Free Essay

Suliranin Ng Mga Working Student Sa Amaer: Isang Pag-Aaral

In:

Submitted By jigz
Words 2497
Pages 10
Kaligirang Pangkasaysayan

Ang mga working student sa AMA East Rizal ay ilan lang sa mga nagsasakripisyo ng kanilang oras at katawan upang matupad ang hangarin na makapagtapos at maging matagumpay. Sa dinami-dami ng mga sikat at malalaking unibersidad sa Kalakhang Maynila, bakit sa AMA nila napiling mag-aaral? Ayon sa isang respondente na aming nakapanayam, ang AMA ay ang nangunguna sa lahat pagdating sa kursong Information Technology na ayon din sa kanya ay in-demand sa ating bansa ngayon. Makabago daw ang pasilidad at teknolihiyang ginagamit sa nasabing unbersidad na hindi makikita sa iba. Ngunit paano niya nasabing nangunguna ang AMA pagdating sa kursong nabanggit?
Ang AMA Computer University na kilala din dati bilang AMA Computer College (AMACC) at AMA Technological School (AMATS), ay itinatag ni Dr. Amable R. Aguiluz V. Ipinangalan niya ang unibersidad na ito sa initials ng kanyang ama na si Amable Mendoza Aguiluz. Nakita ni Dr. Aguiluz Sr. ang demand para sa mga fully trained computer professionals ng ating bansa. Ngunit, walang institusyon ang may gustong magtayo ng kolehiyong nagbibigay ng computer education. Ngayon, nabigyang buhay na ang kanyang bisyon sa pamamagitan ng kanyang anak. Itinayo niya ang AMA Institute of Computer na binansagang kauna-unahang computer school sa Pilipinas na binuksan sa Shaw Boulevard noong Oktubre 20, 1980. Kinikilala din ang AMA bilang isa sa pinakamagaling na unibersidad pagdating sa kursong Information Technology na ngayon ay nagdagdagan pa ng ibang kurso tulad ng Nursing, Accountancy, Mass Communication, at marami pang iba. Hindi na katakataka kung bakit napili ng aming nakapanayam ang unibersidad na ito. Bukod sa magandang edukasyon, nagkakaroon din ng pagkakataon na magkapag-aplay ng scholarship ang mga nangangailangan ng mas mababang bayarin pangmatrikula kagaya niya.
Ang scholarship program sa ating bansa ay isa sa pinakapinaglalaanan ng pondo ng ating gobyerno. Humigit kumulang 4.5 bilyong piso ang nakalaan dito taon-taon na maaaring tumataas pa. Nakikinabang dito ang mga mamamayan na mahirap pati na rin ang mga working student. Ang pinakaunang nagtatag ng programang ito ay si Sen. William Fulbright ng Amerika. Ipinakilala niya sa kongreso ng Amerika ang programang ito na tinawag niyang Fullbright Program. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na makapag-aral tungo sa mas maunlad na kinabukasan. Kinikilala ang Fullbright Program bilang pinakamalaking U.S. Student Program na tumutulong sa 1,900 katao sa iba’t-ibang bansa. Ilan sa mga natulungan ng programang ito ay ay ang sikat na Hollywood actor na si John Lithgow, sikat na opera singer na si Renee Fleming, economista na si Joseph Stiglitz at ang nagtatag ng Bose corporation na si Anna Bose. Ito ay masasabi na isang malaking impluwensya sa pagkakaroon ng mga scholar dito sa Pilipinas. Hindi natin maipagkakaila ang tulong na naibibigay nito sa ating lahat.
Noong Marso 10, 2008 naghain naman ng senate bill sa ating kongreso para matulungan magkaroon ng trabaho ang mga mag-aaral na nangangailangan. Ang senate bill na ito ay may titulo na “An Act of Strengthening and Expanding the Coverage of the Special Program For Employment of Students, Amending For the Purpose Provisions of R.A. 1323, Otherwise Known as the Special Program for Employment of Students.” Inihain ito sa kongreso nila Sen. Estrada, Revilla, Angara, Legarda, Lapid at Enrile. Dito nagkaroon ng pagkakataon ang maraming mag-aaral na makapagtrabaho sa mga sikat na fast food chain sa bansa tulad ng Jollibee at Mc Donald’s. Isang respondente na aming nakapanayam ang nakatamasa nito. Ayon sa kanya, nagsimula siyang matrabaho noong siya pa ay nasa ika-apat na taon ng highschool. Nakapasok siya bilang empleyado ng Jollibee na naging malaking tulong upang siya ay makapagtapos ng highschool. Ngayon, patuloy siyang nagtatrabaho upang makuha naman ang pinakamahalagang papel sa kanyang buhay: ang diploma.
Maraming tao na ang dahilan sa pagpasok sa paaralan ay upang makakuha ng magandang trabaho at upang makakuha nito, kinakailangan ng diploma. Sa murang edad ay naikintal na sa ating mga isipan ang kahalagahan ng edukasyon. Madalas na sinasabi na ang edukasyon lamang ang tanging maipapamana ng ating magulang. Naihahalintulad ang diploma sa isang gintong susi na magbubukas ng pinto ng kapalaran. Naniwala dito si Socorro C. Ramos na dumaan din sa pagiging working student bago niya maitayo ang pinakamalaking bilihan ng aklat sa Pilipinas na ang National Bookstore.
Si Socorro Cancio Ramos o mas kilala bilang Nanay Coring ng kaniyang mga kaibigan at kamag-anak, ay isinilang noong Setyembre 23, 1923 sa Santa Cruz, Laguna. Kahirapan sa buhay ang naging dahilan ni Socorro upang maging isang working student habang siya ay nag-aaral sa Arellano High School. Sa panahon ng bakasyon, kasama ang kaniyang mga kapatid na babae, siya ay nagtatrabaho sa isang pagawaan ng bubble gum bilang mga tagapagbalot. Nagsilbi itong daan upang kahit paano'y makatulong sa pagbabayad ng gastusin sa kanilang bahay at sa kanyang gastusin sa susunod na pasukan. Nagtrabaho din siya sa isang pagawaan ng mga sigarilyo kung saan tinatanggal nila ang mga papel na nakabalot dito upang mapalitan ng bago. Sa halagang limang sentimo bawat pakete ng sigarilyo, naisipan ni Socorro na umupa ng mga bata sa kanilang lugar upang magbalat din ng pakete ng sigarilyo. Binibigyan niya ng sahod na limang sentimo sa bawat dalawang pakete ang mga bata. Nagsimulang magtrabaho si Socorro noong 1940 sa edad na 18 bilang tindera sa isang tindahan ng aklat ng kanyang nakatatandang kapatid. Kahit magkadugo, itinuring siyang isang normal na empleyado ng kuya niya sa Goodwill Bookstore, na isang sumisikat na tindahan ng babasahin noong mga panahong iyon. Dahil sa kanyang husay sa pag-eengganyo sa mga mamimili, ginawa siyang tagapamahala ng tindahan kalaunan. Bagama't matagal nang pinapangarap ni Ramos na magkaroon ng sarili niyang tindahan ng aklat, nagkaroon lamang siya ng lakas ng loob na pasukin ang pagnenegosyo nang kanyang mapangasawa si Jose Ramos. Sinimulan ng mag-asawa ang isang maliit na tindahan sa Escolta at nagbenta ng mga kalakal, nobela, at mga aklat at mga GI novels. Simula noong 1942, pinangalanan nila ang kanilang munting tindahan bilang National Bookstore. Pinalago na nila ang kanilang mumunting negosyo sa pagtitinda ng mga gamit pang-eskwela. Hindi naging hadlang ang kahirapan sa pagiging matagumpay ni Socorro C. Ramos. Nagsumikap siya upang marating ang estado ng kanyang buhay ngayon. Ito ang katangiang kinakailangan taglayin ng bawat working student upang maging matagumpay tulad niya.
Sa bawat unos at kalamidad ngayon, kinakailangan ng pagkakaisa ng bawat mamamayan ng Pilipinas upang malagpasan ang mga ito. Isa rin itong paraan upang makamtan natin ang mga karapatang hindi natin natatamasa katulad ng abot kayang edukasyon na kinakailangan din ng mga working student. Sa pamamagitan ng isa sa pinakamalaking kilos protesta noong nakaraang Setyembre 20, 2012. Nagsama-sama ang malalaking unibersidad tulad ng UST, PUP, at iba’t-ibang pamantsan sa Kalakhang Maynila. Karga-karga ng bawat mag-aaral ang mga banner na naglalaman ng kanikanilang hinain at reklamo sa pamahalaan natin ngayon. Pinupuntirya nila ang kawalang-aksiyon ng Commission on Higher Education (CHED), ang administrasyong Aquino, at gayundin ang mga administrador ng mga unibersidad na siyang target ng bitbit nilang mga banner na nangungutya sa “pagkaganid” ng mga administrador para pagkakitaan ang edukasyon. Para sa kanila, malinaw ang pananagutan ng gobyerno at CHED: Naglabas ito ng CHED Memorandum Order (CMO) 3 o “Enhanced Policies, Guidelines and Procedures Governing Increases in Tuition and Other Fees,” na mistulang pumapayag sa taun-taong taas-matrikula at iba pang singilin sa pamamagitan ng pag-utos ng konsultasyon sa mga pamantasan sa mga nagnais magtaas ng kanilang matrikula at bayarin na hindi lalampas sa ibinigay na petsa. Kung minsan, kinakailangan natin maging matapang at sabihin ang ating mga hinain upang ito ay masolusyonan o maayos. Isa ding katangian na dapat taglayin ng mga working student.
Ito ang madalas na kalagayan ng mga working student sa Pilipinas. Masasabi natin na ang bawat isa sa kanila ay nakararanas ng hirap katulad ng mga nabanggit. Kung kaya at kahit na komplikado, maraming mag-aaral sa kolehiyo ang nagsisikap na pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap-buhay. Pilit na hinahati ang dalawampu’t apat na oras sa isang araw para sa eskwela, trabaho at iba pang gampanin sa tahanan. Ngunit ang pagsisimula sa pagtatrabaho ay hindi kasing dali ng pagsasambit ng kagustuhan nito. Sa panahon ngayon, marami nang establisyemento ang tumatanggap ng mga empleyado kahit na nag-aaral pa lamang. Talagang lubos na ang pagdami ng mga working student sa Pilipinas na tanda ng isang bagsak na ekonomiya. Isang katotohanang nakakalungkot.
Balangkas Teoretikal Sa bahaging ito ng pananaliksik inihayag ang mga teorya upang magkaroon ng pundasyon ang isinasagawang pag-aaral. Ang paksang aming napili ay nakaugnay sa mga sumusunod na teorya na nabuo sa mga pag-aaral ng mga kilalang kritik at pilosopo. Una ay ang Schlossberg’s Transition Theory. Ang teoryang ito ay binuo ni Dr. Nancy Schlossberg sa mahabang panahon na nagkaroon pa ng revision mula sa orihinal nitong bersyon. Ang teoryang ito ay nakabase sa mga indibidwal at kung ano ang mga pagbabago sa kanilang buhay. Ito rin ay ginagamit na gabay para malaman ang mga hakbanging kinakailangan upang makatulong sa patuloy na pagbabago sa ating buhay. Gumagamit ang teoryang ito ng iba’t-ibang questionnaire upang malaman ang abilidad ng bawat isa partikular ang mga working student na makahabol sa pagbabago. Ang mga pagbabago sa mga pangyayari, relasyon, pangaraw-araw na gawain, persepsyon at mga gampanin ay masasabing isang transition na kinahaharap nating lahat. Ayon kay Schlossberg dumedepende tayo sa ating mga phsycological traits sa pagharap ng mga pagbabagong ito na maaaring humantong sa negatibo o positibong resulta.
Isa pang teorya na mahalaga sa pananaliksik na ito ay ang Cognitve Development Theory ni Jean Piaget. It ay teorya tungkol sa natural na pagbuo ng human intelligence. Ito ay kilala rin bilang developmental stage theory na nagbibigay lawak sa ating kaalaman at kung papaano natin ito gamitin. Sabi ni Piaget, ang cognitive development ay isang proseso ng pagsasaayos ng paraan ng ating pagiisip na magreresulta sa biological maturation at environmental experience. Ang dagadag pa niya, ang mga bata ay gumagawa ng sarili nilang pagintindi sa mga bagay dito sa mundo. Nagkakaroon sila ng pagkalito sa kanilang nalalaman at sa mga nakapaligid sa kanila
Mahalaga ito sa mga working student sapagkat sila rin ay dumaan sa ganitong proseso bago sila naging handa na harapin ang mga responsibilidada na kanilang dinadala. Ang Sociocultural Theory naman ni Lev Vygotsky ay may mahalaga din sa paksang aming napili. Ito ay ang interaksyon ng mga tao sa kultura na kanilang kinabibilangan. Ayon kay Vygotsky, lahat ng interaksyon ay lumalabas sa dalawang lebel. Una ay sa social level at pangalawa sa individual level. Ang unang lebel ay interaksyon ng bawat tao. Ang sumunod ay sa sarili natin. Ito ay magkapantay na nangyayari sa bawat isa sa atin at dito tayo nakakabuo ng mga konsepto at persepsyon. Malaki ang papel nito sa mga woking student sapagkat ang pakikisalamuha sa iba’t-ibang tao ay isa rin sa kanilang kinahaharap at kinakailangang alamin upang sila ay magkaroon ng mapayapa at mabuting relasyon sa mga kapwa nila katrabaho at kamag-aral. Noong 1958 isinulat ni Lawrence Kohlberg ang ngayon kilala bilang Kohlberg’s Stages of Moral Development Theory na nagpapaliwanag ng development of moral listening ng mga tao. Ito ay kanyang binuo habang siya pa ay nag-aaral ng kursong Psychology sa University of Chicago. Ipinaliwanag niya na ang mga tao ay intrinsically motivated na lakbayin at maging aktibo sa isang pamayanan. Sa social development, it ay nagdadala sa atin na magkaroon ng mga intimate role models na tinitingnan natin para sa validation. Kahit sa ating kabataan, nagkaroon din tayo ng pinagbabasihan kung tama o mali ang ating kinikilos partikular na ang ating mga magulang na lagi nating nakakasama. Sinabi pa ni Kohlberg na ang common pattern of social life ay nangyayari sa mga social institution tulad ng mga pamilya, magkakabarkada o magkakaibigan, mga kooperatiba at lahat ng tao na nagpapakita ng parehas na kilos at pagiisip sa kanilang mga sarili, sa iba, at sa mundong kinabibilangan. Maaaring bunga ng impluwensya ng kakilala o kapamilya ang isa sa mga rason kung bakit napili ng mga mag-aaral na magtrabaho kagaya ng nabanggit sa itaas. Ang huling Teorya ay binuo naman ni David Kolb na tinawag na Kolb’s Experiential Theory. Ang teoryang ito ay malaking parte sa development nating lahat sapagkat alam natin kung ano ang gagawin para mas maging mabuting tao sa paggamit ng iba’t-ibang paraan upang tayo ay maging self aware sa ating mga kinikilos at sinasabi na dahilan din ng pagkagustong matuto mula sa ating mga nagawang tama at mali sa ating buhay o sa ating experience. Mahalaga ang teoryang ito sa mga working student dahil kung wala silang pagkagustong matuto mula sa kanilang pagkakamali, hindi nila kakayanin harapin ang bukas.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ilang bahagdan ng mga mag-aaral sa AMA East Rizal ang nagtatrabaho?
2. Ano ang dahilan kung bakit nila piniling maging working student?
3. Ano-ano ang epektong pangkalusugan na kinahaharap ng isang working student?
4. Ano ang epekto ng pagiging working student sa kanilang mga grado?
5. Ano ang epekto ng pagiging working student sa kanilang pakikisama at paguugali?
Saklaw at Delimitasyon Dahil sa limitadong oras, malawakang kaalaman at pagbabadyet sa pinansyal na pangangailangan, ang pananaliksik na ito ay naglilimita sa partisipasyon ng mga tiyak na respondente. Ibabase ng mga mananaliksik ang pagdedesisyon sa mga sagot ng makakapanayam. Dahil na rin sa limitadong oras, minabuti ng mga mananaliksik na ang mga respondente ay may bilang na 10 katao lamang. Sila ay mga piling working student sa AMA East Rizal.
Hindi naman sasaklawin sa pananaliksik na ito ang opinyon ng mga magulang, guro, empleyado o sinumang hindi kasalukuyang enrolee ng AMA East Rizal 3rd trimester SY: 2013-2014.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay kapakipakinabang sa mga sumusunod:
Sa mga mag-aaral
Kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na gustong maging isang working student. Ito ay magsisilbing gabay sa kanila tungo sa mas epektibo at mas madaling pagtatrabaho kasabay ng pag-aaral.

Sa mga guro/ propesor
Kinakailangan mabasa ng mga guro/ propesor ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng pag-unawa sa pinagdadaanang hirap at sakripisyo ng mga working student at sa gayon ay mabigyan sila ng kaunting konsiderasyon.
Sa mga mamamayan
Magiging kapakipakinabang ito sa mga mamamayang may anak na hindi nag-aaral o sa mga mag-aaral na tumigil sapagkat ito ay makahihikayat sa kanilang mag-aral muli. Ito rin ay magsisilbing babasahin na maari nilang mapagkunan ng kaalaman.
Sa pamahalaan
Kinakailangan mabasa at mapag-aralan ng pamahalaan ang pananaliksik na ito upang malaman at pahalagahan nila ang mga working student sa ating bansa na nararapat mabigyan ng pagkakataon sa pamamagitan ng mga programang makatutulong sa kanila.
Sa mga mananaliksik
Kapakipakinabang ito sa mga mananaliksik sapagkat ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman at kasagutan sa kanilang mga tanong tunkol sa paksang ito. Magkakaroon din sila ng pag-unawa sa mga kapwa nila na mag-aaral na nagtatrabaho

Similar Documents