Free Essay

Suliranin Ng Mga Mag-Aaral Hingil Sa Pagkakaroon Ng Mga Mababang Marka Sa Kanilang Akademiko

In:

Submitted By imyka01
Words 1129
Pages 5
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Kaligiran ng Pag-aaral
Ang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay, personalidad, at kaganapan, sa ating kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay tumatalakay sa isang simpleng bagay.Mahalagang alam natin ang kaganapan sa ating paligid , mula sa libro,dyaryo,radyo,telebisyon at pananaliksik sa mga bagay ,nakakuha tayo ng impormasyon .
Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at palawakin ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa hingil sa paksang nabasa . Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama ang mga malingsabi-sabi tungkolsa paksa na ito. Ang sulating pananaliksik na ginawa namin ay may layuning bigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga suliranin ng isang estudyante sa kanyang pag-aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik na ito ang mga kaalaman tungkol sa ilang suliranin ng mga estudyante. Ang pokus ng sulating pananaliksik na ito ay ang tinatawag na,“Mga suliranin ng mga Estudyante hinggil sa pagkakaroon ng mababang marka sa akademiko,”
Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap naming sa sarbey na aming ginawa.Bakit karamihan sa mga mga estudyante ang bumabagsak sa mga major subjects nila?Anu-ano ba ang mga dahilan kung bakit nangyayari ito? Ang mga kasagutan sa mga tanong ay kalathala sa sulating ito.

Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Tinalakay sa bahaging ito ang literatura at pag-aaral ng ibang mananaliksik na may kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral. Nilalahad sa mga sumusunod na dahon ang ilang kaisipang kaugnay at kahawig sa kasalukuyang pag-aaral na hinugutan ng ilang kaisipang kaugnay at kahawig sa kasalukuyang pag-aaral na hinugutan ng ilang ideyang nagging lundayan at batayan sa pag-aaral na ito. Tatlo maaring dahilan kung bakit bumabagsak o mababa ang grado ang mga mag-aaral sa kanilang mga asignatura.Ayon kay Paula Gail I. Torres base sa kanyang pasisiyasat,tatlo ang kanyang nakita dahilan sa pagbaba ng marka sa akademiko ng mga mag-aaral
.Ang kakulangan sa preparasyon,kawalan ng gana at katamaran, ito ang mga maaaring salik na nakakaapekto sa mga mag-aaral.Ayon kay Torres ang tagumpay sa paaralan ay hindi nakakamit sa pawang katalinuhan lamang. Ano ang gamit ng isang magaling na isip kung hindi natin ito ipalalago? Tandaan, sa patuloy na pagdami ng ating mga nakakalap na impormasyon, mas lalo lamang natin idinidiin ang katotohanang isang maliit na bahagi lamang iyon ng isang malawak na mundo ng kaalaman. Kailanman ay hindi naging sapat ang sapat. Iyan ay nasa kalikasan na natin bilang tao. Ayon kay Edna Wells Handy, hindi sapat ang katalinuhan upang makapasa sa isang pagsusulit. Ang katalinuhan, kapag ipinares sa sipag at tiyaga, ay maaaring makapagdulot ng mga dakilang bagay. Hindi dapat mawalan ng saysay ang pag-aaral at pagbabalik-aral dahil dito tayo tunay na natututo.

Theoritical at Konseptwal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa suliranin ng mga mag-aaral sa hingil sa pagkakaroon ng mga mababang marka sa kanilang akademiko. Ang pagtukoy ng mga salik hingil sa suliraning ito ay mahalagang gawain para sa mananaliksik dahil hindi lang ito nagbibigay impormasyon, nakakatulong pa ito upang lagyan ng tuldok ang suliranin ng mga estudyante sa kanilang akademiko.
Ang mga salik na aming nakalap ay ang mga sumusunod: Katamaran sa pag-aaral. Ang salik na ito ay lubhang nakaka-apekto sa mga Marka ng mga mag-aaral.sa batayan ng pag-aaral na ito ay ang pagkapilitan ng mga estudyante sa kursong kanilang kinuha kaya wala silang interes sa paag-aaral. Kulang sa Pag-unawa. Ang salik na ito ay nakaka-apekto sa pag-unawa sa mga suliranin,sa mga pagsusulit at sa mga gawaing ibinigay kanilang guro dahil sa kahirapan sa mga subject kinakailangan ng malawakang pag-unawa nito. Kulang sa pagrerebyu. Ang salik na ito na kung saan ang isang estudyante ay kailangang maglaan ng oras sa pagrerebyu o pag-aralan ang mga itinalakay sa mga nagdaang araw.
Kawalan ng pukos. Ang salik na ito ay lubhang nakaka-apekto sa pag-aaral, Sapagkat ang kawalan ng pukos sa pag-aaral ay nakakababa ng mga marka sa kanilang akademiko sanhi ng paglaan ng oras sa mga bagay na hindi naman ukol sa pag-aaral.

Malayang Baryabol Mga Salik Hinggil sa Pagkakaroon ng Mababang Marka sa AkademikoKatamaran sa Pag-aaralKulang sa Pag-unawaKulang sa PagrerebyuKawalan ng Pokus |

KasarianPinagtapusang PaaralanEdad |

Modereytor na Baryabol

Talangguhitang Bilang 1.Isang Maanyong Dayagram na Nagpapaakita ng Baryabol
Ng Pag-aaral

Paglalahad ng mga Suliranin

Isa sa mga posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti. Hinahangad ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ang pagtukoy ng mga salik na nakakaapekto sa pagbaba ng grado ng mga mag-aaral sa University of the Immaculate Conception kaugnay sa kanilang akademiko. Tinangkang sagutin ng pananaliksik na ito ang sumusunod na katanungan:

* Ano nga ba ang kahalagahan ng pag-aaral? * Ano ang mga salik na naka-aapekto sa Akademiko ng mga piling estudyante. * Mayroon bang makabuluhan ang pag-aaral sa suliranin ng mga estudyante hinggil sa pagkakaroon ng mababang marka sa akademiko batay sa mga sumunod:
4.1.) Kasarian
4.2.)Pinagtapusang Paaralan
4.3.)Edad

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay kinakailangan ng mga estudyante, lalo na sa mga estudyanteng hindi alam ang kanilang ginagawa. Ang hangarin o layunin ng pag-aaral na ito ay maitaas ang antas ng kaalaman at komprehensyon ng mga estudyante sa alin mang mga asignatura sa iba’t-ibang departamento. Sa pananaliksik na ito maaring malaman nila ang dapat gawin sa kanilang pag-aaral .Ang edukasyon ay ang tanging makakapagbigay sa atin ng karunungang sa araw-araw na pamumuhay.Mahalagang mapag-aralan nating ang mga bagay na nasa paligid natin lalo na sa ating mga paaralan o eskwelahan .Ang kahalagahan din nito ay lubhang makatutulong sa sumusunod:
Mga estudyante. Ang pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan sa sinumang nagnanasang saliksikin ang mga salik ng pagkakaroon ng mababang marka sa akademiko. Isang posibleng kahalagahan nito ay ang maipaalam sa bawat estudyante na ang pag-aaral ay hindi biro sapagkat ang antas ng kolehiyo, ito ay isang antas kung saan pinaghahandaan ang propesyon na nais tahakin sa kasalukuyan at hindi dapat nila balewalain ang pag-aaral, dahil bilang isang mag-aaral ang edukasyon ay ang pundasyon ng ating buhay kaya tayo nakakapag-isip at nakakagawa ng kung anu mang kaya nating gawin.
Mga guro. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro o propesor upang magkaroon sila ng bagong ideya hinggil sa paghubog ng kaalaman ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito makakagawa sila ng bagong estratehiya na makakapagpapataas pa ng kasanayan sa pag-aaral at pagpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral.

Similar Documents