Free Essay

Sikretong Pagmamahalan

In:

Submitted By 2297
Words 385
Pages 2
Likas sa mga pilipino ang maniwala
Maniwala sa kathang isip, sa sabi sabi ,madalas maging sa kasinungalingan pa nga
Ikaw ba, tatanungin kita
Naniniwala ka ba sa multo?
Sa engkanto't maligno?
O sa kasabihang bilog ang mundo?
Maging sa iba't ibang ideya at konsepto?
Naniniwala ka ba?
Kasi ako oo, naniwala ako
Katulad ng paniniwala ko sa salitang TAYO
Sa kumbinasyon ng ikaw at ako
Sa mga ngiting isinisigaw ng mga mata mo
Sa pagbitaw mo ng salitang mahal mo ako
Oo naniniwala ako
Sa tuwing niyayakap mo ako na tila may malamig na hanging dumadampi sa balat ko
Sa mabibilis na halik na pinagsasaluhan nating pareho kasabay ang paghawak mo sa kamay ko sa pagsayaw mo sa akin sabay sa indayog ng mga tugtugin na tila sa atin lang ang mundo at ang oras ay humihinto
Oo naniniwala ako
PERO
laging may pero kasabay nun ang pagtangi ko sa katotohanan ng salitang KAYO
Na may kumbinasyon ring ikaw at siya
Na ang pangarap na pinagsaluhan natin noon ay binubuo niyo na pero
Kumakapit parin ako
Kumakapit sa salitang pwede pa, kumakapit na baka sakaling kaya pa, na kapag naniwala parin ako magpapatuloy pa , pero

Pero hindi pla dapat ako naniwala hindi pla dapat ako naniwala sa mga yakap na hindi pwedeng makita ng iba
Sa mga patagong halik sa likod ng nakababang kurtina
Sa pagindayog mo sa akin sa mga samyo ng tugtugin kapag nakatalikod lang sila hindi pla
Hindi pla dapat ako naniwala sa mga matatamis nating sandali na sa huli ay nakaw lang pala ,na ang salitang TAYO ay para sa kaalaman lang nating dalawa at ang salita sa likod ng mga kaganapan sa pagitan ng ikaw at ako
At ng mahal natin ang isa't isat
Ay ang masakit na salitang PATAGO

SIKRETO ika nga at hindi ko maintindihan kung bakit hindi pwedeng sabihin sa paraang pasigaw at hindi pwedeng ipakita kaninoman

siguro nga ito yung tinatawag nilang SIKRETONG PAGMAMAHALAN na binuo natin at patuloy kong pinaniniwalaan
Ngunit mahal isang pangako ang bibitawan ko sayo
Ang pangako na hanggang sa huling sandali ay mamahalin kita, na mamahalin kita hangga't kaya pa na mahamahalin kita Kahit mali na .... na mamahalin kita kahit nasasaktan na ….. naSASAKTAN na. Dahil duon lang ako …..
Dito lang ako …
Nagiging masaya
Sa paniniwala sa sikretrong pagmamahalan nating dalawa...

Similar Documents

Free Essay

Filipino

...PY 10 Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing...

Words: 47092 - Pages: 189