III. Mga Tauhan: Julia -kahali-halinang dalagang Pilipina -kasintahan ni Tenyong Tenyong -isang makisig na binatang Pilipino -kasintahan ni Julia Miguel -isang mayamang binata -ibigipakasal kay Julia
IV. BUOD:
Ang “Walang Sugat” ay tungkol sa magkasintahang sina Julia at Tenyong. Si Julia’y kahali-halinang dalagang Pilipina at si Tenyong ay isang makisig na binatang Pilipino. Dumating sa kanilang dalawa ang balitang dinakip ng mga Kastila ang ama ni Tenyong. Labis-labis itong pinahirapan ng mga Kastila hanggang sa tuluyang malagot ang hininga ng matanda. Dahil dito’y sumumpa si Tenyong na ipaghihiganti niya ang ama. Siya’y namundok at umanib sa mga maghihimagsik kung kayat ang magkasintahan ay nagkahiwalay. Katulad ng kalakarang balangkas ng mga istorya ng panahon, may hadlang sa dakilang pag-iibigan ng dalawa. Sapagkat si Julia’y ibig pakasal ng kanyang ama sa isang mayamang binatang ang pangalan ay Miguel. Nalaman ni Tenyong ang pangyayari at isang paraan ang naisip niya. Ikakasal na si Julia kay Miguel nang may dumating na ilang kawal na dala ang isang sugatang malapit nang mamatay. Ipinakiusap sa ina ni Julia na pagbigyan ang huling kahilingan ng taong iyon na malapit nang mamatay. Ipakasal lang ito kay Julia, yamang mamamatay naman ito. Kayat pagkamatay nito ay maaari nang magpakasal si Julia sa mayamang binatang si Miguel. Noong una ay ganoon na lamang ang pagtanggi ng ina ng dalaga ngunit kalaunan ay pumayag na rin alang-alang sa isang malapit nang sumakabilang-buhay. Nang matapos na ang kasalan, lumitaw ang katotohanang ang lalaki’y hindi totoong sugatan at lalong hindi malapit nang mamatay. Ang lalaki pala’y si Tenyong na gumawa ng ganoong kaparaanan upang sa kanya mapakasal si Julia at hindi kay Miguel.
V.PAGSUSURI:
1. Panahong Kinabilangan
* Nabibilang sa lahat ng panahon (noon at maging sa kasalukuyan).
2. Sariling Puna
Sa akdang aking nabasa ito ay napakaganda sapagkat marami tayong aral na makukuha dito. Mula sa simula hanggang sa katapusan ay talagang inaabangan ko dahil sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari lalo na sa pangunahing tauhan. Nangyayari din ito sa totoong buhay lalo na sa mga magsing-irog na maraming pagsubok /hadlang ang dumating sa kanilang pag-iibigan.
VI. GINTONG KAISIPAN:
“Hahamakin ang lahat maangkin ka lamang “
Ito ang ginawa ni Tenyong sa kanyang pag-ibig kay Julia, nag-isip siya ng mabuting paraan upang makuha lamang ang kanyang kasintahan.