Panimula…………………………………………………………………….1
Modelong Konseptwal……………………………………………………..2
Kaligiran sa pananaliksik…………………………………………………..3
Paglalahad ng suliranin
Hinuha
Kahalagahan ng pag-aaral
Katuturan ng mga katawagang ginagamit
Kabanata 2
Kaugnay na literature
Pangmagaa
Kabanata 1
Panimula
Ayon sa mga departamento sa edukasyon tulad ng Commission on Higher Education o CHED at Department of Education o DepEdang Algebra daw ay dapat isali sa kurrikula ng mga magaaral na pumapasok sa mga unibersidad, colegio o mga institute. Sa kadahilanan na ito raw ay makakatulong sa mga magaaral. Ngunit ano nga ba ang asignaturang ito? Algebra ay ang pag-aaral ng mga numero, dami, mga relasyon at istrakturasangay ng matematika. Ang Algebra pangkalahatan ay itinuro sa mga colegio,na nagpapakilala sa Algebra pangunahing ideya: Kapag aming pag-aralan figure para sa karagdagan o pagpaparami kung ano ang mangyayari kapag, at upang maunawaan ang mga konsepto at kung paano lumikha ng isang variable polynomials at makita ang kanilang mga Roots. Algebra bagay ng pag-aaral ay hindi lamang isang numero, ngunit ng iba't-ibang mga istraktura abstraction. Bilang halimbawa, ang hanay ng mga integer na may karagdagan, pag paparami ng order at kaugnayan ay isang hanay ng mga algebraic istraktura. Sa ang lamang namin ay interesado sa isang iba't ibang mga relasyon at mga katangian, at parasa "ang bilang mismo ay kung ano" ang problemang ito ay hindi mahalaga. Mga karaniwang uri ng mga algebraic istraktura ng mgagrupo, singsing, field, magkaroon ng amag, linear naespasyo.Ano ng ba ng epekto ng Algebra sa mga magaaral sa panahon ngayon at ganun nalang kahalaga ang pag-aaral ng asignaturang Algebra.
Ayon sa mga propesyonal ang pagaaral daw ng Algebra ay malaking tulong dahil raw ito ang magiging pundasyon ng magaaral tungo sa pagaaral ng matematika. Maraming naniniwala na dito raw nagsisimula ang kaalaman para maintindihan ang mga susunod pang banghay ng asignaturang matematika tulad na lamang ng Math of Investment, Calculus, Geometry at marami pang iba. Bilang estudyante sa colegio marami rin epekto ang Algebra sa akin. Tulad na lamang ng maaring hindi mo maintindihan ang mga pinagaaralan niyo sa ibang banghay ng matematika kung wala kang background sa pagaaral ng Algebra. Hindi madali ang asignaturang Algebra ngunit kailangan natin laging tandaan walang bagay na hindi mahirap at hindi pinaghihirapan. Wala tayong matutunan kung di paghihirapan gaya rin yan ng asignaturang Algebra. Sa kabilang banda ay mayroon din namang hindi maganda naidudulot ang pagaaral ng Algebra sa mga magaaral lalo na’t wala sa isip ng magaaral ang matuto.Maraming maaring maging epekto nito. Kagayanarin ng mga asignaturang English at Filipino na nagbibigay ng mga kaalaman na maaring magamit sa ating pagunlad. Kung hindi pagbibigyan ng pansin ay wala matutunan ganyan rin ang nais itulong sa ating ng asignaturang matematika. Kaya naman maswerte ang mga mag-aaral at nabigyan sila ng pagkakataonna magkaroon ng ganitong asignatura at masama ito sa kurrikula ng mga colegio. Lalo na sa panahon ng mga kabataan ay marami ng nagbago. Masyado ng makabago ang mga bagay bagay. Sa Ngayon, dahil sa kanilang mga espesyal na kahalagahan ng algebra, ay nakasama sa mga materyales pagtuturo, bilang isang mahalagang disiplina sa sistema ng unibersidad ng pag-aaral
Modelong Konseptuwal
Pang mag-aaral na salik
Interes
• Study habit
Pang gurong salik
• Istratehiya sa
Pagtuturo
• Edad ng guro
Kaligiran sa pananaliksik
Para sa mga magaaral ng 1HRDM2 at mga magaaral na kumukuha ng kursong management ang asignaturang Algebra ay mahalaga at kailanman di matatakasan dahil ito ang magiging pundasyon nila para sa pagharap sa ibang banghay ng Matematika. Marami sa ngayon ang magaaral ang nahihirapan sa asignaturang ito. Marami naming magaaral na matatalino at mahuhusay pagdating ibang asignatura tulad ng English, Science, Filipino at marami pang iba. Kadalasan ay mabilis nilang nauunawaan ito ngunit pagdating sa usapang Algebra ay hirap na hirap at kung minsan pa nga ay bumabagsak. Mayroon din naming mga estudyante na biniyayaan ng likas na katalinuhan para mabilis maunawaan ang asignaturang Algebra ngunit base sa aking obserbasyon ay kakaunti na lamang ang mga ganitong magaaral. Kapansin pansin sa mga estudyante ay madalas na daing ang mga grado nila sa Algebra. Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nagiging ganito ang pagtanggap ng mga magaaral sa asignaturang naglalaro ng mga numero at letra na tinatawag ngayong Algebra?
Isa sa nakikitang salik ay ang interes ng magaaral. Malaki ang epekto nagpakakaroon at hindi pagkakaroon ng interes ng bata sa Algebra. Ang magaaral na may interes sa pagaaral ng Algebra ay mayroong matinding konsentrasyon sa pagintindi at pagunawa ng bawat tinuturo ng ninuman. Magkakaroon din siya ng kusa upang iaplay ang mga natutunan at wag tumigil upang makaya kahit gaano man kahirap intindihin ang mga aralin. Maraming pedeng maging epekto ito ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagsisigurado mo sa sarili mo na mabilis kang matututo at mabilis mong maiintindihan lahat. Kumpara sa mga magaaral na walang interes sa pagaaral ng algebra. Sila ang klase ng magaaral na kahit anong gawing paliwanag ng guro ay di kayang isapuso ang tinuro. Kontento sila sa kung ano ang kalalabasan ng mga pagsusulit nila. Sa huli sila pa rin ang mahihirapan dahil di habang buhay ay wala kang pakialam sa gingawa mo. Ngunit ang hindi nila alam mas malaki ang lamang ng mga magaaral na may interes sa asignaturang algebra kumpara sa mga magaaral na walang pakialam. Mga mga magaaral na nahihirapan kahit na nahihirapan ay mas bibilis ang pagunlad kaysa naman sa mga magaaral na kontento na lamang sa mga nakukuha nilang grado.
Pangalawang salik ay pagkakaroon ng study-habit o paraan ng magaaral sa pagaaral. Mahalaga ang pagkakaroon ng study-habit. Ang pagkakaroon ng mabuti at magandang study-habit ay isang pabisang paraan para mas mabilis pumasok sa ating isipan ang mga gawain natin. Mabilis ang magiging proseso ng mga impormasyon. Maraming paraan upang masabi na ang isang magaaral ay mayroong isang magandang study-habit . Una na rito ang pagseset ng goal, dito ay kailangan alam natin kung para saan ang gingawa atin. Pangalawa, dapat alam natin ang mga magiging resulta n gating gagawin kung ito ba ay maganda at ikakabuti natin. Pangatlo, malayo ang utak sa mga ibang gawain. Mayroon lang syang konsentrasyon para sa mga bagay na pinagaaralan nya. Kung pagdating sa kanilang tahanan ay nagagawa n iya pang magbalik tanaw sa mga napagaralan nila ng isang buong araw o buong lingo upang mas maintindihan nila ito. Marami maaaring maging epekto ang pagkakaroon ng magandang study-habit. Tulad ng natuto ang isang magaaral na magaral gamit ang sarili natin kaalaman. Magkakaroon tayo ng magandang time management. Kung hindi naman ay sa oras na magkakaroon ng biglaang pagsusulit ay mabilis siyang makakasagot kahit na hindi niya ito napaghandaan. Mas malilinang pa ang kaalaman ng isang magaaral sa pagkakaroon ng study-habit. Kaya naman masasabi talagang may magandang epekto at mahalaga ang pagkakaroon ng magandang study-habit.
Minsan rin naman ay ang problema ay wala rin sa magaaral kung di sa mga taong nakapalibot at gumagabay sa isang magaaral para intindihin at mahalin ang asignaturang Algebra. Unang una na dyan ang guro nila Bilang estudyante ay masasabi kong tunay na nakakaapekto sa magaaral ang guro. Una sa mga dahilan o salik ay ang stratehiya ng guro sa pagtuturo. Marami sa mga guro ngayon ang may iba’t ibang stratehiya o paraan ng pagtuturo na madalas ay nagiging dahilan kung bakit ang magaaral ay inaayawan ang assignaturang algebra. Marami kasi sa mga guro ngayon ay may kanya kanyang paniniwala o pananaw sa kakayanan ng estudyante. Marami sa mga guro ngayon ang may kalidad ang pagtuturo. Alam nila kung papaano maiintindihan ng isang magaaral ang lahat ng ituturo niya. Marami rin mga guro ngayon nagsisigurado na di lang basta maiintindihan ng mga magaaral ang tinuturo nya kundi mas magiging madali ang pagsagot ng mga estudyante. Maraming pwedeng maging epekto ang pagkakaroon ng magandang estratehiya ng guro sa mga magaaral. Maari silang makakakuha ng magandang grado sa Algebra. Maaari din naman tumaas ang respeto nila sa mga guro dahil iisipin nila na ang gurong kaharap nila ay kaya silang tulungan sa abot ng kanilang makakaya.May pagasa rin na lalong ganahan ang mga magaaral na making at pumasok sa asignaturang Algebra. Ngunit paano nga ba kung ang guro ay may mahirap o hindi magandang estratehiya sa pagtuturo? Marami na ang nakaranas ng katulad nito at ako mismo ang magsasabi kung ano nga ba ang epekto nito dahil sa mga gurong di maganda nag estratehiya sa pagtuturo ang mga estudyante ay nawawalan ng gana sa pagpasok sa paniniwala na wala naman silang matutunan sa klase. Ito ay dahil sa mga gurong sobrang bilis magturo at madalas ay hindi iniintidi kung may naiintindihan ang mga magaaral. Mayroon naman mga guro na kaya mabilis magturo ay may maling interpretasyon sa magaaral. Marahil para sa iba ay hindi naman nila dapat pagtuunan ng pansin ang mga estudyante lalo na’t hindi naman sila interesado sa mga ito. Ngunit ang hindi nila alam ay madalas sila ang nagiging dahilan nito. Sa ganitong klaseng guro ay nakakaapekto rin sa paguugali ng bata. Maari silang mawalan ng respeto at magkaroon ng maling paniniwala sa lahat ng guro ng Algebra at Matematika ngunit nag mas malalang pwedeng maging epekto nito ay ang pagkakawala nila ng hilig at interes sa Algebra dahil sa mga guro. Kaya naman naniniwala ako na talagang malaki ang epekto ng mga guro at paraan nila para mas mapaunlad ng mga estudyante ang kaalaman sa asignaturang Algebra.
Isa rin sa mga dahilan ay edad ng guro. Marami ng nakikitang dahilan kung bakit nagiging epekto at kung bakit nagging salik ito sa pagaaral ng asignaturang Algebra. Sa henerasyon ngayon marami na sa mga kabataan ang di alam ang salitang respeto at disiplina. Mayroon namang magandang maidudulot ang matatanda ng guro dahil mayroon sa kanila ang madaling pakiusapan. Ngunit ang kadalasan kong naririnig ay ang reklamo ng mga magaaral. Naging malaki ang epekto ng edad sa pagaaral ng estudyante dahil kung matanda na ang guro ay iba na ang paraan ng pagtuturo at mga paniniwala sa mga bagay bagay. Marami siyang alam na di maintindihan ng mga kabataan ngayon. Maraming bagay na kung minsan ay wala ng koneksyon sa pinagaaralan. Mabilis din silang magalit at maigsi lamang ang pasensya. Kapag matanda na ang guro ay habang tumatagal ang oras ay lalong nakakantok ang pagtuturo niya sapat na sa kanila na nagtuturo siya kahit na walang nakikinig sa kanya. Hindi niya nagagawang maipaliwanag ang mga paraan ng pagsolve ng mga equations at dahil nga sa katandaan ay hindi na rin niya kayang ulit ulitin ang mga bagay ng nipaliwanag na niya. Sa madaling salita ay marami sa mga matatandang guro ang wala ng pakialam sa ginagawa ng estudyante nila. Kung kaya naman ay maraming estudyante ang nawawalan ng gana at nawawalan ng respeto sa pagaakalang ayos lang ginagawa nila sa mga matatandang guro.Ngunit kung ang guro ay nasa tamang edad lang alam nila ang bawat galaw at mga bagong kinahihiligan ng mga magaaral kung kaya naman ay alam nila kung paano huhulihin ang atensyon ng bawat magaaral para tuluyan itong making sa kanila. Marami sa mga estudyante ang gaganahan dahil parang may koneksyon sa magaaral at guro pagganito ang edad nito. Ngunit mayroon naming di magandang epekto ito sa magaaral, dahil sa mga ganitong guro ay sila ang madalas nagpapahirap sa mga magaaral. Sila an kadalasang pinakamahigpit dahil nga sa alam nila ang mga pamamaraan ng mga magaaral.
Ito ang maaaring maging salik ng mga magaaral sa pagaaral ng asignaturang Algebra. Naniniwala ako na laging may dahilan ang mga estudyante kung bakit maraming magaaral ang nahihirapan kapag algebra na ang pinaguusapan. Hindi lang sila ang may kasalanan kundi naapektuhan rin sila ng mga taong nasa paligid at sa lipunang kanilang ginagalawan. Dapat tandaan na kahit gaano man kahirap ang asignaturang algebra at kahit maraming balakid o dahilan para mahirapan tayo dito ay kailangan nating magtiyaga na intindihin ito dahil ito ay magiging isang malaking tulong sa ating pagunlad.
Paglalahad ng suliranin
Ang layunin ng pag-aaral na ito upang mabatid ang salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng asignaturang Algebra sa 1HRDM2 sa Colegio De San Juan De Letran, Calamba, Laguna, Panuruang Taon 2013-2014.
Hangad nito na masagot ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang kalagayan ng mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Algebra batay sa:
1.1 Interes
1.2 Study-habit
2. Ano ang kalagayan ng mga guro hingil sa mga sumusunod na salik:
2.1 Istratehiya sa pagtuturo
2.2 Edad ng guro
3. Ano ang karaniwang marka ng mga mag-aaral sa asignaturang Algebra?
4. May epekto ba ang pang mag-aaral na salik at pang gurong salik sa pag-aaral ng asignaturang Algebra?
Hinuha
May makabuluhang epekto ang pang mag-aaral at pang gurong salik sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng asignaturang Algebra.
Saklaw at hangganan ng Pag-aaral
Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng asignaturang Algebra sa 1HRDM2 sa Colegio De San Juan De Letran, Calamba, Laguna, Panuruang Taon 2013-2014.
Ang mag-aaral na gagamitin sa pag-aaral na ito ay mula sa isang kurso na kumukuha ng asignaturang Algebra, kabilang dito ang mag-aaral sa seksyon 1HRDM2 na mayroon 35 na estudyante.
Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay kinapapalooban ng kaalaman at kaunawaan tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng asignaturang Algebra sa Colegio De San Juan De Letran. Ito ang magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:
Guro
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga guro na nagtuturo ng asignaturang Algebra upang malaman nila ang mga kakulangan nila at masolusyunan ang mga salik na nakakaapekto sa mga 1HRDM2 sa pag-aaral ng asignaturang Algebra. Upang mabago rin ang mga istilo at pamamaraan upang lalong maging interesado ang mag-aaral sa asignaturang Algebra. Mahalaga rin ito sa mga guro upang mahubog ang mga mag-aaral na maging bukas ang isip sa pagaaral ng Algebra.
Mag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga mag-aaral ng asignaturang Algebra upang mabatid sa kanila ang maaring makaapekto sa kanilang pag-aaral ng Algebra. Sa ganitong paraan ay mapagtutuunan nila ng pansin ang mga ito at mas sisikapin na mapataas ang grado o marka. Mahalaga rin ito upang maintindihan nila na ang asignaturang Algebra ay mahalaga at magiging kasangkapan sa kanilang pag-unlad.
Magulang
Mahalaga ito sa mga magulang upang malaman ang marka at interes ng kanilang mga anak sa asignaturang Algebra. Sa paraan rin na ito ay magagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak na nakakakuha ng mababang marka sa asignaturang Algebra. Sa paraan rin na ito ay malalaman ng mga magulang ang mga salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng Algebra sa kanilang mga anak kung bakit madalas dinadain ng mga mag-aaral na nahihirapan sila sa asignaturang ito.
Mambabasa
Mahalaga rin ito sa iba upang magkaroon pa sila ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga salik na maaring makaapekto sa kanila pag-aaral ng asignaturang Algebra. Magkakaroon sila ng panahon isipin ang mga solusyon at paraan para mapabuti ang grado sa Algebra. Gayundin upang agad nila ito masolusyunan.
Katuturan ng mga katawagang ginagamit
Ang mga sumusunod na mga salita ay binigyan ng kahulugan ayon sa pag-aaral na isinasagawa ng mananaliksik upang higit na maging malinawa at lubos na maipaunawa sa mga mambabasa ang nilalaman ngpag-aaral na ito
INTERES. Ito ay tumutukoy sa sariling kagustuhan o kawiwilihang gawin ng isang tao.
STUDY HABIT. Paraan ng mag-aaral sa pag-aaral at isang mabisang paraan para makatulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang isang aralin.
ISTRATEHIYA. Ang maingat o masusing pagplaplano ng mga maaksyong bagay para makamit ang nais na mangyari
EDAD. Ito ay tumutukoy sa gulang ng isang tao.
MARKA. Ito ay tumutukoy sa marking ibinibigay ng guro batay sa kakayahan ng isang mag-aaral
Kabanata 2
Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga kaugnay na literature at pag-aaral.
Kaugnay na literature Ang bahaging ito ay tumatalakay sa paksa batay sa mga naiimbag na material tulad ng aklat, dyornal, magasin, peryodiko, internet at iba pa pang pangangailanang impormasyon hinggil sa pag-aaral na ito.
Marka It shall be the policy of the Department of Education to have a grading system which will replace greater emphasis on student performance (Service Manual 2000) Ayon sa DepEd ang pagbibigay ng marka ay mahalagang patakaran upang bigyang diin ang bawat kakayahan ng mag-aaral. Mahalaga ang memorandum na ito ng DepEd sa pag-aaral na isinasasagawa ng mananaliksik sapagkat tagumpay ang pagkakaroon ng mataas na marka sa bawat mag-aaral. Sa marka makikita ang bawat progresibong nagaganap sa mga mag-aaral at ditto rin masasalamin ang kakulangan o kahinaan ng mag-aaral.
Pagmag-aaral na Salik
Interes
Ayon kay Gomez (2000) Ito ay isang pakiramdam ng paghihintay upang malaman ang isang bagay o ang tungkol sa isang bagay. Ito rin ay ang pagkuha ng atensyon ng isang tao sa isang partikular na bagay. Sinasabing ang interes ay mahalaga sa gawain at pag-aaral.
Ayon kay Alexander (2001) na ang sariling interes at tumutukoy sa atensyon ng isang indibidwal kung saan ay higit na naoobserbahan at mararamdaman ang pagpapahalaga at pagnanais sa isang payak na bagay.
Ang sariling interes ay malaki ang magiging epekto sa bawat indibidwal kung saan ay mahuhubog ng isang mag-aaral ang kanyang sariling kaalama. Sa mga nabanggit na kasabihan nangangahulugan lamang ito na ang tagumpay ng isang indibidwal ay base sa kanyang interes. Samakatuwid mahalaga ang interes sa isang indibidwal dahil ito ang mahuhubog sa kanilang kaalaman bilang mag-aaral. Kailanman ay hindi magiging matagumpay ang isang bagay kung walang interes sa paggawa.
Sa kabilang banda naman ay ang sariling interes ay mayroon din maaring maging masamang epekto sa mag-aaral na taliwas sa naunang pahayag. Maaring dahil sa pagkakaroon ng masyadong sariling interes sa isang bagay ay hindi niya mapagtuunan ng pansin ang ibang bagay.
Study habit
In the book “Study skills: the tools for active learning” (2000) the author begins by saying that students should learn about their own learning syles because it will help them be more successful in the classroom.
Ayon sa libro “Study skills: the tools for active learning” (2000) ayon sa manunulat ang mga mag-aaral ay dapat matuto galing sa kanilang sariling kakayanan dahil ito ay malaki ang matutulong nito upang magtagumpay sa mga gawain sa silid paaralan.
Malaki ang maitutulong ng paggamit ng sariling paraan sa pag-aaral upang maging matagumpay dahil dito malilinang ang kaalaman ng isang mag-aaral. Dito rin mahahasa ang kaalaman at kung minsan ay magiging daan rin ito para matuklasan pa ng mag-aaral ang kanilang ibang kaalaman na hindi nila matuklasan sa paaralan.
Pang gurong salik
Estratehiya
Ayon kay Vygotsky (1987) mula sa aklat nina Mayos, Norma S. et. Al (2008) “ang guro sa bagong milenyo” ang mga mag-aaral na handa sa hamon ng edukasyon ay lumalaking nagagamit ang kanyang mga kakayahan handing tanggapin ng mga mag-aaral ang hamon kung sila ay nakakaramdam ng paggalang at pagpapahalaga sa kanila kakayahan.
Sa paggamit ng tradisyunal at alternatibong pagtuturo, matutunana ang mga mag-aaral kapag mabigyang pansin at tuon ang kakayahang kanilang taglay. Kapag nabigyan tuon ang kakayhan matatamo ang ekspetasyon ng guro sa bawat mag-aaral.
Ang estratehiya ginagamit ng mga mag-aaral ng mga guro ay magdadala ng malaking pagbabago sa mga mag-aaral. Mas matutunan ng mga mag-aaral ang bawat aralin kung mabibigayan pansin at hahayaan malinang ng mga guro ang kakayahan ngbawat mag-aaral.Magbubunga ito ng mas maganda at magkakaroon ng mas magandang samahan sa pagitan ng guro at mag-aaral dahuil hindi lang parating ang gaguro ang mabibigayan pansin ng tao kundi mas mapagtutunan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral dahil nagagamit nila ang kanilang talent at kakayahan.
Sa ganitong paraan malalaman rin ng magaaral ang pagiging espesyal at kailanman ay hindi makakaramdam ng panliliit sa sariling kakayahan. Ayon kay Villanueva 1968 mula sa aklat nina Mayos, Norma S. et. Al (2008) “ang guro sa bagong milenyo” kailangan pagibaa ibahin ng guro ang kanyang pamamaraan at estratehiya sa panganagailangan ng mga mag-aaral. Dapat ay ibahin na ng guro ang estratehiya nila sa pagtuturo kung nararamdaman nila na hindi epektibo ang dating paraan ng kanilang mag-aaral kung kaya naman ay dapat itong ma-adapt ng mga guro upang ganahan ang bawat mag-aaral. Sa panahon ngayon ay siguro marapat langf na baguhin na ang mga materyales sa pagtuturo lalo na sa panahon an ito ay naglipaan na ang mga teknolohiya.
Kaugnay na Pag-aaral
Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga kauganay na pag-aaral kung saan ito ay may kaugnayan sa paksa at nabibigayan ng wastong paghuhusga batay sa pag-aaral ng mananaliksik.
Marka
Ayon sa pag-aaral ni Nazareno (2000), ang grado lamang o marka ang matibay na patunay kung ano natutunan ng mag-aaral at kung ano ang pagkukulang na ginagawa nito. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabatid ng mga guro ang grado ng mga mag-aaral sa asignaturang Algebra. Mula sa mga marka ng mga mag-aaral ng mga mag-aaral kung ito ay mababa. Malaki ang paniniwala ng mananaliksik na mahalaga ang pagkakaroon ng grado sa isang indibidwal.
Pang mag-aaral na salik
Interes
Hinggil kay Tapeno (2001). Isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ay ang maturidad at pagiging handa lalo na sa pagbabasa. Pero hindi lamang ito ang salik na may kaugnayan sa abilidad sa pagbasa. Ang interes at ang pag-uugali hinggil sa pagbasa at nakatutulong nang malaki upang malaman kung natuto o hindi ang mag-aaral.
Nakakaapekto sa pagkatuto ng isang tao ang maturidad at ang kagustuhan niya matuto. Nakakaapekto rin kasi ang lebel ng magunawa ng isang mambabasa. Malaki ang magiging epekto ng paguugali ng isang mag-aaral sa mambabasa dahil marahil ay nagagawang makabasa ngunit walang interes na intindihin ang binabasa kung kaya naman walang pumapasok sa isip ng mababasa at walang natutunan. Ngunit kung ang isang mag-aaral ay may interes sa pagunawa ng babasahin madali niyang maiintindihan ang mga tinuro tulad na lamang ng mga equation o problems sa Algebra. Kung kaya naman tunay talagang malaki ang magiging epekto ng interes ng mag-aaral sa pagkatuto.
Ayon sa pag-aaral ni Lachica (2000) ang sariling interes ng tao ay pinaniniwalaang pagsusumikap na makamit ang mga bagay-bagay karunungan at kayamanan.
Matibay na sinasangayunan ng mananaliksik ang pag-aaral ni Lachica. Napatunayan na ito ng maraming nagging matagumapay dahil sa sariling interes. Marami na ang nakakamit ang mga pangarap ng dahil sa ginagawa nila ng dahil sa sariling kagustuhan. Kung kaya naman kung walang sariling interes ay maaring hindi maging matagumpay ang isang indibidwal.
Study habit
Pang gurong salik
Estratehiya
Ayon kay Hidalgo (2000) ang modernong pagtuturo ay ganap na malamang ang pakinabang sa mga mag-aaral at guro. Mas pinapalawak nito ang mga konsepto sapagkat mas nakikita ng mag-aaral ang nais ipahiwatig ng tiyak na paksa. Ngunit di pa rin maiwasan ang tradisyonal na pamamaraan dahil ito ang kinagisnan at kinalakihan.
Sa panahon ngayon ay marami na ang naglalabasan mga paraan ng pagkatuto. Marami na ang nausong iba’t ibang materyales sa pagtuturo sa mga unibersidad, colegio at ibang paaralan tulad ng mga telebisyon. Isa sa mga halimbawa nito ay ang De La Salle University na gumagamit ng tablets para sa pag-aaral imbes na mabibigat na libro ay mas pinagaan nila ang buhay ng mga mag-aaral. Ngunit sa panahon ngayon ay hindi pa rin maiiwasan ang tradisyunal na pagtuturo dahil ito ang kinagisnan at ito ang kinalakihanang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa panahon ngayon.
Ayon kay Novak (1998) ang tradisyon na pagtuturo ay nakapukos sa guro bilang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral. Sa ganitong pagtuturo, nasa guro ang responsibilidad at sa kanya ang paraan at mga estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mag-aaral.
Sa tradisyon na pagtuturo ang mga guro ay ang magiging gabay ng mga mag-aaral sa pag-aaral at kapaligiran ng mag-aaral. Sa ganito paraan nasa guro ang responsibilidad ng pagiisp ng paraan upang maintindihan at maipaintindi sa mga mag-aaral ang aralin sa paraan na alam niyang mas magugustuhan ng mag-aaral ang mga aralin.