Free Essay

Stories

In:

Submitted By Tapingeve
Words 23011
Pages 93
Aralin 1 : Teoryang Realismo
ANG PAGHUHUKOM
(Bahagi ng Nobela)
Isinalin ni Lualhati Bautista
Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos.

Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon…

Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan ang mga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi’y patuloy na dumarating kay Fak…

Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya’y gising.

Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyang isipan.

Sa loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niya bubuweltahin ang mga nanakit sa kanya. Natatandaan niya nang malinaw na dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song. Kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot na dinaranas niya. Gusto niyang puntahan ang mga ito sa bahay nila at suntukin sa mukha o magdala ng kutsilyo at saksakin sila hanggang sa magmakaawa ang mga ito na huwag niyang patayin. Paminsan-minsan, napapanaginipan niya na nakaupo daw siya sa dibdib ni Thid Tieng at walang humpay na pinagsusuntok ito at paggising niya, damdam niya’y nagawa niya talaga ang nagawa niya sa panaginip at umahon ang kasiyahan sa loob.

Gayunman, sa pagdaraan ng mga araw, naglubag ang kagustuhan niyang makapaghiganti at unti-unti ay mabagal silang napawi ng tuluyan. Marahil ay dahil hindi si Fak ang likas na ganoong tipo ng tao. Isa siyang tao na ang gusto’y kapayapaan, na takot makipag-away at walang sapat na akalupitan para pumatay. Naisip niyang ireport sa pulisya ang nangyari pero natatakot naman na balikan siya at salakaying muli ng pamilya ng dalawa, at

hindi na matatapos agad ang gulo. Nang iwan na siyang lubos ng hangarin niyang makapaghiganti, naisip na lang niya: “Kalimutan mo na iyon!”

Minsa’y ang sarili pa nga ang sinisisi niya sa pagsasabing hindi niya dapat pinukol ng niyog ang bata.

Gayunman ay naiwan nang wasak ang kanyang isip, tulad sa isang piraso ng salamin na binasag at paulit-ulit na dinurog. Lahat ng nangyari’y lumikha ng ganap na pagbabago kay Fak, at kahit nagawa niyang hamigin ang sarili’y hindi na siya magiging tulad pa rin ng dati, at mahabang-mahabang panahon bago niya maibalik ang sarili sa normal.

Ang buhay niya’y kontrolado ngayon ng takot. Hindi na siya makapangahas na lumabas ng bahay niya sa gabi at hindi na kailanman nagtungo sa bahay ni Lung Khai, maliban na lang sa kalagitnaan ng araw o sa araw ng Sabado’t Linggo. Tuwing makakarinig siya ng kaluskos ng taong lumalakad sa kanyang likuran, itutulak siya ng takot na lumingon at tumingin. Minsa’y wala namang kahit ano doon. Kung naglalakad siya nang wala sa loob at narinig niya ang ihip ng hangin sa mga puno, lulundag ito sa takot ang puso niya at bibilis ang kanyang kaba. Wala siyang magagawa kundi mapako sa kinatatayuan at pawisan. Sobra ang kanyang nerbiyos na minsa’y di niya mapaghiwalay ang realidad ng nangyari sa kanyang mga takot at panaginip.

Natakot siya sa dilim, natakot sa malalakas na ingay at sa mga ingay na nagpapaalala sa kanya sa mga tunog na naririnig niya nang gabing iyon, at antimanong sumayad ang takipsilim ay mabilis niyang aabutin ang bote para uminom hanggang sa makatulog…

Ang balita ng pambubugbog kay Fak ay agad-agad na kumalat sa nayon at hindi nagtagal ay iyon na lang ang nasa labi ng mga tao, at sa ayos ay wala na iyong katapusan. Gayunman, walang bumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkalagas ng mga ngipin ni Fak ay walang nag-abalang mag-imbestiga o magsampa ng reklamo laban sa mga taong sumalakay sa kanya. Nag-ipun-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nangyari ng gabing iyon.

Isang grupo ng mga tao ang nag-usap tungkol sa iba’t ibang dahilan na humangga sa pangyayari at lahat sila’y nagkaisa na inabot lang ni Fak ang dapat sa kanya. Bagama’t sila’y walang aktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at ngayo’y pinag-uusapan nila iyon nang may kasiyahan…

“Sayang at hindi na siya namatay.”

“Mabuti nga sa kanya.”

“Mas kasalanan pang pumatay ng aso kaysa pumatay ng isang kagaya niya.”

“Ang pesteng gaya ng isang ‘yon! Bakit kailangang maawa sa kanya ang kahit sino?”

May iba pa, na siyang nakararami, na hindi interesado sa nangyari kay Fak. Nabubuhay sila nang walang pakialam at hindi sila nag-aabal sa problema ng iba. Kapag nababanggit ang nangyari, nakikinig sila nang walang interes at hindi nagsasabi ng anumang opinyon. Wala silang ipinakikitang awa o simpatiya kay Fak kaugnay ng mga nangyayari at wala silang hangaring mapasangkot. Iisang bagay lang ang laman ng isip ng grupo ng mga taong ito…

“Wala akong pakialam.”

…May isa pang grupo ng tao na may makataong pakiramdam at nakakadama ng awa sa taong pinagsamantalahan o naging biktima ng pang-aapi. Pero sa nayong ito ay hindi ito marami niyon. Ilan sa kanila’y lihim na naaawa kay Fak sa pagkakabugbog dito, bagama’t hindi pa nila tinatanaggap ang katotohanan na hindi nito inaasawa ang sarili niyang madrasta. Para sa mga taong iyon, magkaibang bagay ang dalawang istorya. Gayunman, wala sa kanilang may lakas ng loob para tumulong kay Fak. Natatakot sila na sila mismo’y maging sentro ng mga tingin ng mga tao. Kaya kinimkim na lang nila ang kanilang awa sa kanilang sarili at tahimik na ipinasya na hindi dapat ginawa ng mga sumalakay kay Fak ang ginawa nila.

Sa grupo ng mga taong ito, si Saproe Khai lang ang nangangahas na magbaba ng sarili at tumulong kay Fak. May mga gabing pumupunta siya sa bahay nito para tumulong sa pag-aalaga dito at gamutin ang mga tinamo nitong sugat, tulad sa isang ama na nagmaamlasakit sa kanyang anak…

“Ay … sobra talaga ang ginawa nila ngayon sa ‘yo, ano?”

Ito ang mga unang sinabi niya ng makita niya si Fak kinabukasan ng gabing iyon. Hindi sumagot si Fak, ngumiti lang isang bunging ngiti. Marahil ay dahil masyadong masakit ang bibig niya kaya ayaw na niyang magsalita, at isa pa, wala siyang masasabi, kundi ngumiti…

Lahat ng naganap ng gabing iyon ay naging dahilan para lalo pang magkulong sa sarili niya si Fak hanggang sa maging mas tahimik pa siya sa dati, na tulad ng isang pipi…

May sapat na ideya si Mai Somsong sa nangyari kay Fak. Nagawa niyang hulaan sa pamamagitan ng mga pasa ng mga hiwa at sugat na madali namang makita. Kaya hindi niyang iniwasang sumunod sa mga ipinag-uutos ni Fak na tulad ng pagsasaing o pagbili ng alak, at sinikap din niyang huwag gaanong lumapit at abalahin ito, maliban sa kalaliman ng gabi, kapag nakatulog na si Fak sa kalasingan, ikakabit na niya ang kanyang kulambo at maghihintay siyang nakabantay. Kapag hindi na ito bumubiling o kumikilos, gagapang na siys sa loob ng kulambo nito…

Patuloy nang ginampanan ni Fak ang mga katungkulan niya bilang dyanitor ng eskuwela hanggang sa katapusan ng buwan (Agosto), at nang matanggap niya ang huling suweldo niya, itinabi niya iyon nang buo at hindi bumawas ng kaunti man para iwan sa prinsipal dahil naisip niya na ganitong wala na siyang pagkukunan ng suweldo na makukuhanan niya ng maitatabi, ang mangyayari na lang ay magwiwidro siya sa prinsipal. Kailangan niyang tipirin ngayon ang pera niya at bawasan ang paggasta sa mga bagay na di kailangan, at ang mga bagay na hindi kailangan para kay Fak ay anag tatlong beses na pagkain araw-araw. Hindi niya kailangang alalahaning masyado ang tungkol sa pagkain dahil alam niya na makakakuha siya lagi sa templo ng sapat para ibusog sa sarili kahit isa, kundi man tatlong kainan isang araw. Mas nag-aalala siya kay Mai Somsong na hindi na makakain nang sapat araw-araw.

Kalagitnaan ng Setyembre…

Ang istorya tungkol kay Fak ay nag-umpisang mahawi sa labi ng bawat isa at hindi nagtagal ay hindi na iyon pinag-uusapan ng mga tao. Ang tanging bagay na lang na interesadong pag-usapan ng mga tao ngayon ay ang elektrisidad na ikinakabit na sa nayon. Kahit hindi sa ano pa man, maski paano’y nakatulong iyon para mamatay ang usapan tungkol kay Fak at sa kanyang madrasta…

Lahat ng tao sa nayon ay pursigidong makatulong sa mga trabahador sa paglalagay sa lugar sa mga kongkretong poste para mas mabilis na matapos ang trabaho. Nakahanda silang lahat na magsakripisyo ng lakas at salapi para sa kapakanan ng kumportableng kinabukasan at modernisasyon ng nayon.

May mga taong nangangarap nang makapag-ari ng telebisyon, refrigerator, o bentiladaor. Hindi na nila alalahanin ngayon ang pagsisindi ng gasera na hindi pa makapagbigay ng sapat na liwanag para ilawan ang kanilang paligid. Hindi magtatagal at sa halip ay magkakaroon sila ng mahahabang tubo ng fluorescent para magbigay-liwanag sa kanilang tahanan. Magagawa niyong ilawan ang buong bahay, at sa kalaliman ng gabi, kung kailangan nilang magpunta sa banyo, hindi nila kailangang mag-abala pa na magsindi ng gasera at magbitbit niyon papunta sa labas. Wala silang dapat gawin kundi pindutin ang bukasan at ang buong bahay ay magliliwanag at iglap na matataboy ang kadiliman sa banyo. At pagdating naman sa

pagpaplantsa ng mga damit, hindi na nila kailangang magpabaga pa ng uling sa mabigat na plantsang bakal na gaya ng ginagawa nila ngayon. Hindi na sila mamumutol ng mga dahon ng saging para ilagay sa plantsa at hindi na nila kailangang tiisin ang nakayayamot na ingay ng nasusunog na dahon. Hindi na sila magbubuhat ng mabigat na plantsa at maliligo sa pawis bago matapos ang pamamalantsa nila. Sa pamamagitan ng bagong plantsa, wala silang tanging dapat gawin kundi isaksak ito at hintaying mag-init at, gayundin, magiging singgaan lang iyon ng pag-aangat sa isang balahibo. Nagkuwentuhan at nag-usap-usap ang mga tao tungkol sa pagsasaing at pagluluto ng isda, at wika nila’y hindi na sila maniningkayad ngayon sa harap ng apoy sa loob ng kalahating oras o higit pa, na mawawala ngayon ang kanilang pag-aalala na baka masunog o lumata ang sinaing, na hindi na sila mag-aaksaya ng oras at magagamit pa nila sa ibang gawain. Sa bagong de-koryenteng rice cooker, wala silang gagawin kundi isaksak iyon, I-set ang orasan at iwan na, at pag handa na ang kanin, bahala na iyong kusang mamatay. Hindi na sila ngayon mauupo sa harap ng mainit na kalan, nagbabantay at nagpapaypay ng apoy, naggagatong ng kahoy, etsetera. Pag mayroon na silang refrigerator, makakagawa na sila ng sarili nilang yelo at magkakaroon ng malamig na tubig na pamatid-uhaw kahit kailan nila gusto. Makakapag-imbak sila ng gulay at karne at magkakaroon ng sariwang pagkain sa lahat ng oras. Hindi na sila mag-iimbak ng pagkain sa palayok para mawala lang ang lasa ng baka o baboy na tulad ng kaso ngayon…

Ang mga bagay na ito ang mga pangarap at usapan ng buong nayon…
Hindi nagtagal at lahat ng iyon ay naging katotohanan at ang buong nayon ay nagliwanag…

Hindi natutuwa si Fak tungkol sa pagkakakabit ng koryente at wala siyang nadaramang inggit o panibugho sa iba. Lahat ng mga oras na gising siya’y nauubos sa bote ng alak at ngayong wala na siyang responsibilidad ng pagtatrabaho, ganap nang malaya ang lahat ng araw niya. Hindi … Hindi ginamit ni Fak ang mga libreng oras niya sa paghuhukay o pagtulong sa pagtitindig ng mga poste ng ilaw gaya ding hindi niya ginamit ang mga libreng oras niya para magpunta sa kabayanan at tumingin ng mga de-koryenteng gamit na tulad ng ginagawa ng iba.

At hindi siya nakadama ng bugso ng tuwa at nagtatakbo para mag-usyoso nang makita niya ang mga taong may dalang bentilador, rice cooker, o iba pang de-koryenteng gamit mula sa mini-bus ni Ai Kleeio na kararating lang mula sa kabayanan. Karamihan sa mga de-koryenteng gamit ay aalisin sa kahon at ididispley sa tindahan ni Pa Chua at maiipon ang pulutong ng mga tao para mag-usyoso, at alam ng lahat kung sino ang bumili ng ano. Paminsan-minsan, ang delivery van ng tindahan ng mga de-koryenteng gamit mula sa bayan ay maghahatid ng mga refrigerator at telebisyon, o kaya’y darating ang tauhang magkakabit ng antena ng t.v. Ito’y lagi ng tumatawag ng malaking interes at magkukulumpon ang mga tao para mag-usyoso. Sa bawat pagkakataon na idineliber ang isang gamit sa bahay ng isang tao, isang prusisyon ng mga tao ang susunod sa sasakyan at manonood sa ginagawa. Kung set ng telebisyon, mananatili roon ang mga tao hanggang sa lumitaw ang palabas sa screen. “Hindi kasinglinaw ang palabas sa telebisyon sa bahay ng prinsipal, pero mas maganda ang set kaysa sa bahay ng Kamnan,” kanya-kanya silang sabi ng opinyon depende sa sarili nilang palagay.

Hindi interesado si Fak alinman dito at hindi kailanman nakisali sa prusisyon ng mga tagasunod. Nasisiyahan na lang siya na hindi na siya gaanong pinapansin ng mga tao na gaya ng dati. Ginagamit pa rin niya ang kanyang maliit na ilawang-langis para ilawan ang kanyang bahay at nanatiling kuntento sa kanyang lumang lutuan ng kanin at bumabagsak nang kalan, at ang hanging umiihip sa loob ng kubo niya ay sapat na para siya mapreskuhan. Natitighaw pa rin ang kanyang pagkauhaw ng tubig-ulan na inimbak niya sa bariles sa tabi ng kanayng dampa at maligaya na siyang manatili sa ganitong pamumuhay. Napakatamad niya para matuwa at hindi niya maintindihan kung ano ang nakakatuwa. Walang bagay sa buhay niya na karapat-dapat pagtindigan ng pag-asa at ang tanging bagay na naghahatid sa kanya ng tuwa ay ang pagpunta sa paradahan upang bumili ng alak…

Hindi na nag-aabala si Fak na alagaan ang kanyang sarili. Hinayaan na niyang dumumi ang kanyang katawan at hindi na tumitingin pa sa salamin para alamin ang kanyang hitsura. Nag-umpisa siyang mangamoy at nagpatuloy ang pagsama ng hitsura niya sa bawat araw na magdaan. Hindi niya namamalayan ang mga pagbabagong nagaganap sa kanya at hindi niya napapansin ang manilaw-nilaw na mantsang lumilitaw sa katawan niya o ang paninilaw ng puti ng kanyang mata.

Ang tanging alam niya ay ang pangyayari na pag hindi siya nakainom agad pagkagising niya, hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang maghapon. Kahit tangkain niyang angatin ang tabo ng tubig para hilamusan ang kanyang mukha, talagang ni wala siyang lakas para gawin iyon. Manginginig ang kanyang kamay at makakadama siya ng pagkainis. Napakalaking abala niyon para sa kanya at hindi niya magawang iangat ang kahit ano maliban sa bote ng alak, at tuwing tutungga siya mula sa bote, nadarama niyang bumabalik ang kanyang lakas.

Alam niyang sumasakit ang kanyang gilagid tuwing ngunguya siya ng pagkain, at napansin niayng nag-uumpisang mamanas ang kanyang mga paa, pero ikatuwiran niya na ito’y bunga ng labis paglakad niya at iyon naman ay gagaling din.

Kapuri-puri ang asal ni Mai Somsong. Ang buhay niya sa piling ni Fak ay simple lang at hindi palahingi. Nagpatuloy siyang mabuhay sa dating istilo niya at kuntento na ang kayamanang iniipon niya sa kubo ay nadagdagan na at ptuloy na nadaragdagan sa bawat araw.

Mga basag na pinggan, mga bunging tasa, may lamat na baso, bao ng niyog, bulaklak na papel, basyong lata, at iba pa. Itinatabing lahat iyon ni Fak sa kubo nang walang pag-aalala na itatapon iyon ni Fak gaya na dati. Hindi lamang nadagdagan ang kanyang kayamanan, kundi nadagdagan pa ang panahon niya para maupo at hangaan ang mga iyon. Araw at gabi ay mauupo siya roon at masusing eeksaminin ang mga ito mula sa paningin ng isang eksperto, sa paraan na sinusuri ng isang propesyunal na kolektor ang halaga ng isang bagay sa kanyang koleksiyon.

Kapag nangyayari na masyadong natatamad si Fak para intindihin ang pagkain niya, siya mismo ang pupunta at kukuha niyon sa mga batang templo. Minsa’y aalis siyang maraming dala, minsa’y kaunti lang, depende sa kung ano ang ibigay sa kanya ng mga katulong para siya mabuhay. Ang mga gabi niya’y hindi na balisa na tulad noong mga araw na hindi siya puwedeng mahiga sa tabi ni Fak at yakapin ito sa kalaliman ng gabi.

Kahit pa kailanma’y hindi ibinili ni Fak ng bagong damit si Nang, hindi iyon problema para sa babae. Maaari pa naman niyang isuot ang kanyang mga lumang damit, sa kabila ng pangyayaring marurumi at punit na ang mga iyon at naglalantad sa isang pirasong hita dito at doon. Walang pumapansin sa kanya. Naliligo pa rin siya araw-araw, nagsusuklay ng kanyang buhok at humuhuni ng kanyang awit pagsayad ng gabi…

Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasa magkalayong daigdig.

Para kay Mai Somsong, oras na nakakain na siya ng almusal ay lalabas na siya upang maghanap ng kayamanan, minsa’y umaalis siya ng bahay bago pa man magising si Fak. Hahanapin niya ang kanyang kayamanan sa lahat ng sulok na pagdalhan sa kanya ng kanyang mga paa. Minsa’y titindig siya roon at tititig sa mga poste ng komunikasyon na kasalukuyang itinatayo at mangunguha ng mga piraso ng kawad ng koryente at kapag nakalikom na siya ng sapat na dami ng piraso ay babalik na siya sa bahay. Walang pumapansin sa kanya habang pagala-gala siya sa maghapon. Kapag napagod na siya sa kalalakad, magpapahinga siya sa entablado ng maliit na opentheater. Kapag nagutom siya, lalabas na siya uli.

Sa gabi, hihintayin niyang makatulog si Fak sa kalasingan. Sa mga huling sandali bago ito maidlip, maririnig niya itong bumubulung-bulong, “Umalis ka dito … layas… kinasusuklaman kita… magpapa-ordina ako. Ibig kong magpa-ordina... Ikaw ang dahilan kaya… sige… umalis ka rito.” Ganoon lagi gabi-gabi. May mga gabing maririnig din ang musika ng chanting. Oras na makatulog na ang lalaki, ikakabit na ni Nang ang kulambo at gagapang sa loob upang matulog sa tabi ni Fak. Pagdating ng umaga, mabilis siyang lalabas bago ito magising…

Malamang ay hindi naiintindihan ang ibg sabihin ni Fak pag sinasabi nito, “Umalis ka… ikaw… umalis ka dito…” Patuloy na nanatili doon si Nang at walang ipinakikitang intensiyon na umalis. O marahil ay iniisip ni Nang na nagsasalita lang ng ganoon si Fak dahil lasing ito kaya hindi niya pinapansin ang pang-aabuso ng lalaki. O maaari din namang dahil wala siyang ideya kung saan siya pupunta. Ang buhya ni Nang ay nakatagpo na ng puwang sa nayong ito at sa ayos ay tila dito siya nakatalagang manatili. Sino ang makagsasabi…

Hindi pumatak ang ulan saloob ng maraming araw, samakatuwid ay tapos na ang panahon ng tag-ulan. Ang pagkawala ng ulan ay proseso ng kalikasan na hindi mapipigil ninuman o maiiwasang mangyari. Dumaan ito nang matahimik at halos hindi napapansin.

Lahat ng bagong kuti sa templo ay kumpleto na ngayon at ang natitira na alng ay maliliit na trarbahong magagawa ng mga trabahador. Mga isa-dalawang araw na lang para sila matapos nang husto. Ang komite ngmga sibilyan ay nagdaos ng pulong para itakda ang araw ng pag-aalay ng mga robang Kathin at disidido sila na maging araw din iyon ng paggunita sa pagkayari ng mga bagong kuti…

Anim na araw pagkaraang matapos ang Pansah, dumating ang grupo ng Kathin sakay ng tren mula sa Bangkok. Napuno ang paligid ng templo sa nangakaparadang sasakyan at pulu-pulutong na mga kabataan mula sa Bangkok ang malayang gumala sa lugar. Nakisali sa pulutong ang mga tao sa nayon at nagdagdag ng kisaw at kaabalahan, at nakisali sa merit making ceremony sa pagtatanghal ng Kathin. Madaling makilala ang mga taong lokal at mga bisita mula sa siyudad.

Nakisali ang lahat at tumulong nang husto sa isa’t isa. Pagkaraang makumpleto ang pang-relihiyong pormalidad at mabilang na ng komite ang mga alay na salapi, isang kinatawan mula sa bangko sa kabayanan ang dumating para kunin ang pera at ligtas na ideposito sa bangko. Bago gumabi ay nag-umpisa nang mag-uwian ang grupo mula sa Bangkok. Ilan sa kanila’y medyo lasing na at nag-umpisang tumugtog ng mahahabang tambol at cymbal na nauwi sa kantahan at sayawan na nagpasigla sa bawat isa. Natanggap na nila ang kanilang merito, nagliliwanag ang kanilang mga mukha at maaari na silang magsiuwi nang buong kasiyahan.

Nang gabing iyon ay isang pelikula ang ipinalabas sa templo. Ito’y bilang pagdiriwang sa pagkayari ng mga batong kuti at sa presentasyon ng Kathin at, gayundin, para bigyan ang mga taganayon ng pagkakataong makapagpahinga ng maghapong paggawa. Pero ang mga tao’y hindi na kasinsabik na gaya noong mga nakaraan. Sabi ng ilan sa kanila:
“Mas masarap pang mahiga sa bahay at manood ng telebisyon.”

Nag-enjoy nang husto si Fak nang araw na iyon. Gumala siya sa nasasakupan ng templo at malayang nakisalamuha sa lahat. Manaka-naka’y nagpupukol siya ng tingin sa mga kabataang lalaki na nakaupo sa bus at tumutugtog sa mahahabang tambol hanggang sa lumapit na nga siya sa mga ito para makipag-inuman. Nang maging kasinlasing na siya ng mga ito, inimbita siya ng mga itong sumayaw. Bagama’t hindi siya dating sumasayaw, sumayaw siya sa tiyempo ng mahabang tambol. Umawit siya at sumayaw nang buong maghapon, wala kahit kaunting pakialam na pinagtitinginan siya ng iba, o kahit katawa-tawa na ang itsura niya.

Ginugol ni Mai Somsong ang maghapon sa paggala nang walang direksiyon sa lahat ng lugar. Suot niya ang paborito niyang blusa na pulang bulaklakin, na ang kulay ay kupas na ngayon, at hindi pa sapat iyon, may mga punit na sa bandang likod. Walang ganap na makapagsaasbi kung gaano siya kaligaya, pero naglagay siya ng pulang bulaklak ng gumamela sa likod ng kaliwang tainga niya. Gumala siya’t nakisalamuha sa mga babae sa nayon at nang dumating ang oras ng paghahanda ng tanghalian, gumala siya sa kusina at nanood sa preparasyon ng pagkain. Napahiya ang mga babae sa nayon sa pagtanghod niya at tinangka ng mga ito na siya’y ipagtabuyan, pero sabi ng mga kabataang babaing taga-Bangkok ay dapat talaga silang humanap ng pagkaing maibibigay sa kanya. Awang-awa ang mga ito sa kanya kaya walang naglakas-loob na tumanggi. Naglunoy si Mai Somsong sa atensiyong inuukol sa kanya ng mga kabataang babae at punung-puno ng interes na pinanood niya nang kunin ng mga babae ang kanilang tubo ng lipistik at pintahan ang kanilang mga labi pagkatapos kumain. Nainteres siyang mabuti sa matingkad na pulang kulay ng lipistik, at itinuro niya iyon at sabi niya, “Bigyan mo ako ng isa.” Sa harap ng gimbal na mga mata ng mga babaing taga-nayon, na lubhang napahiya sa inasal ni Mai Somsong, isang kabataang babaing taga-Bangkok ang nag-abot kay Nang ng tubo ng lipistik.

“Ay, huwag mong ibigay sa kanya. Medyo luka-luka iyan.”

“Di bale. Marami naman ako.” Ang kabataang babae, na ang labi’y napipintahan ng pula, ay ngumiti sa kanila ng matamis.

Sinambot ni Mai Somsong ang tubo ng lipistik at nagmamadaling umuwi sa bahay bago iyon bawiin ng taong nagbigay sa kanya. Nang makauwi, namalagi na sa bahay si Nang at ayaw nang lumabas uli.

Nnag gabing iyon, sinuman kina Fak o Mai Somsong ay hindi na nanood na palabas. Si Fak ay natatakot lumabas sa dilim at si Mai Somsong ay natatakot pa rin na kailanganin niyang isauli ang lipistik, kaya hindi nangahas na lumabas…

Ang mga bagong kuti, na nakahilera sa magkabilang gilid ng lupa ng templo, ay napakaganda. Itinayo sila sa tradisyunal na istilong Thai at dalawang palapag ang itaas. Sa gitna ay an kogedor at ang itaas ay ang bulwagang dasalan. Paglatag ng dilim, ang templo ay naiilawan ng de-koryenteng liwanag.

Regular na naglilitawan ang mga antena ng telebisyon sa bubong ng mga bahay ng mga taong may kauting pera. Para sa mga taong nangangarap pa lang ng telebisyon, kailangan nilang pumunta at makipanood sa bahay ng kanilang kapitbahay o kaibigan…

Ang modernisasyon na dumating sa nayon, hindi nagtagal ay naging ordinaryong bagay na lang dahil kinasanayan na iyon ng mga tao at ang tuwang naghari noong unang ikinabit ang koryente ay namatay na.

Gusto ng ilan sa kanila’y itaboy nang tuluyan si Fak sa nayon dahil wala namang pakinabang ang sinuman sa pagiging narito nito, liban sa nagagamit nila ito bilang masamang halimbawa kapag tinuturuan nila ang mga bata. Ang tanging bagay na pumipigil sa kanila’y si Luang Pho na tumatangging ipagtabuyan si Fak, dahil doon ito nanirahan sa lupa ng templo.

Kasabay ng pagkakaroon ng interes kay Fak, tumitingkad ang pagiging abnormal ng kundisyon ng lalaki. Lalo pang nanilaw ang kanyang balat na para bang pinulbusan niya niya ang sarili ng tumeric, at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinubuan ng mga pasa at namumula-namemerdeng mga marka. Ang sakong niya ay lubhang namaga na para bang namemeligro na iyong pumutok, at bagama’t ang katawan niya’y patpatin at tuyo, malaki’t namamaga ang kanyang tiyan, ang nagbibigay sa kanya ng itsura ng isang buntis na babae. Nag-aalsahan ang mga ugat sa kanyang tiyan, at, hindi pa yata sapat iyon, lumaylay at lumaki ang kanyang mga suso na tulad sa isang nagdadalaga. Kinukutya siya ng ilang tao sa pamamagitan ng pagsasabing, “Lumalaki ang suso ni Ai Fak at siya ay buntis. Hindi magtatagal at manganganak na iyan.” Sabi pa ng iba’y nabuntis siya ni Ee Somsong. Sabi naman ng iba’y napalitan ang kanyang katawan ng katawan ng isang babae dahil inasawa niya ang asawa ng kanyang ama.

“Karma. Nakakarma siya sa harap mismo ng ating mga mata.”

Sa nagdaang panahon si Fak ay ginagamit bilang magandang halimbawa ng isang mabuting kabataan sa nayon, pangangaraln ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagsasabing, “Bakit hindi kayo tumulad kay Fak?”

At ngayon, si Fak ay minsan pang ginagamit na halimbawa upang ipakita na hindi na kailangang maghintay pa muna ng kamatayan para tanggapin ang resulta ng masasamang gawa o para mahulog sa impiyerno. Tumatanggap na siya ng kaparusahan ngayon, dito sa buhay na ito.

“Gawin n’yong halimbawa si Ai Fak.”
Hindi ganap na tamang sabihin na si Fak ay lubos na walang silbi sa nayon, dahil, manaka-naka kapag nagloloko ang mga bata o ayaw magpakatino, tatakutin sila ng kanilang mga ina sa pamamagitan ng pagsasabing,

“Pag hindi ka huminto sa kaiiyak, darating si Ai Fak para kunin at isama sa kanya.”

Pag narinig na nila ito, hihinto na agad sa pag-iyak ang mga bata at uupo roon nang walang kilos sa matinding takot.

Ilan sa mga batang lalaki na nakakakita ng kasiyahan sa panunudyo at kapilyuhan ang nagsasamantala nang husto sa hitsura ni Fak para magkatuwaan sila. Tutuksuhin nila at tutudyuin si Fak hanggang sa habulin sila nito at sikaping hulihin. Pero walang paraan para mahuli ng mataba at tamad na katawan ni Fak ang mga bata. Pag nanunudyo, ang isinigaw nila,

“Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!”

“Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!” magpapalakpakan ang iba pang mga bata sa paligid at didilaan si Fak at ngingiwian pag dumaan ito sa tapat nila. Oras na nagalit na si Fak at hinabol na sila, magtatakbuhan na ang mga ito at kakalimutan na ang kanilang mga kaibigan. Bahala na ang isa’t isa sa sarili nilang kaligtasan.

Tinangka ni Lung Khai na patigilin siya sa pag-inom, pero huli na. Hindi titigil si Fak at ni hindi niya iniisip ang posibilidad ng pagtigil. Pinayuhan siya ni Lung Khai na pumunta sa kabayanan at magpatingin doktor, pero ganito lag ang isinasagot ni Fak,

“Ayos lang ako. Wala akong sakit.”

At ayon sa pagkaunawa ni Fak sa salitang “Ayos,” ayos si Fak at magpapatuloy na ganoon, kahit papalapit na ang panahon ng taglamig.

Ang totoo, sa ganang mga taganayon, hindi talaga istorbo ang panahon ng taglamig, dahil ang panahon ay hindi singlamig ng ibig ipakahulugan niyon. Lumalamig lang nang kaunti ang panahon at nagiging mas maginhawa.
Aralin 3: Teoryang Naturalismo
TIGRE! TIGRE!
Ni Mochar Lubis
Salin ni Mauro R. Avena
Ang buong pulo ay nalalatagan ng gubat, mula sa mabuhanging dalampasigan, kung saan ang tubig na nabubuong mga alon sa malyong Antartika ay humahampas pagkaraan ng mahabang paglalakbay, hanggang sa mga taluktok ng bundok na laging nakukumutan ng ulap. Pabagu-bago ang mukha ng gubat. Sa may dalampasigan, isang latianna hitik sa bakawan ay bumubuo ng salasalabat na hadlang. Papasok sa pulo at pataas sa lupa, ang mga puno’t halamanan ay patuloy sa pag-iiba-iba, at pag-abot sa dakong loob, ang mga iyo’y naglalakihan at nagtataasan, ang kanilang mga sanga’y nauukitan ng parang lambat na disenyo ng lumot.

Hindi pa natatagos ng tao ang kabuuan ng sinaunang gubat, na ang loob ay napakayaman sa buhay. Dito’y di mabilang ang namumugad na mga ligaw na nilalang. Naglipana rin ang maririlag na halaman at nagtatayugang punungkahoy na nakokoronahan ng mga eksotikang orkidya.

Sa bubong ng gubat, kayraming ibon at ibang ibang tsonggo ang malayang namumuhay, samantalang sa ibaba, sa lupa, walang-puknat ang maingat na paghahanap ng makakain ang mga itim na leopardo, elepante, at osong tropikal. Ang mga pampang ng ilog at katabing damuhan ay teritoryo ng mga tapir, rinoseros, ahas, buwaya, at usa. Nagkalat ang mga insekto.

Maraming parte ng gubat ang nakakatakot. Ang mga ito’y puno ng latian na pinag-aabangan ng nakakamatay na mga panganib, at mga lubak at guwang na danta-dantaon nang naiwang basa at madilim. Mayroon ding magaganda at kaakit-akit na lugar na walang pinag-i a sa mga engkantadong gubat ng mga kuwento. Ang hawan na mga bahaging ito ng sinaunang gubat, na mayamang naaalpombrahan ng berdeng damo, ay payapa at nakakapagbigay-ginhawa. Kadalasa’y napapalibutan ang mga ito ng mayuyuming puno ng cemera, na pumupuno sa hangin ng masansang na a moy ng kanilang dagta. Sa gitna ng maririkit na lambak na ito, di maaaring di magkaroon ng mga sapa ng malamig at mala-kristal na tubig, pabula-bula at patila-tilamsik, paawit-awit, at pabulung-bulong. Walng di naakit na huminto at magpahinga roon.

Sa loob ng gubat ay makakatagpo ng ratan, damar – isang dagta na ginagamit sa paggawa ng batik – at maraming uri ng mahalagang kahoy. May mga taong noo’y tumira roon, pero nilisan nila iyon noong sila’y magtayo ng mga lunsod at nayon kung saan. Ngayo’y paminsan-minsan na lang silang bumabalik doon, para humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng paghahakot sa mga produkto ng gubat.

Pito sa mga lalaking tulad nila ay isang linggo nanag nasa gubat sa pangangalap ng damar. Si Pak Haji ang pinakamatanda. Gayong sisenta anyos na, siya ay nananatiling malusog at malakas. Matalas pa rin ang kanyang mga mata at tainga. Ang pag-ahon at paglusong sa bundok, pasan ang mabibigat na kaing damar o ratan, pasinghap sa nakakapagpasiglang hangin, ay nagpatibay nang husto sa kanyang katawan. Ipinagmamalaki ni Pak Haji na di niya nararanasan ang mga karamdamang dala ng pagtanda, at sa tanang buhay niya’y di pa siya naratay sa banig.

Disinuebe anyos siya nang una niyang iwan ang kanyang nayon at magpasaibang-bayan. Nagpaunta siya sa Japan, China, Africa, at India, kung saan niya pinag-aralan ang Koran. Limang taon siyang nagtrabaho sa barko, palakbay sa malalaoyng daungan ng mga puti at ng kanilang maiingay at groteskonh siyudad.

Pero tinawag siyang muli na kanyang nayon. Kaya’t pagkaraan ng dalawampung taong paglalagalag, isang huling biyahe ang kanyang isinagawa – ang pilgrimahe sa Mecca upang tupdin ang kanyang obligasyong panrelihiyon. Sa ka siya umuwi. Ipinagpatuloy niya ang pangangalap ng damar, isang gawaing inumpisahan niya nang siya’y trese anyos, at unang sinamahan ng kanyang ama sa gubat. Matapos niyang matutuhan ang napakaraming bagay sa mundo, lagi niyang sinsabi sa kuntento na siya ngayong maging isang hamak na tagakalap ng damar.

Si Wak Katok ay singkuwenta anyos. May malakas at matipuno siyang pangangatawan. Maitim pa ang kanyang buhok, ang kanyang bigote ay mahaba at makapal, at ang kanyang mga braso’t binti ay namumutok sa buhul-buhol na masel. Ang kanyang mukha ay dinodomina ng buo’t makakapal na labi at makislap at nananagos sa tinging mga mata. Siya’y eksperto sa pencak. Maraming taong naituro niya sa kalalakihan sa nayon ang tradisyunal na paraang ito ng pagtatanggol sa sarili. Si Wak Katok ay iginagalang din bilang mahusay na mangangaso at shaman, o manggagamot.

Ang mga batang miyembro ng grupo ay sina Sutan, na beynte-dos anyos lang pero mayroon nang sariling pamilya; Talib, na beynte-siyete anyos at may asawa at tatlong anak; Sanip, na beynte-singko anyos, may asawa at apat na anak; at Buyung, ang pinakabata, na katutuntong lang sa pagka-disinuebe at walang asawa.

Ang apat na lalaking ito ay naging estudyante ni Wak Katok sa pencak. Nag-aral din sila ng mahika sa kanya. Alam nilang darating ang araw na magiging pinuno ng kanilang nayon si Wak Katok, isang lalaking itinuturing na lider na marami, at karapat-dapat na igalang at parangalan. Kailanma’y di nila pinagdudahan ang kanyang salita o gawa. Lumalabas na si Wak Katok ang puno ng mga mangunguha ng damar.

Ang ikapitong miyembro ng grupo ay si Pak Balam, na tulad ni Wak Katok ay singkuwenta anyos. Siya’y di palasalita, maliit ang katawan pero gayunma’y masipag magtrabaho. Sa sinasabing pag-aalsa ng mga Komunista noong 1926, siya’y nadakip ng mga Dutch at apat na taong ikinulong sa Tanah Merah. Ang bata at buntis niyang asawa, na sumunod sa kanya sa preso, ay dinapuan doon ng malarya at nakunan. Dahil dito’y hindi na ito muling nakapagdalantao. Naging sakitin ito mula noon, at ang pera ni Pak Balam ay naubos sa mga gamot nito.

Magkakasamang lagi ang pitong lalaki sa pangunguha ng damar gayong wala silang pormal na sosyohan at bawat isa’y may layang magbenta ng kanyang makalap. Pero dahil pito sila sa grupo, ang pakiramdam nila’y mas ligtas ang kanilang lagay at mas kaya nila ang kanilang gawain.

Sa mata ng kanilang kanayon, sila’y mabubuting tao. Si Wak Katok ay iginagalang sa kanyang galing sa pencak at pagiging mangangaso. Nang siya’y bata pa, napabalita sa nayon ang paggamit niya ng pencak laban saisang osong humarang sa kanyang daan sa gubat. Pero bilang shaman, siya’y kinatatakutan. Pabulong lang mabanggit ng mga tao ang tungkol sa kanyang pagiging salamangkero. May usap-usapan na nagagawa niyang makipag-ugnayan sa mga multo at masasamang espiritu.

Hinangaan ng mga taganayon si pak Balam. Itinuturing nila itong isang bayani dahil sa paglaban sa mga Dutch. Alam nila na hindi ito Komunista. Napakarelihiyoso nito – malayong maging isang Komunista na di naniniwala sa Diyos o sa relihiyon. Lumaban maging sa mga kolonyalista si Pak Balam at ang kanyang mga kaibigan dahil sa pang-aapi ng mga iyon sa taumbayan, na walang-tigil na pinapatawan ng mga bagong buwis at ninanakawan ng kalayaan at sariling dangal.

Si Pak Haji ay nirerespeto dahil sa kanyang edad at dahil nakapaglakbay na siya sa Mecca. Gayunman, hindi siya maintindihan ng mga tao. Mula nang bumalik siya sa kanyang pangingibang-bayan, naging parang dayuhan na rin siya. Iniwasan niyang makasal, gayong binubuyo siyang mag-asawa ng kanyang pamilya. Ayaw rin niyang maging pinuno ng nayon. Sa umpisa, pinaratangan siyang mapagmalaki ng mga tao, pero di nagtagal, nasanay na ang mga ito sa kakaiba niyang gawi at di na siya pinagtakhan. Mukhang kuntento na si Pak Haji na balewalain ng iba.

Sina Suta, Buyung, Talib at Sanip ay itinuturing na disente at maipagkakapuring mga kabataan, tulad ng karamihan sa mga taganayon. Iginagalang sila ng kanilang kapwa, tapat sila sa kanilang pagdarasal at pagsamba sa moske, at tulad ninuman ay nakikipaghuntahan sa kanilang mga kaibigan sa mga kapihan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bagong bahay o sa pagpapahusay ng mga daan o patubig. Nakikipagbiruan sila. Mabubuti silang ama, kapatid, at kaibigan. Tumatawa sila, umiiyak, nangangarap, umaasa, nagagalit, nabibigatan ng loob, at nalulungkot tulad ng iba sa nayon. Wala silang iniwan sa ibang tao. Silang karaniwang kabataan.

Ngayo’y nasa loob sila ng gubat.Dala ni Wak Katok ang kanyang riple. Bihira niya itong dalhin kapag nangunguha ng damar. Ginagamit lang niya ito kapag nangangaso, na balak niyang gawin ngayon.

Dalawang buwan na ang nakakaraan, nakakita sila ng ilang usa na pumasok sa huma, o kaingin, si Pak Hitam, hanap ay pagkain. Naghawan ng lupa sa gitna ng gubat si Pak Hitam na pinagtayuan niya ng bahay. Doon nagpapalipas ng gabi ang pitong lalaki kung malapit doon ang pinagkukunan nila ng damar.

Luma na ang riple, pero mahusay itong armas. Gustung-gusto iyon ni Buyung. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki kapag nakapatong iyon sa kanyang balikat, pahalinhin kay Wak Katok. Ang riple ay tsapa ng isang lalaki. Ang isang munting punyal, o kaya’y kris, o maigsing espada na nakasukbit sa baywang ay palamuti lamang sa kasuutan ng isang lalaki, pero ang baril sa kanyang balikat ay simbolo ng kontrol na katumbas ay kapangyarihan.

Nasisiyahan si Wak Katok na ipahiram kay Buyung ang riple, na inaalagaan nitong mabuti. Tuwing isasauli iyon ni Buyung, iyo’y nalangisan na at nasa mas mahusay na kondisyon kaysa pagkapahiram. Panay ang pahid ng Buyung sa kanyon niyong may masalimuot na disenyo, kaya’t ang bakal niyon ay kumikinang nang madilim na asul kapag tinatamaan ng liwanag. Ang kamagong niyong puluhan ay nangingintab na itim, madalas na parang pelus. Hindi iyon kakikitaan ng katiting mang alikabok o pulbura.

Nag-iipon si Buyung para makabili ng sarili niyang baril, iyong mas makabago. Ang lumang riple na binabalaan sa bunganga, tulad ng kay Wak Katok, ay mabusising ipanghanting. Una, kailangang ibuhos ang pulbura ng kanyon, saka papiping salaksakin ng barilya. Tapos, ang bala ay kailngang ipasok sa kanyon at pataktak na pababain. Habang ginagawa ang lahat ng ito, ang usa o baboy-damo ay maaaring maktakbo na at mawala. Sa baril na sa bunganga binabalahan, kailnagang asintado ang gumagamit – dapat tumama ang unang kalabit. Walang pangalawang tsansa ang mangangaso.

May dahilang magmalaki si Buyung sa galing niya sa baril. Minsan, ang inasinta niya ay ang pinakalikod ng tainga ng isang tumatakbong baboy, at doon mismo tumama ang bala. Sa isa pang okasyon, siya at si Wak Katok – kasama ang ilang lalaki sa nayon – ay nanghahanting ng isang kawan ng mababangis na baboy-damo, at sa kaliwang mata ng isang naninibasib sa kanya sumuntok ang kanyang bala. Ipinakita ni Wak Katok ang kanyang kababaang-loob nang sabihin hindi niya madadaig ang pamamaril ni Buyung. Galing kay Wak Katok, iyo’y tunay na malaking papuri, kaya’t kumalat ang reputasyon ni Buyung bilang asintado, bagay na nagbigay sa batang mangangaso ng parang opisyal na katayuan sa nayon. Ang dahila’y ang naunang pahayag ng mga taganayon mismo na walang makakapantay kay Wak Katok sa galing sa pamamaril, pangangaso, pagbasa at pang-unawa sa lahat ng uri ng bakas at yapak, at sa pangkalahatang kaalaman sa mga ugali at gawi ng mga nilalang sa gubat.

Bata pa si Buyung ay marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa katapangan at galing ni Wak Katok. Ayon sa mga istorya, kapag ginusto ni Wak Katok na gamitin ang kanyang mga paraan sa pagtatanggol sa sarili, mapapatay niya ang kanyang kalaban na di lumalapat ang alinmang bahagi ng kanyang katawan sa biktima. Sapat nang igalaw niya ang kanyang kamay o paa sa direksiyon ng kaaway upang iyon ay bumagsak sa kinatatayuan.

Kalat na sa ibang nayon ang reputasyon ni Wak Katok bilang shaman. Magaling siyang gumamot ng mga karaniwang pasyente, pero natutulungan din niya ang mga nabibiktima ng kulam. Alam niya kung paano pahirapan ang isang tao, paibigin, takutin, igalang, o pasunurin sa utos ng iba. May mga inumin siyang pampaibig para sa lalaki at babae. Ayon sa istorya, isang binatang nahumaling sa isang babaeng may-asawa ang nakiusap kay wak Katok na gamitan iyon ng mahika-negra para mapaibig din iyon. Nagpakuha raw dito si Wak Katok ng isang hibla ng buhok ng babae, at di nga nagtagal, humingi iyon ng diborsiyo sa esposo, na iniwan niyon pati na ang kanilang mga anak.

Si Wak Katok ay may mga lihim na bulong at dasal, o mantra, para sa maluwalhating biyahe. Mayroon din siyang mga anting-anting na panlaban sa anumang sandata o sa kamandag ng ahas. Ayon sa mga tao’y nagagawa rin niyang magtagabulag – gayon kabigat ang kanyang kapangyarihan.

Tinatrato ni Buyung na mapalad siya’t naging pupilo ni Wak katok at napabilang sa mga kasamahan nito sa gubat.

Malaki ang pag-asa ni Buyung at ng kanyang mga kaibigan na tuturuan sila ni Wak Katok ng mga mas kagila-gilalas na aspekto ng salamangka. Ang gusto talaga ni Buyung ay matutuhang mabuti ang mantra na pang-akit sa babae. Masama ang tama niya kay Zaitun, ang anak na dalaga ni Wak Hamdani. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama, at sina Zaitun at Buyung ay magkalaro noong sila’y bata pa. Natatandaan ni Buyung ang maraming pagkakataong walang humpay niyang tutuksuin si Zaitun hanggang ito’y maiyak. Nang magdose anyos na si Zaitun, iniwasan na siya nito, at bihira na silang magkita. Nagdalaga na ito, at siya nama’y nagbinata, at di na sila maaaring magtagpo tulad ng dati.

Hindi masabi ng Buyung kung ano talaga ang damdamin sa kanya ni Zaitun. Minsa’y magiliw ito. Kung ito’y nauutusang sumaglit sa kanila, may dalang pagkaing niluto ng ina nito, maganda ang ipinapakita nito kung siya’y madatnan sa bahay. Maaliwalas ang mukha na nginingitian siya nito at tatawaging kakak, o kuya, gayong isang taon lang ang tanda niya rito. Kapag ganoon ang pakita ni Zaitun, napapalukso ang puso ni Buyung, di mapakali sa kinatatayuan. Pero minsan nama’y darating ito sa bahay at walang pabati-bating titingnan siya na parang di siya nakikita. Kapag nilalapitan niya ito habang kinakausap ang kanyang ina, di siya papansinin nito. Paano niya mahuhuli ang puso ng isang sumpunging babaeng tulad ni Zaitun kung wala ang mga mantra ni Wak Katok?

Pero ayaw pang ipaalam ni Wak Katok kay Buyung ang ganoong kabisang karunungan. “Bata ka pa,” sabi nito. “at mainit pang masyado ang dugo mo. Baka maloko ka sa lahat ng babae ng nayon. Ang birtud na ito ay para mapangalagaan ang amor propyo ng isang lalaki – kung pagtawanan ka ng isang babae, o kung talagang gusto mo ang isang babae at ibig mo siyang mapangasawa. Pero uhugin ka pa. Baka gamitin mo ito sa ibang paraan, halimbawa’y panggayuma sa asawa ng may-asawa.”

Minsa’y parang nasisira na ang tuktok ni Buyung sa pag-iisip kung mapapaibig niya si Zaitun. Alaala niya ito bawat sandali. Hinahanap-hanap niya ito. Ang mukha nito ay laging nasa harap niya. Maya’t maya’y nakikita niya ito sa kanyang balintataw. Napakaganda nito.

Minsa’y lihim niya itong pinanood habang naliligo sa balon ng nayon kasama ang mga kaibigan nito. Ang mahaba nitong buhok na itim ay umalong pababa sa gitna ng likod nito. Balingkinitan ito, ang mga braso’t binti’y kaakit-akit. Ang balat nito’y maputlang dilaw ng bunga ng duku, at ang mga ngipi’y pantay-pantay at makinang na puti. Pula ang mga labi nito, gayong hindi ito ngumunguya ng nganga o tabako. May ganoong nakakainis na bisyo ang tiya ni Buyung, kaya’t laging may bakas ng katas ng tabako sa labi nito, sa unan nito, at sa mesa, sa kusina, sa hagdan, sa asala – sa lahat ng dako. Kapag nakikipag-away ito sa kanyang asawa, iyo’y dinuduraan nito ng nginunguya. Pakikiusapan ito ng kanyang tiyo na tingnan kung saan dumudura, pero para itong bingi. Kailanma’y hindi niya papayagang gawin iyon sa kanya ng magiging asawa niya.

Alam ni Buyung na masisiyahan ang kanyang mga magulang na maging manugang si Zaitun. Minsa’y alam niyang pinag-uusapan ng mga iyon ang bagay na ito gayong alam nilang nasa labas lang siya ng kuwarto. Naganap ito isang hapon nang pumunta sa kanila si Zaitun. Pagkaalis ni Zaitun, narinig niyang sabi ng kanyang ama, “Mabuti siyang bata. Mukhang maganda ang ugali.”

“Oo”, tugon ng kanyang ina. “Mahusay sa mga gawaing bahay. Marunong manahi, at paladasal. Maganda siyang bumasa ng berso mula sa abanal na libro. At nakatapos pa ng pag-aaral.”

“Binata na si Buyung – disin’webe – at magaling mgatrabaho,” sabi ng ama niya.

“Ewan ko lang,” sabi ng kanyang ina. Sa mata nito, may gatas pa sa labi ang anak.

Kay Buyung ay nasa tama na siyang gulang. Nakatapos na siya sa iskuwelahang publiko, at dalawang bese na niyang nabasa nang buo ang Koran. Kaya na niya ngayong maghanapbuhay.

“Ang totoo, maaareglo natin ang kanilang kasal,” narinig niyang mungkahi ng kanyang ama. “Sa tingin mo ba’y gusto siya ni Zaitun?”

“Lahat ng dalaga sa nayo’y gustong pakasalan si Buyung.”

Natawa ang ama niya. “Sa mata mo, wala nang gug’wapo pa sa iyong anak.”

Hinintay ni Buyung ang isasagot ng kanyang ina, pero nalipat sa ibang bagay ang usapan, at ang tanong tungkol sa gusto siya ni Zaitun ay naiwang bitin.

Alam ni Buyung na gusto siya ng ama ni Zaitun. Tuwing magkikita sila, tinatanong ni Buyung tungkol sa kanyang trabaho, sa pag-aaral ng Koran, at iba pa. Minsa’y hiningi nito ang payo ni Buyung tungkol sa pagsasanay ng aso niyang panghanting. Kilala sa tapang ang aso ni Buyung. Patahul-tahol lang ang ibang aso para palabasin ang isang baboy-damo sa pinagtataguan. Hindi ang aso ni Buyung – iyon ang madalas maunang sumalakay.

Walang nakikitang tunay sa sagabal si Buyung para pakasalan si Zaitun. Kung natitiyak lang niyang iniibig siya nito. Sigurado siya sa isang bagay. Kung hindi nito nararamdaman ang nararamdaman niya rito, hindi niya ito pakakasalan, kahit magkasundo ang kani-kaniyang mga magulang. Alam ni Buyung na kadalasa’y pinapakasalan ng isang babae o lalaki ang sinumang pinipili para sa kanya ng kanyang magulang, pero gusto niyang siya ang pumili ng kanyang magiging asawa, at piliin din siya nito.

Naiinggit si Buyung sa iba niyang mga kaibigan, tulad ni Sutan. Bukod sa mas magaling ito sa kanya sa pencak, simpatiko pa ito at mahusay dumiskarte sa mga babae. Sa negosyo’y di rin ito pahuhuli. Mayroon itong dalawang palayan, at nagbababa ito ng damar at ratan mula sa bundok para ibenta sa palengke, at paminsan-minsa’y naglalako rin ito ng karne ng kambing at baka.

Pero ang mga taong pinakakontento, naisip ni Buyung, ay yaong tulad ni Sanip. Tunay na masayahin si Sanip. Ganado itong magpatawa at magkuwento ng mga katuwa-tuwang istorya. Nagkakandabaluktot sa pagtawa ang nakakarinig ng di mabilang na kuwento niya tungkol sa mga opisyal ng

nayon. Kinaiinggitan ni Buyung ang pagkamasayahin ni Sanip, pero di niya maubos maisip kung paano ang isang tulad nito na may asawa na at apat na anak ay parang binata pang walang problema kung umasta. Di ba’t nagdaragdag sa maturidad ng isang tao ang maraming responsibilidad? Sabagay, mabuti na rin kung di iyon dinidibdib.

Halimbawa, kung hirap nilang pasukin ang gubat dahil sa lakas ng ulan na nagpapadulas sa daan at bumabasa sa kanila hanggang buto, sasabihin ni Sanip, “Wala, ‘yan. Pagkapawi ng ulap ay langit.” Kapag nagreklamo si Sutan sa bigat ng kanyang pasan, sasabihin ni Sanip, “Huwag ka nang umungol. Isipin mo ‘yong perang pagbebentahan mo n’yan.”

Ibibigay ni Buyung ang lahat makatingin lang ng ganoon sa buhay.

Minsan, nang sila’y nanghahanting, gamit ang riple ni Wak Katok na pinaputukan ni Buyung ang isang usa, pero dumaplis lang ang tama at ang hayop ay nakaalpas. Buong araw na naghanap ang mga lalaki, pero di nila nakita ang sugatang usa. Panay ang sisi ni Buyung sa sarili, pero tulad ng inaasahan, tinanong siya ni Sanip, “Ba’t mo poproblemahin ‘yon? Magkakaanak ang usang iyon – mas marami kang mahahanting pagdating ng araw.”

Lalong sumama ang loob ng batang mangangaso sa pang-aalo ni Sanip, at paangil itong sumagot, “Pa’no mo nalaman? Posibleng nahuli ‘yon ng tigre.”

“E ano? Di ‘yon ang katapusan ng lahat ng usa sa gubat. Ang mahalaga,” pakindat na dagdag nito, “ay humusay ka sa pagbaril.”

Natanto noon ni Buyung ang pagiging mapagbigay sa kanya ni Sanip at ng iba niyang mga kaibigan.
Laging may dangung-dangung, o parang alpa ng mga Hudyo, sa bulsa ni Sanip, at tinutugtog niya tuwina may pagkakataon. Maimbeto siyang musikero. Kung gusto niyang magpasaya, kakalabit lang siya ng masiglang himig. Nagagagawa niyang kalimutan ng mga lalaki ang kanilang pagkakimi, at saglit pa’y naroon na sila’t nakikisali sa sayawan at kantahan. Pero misan, ang maririnig sa kanyay ay awit na parang nagpapaiyak sa munting musikero. Kadalasa’y tinutugtog niya ang gayong nakakapaghimutok na mga balada kapagsila’y nakaupo sa paligid ng siga sa gitna ng gubat. Si Talib ang unang sumusuko sa pang-akit ng nakakataas-balahibong musika, at nag-uumpisang kumanta. Sa pagkakataong iyo’y ilalabas naman ni Buyung ang kanyang plawta at silang tatlo’y magsasabayan sa malulungkot na berso. Taas-baba ang mga nota ng dangung-dangung, sa saliw ng mapangulilang plawta, habang paawit na inuulit ni Talib ang mga daing at paghihirap ng isang lalaking naghahanap ng karinyo at pag-unawa.

Ang maskulado at mukhang mabagsik na si Wak Katok ay di magawang di mabagbag sa musika. Ang walang ekspresyon niyang mukha ay nagmimistulang mapangarapin, sa wari’y naglalakbay ang kanyang diwa. Si Pak Haji ay mauupo roong lunod sa sariling iniisip, pikit ang mata, ang sigarilyong gawa sa dahon ng palmera na nakaipit sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ay upos na lamang at limot na.

Paikot sa siga na nakaupo ang pito, ang bawat isa’y may kani-kaniyang mga alaala at pagnanasa, at sa paligid nila ay ang gubat, maitim at ga-higante.

Tahimik na lalaki si Talib, matangkad at payat at ibang-iba kay Sanip. Sa kanya, ang mundo -- at ang buhay sa kabuuan – ay madilim at nakakatakot. Lagi siyang binubuwisit ng asawa. Minsan, sabi kay Buyung ni Rancak, ang batang kapatid na babae ni Zaitun, narinig nito si Siti Hasanah, ang asawa ni Talib, na walang hupang pinagagalitan ni Talib, mula umaga hanggang hapon, pero ni minsa’y hindi iyon sumagot at nagsawalang-kibo na lamang.

Magkagayunman, mahusay na magkaibigan sina Talib at Sanip, at laging magkasama sa lakad. Kapag umulan habang sila’y magkakasama sa gubat at sila’y sumilong saisang kubol na gawa sa dahon ng saging, si Talib ang magsasabi, “Buong araw tatagal ang lintek na ulang ito!” Sa masayahing boses, babalikan siya ng ganito ni Sanip, “S’werte lang – makakapagpahinga tayo!” Matatawa ang lahat at mapaparelaks.

Minsan, nakakalap sila ng pambihira sa daming damar at hirap na hirap sa kanilang pasan. “Anong s’werte”, sabi ni Sanip, habang nagkakandakuba sa paglakad. “Doble ito sa kadalasan nating nahahakot.”

“Ha, kundi maanod pagtawid natin sa ilog!” masaklap na sukli ni Talib.

Hindi palasalita si Talib, pero madilim man ang tingin nito sa bagay-bagay, ito’y matapang. Minsan, nanghahanting ang isang taganayon ng baboy-damo. Napaligiran na ito ng mga aso. Kaya nilapitan niya ito para sibatin. Pero nakailag ang baboy paghagis niya ng sibat, at siya ang sinibasib., di alintana ang nagtatahulang aso. Hindi nagdalawang-isip si Talib. Hawak ang sariling sibat, sinaklolohan niya ang lalaki. Ilang sandali pa, ang nasibat na baboy ay nilalapa na ng mga aso.

Hanga rin si Buyung sa di-palakibong si Pak Haji. Katamtaman ang taas ng matanda, at gayong puti na lahat ng buhok nito, iyo’y malago pa. Kaya pa niyang pasanin ang kasimbigat na damar na kaya ng iba sa kanila, at gayong matipid siyang magsalita, nasisiyahan siyang makinig sa usapan ng iba at makisali sa kanilang tawanan. Kung talagang pipilitin, nagkukuwento siya ng tungkol sa kanyang paglalakbay sa mga gabing nakaupo sila sa tabi ng siga.

Ayon sa kanya, nang una niyang lisanin ang nayon, napilitan siyang magtrabahador, magkusinero at maging katulong sa kuwadra ng Sultan ng Johore bago siya nagkaroon ng sapat na pera para makapunta sa Singapore. Naging siklista rin siya sa isang sirko. Sumama siyang magbiyahe sa sirko, na pag-aari ng isang Intsik, hanggang sa Bangkok. Doo’y napilitan niyang iwan ang kanyang trabaho nang tangkain siyang saksakin, dahil sa matinding pagseselos, ng asawa ng mang-aawit na Intsik. “Palagay ko’y di tama ‘yon,” tawa ni Pak Haji, “kaya umalis ako.” Tapos, nagkusinero siya sa isang barko na naglalayag sa pagitan ng India at Japan. Napamangha ang mga magkakasama sa kanyang mga kuwento ng naglalakihang siyudad, tulad ng Shanghai at Tokyo, at ng daungang tulad ng Maynila, Penang, Rangoon, at Calcutta. Nang sa wakas ay lumunsad siya sa Calcutta, di na siya bumalik sa barko. Imbes, nagpatuloy siya sa Lahore, kung saan niya pinag-aralan ang Islam sa ilalim ng isang guro. Mula sa India, naglakbay siya sa lupa, kasama ang ilang tao, patungo sa Arabia.

“Ilang buwan kaming nasa daan”, sabi ni Pak Haji. “Sa pagitan, marami akong sariling lakad na ginawa. Naging katulong ako ng isang salamangkero. Isa siyang malaking Afghani na nakakahiwa ng dila ng isang ibon at muli niya iyong nabubuo. Minsan, pagdaan namin sa isang bayan na bahagi ng kanyang pinagtatanghalan, hinamon siya ng isa ring salamangkero na gawin ang kanyang mahika sa dila ng isang bata. Ayaw niyang mabisto, kaya tinanggap niya ang hamon. Nagkaroon ng palabunutan, at ang Afghaning ito ang natokang mauna. Bago siya nag-umpisa, binulungan niya akong bumalik sa aming tulugan at balutin ang aming gamit. Nagbabalot pa lang ako’y bigla siyang sumulpot sa k’warto, sinunggaban ang ilang bag at pasigaw na pinasunod ako sa kanya. Di ko alam kung ano ang nangyari, pero masama ang kutob ko, kaya dinampot ko ang madadala ko at patakbong sinundan ko siya. Sa dulong likuran namin ay dinig na dinig ko ang hiyawan ng galit na pulutong. Dagli kaming nakalabas ng s’yudad, papasok sa mabatong mga gulod na pinagtaguan namin. Hinanap kami ng mga tao hanggang sumapit ang gabi. Pagkatapos, nang tanungin ko ang salamangkero kung ano ang nangyari, bigay-hilig itong tumawa, padukot ng pera sa kanyang bag na pambiyahe.

“Bago ako nag-umpisa, hiniling kong magbayd muna sila. Pagkalikom ko ng pera, mabilis kong hiniwa ang dila ng bata, maliit lang sa dulo nang di ito masaktan. Tapos, sabi ko’y maghintay sila habang kumukuha ako ng gamot. Imbes, sa k’warto natin ako tumakbo!”

“Pero ba’t ka tumakbo?” tanong ko.

“Dahil hindi ko kayang ibalik sa dati ‘yong dila.”

“Pa’no ‘yong bata? Sinong mag-aayos ng kanyang dila?”

“Di ba may isa pang salamangkero, ‘yong kalaban ko, na sasi kaya n’ya ‘yon? Di subukan niya. Kung di niya ‘yon magagawa, gugulpihin siya ng mga tao,” at buong lakas siyang tumawa.

Wala sa kanilang nakakatiyak kung totoo nga ang mga kuwento ni Pak Haji, pero sino ang makakapagsabi?

Pagkatapos ng pilgrimahe sa Mecca, nagtripulante siya sa isang barko para makauwi. Tumigil iyon sa maraming daungang Aprikano at Europeo bago bumalik, sa wakas, sa Indonesia. Sinabi niya’y sinubukan niayng manirahan sa ibang bansa, pero, lagi, ang puso miya’y hinahatak ng nayon. May gayuma sa kanya ang gubat, at iginagalang niya ang lahat ng taong may kinalaman dito. Sinabi niya sa mga kasama na ang mga taong nagtatrabaho sa gubat ay di naiiba sa mga tripulante ng isang barko, gayong, liban dito, ay wala nang pagkakapareho ang dagat sa gubat.
“Sumusikat ang mga bituin sa langit sa ibabaw ng tubig, pero walang mga halaman o hayop, walang ingay ng gubat. Dito’y ligid tayo ng naglalakihang puno at mga ligaw na hayop – ang ila’y maingay, ang ila’y tahimik. Malapit tayo sa lupa. Sa barko sa gabi, ang naroon lamang ay ang hungkag na dilim.”

Papunta sa gubat para manguha ng damar, kailangang iwan ng mga lalaki ang kanilang nayong Air Jernih, na nasa baybayin ng Danau Bantau sa bunganga ng Sungai Air Putih. Papasok sa gubat, pumirme sila sa gilid ng Air Putih, pabaybay dito hanggang marating nila ang bulubundukin. Hindi kayang suungin ng bangka ang malalim at maalimpuyong ilog dahil peligroso ang malalaki nitong bato at matuling agos. Sa maraming patag na lugar, ito ay may malalalim na lubak na puno ng isda. Sa madalas na pangisdaang parte na malapit sa nayon, bihira at maliliit ang isda, pero sa loob ng gubat, madaling makahuli nito sa pamamagitan ng bitag o lambat. Laging sa malapit sa mahusay pangisdaang lubak nagkakampo ang pitong lalaki.

Makaraang umakyat-manaog buong araw sa bundok sa pangungulekta ng damar, nakakaginhawang maupo sa ibabaw ng isang malaking bato at mangisda. Ang salpok ng tubig sa batuhan, ang mahinang simoy ng hangin sa mga dahon, ang ingay ng mga unggoy na umaalingawngaw tulad ng tunog ng mga tambol – ang mga ito’y sama-samang nagbibigay ng damdamin ng pakakuntento.

Umaabot ng isang linggong paglalakad mula sa Air Jernih hanggang sa gubat ng damar. Ang mga lalaki’y may baong bigas at sili na isinasaaksak sa mga kawayang bumbong, kaunting suka, asin, kape, asukal, at palayok para pagsaingan aat pagpakuluan ng tubig. Kung di sila nakapagdala ng lambat o mga bitag, nagtatayo sila ng mga kawayang panghuli ng isda sa batuhan. Paminsan-minsa’y nakakahuli sila ng mga kalapating kakahuyan na bumababa sa gilid ng ilog upang maghanap ng pagkain. Kung walang sariwang ulam, nag-iihaw sila ng daing na isda o tapa na dala rin nila mula sa nayon. Masuwerte sila at ang kaingin ni Pak Hitam ay di malayo sa gubat na pinagkukunan nila ng damar.

Matanda na si pak Hitam, halos sisenta anyos na. Sabi ng iba’y mas mukha siyang siyento anyos. Malakas siya, at pambihira ang pagkaitim ng balat. Tulad iyon ng isang Indian. Itim na itim pa rin ang kanyang buhok at lagi siyang nakasuot ng itim na pantalon, kamisadentrong walang manggas, at turban. Walang hindi natatakot sa nakakakita sa kanya. Isa siyang itim na pangitain.

Nagkalat ang kuwentong-nayon tungkol sa mga taong birtud ni Pak Hitam. Isa siyang [popular na guro ng silat, isang paraan ng pagtatanggol sa sarili, at ng okultismo. Takot sa kanya sina Sutan, Talib, Sanip, at Buyung, pero hindi nila iyon ipinahahalata. May istoryang nagsasabi na kasapakat daw siya ng mga masasamang espiritu, mga diyablo, at ng mga sobrenatural na nilalang na nakakapagkatawang-hayop o tao, o jinn. Siya raw ay protektado ng isang tigreng may tagabulag na nakakapagdala sa kanya sa kung saan niya gusto. Ang sabi’y maraming pagkakataong inilipad siya nito sa banal na lunsod ng Mecca.

Ayon sa leyenda, hindi siya tinatablan ng kahit ano. Minsan, sa rebelyon laban sa Dutch noong 1926, si pak Hitam ay naaresto at pinagtangkaang patayin ng ilang sundalong Dutch, pero hindi tinagusan ng kanilang bala ang kanyang katawan. Sa isa pang pagkakataon, ayon din sa istorya, hinabol daw siya ng mga sundalong Dutch at napaligiran sa isang sagingan. Bumuo ng isang bilog ang mga sundalo, at maingat na hinigpitan ang kanilang hanay hanggang ni iskwirel ay di maaaring makaalpas sa pagitan ng kanilang mga paa. Pero bigla na lang nakita ng isa sa kanila si Pak Hitam na nakasandal sa isang punong saging. Lumundag ang sundalo at pawasiwas sa sableng tinaga siya nito sa leeg. A, pero ang napugutan ay di si Pak Hitam kundi ang punong saging! Ilang oras siyang pinaghahanap ng mga sundalo, pero wala silang nakitang bakas ng kanilang mailap ng kaaway.

Pagkasugpo sa pag-aalsa, matagal na walang naging balita tungkol kay Pak Hitam. Isang araw, basta na lamang siyang lumitaw na puro ari-arian. Isa na siya ngayon sa pinakamayamang lalaki sa nayon. Walng makapagsasabi kung bakit hindi dumating ang mga Dutch upang siya’y dakpin. Ipinalagay ng mga tao na iyo’y may kinalaman sa kanyang mahika.

Sari – sari ang kuwento tungkol sa kung paano siya nagkamal ng yaman. Ayon sa isa, kabilang siya sa isang grupo ng mga dating rebelde na

nagtago sa gubat at naging mangungulimbat at tulisan. Ayon sa isa pa’y mayroon siyang lihim na minahan ng ginto na mag-isa lang niyang tinatrabaho upang walang ibang makaalam kung saan ito naroroon. Tunay na may bahid ng ginto ang buhangin ng Air Putih, at kung tag-init, kapag walang gaanong magawa ang mga taganayon, aakyat sila ng ilog para salain iyon, pero mahirap ang gayong gawain at di sigurado ang tubo. Nagkaroon ng balita na minsa’y may kung sinong nakatagpo ng isang malaking piraso ng ginto, pero walng sinumang nakakita niyon.

Apat ang naging asawa ni Pak Hitam. Ang sabi ng mga tao, sa buong buhay niya’y mahigit isang daang beses siyang nagpakasal, at sa isang donselya sa bawat pagkakataon. Nagkalat ang kanyang mga anak sa mga kalapit-nayon, at ayon sa usap-usapan, di na niya mabilang, o matandaan kung sinu-sino ang mga iyon.

Pag-uwi niya minsan sa Batu Putih, pinaratangan niya ang isang kabataan sa pagkilos niyon na parang sa kanya ang bahay ng matanda, at matigas niyang sinabi, “Sino ka ba? Kung makaarte ka’y bahay ito ng tatay mo.” Sagot ng bata, “Bahay nga ito ng aking ama. Ang aking ina ay si Ibu Khadijah.”

Maaaring dahil sa mga ganitong bagay kung bakit mas gusto ni Pak Hitam na buwanang malayo sa kanyang nayon at tumira sa bahay niya sa Bukit Harimau sa gitna ng gubat, tatlong araw ang layo mula sa Batu Putih. Dito’y hindi niya kailangang problemahin ang mga taganayon at ang kanilang walang-tigil na panghihimasok sa kanyang buhay.

Kapag pumupunta si Pak Hitam sa kanyang bahay sa gubat, lagi niyang dala ang isa sa kanyang papalit-palit na asawa. Kilalang-kilala na ng kanyang mga bisita ang mga babaeng isinasama niya. Ang pinakamaganda’t bata ay si Siti Rubiyah, na pinakasalan niya dalawang taon na ang nakakaraan, pero hindi pa siya nito nabibigyan ng anak. Sa mga taganayon, ang ibig sabihin niyo’y nawala na ang kanyang birtud. Sa unang taon pa lang ng kanilang kasal, ang bawat isa sa iba niyang mga asawa ay nakapanganak na. Ayon kay Sanip, makipagkamay lang ang isang babae, ito’y agad nabubuntis. Gayon kabagsik ang pagkabarko niyon.

Kung hindi sila dinadala sa malayo ng kanilang trabaho sa gubat, tuwina’y sinisikap ng pitong lalaking makabalik sa bahay ni Pak Hitam bago dumilim. Pero kung makakulekta sila ng maraming damar nang may kalayuan sa kanyang huma, at matatagalan kung sila’y babalik doon, sa gubat na lang sila nagpapalipas ng gabi.

Ang bahay ni Pak Hitam ay nakatukod sa matataas na poste. May malawak na beranda sa harap. Ang kusina ay nasa isang sulok nito, sa may bintana. Nagtambak ng buhangin sa lapag si Pak Hitam at gumawa ng mga istanteng tabla. May dalawang kalang de-uling sa buhangin at doon nagluluto ang kanyang asawa. Nakabitin sa ibabaw ng mga kalan ang tapang usa at daing na isda, sibuyas, sili, at ilang klase ng tuyong hiyerba.

Ang beranda’y nahihiwalay sa pinakabahay ng dingding na sawali. Sa likod ng dingding ay may dalawang kuwarto – ang isa’y tulugan nina Pak Hitam at ng kanyang asawa, at ang isa pa’y taguan ng gamit. Sa huli niya inlalagay ang kanyang damar at ripleng panghanting, bukod sa ibang bagay. Napasok na minsan ni Buyung ang kuwartong ito, nang ipakuha sa kanya ni Pak Hitam ang riple. Nakita nitya roon ang dalawang malaking baul na yari sa itim na kahoy na nalilinyahan ng pampatibay na tansong kulay berde na sa tanda. Nagtataka si Buyung kung ano ang laman ng baul, pero pareho iyong may mabibigat na kandadong bakal. Naisip niya na maaaring puno ng ginto ang mga ito, tulad ng napapabalita sa nayon, pero ipinapalagay niyang isa iyong kabaliwan. Sa isang baul sa isang kaingin sa gubat nagtatago ng ginto si Pak Hitam? Napakadali iyong nakawin ng sinumang magnasa. Pero, sa kabilang dako, sino ang maglalakas-loob?

Sa sahig ng beranda laging natutulog ang mga mangunguha ng damar. Kung doon sila nagpapagabi, ipinagluluto sila ng asawa ni Pak Hitam ng kanilang kanin, tokwa, at sari-saring gulay. Nasisiyahan dito ang mga lalaki dahil madalas na naiiba sa kanila ang paghahanda ng pagkain ng babae, atang bawat asawa ni Pak Hitam ay mahusay magluto. Dinadagdagan nito ang kanilang baon ng gulay mula sa sariling hardin.

Ang gustung-gusto nila ay ang murang ube, mais, o kamote na iniihaw sa nagbabagang uling. Umagang-umaga’y makikita si Buyung o Sanip sa kusina, abala sa pag-iihaw. O kaya’y kung gabi, bago sila matulog, at habang lahat ay nag-iistoryahan, gusto nilang maupo sa paligid ng parilya habang pinagmamasdan ang pagkaing lumalagitik sa baga. Ang ganitong dibersiyon, sampu ng mainit na kape, ay nagpapalipas ng panlalata at pagod ng isang araw na trabahong-kalabaw sa gubat.

Sa gabing tulad niyon, ilalabas ni Sanip ang kanyang dangung-dangung at tutugtug sa sarili niyang estilo. Minsan, nang kumanta siya ng tungkol sa isang babaeng iniwan ng asawa, napansin ni Buyung si Siti Rubiyah na tahimik na nagpapalis ng luha sa mata.

Gusto nilang lahat ang bata at kaakit-akit na si Siti Rubiyah. Kung hindi lang siya lokong-loko kay Zaitun, madali sanang mapaibig dito si Buyung. Pero ito’y may-asawa, at si Pak Hitam pa. Sapat na iyon para pigilin ni Buyung ang pag-iisip dito, pero aminado siyang maganda ang katawan nito. Ang mga suso nito, gayong maliit, ay tayo at may hubog. Ang mukha nito, sampu ng tuwid na ilong, mabasa-basang mga labi, at gilog na nangingislap na mga mata, ay itinatampok ng mahabang itim na buhok na abot-baywang,\. Madalas pagmasdan ni Buyung ang nakalugay na buhok niyon—makapal at nangingintab – habang ito’y abala sa hardin. Kung naroon ito kapag tanghaling-tapat, ang mga pisngi nito’y namumula, kaya lalo itong nagiging kaakit-akit.

Kapag nasa gubat ang apat na kabataang lalaki, di kalapit ang matatanda, si Siti Rubiyah ang kanilang pinag-uusapan.

“Sabihin ko sa inyo, pinasukan ko sana siya kundi si Pak Hitam ang kanyang asawa,” sabi ni Talib.

“Ako rin, pero kung siya’y dalaga pa,” dagdag ni Buyung.

“Kagabi’y napanaginipan ko s’ya,” sabi ni Sanip. “Napuna n’yo ba kung pa’no halos lumuwa sa kanyng blusa ang kanyang suso tuwing yuyuko s’ya upang hipan ang gatong?”

“Kaninang umaga’y tinulungan ko s’yang maggparikit,” parang tugon na sabi ni Buyung.

“Napuna n’yo ba kung pa’no siya tingnan minsan ni Pak Hitam?” makahulugang tawa ni Sanip.

“Sa edad n’ya, maiisip pa ba n’ya iyon?” may pagkamanghang tanong ni Talib.

“Oo nga, di ba napakatanda na n’ya para r’on?” ibig malaman ni Buyung.

Natawa si Sanip. “Pakinggan n’yong magsalita itong si Buyung,” sabi niya. “Nakalimutan mo na ba ang kasabihan tungkol sa niyog? Mas marami raw langis na mapipiga sa niyog kaysa buko.” Napahiyaw sila sa pagtawa.

“Hindi bale – di kasintalas ni Wak Katok ang mga mata ni Pak Hitam,” sabad ni Sutan. “Nakita n’yo ba kung pa’no niya pagmasdan si Siti Rubiyah ‘pag wala si Pak Hitam? Hinuhubaran n’ya ito ng kanyang mga mata, at higit pa r’on ang ginagawa niya sa kanyang isip, sabihin ko sa inyo. Sabagay, gusto ko ring gawin ‘yon.”

Nagpalitan sila ng makahulugang tingin.

“Bata o gurang,” sabi ni Sanip, “pag nakakita ng seksing babae ang isang lalaki, isang bagay lang nasa isip niya.”

“Hindi ako,” sabi ni Buyung. “Okey siyang talaga, pero di ako kasintapang n’yo. Takot ako kay Pak Hitam.”

Natawa kay Buyung ang tatlong may-asawang lalaki. “Di ka pa binyagan at di mo pa naiintindihan. Di ka pa nakakasiping sa isang babae, kundi’y di ka magsasalita nang ganyan. Wala ka pang alam sa bagay na ‘to.” Kampante silang nagpalitan ng tingin, pahagikgik ng tawa kay Buyung na kulang pa ng karanasan.

“Hintayin mong maikama si Zaitun, tapos maintindihan mo ang lahat,” sabi ni Sutan, patungo sa direksyon ni Buyung.

Namula si Buyung. Alam nila ang tungkol kay Zaitun. Lalong natawa ang mga lalaki nang makita ang pamumula sa mukha ng bata nilang kaibigan.

“Sigura, bago ka sumiping kay Zaitun,” sabi ni Talib, “ di masamang magpraktis ka muna kay Siti Rubiyah.”

Sa gitna ng alon ng tawana, sumabad si Sutan, “Ni hindi mo kailangan ang kama.”

“Di ko maintindihan kung ba’t kailangan pa n’ya ng apat na asawa,” reklamo ni Sutan paghupa ng tawanan. “Matanda na siya’t sakitin. Ba’t kailangan niyang makasal sa mga batang tulad ni Siti Rubiyah?

“Gan’on talaga,” sabi ni Sanip. “Gusto ng matatandang lalaki ng batang asawa, at ganoon din ang matatandang babae. Ito ang nagpapabata sa kanila.”

“Anak ng – kahit mag-asawa ng batang babaeng tulad ni Siti Rybiyah ang isang matandang lalaking tulad ni Pak Hitam, di niyon mapapabagal ang kanyang pagtanda. Mapapadali lang niyon ang pagpunta niya sa hukay,” singhal ni Sutan.

Pagkatapos ng usapang iyon, mas binibigyang-pansin ni Buyung ang kanyang mga kaibigan kapag katabi si Siti Rubiyah. Nakapuna siya ng pagbabago sa kanilang kilos. Lantad masyado ang kanilang kunwa’y kawalang-bahala, tuloy, ipinapakita nilang iba ang kanilang nadarama sa kanilang inaasal. Takot si Buyung na maaaring napupuna iyon ni Pak Hitam.

Pero nitong mga nakaraang ilang buwan, kadalasa’y may sakit si Pak Hitam at napipirme sa kanyang kuwarto. Binibisita siya roon nina Pak Haji, Wak Katok, at Pak Balam, pero ang mga nakababatang lalaki ay pumapasok lang doon upang magbigay-galang at agad na lumalabas uli.
Takot sila kay Pak Hitam at kailanma’y di sila mapakali sa harap nito.

Pumapayat si Pak Hitam. Lubog ang kanyang mga mata, at halos puti na lahat ang kanyang bigote’t balbas. Pero itim pa rin ang kanyang buhok, at kahit may-sakit, mukha pa rin itong mabalasik at nakakapanduro. May kung anong bagay ang angkin ng matibay na matandang lalaking ito na nagbibigay-takot sa mga tao. Wala itong iniwan sa isang may-sakit na tigre na kahit masukol ay mabilis pa ring nakakapanibasib at nakakamatay.

Aralin : Teoryang Eksistensyalismo
Mabuhay ka, Anak ko
Ni Pin Yathay
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga’y namalayan ko ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo. Alas singko ng umaga. Bumangon ako, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka. Ang kalye ay bumabaha sa tao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway. Waring lumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto kong patapos na ang digmaang-bayan.

“Thay, dear?” Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim. Siguro’y pinanonood niya ako, naghihintay ng reaksiyon ko.
“Dali ka, Any.” Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tensiyon na pinatitindi ng kaalamang oras na para kumilos. Kailangang kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. “Katapusan na ito. Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.”
Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo’t nagbihis; maliksi ngunit malamyos ang kanyang kilos at sa isang wagwag ng kanyang ulo’y naiayos ang buhok niyang hanggang balikat. “Ano’ng mangyayari?” tanong niya.

“Huwag kang mag-alala,” sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala para kunin ang mga gamit namin. “Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal di ang lahat.” Nagising sa boses namin ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakatatanda – ang siyam-na-taong si Sudath at si Nawath na limang taon – sa loob ng dalawang kuwartong apartment na bumubuo ng lugar namin sa bahay ng aking biyenan. “Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa bayan bago makarating dito ang sundalo.”

“Nawath!” tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno ito kay Sudath sa kama. “Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka!” muling taway ni Any na lalong nilakasan ang boses. Kung minsa’y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pero talagang malilikot ang dalawa kaya kailangang higpitan nang kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindi iniintindi ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok na nagpalinga-linga. “Sige na, Sudath,” sabi ko sa panganay na lalaki. “Magbihis ka na. Hindi mo ba nakikitang nagmamadali tayo?”

Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam, mula nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang namin kung saan magmumula at kailan darating ang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaan ang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at nakipagkasundong magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon. Pinuno na namin ng gasolina ang lahat ng kotse. Wala na kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipon namin at ang aking mga dolyar – talong libong lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mga balita – at isang casette recorder na may kasamang reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa propesyon – mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng lupa, isang diksiyunaryong French-English, at mga bolpen at papel.

Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandali ring iyon, pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alis ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin – mga libro, relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo – at minsan ko pang tiningnan ang paligid, iniisip kung mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat, ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge.

Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na noo’y sakay na ng kanilang Austin. Ikinarga ko ang mga bagahe namin sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin sa kabila ng kaguluhan sa siyudad – ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malayo, at patuloy ba andar ng mga sasakyan.

Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mga tao, kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa maputlang liwanag ng madaling-araw. Ang ilang pamilya’y naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina. Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man lang bumubusin, isang bagay na hindi mangyayari noong nagsisikip ang trapik sa Phnom Penh, ilang araw pa lang ang nakararaan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika na naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga riple, walang takot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera.

May isandaang yarda na ang nalalakad namin, mga taong parang duming lumulutang sa ilog, nang makarinig ako ng isang pagsabog. Sa gawing kanan ko, sa may kantog malapit sa aming bahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa’y dumating ang mga ambulansiya at bumbero, nagtutunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan at wala kaming nagawa kundi tumigil muna.

Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan, nadama kong malayo kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taon ng digmaang-bayan at sa kabila ng mga babala ng aking ama ukol sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan.

Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawampu’t limang milya ang layo sa hilaga ng Phnom Penh. Doon namuhay ang amakong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman – tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubong na pulang tisa at sahig na matigas na lupa – ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang ako’y edad disisiete, ako ang pikamahusay sa matematika sa buong bansa.

Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ng aking kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa, at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia.

Bilang isang matalinong estudyante, naging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibang bansa. Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Canbodian, ngunit naging sentro ng oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doon ako nag-aral ng inhenyeriya.

Bumalik ako sa Cambodia noong 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad nang karaniwang nangyayari sa mga bagong kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang panganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang kinabukasan.

Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at umugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaan sa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang makapangyarihang kapitbahay, lihimsiyang nakipagkasundo na magagamit ng mga North Vietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa South Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay sa alanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia.

Bilang reaksiyon sa mga pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang maliit na grupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge, na ang karamiha’y pinangungunahan ng mga intelektuwal na nag-aral sa France.

Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismo’y maraming problemang pansarili. Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay namin ang pagsilang ng aming pangalawang anak, nagsakit ng hepatitis si Thary na noo’y beinte kuatro anyos lang. Hindi na siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang taon ko siyang ipinagluksa. Umasa na lamang ako sa dalawang nakababatang kapatid ni Thary: si Anyung, beinte uno, at lalo na kay Any, disinuebe, sa pag-aalaga kay Sudath habang ako’y nasa trabaho.

Nang lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any. Maganda siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan ang katawan. Sa edad na beinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath na parang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si Nawath. At noong 1973, si Staud naman.

Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at naging direktor ng Department of New Works and Equipment sa ministri. Ang posisyong ito ang nagbigay sa akin at sa aking pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampulitika at pangkabuhayan na bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi rin niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking palagay, masyado kaming kampante, tulad ng iba panag kakilala ko.
Naging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahiil sa naging patakaran ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sa bansa – humigit-kumulang sa apatnapung libo – kaya ipinag-utos ni Presidente Nixon na bombahin ang mga ito, isang lihim na ekstensiyon ng dimaang sa huli’y makakasira sa kanya at sa amin. Taliwas sa inaasahan ang naging epekto ng mga pagsalakay – lalo nitong inakit ang pagpasok ng mga komunista sa Cambodia.

Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangako itong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Sihanouk patungong Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rouge na dati niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamiha’y binubuo ng mga magsasaka, at hindi na niya binigyang-halag ang ideolohiyang komunista ng mga ito.

Sa simula’y malaki ang pag-asa namin kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, naging malinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya at naparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalambahala ang administrasyon at sandatahang lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North Vietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong ng Estados Unidos. Walang nakinabang kundi Khmer Rouge na tinatangkilik ng mga Intsik. Bumagsak ang bansa sa isang pangkalahatang digmaang-bayan. Sinabayan ito ng nakasasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang bansa na magtago ng salaping dayuhan, lalo na ng dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit ng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975.

Kakatwang kaming mga propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh ay naniwala rin sa palagay ni Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindi maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang programa, na itinataguyod din ng United Front of Kampuchea ni Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng komunismo. Sa halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng “Ang mga mamamayang Cambodian,” “Pambangsang Kalayaan,” “Kapayapaan,” “Niyutralidad,” “Kalayaan,” at “Demokrasya”.

Ako ma’y sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming Bees Club, isang propesyonal na may magkakaparehong kaisipan – mga opisyal ng mga gobyerno, propesor sa unibersidad, mga opisyal, at ilang oposisyonistang pulitiko. Laban kami sa mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala kaming tinatangkilik. Itinuturing naming ang mga Amerikano ay magkahalong biyaya – laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang bulok at walang-silbing si Lon NoI. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible, isang koalisyong pamahalaan, kasama na ang Khmer Rouge.

Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalang nagtataguyod sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil nakita at nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa siyudad, kasama ang buong pamilya, noong 1972. Madalas kong siyang sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginigiit ko pang nabubulagan lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sarilingtauhan sa mga gerilya si Sihanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mga kababayan at naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat, Cambodian silang gaya namin.

Noong mga unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na mababago ang pamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos na pagtatatag ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa si Sihanouk sa solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-isa ng Abril, nahikayat numalis si Lon Nol, at nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwana ang pamumuno ng gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala na akong dapat ikatakot nang bumagsak ang dating rehimen. Isa lamang akong karaniwang inhinyero. Hindi namin kailangang umalis nang bansa. Hinintay ko ang pagtatapos ng digmaan at umasang magkakaroon ako ng bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia.
Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago namin nalakbay ang dalawang milyang distansiya papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ng siyudad, ang pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh – malalapad ang mga kalyeng natatamnan ng mga puno at magkakahiwalay na mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, may sapat na lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si Oan. Dalawang palapag ang bahay niya, protektado ng mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan iyon dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng bansa ang asawa’t anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan.

Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin, ipinasok ko naman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamag-anak – si Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, ang aking dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamilya nila, at ang aming mga magulang – tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang makita kami. May isang oras na sila roon at nag-aalala na sa amin.
Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda ng pagkain ang mga babae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vuoch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawampu’t isa, ang intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon na siya sa unibersidad, nag-aaral ng inhinyeriya na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang simpleng pananamit at mabigat na pagsasalita, wari’y determinadong takasan ang tradisyunal na papel ng babae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki. Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kung nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapako ang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika.

May bukas na radyo sa isang mesa, pero walang balita, puro tugtog militar. Tinanong ako ng kapatid kong lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon lang ang kabataan sa akin ni Theng, may asawa siya at tatlong anak, dalawang lalaki at isang sanggol na babae. Medyo bilib siya sa akin sa mga usaping pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa kanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministri. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulang namin, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya mas napakikinabangan siya kung mabigat na trabahong dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre ‘yan ng mga opisyal ng magkabilang panig…

“E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo?” sabat ni Vouch.

“Nakapagtataka nga,” sabi kong hindi tumitingin sa kanya para makaiwas. “Pero wala namang dapat ipag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si Prinsipe Sihanouk. Makikita mo.”

“At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating pagkakamali niya.”

Bahagyang katahimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang nagsabi: “ Ano sa palagay mo, Sarun?”

Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siya noon bago maaksidente sa isang motorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon na ang nakararaan. Hindi na siya katulad ng dati. Dati’y masayahin siya at mapaglaro, ngayo’y lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan ay mahiyain siya na pang bata, pero minsa’y galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Sabihin pa’y naalis siya sa eskuwela, pero hindi maunawaan kung bakit. Ang hindi nagbago sa kanya’y ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limang-taong anak na babaing si srey Rath.

“Ano sa palagay ko?” ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti. “ewan ko. Pero kung mababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli ‘yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?”

Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapan pa ang tungkol doon. Ngumiti ako’t nagkibit-balikat.

“Ano ang inginiti-ngiti mo riyan, Thay?” tila nanunumbat ang boses ni Keng mula sa kusina. “Siguradong mababalik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bang tawagin mo na si Srey? Maghahain na kami.”

Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga.

Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na para bang kababalik mula sa pamamasyal sa buong bayan.

“Sim!” tawag ni Oan na gulat na gulat. “Ba’t nag-iisa ka? Nasa’n ang mga magulang mo?”

“Wala pa ba sila dito? Akala ko’y …” napahinto siyang nakasimangot.

“Halika na, Sim,” sabi ng tatay ko ko na kilalang-kilala si Sim mula pagkabata. Disiotso na si Sim at nasa haiskul, pero hindi siya matalino. Wala siyang ginawa kundi maglakwatsa kasama ng mga kaibigan.

“Akala ko’y naririto na sila, tiyong. Nanood ako ng nasusunog na bahay, tapos, hindi ko sila makita kaya nagpunta na ‘ko rito. Aalis uli ako’t hahanapin ko sila.”

“Loko ka ba, tumigil ka na lang dito. Hindi sila maaano. Peligroso nang lumabas uli.”

Doon nga kami pumirmi, paupu-upo kahit saan, pakain-kain ng kanin, ulam at prutas na inihanda ni Any at ng iba pang nasa kusina. Pinag-usapan namin ang mangyayari sa kabila ng ingay ng mga nagsisitakas sa labas at ng tugtog ng radyo. Inulit ko ang paniniwalang magkakaroon ng solusyong pulitikal. Karaniwang umaayon o nananahimik lang ang iba. Kapag tutol si Theng, lalong maraming angal ang isa ko pang kapatid na si Thoeon. Hindi siya lumaki sa amin, Nakisama siya sa kanyang mga biyenan, kaya medyo malayo ang kanyang loob. Sumasali rin sa usapan si Vouch. Samantala’y nanonood lang si Any, tahimik at minamasdan kung sino ang nagsasalita, na karaniwan niyang ginagawa kapag maraming tao. Bahagya ring sumasali si Oan kahit nasa bahay niya kami. Mayaman nga siya pero hindi siya gaanong matalino. Sinuwerte siyang makapag-asawa ng may-kaya – may-ari ng ilang sinehan ang biyenan niyang lalaki.

Ngunit hindi madaling papaniwalain ang aking ama. Paulit-ulit ang babala niyang komunista ang Khmer Rouge. Mataas siya, malakas at may matatag na pagkatao, gayundin sa pangangatwan. Hindi siya masalita at inirerespeto siya sa kanyang paniniwala. Pero naiinis ako sa mga prediksiyon niya. Narinig ko noon. Paulit-ulit ko nang nasabi sa kanyang walag dapat ipag-alala.

“Tsismis lang ‘yan, ‘tay, propaganda,” sabi kong hindi ipinahahalata ang pagkainis. “Wala namang binabanggit tungkol sa komunismo ang kanilang programa. Kaibigan ko ang ilan sa mga taong iyon. Hindi sila magsisinungaling. Bakit pa? Mayaman ang ating bansa. Hindi nila kailangang gumawa ng kalupitan para pakainin ng taumbayan.”

Tumahimik ang aking ama. Ang aking naman ang nagsalita. Muhka siyang mahina, maliit, kung ikukumpara sa mga anak niyang babae. Buong buhay niya’y nagugol sa pag-aalaga sa pamilya sa nayon. Pero kung narinig mo siyang magsalita, mahuhulaan mong sa kanya nagmana si Vouch.

“Igalang mo naman ang tatay mo, Thay,” aniyang mahina pero matigas. “Nakausapa namin ang mga taong nagsisitakas, napatay ang kanilang pamilya, sinunog ang kanilang mga bahay. Malupit ang Khmer Rouge. Komunista sila, gaya ng mga tauhan ni Mao sa China. Kapag sila ang namuno, katapusan na ng relihiyon natin. Kalimutan mo na ang kaligayahan.”

“Ang inay naman!, sabi ko. “Anong komunista ang sinasabi n’yo? Iyong iba sa kanila siguro, pero alam nilang napakarelihiyoso ng mga Cambodian at mapagmahal sa buhay para tanggapin ang komunismo. Makabayan muna sila bago komunista. Susundin nila ang gusto ng mga tao.” Alam kong tama ako. Mga tanging impormasyon ang ibinibigay sa akin ng mga kakilala ko. Isa pa’y nakapangibang-bansa na ako’t may malawak na pananaw. At ano’ng nalalaman ng mga magulang ko, na simpleng negsyante lang, tungkol sa tunay na sitwasyon?

May isang oras kaming nag-usap-usap. Maya’t maya’y natitigil kami dahil sa sigaw ng mga bata at manaka-nakang pagsabog sa may kalayuan. Pagkatapos, nang bandang alas diyes, isang boses na noon lamang namin narinig ang nagpatigil sa tugtog-militar sa radyo: “makinig kayo! Abangan ang isang importanteng pahayag!” napatigil ang lahat at tinawag ang mga kamag-anak na nasa kusina at bakuran. Kinawayan ko si Any na mabilis namang pumasok matapos tingnan si Nawath na nakikipaglaro sa kanyang mga pinsan.

Namayani ang katahimikan.

Narinig sa radyo ang mahinang boses ng Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Nagkatinginan kaming lahat at tiwalang napangiti. Hindi lamang siya ang may pinakamataas na awtoridad na panrelihiyon, ang simbolo ng katatagan; miyembro rin siya ng aming pamilya, amain ng aking ama.

Malapit ako sa kanya. Sinubaybayan niyang mabuti ang aking pag-aaral at dahil na rin dito kung bakit nakatagpo ako ng lakas sa mga aral ng Buddhismo noong estudyante pa ako. Waring angkop iyon sa aking mga aspirasyon at pagkatao. Nakasalalay sa sarili ang kaligtasan, turo ni Buddha.

Walang magagawa ang Diyos kung di ka magkukusa. Lahat ng kabutihan at kasamaan ay magbubunga, maaaring sa buhay na ito o sa susunod, ngunit laging malaya ang taong paunlarin ang sarili, magpakabuti, pagandahin ang ugali, sa pamamagitan ng pagdarasal na patnubayan siya at bigyan ng malinaw na pananaw, sa paggawa ng mabuti, at mahusay na paggamit ng kakayahan at talinong kaloob sa kanya. Natitiyak kong nagawa ko ang pinakamabuting magagawa ko, maraming salamat sa impluwensiya ni Huot Tat.

Kaya tulad ng iba’y sabik akong marinig ang sasabihin ng matanda, -- marahil ay mas sabik pa – at makatagpo ng katiyakan sa sasabihin ng kagalang-galang na matandang hindi mapag-aalinlanganan ang kalagayan, na ang patnubay ay tiyak na kakailanganin ng bagong rehimen.

“Huwag kayong mag-alala,” sabi niya. “Itigil na ang labanan. Darating na ang kapayapaan. Nakaraan na ang ating bansa sa isang mahirap na pagsubok. Kailangang muli natin itong itayo.” Iyon lamang, at iyon lamang naman ang kailangan.

Pagkaraa’y isa pang boses ang narinig. Kay Heneral Mey Sichan iyon, ang puno ng sandatahang lakas ng Republikano. “Dapat nang sumuko ang lahat ng sundalo,” sabi niya, “para maiwasan ang pagdanak ng dugo samantalang ipinagpapatuloy ang pakikipagnegosasyon sa ating mga kapatid.”

Tapos na ang lahat, naisip ko. “Mabuti,” bulong ko kay Any sabay yakap. Lumuwag ang pakiramdam naming lahat.

Ngunit ilang sandali lang at natabunan ang boses ng heneral ng di maunawaang ingay. Pagkaraa’y isa pang boses ang sumingit, mas malakas, parang may umagaw sa mikropono.”Ang digmaan ay naipanalo sa pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon! Sumuko na ang mga puwersa ng gobyerno! Nanalo ang mga rebelde! Tapos na ngayon ang digmaan!”

Pagkaraa’y nakatatakot na katahiikan. Walang musika, lahat ay natigil. Nawala ang mga ngiti namin. May nagpatay at muling nagbukas ng radyo, tinetesting. Wala. Naglalakihan ang mga matang nagkatinginan kami.
Sa katahimikan, namalayan ko ang tinig ng mga tao sa kalye, at ang ingay ng mga makina. Panatag kaming nakakulong sa bahay, gayundi ang mga kapitbahay. Pero sa labas, libu-libong mga tao ang nagsisiksikan patungo sa sentro ng Phnom Penh. Saan sila pupunta? Naipalagay ko lang na tutuloy sila sa mga pagoda, sa mga unibersidad o sa bakuran ng mga gusaling pampubliko, hanggang sa matapos ang labanan.
Isang oras ang lumipas. Patuloy na naglaro ang mga bata samantalang mahinang nag-usap-usap ang matatanda. Pagkaraa’y narinig namin ang sigaw ng pagsasaya sa kalayuan. Tumalong palabas ng bakod si Sim para alamin kung ano ang nangyayari, pagkatapos ay mabilis siyang bumalik at sumigaw, “Ang mga Khmer Rouge!”

Talaga nga palang tapos na. Nagmamadali naming binuksan ang pinto para manood.

Sa buong paligid, nagbitin ang mga puting tuwalya, kumot, damit, at anumang putting maiwawagayway ng mga tao. Nagsimulang dumami ang mga tao sa kalye, palayo sa amin. Isang uri ng prusisyon ang wari’y panonoorin nila sa Preah Monivong, isang pangunahing kalyeng nagmumula sa timog at kumukrus sa tabing kalye namin, may ilang yarda ang layo. Matapos isenyas kay Any na bantayan ang mga bata, nakipagsiksikan ako sa mga taong nasa harap kasama ng iba pa. Noon ako unang nakakita ng mga sundalong Khmer Rouge.

Malinis ang kalye, lahat ng tao ay nakatayo sa bangketa. Sa gitna ng kalsada, isa-isang naglalakad angmga sundalong noon ko lamang nakita, nahahati sa pangkat ng tiglilimampu. Lahat sila ay nakaunipormeng itim na tila padyama ang yari, walang dekorasyon pero maayos na nakabutones. Nakasumbrerong Intsik sila at sandalyas ng Ho Chi Minh na yari sa gulong ng kotse. Ang ilan ay may dalang AK47, ang iba nama’y mga rocket launchers. Lahat sila’y may tsekerd na kramar – mga bandanang nakapulupot sa kanilang leeg o sumbrero. Hindi sila nagmamartsa ngunit hindi sila mukhang nanlalata. Nakatitig lamang sila sa unahan ng linya, walang kangiti-ngiti. Laha sila’y mukhang wala pang disiotso anyos. Ang tanawing ito ay magiging pamilyar pagkaraan sa buong mundo sa pamamagitan ng mga retrato at pelikula, ngunit ni wala kaming babala kung ano ang itsura nila.

Hindi ako nabigla o nangamba; gayunma’y nakadama ako ng pag-aalala sa katigasan ng mukha ang mga kabataang sundalo, lalo na ng makita ko ang magandang pagtanggap sa kanila ng mga tao. Nagpapalakpakan at walang takot na sinundan ng mga tao ang hanay ng mga sundalo, ngunit ang kasabikan at kasiglahan nila’y walang epekto sa mabalasik na mga kabataan. Nakatanaw lamang sila sa malayo, walang damdamin, blangko, parang mga robot.

Ngunit masyado kaming nasisiyahan para bigyang pansin ang kanilang inuugali. Tapos na ang giyera. Ni hindi kami nasaktan. Kaya nagyayakapan ang mga tao at nagwawagaywayan ng mga puting tela. Sa halip na matakot, kaming lahat ay nagtiwala sa kawalang – pakialam ng Khmer Rouge.

Minsan lang akong ninerbiyos. Isang trak ng militar na minamaneho ng isang sundalong Republikano ang biglang lumitaw sa daan, pauwi na siguro at natutuwang tapos na ang labanan. Isang Khmer Rouge ang sumenyas at nag-utos na siya’y bumaba. Mabilis na tumalon at tumakbong palayo ang lalaki ngunit maagap siyang hinabol at nahuli ng isang Khmer Rouge na may kipkip na baril. Isinalya nito sa pader ang sundalo at tinutukan ng riple. Pagkaraa’y mahinahon nitong inutusan ang sundalong hubarin ang kanyang uniporme at iwan ang sasakyan. Sumunod naman ang lalaki at lumayo na ang Khmer Rouge. Muli akong nakahinga, mas nakasisigurong maaayos ang lahat.

Masaya kaming bumalik sa bahay ni Oan, nagbibiruan, nagkukuwentuhan, nagpaplano. Sabi ko’y iuuwi ko na ang aking pamilya. May ibang nagsabing pupunta sila tabing-dagat at magsaya. Mukhang pabalik na sa normal ang lahat. Sakay ng kanilang Austin, dumaan sa bahay ang mga magulang ni Any para sabihing babalik na sila sa kanilang bahay. Kami man ay paalis na ng sabihin ni Oan, “Bakit hindi pa kayo rito mananghalian?” Bakit nga ba hindi. Matitingnan naman ng mga biyenan ko ang bahay namin habang wala pa kami. Naglalaro ang mga bata sa bakuran. Mag-aalas onse pa lamang, walang dahilan para magmadali. Naiwan kami, masayang nag-uusap.

Nanananghalian kami at nag-iisip ako kung papasok na ako sa trabaho kinabukasan, nang isang lalaki ang dumating. Halos hindi makahinga. Siya ay katiwala sa bahay ng mga biyenan ni Oan na nakatira may isang milya ang layo, sa gawing dinaanan ng Khmer Rouge. Ipinagkatiwala nila sa taong iyon ang bahay nang umalis sila sa Cambodia kasama ang asawa at nag-iisang anak ni Oan. Nakatayo ito ngayon sa may pintuan, takot na takot at gulung-gulo ang ayos. “Pinalayas kami ng mga Khmer Rouge sa aming mga bahay! Pinagsabihan kaming umalis ng siyudad!” sabi nitong halos hindi makapgsalita. “Ano’ng gagawin ko?”

Agad nagbago ang pakiramdam namin. Nahinto kami sa pagkain at pinagtatanong siya:

“Sigurado ka ba?” “Bakit?” “Baka nagkamali ka lang ng pag-intindi?”

“Wala kaming narinig na sinabi nilang gano’n.”

Nagbibiro ba siya? Mag-alisan kami, parang hindi kapani-paniwala!

Kailangang malaman namin ang totoo kaya nagtanong kami sa mga kapitbahay para malaman ang mga pangyayari. Sila ma’y nakarinig ng mga usap-usapan ukol sa ebakwasyon. Pero walang balita sa radyo parang nakabubuhay ng loob ang kawalan ng opisyal na babala.

Hindi namin alam ang ang gagawin. Aalis ba kami sa bahay ni Oan? Desperado na kaming makasagap ng impormasyon para makapagplano. Iminungkahi kong konsultahin namin ang aming amain, ang Patriarkang si Huot Tat na nakatira sa Onalon Pagoda sa tabi ng ilog dalawang milya ang layo. Tiyak na alam niya kung ano ang nangyayari. Hihingi kami ng payo sa kanya, makakukuha rin kami ng proteksiyon.

Wala nang makaisip kung ano ang mas mabuting gawin. Sumakay kaming lahat sa tatlong kotse – sa aking Fiat, sa Puegeot ng aking kapatid na si Theng, at sa Mercedez Benz ni Oan. Muli, napasama kami sa mabagal na prusisyon ng mga tumatakas. Nagsisikip pa rin ang mga kalye. Napasama na sa mga papunta sa sentro ng bayan ang mga taong pinalayas sa kanilang mga bahay. Tila tulala ang lahat ngunit walang kaguluhan o ingay, isang pulutong lamang ng mabagal na umuusad patungo sa kung saan, mga taong naglalakad, nagbibisikleta, sakay ng trishaw, at mga kotse. Paminsan-minsa’y isang putok ang naririnig mula sa kalayuan. Ang mga ganitong pagunita na labanan ay nagpaalisto sa amin dahil hindi namin alam kung sino ang binabaril nino. Kakatwang agad-agad ay naging masunurin at magalang ang lahat, maingat na sinusunod ang tuntunin sa daan, takot waring makaaksidente, takot waring mapansin. Nang sumunod na na isang oras, minsan lamang akong nakakita ng Khmer Rouge, nang lumabas sa katabing kalye ang tatlumpu sa kanila, tahimik na nagmamartsa sa isang hanay sa gitna ng daan, hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Pinaraan sila ng mga kotse at mga taong nagdaraan. Nagmartsa sila nang hindi kami pinapansin, wari’y iniiwasang mahawa sa amin.

May sariling bakuran ang pagoda ng Patriarka. Isa iyong mataas, dalawang-palapag na templong may bubong na tisang kulay dilaw. Nakatayo iyon sa tabing-ilog, tumutunghay sa pinagtatapuan ng ilog ng Mekong at Tonle Sap. Sa paligid niyon, kasama ng mga puno at hardin ng mga bulaklak, ay ang tirahan ng mga monghe. Ipinarada namin ang mga kotse, dinala ang mga bata at nagpunta sa bahay ng Patriarka. Matapos kaming ituro sa isang malaking bulwagang puno na rin ng may isandaang katao, ilan sa amin – ang mga magulang ko, ako, si Oan, at ang mga kapatid kong lalaki – ang nagpunta sa tanggapan ng Patriarka.

Kakatwang malakas pa ang Patriarka sa kanyang walumpu’t limang taon, matatag na nakataas ang ulo niyang ahit, at mukhang bata pa ang malapad niyang mukha. Nakasuot siya ng robang dilaw na hantad ang isang balikat, at napaliligiran ng mga monghe at sibilyan. Malinaw na maraming tao ang nag-isip nang katulad namin, ang magpunta sa pagoda para malaman kung ano ang nangyayari at hinginang proteksiyon ng Patriarka. Agad kong nakilala ang dalawang lalaki, si Heneral Chhim-Chhuon, dating aide-de-camp ni Marshal Lon Nol, at si Heneral Mao Sum Khem, Chief Operations Co-ordinator ng sandatahang lakas ng Republikano. Ngunit parang mapagpakumbaba na at nag-aalinlangan ang dalawang ito na dati’y palaban. Halatang badigard nila ang ibang lalaking nakasibilyan. Lumuhod kaming kasama ng iba pang naroon at ginawa ang tatlong ulit na pagpupugay na ang mga kamay ay magsalikop sa may noo. Pagkaraa’y magkakrus ang mga binting naupo kami at nakinig ng mga usapan.

Dalawang pangunahing tanong ang lumilitaw: paano kikilos ang mga opisyal na Republikano sa harap ng mga Khmer Rouge? At bakit pinaaalis sa mga bahay nila ang mga mamamayan – dahil lumalabas sa mga report na pinalilikas ang mga tao sa siyudad. Iginigiit ng Pariarka na maging mahinahon ang lahat. Marahil ay wala namang pangkalahatang ebakwasyon, sabi niya. Walang binabanggit na pangkalahatang deportasyon ang programa ng Khmer Rouge. “Hindi makatwiran, kung gayon, na magkaroon ng ebakwasyon.” Narinig kong sinabi niya, “Manatili kayong mahinahon at maghintay ng utos.”

Isang monghe ang inutusan ng Patriarka na tumelepono sa presidente ng Cambodian Red Cross at kay Chau Sau, ang sekretaryo-heneral ng Opposition Democratic Party. Dapat sanang makapagbigay ng impormasyon ang dalawang ito, pero tila wala silang nalalaman kundi ang deklarasyon ng Red Cross na niyutral ang Hotel Le Phnom at ang French Embassy.

May isang nagpatahimik sa lahat at itinuro ang transistor na nasa mesang katabi ng Patriarka. Buhay na naman ang istasyon ng gobyerno at may maikling mensaha. Tinatawagan ang lahat ng ministro at nakatataas na opisyal ng sandatahang lakas sa Ministry of Information sa ganap na alas kuwatro ng hapon. “Alam na ninyo ngayon ang gagawin,” sabi ng Patriarka, “magpapadala rin ako ng sarili kong kinatawan.”

Makaraang umalis ang mga heneral at isang monghe, nagpalakad-lakad kami, nagtatanungan kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng iyon, iniisip kung pupunta kami sa French Embassy o sa hotel Le Phnom. Nanatiling nakaupo ang Patriarka sa kanyang bangko, mahinahong naghihintay.

Naging lalong kainip-inip ang paghihintay habang humahapon. Nagtatalo ang loob ko kung aalis kami, ngunit waring nakatatakot ang kawalan ng katiyakan, ang posibilidad na mahuli kami habang lumilikas, ang kaimposiblehan ng pagpaplano. Sa isang pagkakataon, humingi ako ng permiso sa Patriarka na matawagan ang French Embassy. Nang humingi ng asylum, sinabi ng nakausap ko na imposible para sa sinumang Cambodian ang pumasok sa French Embassy dahil guwardiyado ng mga Khmer Rouge ang pintuan. “Kahit na Patriarka mismo ang dumating,” sabi ng kausap ko, “hindi siya papasukin ng Khmer Rouge.” Ibinaba ko ang telepono, gulat na gulat na may Cambodian na hindi kumikilala sa awtoridad ng Patriarka. Sa kauna-unahang pagkakataon, napagtanto kong naipit kami.

Tinangka kong tawagan ang mga biyenan ko at si Anyung sa bahay. Walang sagot. Wala kaming magawa kundi maghintay. Nagpalakad-lakad ako, pilit na pinapayapa ang loob ni Any sa pagsasabi ng tungkol sa mga tawag at sa pamamagitan ng bahagyang pakikipag-usap sa mga bata. Masasaya naman ang mga anak ko, nakikipaglaro sa mga kasing-edad nila.

Nang magtakip-silim, mga alas sais, dumating ang kinatawan ng Patriarka. Sinundan ko siya habang nakikipahsiksikan sa karamihan ng mga tao patungo sa Patriarka, na nagtaas ng kamay para patahimikin ang lahat. Pinilit kong basahin kung may magandang mensahe sa kanyang mukha, ngunit blangko iyon.

Sabi niya’y maraming mga nakatataas na opisyal na Republikano at mga ministro sa miting; naroon din ang Prime Minister na si Long Boret. Naupo ang monghe sa tabi ng isang opisyal ng khmer Rouge na nakipag-usap naman sa kanya nang buong galang. Pinuri ng opisyal ang mga kabutihan ng Khmer rouge at sinabing maisasagawa na ang muling pagtatatag ng bansa sa tulong ng mga dating opisyal, intelektuwal at teknisyan. Nang itanong ng isang monghe ang tungkol sa ebakwasyon, umiling ang opisyal. Wala raw kabuluhan ang ganoong utos. Bakit daw iuutos ang pagpapalikas ng mga taong may malakas na pangangatwan gayong kakailanganin sila sa pagsasaayos ng ekonomiya.? “Sabi niya sa akin: nasa iyo ang aking palabra de honor, wala akong narinig na ganoong utos. Isa lamang iyong maniobra ng imperyalista. Ibig lamang nilang matakot ang mga taumbayan.” Nakahinga ako nang maluwag at ibinalita ko kay Any na hindi totoo ang usap-usapan ukol sa ebakwasyon, ngunit marami pang nagsisilikas ang dumating sa pagoda at nagsabing patuloy pa rin ang pagpapaalis sa mga tao. Tumindi ang aking pag-aalala. Alinman sa nagsisinungaling o walang nalalaman ang opisyal. Tumanggi ang monghe nang tanungin ni Oan, hindi raw maaaring magsinungaling ang opisyal. Ngunit maaari ring wala siyang nalalaman.Sumapit ang gabi. Muli kong tinawagan ang mga biyenan ko pero wala pa ring sagot. Nakikini-kinita ko ang pangit na larawan: ang mga magulang ni Any at ang kapatid niyang si Anyung, kasama ng agos ng mga nagsisilikas, hindi malaman kung saan patungo. Sinulyapan ko siya para pumayapa ang kanyang loob.

Dahil sa matinding pagod at pag-aalala, nakatulog kami sa mga banig na inilatag sa baldosang sahig ng pagoda – lahat kaming tatlumpu na nahahati sa iba’t ibang pamilya. Kakatwang pati ang mga bata, pati na si Nawath, ay naging masunurin sa aming kakaibang kalagayan at kalituhan. Ibinalot ko ang aking sa ilang damit at binuksan sa Voice of America sa Cambodian para makibalita. Wala. Pinatay ko ang radyo, pero hindi ako makatulog. Manaka-naka ang dating at alis ng mga taong naghahanap ng matutulugan, at bawat dumating ay nagpapatotoong patuloy ang ebakwasyon. Daan-daan ang nagsisiksikan sa pagoda at sa bakura nito, habang libu-libo naman ang mabilis na papalabas ng bayan.

Nang natutulog na kaming lahat – mga alas nuwebe siguro ng gabi – isang opisyal ng Khmer Rouge na may hawak na pistola ang pumasok. Mga kasing-edad ko siya, mga treinta anyos. Sa masakit na liwanag ng mga bombilya, naghihinalang tiningnan niya kami, nakatutok ang baril sa mga natutulog na parang may inaasahang lalaban sa kanya. Pagkaraa’y nakita niya ang anim na bisikleta at tatlong motorsiklong nakaparada sa may pintuan.

“Kanino ang motorsiklong ito?” sigaw niya. Walang sumagot. Isinuksok niya ang baril at pinuntahan ang mga bisikleta. Isang asul na Honda na mukhang bagung-bago ang kinuha niya. Nakakadena ito sa dalawa pang motorsiklo. Dalawang bese niyang sinabi: “sino ang may-ari ng motorsiklong ito?” At pagkaraan, “Kailangan ito ng Angkar!”

Angkar – ang Organisasyon: iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig kong ginamit sa ganoong paraan ang salitang iyon.

Wala pa ring nagsalita. Inihiga ng opisyal ang motorsiklo, inilabas ang kanyang baril at itinutok sa kadena. Dalawang beses siyang nagpaputok, magkasunod. Naputol ang kadena. Nakatatakot ang pagpunit ng mga putok sa katahimikan, lalo’t iisiping may mga batang natutulog. Nagising ang mga bata, nagpalinga-linga, natulala. Ilang saglit pa, sakay ng motorsiklong umalis ang opisyal, iniwan kaming natitigilan. Tiningnan ko si Any. Sinenyasan ko siyang manahimik.

Makailang sandali’y ibnulong sa akin ni Any, “Paano niya nagawa ang gano’n?”

“Ano’ng magagawa natin?” sagot ko.

Isang matagal na tingin ang ipinukol sa akin ng aking ama.

“Siguro naman, hindi lahat sila’y gano’n,” nagtatanggol na sabi ko sa kanya, pabulong din.

Labinlimang minuto pagkatapos, dalawa pang sundalo ang dumating at walang imik na kinuha ang dalawa pang motorsiklo.

Naging maliwanag sa akin at sa lahat ng naroon, na hindi pagnanakaw o pang-aangkin lamang ang mga kilos na iyon. May kahalagahan ang Patriarka na higit pa sa kanyang kalagayang panrelihiyon. Iginagalang siya, maging sa pinakamalalayong kanayunan sa Cambodia, ngunit dito, sa isang iglap ay napanoog namin ang tatlong taong parang hindi alam kung saan sila naroon, wala ni paggalang para sa Patriarka. Iyon ang unang babala na mawawasak na ang mabubuting kaugaliang taglay namin sa loob ng maraming dantaon.

Bago muling nakatulog, itinanong ng panganay naming si Sudath, “Kailan tayo uuwi, itay?” Hindi ako nakakibo. Si Any ang sumagot, “Matulog ka na ank, uuwi na tayo bukas.” Hindi ko na iyon mapaniwalaan, at siya man, sa palagay ko.

TATSULOK NA DAIGDIG
Ni Natsumi Soseki
Salin ni Aurora E. Batnag
ROMANTISISMO
NOBELANG HAPON

Paakyat sa landas ng bundok, nakapag-isip-isip ako. Kapag laging utak ang pinapangibabaw mo, magiging malupit ka, sumagwan ka sa ilog ng emosyon at matatangay ka ng agos. Palayain mo naman ang iyong mga hangarin at di ka mapakali sa iyong pagkakakulong. Hindi kasiya-siyang mamuhay rito, sa daigdig na ito. Habang lumulubha ang pagkayamot,ibig mong tumakas kung saan higit na magaan ang buhay. Pagdating lang sa puntong una mong napag-isip-isip na sadyang mahirap mabuhay kahit malayo na ang narating mo, saka isinisilang ang isang tula, o nalilikha ang isang larawan. Ang mundong ito ay di likha ng Diyos o ng demonyo kundi ng mga karaniwang tao sa ating paligid; yaong mga nakatira sa tapat o sa kapitbahay, na tinatangay ng pang-araw-araw na agos ng pamumuhay. Maaaring napakahirap mabuhay sa mundong ito na nilikha ng mga karaniwang tao pero may iba pa bang mapupuntahan? Kung mayroon man,tiyak iyon ay isang lupaing ³di-pantao´, at anong malay natin,baka mas kasumpasumpa pa ang mundong iyon kaysa rito? Hindi tayo makatatakas sa daigdig na ito. Samakatuwid, sa hirap ng buhay, wala kang magagawa kung di magpakaginhawa sa taghirap, bagamat maikling panahon lamang ang kaya mong tiisin, upang kahit papaano¶y makaya mo ang iyong maikling buhay. Sa puntong ito nagsisimula ang bokasyon ng isang alagad ng sining at dito rin itinatalaga ng langit ang gawain ng isang pintor. Pasalamatan mo ang langit dahil sa mga tao na sa iba¶t ibang paraan ng kanilang sining, ay naghahatid ng katiwasayan sa mundo at nagpapataba ng mga puso. Alin sa mundo ang lahat ng alalahanin at problemang nagpapabigat sa buhay sa halip ay ilarawan ang isang daigdig na punung-puno ng biyaya at pagmamahal. Magkakaroon ka ng musika, ng isang larawan, o tula, o iskultura. Hindi lang ito, idaragdag ko pang hindi kailangang magkatotoo ang pananaw na ito. Sapat nang ilarawan sa isip at magkakabuhay ang tula, magkakahimig ang awit. Bago mo pa man isulat ang iyong inisip, mararamdaman mong parang napupuno ang iyong dibdib ng kristal na taginting ng mga kampanilya; at kusang magliliwanag sa iyong mga mata ang lahat ng maningning na kulay, kahit di nagagalaw sa kabalyete ang iyong kanbas na di pa nahahaguran ng pintura. Sapat nang magkaroon ka ng ganitong pananaw sa buhay at ang marumi¶t bulgar na mundong ito ay magiging malinis at maganda sa mga mata ng iyong kaluluwa. Maging ang makata na wala pang naisusulat kahit isang taludtod, o ang pintor na walang pintura at wala pang naipipinta kahit isang bahagi ng kanbas, ay makatatagpo ng kaligtasan, at makaaangat sa mga makamundong hangarin at damdamin. Kailanma¶t ibig, mapapasok nila ang isang daigdig ng dalisay na kalinisan, at kapag naitapon ang pagkakasakim at pagkamakasarili, ay makapagbubuo ng walang katulad at di mapantayang daigdig. Sa lahat ng ito, higit pa silang maligaya kaysa sa mayayaman at tanyag; kaysa sa sino mang panginoon o prinsipeng nabuhay sa mundong ito; tunay na mas maligaya kaysa sa lahat ng nagtatamasa ng pagmamahal sa bulgar na mundong ito.
Pagkaraang mabuhay nang dalawampung taon, napag-isip-isip kong karapatdapat mamuhay sa mundong ito. Sa edad na beinte-singko, naunawaan ko na tulad ng liwanag at dilim na magkabilang tabi ng iisang bagay, saan man may liwanag ng araw, tiyak na may anino. Ngayon, sa edad na treinta, ganito ang nasasaisip ko: sa kailaliman ng kaligayahan, naroroon ang kalungkutan; at kung lalo kang maligaya, lalo ring matindi ang sakit. Subukin mong ihiwalay sa lungkot ang tuwa at mawawalan ka ng kapit sa buhay. Itabi mo ang mga ito sa isang sulok at guguho ang mundo. Mahalaga ang pera, pero kapag naipon, di ba nagiging problema lamang ito na bumabagabag hanggang sa pagtulog? Ang pag-ibig na nakatutuwa pero kapag nagkapatung-patong ang mga kagalakang ito hahanap-hanapin mo ang mga araw noong di mo pa kilala ang tuwa. Ang mga balikat ng estado, ang Gabinete, ang nagsusuporta ng mga pasanin para sa milyun-milyon, ang mga paa nito; at pabigat sa kanila ang mga sagutin ng gobyerno. Iwasan mong kumain ng napakasarap na bagay, at pakiramdam mo¶y may nakaligtaan ka. Kaunti lamang ang kainin mo at pagtindig mo sa mesa, mararamdaman mong gusto mo pang kumain. Kumain ka nang napakarami at pagkaraan ay sasama ang pakiramdam mo. Sa bahaging ito ng paglalakbay ng aking isip, napatapak ang aking kanang paa sa isang matulis na bato at nadulas ako. Tuluyan na akong bumagsak matapos kong bawiin ang kaliwang paa na bigla kong naisipa sa pagtatangkang mabalanse ang katawan ko. Mabuti na lamang at napaupo ako sa isang malaking bato na may lapad na tatlong piye, kaya ang nangyari lamang ay nakalog ang kahon ng pintura na nakasukbit sa aking balikat. Swerte na lamang at walang nasira. Nang tumayo ako at tumingin sa paligid, napansin ko sa dakong kaliwa ng landas ang isang namumukod na tuktok na korteng baliktad na balde. Nababalutan ito mula ibaba hanggang itaas ng makapal na berdeng puno, na di ko makilala kung cryptomeria o sipres. Sumasalit sa mga dahon ang ilang kumpol ng ligaw na cherry na kulay maputlang pula at dahil sa napakakapal na ulap sa ibabaw tila naglanguyan at naghalo ang mga kulay at imposibleng makita nang malinaw ang mga puwang sa pagitan ng mga puno at sanga. Nasa di kalayuan ang isang kalbong bundok. Namumukod ito sa paligid at parang abot-kamay lamang ang layo. Parang pinalakol ng isang higante ang walang kapunu-punong gilid nito at napakatarik ng batuhang mukha na diretsong pababa sa kapatagang nasa kailaliman. Sa tingin ko¶y pulang pino ang nag-iisang punong iyong nasa tuktok. Kitang-kita maging ang mga piraso ng langit na masisilip sa pagitan ng mga sanga. May dalawampung yarda sa dako pa roon, biglang naputol ang landas, pero pagtingala ko, may nakita akong isang pigurang nakabalot ng pulang kumot na pababa sa gilid ng bundok, at naitanong ko sa aking sarili, makarating kaya ako roon kung aakyat ako. Terible ang daang ito. Kung lupa lamang ito, hindi sana ganito katagal lakarin, pero may nakabaong malalaking bato sa daan.
Mapapantay mo ang lupa, pero nakausli pa rin ang mga bato. Mapagpipirapiraso mo ang maliliit na bato, pero hindi ang malalaki. Hindi mo maaalis ang mga batong iyon. Ang mga bato ay parang nangungutya at tiwalang-tiwala sa sarili na nakapwestong di masusupil sa tambak ng di patag na lupa. Wala yatang daan dito na di mo muna paghihirapan. Kung gayon, dahil ayaw magparaan ng ating kalabang di mapagbigay, kailangang umakyat tayo o kaya¶y ikutan ito. Hindi pa rin madaling lakarin ang lugar na ito kahit hindi ito mabato. Mataas ang magkabilang tabi at may hukay sa gitna ng landas. Ang hukay na ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng heometriya. Tatsulok ito na ang lapad ay may anim na piye, na ang mga gilid ay nagtatagpo sa isang matulis na anggulo, na nasa gitna ng landas. Para kang naglalakad sa ilalim ng ilog sa halip nasa isang landas. Dahil sa simula pa¶y di ko na inisip na magmadali, magdahan-dahan lang ako sa paglakad at haharapin ang di mabilang na paliku-liko kapag nanduon na. Sa ibaba ng aking kinatatayuan, biglang umawit ang isang pipit. Ngunit kahit gaano ko pa man titigan ang kapatagan, talagang ni anino ng ibon ay di ko makita; ni hindi ko malaman kung saan ito naroroon. Malinaw kong naririnig ang tinig nito, pero hanggang doon lamang. Dahil malakas at walang tigil ang pagawit ng ibon, pakiramdam ko¶y masiglang nagpaparoo¶t parito ang hangin para matakasan ang nakaiinis na kagat ng libu-libong pulgas. Talagang hindi tumigil ang ibong iyon kahit saglit. Para bang hindi ito masisiyahan hangga¶t hindi nakaaawit nang husto araw at gabi sa buong nakasisiyang tagsibol; at hindi lamang umawit kundi patuloy na lumipad magpakailanman. Walang dudang doon na mamamatay ang pipit sa itaas ng ulap. Maaring sa pinakaitaas ng kanyang paglipad, mararating ng pipit ang lumulutang na ulap at doo¶y lubusang maglalaho hanggang sa tanging boses na lamang ang maiiwan, na ikinukubli ng hangin. Biglang lumiko ang landas sa isang nakausling kanto ng bato. Ang isang bulag ay maaring magtuluy-tuloy hanggang sa bingit, pero naiwasan ko ang peligro at nakuha kong kumanan. Sa ibaba, natanaw ko ang mga rape-blossom na parang alpombrang nakalatag sa kapatagan. Mapapadpad kaya roon ang isang pipit? ± Hindi. Siguro, naisip ko, lilipad ito mula sa mga ginintuang bukirin. Pagkaraa¶y inilarawan ko sa isip ang dalawang pipit, ang isa¶y pasisid habang ang isa nama¶y paitaas, nagkasalubong sa paglipad. Sa wakas ay naisip kong pasisid man o paitaas o magkasalubong man sa paglipad, malamang magpapatuloy pa rin ang masiglang pag-awit ng pipit. Sa tagsibol, inaantok ang lahat. Nalilimutan ng pusa na manghuli ng daga, at nalilimutan ng tao ang kanilang mga utang. Kung minsan, pati kaluluwa¶y nalilimutan nila at sila¶y nagmimistulang tuliro. Ngunit nang tanawin ko ang dagat na iyon ng mga rapeblossom, waring natauhan ako. At nang marinig ko ang awit ng pipit, naglaho ang ulap at muli kong natagpuan ang aking kaluluwa.Hindi lamang lalamunan ang umaawit sa pipit, kundi ang kabuuan nito. Sa lahat ng nilalang na maaaring magsatinig sa mga gawain ng kaluluwa, walang sinlakas at buhay na buhay na gaya ng pipit. Tunay itong kaligayahan. Kung nasasaisip mo ito at maaabot mo ang ganitong antas ng kaligayahan, iyon ay tula. Biglang pumasok sa isip ko ang tula ni Shelley tungkol sa pipit. Tinangka kong bigkasin, pero dadalawa o tatlong saknong lang ang naaalala ko. Narito ang ilang taludtod:
Lumilingon at tumatanaw Hinahangad ang wala sa kamay: May halong pait Ang pinakamatapat mang halakhak, Pinakamatamis ang awit tungkol Sa pinakamatinding sakit.
Gaano man kaligaya ang makata, hindi niya maibubuhos sa awit ang kanyang galak tulad ng malaya at walang pakialam na taos-pusong pag-awit ng pipit. Madalas gamitin sa Kanluraning panulaan, at makikita rin sa panulaang Tsino, ang pariralang ³di mabilang na bushel ng kalungkutan.´ Marahil, bushel ang ginagamit sa pagsukat sa lungkot ng makata, samantalang sa kariniwang tao ay ni hindi pa makapupuno ng pint man lamang. Marahil, ngayong napag-isip-isip ko, dahil mas mapagalala ang makata kaysa sa karaniwang tao, mas matalas ang kanyang pakiramdam. Totoong may mga sandaling nakadarama siya ng di masukat na tuwa, pero mas madalas din naman siyang nakadama ng di masukat na lungkot. Dahil dito, dapat munang isaalang-alang na mabuti bago ka magpasiyang maging makata.Dito, pantay-pantay ang landas nang may ilang hakbang. Nasa kanan ang burol na natatakpan ng mga palumpong, at sa kaliwa naman, hanggang sa maaabot ng tanaw ay puro rape-blossom. Sa magkabila, nakatapak ako ng mga dandelion, na may mga dahong parang ngipin ng lagari na nakatayong nagmamalaki upang ipagtanggol ang ginintuang lobo sa gitna. Nakapanghihinayang dahil sa katatanaw ko sa mga rape-blossom ay natapakan ko ang mga dandelion. Pero paglingon ko, nakita kong di nagalaw ang mga ginintuang lobo sa pagitan ng mga nagsasanggalang na dahon. Kaylayang buhay! Binalikan kong muli ang aking iniisip. Siguro, hindi mawawala sa makata ang kalungkutan, pero nang marinig kong umaawit ang pipit, ni katiting na sakit o lungkot ay wala akong naramdaman; at pagtingin ko sa mga rape-blossom, ang tanging alam ko¶y lumulukso at sumasayaw ang aking puso. Gayon din ang nadama ko nang makita ang dandelion at ang namumukadkad na cherry, na ngayo¶y nawala na sa aking paningin. Doon sa kabundukan, malapit sa kagalakang hatid ng kalikasan, lahat ng makikita mo at maririnig ay nakasisiya. Ito¶y galak na di mababawasan ng alinmang hirap. Posibleng manakit ang mga binti mo, o maaring sabihin mong wala kang makaing masarap, pero iyon lang, at wala nang iba. Bakit kaya ganito? Siguro, dahil pagtingin mo sa tanawin para bang nakatingin ka sa isang larawang binuksan para sa iyo, o kaya¶y nagbabasa ka ng tula sa isang iskul. Sarili mo ang buong paligid, pero dahil iyo¶y gaya ng larawan o tula, hindi mo naiisipang paunlarin ito, o magkapera sa pamamagitan ng pagtatayo ng riles mula sa siyudad. Wala kang inaalalang anuman sapagkat tanggap mo ang katotohanang walang magagawa ang tanawing ito para busugin ka o kaya¶y dagdagan ng kahit kusing ang iyong suweldo, kaya kuntento ka nang pagmasdan na lamang ito. Ito ang malaking pang-akit ng Kalikasan na sa isang kisap-mata, madidisiplina nito ang puso at isip, maisasantbi ang lahat ng paghamak, at ihahatid ang mga ito sa dalisay at walang dungis na daigdig na tula. Sa obhetibong pananaw, masasabing maganda ang pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang asawa o sa kanyang mga magulang, at mainam maging tapat at makabayan. Ngunit kapag kasangkot ka na sa mga ito, bubulagin ka ng marahas na agos ng mga kontra at kampi, mga bentaha at disbentaha, at di mo na makikita ang ganda at kinang, at tuluyan nang maglalaho ang tula. Para mapahalagahan ang tula, kailangang lumagay ka sa lugar ng miron na dahil puwedeng lumayo, ay makikita ang tunay na nangyayari. Sa puwestong ito lamang magiging nakasisiya ang isang nobela o dula dahil malaya ka sa mga personal na interes. Makata lamang habang nanonood o nagbabasa, at di ka pa aktuwal na kasangkot.Pagkasabi nito, dapat kong amining karamihan ng mga dula at nobela ay puno ng pagdurusa, at pagluha, kaya kahit miron lamang ay di maaaring di masangkot sa emosyon. Matatagpuan na lamang niya, na sa isang punto ay karamay na siya, at nagdurusa rin, naiinis, nagiging palaaway, at umiiyak. Sa ganitong pagkakataon, ang tanging bentaha sa kanyang puwesto ay ang pagyayaring hindi siya apektado ng ano mang damdamin ng kasakiman o paghahangad ng personal na ganansiya. Ngunit ang kawalan niya ng interes ay nangangahulugang ang ibang mga damdamin niya¶y higit pang matindi sa karaniwan. Kaysaklap naman! Sa loob ng mahigit na tatlumpong taon ng pamumuhay sa daigdig na ito, labis na ang nararanasan kong pagdurusa, galit, paglaban, at kalungkutan na di napapawi; at talagang napakahirap kung paulitulit na matatambakan ng pampagising sa mga emosyong ito kapag nagpupunta ako sa teatro, o kapag nagbabasa ako ng mga nobela. Ibig ko ng tulang naiiba sa karaniwan, at nag-aangat sa akin, kahit pansamantala, mula sa alikabok at dumi ng pang-araw-araw na buhay; hindi yaong nagpapatindi nang higit sa karaniwan sa aking damdamin. Walang duda, gaano man kadakila, na walang emosyon at iilang nobela ang tiwalag sa konsepto ng tama at mali. Tatak na ng nakararaming mandudula at nobelista ang kawalang kakayahang humakbang palabas sa makamundong ito. Ang mga kalikasang pantao ang sentro ng paksa ng mga Kanluraning makata sa partikular kaya di nila pinapansin ang daigdig ng dalisay na panulaan. Dahil dito, pagdating sa dulo ay mapapahinto sila dahil hindi nila alam kung may matatagpuan pa sa dako pa roon. Kuntento na silang talakayin ang karaniwang itinitindang simpatiya, pag- ibig, katarungan, at kalayaan, na pawang matatagpuan sa pansamantalang palengke na tinatawag nating buhay. Maging ang pinakamatulin sa mga ito ay abalang-abala sa pangaraw-araw na gawain, kaya ni hindi na nagkakapanahong kalimutan ang susunod na pagbabayaran. Hindi kataka-takang nakahinga nang maluwag si Shelley nang marinig niya ang awit ng pipit. Mabuti na lamang at paminsanminsan, ang mga makatang Silanganin ay nagkakaroon ng sapat na pagkaunawa upang makapasok sa daigdig ng dalisay na panulaan.
Sa ilalim ng halamang-bakod Sa Silangan pumili ako ng krisantemo, At naglakbay ang aking paningin sa mga Burol sa Timog.
Dadalawang taludtod, ngunit kapag nabasa mo ang mga ito, lubos mong mamamalayan kung papaanong ganap na nagtagumpay ang makata na makalaya sa mapaniil na mundong ito. Hindi ito tungkol sa babaeng nakasilip sa kabilang bakod; o sa mahal na kaibigang nakatira sa kabilang burol. Ang makata ay nasa ibabaw ng lahat ng ito. Sapagkat natanggal na niya ang lahat ng alalahanin tungkol sa bentaha at disbentaha, tubo at pagkalugi, natamo na niya ang dalisay na takbo ng isip.
Nag-iisa, sa gitna ng kawayanan Kinalabit ko ang kuwerdas; At mula sa aking alpa Pumailanlang ang nota.
Sa madilim at di dinadaanang landas Tumatanglaw ang buwan sa pagitan ng mga dahon.
Sa pagitan ng iilang maikling linyang ito, isang buo at bagong mundo ang malilikha. Ang pagpasok sa mundong ito ay di tulad ng pagpasok sa mundo sa mga popular na nobelang gaya ng Hototogisu at Konjiki Yasha. Para itong pagtulog nang mahimbing at pagtakas sa nakapapagod na mga bapor, tren, karapatan, tungkulin, moral, at kagandahang- asal. Ang uring ito ng tula, na hiwalay sa mundo at sa mga problema nito, ay sing-halaga ng pagtulog upang matagalan natin ang bilis ng pamumuhay sa ikadalawampung dantaon. Gayon man, sa kasamaang palad, lahat ng makabagong makata, kabilang na ang kanilang mga mambabasa, ay labis na nabighani sa mga Kanluraning manunulat kaya hindi makuhang maglakbay sa lupain ng dalisay na tula. Hindi ko talagang propesyon ang pagtula, kaya hindi ko intensiyong mangaral tungkol sa makabagong panulaan, upang mapagbagong-loob ang iba na sumunod sa uri ng pamumuhay nina Wang Wei at Tao Yuan-Ming. Sapat nang sabihing sa aking opinyon, ang inspirasyong natatamo sa kanilang mga akda ay higit pang mabisang panlaban sa mga problema ng makabagong pamumuhay kaysa sa panonood ng sine o pagdalo sa mga sayawan. Bukod dito, para sa akin, ay higit na kasiya-siya ang ganitong uri ng tula kaysa sa Faust o Hamlet. Ito ang tanging dahilan kung bakit pagdating ng tagsibol, mag-isa kong nilalakad ang landas sa bundok, sukbit sa balikat ang aking tripod at kahon ng pintura. Hinahanap-hanap kong makuha mula sa Kalikasan mismo ang kahit na bahagyang atmospera ng daigdig nina Yuan-Ming at Wang Wei; at kahit pansamantala lamang, naglalakad-lakad ako sa lupaing lubusang hiwalay sa mga pandama at emosyon. Ito'y isang kakatwang ugali ko. Mangyari pa, tao lamang ako. Kaya gaano man kahalaga sa amin ang ganitong napakasarap na pagkatiwalag sa mundo, may hanggan kung saan ako makapag-iisa sa isang panahon. Hindi ako naniniwalang maging si Tao Yuan-Ming ay walang tigil na pinagmasdan ang mga Katimugang burol sa loob ng ilang taon. Ni hindi ko mailarawan sa isip si Wang Wei na natutulog sa kanyang pinakamamahal na kawayanan nang walang kulambo. Malamang, ipinagbibili ni Tao sa isang magbubulaklak ang lahat ng krisantemong di na niya kailangan, samantalang naunahan naman ni Wang ang gobyerno sa pagbebenta ng labong sa lokal na pamilihan. Iyan ang uri ng pagkatao ko. Gaano man ako naakit sa pipit at sa mga rape-blossom, mortal pa rin ako at di nagnanais magkamping sa gitna ng kabundukan. May makikilala ka kahit sa isang lugar na tulad nito; sa isang matandang lalaki na nakapaloob sa likod ang kimono at may bandang nakabuhol sa baba; isang kabataang babaeng nakapaldang pula; kung minsan, may makakasalubong ka pang kabayo na ang mukha ay higit na mahaba kaysa sa tao. May bahid pa rin ng amoy ng mga tao ang hangin kahit dito sa taas na ilang daang piye mula sa kapatagan ng dagat. Hindi yata tamang sabihing "may bahid ", dahil inaakyat ko ang bundok na ito sa pag-asang makapagpalipas ng gabi sa isang otel sa mga mainit na bukal na Nakoi. Depende sa kinaroroonan mo, ang isang bagay ay maaring magmukhang ibang-iba. Minsan,sinabi ni Leonardo da Vinci sa isang estudyante: " Pakinggan mo ang tunog ng kampanang iyon. Iisa lang ang kampana, pero maririnig mo ito sa napakaraming paraan." Dahil sa subhetibo ang paghuhusga natin, maaring magkaiba-iba ang mga opinyon tungkol sa iisang tao, lalaki man o babae. Sa ano't ano man, dahil ang layunin ko sa paglalakbay na ito ay pagtagumpayan ang emosyon, at masdan ang mga bagay-bagay nang walang damdamin tiyak na iba na ang tingin ko sa mga tao ngayon kaysa noong namumuhay pa ako sa piling nila sa isang masikip na klayenon sa magulo at isinumpang siyudad - ang daigdig ng tao. Di man ako maging ganap na obhetibo, kahit papaano, ang damdamin ko'y di dapat maging mas matindi pa kaysa kung ako'y nanonood ng dulang Noh. Kung minsan, maging ang Noh ay nagiging sentimental. Papaano makatitiyak na hindi ka paluluhain ng Shickikiochi o Sumidagawa? Gayon man, tunay na emosyon ang treinta porsiyento ng Noh, at teknik naman ang natitirang sitenta porsiyento nito. Ang husay at pang-akit ng Noh ay hindi dahil mahusay nitong ipinamamalas ang emosyon at ugnayang pantao na parang tunay na buhay kundi dahil humahango ito ng mga pangyayaring pangkaraniwan saka ito dinadamitan ng patung-patong na sining, upang makalikha ng mabagal at halos nakaaantok na modelo ng kaasalan, na di makikita sa tunay na buhay. Ano kaya ang mangyayari, kung habang isinasagawa ko ang maikling paglalakbay na ito, ay ituturing kong bahagi ng dulang Noh ang mga pangyayari, at ang mga taong nakikilala ko ay mga aktor. Dahil tula ang pangunahing layunin ng paglalakbay na ito, ibig kong samantalahin na ang pagkakataon ng pagiging malapit sa kapaligirang Noh sa pamamagitan ng pagtitimpi sa aking mga emosyon hangga't maari, bagamat alam kong hindi ko lubusang maisasantabi ang mga iyon. Ang "Katimugang mga Burol" at mga "Kawayanan", ang pipit at mga rape-blossom ay may taglay na sariling karakter, na ibang-iba sa sangkatauhan. Gayon man, hangga't maari, ibig kong pagmasdan ang mga tao mula sa punto de bista ng dalisay na mundo ng tula. Kay Bassho, kahit ang kabayong umiihi sa tabi ng kanyang unan ay eleganteng paksa ng Hokku. Mula ngayon, ituturing ko na ring bahagi lamang ng pangkahalatang kanbas ng Kalikasan ang lahat ng makita kong magsasaka, negosyante, klerk sa nayon, matandang babae at lalaki. Alam kong naiiba sila sa mga pigura sa isang larawan, dahil bawat isa'y kikilos ayon sa gusto niya. Gayun pa man, sa palagay ko'y bulgar ang pagsusuri ng karaniwang nobelista sa kanilang mga tauhan, ang pagtatangka nilang silipin ang isipan ng mga ito at ang pakikialam sa pang-araw-araw nilang mga problema. Walang halaga sa akin kahit gumagalaw ang mga tao, dahil iisipin kong sila'y gumagalaw sa larawan lamang; at ang mga pigura sa isang larawan, gumalaw man nang gumalaw, ay nakakulong sa dadalawang dimensiyon. Siyempre, kung iisipin mong may tatlong dimensiyon sila, magkakaroon ng kumplikasyon dahil makikita mo na lamang na natutulak ka, at minsan pa, mapipilitan kang pag-isipan ang inyong pagbabanggaan ng mga interes. Maliwanag na imposible para kanino mang nasa sitwasyong ito na tingnan ang mga bagay sa punto de bista ng sining. Mula ngayon, magiging obhetibo ako sa pagmamasid sa lahat ng makikilala ko. Sa ganitong paraan, makaiiwas ako sa ano mang ugnayang emosyonal na maaring mamagitan sa aming dalawa, kaya hindi ako maaapektuhan gaano man siya kalapit sa akin. Sa maikling salita, para lang akong nakatayo sa harap ng isang larawan , nagmamasid sa masiglang kilos ng mga tauhan dito. Sa layong tatlong piye mula sa kanbas, mahinahon mo itong mapagmamasdan, dahil walang panganib na masasangkot. Sa ibang salita, hindi maaagaw ng sariling interes ang iyong kakayahang mag-iisip kaya maibubuhos mo ang atensiyon sa pagmamasid sa mga galaw ng mga tauhan mula sa artistikong pananaw. Nangangahulugang maibubuhos mo nang husto ang iyong pansin sa paghusga sa kung alin ang maganda at alin ang hindi. Nang makabuo ako ng ganitong konklusyon, napatingala ako at napansin kong nagbabanta ang langit. Pakiramdam ko'y nasa tuktok ko na ang bigat ng ulap. Ngunit halos di ko napansin, biglang kumalat ang ulap at ang buong kalangitan ay naging isang napakagandang dagat ng ulap, na naghuhulog ng masinsing patak ng ulang tagsibol. Nasa pagitan na ako ngayon ng dalawang bundok at malayo ang mga rape-blossom. Hindi ko nga lamang masabi kung gaano na kalayo, dahil napakasinsin ng ulan. Paminsan-minsan, may sumasalit na hangin at nahahawi ang mataas na kurtinang ulap, saka lilitaw sa dakong kanan ang maitim na abuhing gilid ng bundok. Tila may mga kabundukang nakalatag sa kabila ng kapatagan. Sa dakong kaliwa, tanaw ko ang paanan ng isa pang bundok, at kung minsan sa kabila ng parang kurtinang ambon, nabubuo ang tila aninong hugis ng mga punong pino, na nalalabas saglit at muling magtatago. Hindi ko alam kung ulan o ang mga puno ang gumagalaw, o kung ang lahat ng nasasaksihan ko ay bahagi lamang ng panaginip. Ano man iyon, sa tingin ko'y ibang-iba sa karaniwan at napakaganda. Sa dakong ito, di ko inaasahang naging napakaluwag ng daanan; dahil pantay ito, ang paglalakad ay hindi napakasakit sa likod na gaya ng dati. Mabuti naman, dahil hindi ko napaghandaan ang ulan mula sa aking sumbrero nang makarinig ako ng pagkuliling ng mga kampanilya sa layong sampu o labindalawang yarda. Mula sa kadiliman, sumulpot ang anino ng kutsero.
"May alam ba kayong matitigilan dito?"
"May tea house sa banda roon, mga isang milya ang layo. Basang-basa na kayo, a!" Isang milya pa! Lumingon ako at pinagmasdan ang kutsero na nagmimistulang anino sa isang umaandap na mahiwagang lampara, hanggang sa unti-unting sumanib ang anyo nito sa ulan at lubusang mawala sa paningin. Ang mga patak ng ulan, na kanina'y parang pinung-pinong ipa na tinatangay ng hangin, ay papalaki na ngayon at papahaba, at nakikita ko nang buo ang bawat patak. Basang-basa na ang aking haori at ang ulang bumabasa maging sa aking mga panloob na kasuotan, ay maligamgam na sa init ng aking katawan. Napakakawawa ng pakiramdam ko kaya itinakip ko sa isang mata ang aking sumbrero at binilisan ang paglakad. Kung sa iba mangyayari ito, naisip ko na ang pagkabasa sa ulan na napaliligiran ng di mabilang na patak ng pilak habang naglalakad sa abuhing kalawakan, ay magandang paksa ng isang kahangahangang tula. Kapag lubos ko lamang nalimutan ang aking materyal na buhay, at tiningnan ang aking sarili sa isang obhetibong pananaw, saka ko pa lamang maiaakma ang sarili, tulad ng pigura sa larawan sa kagandahan ng Kalikasan sa aking paligid. Sa sandaling mainis ako sa ulan, o mayamot dahil sa pagod na ako sa paglalakad, hindi na ako ang karakter sa isang tula, o ang pigura sa isang larawan, at muli akong mababalik sa dating walang pang-unawa at walang pakiramdam na lalaki sa kalye gaya ng dati. Kung ganoon ay bulag ako sa kagandahan ng nagdaraang ulap; walang pakiramdam sa pagkalagas ng bulaklak o iyak ng ibon, at lalo nang walang pagpapahalaga sa napakagandang larawan ng aking sarili na nag-iisang naglalakad sa kabundunkan isang araw ng tagsibol. Nang una, hinatak ko pababa ang sumbrero at binilisan ko ang paglakad. Nang malaunan, pinagmasdan kong mabuti ang mga paa ko. Sa wakas, talunan at laylay ang mga balikat, humakbang akong parang kawawangkawawa. Sa lahat ng dako, inaalog ng hangin ang mga tuktok ng puno, at pinagmamadali ang ulilang naglalakad. Pakiramdam ko'y napalayo na ako nang husto sa sangkatauhan!

LUPAIN NG TAGLAMIG
AKDA NI: YASUMARI KAWABATA
SALIN NI ROGELIO R. SIKAT
FEMINISMO
NOBELANG HAPON

noon lipas na ang panahon ng panganib dahil sa pagguho ng yelo dumating na ang panahon ng pag akyat ng bundok sa kaluntian na tagsibol. si shimamura nabubuhay sa kawalan ng magawa ay nakatuklas na kung minsan nawawala ang katapatan nya sa sarili at malimit siyang nagpupunta ng bundok mag isa upang mabawirito ang kung anong bahagi nito .bumaba sya sa nayon ng mainit na bukal pagkaraan ng 7 araw sa hangganan sa bundok.sa isang katulong sa otel nagpatawag sya ng isang geisha.. ngunit okupado lahat ang lahat ng geisha dahil may selebretion roon..nabanggit ng katulong ang babaeng nakatira sa bahay ng titser sa musika na tumutulong kapag may pagtitipong nagaganap .nagusisa pa si shimamura nagkwento ang katulong tungkol sa babaeng nakatira sa bahay ng titser sa samesen at sayaw ..may kasama syang babae ngunit hindi geisha tumutulong lang ito sa pagtitipon.. pagkaraan ng isang oras dumatinng ang babaeng nakatira sa titser ng musika kasama ng katulong.tumayo si shimamura paalis na ang katulong ngunit tinawag ito ng babae . nagbigay ang babae ng impresyon ng kasariwaan at kalinisan.isat kalahating oras ng simulan nilang pagusapn ang kabukinapancn niyang mas maraming alam ang babae kesa sa kanya sa kabuki.. nagkwento ang babae na parang wala ng bukas at sabik sya sa isang tagapakinig, inisip ni shimamura na ito ay isang baguhan.. natagpuan nya ang sarili nya sa babaeng iyon. humanga si shimamura sa babaeng iyon na higit pa sa pkikipagkaibigan.. hiniling ni shimamura sa babae na ikuha ito ng isang geisha , inaakala niyang lahat ng geisha ay kapareho ng babae.. sabi ng babae hindi ako pumasok dito para utusan ng ganyan .. nagalit ang babae sa hiniling ni shimamura na ihanap sya ng isang geisha .

Similar Documents

Free Essay

Power of Story

...I have to admit, going shopping for books can definitely be entertaining, but I must also confess that when it comes to buying books, I am a little bias toward novels with pretty pictures on the cover. Maybe it is because in today’s society we are taught to judge everything by appearance, but maybe it is really because growing up my dad read me books with lots of colorful images before bedtime and usually the prettier the pictures in the story the better it was. In books for younger kids most books contain extravagant images accompanied by a few simple words. The artist’s job for children’s books is, in my opinion, is more important than the author’s. I relied on the artist to tell the story, like Mozart relied solely on music to get across his story. When I started to move on to chapter books such as the Cam Jansen series, I would flip through the book, letting the pages fly underneath my thumb, and be disappointed at the lack of color. Not a single picture appeared. I thought that it was the worst thing in the world because it meant from then on I would be forced to read dull pages. Contrary to my initial thoughts, when I cracked open that first book I was unable to put it down until I finished. I was amazed at how I had just seen into another person’s mind and lived with a different identity for that hour. I was no longer Sam Maxwell, I was Cam Jansen the crime solver. I had my own private movie showing in my head. I read lots of Cam Jansen books following the first one and...

Words: 1579 - Pages: 7

Free Essay

Short Stories

...Spring Semester, Unit 1 Common Assessment MWJH Seventh Grade Language Arts Instructions: For questions 1-16, read O. Henry’s “After Twenty Years” beginning on page 324 in the blue Prentice Hall literature book. 1. From which perspective does the narrator tell this story? A. First person B. Third person limited C. Third person omniscient D. Third person objective 2. Which of the following choices best describes how a reader can determine the narrator’s perspective in this story? A. The story features such pronouns as I, me, my, etc., and the narrator is a character. B. The story features such pronouns as he, she, they, them, etc. The narrator is not a character and only follows the thoughts and feelings of one character. C. The story features such pronouns as he, she, they, them, etc. The narrator is not a character and is apparently able to follow the thoughts and feelings of all characters. D. The story features such pronouns as he, she, they, them, etc. The narrator is not a character and only tells the events of the story through action and dialogue—no thoughts and feelings from the characters. 3. Which of the following choices features the type of figurative language that is used in the first sentence of “After Twenty Years”? A. idiom B. metaphor C. simile D. personification 4. Which of the following choices best describes the imagery produced by the figurative language and narration within the first few sentences...

Words: 2025 - Pages: 9

Free Essay

Story

...short stories, 250 words long look up, look to the sides, just don’t look at the reflection in the bar mirror She’s a red dress and thick rimmed glasses and all sorts of wit and intelligence in conversation. Next to her is a man that’s just a little more dim witted and a flannel shirt that was pressed just slightly too recently. And all around them are duplicates; replicants- people that are acquaintances or soon to be fair weather friends. All around them are life paths that they were one butterfly away from taking. The woman in the red dress is yawning now- opening her mouth so wide people near her can see the fills in her molars- but she doesn’t yawn consciously. She is uncouth without even giving a thought to it. She is feeling tired. More importantly, she’s feeling hungry- trying to eat in all the air that is around to prove to herself that her heart still beats and it’s not all just a dream. Among all of the people by the bar there is color- various colors- some bright, some subdued and pastel. The coloring of their clothing tell stories that are alike in their uniqueness. She lays one hand on the bar and shakes her head. He looks at her, concerned, and asks what’s wrong. “Nothing,” she lies. “Are you sure?” he asks. “Yes. Let’s dance.” She takes his hand out of his pocket, lifts him away from the bar, and they sway back and forth, back and forth, until all the notes blend into one beat. Until she can create the illusion...

Words: 292 - Pages: 2

Premium Essay

Story

...the message in the story. The waiting room can be a symbol of purgatory for some. “The doctor’s waiting room, which was very small was almost full when the Turpins entered and Mrs.Turpin, who was very large in her presence” (revelation 191) If O’connor would not have put in the story wouldn’t have as much meaning “it takes every word in the story to say what the meaning is.” (O’Connor 334) This critic being O’connor herself, implies it takes everything necessary to establish the meaning in the story. Without the waiting room Mrs.Turpin revelation would not have been a reality. The key to the waiting room is when Mary Grace throws the book at Mrs.Turpin, another example of symbolism. “The book struck her directly over her left eye.”(206) It is with this act that helps Mrs. Turpin achieve her revelation. The throwing of the book is seen as symbolism because that violent act opens the eyes of Mrs.Turpin. “the short story requires more drastic procedures then the novel because more has to be accomplished in less space.”(333) This critic feels this act of symbolism must be drastic enough because it will be the only thing capable of showing the error of her ways. It was essential that the book was thrown, Mrs.Turnpin being how full of herself as she was, because the violence was the only way it would be the only way to get her revelation. What Mrs.Turpin dialogue is key, without her smug talk there would be no story. She degrades many people in the story, and she constantly...

Words: 400 - Pages: 2

Free Essay

Stories and Consequences of War

...joining the army. There are two stories that help to explain what exactly you do in the army and the effects it has on you. One of the stories is "Soldier's Home" by Ernest Hemingway and the other one is "How to Tell a True War Story" by Tim O'Brien. Both stories have similarities and differences. They are told from different points of view and different situations. “Soldier’s Home” is mainly about a boy named Krebs. Krebs is a boy who enlisted in the Marines in 1917 and did not went back home until summer 1919. I think that Krebs is the way he is because he went away to war without being fully mature. He ended up growing up while in the war, away from his family and everyone he loved. He came home from war so much later because he did not want to face the changes that have happened in his town. I think he was scare to come home because war also changed his way of thinking. Krebs does not get involved with women once he's home because he does not want to work to get a girl. He thinks that American girls are too complicated and that he needs to go through many things to get one of them. He got used to the way European women were because without you talking to them, they would become your friend. Now, thanks to his mother's advice, he is thinking of becoming successful in live. Things like getting a job are rounding his mind. “How to Tell a True War Story” is about O’Brien’s own experience as a soldier and a story his friend told him. The story is mainly about things that happened...

Words: 631 - Pages: 3

Premium Essay

The Story of the

...The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The The...

Words: 265 - Pages: 2

Premium Essay

How Theme Shapes a Story

...Theme Shapes a Story By Trina Carr English 125 Instructor: Clifton Edwards Running Head: Theme page 1 Like many people who haven’t studied literature, if someone asked me what the theme of a story was, I would have given a synopsis of the story detailing the actions and characters in it. As I have come to learn, theme is much more than a distilled retelling of a story. Theme gives a story a deeper meaning. The theme focuses the story and is the behind the scenes force that propels the story forward. In other words it gives the story purpose and shape. “Theme will attempt to hold all the elements of your story in place. It is like a cup. A vessel. A goblet”(Bain, T 2010). In this paper will attempt to explore how literary elements like symbolism and character build and affect the narrative of theme in a story. One element of a story’s theme is symbolism. Symbolism according to our text is something that has a literal identity but also stands for something else (Clugston, R 2010). For an example the five interlocking ring of the Olympic symbol. Clearly they can be identified as ring, but when they are colored blue, yellow, black, green and red, they become much more. They are a symbol of the pinicle of atheletic compition and excellence. Symbolism in literature gives the writer’s work texture. It is one element that is used to provide the reader with a deeper meaning of the story. It is what makes...

Words: 623 - Pages: 3

Premium Essay

How to Tell a War Story

...Richie Burner ENWR-106 How to Tell a True War Story 26 February, 2013 If you don’t know how to analyze writing and don’t understand metaphoric speaking then this is not a story for you. O’Brien constantly goes against every Americans thoughts of a war story; he tells the reader that they’re all fake. O’Brien believes war stories don’t actually have to do with people do with heroic things, because every solider is a hero. The average person who was not in combat would not get a true war story because no one has experienced what soldier’s experience. They have seen things and felt things emotionally that no other person will ever see or feel. A ex soldier out look on life is completely different than your average person because they are use to different life style. So all this boils down to one thing, no one will ever understand soldier’s and O’Brien uses “How to Tell a True War Story” to prove this. Through out the story O’Brien talks to the reader as if they don’t know anything. Although he has to approach the reader like this so he can thoroughly explain his point. Since no one understands a soldier’s life he has to write this way, the misunderstanding of soldiers is proven within the first page of the story when rat explains his friend to his sister in a letter that he sent her. “ Stainless steel balls, Rat tells her. The guy was a little crazy, for sure, but crazy in a good way, a real daredevil, because he liked the challenge of it, he liked testing him self, just...

Words: 1771 - Pages: 8

Free Essay

Short Stories

...Short Stories – A beneficial piece of teaching material by Christoph Kant Matr. Nr. 282-345-86 Kurs: Short Stories in the EFL-Classroom Dozent: Stephen Mason Kassel, 20.09.2012 Content: 1. Introduction3 2. A brief history of EFL teaching-styles3 3. Teaching „the skills“4 4. Motivational advantages8 5. Providing literary knowledge8 6. The cultural aspect 10 7. Encouraging/developing critical thinking 11 8. Conclusion 12 References 14 1.) Introduction: In this paper I would like to discuss the advantages that teaching the short story as a major part of a teaching concept brings to the EFL classroom and present several example tasks of how to integrate short stories into ones „teaching portfolio“. Whereas some people might believe that teaching the short story benefits students only from a linguistic standpoint, those people really do not get the big picture. Yes, there are obvious linguistic benefits you can draw from teaching short stories, but the most important factor is motivation. This hales from the structure of short stories themselves. As almost all of them have a beginning, a main part and an ending, students are most likely encouraged to read the story all the way through, to see what the outcome might be. Sure, the structure of most novels or plays might be similar, but the length of the short story is the big advantage. If a student knows, that he does not have to read 200 and more pages to finish the story but rather...

Words: 4322 - Pages: 18

Free Essay

Story of an Hour

...Literature Review of “The Story of an Hour” By Kate Chopin Introduction: "The Story of an Hour" by Kate Chopin speaks to a negative perspective of marriage by giving the onlooker a lady who is plainly thrilled that her spouse has passed on. This is communicated through the dialect in "The Story of an Hour". The storyteller relates what she sees in straightforward exposition, yet when her feelings are portrayed, the words are energetic and influential. This proposes that Louis has a profound internal life that is not joined with the outside universe of her spouse or companions and the way that she houses herself in her room to run across her emotions is critical. The world outside of her own room is just negligibly depicted, yet the world within her psyche is enthusiastic and overall portrayed by the storyteller. The window outside of her room is alive and lively like her brain, while everything about her physically is sequestered. At the point when Louise's feelings are depicted in regards to something she is excited about, the dialect gets vivacious and rich with shade and dynamic pictures. This stands in sharp complexity to the segments in which she appears aloof or candidly unattached. It is essential to recognize not just the dialect becomes animated with the utilization of words like "mystery" and "impulse" but the exact stating evolving. The beginning feelings depicted in these quotes in which she was latent about is short clean sentences, yet when she starts to feel...

Words: 938 - Pages: 4

Premium Essay

The Story of an Hour

...The Story of an Hour Caprice Tarpley Kaplan University Professor Susan Zappia April 2, 2013 The Story of an Hour Introduction Kate Choplin in her mini story ‘The story of an hour’ depicts very beautifully the yearnings and longings of a woman in the 19th century. The story is short and beautiful, and the underlying message is that women are just as humans as men and they have the same yearning desire for freedom as the men in their life (Chopin, 1894). The story of Mrs. Mallard Louise Mallard is the major character of the story. She is represented as a fair and calm woman along with little indication of being strong. She was suffering from heart disease and that is why the death of her husband was disclosed to her after much hesitation. Her character envelops a mixture of happiness and grievance. It can clearly be observed when she got the news of her husband’s death. Despite of going into shock, she dramatically cried hard for a time (Jamil, 2009). Owing to the fact that she had a heart trouble, she must had went into shock, however, she was calm and started considering the new opportunities her life may pose her. She welcomed some mysterious things appearing to her from the sky and her actions show that she was feeling immense independence after her husband’s death. She was overjoyed with the fact that she could lead her life without any domination (Seyler, 2009). At start, the weaker side of her character was portrayed, whereas...

Words: 1429 - Pages: 6

Premium Essay

Short Story

...Short Story/Film Analysis Wilson Chandler Short Story/Short Film Comm. 411-35 11:30-12:45 Spring 1997 The three short stories are similar because they all involve jealousy. This type of jealousy surrounds the main characters who are envious of the achievements or the attention that another man receives. The first story is about an old man who is taking his wife on a second honeymoon when she encounters an old suitor, creating jealousy for the husband. In the second story, the jealousy surrounds Smurch who is envious of Charles Lindbergh's fame and accolades. The jealousy in the final story is the envy of the attention that any man with fame can receive from a woman. Each person's own insecurity allows envy to control their actions and creates trouble in their lives. The three stories all have jealousy, in some it is more clear than others. Jealousy lead two of the characters to make a fool of themselves, and it cost another character his life. In the first story, Charley took his wife Lucy on a second honeymoon, or Golden Honeymoon, as it is titled. While they are in St. Petersburg Fla., Mother was at the doctors office and began a conversation with a lady, only to discover that she is Mrs. Frank M. Hartsell, Lucy's ex-fiancee. This made Charley uncomfortable because he had rivaled Frank for Lucy's hand in marriage. A story that began as a second...

Words: 431 - Pages: 2

Premium Essay

Short Stories

...During the past two weeks, our American Literature class has covered the short stories of The Fall of the House of Usher, The Minister’s Black Veil and Rappaccini’s Daughter. These poems/stories were constructed by two well-known authors: Edgar Allen Poe and Nathaniel Hawthorne. Each poem and story written by these two men contains an intricately, deep meaning. In fact, criticizers maintain the position that there are several meanings to these works, but this may never be known by anyone except the actual author. The author is the only individual who truly knows the real meaning behind the poem or story. Out of these three stories we read, I enjoyed The Fall of the House of Usher the most as it proved to be most interesting to me. The reason I enjoyed this work the most was due to the fact that I was transacting with the text in this poem, I was able to really understand why Poe utilized certain elements in it in order to help convey the work’s actual meaning. It also helped to raise logical questions about certain other aspects of the story. I did not feel I was able to do this as well with the other two stories as they did not flow as well to me as did The Fall of the House of Usher. Though the plot turned out to be quite unusual, I found it to be very interesting and out of the ordinary, which I seemed to like in this instance. The book ends with an unexpected surprise and by the fall of the house of course. The theme is really dark and mysterious, which made the book kind...

Words: 1106 - Pages: 5

Free Essay

Short Stories

...Nathaniel Hawthorne, “Young Goodman Brown” Goodman Brown was not asleep in this short story. As I read, I believed that Goodman did indeed meet the devil in the forest. If he had indeed dreamt about the trip he was sent on and meeting the devil, I think his nervousness would have been described in more detail then it was. Concentrating more on the anxiety he was feeling would have led the reader to believe that the events were not real. I also saw this story as an allegory. I saw the allegory after reading the story two times. I think it is centered on Goodman Brown having a bumpy past and that he wants to go beyond his past and reach heaven. The characters names also show the religious allegory in the story. The names Goodman and Faith are used and the characters are then soon faced with terrifying evil. I think that Goodman Brown and his wife, Faith’s names symbolize that they are good, religious people and that Goodman is making up everyone being evil in his head. I found an essay by Alexa Carlson that described the symbolism in light vs. dark, forest vs. town, nature vs. human, and fantasy vs. reality. In her paper, Essay #1: Young Goodman Brown, she states that “…fantasy vs. reality are employed to reinforce the idea that good and evil have been set up as strict categories into which no one, not even the religious figures of the community, fit neatly.” As she later writes, if Hawthorne was apprehensive about “what he considers right and wrong in terms of human behavior, I...

Words: 4886 - Pages: 20

Premium Essay

The Theme of a Story

...The Theme of a Story Ace Ventura ENG 125 Introduction to Literature Roger Rabbit July 14, 2011 The Theme of a Story Throughout life a person can recall a memory that basically shaped their lives. Often they recount important events that made them into the person they were meant to be. The selection this week is about a memory of a 15 year old young woman that is shaped by something that happened to her while working for a doctor and his wife. She tells about the events when she was 15 that ironically led to the introduction of her eventual husband into her life. Clugston (2010) shows us that “we all filter our relationship to literature through our individual experiences” (Section 7.1, para. 4). In other words, personally, How I Met My Husband, by Alice Murno (1974), is written with the themes of love, heartbreak, and secrecy. Love is a common recurring theme throughout the story. Although love is a common theme in fiction, the type of love in this story is ignorant love. Edie is the main character of How I Met My Husband. Alice Murno sets the story in a first-person point of view. The reader captures the story from Edie’s viewpoint. Henry Baron tells us, “Edie is both eager for and rather innocent about romance” (Section The Story, para. 2). She is young and naïve to anything of love and intimate relationships. The connection she makes with Chris Watters and the eventual “intimacy” they share brings out the young innocent girl in her. Murno (1974) makes this...

Words: 966 - Pages: 4