Sarbey Sa Saloobin Ng Mga Kabataang 16-25 Sa English Accent Na Pangunahing Kinikilala Ng Bansa
In:
Submitted By MllePsychologue Words 2260 Pages 10
Sarbey sa saloobin ng mga kabataang 16-25 sa
English accent na pangunahing kinikilala ng bansa
I. PANIMULA
A. Introduksyon
Bilang pangalawang lenggwahe ng Plipinas, Ingles o English ang ginagamit nating mga Pilipino sa ating teknikal na pakikipag-usap o opisyal na pakikipagtalastasan. Maraming punto o accent ang wikang Ingles. Ang punto ay binigyang kahulugan bilang paraan ng pagbigkas na pagkakakilanlan ng isang partikular na tao, lugar, o bansa. Nalalaman din dito ang kanyang estado sa buhay, etnisidad, unang lenggwahe at iba pa(http://en.wikipedia.org/wiki/Accent_(linguistics). Halimbawa ng mga punto sa ingles ay ang mga sumusunod: American, British, Australia, Canadian at Filipino. Ang Filipino accent ang madalas nating marinig sa pang-araw araw na pakikipagtalastasan. Ngunit sa pagdaan ng panahon, natutunan nating mas maganda pakinggan ang punto ng ibang bansa sa pagsasalita ng Ingles. Makikita ito sa mga patalastas, hiring sa trabaho at pagkilala sa eskwelahan kung saan nasusubok ang kakayahan ng isang indibidwal sa pakikipagtalastasan. Ang ilang mga punto ay iniiisip na mas prestihiyoso kumpara sa iba, tulad ng punto ng mga Ingles sa United Kingdom, dahil nga sa asosasyon nito sa mga piling tao. Ang Received Pronunciation ng mga Ingles ay tinuturing na punto ng mga alta sa lipunan. Ngunit sa lingwistika, pantay pantay lamang ang lahat ng mga punto, walang prestihiyoso, walang magandang pakinggan, lahat pareho lang (http://en.wikipedia.org/wiki/Accent_(linguistics)#Social_factors)
B. Paglalahad ng layunin / Suliranin
Ang mga Pilipino ay mabilis humusga sa ibang tao, kasama na dito ang paghuhusga natin sa paraan natin ng pagsasalita. Ano nga ba ang accent o punto na dapat nating gamitin upang tayo’y pakinggan ng ating awdiyens at hindi kutyain kung sa lingwistika ay pantay pantay lamang ang bawat punto? Bakit ganoon ang preferensya ng mga Pilipino sa pagpili ng puntong pakikinggan?
Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang saloobin ng mga kabataang edad 16-25 sa ginagamit nating punto sa pagsasalita natin ng ingles. Nilalayon din ng papel na ito sa malaman kung anong punto o accent ang mas kabigha-bighani sa pandinig natin, kung ito ba ay nakakapangumbinsi, tunog edukado sa nakikinig at iba pa. C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay magiging mahalaga sa mundo ng pampilipinong lingwistika. Ito ay makabuluhan sa awdiyens na nagtataka kung bakit pinagtatawanan ang pag-iingles ng hindi gaanong nakapag-aral. D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Magiging saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang saloobin ng mga kabataang pilipinong 16-25, ang dahilan ng pagkagusto nila sa isang partikular na punto, at ang teoretikal na paliwanag sa kanilang mga dahilan. E. Pagbibigay kahulugan sa mga Termino
Accent – isang paraan ng pagbigkas na kakaiba sa isang partikular na indibidwal, lokasyon o bansa
American English – isang set ng diyalekto sa Ingles na ginagamit sa Estados Unidos
Philippine English – Ingles na ginagamit ng karamihan ng edukadong Filipino. Gumagamit ng rhotic na pagbigkas
Received Pronunciation – tinatawag ding “Queen’s English”, punto ng istandard na Ingles ng Inglatera, na pangunahing ginagamit sa mga edukadong tao ng London at karatig bayan nito sa timog ng kanilang bansa (Microsoft ® Encarta ® Dictionary, 2009).
Rhotic consonant – pagbigkas sa letrang ‘R’ na nakapigil ang dulo ng dila sa itaas na bahagi ng bibig, na nagbibigay ng parang gumugulong na ‘R’, mababakas sa pabigkas ng salitang “laRo”
| |
II. PAMAMARAAN
A. Disenyo ng Pananaliksik
Ang isinagawang pananaliksik ay deskriptiv riserts sarbey, kung saan ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan upang makuha ang pangunahing datos at online articles at journals para sa sekundaryang datos. Naniniwala ang tagapagsaliksik na ito ang pinakaangkop na disenyo para sa pananaliksik na ito.
B. Kalahok ng Pag-aaral
Kaunti lamang ang ginamit na kraytirya para piliin ang mga kalahok na respondente sa pag-aaral na ito.. Ang mga kalahok ay dapat nasa edad 16-25, lumaki sa Pilipinas at marunong magsalita ng wikang Ingles. Gamit ang convenience at random sampling, pumili ang mananaliksik sa loob at labas ng Pamantasang De La Salle Dasmariñas ng dalawampung (20) respondente, labing-isang (11) lalake at siyam (9) na babae.
C. Instrumento ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng talatanungan o sarbey form para makuha ang kinakailangang datos mula sa mga respondente. Ang sarbey form ay binubuo ng siyam tanong, at ang mga tanong ay nahahati sa mga sumusunod: * Behavioral information – ang una hanggang ikalimang tanong ay naglalayong makuha ang lebel ng pagka-expose ng mga respondente sa wikang Ingles * Matching Type – nilalayon ng ikaanim na katanungan ang kaalaman ng mga respondente sa iba’t-ibang punto na saklaw ng pananaliksik. Gamit ang isang tape recorder, pinapakinig ng mananaliksik ang mga respondente ng isang maikling kwento. Ang Arthur the Rat ay pinakinggan ng mga respondente sa pito nitong bersyon, at sinubukang malaman kung anong punto ang ginamit ng nagbabasa * Rating Scale – ang ikawalong tanong ay patuloy pang nahati sa lima pang kategorya. Nilalayon ng tanong na ito na malaman ang gradong ibibigay ng mga respondente sa isang partikular na punto, nang sa gayon ay malaman ng pananaliksik na ito kung ano ba talaga ang punto na gusting pakinggan ng mga tao. * Essay – ang huling tanong sa saybey ay humingi ng dahilan sa mga respondent kung bakit ganoon ang kanilang ginawang rating sa mga punto. Ito ang sasagot sa saloobin ng mga kabataang 16-25 sa puntong pangunahing kinikilala ng bansa.
III. PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG DATOS A. Unang Layunin
Saloobin ng mga kabataang 16-25 sa puntong ginagamit ng bansa sa pagsasalita ng Ingles
Isang blogger ang nagsulat para sa kanyang kolum sa Sunday Star Times ng New Zealand, at ang kanyang artikel ay pinamagatang “What, what, can you repeat that please?”. Ang blogger na nabanggit ay si Bridget Saunder, isang New Zealander na nakipag-usap sa isang Pilipinong call center agent, at masasabing hindi niya nagustuhan ang punto sa Ingles ng Pilipinong nakausap. Sinabi niya sa kanyang artikel na “Filipinos learn American English and their accents are diabolically hard to understand. They are so heavy!”, at ikinumpara pa ang Filipino accent sa Indian accent, na mas naiintindihan pa daw niya kaysa sa nauna.
Ito ang pananaw ng isang hindi Pilipino, ngunit ang mananaliksik ay napansin na hindi nalalayo dito ang tingin ng ibang Pilipino [na lumaki at nagka-isip sa Pilipinas]. Ito ang mga piling komento sa sarbey na isinagawa: Respondent | Komento | Res. #3, L | dahil yung sa mga Pilipino dahil may pagkamatigas ang pagbigkas ng english | Res #6, L | Filipino - binabasa / na-popronounce ang bawat letra | Res #13, B | Die Hard European fan, may estado, may impression ang [accent ng] europa, sunod ang amerika |
Talahanayan blg. 1: Kabataang Pilipino na katulad ni Bridget Saunder ang pagtingin sa Filipino accent (*Res = Respondente, L = Lalake, B = Babae)
Ngunit ano nga ba ang saloobin ng kabataang Pilipino sa Filipino accent? Palagiang naririnig ng mga Pilipino ang Filipino accent, pero palagi din nating naririnig and American accent dahil naiwang kolonyal mentaliti sa atin. Ito ang ginawang rating ng mga respondente sa pinakinggang mga punto. | Raw score | | A | B | C | D | E | Filipino | 72 | 69 | 73 | 66 | 65 | Canadian | 70 | 70 | 75 | 72 | 69 | British | 75 | 66 | 69 | 73 | 71 | Australian | 68 | 73 | 63 | 72 | 74 | Irish | 82 | 59 | 75 | 79 | 74 | Indian | 53 | 58 | 77 | 60 | 71 | American | 72 | 72 | 62 | 69 | 62 |
Talahanayan blg. 2: Raw score (hanggang 100 lamang ang posibleng maging iskor) ng rating na ginawa ng mga respondent, a. kagandahan sa pandinig ; b. naintidihan ang salitang binigkas ; c. katalinuhan sa pagbasa; d. may tanda ng pagiging edukado ; e. may tanda ng pagiging maykaya | Mean Score | | A | B | C | D | E | Filipino | 3.29 | 3.45 | 3.48 | 3.14 | 3.00 | Canadian | 3.53 | 3.33 | 3.57 | 3.24 | 3.29 | British | 3.57 | 3.14 | 3.33 | 3.48 | 3.55 | Australian | 3.24 | 3.57 | 3.00 | 3.43 | 3.52 | Irish | 3.71 | 2.90 | 3.57 | 3.76 | 3.76 | Indian | 2.60 | 2.76 | 2.81 | 2.86 | 3.33 | American | 3.60 | 3.38 | 2.95 | 3.48 | 2.95 | Talahanayan blg. 3: Mean score ng rating scale (x=i=1nXi/n), ipinapakita ang dominanteng Sagot ng mga respondente Makikita na sa mga kategorya ng a. kagandahan sa pandinig ; b. Naiintindihan ang salitang binigkas; c. Katalinuhan sa pagbasa; d. may tanda ng pagiging edukado; e. may tanda ng pagiging may-kaya, kailanman ay hindi nanguna sa mga respondent ang American at Filipino accent. Ibig sabihin lamang nito na sa dalawang accent na kinikilala ng bansa sa pagsasalita ng Ingles (American at Filipino) at sa iba pang accent na maaring narinig na ng mga kalahok bago pa man ang sarbey, mas nagagandahan ang mga respondente sa kanluraning punto kaysa sa Filipino. “Dahil mga Pilipino tayo mas madali nating naiintindihan ang Filipino accent. Ang American [accent] ay halos ganoon dindahil madalas na natin itong itong marinig” – respondente #20-
B. Ikalawang Layunin Malaman kung anong punto o accent ang mas kabigha-bighani sa pandinig natin, kung saang punto tayo pakikinggan at igagalang ng ating awdiyens. Punto | Iskor | American | 18 | British | 12 | Irish | 6 | Indian | 7 | Filipino | 15 | Australian | 10 | Canadian | 9 | Talahanayan blg. 4: Mga puntong makikilala ng mga kalahok kapag napakinggan Punto | Iskor | Irish | 3 | Australian | 5 | British | 5 | Canadian | 0 | Filipino | 16 | Indian | 18 | American | 7 | Talahanayan blg. 5: Bilang ng tamang sagot sa pagkilala sa mga napakinggang punto Lahat ng mga kalahok sa isinagawang sarbey ay sumagot ng ‘Oo’ sa tanong kung alam ba nilang may iba’t-ibang punto sa pagsasalita ng Ingles. Sa kasunod natanong, tinanong ng mananaliksik ang mga kalahok kung anu-anong mga punto ang kaya nilang makilala kaopag kanilang narinig. Ang nanguna ay ang American (18) at Filipino (15), ang hindi nila agad makikilala ay ang Irish (6) at Indian (7). Sa Ika-anim na tanong na sinubok ang katapatan ng mga kalahok sa pagsagot sa mga naunang tanong ay pinapakinig ng mananaliksik ang mga respondente ng kwentong binasa sa pitong punto. Pinasulat ng mananaliksik sa sarbey form ang sa tingin nilang punto naginamit ng nagbabasa. Hindi nagkatugma ang nagging sagot ng mga kalahok sa ika-lima at ika-anim na tanong. Sagot nilang makikilala nila ang American at hindi gaano ang Indian. Sa dalawampung kalahok, pito o tatlumpu’t limang porsyento lamang ang nakakuha ng tamang sagot, kumpara sa siyamnapung porsyento na nagsabing makikilala nila ito. Sa Indian naman, na nakakuha ng tatlumpu’t-limang porsyento sa ika-limang tanong, ay nakakuha ng pinakamaraming tamang sagot (18/20, o siyamnapung porsyento) sa pagsusulit na ginawa, mas madami pa sa nakakilala sa Filipino accent (16/20 o walumpung porsyento). Nagbibigay ang resulta na ito ng mga implikasyon na: 1. Hindi ganoon ka-maalam ang kabataang Pilipino sa mga punto na kanilang naririnig ; 2. Hindi nagsabi ng katotohanan ang mga kalahok at; 3. Hula lamang ang kanilang pagsagot. Kung ganoon na hindi alam ng mga kalahok ang mga punto, hindi maipapangako ng pag-aaral na ito na masasagot nito ng buo, tuwid at eksakto ang ikalawang layunin. Punto | Iskor | Filipino | 5 | Canadian | 0 | British | 6 | Australian | 3 | Irish | 8 | Indian | 0 | American | 6 | Talahanayan blg. 6: Puntong pinakanagustuhan ng mga respondent Pinakita sa talahanayan sa itaas ang puntong pinakanagustuhan ng mga kalahok pagkatapos pakinggan ang pitong bersyon ng kwentong Arthur the Rat. Makikita na pinakanagustuhan ng mga kalahok sa pag-aaral ang Irish, kasunod ang British at American. Ibig sabihin lamang nito na kung ang punto ng nagsasalita ay tunog Irish, British o American, maaaring dito ay pakinggan siya at igalang ng kanyang awdiyens.
IV. LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON A. Lagom Ang punto sa pagsasalita ay minsang nagiging sukatan ng kakayahan at halaga ng isang tao. Ang saloobin ng mga kabaatang 16-25 sa puntong kinikilala ng bansa ay hindi buong nasalamin ng pag-aaral na ito. Nalaman lamang nito na mas gusto ng mga populasyon ang kanluraning punto base sa isinagot ng mga samol na kinuha. Nalaman din ng pag-aaral na pinakanagustuhan ng sampol ang Irish, British at American accent. B. Konklusyon
Bilang konklusyon sa pag-aaral na ito, masasabing ang kabataang 16-25 ay insecure sa kanyang sariling punto (ang Filipino accent) at mas gusto pang yakapin ang kanluraning punto. Isa sa kanilang saloobin ukol sa ating kinikilalang punto na Filipino accent ay matigas ang pagkakabigkas, hindi punto ng nakapag-aral o edukado at hindi hamak na mas nagagandahan sila American, British at Irish accent. At dahil nga mas nagagandahan sila sa mga kanluraning punto sa pagsasalita ng Ingles, sinabi nilang mas nakikilala nila ang mga puntong kanluranin, na hindi tumugma sa kanilang tamang sagot sa pagsusulit sa pagkilala ng mga punto. Mas gustong pakinggan ng mga kabataang 16-25 ang Irish, British at American sa lahat ng mga punto.
C. Rekomendasyon
Ang punto sa pagsasalita ng Ingles ay hindi dapat pagmulan ng prehudisyo. Bilang mga Pilipino, hindi tayo dapat magkaroon ng inferiority complex sa ating wika at punto. Wika ang susi sa pagkakaintindihan, at ang punto ay paraan ng pagpapahayag sa sarili. Inererekomenda ng pag-aaral na ito na gawing pagsubok ang pag-aaral na ito, upang malaman kung tunay nga ba tayong Pilipino na sinasalamin ng ating wika at punto, o Pilipino lamang tayo na ipinagmamalaki ang ating wika kapag may atleta o mang-aawit na sumikat sa ibang bansa.
BIBLIOGRAPHY
Accent (Linguistics), Petsa ng pagkakuha: Setyembre 28, 2011, galling sa: http://en.wikipedia.org/wiki/Accent_(linguistics)
Accent (Linguistics) Social factors, Petsa ng pagkuha: Setyembre 28, 2011, galling sa : http://en.wikipedia.org/wiki/Accent_(linguistics)#Social_factors
Received pronunciation (2009), Microsoft Encarta Dictionary, Microsoft Inc.
Saunders, Bridget (2009), What, what, can you repeat that please?, Sunday Star Times