Miliminas
Ni Nilo Par Pamonag Salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara
Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitanaan ng Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng pulo ay binubuo ng higit sa 7,200 mga pulo. Ang Miliminas, ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing kapuluan, ay katulad din natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay katulad rin sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali sila at pagsasalita na kaiba rin sa atin. Mik ang tawag sa kanilang pera. At tawag nila sa isang taong mayroong isang milyong mik, o higit pa ay mikinaryo. Sa pagbibihis malaki ang pagkakaiba natin sa kanila . Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas sa atin ngayon na bathing suit at kamiseta at korto para sa lalaki. Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinatutupad na hulihin ang sinumang magdaramit ng mahaba pa sa sa mini-skirt at micro-skirt. Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang Public "Diservice Commission" na equality before the kilo.
Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not overspeeding. Maayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag na Nawasdak. Ang ahensyang ito ay may 3 uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng Malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan ng Maruming tubing; at ang ikatlo, walang tubing kundi Hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng Quatwasdak; Ang gripo na may malinis na tubig ay mahal ang bayad at para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad. Mayroon ding nagmomonopolyo ng kuryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo rin ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito ang Light Service, Brownout Service at Blackout Service. Ang Light service ay nagbibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang Brownout service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mo ang ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong Blackout service. Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng mga kwartu-kwarto na kung sa atin ngayon ay mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mga bazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk. Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution, genuine na mga batas , at iba pa. Upang mapagkatiwalaan ang mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na genuine, tulad ng genuine na resolutions, genuine na pera, genuine na batas, at iba pa. Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na Super Blackmarket. May pintura itong itim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng busil na sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mga genuine na bagay ay ipinagbibili ng patago at tigkakaunti lamang dahil laging hinuhuli ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang kanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian. Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari ng lisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salang illegal possession of genuine firearm. Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating tinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga mataas na opisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa pagpili ng isang "Outstanding Buwaya of the Year". Dalawang klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang batasan na tinatawag na "Circus of Miliminas". Ang isang batas ay para sa mayaman at ang isa ay para sa mahirap. Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang kanilang maaaring gastusing representasyon. Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito nilang santo- ang mik (ang pera mismo), ang buwaya, at si Santasa, isang taong may sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalaking kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-angkin sa yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay ng anumang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa. Ang mga malaking transakyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ng puno, at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ng mesa ng mga opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, ang mga mesa ay mataas para hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito. Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues de paupas. Parang nakakatawa, ano? Pero iyan ang katotohanan. At isa pang nakapagtataka, ang ginugwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang pamamalakad ng hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung sinu-sino sa mga mamamayan ang palaaway at eskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos ng bista at bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala upang ihiwalay sa maraming mga nakakalayang masasamang tao. Sabihin pa, malalaki ang bilangguan dito at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay tinatawag na VIP (Very Important Prisoner). Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa lang ng kampanya, magkaharap na sa entablado ang magkakalaban sa pulitika. Nagbabatuhan ng putik. Sa atin ngayon ang mudslinging ay pasaring lamang sa mga talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapat magsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi matutupad, dahil kung hindi nya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyang kandidatura ng komisyon ng kalokohan, ang ahensyang namamahala sa eleksyon. Sa araw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nila pinag-iisipan. Ang inisip nila ay ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatay ng kanilang mga kampon, at ang may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto ay tinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota. Ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay at pumatay sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang magdadala sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang maligaya kasama si Santasa, ang kanilang paboritong santo. Ang Eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na madaling maubos ang mga mamamayan dito kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon. Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw (ito ang tawag nila sa kanilang henyo) na nakabuo ng isang tabletang kung iinumin ng mag-asawa ay magkakaanak ang babae ng isang instant baby, na ipinagbubuntis sa loob lamang ng dalwampu't apat na oras. Napakadali ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa MIliminas. Patuloy pa rin ang pag-iral ng mga bayang kontento na sa klase ng pamamalakad dito na sa panahon ngayon ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki pa ng matataas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamamayan. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang magigiting na tumanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraang administrasyon. At sinu ang kanilang pinagtutungkulan? Ang pinagtutungkulan nila ng papuri ay mga ismagler, mga namomorsyento, mga kickback artist, mga mayamang nag aapi sa mga mahirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak(piskal) na hindi tumitingin sa kisalp ng espada ng katarungan at timbangan ng katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman. Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon na masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho. May ilang kabataang malawak ang pagiisip na tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag nila ang kaibahan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang kanilang prinsipyo ay humingi ng isang klase ng pag-uugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit ng lumaon ay madame na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan na tinatawag nilang dungis ng lipunan. Ang simpatya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawal sa kalayaan ng mga ito, at nang lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila, ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng may katungkulan. Sumiklab ang isang rebulusyong lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas. Bilang parusa sa kanilang dyos na si Santasa, dumating ang isang malaking baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan.
The development of the English language
The Germanic tribes, Jutes, Saxons and the Angles, came to England around the 5th century AD and began to live in the Jutland, Holstein and Schleswig areas. Later on the Jutes settled in Kent and the southern Hampshire, the Saxons in the rest of the south of the Thames area and the modern Middlesex, and the Angles spread throughout the rest of England and as far as up to the Scottish lowlands. In Germanic, Angles were called the Angli, and that was transformed to Engle in Old English, and thus the land of all the three tribes was collectively called (Engle + land) England. The Jutes, Saxons and Angles still held their dialects separately. Later on two separate Anglian dialects developed. The dialect of the north of Humber river was called Northumbrian and of the south was called the Mercian. Also the Saxons dialect was called West Saxon as they were settled in the west, and the dialect of Jutes was called the Kentish who were on the southern and eastern sides of the river Thames. Thus, there were four main dialects in England. In the beginning, the Northumbrians held prominence in literature and culture, but after the Viking invasions (793-865) the cultural leadership went to the West Saxon group. In the later part of 9th century the Parker Chronicle (or Anglo-Saxon Chronicle) was written, and thus, West Saxon’s dialect became the “Standard Old English.” According to the literary development of the English language, it could be classified as: Old English, Middle English, Early Modern English and Modern English.
Old English (9th and 10th century). The English language uses the Latin alphabet of 26 consonants and vowels. In the beginning there were very few words of general use like, words of kinship: faeder, modor, brothor, sweostor, and dohtor; 25 names with their inflections like mon, men (man, men) and some adjectives and verbs. There were two demonstratives: se, seo, thaet (that) and thes, theos (this) but there were no (‘a’ or ‘the’) articles. So ‘the good man’ was written as ‘se (that) goda mon,’ and ‘a good man’ was written as ‘an (one) goda mon.’ Verbs had only two tenses, present-future and past with their inflections. Hors (horse) and maegden (maiden) were neuter gender; eorthe (earth) was feminine but lond (land) was neuter; sunne (sun) was feminine, but mona (moon) was masculine. Inflections were used in abundance, so the word order in a sentence was not of much importance in those days as long as the theme was understood. But Old English is totally incomprehensible for a Modern English knower. It was more like the modern German of today. For example: Hie ne dorston forth bi th ere ea siglan (They dared not sail beyond that river).
Modern English (1660 onward). 1660 to 1700 is called the Restoration period because the Parliament, on the public urge, restored the monarchy under Charles II. The period between 1700 and 1750 is called the ‘Augustan Age of English literature’ because the English writers of this period tried to capture the soul of the Latin literature of the period of King Augustus (27 BC - 14 AD), which was considered the peak of the development of Latin literature when Virgil, Horace and Ovid produced their masterpieces. The further development of English literature happened with the publication of Samuel Johnson’s “Dictionary of the English Language” in 1755, and Robert Lowth’s grammar in 1761. The extensive (two volume) work of Samuel Johnson was simplified by the single volume of his dictionary in 1756 which continued to be used up to the 20th century. In fact, since the 13th century, every century had its reformers of the English language. The grammarians of the 18th century like Robert Lowth and James Buchanan etc. took a critical view and spent a lot of time in correcting the shortcomings and the improprieties of the English language that were commonly in use. For example: ‘I had rather not,’ ‘a third alternative,’ ‘more perfect,’ and ‘you was’ etc. The ‘you was’ term was very commonly used among educated people in those days. It was changed to ‘thou wast’ and then to ‘thou wert’ and finally to ‘you were.’ They held the view that Latin was still a superior language. During that time Lindley Murray published his Grammar in 1795 followed by English Reader in 1799 and English Spelling Book in 1804. During that period Noah Webster (1758-1843) produced his Spelling Book in 1783, the first edition of his American Dictionary of English Language in 1828 and a subsequent edition in 1840.
Vocabulary of Modern English. The vocabulary of English language is a mixture of Germanic (Old English and Scandinavian), Greek, Latin and French where almost half of it is Germanic and Greek and half is Latin and French with some of the words from almost all of the notable languages of the world as it had taken free admission from everywhere. A sample of other adaptations are: Spanish-cigar, mosquito, tornado, tomato (tomate) and potato (patata). Hebrew-amen, manna, messiah, rabbi and jubilee. Norwegian-ski. Finnish- sauna. Russian-mammoth and vodka. Czech-robot. Hungarian-paprika. Portuguese-marmalade, flamingo and molasses. Turkish-turban, coffee and caviar. Hindi-sahib, maharajah, jungle, cheetah, karma, mantra and dhoti. Persian-divan, purdah, bazaar and chess. Tamil-curry. Chinese-tea. Japanese-judo and jujitsu. Malay-ketchup, sago and bamboo. Polynesian-taboo and tattoo. African languages-mumbo jumbo and voodoo. Caribbean-hammock, hurricane and tobacco. These are just a few examples of adaptations. (19th and 20th century) In 1864 Frederick James Furnivall founded the Early English Text Society to initiate the revival of the Medieval English literature and to synchronize it with the gradual development of the English language. As a result of that “A New English Dictionary on Historical Principles,” edited by Sir James A.H. Murray and assisted by three more editors, Bradley, Charles Onions and Craigie, was published in 12 volumes along with its supplements from 1884 to 1928. It gives the inventory and the history of words in use from 1150 up to 1500 of all the five dialects of the Middle English. After 1500 only literary English words are taken, not the dialecticals. It enormously contains the quotations from the English literature and records, and incorporates the words that have entered into English vocabulary from the earliest records to the existing date along with their history and origin. It contains more than 15,000 pages and over 400,000 words. A revised and concise edition of this dictionary called “The Oxford English Dictionary” was first published in 1933.
Dialects of Modern English. There are a number of dialects and subdialects in United Kingdom. For instance, Southeast England, Northern, Midland, Norfolk, South Western, Wales and Lowland Scottish etc. Then, the English speech of America, Canada, Australia, New Zealand, Fiji, India, Gulf countries and Africa has its own peculiarity.
The latest form of the most advanced English language. The English language is considered to be the world language of today. It has an extensive amount of words not found in other languages and its rich vocabulary may sufficiently accommodate all the situations of a social and technical nature. But, even at the maximum height of its evolution (which took a full 1,500 years since the arrival of the Germanic people in England in the 5th century AD) could you be sure of the spellings of the names of people or their pronunciations unless you are told? Isn’t it a dilemma that the vowels have no fixed sound or phonetic value, like, father, eye, now, son, sun, where a, e, o and u, all of them sound as a, (long or short), and o is either o or a as in Joan, John, Johnny? It is because the basic alphabetic structure was scientifically wrong from the very beginning; and this is the case with all other languages of the world.