Ang Ningning at Ang Liwanag
Emilio Jacinto
Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay madaya.
Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang isang pusong sukaban.
Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay.
Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag.
Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita.
Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng kapangyarihang ito.
Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning.
Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran.
Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na napatatanaw sa paningin.
MapaLad ang araw ng Liwanag!
Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
PANANAW FORMALISMO
Ang formalismo ay tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa
porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong
atensyon ang kaayusan,istilo,o paraang artistiko ng teksto. Iniiwasan nito ang
pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo,tulad ng histori,politika,at
talambuhay.
PANANAW SOSYOLOHIKAL
Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kwentong "TATA SELO" ni Rogelio sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Tulay sa wakas.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento. kaisipan- mensahe ng kwento.
Banghay- pangyayari sa kwento.
Pag-ibig
Jose Corazon de Jesus
I
Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.
II
Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!
III
Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang.
IV
Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos,
Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!
V
Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan ---
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!
VI
Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!
VII
Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;
Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!
VIII
"Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!"
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!
IX
Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib,
At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!