Free Essay

Sa Ibabaw Ng Kubyerta Report

In:

Submitted By SynarxMaganda
Words 1052
Pages 5
I. SA KUBYERTA
( Kabanata I )

Submitted by: Synar Fabes Arriola
Michael Vince Rene Corpuz

Submitted to : Ma’am Michelle Viernes

II. MGA TAUHAN * Kapitan ng Barko – Isang beteranong marinero ang kapitan ng barko. Siya ay may malawak na karanasan sa paglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo noong kanyang kabataan lulan ng matutuling at malalaking barko. * Donya Victorina de Espadaňa – Larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi. * Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo – Nakapag asawa ng maganda at mayamang mestisa. Umangat ang kanyang posisyon hanggang nagging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral dahil sa likas niyang talino. Ang mga salitang masipag, mapanuri, matalino, palaisip ay ilan lamang sa mahuhusay na bansag sa kanya dahil ito sa mabuting panulat ni Ben * Ben Zayb – Ang mamamahayag na malayang mag-isip at minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala. * Padre Camorra – Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa kababauhan lalo na sa magagandang dilag. * Padre Bernardo Salvi – Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip. Umiibig ng lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago. * Padre Hernando Sibyla – Isang matikas at matalinong paring Dominikano. Siya ay Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral. * Padre Irene – Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong ginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante. Naging tagaganap siya sa huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago. * Simoun – Isang mayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral. Makapangyarihan siya kaya’t iginaalang at pinangingilagan ng mga Indio at maging ng mga prayle man. Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon; linisin ang bayan; at lipunin ang lahat ng masasama kahit pa siya mismo ay inuusig din ng kanyang bughi sa paraang kanyang ginagawa. *

III. BUOD
Matutunghayan sa kabanatang ito ang mabuting kalagayan ng mga kilalang tao sa lipunan na lulan sa unang palapag ng Bapor Tabo. Ipinakilala rito ang iba’t ibang katangian, katungkulan, kakayahan, o kapangyarihang kakabit sa kanilang katauhan.
Umaga ng Disyembre, sumasalunga ang Bapor Tabo sa ilog Pasig patungong lawa ng Laguna lulan sina Donya Victorina, Don Custodio, Padre Camorra, Padre Salvi, Padre Sibyla, Padre Irene at Ben Zayb sa itaas. Ang Bapor Tabo ay sinasabing tulad ng tabo ang hugis nito at tsaka ay malinis ang labas nito ngunit ang loob ang marumi. Maihahantulad ni Rizal ang bapor na ito sa pamahalaan noong unang panahon.Ang pamahalaan noon ay mabagal, nagmamalinis, at walang pagbabago. Nasa itaas ang mga mayayaman, mga prayle, at mga opisyal nalililiman ng lona samantalang nasa ibaba ang mga Indio, mga Instik, mga mestiso na nagsisiksikan kasama ng mga kalakal at mga baul.
Sa kanilang paglalakbay, ang Kaptin ng Bapor ang mas higit na nakakaalam ng mga pasikot-sikot sa kanilang pupuntahan kaya binabalaan niya ang mga tauhan niya kung malapit na sila sa mababang lugar. Ang babala niya ay ikinairita ni Donya Victorina. Maingay daw ang mga tauhan at ng Kapitan. Ngunit parang ito ay isang paguuyam dahil ang taong mga kinagagalit niya ay mga Indio at halos 99 porsyento na nasa bapor ay mga Indio at kasama na siya mismo rito.
Sa paglalakbay na rin ito ay nagkaroon ng pagtatalo ukol sa bagal na paglalakbay nila.Sinabi ni Donya Victorina na walang magandang lawa sa Pilipinas kaya nagsimulang nag-isip ang iba ng paraan. Ang naisip naman ni Simoun ay gawing isang mahabang direstsong daanan at tabunan ang mga matandang lawa upang mas mabilis ang paglalakbay. Ang sagot naman dito ni Don Custodio ay sino naman daw ang magtatrabaho nito. “Ang mga preso at salarin. Kung kulang pa ay lahat ng mga bata at matatanda.” Wika ni Simoun. Iniisip ni Don Cutosio na maaring mag-alsa ang mga tao. Natawa na lamang si Simoun at ipinaliwanag niya kay Don Custodio ang ilang mga bagay na ginawa na ng simabahan na hindi naman nag-alsa ang mga tao. Umalis pagkatapos si Simoun upang pababain ang sama ng loob niya. Mas may naisip si Don Custodio sa pagbaba ni Simoun. Sabi niya ay mag-alaga na lang daw ng mga pato upang ang mga pato mismo ang maghuhukay ng lupa sa tubig at ito’y lalalim. Sa pagtatapos ng kabanata na ito ay sinabi ni Donya Victorina na magandang ideya ito ngunit magkakaroon ng maraming balut noon at nandidiri siya dito.

IV. GAWAIN 1. Ano ang inihalintulad sa isang sumpungin, di masunurin at tamad na bata? 2. Ang bapor ay matatawag na Daong ng Pamahalaan sapagkat niyari sa ilalim ng pamamahala ng mga ___________ at _____________. 3. Siya ang natatanging ginang na nasa pangkat ng mga Europeo. 4. Sino ang nagbigay ng suhestyong panukala na humukay ng isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang sa Maynila, samadaling sabi gumawa na bagong ilog at sarhan ang ilog Pasig upang mapadali ang paglalakbay at maiwasan ang pagtaas ng buhangin sa bumabara sa ilog? 5. Sino naman ang nag bigay ng suhestyong panukala na pipiliting mag-alaga ang mga bayang malapit sa gulod-guluran ng buhangin ng itik at sa pamamagitan nito mapapalalim ang gulod-guluran ng buhangin dahil sisisirin ng mga itik ang mga maliliit na suso na kanilang kinakain? 6. Orden ng mga prayle o paring relihiyoso na nakatuon sa iba’t ibang misyon, lalo na sa edukaston. 7. Sapilitang pagtratrabaho ng mga Pilipino mula edae 16 hanggang 60 na di binabayaran sa loob ng mahigit sa isang buwan sa Sistemang Encomienda. 8. Magbigay ng isang pangakong sinasambit ng mga relihiyosong pari o prayle. 9. Ano ang ibig sabihin ng “Ab actu ad posuvalet ilatio”? 10. Ano ang kinadidirian ni Donya Victorina?

Answer keys 1. Bapor Tabo 2. Reverendos at Ilustrismos 3. Donya Victoria de Espadana 4. Simoun 5. Don Custodio 6. Heswita 7. Polo y Servicio 8. Kalinisan/Pagdaralita/Pagtalima 9. Kung ano ang nangyari noon ay maaaring mangyari ngayon 10. Balut

Similar Documents