Free Essay

Sa Pag-Ahon Ng Pilipino

In:

Submitted By regino21vilbar
Words 506
Pages 3
Sa Pag-ahon ng Pilipino “Ang pangunahing bagay na kinakailangan sa bawat isang Pilipino ay… maging isang mabuting tao, isang mabuting mamamayan an tumutulong gamit ang kanyang ulo, kanyang puso at marahil ang kanyang mga bisig para sa ikatatagumpay ng bansa.” * Dr. Jose P. Rizal

Ang bayang Pilipinas ay bayang pinagpala ng Panginoon. Pinagpala sa maraming bagay gaya ng mga likas na yaman, ang mga nagtataasang kabundukan, luntiang kapatagan, malalawak na karagatan at dagat, mayayabong na kagubatan, na nagagamit sa pagtugon ng mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipinoat ng mga dayuhan sa maraming bansa. Pinagpala sa mayamang kultura at tradisyon sapagkat sa Pilipinas nanahan ang pinagsamang impluwensiya ng iba’t ibang bansa sa Kanluran, Asya at Silangan. Ito ang nagbibigay kulay ng natatanging pagkakakilanlan sa ating bansa an dapat naman talagang ipagmalaki. At higit sa lahat, pinagpala ang Pilipinas dahil sa mga Pilipino, sambayanang Pilipino na taglay ang kabayanihan at kapatiran, na may wastong pagpapahalaga, na may pusong mapagmahal at masayahin, at may marka ng tunay na kampeon. Sa maraming pagkakataon ay naipakita na ng mga Pilipino ang kanyang mga kahanga-hangang katangian. Nang ang bayan ay inalipusta at inapi ng mahabang panahon, isinilang ang mga bayaning nagpamalas ng nasyonalismo at nag-alay ng kanilang mga buhay para sa bayan. Pagiging bayani- ito ang katangian ng Pilipino na dapat ipagmalaki at isabuhay sa araw-araw. Sa paglipas ng panahon, taglay pa rin ng Pilipino ang mga yaman ng buhay, ito ay ang mga pagpapahalaga na nagmula pa sa mga ninuno natin at ipinasa sa bawat henerasyon. Sa pamamagitan nito, ang mga Pilipino’y nagtanim ng isang payapa at maayos na lipunan para anihin bilang isang mayabong na bansa. May pagpapahalaga- ito ang katangian ng Pilipino na dapat ipagmalaki at isabuhay sa araw-araw. Sa mga panahong ang mundo’y nalulumbay, ang mga dayuhan ay nakatagpo ng tahanan sa Pilipinas kasama ang mga Pilipino na may pusong mapagmahal, ngiting masayahin at mga bisig na may mainit na pagtanggap. Patunay lamang ito na ang Pilpino ay liwanag at kulay ng mundo. Sa kanilang pagkalinga sa iba, ang mundo’y napahanga. Pagkakaroon ng puso para sa lahat- ito ang katangian ng Pilipino na dapat ipagmalaki at isabuhay sa araw-araw. Sa paghahanap ng kahusayan sa maraming larangan napatunayan na rin ng Pilipino na kaya niyang makipagsabayan at magwagi sapagkat pinagkalooban siya ng Panginoon ng maraming talento, kakayahan at katalinuhan. Tunay na taglay niya ang tatak ng isang kampeon hindi lang sa iba’tibang larangan kundi pati na sa totoong buhay. Kampeon siyang maituturing dahil siya ay di sumusuko sa kahit anumang hamon ng buhay. Naniniwala siayng pagkatapos ng unos ay sisikat din ang panibagong umaga at naroon ang kanyang pag-asa para bumangong muli. Pagiging kampeon- ito ang katangian ng Pilipino na dapat ipagmalaki at isabuhay sa araw-araw. Nawa’y ang mga katangiang nabanggit ay magamit ng Pilipino sa pag-ahon. Sapagkat ang bawat isang Pilipino’y bahagi ng solusyon. Tayo na’t tahakin ang daan para sa pagbabago at sama-samang pag-unlad. Ito’y atin nang nasimulan noon, ating ipagpatuloy ngayon. Kaya natin Pinoy!

Similar Documents

Free Essay

Yeah Yeah

...sistema ng mga patakaran na nagkakaroon ng bisa kapag ang mga militar ang nag-kontrol sa karaniwang pamamahala ng katarungan. Ika-21 ng Setyembre 1972 – idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang Batas Militar (Martial Law sa Ingles). Ngunit isinapubliko ito at napanood ang pagdedeklara dalawang araw matapos ito pagtibayin. Matapos ipinalabas ang proklamasyon, agad na ipinaaresto ang mga katunggali ni Ferdie sa pulitika, at mga demonstrador. Ipinasara ang mga istasyon ng telebisyon, radyo at palimbagan ng mga dyaryo. Hinigpit ang seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan. Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot laban kay dating Defense Secretary/Minister at ngayo’y Senate President Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa ng mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi ng mga demonstrasyon laban sa pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law na   “Iligtas ang Republika” Layong iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga komunista sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at mawala ang mga komunista, lalong lumakas at dumami ang kanilang mga miyembro, nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa salpukan ng dalawa. Ang mga mamamahayag ay napagbintangan na sila’y kasapi ng mga grupong Communist Party of the Philippines at New People’s Army kaya marami ang kaso ng extrajudicial...

Words: 3652 - Pages: 15

Free Essay

Wetwet

...Importance of computers in our daily life In today’s world, it is almost impossible to think that one can survive withoutcomputers. They have become a gadget of almost daily use for people of every age. Computers are important in almost all the business transactions that are made today. The most that any field has gained from the invention of the computers is the business field because of its nature. Computers have gained importance as they have increased the productivity and efficiency of work done.  Large amounts of data in the personal lives as well as in businesses and industrial sectors are stored on computers.  Computers have also brought a revolution in the field of medicine. Not onlyclinics and hospitals can store data, the doctors can also make use of the computer to scan patients’ bodies and even perform surgeries that would have been quite complex and dangerous to do so without the finesse provided by the computers. Computers have also been important in the research areas of science and technology from storage of data to performing complex calculations. The importance of computers is also undeniable in the world of communication where now the world has indeed become a global village because of thismiraculous invention. Computers have also aided in the entertainment and media industries. Be it a two minutes commercial or a multi-million dollars movie, computers have changed the very concept of providing entertainment to the general public. With...

Words: 3477 - Pages: 14

Free Essay

Filipino

...para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang ...

Words: 47092 - Pages: 189

Free Essay

Enchanted

...kagaspangan L ng Phil. Ports Authority ang lugar na iyon. Bagamat may kagaspangan ang pagkakasemento, na noong una ay binalak niya sa v for you?" // "Wala ho. Hihingi lang ako ng paumanhin sa kagaspangan ko kagabi. Pasensiya na ho." // "Wala iyon. Pero sa j glalakad sila patungo sa third hole. Nadadaanan nila ang kagaspangan ng matataas na damo, punungkahoy at mga palumpong. I inis. Galit din siya kay Cocoy dahil sa ipinakita nitong kagaspangan ng pag-uugali. Buong akala pa naman niya'y maginoo A g kapinuhan sa kainang publiko. Lumala ang hatol niya sa kagaspangan ni Alvin nang ang tubig na inumin ay minumog bago l j pagsasalita ni Divine. // Dahil ayaw niyang magpakita ng kagaspangan, pilit na nakipag-usap nang matino si Menard sa dal A o. // "Bastos! Ano ka ba? Pati sa bata nagpapakita ka ng kagaspangan. Wala kang karapatang gawin 'yon. Ayoko na!" impit 6 oong Santos // iyon ang ahente // mabuti hung tao // may kagaspangan lamang na kumilos at magsalita // dinaramdam kong h 4 awa mo lang ang tungkulin mo // at hindi ka nagpakita ng kagaspangan ng ugali // sa pagiging doktor hindi ka nagkait sa 2 gpakita ng takot kay Mommy hindi rin naman nagpamalas ng kagaspangan o galit // kung iba sigurong mahina-hina ang loob b 9 ba pang nasa gayunding hanapbuhay ang taxi-driver ay may kagaspangan tahimik at may madilim na mukha // malas siguro par kagat F there o." Turo niya sa langit. // Nangingiti si Mitchel, kagat ang dalawang kamay ng nangangating gilagid. Napadako si...

Words: 86413 - Pages: 346

Free Essay

Earl

...Republic of the Philippines SUPREME COURT Manila EN BANC G.R. No. 179271               April 21, 2009 BARANGAY ASSOCIATION FOR NATIONAL ADVANCEMENT AND TRANSPARENCY (BANAT), Petitioner,  vs. COMMISSION ON ELECTIONS (sitting as the National Board of Canvassers), Respondent. ARTS BUSINESS AND SCIENCE PROFESSIONALS, Intervenor. AANGAT TAYO, Intervenor. COALITION OF ASSOCIATIONS OF SENIOR CITIZENS IN THE PHILIPPINES, INC. (SENIOR CITIZENS),Intervenor. x - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -x G.R. No. 179295               April 21, 2009 BAYAN MUNA, ADVOCACY FOR TEACHER EMPOWERMENT THROUGH ACTION, COOPERATION AND HARMONY TOWARDS EDUCATIONAL REFORMS, INC., and ABONO, Petitioners,  vs. COMMISSION ON ELECTIONS, Respondent. D E C I S I O N CARPIO, J.: The Case Petitioner in G.R. No. 179271 — Barangay Association for National Advancement and Transparency (BANAT) — in a petition for certiorari and mandamus,1 assails the Resolution2 promulgated on 3 August 2007 by the Commission on Elections (COMELEC) in NBC No. 07-041 (PL). The COMELEC’s resolution in NBC No. 07-041 (PL) approved the recommendation of Atty. Alioden D. Dalaig, Head of the National Board of Canvassers (NBC) Legal Group, to deny the petition of BANAT for being moot. BANAT filed before the COMELEC En Banc, acting as NBC, a Petition to Proclaim the Full Number of Party-List Representatives Provided by the Constitution. The following are intervenors in G.R. No. 179271: Arts Business and Science Professionals...

Words: 9621 - Pages: 39