Free Essay

Rwdwdwe

In:

Submitted By gin2x1992
Words 536
Pages 3
Elemento at Proseso ng Komunikasyon

Nilalayon ng marami ang maihatid sa kinauukulan ang nais sabihin o ipahayag.Malayo man ang paroroonan ng mensahe,posible pa rin itong matanggap dahil sa iba’t ibang paraan o gadgets na maaaring gamitin sa paghahatid nito bunga ng mga makabagong teknolohiya.

Ganunpaman,may pagkakataong nagiging malabo pa rin o hindi wasto ang mensahe na iyong natanggap dahil sa iba’t ibang salik na naging sagabal nito.

Mas mabuti pa’y galugurin mo ang mundo ng komunikasyon.Sikapin mong mapagtagumpayan mong maisagawa ang iba’t ibang gawain ng bawat aktiviti sa araling ito.Sana’y umangat pa ang lebel ng kasanayan mo sa pakikipagkomunika at sana’y makatutulong din ito upang maging mahusay kang mananalastas.

Tagahatid o Enkoder =Sa tagahatid nagsisimula ang pakikipagkomunikasyon.

=Ang nagpapadala ng mensahe o pinagmulan ng komunikasyon.

Mensahe =Tumutukoy ito sa impormasyon o mensaheng nais na iparating ng tagahatid o encoder sa tagatanggap o dekoder.

=Tumutukoy sa ipinadalang salita o mensahe,maaring masaya,malungkot,inpormatib o anumang gustong ipahatid.

Tsanel o Daluyan =Tumutukoy ito sa paraan o instrumentong ginagamit sa pagpapadala ng mensahe.

=Instrumentong ginagamit para maipadala ang mensahe.

Hal:Cellphone,Fax machine,Email,Telegrama at Sulat.

Tagatanggap o Dekoder =Tumutukoy sa pinadalhan ng mensahe ng enkoder.

=Ang tagapagbigay ng kahulugan sa mensaheng kanyang natanggap.

Ganting mensahe o fidbak =Tumutukoy ito sa reaksyon o mga tugon ng kapwa enkoder at dekoder habang nagpapatuloy ang proseso ng komunikasyon.

=Ang sagot ng tumanggap ng mensahe.

Mga Hadlang o Barriers =Tumutukoy ito sa mga posibleng hadlang o sagabal na nagiging sanhi upang maputol ang proseso ng komunikasyon.

=Ang mga posibleng balakid sa patuluyang proseso ng komunikasyon.

Sitwasyon o Konteksto =Ayon kina Barker at Barker (mula kina Santos at Hufana,2008),ang elementong ito ang isa sa mga pinakamahalaga dahil naaapektuhan nito ang iba pang element kasama na ang buong proseso ng komunikasyon.

=Ang sitwasyong kasangkot sa nagaganap ng komunikasyon.

Sistema =Tumutukoy sa relasyon na nabubuo dahil sa patuluyang proseso ng kumunikasyon.

Halimbawa: ang usapan taong una pa lamang nagkita ay maaaring isang tanong isang sagot lamang. Habang tumatagal ang kanilang pagkikita o pag-uusap, sila ay unti-unti nang nagkakpalagayang loob kaya tuluy-tuloy narin ang kanilang pakikipagtalastasan.

=Ang relasyon o ugnayan ng nag-uusap

REFERENCE :

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

GOOGLE.COM

INTRODUKSYON

Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. ito ang nagiging paraan natin na makipag-uganayan sa ibang tao para tayo ay magkaintindihan. Pag mayroong komunikasyon walang magiging salot dahil puwedeng pag-usapan ang mga diperensya o mga problema ng magkabilang panig.

Isa sa mga pinakadakilang tuklas ng tao ang komunikasyon. Kapag inalis ito, para nating pinahinto ang mundo. Kumikilos ang tao dahil sa bias ng komunikasyon. Dahil sapaghahatiran at pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin ng tao, nagaganap ng mabuti at di-mabuti na syang pinagmumulan ng pag-unlad ng pamumuhay ng tao.

Ito ay may walong elemento ang tagahatid o enkoder,mensahe,tsanel o daluyan,tagatanggap o dekoder,ganting mensahe o fidbak,mga hadlang o barriers,sitwasyon o konteksto at sistema.

USEP

BO. OBRERO, DAVAO CITY

ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON

IPINASA NI:

ROSE ANN C. PASAMANTE

IPINASA KAY:

JUNIL A. ALTES

DATE:

AUGUST 2013

Similar Documents