Free Essay

Sona 2014

In:

Submitted By blubheri22
Words 8659
Pages 35
State of the Nation Address
Of
His Excellency Benigno S. Aquino III, President of the Philippines to the Congress of the Philippines, Batasang Pambansa, Quezon City
JULY 28, 2014
Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos; Senate President Franklin M. Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte Jr. at mga miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani mula sa ating unipormadong hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal kong kababayan:
ANG HINDI TUMINGIN SA PINANGGALINGAN
Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong magbalik-tanaw:
Noon, ang sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang mangarap. May burukrasyang walang saysay, patong-patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong “Sick Man of Asia.” Ang ekonomiya, matamlay; ang industriya, manipis. Walang kumpiyansang mamuhunan sa bansa. Ang resulta: kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang sumuko at napilitang makipagsapalaran sa ibang bansa. Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong maaasahan sa ating pamahalaan at lipunan.
Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na pamumulitika. Naglaho ang pananalig natin sa isa’t isa, humina ang kumpiyansa sa atin ng mundo, at ang pinakamasakit: Nawalan tayo ng tiwala sa ating mga sarili.
Sa puntong ito natin sinimulan ang pagtahak sa tuwid na daan.
REINVESTING IN THE PEOPLE
Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi lang ang mga suliraning ating dinatnan at mga lumilitaw sa kasalukuyan—obligasyon ko ring paghandaan ang kinabukasan. Sa bawat sandali, kailangan kong isaalang-alang ang interes at punto-de-bista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para kang nanonood ng 200 channel sa telebisyon nang sabay-sabay. Kailangan, alam mo, hindi lang ang kasalukuyang nagaganap, kundi ang pinanggalingan at paroroonan ng nilalaman ng bawat channel. Bawal malito, at kailangan, may tugon ka sa anumang tanong, suhestyon, at kritisismo—at dapatsagutin mo ito, bago pa iharap sa iyo.Hindi po madali ang trabahong ito, at tao lang po ako, na kung minsan, nagkakaroon dinng agam-agam.
Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking pangunahing layunin: Ang ibalik ang gobyerno sa dapat nitong tuon—ang paglingkuran ang taumbayan sa lahat ng panahon.
Di po ba’t may kasabihan tayo: Bigyan mo ng isda ang tao, at mapapakain mo siya ng isang araw. Turuan mo siyang mangisda, at habambuhay niyang mapapakain ang sarili niya. Halimbawa nito ang TESDA. Sa Training-for-Work Scholarship Program, nag-ambag ang DAP ng 1.6 billion pesos.Nakapagpatapos po ito ng 223,615 benepisyaryo. 66 porsyento nito—o katumbas ng 146,731 graduates—ang nagtatrabaho na ngayon. Iyon naman pong 34 percent na natitira, tinutulungan na rin ng TESDA na makahanap ng trabaho. Tingnan po ninyo: Lahat po ng mga TESDA scholar, nakalista ang pangalan at iba pang datos, na puwede ninyong kumpirmahin.
Kung hahatiin natin sa bilang ng graduates ang naipagkaloob na pondo, pumapatak ng 7,155 piso ang naipuhunan ng pamahalaan para sa training ng bawat scholar. Sa BPO sector, mababa na ang kitang 18,000 piso kada buwan. Kada taon, kikita siya ng 234,000 piso. Ibigay man ang maximum tax deduction, ang magiging income tax niya kada taon: 7,900 piso. Ibig sabihin, ang pinuhunan ng estadong 7,155 piso, sa unang taon pa lang, nabawi na, may sobra pa. Ito, at ang lahat ng ibubuwis ng ating scholar hanggang magretiro siya, ay magbibigay naman sa kanyang kababayan ng parehong pagkakataon. Ito po ang mabuting pamamahala: May tamang intensyon, pamamaraan, at resulta. Lahat panalo.
Pakinggan po natin ang kuwento ng dalawang TESDA graduate:
Nasimulan na rin po natin ang Expanded Conditional Cash Transfer Program nitong Hunyo 2014, na may pondong 12.3 billion pesos. Ngayon, suportado na rin ng estado hanggang umabot ng 18 taong gulang ang benepisyaryo.Bakit? Batay po kasi sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, 40 porsyento ang dagdag na sinasahod ng high school graduate, kumpara sa grade school lang ang natapos.
Namumuhunan po tayo sa pinakamahalagang yaman ng bansa: ang taumbayan. Pinapatunayan ito ng datos ng NEDA. Ayon sa kanila, ang 27.9 percent na poverty incidence natin sa unang semester ng 2012, bumaba patungong 24.9 percent sa kaparehong panahon noong 2013. Ang 3 percentage points pong ito ay katumbas ng halos 2.5 milyong Pilipinong naka-alpas na sa poverty line. Totoo namang dapat pagtuunan ng masusing pansin ang pinakamahirap sa lipunan. Pero hindi tayo titigil diyan: Ngayong nadagdagan ang kakayahan natin, sinisikap nating hindi na manumbalik sa ilalim ng poverty line ang lahat ng nakaalpas.
REGAINING TRUST THROUGH GOOD GOVERNANCE
Dumating po tayo sa lipunang parang isang sirang bahay na hindi natin malisan. Ang malala pa dito, halos wala tayong kagamitan at materyales para ayusin ang sira. Nitong mga nakaraang taon, sa pakikiambag ng bawat mapagkapwang Pilipino, nabubuo na natin ang mga kagamitan at materyales na ito—tulad ng budget na tanging nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan, at apat na sunud-sunod na taon na nating naipapasa sa tamang oras. Kasama nito ang mga batas na nagpapabilis ng pagdating ng pakinabang sa ating mga Boss.
ECONOMIC ACHIEVEMENTS
Dito po—sa isang patas na sistema—nagsimula ang panunumbalik ng sigla ng ating ekonomiya. Nakatipid tayo dahil sa maayos na pangangasiwa ng pondo. Napapalawak natin ang saklaw ng mga serbisyo nang hindi nagtataas ng buwis, maliban sa Sin Tax Reform na layuning ibsan ang bisyo sa lipunan.
Nagtrabaho tayo para magkaroon ng kakayahang tustusan ang mga proyektong ipinatupad, ipinatutupad, at ipatutupad pa natin. Pinaigting natin ang pangongolekta ng buwis: mula sa koleksyong 1.094 trillion pesos noong 2010, naitaas natin ito sa 1.536 trillion noong 2013. Inayos natin ang pamamahala ng ating mga utang. Ang resulta: Bumaba ang ating debt to GDP ratio; ang perang dating dapat ibabayad sa interes, napunta na sa social services. Pati ang mga obligasyong karamihan ay minana lang, natugunan din natin. Halimbawa: 1993 o panahon pa ni Pangulong Ramosnang itinakda ang obligasyong i-recapitalize ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa halagang 50 bilyong piso para magawa niya ang kanyang tungkulin. Ang napondohan ng mga administrasyong nauna sa atin, 10 bilyong piso. 40 bilyon ang kakulangang iniwan sa atin; nabayaran na po natin ito.
Pinaghirapan natin ang pondong mayrooon tayo ngayon, kaya’t hindi po natin maaatim na waldasin lang ito. Kung pipili nga ng tamang pinuno ang ating mga Boss, malalagpasan pa ng susunod ang ating mga nagawa, dahil malaki na ang naibawas natin sa problema, at mas matayog na ang kanilang pagmumulan.
Bakit po mas matayog? Nitong 2013, sa unang pagkakataon, nagkamit tayo ng investment grade status mula sa Moody’s, Fitch, at Standard and Poor’s—ang tatlong pinakatanyag na credit rating agency sa mundo. Sa pagsusuri nila ng ating macroenomic fundamentals at governance, nabawasan ang riskong itinatala, kaya tumingkad ang kumpiyansa ng mga namumuhunan. Hindi pa nga po nakuntento ang Standard and Poor’s: Nitong Mayo lang, panibagong upgrade na naman ang ibinigay nila sa atin. Ang hatid po nito: Dahil nga investment grade na tayo, mas murang mahihiram ng gobyerno ang pondo para sa mga programa at proyekto, mas maraming naaakit na mamuhunan sa ating bansa, at mas mabilis na natatamasa ng Pilipino ang benepisyo.
Kung susumahin naman po ang lahat ng puhunang pumasok sa Philippine Economic Zone Authority simula nang itatag ito noong 1995, makikitang 42 porsyento ang pumasok sa 4 na taon ng ating panunungkulan. Ang natitirang 58 porsyento, inabot ng 15 taon ang ibang mga administrasyon para bunuin. Kumpiyansa po tayo: bago tayo bumaba sa puwesto, papantayan o hihigitan pa natin ang halagang ito. Kay Director General Lilia de Lima: Salamat sa nagawa mo na, at gagawin pa, sa pagkamit ng tagumpay na ito.
Talagang pa-take-off na ang ating ekonomiya at bansa, at inaabot na natin ang mas matatayog pang mithiin. Minana natin ang tila grounded na aviation industry: napatawan tayo ng significant safety concerns ng International Civil Aviation Organization o ICAO, nabigyan ng downgrade ng United States Federal Aviation Administration, at nilagyan ng restriction ng European Union ang ating mga local carrier.
Nitong 2013, inalis na nga po ng ICAO ang significant safety concerns sa Pilipinas. Sa parehong taon, sinundan ito ng pagpayag ng European Union na muling lumipad ang Philippine Airlines patungong Europa, kaya direkta nang makakabiyahe ang Pilipino mula Maynila hanggang London. Malamang nga po, pasunod na ang Cebu Pacific dahil nabigyan na rin sila ng pahintulot ng EU ngayong 2014. Ngayong taon din, inupgrade ng United States Federal Aviation Administration ang Pilipinas sa Category 1. Dahil dito, maaari nang dumagdag ang mga ruta papunta sa Estados Unidos.Sa larangan ng turismo at pangangalakal, malaki ang itinulong ng pagdami ng flight ng ating airlines tungo sa ibang bansa.
Dumarating sa atin ang mga ulat na sa dami ng gustong bumisitang negosyante at turista sa ating bansa, kulang na ang mga biyahe papunta rito. Magandang balita nga po ang mga upgrade: Dadami ang biyahe, kaya’t matutugunan ang suliraning ito. At sa patuloy na pagtutulungan ng CAAP at ng ating mga local carrier, pihadong mas marami pa tayong maaakit na turista at negosyante sa mga susunod na taon. Panalo ang mga umaasa sa sektor ng turismo, panalo ang sambayanang Pilipino. Mabuting pamamahala po ang ugat ng mga tagumpay na ito. Nagpapasalamat nga tayo kina Director General William Hotchkiss, sa CAAP, at sa ating mga local carrier para sa inyong pagsisikap.
Talagang nasa sentro ng pandaigdigang entablado ang Pilipinas. Nito lang pong nakaraang Mayo, nagpakitang-gilas tayo sa tagumpay ng pagdaraos ng World Economic Forum on East Asia sa ating bansa. Ihahayag natin sa gaganaping APEC Summit dito sa susunod na taon ang kaunlarang nakakamit natin at ang pagkakataong hatid nito para sa lahat. Walang duda: More open for business na nga po ang Pilipinas.
Bukod nga po sa maaliwals na pagnenegosyo, isinusulong din natin ang maayos na relasyon ng ating mga manggagawa at mga kompanya.
Isipin po ninyo: Mula 2010, nananatiling mababa pa sa sampu kada taon ang bilang ng mga strike ayon sa National Conciliation and Mediation Board. Isa po itong positibong bunga ng itinataguyod nating Single Entry Approach o SEnA ng DOLE, kung saan dumadaan sa 30-day conciliation-mediation ang mga nakahaing labor cases. Ang maganda nga po: sa 152 notices of strike and lockout noong 2013, isa lang ang natuloy na welga. Ito ang pinakamababa sa kasaysayan ng DOLE.
INFRASTRUCTURE
Batid rin natin: Para magpatuloy ang pag-angat ng ekonomiya at pagbukas ng pagkakataon, kailangan ng imprastruktura. Ito ang aakit sa mga negosyante, magpapabilis sa daloy ng produkto at serbisyo, at sisigurong kaya nating makipagsabayan sa iba pang merkado sa daigdig.
Napakalaki po talaga ng pagbabago: Lampas doble na ang budget para sa imprastruktura, mula 200.3 billion pesos noong 2011, naging 404.3 billion pesos ngayong 2014. Paalala ko po: Hindi po tayo nagdagdag ng buwis maliban sa Sin Tax Reform na nakatugon sa kalusugan, habang napanatili din ang ating allowable deficit, at patuloy na bumababa ang ating debt to GDP ratio.Malaki po ang epekto nito, dahil hindi lang lumaki ang pondo: binawasan pa natin ang mga tagas sa sistema, kaya natitiyak nating mas sulit ang bawat pisong ginagastos ng estado.
Sa pamumuno ni Secretary Babes Singson ng DPWH: Bawal ang tongpats, bawal ang bukol. Tinapalan na ang mga butas sa lumang sistema, at pinatag ang proseso sa ahensya. Isang simpleng halimbawa po nito ang pagtatanggal ng Letter of Intent sa bidding process. Noon po kasi, ginagamit ito bilang kasangkapan sa kuntsabahan—kapag nalaman kung sino-sino ang bidders ng proyekto, binibigyan ng puwang ang sabwatan. Isa pa: Ang mga dokumentong hinihiling mula sa bidders: 5 na lang, mula sa dating 20. Mas mabilis ang proseso, at mas kaunti ang pagkakataong manghingi ng pampadulas osuhol. Ang resulta: Halos 28 bilyong piso ang naisalbang pondo, at napaaga ang pagpapatupad ng mga susunod na proyekto. Kaya naman kay Sec. Babes at sa bumubuo ng DPWH: maraming salamat sa inyo.
Hanep po talaga: Kasabay ng mga natipid ng DPWH, ang nailatag, napaayos, napalawak, o naipagawa nilang kalsada mula nang maupo tayo, umabot na sa 12,184 kilometro. Isipin ninyo: katumbas ito ng 4 na kalsadang nag-uugnay sa Laoag hanggang Zamboanga City. National roads lang po ito; wala pa rito ang mga local farm-to-market roads o tourism roads.
Sa Public-Private Partnership program naman po: Mula Disyembre 2011 hanggang nitong Hunyo, nakapag-award at nakalagda na ng pitong PPP projects ang inyong pamahalaan; ang halaga nito: tinatayang 62.6 billion pesos. Sa apat na taon natin sa tuwid na daan, nalampasan na natin ang pinagsamang anim lamang na aprubadong solicited PPP projects mula sa nakaraang tatlong administrasyon.
Ang laki na po talaga ng pinagkaiba ng noon sa ngayon. Sabi nga ni Secretary Cesar Purisima, dati, hindi makaakit ang Pilipinas ng mga investor. Noon, gobyerno pa mismo ang nag-aalay ng kaliwa’t kanang insentibo, tulad ng pagbibigay ng commercial development rights, subsidy, at iba pang garantiya. Ngayon, baliktad na ang sitwasyon. Matindi ang kompetisyon ng mga nag-uunahang kompanya; handa silang magbayad para makuha ang pribilehiyong itayo ang imprastrukturang kailangan natin. Halimbawa: Sa Mactan-Cebu International Airport Passenger Terminal Building, may premium ang gobyerno na umabot sa mahigit 14 bilyong piso; sa NAIA Expressway Project Phase 2, nakakuha ang gobyerno ng premium na 11 bilyong piso. Muli: Mabuting pamamahala ang ugat ng lahat ng ito.
Tingnan naman natin ang TPLEX. Dahil sa kalsadang ito, maginhawa na ang biyaheng Tarlac hanggang Rosales sa Pangasinan. Ayon sa kanila, ang bahagi hanggang Urdaneta, makukumpleto na bago matapos ang 2014. Sa susunod na taon, aabot na raw ang daang ito hanggang sa La Union.
Ang mga imprastrukturang matagal nang ipinako sa pangako, atin na rin pong isinasakongkreto. Ang Aluling Bridge, na 1978 pa binuo ang konsepto, bukas na sa publiko. Ang Metro Manila Skyway Stage 3, na bahagi ng Metro Manila Expressway na proyekto pa noong dekada sitenta, inilunsad na natin noong Enero. Sa mga dumadaan ng Osmeña Highway, nakikita naman po ninyo kung gaano kabilis itayo ang mga haligi para dito.Ang Ternate-Nasugbu Road, na noon pang 1994 sinimulang ilatag ang plano—100 percent complete na rin ngayon. Ang Basilan Circumferential Road, na year 2000 pang under construction, malapit na ring matapos. Ilan lang po ito sa mga imprastrukturang wala tayong planong ipamana bilang problema; sa halip, ngayon, nagsisimula na itong mapakinabangan ng ating mga Boss.
NEDA BOARD-APPROVED PROJECTS
Muli, dahil sa mabuting pamamahala, mas may kakayahan na tayong tugunan, maging ang mga problemang paparating pa lang. Halimbawa: sa tubig. Alam nating habang lumalago ang populasyon at umaangat ang ekonomiya, mas maraming tubig ang kakailanganin sa mga susunod na taon. Ayon nga po sa pag-aaral, maaaring magkaroon ng kakulangan ng tubig sa Metro Manila pagdating ng 2021. Hindi na po natin hihintayin ang tagtuyot: Ang mga solusyong talagang pinag-aralan ng mga dalubhasa, inaprubahan na po natin—ang Kaliwa Dam Project sa Quezon, at ang pag-aayos ng mga linya ng Angat Dam. Magandang solusyon po ito kaysa kumuha ng tubig mula sa mga aquifer sa ilalim ng lupa, na mas madaling pasukin ng tubig-alat. Isa pa, kung sa mga aquifer lang tayo nakasalalay, mas mapapabilis ang paglubog ng lupa—na siya namang nagiging dahilan ng pagbaha.
Kasabay po ng mga dam para sa Metro Manila at mga karatig-bayan ang suporta natin sa mga taga-lalawigan. Aprubado na rin ang Water District Development Sector Project, sa ilalim ng Local Water Utilities Administration.
Siguro po, narinig na rin ninyo ang pinakamalaki nating PPP project—ang Laguna Lakeshore Expressway Dike—na bubuksan na rin ang bidding bago matapos ang 2014. Napakaraming benepisyong maidudulot nito. Una, mababawasan ang pagbaha. Ngayon po, pag pumalo ng 12.5 metro ang taas ng tubig sa lawa, tiyak, babahain na ang mga komunidad sa paligid nito. Ang solusyon: dikeng may taas na higit sa 15 metro. Ikalawa: Malilinis ang tubig sa Laguna Lake. Ikatlo: Bawas trapik. Sa ibabaw ng dike, magkakaroon ng expressway, na babagtas sa Los Baños hanggang Taguig. Pag natapos ang C-6 road na kokonekta sa San Jose Del Monte, may isa na naman tayong paraan upang makatawid ng Kamaynilaan nang hindi na kakailanganing dumaan sa EDSA. Sa pakikituwang ngpribadong sektor, ang obligasyon natin dito ay right of way lang; porsyento ng lupang mare-reclaim ang ipapambayad sa mananalong bidder. Dahil dito,makukuha natin ang ating mga pangangailangan, habang mababawasan din ang ating gastusin.
Ilang halimbawa lang po iyan ng mga proyektong nakapila na para magdala ng benepisyo sa ating mga Boss. Marami pang iba: Aprubado na rin ng NEDA Board ang Laoag City Bypass Link Road Project; ang Cebu Bus Rapid Transit Project; at ang LRT Line 1 South Extension and Line 2 East Extension. Sa mga taga-Palawan naman: Maliban sa mga proyekto sa Puerto Princesa Airport, abangan na rin ninyo ang Busuanga Airport. Naka-go signal na rin po ang pagpapatayo ng phase one ng modernong Clark Green City sa Capas, Tarlac, na pihadong magsisilbing sentro ng komersyo at industriya, hindi lang sa Gitnang Luzon, kundi sa kalakhang bansa. Sa dulo po, ang ambisyon natin sa Clark Green City—maging di hamak itong mas malawak na Bonifacio Global City. Ang dating liblib, magiging hitik sa oportunidad.
REGAINING THE TRUST OF OUR PEOPLE
Sa mabuting pamamahala, nanunumbalik ang tiwala ng merkado, ng mundo, at ng taumbayan sa ating gobyerno. Nagbubunsod ito ng isang siklo: Dahil nakikita ang resulta ng agenda ng reporma, nakikiambag ang bawat isa sa ating mga Boss. Talagang hindi nag-iisa ang gobyerno sa pagsusulong ng malawakan at makabuluhang reporma. Totoo nga po: Kayo ang aming lakas.
Kaya nga, Boss: Salamat sa inyong tiwala at pakikiisa, na lalong naging mahalaga sa mga panahong sinalubong tayo ng sunud-sunod na trahedya.
DISASTERS: ZAMBOANGA, BOHOL, YOLANDA, GLENDA
Noong Setyembre 2013, sinugod ng masasamang elemento ang Zamboanga: Ginawang human shield ang mga kababayan nating namumuhay nang mapayapa, at sinunog pa ang kanilang mga tahanan. Nasubukan ang galing ng ating unipormadong hanay. Pinakamasalimuot sa larangan ng bakbakan ang urban combat—ngunit 195 ang nailigtas natin, sa 197 kataong naipit sa putukan. Saludo tayo sa ating mga kapatid sa unipormadong hanay: Nagtagumpay ang sambayanan dahil sa inyong sakripisyo.
Inatasan po natin si Secretary Singson na pangasiwaan ang rehabilitasyon ng imprastrukturang nasira sa Zamboanga. Pangunahin sa mga pangangailangan: mabigyan ng tahanan ang mga kababayan nating nasunugan. Ito po mismo ang isinasagawa natin sa ilalim ng Zamboanga City Roadmap to Recovery and Reconstruction. Pagpasok nga po ng Agosto, magsisimula nang lumipat ang mga apektadong pamilya sa mga permanenteng bahay sa Martha Drive Subdivision. Kabuuang 7,176 na kabahayan sa iba’t ibang lugar ang target nating makumpleto sa Hunyo ng susunod na taon. Humihingi po kami ng pang-unawa. Maraming problemang kinailangan munang lutasin ukol sa pagkuha ng lupang lilipatan. Tinitiyak din nating ang mga tahanang ito ay sumasang-ayon sa pangangailangan ng kanilang relihiyon at kultura, kaya’t hindi pangkaraniwan ang mga ito. Sa 1,661 pamilya namang gustong sila mismo ang magkumpuni ng sariling tahanan,30,000 pisong halaga ng Home Materials Assistance ang ipinapamahagi na.
3.5 billion pesos po ang nakahanda para sa pagpapaayos ng imprastruktura, pagbili ng mga lote, pagpapatayo ng mga permanenteng tahanan, at iba pang suporta sa Zamboanga. 2.57 billion pesos dito, nai-release na sa NHA at DPWH.
Ilang linggo naman matapos ang krisis sa Zamboanga, niyanig ng lindol ang Central Visayas; pinakamalaki ang pinsala sa Bohol. Dito natin nakita ang maaaring maabot ng sambayanang nagkakaisa sa pagresponde sa sakuna. Isang linggo matapos ang lindol, may kuryente na sa Tagbilaran at sa lahat ng munisipalidad sa Bohol.
Ngayon nga po, bawat isa sa 25 na kritikal na tulay at kalsadang nasira ng lindol, nadadaanan na. May kabuuang 3.583 billion pesos nang nai-release para sa rehabilitasyon ng Bohol at Cebu. Kasama na rito ang 2.49 billion pesos na ipinagkaloob ng DILG sa lokal na gobyerno, para sa pagpapagawa ng mga palengke, civic center, tulay, water systems, munisipyo at ibang strukturang pampamahalaan.
Bago naman po matapos ang 2013, dumating si Yolanda— ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan. 1.47 milyong pamilya ang talagang naapektuhan, at 44 sa ating 81 probinsya ang tinamaan. Sa Eastern Visayas, kung saan pinakamalakas ang pinsalang nadulot, napakaraming kinailangan ng agarang lingap.
Sa sobrang lakas ng bagyo, naparalisa ang maraming LGU dahil sila mismo ay tinamaan.Natangay po pati ang ating prepositioned relief goods, kaya’t talagang kinailangang manggaling sa ibang lugar ang tulong. Lalo pang naging mabigat ang pagdadala ng ayuda, dahil bagsak ang imprastruktura: Walang kuryente, hindi madaanan ang kalsada, at halos lahat ngtruck at heavy equipment na kailangan ng ating first responder ang nasira sa pinakaapektadong lugar. Walang gasolina, at walang komunikasyon.
Kinailangan po talaga ng pambihirang pagkakaisa para ipaabot ang tulong sa mga apektadong pamilya, kalingahin ang mga naulila’t sugatan, siguruhing walang mangyayaring outbreak ng sakit, at marami pang ibang tungkulin. Halimbawa lang po sa pagkain. Hindi lang bigas at de-lata ang kinailangang intindihin: kailangan din ng mga repacking center, ng maraming truck, pati na ng mga barkong magtatawid ng ayuda sa mga apektadong probinsya. Pagdating doon ng relief goods, kailangang malinis na ang kalsadang dadaanan, at mapagasolinahan ang mga truck nang makabalik sila sa pinanggalingan, upang muling makapagkarga ng mga food pack.
Hindi nagpatumpik-tumpik sa pagresponde ang inyong gobyerno. Nagmadali tayong linisin ang airport, kaya sa loob ng 24 oras matapos ang bagyo, nakapasok na ang tatlo nating C130 na may dalang ayuda. Sa mismong araw ding iyon, nakapagtayo tayo ng communications hub para maging mas mabilis ang daloy ng impormasyon. Sa ikalawang araw, dumating na ang Rapid Health Assessment teams ng DOH; ang dagdag na sundalo, pulis, at BFP personnel mula sa ibang probinsya; pati na mga kawani ng DSWD na nanguna sa relief operations— sa distribution centers man sa Eastern Visayas, o sa maraming repacking centers na agad na nagbukas sa buong bansa.
Sa loob lang ng dalawang araw, napagana na ang Leyte water district; sa ikatlong araw naman, bumukas ang unang gasolinahan. Agad na nilinis ang pangunahing mga kalsada. Pagsapit ng ika-22 ng Nobyembre o dalawang linggo matapos ang bagyo, naipamahagi na ang ika-isang milyong food pack sa mga nasalanta; at nalinis na ang 35,162 cubic meters ng debris; atnalinis at nadadaanan na muli ang 3,426 kilometers ng National Roads—kasalukuyan naman nating kinukumpuni ang 108.8 kilometrong napinsalang daanan, tulay, approaches, at landslide prone areas. Pagsapit nga po ng Pasko ng 2013, may kuryente na sa lahat ng munisipalidad na tinamaan ng sakuna.
Kumbaga po sa Emergency Room, ibinuhos ng estado ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang agad na mai-stabilize ang pasyente. Nagpapasalamat tayo sa mga kasapi ng ating Gabinete, na talaga naman pong nanguna sa pagresponde sa mga apektadong komunidad. Sina Sec. Cesar Purisima at Sec. Joel Villanueva ng TESDA, na namuno sa logistics at nag-organisa sa mga repacking center, nagmistulang warehouse operator. Si Sec. Greg Domingo ng DTI, naging head purchasing agent ng bansa, habang si Sec. Linda Baldoz naman ng DOLE ay minabuting maging call center operator para sa lahat ng gustong tumulong. Salamat din kina Sec. Jun Abaya ng DOTC, na naging dispatcher ng ating transportasyon; kay Sec. Dinky Soliman na talagang pinatunayan ang pagiging punong relief worker ng bansa; at kina Sec. Mar Roxas ng DILG at Sec. Volts Gazmin ng DND, na nagbigay ng marching orders sa ating unipormadong hanay mula sa frontline ng sakuna. Salamat sa ating Gabinete.
To our friends and neighbors around the world: Your outpouring of solidarity will never be forgotten by a grateful Filipino people. Thank you.
Marahil nga po, sa kahandaan nating makiambag sa abot ng ating makakaya, na siyang ipinapamalas ng ating OFWs, peacekeepers at iba pang Pilipino sa labas ng bansa, nang tayo naman ang nangailangan, nakita ng mundong karapat-dapat din tayong tulungan. Salamat sa inyo, at sa lahat ng Pilipinong nag-alay ng dalangin at suporta, dito man o sa ibang panig ng mundo.
Hindi po natigil ang trabaho natin. Nagsagawa tayo ng livelihood interventions, upang maging mas mabilis ang pagbangon ng mga nasalanta nating kababayan. Ngayong Hulyo nga po, 221,897 trabaho na ang nalikha matapos tayong magkaloob ng bangka, kagamitan sa pangingisda at pagtatanim, mga binhi, at livestock. Kasama na rin po dito ang mga sinuwelduhan nating naging kabahagi ng cash for work program.
Tanggap naman po siguro ng lahat na malaki ang problemang dala ni Yolanda. Pero ayon nga po sa international standards, kapag nangyari ang ganitong klaseng sakuna, isang taon ang inaabot bago matapos ang relief at mag-umpisa ngrehabilitasyonang isang bansa. Pero sa loob lang ng 8 buwan, idineklara ng United Nations na nasa yugto na tayo ng rehabilitation. Si Ginoong Yuri Afanasiev ng United Nations Development Programme na nga po ang nagsabi: “We have never seen a recovery happen so quickly. And many of us have been in many different disasters.”
Mahabang panahon ang bubunuin para tuluyang makabangon sa mabibigat na sakuna. Sa Haiti, dalawang taon ang nakalipas mula ng lindol, marami pa rin ang nasa evacuation center. Ang mga kapatid natin sa Indonesia, inabot ng walong taon para maka-recover sa tsunami sa Aceh. Mismong sa Amerika nga po, sinasabing walong taon ang inabot para makabalik sa dati matapos humagupit si Hurricane Katrina.
Hindi pa po tapos ang ating trabaho. Marami pang bahay na kailangang ipatayo; marami pang mga kababayan natin ang kailangang ibangong muli; patuloy pa rin ang pag-build back better para sa mga hinagupit ni Yolanda.
Kaya nga po: Ngayong Hulyo, isinumite na sa atin, at nilagdaan na rin natin, ang LGU Rehabilitation and Recovery Plan para sa Cebu, Iloilo, Samar, Eastern Samar, Leyte, at Tacloban City. Pumasa po ito sa masusing pagsusuri ng mga cluster ng Gabinete; laman nito ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan, ayon na rin sa isinagawang malawakang post-disaster needs assessment. Nabuo po ang planong ito sa maigting na pagsisikap ni Secretary Ping Lacson, na inatasan nga nating tumutok sa mga hamong iniwan ni Yolanda. Umaasa po ako sa pakikiisa ng Kongreso, dahil malaking halaga ang kailangan, upang tuluyan nang maibangon ang ating mga kababayan.
Alalahanin po natin: Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa. Ito rin ang parehong ideya sa likod ng ating mga hakbang para sa disaster preparedness. Binigyang-lakas natin ang mga LGU na siyang mga frontliner tuwing bagyo, gamit ang moderno at malawakang forecasting system.
Sa DREAM-LiDAR project sa ilalim ng Project NOAH, halimbawa, napapadali ang pagtukoy kung saan ang mga lugar na pinaka-babahain. Nakamapa na po ang 19 sa target nating 20 river systems para matukoy kung ano ang mga lugar na agad naapektuhan tuwing bumubuhos ang ulan.
Dahil mas eksakto na ang pagtukoy natin kung kailan at saan tatama ang epekto ng bagyo, ngayon po, napapaaga ang paghahanda at pagbibigay babala ng ating mga LGUs. Maaga na ring naililikas ang kanilang mamamayan. Kung ang maayos na forecasting, tatambalan pa natin ng mahusay na LGU, talaga naman pong maraming buhay ang maililigtas. Sa Albay na hinagupit kamakailan lang ng bagyong Glenda, walang naitalang pumanaw dahil sa bagyo, salamat sa mabuting pamamahala ni Governor Joey Salceda. At kung kaya itong gawin ng isang probinsya na siya ngang parang highway ng mga bagyo, bakit naman tayo magdududa na kaya ito ng lahat?
MILITARY AND POLICE
Pag-usapan naman natin ang seguridad. Mulat po tayo sa mga hamon sa bansa, at alam din nating mahal ang kailangan nating mga kagamitan. Ngayon po, ikinalulugod kong iulat sa inyo: Tuloy-tuloy ang modernisasyon ng AFP. Nakuha na natin ang brand new na 8 Sokol Combat Utility Helicopters, tatlong AgustaWestland-109 helicopters, at ang kauna-unahang landing craft utility ship na ginawa dito mismo sa ating bansa, ang BRP Tagbanua. Dumating na rin po ang apat na refurbished UH-1 helicopters at 2 navy cutters. Nito namang nakaraang Mayo, pinasinayaan na rin ang state-of-the-art Command Center ng Naval Forces West sa Palawan.
Sa susunod na taon, lalapag na ang 2 sa 12 na FA-50 lead-in fighter trainer jets na binili natin. Ang natitira naman po, inaasahan nating maidedeliver bago matapos ang 2017. Target din nating makuha ang karagdagang brand new na 8 Bell combat utility helicopters, 2 anti-submarine helicopters, 10 pang AgustaWestland-109 helicopters, 2 light-lift aircraft, 3 medium-lift aircraft, mga radar system at iba pang kagamitang magpapaunlad sa kakayahan ng ating Sandatahang Lakas. Samantala, sa Setyembre ng taong ito,inaasahan ang pagdating ng karagdagang 17 refurbished UH-1 helicopters.
Dumating na rin ang paunang mga M4 assault rifles na binili natin para sa kasundaluhan. Sa mga susunod na buwan, ang kabuuang bilang ng baril na mapapasakamay ng ating mga kawal: 50,629 units. Ang bonus pa: dahil sa maayos na proseso ng procurement at tapat na pangangasiwa sa pondo, may savings tayo na mahigit 1.2 billion pesos, na ipinambibili na natin ng mas marami pang baril.
Ididiin ko lang po: Brand new at de-kalidad ang lahat ng ripleng ito. Di po ba noong araw: naubos na nga ang pondo, hindi pa alinsunod sa spesipikasyong kailangan natin ang binili nilang Kevlar Helmets. Imbes na sa US, sa ibang bansa sila bumili. May na-convict na po dahil dito. Pati ang isang hukom na diumano’y sangkot dito, natapos na ang imbestigasyong inutos ng Korte Suprema, at hinihintay natin ang kanilang pasya.
Tuloy ang pagtugis natin sa kalaban ng estado atmasasamang elemento para sa mga krimeng ginawa nila. Halimbawa nga po: Nahuli na ang Chairman at Secretary General ng NPA nitong Marso. Nanunumbalik na rin po ang normalidad at kaayusan sa 31 probinsyang dating ginambala ng NPA.
Nagbabago na rin nga po ang mukha ng ating kapulisan. Patunay po rito ang 30 pulis, sa pangunguna ni Inspector Charity Galvez, na tumalo sa tinatayang 250 NPA na sumugod sa kanilang presinto noong 2011. Nitong Marso naman po, 4 na bagitong pulis ang buong-tapang na sumagupa laban sa Martilyo Gang sa Mall of Asia. Mabuti nga po’t naabot na ang 1:1 police to pistol ratio, kaya’t na-isyuhan na rin ng bagong baril ang ating mga rookie policewomen. Dati, nakakaligtaan ang kapulisan; ngayon, kinakalinga na sila ng estado, at talaga namang tinutumbasan nila ito ng wagas at masigasig na serbisyo.
Pakinggan po natin ang magigiting nating pulis:
Nito naman pong Hunyo, naging sunod-sunod ang high-profile na pamamaslang. Arestado na ang ilang mga sangkot sa pagpatay kina Mayor Ernesto Balolong, sa negosyanteng si Richard King, at may sinusundan na ring magandang lead ang ating kapulisan sa pagpatay sa racecar driver na si Ferdinand Pastor. Huwag po kayong mag-alala: habol natin ang hustisya sa kabuuan, hindi ang bahagi lamang. Kaya bukod sa mga ginawa nating pag-aresto, patuloy tayo sa paglikom ng ebidensiya laban sa iba pang suspect. Pananagutin natin ang lahat ng may-sala.
Pinapaigting pa natin ang pangangalaga sa seguridad ng taumbayan. Simula ika-16 ng Hunyo ngayong taon, ipinatupad natin sa NCRang Operation Lambat. Matapos nating gawing triple ang dami ng checkpoints at magsagawa ng iba’t ibang operasyon, ang resulta: 862 sasakyan at 29 firearms ang nakumpiska natin. Nakapag-serve tayo ng 587 warrants of arrest, na nagresulta sa pagkaaresto ng 410 suspect. Ibinalik din natin ang Oplan Katok para matiyak na ang may tangan ng lisensyadong baril ay ang karapat-dapat lamang. 28,714 na bahay sa NCR ang kinatok ng mga pulis para sa operasyong ito.
Bago natin ipatupad ang Oplan Lambat, mula Enero hanggang ikalawang linggo ng Hunyo, ang murder at homicide sa NCR, umaabot sa 31 kaso kada linggo. Sa limang linggo pa lang ng operasyon, ang murder at homicide: Bumaba sa 22 kaso na lamang kada linggo. 29 porsyentong pagbaba ang naitala—katumbas ng 9 na pagpatay ang napigilan natin kada linggo. At sa NCR pa lang po ito. Kung maisasabatas natin ang pension reform, at makakakalap nga tayo ng sapat na pondo para sa dagdag na pulis at para matuloy ang planong pagbili ng kagamitan, lalong mapapalawak ni Sec. Mar Roxas ang Operation Lambat, upang gawing mas ligtas ang buong bansa. Nasa ilalim nga po sana ng DAP ang pondong pang-kagamitan, pero dahil hindi ito na-obligate bago bumaba ang desisyon ng Korte Suprema, kailangan po nating maghanap ng pagkukunan ng karagdagang pondo.
RIGHTING THE SYSTEM TO REGAIN TRUST
Tunay nga po: Tiwala ang pundasyon ng mabuting pamamahala. Tiwalang maaasikaso ang lahat ng tinamaan o tatamaan ng bagyo; tiwalang sa bawat araw ng trabaho, ligtas mong mauuwian ang pamilya mo. Tiwala na hindi kayo lalamangan ng inyong mga pinuno; tiwalang nariyan ang inyong gobyerno, kakampi ninyo, lalo na kung kayo ang nadedehado. Tiwala na mananagot ang mga nang-abuso, at maitatama ang mga proseso at institusyong ginamit para nakawan kayo. Tiwala na kung sumunod ka sa tama, makukuha mo kung ano ang dapat sa iyo. Ang pagbabalik ng tiwala ninyo: Iyan po ang ibig sabihin ng reporma.
CUSTOMS REFORM
Halimbawa: Sa Customs, na talaga naman pong sinubok ang ating pasensya noong nakaraang mga taon. Naging malinaw sa atin: Reset button ang solusyon. Bumuo po tayo ng mga bagong tanggapan para suriin at gawing epektibo ang mga patakaran sa Customs. Nagtalaga tayo ng bagong commissioner, anim bagong deputy commissioner, kasabay na rin ang 40 iba pang maaasahang indibidwal para ipatupad ang ating mga reporma. Ibinalik din natin sa tamang posisyon ang mga empleyado. Totohanang ipinagbawal ang mga guwardiyang umaastang kahera, o warehouseman na ginagawang examiner.
Marami nga po ang nagsasakripisyo para ayusin ang Customs. Kabilang dito ang mga kawani mula sa ibang departamento, na hiniling nating lumipat sa Customs dahil tiwala tayo sa kanilang integridad. Sino nga ba naman ang naghahanap ng sakit ng ulo, lalo pa’t walang garantiya ng tagumpay? May mga ipinagpaliban ang kanilang promotion. May mga nagpahiwatig din ng agam-agam dahil sa takot na balikan sila ng mga sindikato. Pero sa huli, tumugon sila sa ating panawagang maglingkod. Marapat lang na personal kong pasalamatan ang lahat ng kawaning ito, sa pangunguna ni Commissioner Sunny Sevilla.
Pinapatunayan po natin: Sa paninindigan at pagkakaisa, kayang linisin kahit pa ang isang institusyong napakahabang panahon nang dinungisan ng katiwalian. Patunay po rito ang good news na natatanggap natin: Mula Enero hanggang Abril 2014, umangat ng 22 porsyento ang cash collections ng Customs kumpara sa parehong panahon noong 2013. Ang kabuuan nilang koleksiyon sa unang apat na buwan ng taon: 117 billion pesos.
Ang masasabi ko naman sa mga patuloy na rumaraket: Alam kong hindi na kayo tinatablan ng takot at kahihiyan. Nasa inyo kung makukunsensya kayo—kung maaawa kayo sa mga nalululong sa drogang pinapapasok ninyo, o sa mga magsasakang napagkakaitan ng tamang kita. Ang sa akin lang: Kapag sumapat na ang nililikom na ebidensiya laban sa inyo, sa Bilibid ang susunod ninyong destino.
AGRARIAN REFORM
Kung pag-uusapan natin ang mga repormang nagsisimula nang magbunsod ng malawakang kaunlaran, marapat din pong ibalita ko sa inyo ang mga pangyayari ukol sa repormang agraryo.
Alam naman po natin, at malinaw sa batas: kailangan munang tukuyin ang maaari at hindi maaaring ipamahaging lupain. Pero ang masaklap, ipinamana sa atin ang bungi-bunging datos. Taong 1913 pa sinimulan ang Cadastral Survey, na tutukoy ng hangganan ng mga lupaing saklaw ng bawat lungsod, bayan, at lalawigan sa Pilipinas.
Isa pang problema: Inuna ng mga nakaraang administrasyon ang distribusyon ng mga lupaing madaling ipamahagi tulad ng mga government-owned land, at lupaing napagkasunduan na ng may-ari at magsasaka. Ang naiwan sa atin ay mga lupaing maraming kumplikasyon, at ugat pa ng mahabang debate at demandahan.
Dagdag din nga pong suliranin ang masalimuot na sitwasyon sa ARMM. Ang lupa ng ARMM ay tinatayang 1.5 milyong ektarya. Pero ang lupang nakatala na dinatnan natin, nasa 2.9 million hectares dahilsa patung-patong na pag-angkin ng lupa. Nagtataka nga po si Governor Mujiv Hataman ng ARMM—paano kaya nanganganak ang lupa?
Wala po tayong balak na ipasa ang mga suliraning ito sa susunod sa atin, para pag-ugatan lang ng panibagong mga problema at ng lalong pagkaudlot ng repormang agraryo.
Sa 2015, makalipas ng 102 taon, matatapos na rin ang Cadastral Survey. Ngayong taon, ihahain din nating muli sa Kongreso ang panukalang batas para i-extend ang paghahain ng Notice of Coverage, na hindi agad natapos nang husto dahil nga sa mga problemang kinailangan muna nating solusyonan. Oras na maihain ang panukalang batas, umaasa tayong maipapasa ito sa lalong madaling panahon.
PEACE
Kung tiwala nga po ang pag-uusapan, dapat ding isama ang Bangsamoro. Matapos ang mahabang panahon ng hidwaan at napupurnadang negosasyon, naibalik nanatin ang tiwala. Pruweba po nito: Noong nakaraang Marso, nilagdaan na ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Pero simula pa lang ito ng ating pag-usad sa landas ng malawakang pag-unlad sa Mindanao. Wala pong makakatangging napag-iwanan ang ARMM. Gusto po nating bigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat ng Pilipino, kaya nga dapat may boost up, para naman maka-catch up ang ating mga kababayang nasa laylayan. Halimbawa, sa budget na imumungkahi natin para sa 2015, 5.17 billion pesos mula sabudget ng DPWH ay nakalaan para sa imprastraktura ng ARMM.
Kasalukuyan na po nating pinapanday ang panukalang Bangsamoro Basic Law. Humihingi po tayo ng pang-unawa sa ating Kongreso ukol rito. Mahalaga pong maging masusi ang paghimay natin ng bawat probisyong ilalatag. Sa abot ng ating makakaya, isusulong natin ang isang panukalang batas na makatuwiran, makatarungan, at katanggap-tanggap sa lahat.
Kung maisasabatas nga po ang Bangsamoro Basic Law bago matapos ang taon at maisasagawa ang kinakailangang plebesito, mabibigyan ng isa’t kalahating taon ang Bangsamoro Transition Authority para ipakita ang positibong pagbabago. Kung maaantala naman ito, natural pong iikli rin ang panahon para mapatunayan na tama nga ang landas ng kapayapaang tinatahak natin.
PROMISES FULFILLED
Napakarami na nga po nating narating dahil sa tiwala—at wala tayong balak basagin ang tiwalang ito. Ang gobyerno ninyo ngayon: mayroong isang salita. Hindi ko na po iisa-isahin ang mga natupad nating panata sa tuwid na daan; baka masabihan lang tayong nagbubuhat ng sariling bangko. Pero mahirap din namang hindi tayo magbanggit, dahil malamang nag-aabang na ang mga magsasabing wala tayong ginagawa. Kaya samahan niyo na lang akong magbigay ng ilang halimbawa: Trabaho’t pagkakataon para sa napakaraming Pilipino, nalikha at patuloy pang nililikha. Sa katunayan, mula Abril 2013 hanggang Abril 2014: nasa 1.65 million ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho.Minanang kakulangan sa aklat, upuan, at silid-aralan, napuno na; habang ang mga panibagong pangangailangan dahil sa K to 12, pinupunuan na rin. 1:1 police-to-pistol ratio, meron na. Modernisasyon ng Sandatahang Lakas, nangyayari na. Pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao, sumusulong na. Pag-angat ng ating ekonomiya, tuloy-tuloy pa.
Sabay-sabay nang natutupad ang ating mga pangarap: kalusugang pangkalahatan, silid-aralan, trabaho, daungan, kalsada, paliparan, kaligtasan, kapayapaan. Ang nabawi nating pambansang dangal, sinamahan pa ng pagkilala ng mundo sa bagong anyo ng Pilipinas. Ang kaban ng bayang mula sa pawis ng mamamayan, ginugugol para lamang sa kanilang kapakanan.
Pakinggan po nating muli ang isa pa sa ating mga Boss:
PRONOUNCEMENTS
Ngayon nga po: Ang problemang dinatnan, nasolusyonan. Ang nandiyan, tinutugunan. At ang problemang parating pa lang, pinaghahandaan na rin. Naniniwala ako: Kung mananatili ang inyong tiwala, masosolusyonan natin ang mga ito.
ENERGY
Tingnan po natin ang sitwasyon sa enerhiya. Ginagawa na po natin ang lahat para siguruhing natutugunan ang lumalagong pangangailangan ng bansa. Sa kabila nito, meron pong mga pangyayaring talagang hindi natin inaasahan, na maaaring magbunsod ng problema sa susunod na taon. Halimbawa: Kailangan nating bunuin ang mga kakulangan dahil sa outages para sa maintenance ng mga lumang planta, ng mga biglaang paghinto ng operasyon dahil sa pagkasira, at ng delay sa implementasyon ng mga bagong planta.
Huwag po nating kalimutan, may banta din ng El Niño na makakaapekto sa kapasidad ng mga hydro powerplant, at magpapataas pa ng demand sa kuryente. Kung sa ating mga kabahayan nga, lalakas ang gamit natin ng electric fan o aircon dahil sa init ng panahon, lalo naman po sa mga industriya at negosyo. Hindi ito kasing-simple ng pagpunta sa tindahan at pagsabing, “Pabili nga po ng 600 megawatt generator, at paki-install na rin bukas.”
Ang habol natin: kumpletong paghahanda para hindi tayo maparalisa sakaling mangyari ang worst-case scenario. Dapat, kahit sa susunod na taon pa uusbong ang problema, meron na tayong pinaplanong solusyon para dito. Kaya nga po inatasan ko si Secretary Icot Petilla ng DOE: Makipag-ugnayan ka na sa Joint Congressional Power Commission, sa Energy Regulatory Commission, sa industriya, pati na sa mga consumer, upang madagdagan ang kakayahan nating tugunan ang problema sa enerhiya.
RICE PRICES + AGRICULTURE
Batid ko rin po na apektado ang mga Boss natin sa pabugso-bugsong pagtaas ng presyo ng bigas. Mukhang totoo nga po ang mga ulat: May ilang mga halang ang bitukang hoarder na itinatago lang ang bigas, para kapag tumaas ang presyo, ibebenta nila ang stock para kumita nang di-makatuwiran.
Hindi puwede ito. Kung sa tingin nila wais sila, mas mahusay ang ginagawang diskarte ng inyong gobyerno. Ang agarang solusyon: mag-import pa ng bigas, i-supply sa merkado, pababain ang presyo, at panatilihin ito sa risonableng antas, para malugi ang mga nagsasamantala sa Pilipino.
Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagsimula na tayong mag-import ng 500,000 metriko tonelada para magsilbing ayuda sa supply na pinanipis ng nagdaang mga bagyo, at dumating na lahat ito noong Marso. Nito ding Pebrero, inaprubahan ng NFA Council ang pag-angkat natin ng karagdagang 800,000 metriko tonelada bilang pagpuno sa ating buffer stocking requirement, at 360,750 metriko tonelada na nito ang dumating ngayong Hulyo; pagdating ng Setyembre, makakarating na ang kabuuan. Naaprubahan na rin ngayong Hulyo ang agarang importasyon ng 500,000 metriko tonelada ng bigas sa pamamagitan ng open bidding. May standby authority rin ang NFA na mag-angkat ng karagdagan pang 500,000 metriko tonelada, bilang paghahanda sa magiging epekto ng kalamidad sa ani at sa presyo ng bigas.
Kapag dumating ang karagdagan nating inaangkat, mapupuwersa na ngayong magbenta ang mga hoarder ng bigas na nakatago sa kanilang mga kamalig. Sa mga hoarder na ito: Kung gusto ninyong makipagmatigasan, sige lang, subukan ninyo ang estado. Tandaan lang ninyo: Anim na buwan lang ang itatagal bago mabulok ang stock sa mga warehouse ninyo. Siguradong malulugi kayo kapag nalunod na ang merkado sa dagdag na bigas. Kumikilos kayo kontra sa mga Pilipino; kami naman, isinusulong ang interes ng bawat Pilipino. Tingnan natin kung sino ang mananalo.
Bukod sa pag-iimbestiga sa mga diumano’y nagtago ng NFA rice, sinisiyasat na rin natin ang lahat ng mga pwedeng nagkuntsabahan sa mga ahensya. Iniimbestigahan na ang mga empleyadong pinagdududahan upang makasuhan at mapakulong sa hinaharap.
Sabay ng pagtugis sa mga mapang-abuso, patuloy rin ang mga proyekto natin para alagaan ang mga nasa sektor ng agrikultura. Ginagawa nating kaakit-akit na kabuhayan ang pagtatanim ng palay. Alam naman po natin na tumatanda na ang ating mga magsasaka, kaya malaki ang maitutulong sa food security kung mahihikayat natin ang mga kabataan na pasukin ang ganitong hanapbuhay.
Nagkakaloob po tayo ng mga makabagong kagamitan sa pagsasaka para sa episyenteng pagtatanim at pag-aani. Mula 2011 hanggang Mayo ng 2014, naipamahagi na natin ang kabuuang 4,628 production machineries, 11,362 post-production machineries, at 105 rice mills sa iba’t ibang farmer’s associations. Sa tulong po nito, nabawasan ang nasasayang sa ani ng ating mga magsasaka. Bukod rito, pinapaunlad natin ang mga patubig, nagpapagawa tayo ng farm-to-market roads, at nagsusulong ng training programs upang masagad ang kanilang kita.
SUPPLEMENTAL BUDGET + CLARIFICATORY LEGISLATION + BUDGET
Pag-usapan naman po natin ang budget. Ang Ehekutibo, nagmumungkahi ng mga proyekto; inaaprubahan naman ito ng Kongreso. Kailangan nga lang po nating itigil ang ilan, para makasiguradong sumusunod tayosa naging desisyon ng Korte Suprema ukol sa Disbursement Acceleration Program. Alam ko pong kaisa kayong mga nasa bulwagang ito sa paniniwalang hindi dapat ipagkait ang benepisyo sa ating mamamayan, at dapat nga itong makarating sa kanila sa lalong madaling panahon.
Kaya nga po: Ipinapanukala namin ang pagpasa ng supplemental budget para sa 2014, upang hindi naman maantala ang ating mga programa atproyekto. Kasabay po nito, nananawagan din tayo sa pakikiisa ng Kongreso, upang maipasa ang isang Joint Resolution na maglilinaw sa mga depinisyon at kaisipang tila pinagtatalunan pa—at iba pang mga usaping kayo lang sa lehislatura, bilang mga nagsulat ng batas, ang makakapaglinaw.
Sa unang araw po ng trabaho matapos ang SONA, ihahain natin sa Kongreso ang panukalang 2.606 trillion pesos na 2015 National Budget. Gaya ng lagi, binuo ito kasama ang mamamayan, gamit ang stratehiyang naglalaan ng pondo kung saan lamang ito tunay na maghahatid ng benepisyo. Umaasa po tayo sa pakikiisa ng ating mga mambabatas na pagtibayin ito, bilang pangunahing instrumento sa paglikha ng pagkakataon para sa sambayanang Pilipino.
Pakinggan naman po natin ngayon ang isang benepisyaryo ng Alternative Learning System program ng DepEd. Matingkad siyang patunay ng pagkakataong naihahain sa ilalim ng mabuting pamamahala.
PERORATION
Siya po, at ang marami pang benepisyaryongtulad niya, ang natatabunan sa tuwing umiingay ang orkestra ng negatibismo sa balita. Itong maiingay na ito,sadyang isinasara ang isip at namumuhay sa sariling mundo at realidad. Habang nakikita ang pagbabago sa lipunan, nangyayari na nga ang ating inasahan: lalong dumadalas, lalong umiinit, at lalong tumitindi ang pag-atake nila sa atin. Habang lumilinaw ang benepisyo ng reporma, pahirap nang pahirap ang pag-asang magtagumpay ang panlilinlang nila, kaya’t nagtatanim sila ng duda. Desperado na sila.
Bakit nga po ba sila galit na galit? Tingnan po natin ang kanilang motibasyon. Para sa mga ginawa nang negosyo ang kanilang posisyon: kung maayos natin ang mga sistema, nawawalan sila ng pagkakataong mansamantala. Natural lang na kontrahin nila tayo. Ito namang mga walang ibang layunin kundi ibagsak ang gobyerno: Puwede lang madagdagan ang kanilang hanay kung maraming nagdurusa, at nawalan ng tiwala sa sistema. Ngayong nakukumpuni na ang sistema at natutugunan ang pagdurusa, nababawasan na ang puwede nilang i-recruit, kaya pakaunti nang pakaunti ang kanilang bilang. Natural lang din na kontrahin nila tayo. Ang pinakamaingay na kumokontra sa atin ay ang ayaw ng transpormasyon, dahil nagsamantala at nakinabang sila sa lumang kalakaran.
Ganito ko nga po naiisip angating situwasyon: Para tayong mga mamamayang matagal na naipit sa isang isla kung saan may nag-iisang tindahan. Dahil walang pagpipilian, napapataas nila ang presyo kung kailan nila gusto, at talaga nga naman pong inaabuso tayo. Inatasan po ninyo akong itimon ang bangka ng estado tungo sa kabilang isla, kung saan mas maraming tindahan, mas maraming pagpipilian, mas maayos ang buhay, at mas malawak ang pagkakataon. Siyempre po, ang nagpapatakbo ng tindahan sa ating isla, ayaw tayong pumalaot, dahil mawawalan sila ng inaabuso. Lahat, gagawin nila para pigilan ang ating pagtawid sa kabilang pampang: Sasabihin nilang pareho lang naman doon; wala naman talagang pagbabago doon. Itatali nila tayo sa daungan, bubutasan ang ating bangka, makikipagkuntsabahan para iligaw ang ating biyahe.
Ang totoo po, hindi naman ako ang kinokontra ng mga ito, kundi ang taumbayang nakikinabang sa tuwid na daan. Kontra sila sa magsasaka sa Iloilo, na mahigit limampung taong nangarap ng maayos na irigasyon, at ngayon ay nakikita nang ginagawa ang Jalaur Multi-purpose River Project. Kontra sila sa napakaraming estudyanteng hindi na kailangang magsiksikan sa mga classroom. Kontra sila sa nagkatrabaho dahil nasanay ng TESDA; kontra sa mga maagang naililikas sa panahon ng bagyo dahil sa pinahusay na PAGASA; kontra sa mga informal settler na nailayo sa panganib dahil sa programang pabahay; kontra sa mga maralitang libre nang nakakapagpagamot sa pampublikong ospital; kontra sa mga sundalong may modernong kagamitan kaya mas may kumpiyansa nang ipagtanggol ang bayan; kontra sa mga Moro at katutubong abot-tanaw na ang kapayapaan. Mga Boss, kontra po sila sa inyo.
Ang totoo po niyan, wala pa tayo sa puwesto, inaatake na tayo. Sanay na tayong sinasalubong ng negatibong komentarista sa almusal, pang-aalipusta sa tanghalian, insulto sa hapunan, at may intriga pa bilang midnight snack. Ngayon nga pong Pangulo ako, tuloy pa rin ang mga kontra sa pagbabago. Sa tingin ko, maski sa pagbaba ko sa puwesto, hindi pa rin sila titigil.
Naalala ko po ang isang matandang babaeng nakausap ko dati sa kampanya. Ang sabi niya sa akin, “Noy, mag-iingat ka. Marami kang makakabangga.” Totoo ang kanyang babala. Pero buo ang loob kong kaharapin ang mga nakakabanggang ito, dahil alam ko: iilan lamang sila, at di hamak na napakarami natin. Mas malakas tayong mga handang makisagwan tungo sa pagbabago. Magtatagumpay tayo sa labang ito, dahil tayo ang nasa tama. Nangarap tayo, nagsimula tayo, nagsikap tayo, nakabuwelo tayo, at ngayon, umaarangkada na nga po ang Pilipino. Lalong magiging sulit ang pagod at sakripisyo natin kung itong nasimulan natin ay itutuloy ninyo.
Kayo ang haharap sa sangandaan; kayo ang magpapasya kung magtutuloy ang pagbabago. Tandaan lang po natin, ito ang aking ikalimang SONA; isa na lamang ang natitira. Sa 2016, pipili kayo ng bagong pinuno ng ating bayan. Ang sa akin lang po: Para ipagpatuloy at mas mapabilis pa ang pagbabagong tinatamasa na ng ating lipunan, iisa lang ang batayan sa pagpili ng papalit sa akin: Sino ang wala ni katiting na dudang magpapatuloy sa transpormasyong ating isinakatuparan?
Kayo ang Boss, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng pagbabago—kaya kayo rin ang magpapatuloy nito. Nasasainyo kung paanong isusulat sa kasaysayan ang mga panahong ito. Maaari itong maalala bilang tuktok ng ating tagumpay, bilang magandang simulaing nasayang lang. Pero mas maganda pong di hamak kung maalala ang mga nagawa natin bilang simula pa lang ng ating mahabang paglalakbay tungo sa katuparan ng mas matatayog pang pangarap.
Noong minungkahi po ng ilang mga grupo na ako’y tumakbo, ang sabi nila sa akin, hindi namin inaasahan na lutasin mo lahat ng problema ng ating bansa sa loob ng anim na taon. Pero simulan mo na sana. Nakita naman ninyo kung saan tayo nanggaling, at nakita naman ninyong lampas-lampas pa sa ating mga pinangarap noong simula ang tinatamasa natin ngayon.
Pinapanday na natin ang sistema kung saan talagang patas ang laban; kung saan ang sumusunod sa patakaran ay nakakarating sa nais niyang paroonan; kung saan may tunay na kumpetisyong nagbubukal ng pagkakataon at malawakang kaunlaran; kung saan ang lahat ay may kakahayang panghawakan ang sariling kapalaran.
Abot-kamay na ang isang lipunang kayang sumalo sa mga nasa laylayan; kung saan ang bawat isa ay kumikilala sa kanyang tungkulin sa kapwa at sa bayan; kung saan tuloy-tuloy at walang-hanggan ang pakikiambag at sama-samang pag-angat ng sambayanan.
Papalapit na po talaga tayo sa minimithi nating kinabukasan, kung saan naghahari ang katarungan, at tunay pong walang maiiwan.
Ito ang resulta ng reporma, at ito ang ipinaglaban natin, at patuloy pang ipinaglalaban: Hindi ang pagpapanatili ng nakasanayan, kundi ang pagbabago ng sistema para makinabang ang lahat.
Mga Boss: Binigyan ninyo ako ng pagkakataong pamunuan ang transpormasyon. Kung hinindian ko ang hamon na iniharap niyo sa akin, para ko na ring sinabi na tutulong akong pahabain ang inyong pagdurusa, at hindi maaatim ng konsensiya ko iyon. Kung tinalikuran ko ang pagkakataon, parang tinalikuran ko na rin ang aking ama’t ina, at ang lahat ng inialay nila para sa atin; hindi mangyayari iyon. Sa paghakbang sa tuwid na daan, pinili ninyo ang mabuti at ang tama; tumotoo kayo sa akin—at ako naman ay tumotoo sa inyo.
Ang transpormasyong tinatamasa natin ngayon, ay magagawa nating permanente sa gabay ng Panginoon. Hangga’t buo ang ating pananalig at tiwala, at hangga’t nagsisilbi tayong lakas ng isa’t isa, patuloy nating mapapatunayan na, “the Filipino is worth dying for,” “the Filipino is worth living for,” at idadagdag ko naman po: “The Filipino is worth fighting for.”
Mga Boss, kayo ang gumawa ng transpormasyong ating tinatamasa. Kayo ang susi ng pagpapatuloy ng lahat ng positibong pagbabagong naaabot natin. Buong-buo ang tiwala ko: Nasa eksena man ako o wala, tutungo ang Pilipino sa dapat niyang patunguhan.
Maraming salamat po.

Similar Documents

Free Essay

Pnoy's 5th Sona (2014): an Economic Reaction Paper

...5th PNoy SONA President Benigno "PNoy" Aquino III delivered his fifth State of the Nation Address in front of senators and congressmen in Batasan Complex, Quezon City on Monday, July 22, 2014. The President's penultimate SONA, which marked the opening of the 16th Congress, started at exactly 4:00PM and ended after an hour and 31 minutes. It earned 58 rounds of applause from an audience composed lawmakers, government officials, local and international media, dignitaries and other important personalites. PNoy started the SONA recounting how the Philippines, once called as the “sick of man of Asia” and transformed into one of the most promising economy in Asia. He stressed that the country has rebounded to become a tiger economy, much sought after by international investors, an achievement attributed to prudent fiscal management and good governance by the Aquino administration. This must mean that his administration has made many improvements for the nation’s economy, well, if and only if all the data he bragged are true. First economy-related item he emphasized was the around P1.6 billion fund was given to Training-for-Work Scholarship Program of TESDA. A total of 223,615 beneficiaries have graduated with an equivalent of 146,731 graduates currently working. As the saying goes, the human resource is the most important asset of on the organization, so this somehow contributes to the growth of a business and the economy. Moreover, many of these graduates are employed in the...

Words: 542 - Pages: 3

Premium Essay

Sochi Olympics Games 2014 and Human Rights

...any issue or protest will be given the opportunity, writes USA Today, which is referenced Newsru.com. "We welcome this measure by which everyone can express their opinion" - quoted by Bach at a press conference in Lausanne "Russian service of the BBC." Russian experts, however, resemble three months ago, Russian President Vladimir Putin signed a decree on the organization of security in Sochi during the 2014 Olympics, where it is directly prohibited rallies and demonstrations during the Olympic and Paralympic Games. Ibid described rules around the city of individuals - in some areas can be accessed only with the approval of the authorities, others will generally closed for public use. President's decree, in particular, defined "control zones" created in Sochi, for getting into that require a special permit and where will be enhanced inspection of vehicles by law enforcement officers. In the "forbidden zone" located around the Olympic venues, restrict access "without the overhead and operational needs." In addition, according to the document, from January 7 to March 21, 2014 in Sochi will be banned from entering any transport other than railway, engineering and emergency vehicles registered in Sochi or having accreditation to the Olympics. Fans safety rules described in the decree until the big problems do not promise. Control system for visitors to the Olympic venues was previously tested for test events. So, to all the spectators were given a special document - a...

Words: 1322 - Pages: 6

Free Essay

Describe Appropriate Methods of Written Communication in Different Business Contexts

...http://www.ibisworld.co.uk/market-research/marine-fishing.html Primary Sector: 1. Fishing: the industry of fishing in the UK is declined from 2005 to 2010, the reason are the falling fishing quote, the industry has been left floundering by volatile seafood price and sharp economic downturn. After the 2010 they had a growth of 2.5% forecast including the years 2014 and 2015. The reason for the growth is the demand of seafood moderately and the seafood price rise. They employs 12.150 people and they have 6.291 businesses in the UK. Also, the annual rate was 0.9% of £819.1 million. 2. Foresting and Logging: the industry of Foresting has always increase in the years, and the reason why are increased each year is from the governments, local authorities and woodland owners as government bodies that give to the industry more services over the period and replanting the level as risen. The annual growth for the foresting industry is 1.3% over 5 years including 2014 and 2015 to reach £945.5 million. For the first 2 year of the demand of the industry fell. Also, they planned to increase the forecast by 2.1 in the 2014 and 2015. Their employs 14,000 people and have 3,221 businesses around the UK. Secondary sector: * Plastic packing goods manufacturing: the plastic packing goods in during 2005 and 2010 they increased...

Words: 648 - Pages: 3

Free Essay

Physics Lab

...Rivercrest CDD Board of Supervisors Daniel J. Leventry Chairman Elaine Sellent Vice Chairman Lisa Fernandez Supervisor Frank Nocco Supervisor Esther Torres Supervisor CDD Staff Meritus Districts 5680 West Cypress Street Suite 5680A, Tampa, FL 33607 Telephone: 813-397-5121 A Bi-Monthly Publication of the Rivercrest CDD January Issue 2014 Greetings Rivercrest Residents Frank Nocco, Supervisor Happy New Year Rivercrest and welcome to 2014. On behalf of your CDD Board of Supervisors and staff we wish you and your family the absolute best for the coming year. Our projects continue on plan and there is little to update you on right now, however the board expects to have big news in the not too distant future so instead of a long update of CDD Board activities, may I take the liberty of sharing some of my memories from my childhood growing up on Long Island, New York. I sincerely hope that you pause and take a minute and reflect on your personal experiences. Television was fairly new and the screens were hardly there at all let alone being 60 inch plasma or LED units. If one’s family splurged or were well heeled they owned a fancy console TV, a huge piece of furniture who’s cabinet was made of very fine finished wood. Some even had flip top record players in them and ultra-fancy ones were super hi-tech stereo units. When Tony Bennett, Frank Sinatra, Dean Martin or Andy Williams records weren’t playing the TV was on. There was Lucy, The Honeymooners, Milton Berle and Jack Benny...

Words: 5067 - Pages: 21

Premium Essay

Technology

...Some people think that distant learning is the perfect alternative to traditional education. Due to advancements in technology nowadays we have a possibility to choose between learning via the internet and attending schools. According to some experts, distance learning has effectively facilitated academic education and society should refuse from the traditional school attendance. However not everybody agree with it. In my opinion, we should to learn in the traditional form of education. First of all, it is vitally important that schooling makes students more self-disciplined and sociable. Studying in school provide students with numerous opportunities to interact with tutors as well as their peers, which tend to increase their interpersonal and social skills. Secondly, extra-curricular activities, such as various hiking, sport competitions, offered by traditional schooling, not only teach students how to compete and compromise, but also improve their mental and physical health. On the contrary, there are people who believe that distant learning is much better than traditional education. They insist that distance learning helps the disabled to receive education at home. Nevertheless, let us consider this issue from another angle. I am sure that the impacts of distance learning are generally detrimental, because using Internet can reduce our vision, students have low physical activity, which can lead to serious diseases. Taking into consideration all mentioned above, I think...

Words: 2040 - Pages: 9

Free Essay

Vancouver 2010 Olympics

...The desirability of Whistler Blackcomb and Sochi as winter and summer destination resorts. We can think of Whistler Blackcomb and Sochi as winter and summer destination resorts by having in our mind one historical event for the year 2010 when the Vancouver Olympic Winter Games started in the westernmost province of British Columbia and recently launched the Sochi 2014 Winter Olympics. It makes sense to organize Olympic Games on the territories that can serve as winter and summer destination resorts. Why? To answer this question let’s consider the geography and all necessary infrastructures needed and designed to carry out the whole bunch of sport venues. Host country’s Organizing Committees are responsible for installing necessary infrastructures for organizing the Olympic Games such as Olympic Villages, air-supported domes, stadiums, training ice rinks and other facilities for competing during the games. It also assists with medical services, lodging facilities, means of transportation for the athletes and officials. For organizing Winter Olympic Games which includes alpine skiing, luge, ski jumping host county’s geography should provide mountain chains, and for Summer Olympics that include canoe sprint, canoe slalom or sailing, geographically the country needs ocean, seas and lakes. As it is mentioned in our case, Whistler is a resort town with nearly 10,000 permanent residents and has two million visitors annually. It served as the designated site of Olympic events. To attract...

Words: 848 - Pages: 4

Premium Essay

Developing an Efe Matrix for Mcdonald’s Corporation Assurance of Learning Exercise 3d

...which Yum! Brands and Burger King. Their market shares were $16.3 billion and $2.46 billion respectively. In 2009 they open 6,650 new stores in Europe and 8,327 new stores in APMEA (Asia/Pacific/Middle East/Asia). McDonald’s corporate responsibility campaign in becoming socially and environmentally friendly is one strength. According to David, they “have been recognized for its efforts in inclusive excellence with respect to employing and creating opportunities for minorities (2011, p. 33). They have actively sought to reduce their “carbon footprint by using recycling packaging” (David, 2011, p. 33). In 2014, they were ranked 43rd on the Best Global Green Brands (SyncForce. 2014). Other strengths include the fact that they are producing more innovative offerings such as the premium McWraps, “which was the 2014 MenuMasters winner for Best Menu/Line Extension” (Scarpa, 2014). Weaknesses: McDonald’s Weaknesses include a high employee turnover rate, a decrease in customer satisfaction, and being able to control the food...

Words: 721 - Pages: 3

Premium Essay

Write An Argumentative Essay On Van Wanggaard

...supported. Also how I view them as a social work, and how I will like for them to get involved. State Senate Van Wanggaard is a community activist. He was responsible for structure security for Harborfest in 1986. Van Wanggaard was a part of a veterans association, where he was a police officer for Racine Police Department the past 29 years. He was the first police officer to earn the chair of public protection and criminal justice committee. In 2002, Van Wanggaard ran for County Board of Supervisor and won nearly 70% of the vote in a 10-year incumbent.() Wanggaard has been a leader over his four-year term serving as Vice Chairman of finance, and human resources, and legislative committee. He was elected Senate in 2010 and reelected in 2014. Van Wanggaard supported medical marijuana that is associated with Cannabidiol Oil known as CBD.( 2017,Associated Press) He supports bill SB.10 because CBD has tetrahydrocannabinol which eases the symptoms of seizures and tremors.( 2017,Associated Press) In addition, gang-violence is a social issue that Wanggaard does not condone. On October 9, 2015, Wanggaard introduced bill SB.303 that penalizes anyone who pursues any gang-related crime. The bill also penalizes any crime that is related to a controlled substance, gang related activity, or activity which would promote a gang initiation. In my opinion, Van Wanggaard is egotistical, based on his campaign I felt as though he was very manipulative to his audience, and also through the different...

Words: 906 - Pages: 4

Premium Essay

Hats and What Life Means

...Lacey Lehman February 10, 2014 Comp Lit 8 MSW ASSIGNMENT 11 © stocklight / Shutterstock.com © stocklight / Shutterstock.com American snowboarder Shaun White won Olympic gold medals in the half pipe event in 2006 and 2010. White’s thick mop of red hair and repertoire of gravity-defying tricks earned him the nickname “the Flying Tomato.” Born on Sept. 3, 1986, in San Diego, Calif., White grew up in nearby Carlsbad. He survived a heart defect that required two operations when he was an infant. Despite his early health problems, he was soon skateboarding, surfing, skiing, and playing soccer (association football). He took up snowboarding at age six and the next year won his first competition. He became a phenomenon on the amateur circuit, claiming five national titles, and turned professional at 13. After making his Winter X Games debut in 2000, he went on to rack up five slope style titles (2003–06, 2009) as well as five super pipe titles (2003, 2006, 2008–10). At age 15 White fell 0.3 point short of qualifying for the U.S. team for the 2002 Winter Olympic Games in Salt Lake City, Utah. Undeterred, he dominated the professional circuit for the next two years, and when qualifying began for the 2006 Winter Olympics in Turin, Italy, he won the halfpipe in all five of the Grand Prix events that determined team selection. At Turin, White clinched the gold medal on his first run of the finals, when he performed two 1,080° (three full spins) airs on the frontside of the pipe and...

Words: 400 - Pages: 2

Free Essay

Labor Issues in Walmart

...Board of Directors Proposal New and Improved Walmart I would like to thank the executives at Walmart for giving me the opportunity to provide insight and expand upon Walmart’s horizons for the 2014 business year. I graciously accept the appointed board member position with great integrity and plan to maintain the company’s great successes for this year and the future. While Walmart is a well renowned super store, it has been scrutinized for its labor rate as well as its overall unfair treatment of employees. The scrutinized label of this establishment allows me to offer an alternative perspective and therefore propose a solution to preserve the Walmart name. The possible future operations and procedures which I would like to see changed within each practicing Walmart is related to employee’s salary, pay, manufacturing and labor. My proposals incorporate much consideration in regards to maximizing the return to shareholders, providing for employees and serving the larger community and overall society as a whole. My considerations and proposals will also serve the consumer portion of the community because when employees are satisfied, customers are satisfied. Previous to my appointed role as a board member for this company, I made assumptions regarding the way Walmart operates and functions as a business. Walmart has always been about saving, which in my mind is not only great for the people, but it is great for business. It is great for the people because the goods that...

Words: 2169 - Pages: 9

Free Essay

Impact of Sanctions and Current Positions of Russian Federation

...Federal State Budget Institution of higher education «FINANCE UNIVERSITY UNDER THE GOVERNMENT OF THE RUSSIAN FEDERATION» Chair of «Macroeconomic regulation» Essay Moscow 2014 Introduction 3 Main part 4 The impact of sanctions on the financial sector 4 The impact of sanctions on the industry of the Russian Federation 6 The impact of sanctions Russia in the nearest future 7 Conclusion 9 Introduction The first sanctions against Russia were introduced on 6 March 2014, but they had a more symbolic and looked more like a friendly gesture from the West than on a real blow to the economy. The following steps restrictions for the Russian Federation have become much more significant and can cause serious damage to the Russian economy in the medium term. The effect of the sanctions were government officials, major banks, energy companies and the defense, in addition from European, American, Japanese, Canadian and Australian companies made a decision to limit the supply of technologies, weapons, minerals and other goods to the Russian market. According to analysts, in the current conditions on the results 2014 because of the sanctions, Russia will lose about 23 billion euros, or 1.5% of GDP, in 2015, almost 75%, which will further affect the economy and will account for almost 5% of GDP. It is important to note that in such conditions greatly slow down the inflow of foreign investment in Russia, 75% of them falling on the country's membership of...

Words: 1314 - Pages: 6

Premium Essay

Asdfa

...Networking Night Alternative Activities I’m sorry that you were not able to attend the 2014 Networking Night Event, which was required for Spring 2014 and Fall 2014 College of Business Students. Our COB records indicate that you are part of that cohort. The event this year had three distinct outcomes. 1. To become familiar with the 56 organizations in attendance. 2. To learn about different types of networking, the importance of networking in a business professional’s life, and taking the time to set your own personal networking goals. 3. To put your networking skills into action, test them out, and improve your skills. Since you were unable to attend Networking Night, you will need to fulfill these three objectives in alternate ways. While there is no way to replicate this event or the experience attendees had, we have provided guidelines so you can achieve similar objectives. Outcome #1- To become familiar with the 56 organizations in attendance. To achieve this outcome, you will need to interact with organizations and/or do research on them. Review the organizations that were in attendance at Networking Night at: http://www.uwosh.edu/cob/undergraduate/development/events/networking-night Submit an overview that addresses the following: 1. What 5 organizations did you pick to learn about? 2. How did you go about finding the information? 3. Provide the following information on each of the 5 organizations in a bullet format: a. Name...

Words: 720 - Pages: 3

Free Essay

Paper

...Landon Bennett Management 305 March 24, 2014 WSJ Article #3 Recently Russia spent 51 billion dollars designing an international tourist attraction for the winter Olympic Games. The problem is that the tourist destination is strangely empty. There are numerous store fronts that are empty and unfinished hotel rooms. Sochi built and refurbished 43,000 new hotel rooms, and created a new highway and rail system to ferry stadium size volumes of visitor’s in. it has a giant gondola system that carries spectators to the mountain venues. The Olympic venues at Sochi have mostly won rave reviews. Even though the weather is spectacular, transportation is running smoothly, there is not a lot going on there. Past places that have held Olympic Games have had huge prosperity in months and years after the games had left. Sochi is hoping for that same action to take place with all its slopes, restaurants, bars, and nightlife. Many think that perhaps Sochi is overbuilt. It houses a giant entertainment center, a mall, skating rink, aqua park with slides, water geysers, bowling alley and 12 swimming pools. They build a $371 dollar amusement park with many roller coasters and thrill rides that stand unused behind locked gates. To start helping the stories, restaurants and resorts generate some inflow, Sochi will host the G-8 Summit in June and the Formula One Grand prix in October. Sochi has a ton of potential just based on its location. It is near the sea, the mountains are not far away and...

Words: 286 - Pages: 2

Premium Essay

Vendective

...Lauren-Ashleigh Beaudry Sidney Crosby “Sid the Kid” Special points of interest:  Born on August 7, 1987 in Halifax, Nova Scotia  Hometown Cole Harbour Nova Scotia  Learned to skate at three years old  In 2004-2005 considered the best hockey prospect in the world  Drafted as Pittsburgh Penguins first overall pick July 30, 2005  Crosby’s wears jersey 87 to represent the year that he was born in January 17, 2014 Volume 1, Issue 1 Biography Sidney has excelled at every level of organized hockey he has participated in. “ His hockey skills, temperament and physical stature often bring comparisons to one of the greatest hockey players ever—the great one himself, Wayne Gretzky.” In 1997 at the age of 7, Crosby scored 159 goals in just 55 games. He was the youngest player in history to score a goal in the World Junior Championship. Sidney Crosby has a passion and love for a sport that he is very talented in. He continues to be a leader in the hockey world. Some additional accomplishments include: * Best hockey prospect for the 2005 NHL amateur entry draft. * Art Ross and Hart trophies in his second NHL season (2007). * Youngest player in NHL history to captain a team to the Stanley Cup. * Rocket Richard trophy (2010) * Scored at least one point in 25 consecutive games. 11th longest streak in NHL history (2010). * Scored the winning goal against the United States which earned Canada a gold-medal in the 2010 Winter Olympics. Vancouver Olympics 2010 reasons....

Words: 1068 - Pages: 5

Premium Essay

Catalogue

...education networking buyer connections The essential annual meeting for sales professionals and companies looking to grow their international business June 17-18, 2014 Intercontinental O’Hare • Chicago Tuesday, June 17 • General Sessions / Executive Education IBC 101: International Essentials IBC 101 is an optional session designed for those new to IBC and / or new to export. Meet the IBC Board of Directors and IHA staff while learning about international essentials through a presentation led by industry veteran and former IBC board member Jeff Murphy of Wilton Industries. Market selection, export mechanics, distributions models, international pricing and INCO terms are a few of the topics to be covered. EXECUTIVE EDUCATION: Rethinking the 4 P’s Jonathan Knowles, CEO, Type 2 Consulting In today’s business-to-business environment, sticking to the traditional four P’s of marketing – product, price, place and promotion – has fostered narrow, product focused strategies. Those strategies lead marketing and sales teams to stress product attributes that are no longer differentiators but simply the cost of market entry. Jonathan Knowles, working in partnership with Thunderbird professor Rich Ettenson and using insights from the results of a five-year study of more than 500 managers and customers in multiple countries and across a wide range of B2B industries, has reframed the 4 Ps as SAVE: Solutions, Access, Value and Education. He will share how SAVE can help you...

Words: 1349 - Pages: 6