KABANATA 1
Ang Suliranin At Kaligian Nito
INTRODUKSYON:
Ang pag-aaral na to ay sumasaklaw sa mga pananaw ng mga mag-aaral sa mga pasilidad ng Unibesidad ng Jose Rizal . Tinatalakay ditto ang mga kuro-kuro o reaksyon ng mga mag-aaral ukol sa pasilidad na ibinibigay ng pamunuan ng nasabing paaralan at paano mapupunan ang mga suliranin at kakulangan sa pasilidad…
Ito ay kasama sa pag-aaral o karaniwan itong nasasaksihan at nabibigyang pansin ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa nasabing paaralan. Ang Pasilidad ay hindi parte ng pag-aaral. Subalit, sa pagpansin ng mga mag-aaral o sa reaksyon ditto ay unti-unti na itong nakikita sa mga mag-aaral o kabataan sa henerasyon ngayon. Maaring dahil sa pasilidad ay naiimpluwensyahan ang mga mag-aaral na walang matutunan at mawala ang interes sa nasabibg kurso at sa mga Gawain nito.
Samantalang, may mga kagamitang ginagamit sa pag-aaral ng pagtutuos o accountancy na may kanya-kanyang kahalagahan, hindi lamang sa mag-aaral, kundi maging sa mga guro. Ang mga ito ay tulad ng iba’t-ibang uri ng papel gaya ng journal at worksheet, lapis, bolpen, mga libro, kwaderno, pisara, mga makabagong teknolohiya tulad ng calculator at kompyuter. Hindi din mawawala ang mga silya at upuan na pinakamahalaga sa isang silid-aralan sa kahit anong antas at uri ng edukasyon.
Samakatwid, nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga suliranin at kakulangan sa pasilidad sa larangan ng pagtutuos o accountancy na unti-unti nang umuusbong dahil ito ay maaaring maging sanhi ng hindi pagkatuto ng mga mag-aaral at pagkawala ng kanilang interes sa nasabing kurso o asignatura…
LAYUNIN NG PAG-AARAL:
Ang Pamanahong-papel na ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon ukol sa suliranin, kakulangan at reaksyon sa mga pasilidad ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang pagtutuos at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang pananaw ng mga studyante sa mga pasilidad ng unibersidad ?
2. Nakatutulong ba, ang pasilidad na ito upang maging masigasig sa pag-aaral ang mga studyante ?
3. May epekto ba ang pasilidad sa pag-aaral ng mga studyante ?
4. Ano ang pangunahing pasilidad ang pangangailangan ng mga studyante sa isang unibersidad ?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:
Ang pananaliksik na ito ay mahalaga, hindi lamang sa estudyanteng kimukuha ng kursong pagtutuos, kundi pati na din sa mga estudyanteng nag-aaral ng asignuturang pagtutuos. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman ang epekto ng paggamit ng mga pasilidad sa mga mag-aaral ng kursong pagtutuos sa nasabing pamantasan. Sa tulong din nito, mapapalawak ang kaisipan ng mga mambabasa ukol sa mga problemang kalimitang hindi pinapansin at pinagwawalang bahala. Dito din maiilalabas ng mga estudyante ng kursong pagtutuos ng nasabing pamantasan ang kanilang saloobin, opinion, at hinaing hinggil sa paggamit ng mga pasilidad sa pag-aaral ng asignaturang pagtutuos.
Sa kabuuan, inaasahan ng mga mananaliksik na mabuksan ang isipan ng mga mambabasa ukol sa suliraning ito at mabigyan ng karapatang solusyon para sa kabutihan ng mga asignaturang pagtutuos, hindi lamangsa kasalukuyan, kundi pati na rin sa susunod at bago pang henerasyon.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa epekto ng paggamit ng mga pasilidad, partikular na sa mga suliranin at kakulangan sa kaggamitan, sa pag-aaral ng asignaturang pagtutuos. Ito ay sumasaklaw sa mga estudyanteng nasa unang taon sa kursong pagtutuos sa unibersidad ng Jose Rizal at sa ikalawang semestre ng akademikong 2014-2015.
Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga unang taon lamang na kumukuha ng kursong pagtutuos sa nasabing pamantasan sapagkat higit na kailangan ang maayos, epektibo, at sapat na pasilidad na makatutulong upang malinang nang mabuti ang angking talino sa larangan ng pagtutuos.
Naniniwala kaming mga mananaliksik na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabubuksan ang isipan ng mga mambabasa sa suliraning ito na kalimitan ay hindi pinapansin. Sa pamamagitan nito, umaasa kaming mga mananaliksik na matugunan ang balakid sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang pagtutuos o accountancy.