakakausap nito ang mga tao sa hinaharap ( tumuturo sa mga film makers) gayong ang ginaganap na karakter ay maaaring patay na o ‘di kaya’y galing sa nakaraan. At ito ang siyang ‘twist’ ng istorya na nagbigay kulay at bagong pakahulugan upang mas maibigan at maintindihan ng mga manunuod.
III. Mga Nagsiganap
Mga pangunahing tauhan:
 Ricky Davao at Cris Villanueva – Film makers
Sila ay mga direktor na gumagawa ng mga “films- in- progress” at isa na nga rito ay ang tungkol sa buhay ni Rizal na kung saan ay binusisi nang detal yado ang mga isyung nakadikit sa kaniyang pagkatao.
Samantala, sa kalagitnaan ng pelikula ay may mga katanungang unti-unting umusbong na siya naman itong nagsilbing gabay para malaman ang mga mahahalagang bagay tungkol sa natatangi nitong istorya- ang kahigawahan at kakalasan ng bawat sulok sa buhay ni Rizal.
 Joel Torre - Jose Rizal
Sa kaniya nasukat ang katibayan ng pelikula kung ito ba’y “relevant” o hindi tugma at angkop sa pagkakasunud- sunod ng kwento. Siya si Rizal na nagbigay pangaral tungkol sa kaniyang ‘di matapos- tapos na usapin na pagsapi sa relihiyong Katoliko.
 Dario Ramirez - Doña Teodora
Malaki ang naging kontribusyon ni Aling Lolay o ni Doña Teodora sa buhay ni bayani sapagkat siya ang naging susi upang patuloy na ipaglaban ang nasimulang misyon ng anak.
 Rio Locsin – Trining
Kumbaga, siya ang naging kasa- kasama ng ina ni Rizal habang nasa Madrid ito at noong mga panahong ito’y ipinatapon sa Dapitan. Siya rin kuno ang kontrabida sa buhay ni Josephine Bracken sapagkat lagi itong ‘di pabor lalo nang malamang sila’y ikakasal ng kapatid na si Rizal.
 Cherry Pie Picache – Narcisa
Kaisa- isang miyembro ng angkang Rizal na sumang- ayon sa pag- iibigang wagas nila Rizal at Josephine Bracken.
 Jooney Gamboa – Paciano
Siya ang nagpasimuno at nagplano lahat mula sa pag- alis ng kapatid na si Rizal papuntang Madrid, sa pag- aaral nito ng medisina hanggang sa pagtataguyod nito ng malawakang pagtanggi sa pamamalakad sa atin ng mga Kastila noon.

 Lara Fabregas - Josephine Bracken
Siya ang babaing minahal ni Rizal na pinagmulan rin ng mga isyung nakaa-kibat sa buhay ng bayani. Sinanasabing siya raw ay isang espiya ng pamahalaang Espanya upang mahikayat si Rizal na tumiwalag at maging isang Katoliko nang sa ganuo’y hindi mahirapan ang kanilang hukbo sa pagsakop sa ating bansa.
 Ed Rocha - Padre Balaguer
Isang misteryosong karakter na naging daan upang masaksihan ang ginawang pagtiwalag ni Rizal sa relihiyong mayroon ito kapalit ang bagong sandata na Katolisismo.
IV. Kakintalan
Masasabi kong ang pinakamataas na eksenang naibuhos mula sa pelikula o nitong “peak” ay ang kaganapang kinailangang magtalu- talo ng mga direktor upang makabuo ng isang palabas na siguradong tatangkilikin ng mga manunod gayong si Rizal, ang pambansa nating bayani, ang siyang mangunguna.
Alam naman nating lahat na pagdating kay Rizal ay wala tayong masyadong nakalaang interes o motibo para siya’y pag- aksayahan ng oras kasi isa rin siyang ordinaryong nilalang gaya natin. Ngunit kung atin lamang pagtutuunan ng pansin ang kaniyang mga pinagdaanan ay masasabi nating higit pa siya sa pagka- ordinaryo sapagkat marami bagay ang siyang sinakripisyo para sa ating bayan at ito ang kaniyang pamilya, pagkatao at pag- ibig.
Marahil ay ito na nga ang pinakamahirap na pagkakataong maaaring pagdaanan ng isang tao sa kaniyang buhay ngunit hindi tulad ng dinanas ni Rizal ay natatangi ang tapang at katatagan na kaniyang ipinakita kaya naman ako mismo ay humahanga sa kaniyang kagitingan at lubos na pagmamahal sa Inang Bayan kahit sa kabila ng mga problema at ng malaking ekspektasyon mula sa kaniya.

V. Musika
Tulad ng bawat parte ng ating katawan, ang musika o tunog ay may malaking epekto o kontribusyon sa ating pagkatao gayundin pagdating sa paggawa ng mga pelikula. Ang musika ang siyang nagbibigay himig at melodya sa palabas at dahil dito ay mas nahihikayat ang mga manunuod na ito’y pagtuunang pansin.
Ang musika ang siya ring bahagi ng isang pelikula upang makumpleto ang daloy ng kwento. Ito kasi ang nagbibigay ng aliw sa mga sandaling ang daratnan nito’y isang ‘dead air’ na eksena.
VI. Implikasyon sa Lipunan
Hindi na natin maiaalis sa ating bukabolaryo ang pangalan ni Rizal. Siya ang, sabihin nating, pinaka- esensya ng ating pagka- P I L I P I N O dahil kung hindi rin sa kaniya ay hindi natin maipaglalaban ang ating mga karapatan na sinupil ng mga manlulupig. Siya nga ang nagsilbi nating inspirasyon upang ipagpatuloy ang nasimulan nating hangarin at ito nga ay ang pagpapalaganap ng katiwasayan sa ating bansa sa pamamagitan ng hindi pag- oorganisa o pagbuo ng himagsikan kundi pagkakaroon ng pang- unawa at ‘di biolenteng kilusan.
Isa pang implikasyon nito sa ating komunidad ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang kaisipan hinggil sa karakter niya. May mga nagsasabing siya’y isa na lamang anino mula sa nakaraan na kailangan ng kalimutan at may nagsasabi ring malaki ang naging utang na loob sa kaniya kaya dapat siya’y maging parte ng ating mga buhay.
Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit labis na iniindorso ng gobyerno ang kaniyang mga obra magkagayong sa simbahan ay hindi. Ito ba’y may kinalaman sa hindi niya pagsanib sa Katolisismo o hindi talaga saklaw ng simbahan ang tungkol sa kaniya?
Madami pa nga talaga tayong dapat malan tungkol sa kaniya…
VII. Rekomendasyon
Sadyang ang pangalang Rizal ay hinahamak sa panahong yaon. ‘Ni hindi alam ng karamihan kung saan at kailan ito pinatay. Ang nakakatawa pa’y hindi rin alam ang buong pangalan nito. Ha’ay, ang buhay nga naman, nabahiran lang ng konting limos ng teknolohiya ay tila nakalimutan na ang kasaysayang mayroon tayo.
Teka nga, si Rizal ba’y isang kasaysayan o isa na lamang ba siyang mantsa sa ating mga isipan na hindi matanggal- tanggal kahit anong gawin natin? Siguro nga, pero hindi tulad ng sa bibliya na pagkapanganak pa lamang natin ay makasalanan na tayong ganap. ‘Speaking of’, nag- retract nga ba si Rizal? Ano sa tingin niyo? Pwes, para sa akin ay…
Bibitinin ko na lamang kayo ‘pagkat mas maiintindihan ninyong mabuti ang lahat ng pangyayari sa buhay ni Rizal kung inyo’y itong mapapanuod o ‘di kaya’y mabuklat sa sandamakmak na librong nakakalat sa ating mga aklatan.
Ganyan kasikat si Rizal, ‘ni ultimo sa ‘fasion industry’ ay kaniyang napasok. Paano pa kaya sa panahong makinarya na lamang ang nagpapaandar ng ating pag- iisip at katawan?

Rizal sa Dapitan

Isang pagsusuring pampelikula ni Tikoy Aguiluz sa pagdulog na historikal- bayograpikal

I. Pamagat
… Rizal sa Dapitan …
Sa pamagat pa lamang ay mauunawaan na natin ang kung ano ang nais ipamutawi sa atin ng pelikula. At gaya ng nabanggit, sa Dapitan halos nabuo ang kaniyang mga nobela kung saan ito ang siyang kaniyang ginamit upang ipaglaban ang ating karapatan sa ating lupang tinubuan gayundin sa iba pang mga karapatan lalo na ang usaping diskrimasyon na kung saan halos lahat ng tao sa panahon ng kanilang pananakop ay tinatawag na indio o mababang uri o klase ng tao sa lipunan. Magkagayon pa man, dahil sa kagustuhan nating ipagtanggol ang mga sarili ay nanatili tayong mapagpanggap ngunit sa maayos na pamamaraan. Sa bandang huli ay nagpakatotoo tayo at doon iniwaksi ang lahat ng ating mga hinaing gaya ni Rizal na ang tanging isinisigaw ay
K A L A Y A A N at H U S T I S Y A sa pagkamatay ng libu- libong inosenteng Pilipino.
II. Paksang Diwa
Ipinapakita ng bahaging ito kung paano mas pinahirapan ang mga salat sa buhay na siyang pinakamarami sa Pilipinas at ito ay sa kadahilang MALI ang naging pagpapatakbo sa mga patakaran ng pamahalaan lalo pa’t tayo’y napasakamay sa kolonya ng mga Kastila.
Sa pelikulang ito naihatid rin ang mga senaryo na kung saan itinuring si Rizal bilang isang tao ng substansya na siyang nagdadala ng malaking rebelasyon upang tuluyang maibunyag sa lahat ng tao ang napakawalang- hiya at kahitikang sa ati’t nilang ginawa.
III. Mga Nagsiganap
Mga pangunahing tauhan:
 Albert Martinez – Jose Rizal
Sa kaniya umikot ang daloy ng istorya. Siya, na ating pambansang bayani, ang nagsilbing ating inspirasyon upang gisingin sa puso’t diwa natin ang tunay na kahulugan ng kalayaan at karapatang pantao.
 Amanda Page – Josephine Bracken
Siya ang naging sentro ng buong istorya. Sa pamamagitan niya rin ay naipakita ang mga ginagawa ng mga nakatataas noon sa mga kababaihan. Dahil sa kaniya, nag- ugat ang isyung retraksyon na kinasangkutan ng ating pambansang bayani na hanggang ngayon ay naging usapin sapagkat hindi malaman ang buo at awtentikong buod ng mga pangyayari noon.
Iba pang mga tauhan:
 Candy Pangilinan
 Rustica Carpio
 Tess Dumpit
 Roy Alvarez
 Noni Buencamino
 Chris Michelena
 Junell Hernanado
 Jimmy Fabregas
 Soliman Cruz
 Paul Holmes
IV. Kakintalan
Ayon kay Rizal, kadalasang sinasabi ng mga manlilinlang na mali ang magtiwala sa sariling desisyon ng mga tao sapagkat lumalabas silang nagkukunwaring mga mensahero ng Diyos.
Dahil dito, hindi raw dapat makinig lang sa sariling pagpapasya kundi dapat mas lalo pa sa ibang mga tao. Ngunit sa katotohanan, kahit ano pang pilit ng mga kura na tanggalan tayo ng sariling pag-iisip o kontrolin pa ang ating mga saloobin, mananatili pa rin ang konklusyon na kaya nila ito nagagawa sa atin ay dahil sa nakikita nila ang ating mga kahinaan o lalo pa nilang ginagamit sa kanilang panig ang ating pagtatanga-tangahan.
Napakabigat na hamon para sa mga mamamayan ang pagkitil at pagsugpo sa malawakang kahirapan na dulot ng pananakop sa atin ng mga dayuhan partikular na ng mga Kastila. Balakid ito sa layunin ng bawat isa na umunlad at guminhawa ang buhay. Ito ang siyang pinakamabisang interpretasyong ipinakita sa pelikula, si Rizal habang nilalabanan ang sarili para sa ikabubuti ng lahat.
V. Musika
Tunay ngang napakalaki ng impluwensyang nagagawa ng musika sa isang pelikula sapagkat ito ang siyang nagiging daan upang maisaisip ng mga manunuod ang pelikula at ganito nga ang nangyari sa obra nina Nitoy Clemente at Jimmy Fabregas na kapwa naghirap sa paggawa ng mga komposisyong babagay sa tema ng buong pangyayari sa istorya kaya naman ito ay nagkamit ng gantimpalang “ BEST MUSIC” at “BEST SOUND” sa Manila Film Festival at Philippine Movie Press Club.
VI. Implikasyon sa Lipunan
Sa panahon natin ngayon ay ang kabataan ang siyang nangunguna sa lahat. Pagdating sa edukasyon, ekselensya at maging sa pamumuno. Ngunit ang huli ay kakwestyon- kwestyon. Oo, ang kabataan nga’y magaling at magaling pa ring turing ngunit sa tingin ko’y mas makabubuti kung sa pulitika ay huwag na silang umekstra pa sapagkat ang dila ng kabataa’y matalim at handa nitong hamakin ang lahat masunod lamang ang layon nito. Ngunit, ano nga ba ang layunin nila? Ito ba’y magkaroon ng puwang sa mga pangyayari sa pagitan ng ’three- dimensional fold’ ng iba’t ibang bagay sa mundo o ang magpakitang gilas lamang sa mga nakatataas sa kanila?
Gaya nga ng ulat ng ating mga Rizalista, nakakatakot raw ang magkaroon ng isang away- kabataan sapagkat hindi sila titigil hanggang sila’y hindi nagpupunyagi? ‘Di tulad ni Rizal na nagsilbing aking inspirasyon upang ipakita ang tunay kong nararamdaman sa madla sa pamamagitan ng ‘di biolenteng pamamaraan.
At sana’y ganito nga ang nakitang implikasyon ng ating mamamayan sa mga sulatin ni Rizal.
VII. Rekomendasyon
Naniniwala ako na sa mga panahong tayo’y dakpin ng mga Kastila ay natatakot lamang ang mga tao na paunlarin ang mga sarili at ipaglaban ang kanilang mga karapatan sapagkat alam nila na masyadong mapagmataas ang mga Kastila at kapag nakakakita ito ng mga taong ka -lebel nila sa konteksto ng edukasyon at kaa- laman, hindi malabo na tawagin nila itong mga erehe kahit walang sala.
Bagamat ang isyu ukol sa pagkatao at ugali ng mga kababayan natin noon ang naging sentro ng sanaysay, hindi natin maikakaila na sa katotohanan, tinalakay dito ang mga bagay na dapat matutunan o mailagay sa isip ng bawat Pilipino. Isa rin itong mapagpalayang akda sapagkat kitang kita dito ang pagpapahalaga ni Rizal sa intelektwal na kapasidad ng bawat tao na siya namang pilit na kinukondena at kinokontrol ng mga mananakop.
Marami pang mga bagay ang siyang naipresenta mula sa pelikula at sigurado ako na kapag ito’y tinangkilik ng ating kapwa Pilipino ay mararanasan din nila ang naging buhay ng mga naapi noon sa madungis at masahol na pamamalakad sa atin ng mga Kastila.

Similar Documents

Premium Essay

Rizal

...We knew Rizal was our Philippine national hero but do you even wonder who Jose Rizal really is? Having this privilege to fully watch the documentary film about the life of a hero directed by Butch Nolasco made me think that it’s very rare to find such person who would give his own life knowing he have all those wealth and intelligence that others don’t have for the sake of his motherland and fellow citizens. If you would be dare to die for your country, will you have the courage to accept it given at this particular moment? That’s the question that surely most of us would decline, wouldn’t we? The documentary film of Jose Rizal shows his life starting from his young age up until the day he died. There featured all the information about his family, the schools and courses that Rizal entered and toke up, his travels across different nations, the particular people he had made friends with and those of his enemies as well, and of course his sacrifices he did for the success of the 2 novels that play an important role in the awakening of patriotism among Filipino patriots .It was also featured the women that Rizal had flings with. As I remembered Segunda Katigbak was Rizal’s First girlfriend while Leonor Rivera his cousin became his first love that lasted for 11 years until her parents arranged a wedding to Kipping. It’s a genuine frustration indeed for a person to be in that kind of situation. Despite Rizal is in the moment of great sorrow with how his relationship with...

Words: 691 - Pages: 3

Free Essay

Rizal

...Rizal sa Berlin (1886): Tag-lamig at ang Noli • Naghirap si Rizal dahil walang padalang pera mula sa Calamba at siya’y talagang wala ni isang kusing • Naibenta na niya pati mga aklat niya, hindi niya mabayaran ang renta, kumakain lamang siya isang beses isang araw (na tinapay, tubig at sabaw lamang), naluma ang kanyang mga damit at manipis na sa kagagamit, siya mismo ang naglalaba ng kanyang damit dahil wala na siyang pambayad • Nagkasakit si Rizal dahil sa lamig at nang magsimula ang kanyang pagubo ay natakot siyang maaring magkaroon siya ng tuberculosis • Rizal sa isang sulat sa isang kaibigan: “Hindi na ako nananalig na malalathala pa ang Noli Me Tangere noong nasa Berlin ako…Naroon ako sa puntong ibabalibag ko sa apoy ang aking akda bilang isang isinumpang bagay, nararapat lamang matupok…” Rizal at Viola (Disyembre1886): Noli Me Tangere • Naabutan ni Maximo Viola si Rizal na hulog ang katawan at yayat ang itsura at pinayuhan si Rizal na kulang lamang sa pagkain at walang tuberculosis pagkatapos eksaminin ang kalagayan ng kaibigan • Nagbalik ang pananalig ni Rizal sa sarili sa tulong ng aruga at pagtangkilik ng kaibigang si Maximo Viola Berlin (Pebrero 21, 1887): Noli Me Tangere • Natapos ni Rizal ang manuscript ng Noli Me Tangere 11:30 ng gabi Lunes Pebrero 21 1887 • Natanggap mula kay Paciano sa pamamagitan ng bayaw na si Silvestre Ubaldo ang 300 pisong hiningi niya (na nagastos niya sa pagkain at tirahan kayat walang natira para pagpapalimbag) • Nagalok si Maximo Viola na...

Words: 4101 - Pages: 17

Free Essay

Rizal

...Jose Rizal at the University of Santo Tomas Gian Linardo Mari T. Estrella  Enrolment at the University of Santo Tomas Even if Rizal liked painting much, he was not then intending to make art as his profession. He was not yet certain of what course to pursue. In his Memorias de un estudiante, he says that he was still undecided then about the university career he would follow as the school year 1877-1878 is nearing. Different authors of Rizal give different answers on what and who influenced Rizal in opting what course to take. It is the question of who made the final choice, he himself, his mother, his father, his brother or the Jesuits. Rizal tells us that his mother was worried about him pursuing a university career in Manila because of her ingenuity, or possibly her motherly instinct. His mother Teodora feared that Rizal would come to a bad end just as the fate of ilustrados before like Father Burgos. Buthe does not say in memorias de un estudiante, he did not specify what her mother preferred for him. His brother Paciano discouraged him from taking law, because of the belief that Rizal would not be able to practice that profession due to the political conditions that time. In his memorias de un estudiante, he recalls: “I enrolled in Metaphysics because, aside From the fact that I had doubts about the career I should follow, my father wanted me to study it (Metaphysics).”  Very likely, Don Francisco had pictured Rizal having a career in Civil Law. And due to this, Don...

Words: 2045 - Pages: 9

Premium Essay

Rizal

...José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda [1] (June 19, 1861 – December 30, 1896, Bagumbayan), was aFilipino polymath, patriot and the most prominent advocate for reform in the Philippines during the Spanish colonial era. He is regarded as the foremost Filipino patriot and is listed as one of the national heroes of the Philippines by National Heroes Committee.[2] His execution by the Spanish in 1896, a date marked annually as Rizal Day, a Philippine national holiday, was one of the causes of the Philippine Revolution. Rizal was born to a rich family in Calamba, Laguna and was the seventh of eleven children. He attended the Ateneo Municipal de Manila, earning a Bachelor of Arts, and enrolled in medicine at the University of Santo Tomas. He continued his studies at the Universidad Central de Madrid in Madrid, Spain, earning the degree of Licentiate in Medicine. He also attended the University of Paris and earned a second doctorate at the University of Heidelberg. Rizal was a polyglot conversant in twenty-two languages.[3][4][5][6] He was a prolific poet, essayist, diarist, correspondent, and novelist whose most famous works were his two novels, Noli me Tangere and El filibusterismo.[7]These social commentaries on Spanish rule formed the nucleus of literature that inspired peaceful reformists and armed revolutionaries alike. As a political figure, José Rizal was the founder of La Liga Filipina, a civic organization that subsequently gave birth to the Katipunan[8] led by Andrés...

Words: 3262 - Pages: 14

Premium Essay

Rizal

...Alonso-Realonda y Quintos, and dad, Francisco Rizal-Mercado y Alejandra, marry on June 28th. 1861 On June 19th José Rizal is born to become the seventh child born to his parents. Three days later Rizal was christenedwith the name Jose Protasio Rizal-Mercado y Alonso-Realonda. 1870 José begins school under the instruction of Justiniano Aquin Cruz at just nine years of age. 1871 José continues his education under the instruction of Lucas Padua. 1872 Rizal is examined by those in charge of college entrance to St. Tomas University in Manila; he enters the school system as a scholar. 1875 Rizal enters the Ateneo as a boarder at just 14 years of age. 1876 At the age of 15, Rizal receives a Bachelor of Arts Degree from the Ateneo de Manila. He not only receives this degree, but receives it with the highest honors possible. 1877 In June José begins to go to school at St. Tomas University in Manila where he studies philosophy. Writing Career 1877 In November Rizal writes a poem and receives recognition for his writing from the Royal Economic Society of Friends of the Country, also known as Amigos del Pals. The recognition comes in the form of a diploma of merit and honorable mention. 1878 In June Rizal decides to switch gears in his educational pursuits and transfers into the medical courses at St. Tomas University. During this time he also writes an additional two poems that win him further recognition. 1880 At the age of 19 Rizal writes another poem for a competition where...

Words: 750 - Pages: 3

Premium Essay

Rizal

...Reflections on Rizal - Three Thoughts Tiny Dancer Hero There is this idea that heroes inevitably reflect their country. When you think about it historical heroes exist as receptacles of a nation’s hopes and dreams. They are the guiding lights, the individuals who helped shape the nature of a people. Heroes are, in other words, can be considered the soul and conscience of a country. Their philosophies, ideals, and examples acting as the benchmarks for right collective action. That, as well, is why each generation must recast their nation’s heroes in new forms and view them in new perspectives. Heroes and their actions, much like all of history, are consistently up for reinterpretation. Without that process they will never be relevant. A disturbing question to ask is if our heroes are really relevant today. As a result, studying how our heroes are approached and constructed in the public sphere gives a country an understanding of who they are as a people. Heroes are a reflection of the values of a people. And if that is the case, as I strongly suspect it is, then the way we currently construct Jose Rizal (the way we approach him and his legacy) does not speak too well of us. There is something faintly disturbing about the fact that more is written, and known, in popular society (and pop history) about how many languages Rizal spoke (and how many women he supposedly bedded) than the importance of his annotated Morga. Or even that there is this pervasive sense of Rizal the Reformer...

Words: 1293 - Pages: 6

Premium Essay

Rizal

...The movie Jose Rizal which was excellently played by Cesar Montano as the lead role was a heartwarming one that shows how Rizal runs his life. While watching the movie, I felt mixed emotions given the fact that it was made to help us, Filipinos, understand what our national hero had done for the country. It shows how Rizal really love his mother country for him to sacrificed his own life. The film also works through a series of flashback showing Rizal as a genius, a write, a doctor, an artist, a lover, a friend, a brother, a son that gives texture to his character. It shows the great explanation of the Philippine history, the nationalism and heroism in a non-violent manner, though, there were times that the characters speak in Spanish language and I couldn’t understand it unless I will read the subtitles. I could also say that the other characters weren’t having any difficulties in reciting their Spanish lines. The actors’ dedication for the film is inevitable especially Cesar Montano who is very perfect for the role of Rizal. His values and great performance as the lead actor is impeccable and has a great impact on me as the audience of the said film. Also, the supporting casts like Jhong Hilario who played as Rizal’s servant, Jaime Fabregas as Rizal’s attorney did a great job on portraying their role fluently. They made it easy for me to understand the flow of the story. However, there are also negative comments that I must say about the movie. The plot was...

Words: 484 - Pages: 2

Premium Essay

Rizal

...Life of Jose Rizal JOSE RIZAL, the national hero of the Philippines and pride of the Malayan race, was born on June 19, 1861, in the town of Calamba, Laguna. He was the seventh child in a family of 11 children (2 boys and 9 girls). Both his parents were educated and belonged to distinguished families. His father, Francisco Mercado Rizal, an industrious farmer whom Rizal called "a model of fathers," came from Biñan, Laguna; while his mother, Teodora Alonzo y Quintos, a highly cultured and accomplished woman whom Rizal called "loving and prudent mother," was born in Meisic, Sta. Cruz, Manila. At the age of 3, he learned the alphabet from his mother; at 5, while learning to read and write, he already showed inclinations to be an artist. He astounded his family and relatives by his pencil drawings and sketches and by his moldings of clay. At the age 8, he wrote a Tagalog poem, "Sa Aking Mga Kabata," the theme of which revolves on the love of one’s language. In 1877, at the age of 16, he obtained his Bachelor of Arts degree with an average of "excellent" from the Ateneo Municipal de Manila. In the same year, he enrolled in Philosophy and Letters at the University of Santo Tomas, while at the same time took courses leading to the degree of surveyor and expert assessor at the Ateneo. He finished the latter course on March 21, 1877 and passed the Surveyor’s examination on May 21, 1878; but because of his age, 17, he was not granted license to practice the profession until December...

Words: 998 - Pages: 4

Premium Essay

Rizal

...Reaction on Dr. Jose Rizal Dr. Jose Rizal is one of the Filipino heroes and he is the very famous enthusiast of the changes in the Philippines in the time of Spaniards invasion. He recognizes as one of the primary hero and selected as one of the national hero of the Philippines. Rizal was a great writer, he is a poet and novel writer, he wrote two novels the Noli Me Tangere and El Filibusterismo. Thesew were very harsh indictments of Spanish tyranny and of the church which came to acquire immense political power. He founded the La Liga Filipina one organization that became way instead of integrality aggregation leaded by Andres bonifacio, one of the secret organizations that started a filipino rebellion against Spain that became fundamental of first republic of the Philippines under Emilio Aguinaldo. He is mainstay of having the Philippines own government in peaceful way instead in blustery rebellion, and just support the violence as the lasted resorted. He believe that the only reason of liberation of the Philippines and having own government was returning reputation of the citizens. Jose Rizal was the Filipino hero who sacrifice his life to gain the aspire freedom for the Philippines . Even we can say that he did not fight using sword but he fight using pen. And because of what he did, his life became miserable. His novel entitled Noli Me Tangere and El Filibusterismo was the reason why Spaniards displeasure him. I can say that Jose Rizal is a tough; he can face...

Words: 359 - Pages: 2

Free Essay

Rizal

...Rizal Sa Dapitan Rizal Sa Dapitan A Film Analysis There are only a few people who are able to stand up and fight for what is right. Only few can get the courage and believe that there really is hope if we all just fight for our rights, our beliefs and our country and one of these people showed Filipinos that we are not inferior and that we deserve a life that is the same as others. Our national hero, Dr. Jose Rizal, opened our eyes and fought for our freedom even if it means endangering himself and his family. He knew the consequences of his actions yet he still continued and never gave up the fight and stood till the very end. Being exiled in Dapitan is not really a haven for him, it was a prison, a place where he is away from his family and friends, where he felt sad and alone and still made the most out of it. Rizal Sa Dapitan is probably the one that stands out from the other Rizal movies that I know since it was very specific, focusing only on Rizal’s exile in Dapitan, Zamboanga del Norte. It gave viewers a quick glance of what life was like when our national hero was in a remote place and how did he cope up not only with the lifestyle in Dapitan but with his separation from his family. The film was able to depict how he used his talents and intelligence to help the small community in Dapitan and impart knowledge to young men. He made an irrigation system; he planted plants and crops, raised chickens and cure those who are sick. Even if our hero is in a remote place...

Words: 380 - Pages: 2

Premium Essay

Jose Rizal

...JOSE RIZAL JOSÉ PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONSO REALONDA (born 19 June 1861, Calamba, Philippines- died 30 December 1896, Manila, Philippines), patriot, physician and man of letters whose life and literary works were an inspiration to the Philippine nationalist movement. Rizal was the son of a prosperous landowner and sugar planter of Chinese-Filipino descent on the island of Luzon. His mother, Teodora Alonso, one of the most highly educated women in the Philippines at that time, exerted a powerful influence on his intellectual development. He was educated at the Ateneo de Manila and the University of Santo Tomas in Manila. In 1882, he went to study medicine and liberal arts at the University of Madrid. A brilliant student, he soon became the leader of the small community of Filipino students in Spain and committed himself to the reform of Spanish rule in his home country, though he never advocated Philippine independence. The chief enemy of reform, in his eyes, was not Spain, which was going through a profound revolution, but the Franciscan, Augustinian and Dominican friars who held the country in political and economic paralysis. Rizal continued his medical studies in Paris and Heidelberg. In 1886, he published his first novel in Spanish, Noli Me Tangere, a passionate exposure of the evils of the friars rule, comparable in its effect to Harriet Beecher Stowe's Uncle Tom's Cabin. A sequel,El Filibusterismo, 1891, established his reputation as the leading spokesman of the...

Words: 1947 - Pages: 8

Premium Essay

Rizal Law

...RIZL11 - LIFE AND WORKS OF RIZAL RIZAL LAW (Batas Rizal) REPUBLIC ACT NO. 1425 AN ACT TO INCLUDE IN THE CURRICULA OF ALL PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS, COLLEGES AND UNIVERSITIES COURSES ON THE LIFE, WORKS AND WRITINGS OF JOSE RIZAL, PARTICULARLY HIS NOVELS NOLI ME TANGERE AND EL FILIBUSTERISMO, AUTHORIZING THE PRINTING AND DISTRIBUTION THEREOF, AND FOR OTHER PURPOSES. WHEREAS, today, more than any other period of our history, there is a need for a re-dedication to the ideals of freedom and nationalism for which our heroes lived and died; WHEREAS, it is meet that in honoring them, particularly the national hero and patriot, Jose Rizal, we remember with special fondness and devotion their lives and works that have shaped the national character; WHEREAS, the life, works and writing of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo, are a constant and inspiring source of patriotism with which the minds of the youth, especially during their formative and decisive years in school, should be suffused; WHEREAS, all educational institutions are under the supervision of, and subject to regulation by the State, and all schools are enjoined to develop moral character, personal discipline, civic conscience and to teach the duties of citizenship; Now, therefore, SECTION 1. Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novel Noli Me Tangere and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools, colleges and universities...

Words: 685 - Pages: 3

Premium Essay

Jose Rizal

...RIZAL SA DAPITAN The movie “Rizal sa Dapitan” shows Rizal’s life in exile in the said place before his execution. During his exile, he refused to just mope around and wait for his freedom. Instead, he made his exile in Dapitan very fruitful as much as possible. For fruitful leisure, he planted several kinds of plants, made an irrigation system, and sculpted. He offered free medicinal check-ups for the locals and even performed a surgery on his mother, blinded by a severe cataract, when she and Jose Rizal’s sisters left from Hong Kong to visit him. He became a local teacher or “maestro” for the young boys, offering free education for the less fortunate. And of course, like any other young man, he fell in love and got married to an Irish-American who came from Hong Kong to Dapitan, Josephine Bracken, who asked for help to cure her blind father. Towards the end of the movie, a fellow doctor and a member of the KKK, Pio Valenzuela, visited him to ask for advice on their planned “revolution”. But since the colony was not yet ready for a revolution, he just advised that the KKK should first stock up on armory and weapon through their rich fellow countrymen and train for battle. By watching the movie, I learned more on the life of our national hero. I was even able to establish the “good and bad” about our beloved Jose Rizal. For the “bad”, I can only think of one thing. During Josephine’s pregnancy, Jose Rizal’s sister, Maria, accused Josephine as a spy sent by the wicked friars...

Words: 338 - Pages: 2

Premium Essay

Ust Rizal

...AT THE UNIVERSITY OF SANTO TOMAS 1877 – 82 2 courses enrolled at UST * Philsophy and Letters (1877 – 1878) * Medicine Mother’s Opposition to Higher Education * Don Francisco and Paciano wanted Jose to pursue higher learning * Dona Teodora opposed this RIZAL ENTERS THE UNIVERSITY April 1877, Rizal at 16 years old, entered University of Santo Tomas 2 reasons why he enrolled Philosophy and Letters * His father liked it * He was not sure what career to pursue FATHER PABLO RAMON - Rector of the Ateneo, Rizal asked for advice on the choice of career Rizal studied Cosmology, Metaphysics, Theodicy, and History of Philosophy He took up a medical course 1878-1879 because; * he followed Ateneo Rector’s advice * wanted to be able to cure his mother’s growing blindness FINISHES SURVEYING COURSE IN ATENEO 1878 * He took a vocational course in Ateneo during his first term in UST * The course lead to the title perito agrimensor (expert surveyor) * He passed the final examination at the age of 17 * He was granted the title on November 25, 1881 * His loyalty to Ateneo continued * President of the Academy of Spanish Literature * Secretary of the Academy of Natural Sciences * Secretary of the Marian Congregation ROMANCES WITH OTHER GIRLS * SEGUNDA KATIGBAK * 14 yr. old Batanguena and engaged to Manuel Luz * “MISS L” * A girl with seductive eyes. The romance died a natural...

Words: 2619 - Pages: 11

Premium Essay

Rizal Bibliography

...of Jose Rizal The Birth of a Hero: Born On June 19, 1861, Seventh of the 11 Children of Theodora Relonda and Francisco Mercado Real Name: Jose Protacio Alonzo Mercado Rizal y Realonda Rizal as a Child: Age of 3 – learns his alphabet from his mother. Age of 5 – learns how to write and read. Age of 8 – wrote his first poem “ Sa aking mga Kababata “ 11 Children of Francisco and Theodora Saturnina ( 1850 – 1913 ) - eldest child of the family. Paciano ( 1815 – 1930 ) - Older brother of Jose Rizal. Narcisa ( 1852 – 1939 ) - also called as “Sisa” and the third child of the family. Olimpia Rizal ( 1855 – 1887 ) - a telegraph operator in Manila. Lucia ( 1857 – 1919 ) - married to Mariano Herbosa of Calamba. Maria ( 1859 – 1945 ) - also called as “Biang”. JOSE ( 1861 – 1896 ) ( The greatest hero and Philippine encyclopedia ) - also called as “Pepe”. Concepcion ( 1862 – 1865 ) - also called as “Concha”. Died at the age of 3 due to a serious case of illness. Josefa ( 1865 – 1945 ) - also called as “Panggo”. Trinidad ( 1868 – 1951 ) - also called as “Trining”. Soledad ( 1870 – 1929 ) - youngest member of the family. She marry Pantaleon Quintero of Calamba. The Hero’s Pain Rizal is very sad when his sister concha died, because concha is very close to him, they play together and do other stuffs together. Concha died at the age of 3. The story of the Moth This is the story of Thoedora to Rizal, he made...

Words: 801 - Pages: 4