Mga Tauhan:
Kaye: Aleng Mareng/Guro/ Mauricia Mia: May problema sa pag-iisip(Lala)
Norjane: Aleng Patolina Isabelle: Bobong anak(Lulu)
Brithney: Matalinong anak (Lily) Angelie: Aleng Piyang/Yaya Neneng
Oras: Ala-una ng madaling araw
Tagpuan: Sa bayan ng Laging Saklolo,sa tabi ng Ilog Tulong kung saan kadalasang naglalaba ang mga mamamayan.
[May isang babaeng buntis n sampung buwan na si Alen Patolina na masayang naglalaba. Makikitang pakanta-kanta at pasayaw-sayaw pa siya habang naglalaba.]
-------------------------------------------------
Aleng Patolina: (Kumakanta na may halong sayaw habang naglalaba) Ay! Asan na ang sabon? Ay,ito pala. (Patuloy na kumakanta at may halong pasayaw-sayaw pa habang naglalaba)
[Biglang natamaan ng kidlat si Aleng Patolina]
Aleng Patolina: (Nanginginig) Ahhh!!!
[Mabuti nalang at nakita siya nina Aleng Mareng a Aleng Piyang]
Aleng Mareng: Oy,si Patolina,Piyang. Ang aga-aga naman para sumayaw siya. Infairness,magaling siyang sumayaw.
Aleng Piyang: Oo nga, Mareng. Pero sa tingin ko mas magaling ka pang sumayaw kaysa sa kanya.
[Biglang natumba si Aleng Patolina]
Aleng Mareng: (Tumakbo patungo kay Aleng Patolina) Uy,Patolina,anong nagyari sayo? Sus ko,Maria!
Aleng Piyang: (Tumakbo din) Dalhin siya sa bahay,baka manganganak na siya.
[Dinala nin Aleng Mareng at Aleng Piyang si Alneg Patolina sa bahay nina Aleng Piyang at doon siya nangana]
Aleng Piyang: Sige,ipalabas mo na,Patolina! Itodo mo na!
Aleng Mareng: Push mo pa! Go go go! Oy! Lalabas na si baby!
Aleng Patolina: (Sumisigaw habang nanganganak) Ahhh!!! Lumabas na ba?!
Aleng Mareng at Aleng Piyang: Hindi pa! Hindi pa! Sige pa!
Aleng Patolina: Lumabas na ba?
Aleng Mareng: Lumabas na ang buhok! Sige pa!
Aleng Patolina: Lumabas na?
Aleng Mareng at Piyang: Oo! Oo! (Lumundag sa tuwa) Yehey! Yehey!
Aleng Patolina: Lumabas na ba? Bakit masakit pa rin ang tiyan ko?
Aleng Piyang: Baka natatae ka lang.
Aleng Patolina: Hindi,masakit pa eh! (Umire ulit) Ahhh!
Aleng Mareng: Ipush mo ulit!
Aleng Patolina: Ahhh! Lumabas na ba?
Aleng Piyang: Oo,bakit dalawa ang ulo?
Aleng Mareng: Oo nga! Patolina,dalawa ang ulo ng anak mo! Teka apat rin ang mga kamay!
Aleng Patolina: Ahh! Ang sakit na!
Aleng Piyang : Nagkakamali ka,Mareng! Kamabl sila kaya dalawa ang katawan!
Aleng Mareng: Anong kambal? Tatlo man sila!
Aleng Piyang: Edi triplets! Yeheeey! Ano ipapangalan mo sa kanila,Patolina?
Aleng Patolina: Papangalanan ko silang Lala,Lily,at Lulu.
[Pagkatapos ng labing-apat na taon ay lumaki na ang triplets ni Aleng Patolina. Sa kanilang paglaki ay unti-unti ng lumalabas ang kanilang tunay na katangian]
Lala: Nanay,nanay,inaaway na naman po ako ni Lily.
Patolina: Bakit,anong sinabi niya anak?
Lala: Sabi niya baliw daw ako. (Nakasimangot)
Patolina: Lily! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na huwag mong tatawaging baliw ang kapatid mo?
Lily: Eh nanay naman eh! Sino bang tao ang nasa tamang pag-iisp kung ang toyo ay ginawang lotion? Baliw lang an makakaisip nun.
Patolina: Tumigil ka nga jan,lily! Ako nga eh ginagawa ko yun.
Lily: Bakit nanay?kumakain ka rin ba ng panis na siomay? Ginagamit mo ba ang kutsara sa pagsisipilyo? Nagtatumbling ka rin ba haban naliligo?at higit sa lahat,nag-aalaga ka rin ba ng langaw?
Patolina: Bakit,ginagawa ba yan lahat ni Lala?
Lily: Opo,Na. Opo
Patolina: talaga? Ginagawa ko rin yan noon, noong kasing edad ko kayo. Ang galing naman ni Lala! Manang-mana sakin. Halika nga dito,Lala. (Niyakap si Lala)
Lily: Nanay naman eh!
[Dumating si Lulu]
Lily: (Tumingin kay Lulu.) Tulungan mo nga ako dito,Lulu. Ipagtanggol mo ako.
Lulu: Anong meron?
Lily: Eh kasi tong si nanay-
Patolina: (Napatingin sa paa ni Lulu) Teka bakit isang tsinelas lang ang ginagamit mo? Kakabili ko lang ng isang pares ng tisnelas para sayo kahapon ah?
Lulu: Ganyan lang po yan,Nay. Isa lang muna ang gagamitin ko para pag masisira ito,may magagamit pa akong isa. Ang talino ko nay noh?
Patolina: (Papalakpak) Ang galing-galin naman ng anak ko! (Yayakapin si Lulu)
Lily: (Napahawak sa ulo) Ako yata ang mababaliw dito. Mabuti pa’t mag-aaral nalang ako para sa Championship ng Singing Bee,MTAP at Nutri Quiz. Makaalis na nga.
[Umalis nalang si Lily at nag-aral. Palagi kasi siyang ipinapadala ng school nila tuwing may Academic Contest. Ngunit kahit anong panalo niya,hindi siya pinupuri ng kanyang nanay at mas pinupuri pa ang wala sa matinong pag-iisip na si Lala at hindi matalinong si Lulu. Dahil dito,masama ang loob niya sa kanyang pamilya at hinding hindi niya ito matatanggap na makasama pamhabang buhay. Dahil sa sama ng loob,naisipan niyang mabsumbong sa kanyang bestfriend na si Mauricia]
[Pumunta siya sa bahay]
Lily: (Kumatok) nandito po ba si Mauricia?
Yaya Neneng: Ah,hija. Si Mauricia ba? Nandoon siya sa likod,naglalaro kasama ang kanyang alagang palaka.
Lily: Sige po,pupuntahan ko po.
[Piuntahan ni Lily si Mauricia sa bakuran ng kanilang bahay at ikinwento niya ang tungkol sa kanyang mga kapatid at nanay.]
Mauricia: Hahahahaha! Nagsisipilyo gamit ang kutsara! Ahahaha!
Lily: Itigil mo na nga ang kakatawa mo diyan. Pang-asar ka rin eh!
Mauricia: Patawanin mo muna ako. Hahahahah! (Patuloy na tumatawa)
[Nainis na si Lily sa kanyang kaibigan kaya naisipan niya na umalis. Kinabukasan ay pumunta na sila sa school]
Patolina: Mag-aral kayo ng mabuti mga anak ha? Huwag magbulakbol!
Lala: Ano po ang bulakbol? Makakain po ba yun?
Lily: No. Bulakbol means pakacutting classes.
Lala: Ano daw,Lulu?
Lulu: Sabi ni Lily na ang bulakbol ay pagugunting tuwing may klase.
Lala: aaaah! Ganun pala yun!
Patolina: Sige umalis na kayo mga anak. Andyan na ang school bus.
Lulu at Lala: Babye nanay!
Patolina: Bye,anak!
[Pumunta na sa school ang triplets ni Patolina. Sa paaralan, laging nangununa si Lily]
Teacher Belle: Good morning class!
Students: Good morning Teacher Bell
Teacher: Okay,you may now sit. So I’m your Science teacher and Science Teachers knoww best. So,kinetic energy is our lesson for today. What is kinetic energy? Ummm...Lulu.
Lulu: Kinetic energy is our lesson for today.
Teacher: Lulu! Ang ibig kong sabihin ay ang defintion ng kinetic energy.
[ Itinaas ni Lily ang kanyang kamay]
Teacher: O,Lala,ikaw. What is kinetic energy?
Lala: Kinetic energy po ba,ma’am?...ummm makakain po ba yan?
[Tinawanan lamang ni Lily ang kanyang mga kaptid saka nag-isa ng kamay]
Teacher: Oo,ikaw,Lily. What is kinetic energy?
Lily: Kinetic energy is an enery associated with motion.
Teacher: Mali!
Lily: Bakit mali po,ma’am? Yan po ang sagot ng Meriam!
Teacher: Ah,sige tama. Class dismissed,you can take your recess.
[Umuwi na sila sa kanilang bahay matapos ang klase. Nagsamang umuwi si Lulu at si Lala. Hindi sumabay si Lily dahil ayaw niyang mapahiya]
[Nakakita sila ng basag na bote]
Lala: Uy! May basa na bote ng Tanduay! Hehe! Yeheeey! Ibebenta ko ‘to kay Bigo. May pambili na’ko ng napkin ni nanay. Tiyak na matutuwa si nanay. Araw ng patay pa naman bukas.
Lulu: Oy,huwag mong kunin baka masugatan ka. (Hinubad ang tsinelas at tinapak-tapakan ang basag na bote) Aray!!! May pula! Nireregla na’ko! Akin nalang yung napkin na ibibigay mo kay nanay.
Lala: Bakit mo kasi hinubad yung tsinelas mo at tinapakan ang basag na bote ng tanduay.
Lulu: eh kasi ayaw kong masira ang tsinelas ko.
Lala: Ao rin! Pero hindi ko ibibigay ang napkin.
Lulu: Pero menopause na si nanay!
Lala: Anong menopause? Yung meno at pinose sa Facebook?
Lulu: Anong Facebook? Yung mukha na parang libro?
[Nadatnan sila nina Mauricia at Lily sina Lulu at Lala]
Lily: Anong meron dito? Bakit ang ingay niyo? At bakit may sugat ka?
(Ginagaya ni Mauricia ang sinasabi ni Lily)
Lulu: Yeheeey! Lily,nireregla na ako!
Lily: Anong regla? Sugat lang yan,bobo ka talaga
Lulu: (Nalungkot) Ay,ganun ba?
Lily: Hali na nga kayo! Baka ako pang papagalitan ni nanay nito eh!
Lala: Ahhhh! Magpapaiwan ako dito,baka maunahan pa ako ni Mauricia! Ibebenta ko ‘to kay Bigo!
Lily: (Hinila si Lala) Shut up!
[Phobia ni Lala ang salitang ‘Shut up’]
Lala: (Tumigas na may shocking face)
[Sinampal ni Lily si Lala]
Dahil sa malakas na sampal ni Lily ay gumaling si Lala sa pagiging baliw
Lily: Lala?okay ka lang? Lala?
Lulu: Lala? Lalalalalalalalala?
Lala: Lulu?Lily? Lily?Lulu?
Lulu: Lala?
Lily: Lala?Okay ka lang ba?masakit ba yung sampal ko? Sorry ah!
Lala: Okay lang yun,Lily. Salamat. Uwi na tayo! Naku,magluluto si nanay ngayon ng Caldereta!
[Nagtrycicle sila pauwi dahil hindi makalad si Lulu]
[Nakangiti si Lulu at Lala habang takot na takot si Lily na baka pagalitan dahil sa ginawa niya kay Lala]
Lala: Naaaay! Tulungan niyo po kami!
Patolina: Oh,bakit anak?...AY! Lulu! Okay ka lang ba? Saan masakit?Anong kulay ng dugo?
[Ginamutan ito ni Alen Patolina]
Lala: Nay,alam niyo po ba...
[Takot na takot na pumikit at nagdasal si Lily]
Lala: Iniligtas po ako ni Lily kanina. Muntik po akong nagin ice tapos ginamot niya ako.
Patolina: Talaga,Lily? Naku,manang-mana ka talaga sakin! Isa ring doktor!
Lily: N-nay hindi po kayo galit sakin?
Patolina: Bakit naman ako magagalit eh mahal na mahal kita. Kayong tatlo!
Lily: Salamat,nay.