I. Pamagat: La Visa Loca
II. Taon ng Pagpapalabas: 2005
III. Direktor: Mark Meily
IV. Manunulat: Mark Meily
V. Kahulugan ng Pamagat:
A. Bago Mapanood
Bago ko mapanood ang pelikula nangahulugan ang pamagat nito sa akin na tungkol sa isang lalaking umaasang magkakatrabaho. Pagloloko rin ang isa pang kahulugan nito dahil para sakin gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Sumagi din sa aking isip ang isang lalaking nagmamakaawa para sa isang trabaho. May salita rin dito na “Visa” dahil sa salitang ito nailahad ko rin na ito ang kailangan niya upang makapunta sa ibang bansa. May mga naisip din ako sa pamagat nito tulad ng pagpapakahirap dahil gusto niyang maging isang ofw upang makasama ang kanyang kasintahan. Naisip ko rin dito na bakit kailangan pang mangibang bansa ng mga Pilipino para makapagtrabaho at iwan ang mga mahal nila sa buhay. Isa lang itong paraan para sa pagpapaunlad ng buhay ngunit mahirap ito para sa mga taong maiiwan mo sa iyong sariling bansa. B. Pagkatapos Mapanood
Nang mapanood ko na ang pelikula mas lalong lumawak ang kahulugan ng pamagat. Mas naintindihan ko ang kahulugan nito dahil gusto niyang makapunta sa Amerika. Handa niyang gawin ang lahat makakuha lang siya ng “Visa”. Pinamagatang “La Visa Loca” ang pelikulang ito dahil sa kanyang kagustuhang makaalis ng bansa. Naging kahulugan din nito na handa niyang gawin ang lahat para sa isang oportunidad na makapunta sa ibang bansa. Isa pang ibig sabihin ng pamagat, dapat tayong magsumikap upang makuha ang gusto natin dahil sa kabila ng hirap may ginhawa tayong mahihinuha. Wag tayong mawalan ng pag asa ang pinaka kahulugan ng pamagat dahil lahat ng bagay pinaghihirapan.
VI. Mga Tauhan
Robin Padilla (Jess Huson) – Siya ang bidang tauhan sa pelikula. May mga katangian siya ng isang mamayang Pilipino tulad ng pagiging isang masikap na bata para itaguyod ang kanyang magulang. Siya rin ang tipo ng lalaking mapagmahal at maaruga. May adhikain siya na kahit anong mangyari hinding hindi niya pababayaan ang kanyang tatay. May mga ilang palya rin si Jess sa buhay ngunit nalulutas niya ang mga ito. Tulad ng paghahanap ng trabaho, marami siyang pwedeng hanaping trabaho na may mataas na sahod ngunit pinili niyang maging isang drayber. Ginusto rin ni Jess na makarating sa ibang bansa upang magkaroon ng mas magandang buhay.
Johnny Delgado (Papang) – Siya ang tatay ni Jess sa pelikula. May mga ilang kahinaan na siya dahil sa pagtanda. May sakit siya sa palabas ngunit hindi ganoon kalala. Siya rin ang kumumbinsi kay Jess na huwag ng pumunta sa Amerika. Mapagmahal din siyang ama tulad ng karaniwang ama ngunit may ilang mga gusto siya na iyon lang ang nasusunod. Walang trabaho si Papang dito si Jess lang ang tangi niyang inaasahan dahil sinabi nga sa palabas na namatay na raw ang kanyang asawa sa isang aksidente. May ilang kalokohan din siya dahil sa imbis na pambili ng gamot ginawa niyang pambili ito ng “Viagra”.
Ruffa Mae Quinto (Mara) – Siya ang naging kasintahan ni Jess. Nagkaroon sila ng anak na nagngangalang Jason. Hindi ito alam ni Jess ngunit ng magkabalikan sila nalaman din niya ito. Isang sirena sa karnibal si Mara na nagtatrabaho para sa kanyang anak na itinataguyod. Isa siyang masikap na ina dahil gagawin niya ang lahat para maging maayos ang buhay ng kanyang anak. May “Pride” siyang babae dahil kahit anong sabihin ng iba sa kanyan sinasabi niya lamang na kaya niyang buhayin mag isa ang kanyang anak kahit anong mangyari.
Paul Holme (Nigel Adams) – Siya ang amo ni Jess na isang amerikano. Siya ang director ng isang palabas na sikat na sikat sa panahon iyon. Siya rin ang tumulong kay Jess upang makakuha ng kanyang sariling “Visa”. Isa siyang mapanghusgang Amerikano dahil sinasabi niya na magnanakaw daw ang mga Pilipino. Kahit masasabing mapanghusga siya marunong siyang tumupad sa usapan tulad na lamang ng pangako niya kay Jess na pagkuha sa kanya bilang isang manggagawa sa ibang bansa ngunit hindi lang ito tinanggap ni Jess dahil sa kanyang Papang.
Kurt Perez (Jason) – Siya ang anak ni Jess at ni Mara. Masayahing bata si Jason ngunit mahiyain pagdating sa klase. Sa bandang huli niya nalaman na tatay niya pala si Jess. Mahilig maglaro si Jason dahil ito lang ang kanyang napaglilibangan. Siya ang anak ni Jess pero hindi alam ni Jess na anak niya ito. Sakiting bata si Jason ngunit nalalabanan niya ito. Mapagmahal si Jason sa kanyang Ina dahil ito lang ang kasama niya sa buhay hindi niya ipagpapalit ang kanyang ina sa kahit anumang mga bagay na pwede niyang makuha.
VII. Buod
Nagsimula ang kwento tungkol sa isang lalaking nagbebenta ng mga talangka. Ito ang unang hanap buhay ni Jess. Sinabi ng kanyang itay na namatay na raw ang kanyang inay na nasa ibang bansa. Di nagtagal humaba na ang panahon at isang ganap na lalaki na si Jess. Pumunta siya sa isang “Agency” upang makakuha ng kanya “Visa” ngunit hindi sapat ang kanyang kakayahan para rito. Pagkatapos niya rito umuwi si Jess sa kanilang bahay at dito na ipinakita ang kanyang Papang habang nanonood ang mag ama ipinalipat ng kanyang Papang ang tsanel at dito ipinakita ang sanhi ng katandaan ng kanyang ama. Pagkatapos nito nagusap sila ng kaibigan niyang si Estong nagpapatulong si Jess kay Estong upang makakuha ng “Visa” may naimungkahi si Estong kay Jess ngunit isa rin daw itong palpak na pikser. Habang naguusap sila dito nila nakita si Lex Halcon isa itong mayamang byudo mahilig ito sa mga babae. Sinabi rin ni Estong na lahat daw ng Binubugbog ni Lex Halcon binibigyan niya ng 10,000 piso at matapos ang paguusap nila dito nakilala ni Jess si Nigel Adams. Sa una isang drayber lang si Jess na maghahatid sa isang hotel at sa pangungulit niya kay Nigel ginawa siyang drayber nito.Nang matapos ito nagkaron siya ng trabaho bilang drayber sa isang Amerikanong direktor. Naging mabait siyang drayber sa kano dahil siya ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon ng palabas ang Amerikano. Nang malaman ni Nigel Adams na ganon kasipag si Jess ngunit laging palpak naging mabait na amo si Nigel kay Jess. Habang tumatagal nagiging mabait si Jess kay Nigel dahil ipinapakita niya ang mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino. Nang manakawan si Nigel si Jess din ang bumawi ng bag ni Nigel at dito tinuruan ni Jess kung paano ang hustisya ng mga Pilipino. Pinasuntok ni Jess si Nigel sa magnanakaw ngunit sa una hindi niya magawang saktan ito at habang tumatagal ang pagsutok nagsunod sunod ang pagsuntok nito rito at napansin ni Jess na sobra na ito at doon lamang nila ipinatawag ang mga pulis. Nagkaligaw-ligaw sila Jess sa daan ngunit nagtanong sila sa isang tinder at doon nalaman nila ang kanilang patutunguhan. Unang ikinober nila ang babaeng sinasapian daw ng Santo Niño nakapagpapagaling daw ng mga sakit ang babaeng sinasapian ng Santo Niño. Naging palpak ang palabas na iyon dahil sa mga taong nakikinood sa mga nag te-teyping. Nang matapos ang palpak na pagte-teyping sa babaeng sinasapian ng Santo Niño hinanap naman nila si Rommel Aguilar ito ang lalaking nakapagpapagaling din daw ng mga sakit tulong daw ng panginoong Hesukristo. Nagkaligaw ligaw sila at nagtalo si Nigel at Jess kung saan ang daan. Nang magtanong sila sa isang namamanata na may pasang krus dito nila nalaman ang papuntang plaza at nang makita ni Jess si Rommel Aguilar dito niya nalaman na isa pala itong bakla. Pagkatapos noon dumiretso na ulit sila pabalik sa Maynila.
Habang pauwi sila sa Maynila dito na nagmungkahi si Jess kay Nigel dahil may alam daw siyang isa pang tao na may agimat. Nang magpunta sila rito nakausap ni Nigel ang matandang may agimat kung paano raw nagiging epektibo ang isang agimat. Sinabi rito na may mga susundin kang mga palatuntunin upang gumana ang agimat una daw dapat mong ilubog ang medalyon mo sa isang kumukulong natunaw na bakal pagkatapos nito patutuyuin mo raw ito at pagkatapos mong patuyuin kailangan mo itong lunukin sa araw ng ister na lingo ng medaling araw at pagkatpos mo itong lunukin dapat mailabas mo ito bago sumapit ang haring araw. Pagkatapos mo itong ilabas kukunin mo ito sa iyong dumi at magiging epektibo raw ito. Isa pang ipinakilala ng matanda ang kanyang damit na isang agimat din daw. Nang matapos na ang kanilang paguusap. Sinabi ng matanda na hindi raw siya tatablan ng bala sa pamamagitan ng damit at ang kanyang medalyon. Habang nagte-teyping handa na ang lahat at gagawin na ang pagbaril sa kanya ngunit habang isinasagawa ito inatake ang matanda at dito naging palpak na naman ang kanilang palabas. Pauwi na sila at dito nagmungkahi ulit si Jess na ikober na lang nila ang pagpapako sa krus ng mga kristo. Nagawa na raw ito ni Nigel dati sa Pampanga at dalang-dala na raw siya dahil sa pagsisiksikan at sa sobrang hirap maghanap ng ikokober ngunit sinabi ni Jess na sa Bulacan daw sila mag te-teyping at doon sumangayon si Nigel kay Jess. Naghanap sila ng mga Kristo para sa krusipikasyon ngunit hirap silang makakita. Kinausap din ni Jess ang kanyang Papang dahil dati rin itong namamanata para sa paggaling ng kanyang asawa. Namanata siya dahil gusto niyang makaligtas ang kanyang asawa sa kapahamakan. Pagkatapos nito dito sinabi ni Sancho (Papang) ang tunay na dahilan kung bakit hindi na bumalik sa kanila ang nanay ni Jess. May nakilala raw ang nanay ni Jess na isang Amerikano kaya hindi na bumalik ang kanyang nanay sa kanila. Naging asawa raw ng kanyang nanay ang Kano. Pineke rin ng kanyang tatay ang sinabi niyang namatay na daw ang asawa niya ngunit may asawa na pala itong iba. Pagkatapos ng mga ito naghanap na si Jess ng iba pang pwedeng Kristo na magpapapako sa krus. Madami silang nakausap ngunit hindi sumangayon ang karamihan May ilang nagsasabi na hindi raw sila pumapayag na ipalabas sila dahil hindi naman pagsikat ang gusto nila kundi mapalapit sa Diyos ang nais nila. May isa silang nakilalang Kristo magpapabayad daw siya ng 50,000 piso sumangayon si Nigel dito ngunit sabi ng Kristo kailangan daw ibayad ito ng buo at ibibigay ito bago mag biyernes santo. Nabayaran na nila ito at nagkaroon na ng transaksyon para sa palabas. Pagkatapos nito nagpunta sila sa isang bar at sabi ni Jess aalis na daw muna siya at may pupuntahan lang sandali. Pinuntahan niya si Mara at Jason dahil gusto niyang mag bisita iglesya. Nagbisita iglesya sila at pagkatapos noon naglibot-libot sila sa lungsod dito na napatunayan na mag ama nga sila ni Jason dahil sa nakagawian nilang umuhi kung saan-saan.
Nagalit ang Amerikano kay Jess dahil lagi siyang palpak. Nakatakas ang Kristo na nirentahan nila at ito ang dahilan ng pagkagalit ni Nigel. Ayaw ni Jess na mawala ang oportunidad na makapunta siya sa Amerika dahil gusto niyang maging maganda ang buhay nila ng kanyang Papang. Nang papaalis na si Nigel hinabol ito ni Jess dahil ayaw niya na mawala ang kukuha sa kanya papuntang Amerika. Nagpresenta siya na siya na lang ang magiging Kristo at siya na rin daw ang magiging palabas ni Nigel. Sinimulan nila ito sa pamamagitan ng pagpapakita na nagdarasal ang namamanata. Pagkatapos noon ipinasan na sa kanya ang malaking krus at bubuhatin niya ito hanggang sa burol na sinasabi ng kapitan nila. Siya ang nagpapako sa krus at siya ang ipinalabas sa telebisyon. Nang matapos na ang pagpapalabas pumunta si Jess sa isang opisina upang makakuha ng “Visa”. Nang makuha ni Jess ang kanyang “Visa” naka handa na ang kanyang pag alis at dinala na niya ang kanyang tatay sa “Home For The Aged”. Dito nakikita niya kung anong pwedeng mangyari sa Papang niya. Gabi-gabi niya iniisip ang kanyang Papang at ang kanyang mag-ina hirap na hirap siya kung ano ang magiging desisyon niya. Habang pumapasada si Jess kasama si Estong tumawag sa isang istasyon ng radyo ang kanyang papang at ipinahiwatig nito kung ano ang talagang nararamdaman niya kay Jess. Sinabi niya na si Jess daw ang nagaalaga sa kanya simula ng mawala ang kanyang asawa, si Jess din daw ang nagpapakahirap para magkaroon sila ng pangkain sa araw-araw. Dito nahubog ang totoong gusto ni Jess pagkatapos noon napagpasyahan niya na hindi na siya pupunta sa Amerika ngunit may isa pang pangyayaring hindi niya inaasahan. Dumating ang oras na siya na ang susunod na susundo sa isang hotel may sumakay sa taksi ni Jess na isang Pilipina na nanggaling sa ibang bansa. Masyado nitong minamaliit ang mga Pilipino. Masyadong maarte ang babae dahil hindi niya gusto ang amoy ng lansangan sa Pilipinas. Sinabi rin niya na wala pa ring pagbabago sa mga Pilipino hindi pa rin daw umuunlad ang Pilipinas. Nakilala ito ni Jess dahil sa natatandaang mukha. Naisip niya ang kanyang nanay na nasa Amerika. Naalala rin niya ang litrato niya kasama ang kanyang ina at dito nalaman niya na ito nga talaga ang kanyang ina na sinabing patay na ngunit nagsinungaling ito sa kanila. Habang nagbabayad ang babae dito napatunayan ni Jess na ito ang kanyang nanay ngunit hindi na lang niya ito pinansin dahil ayaw na niyang balikan ang mga nakaraan dahil niloko lang sila nito. Pagkatapos nito napagpasyahan na talaga ni Jess na hindi na siya pupunta ng ibang bansa dahil gusto niya pang makasama ng mas matagal ang kanyang Papang. Sinundo na ni Jess ang kanyang Papang dahil hindi na siya pupunta sa Amerika. Pagkatapos ng pag sundo niya dito sinabi niya na may isa pa daw silang susunduin at ito ang magina niya. Pagkatapos ng mga ito ipinagmalaki na ni Jason ang kanyang tatay na isang drayber at ang kanyang nanay na isang sirena sa isang karnibal at dito na nagtapos ang kwento.
VIII. Pagsusuri sa Pelikula.
A. Kalagayang panlipunan
Protagonista – Di ganoon kahirap ang kalagayan ng buhay ni Jess. Tinutulungan siya ng kanyang kasintahan na nasa ibang bansa. Di gaanong hirap makisalamuha si Jess dahil laki din siya sa hirap ng buhay. Natutong magsikap si Jess dahil simula noong bata siya nagtitinda na siya sa palengke ng mga talangka. Kahit na nasa ibang bansa ang kanyang nanay hindi niya pinabayaan ang kanyang Papang na may sakit. Tinulungan niya ito hanggang sa pagtanda nito. Isang tapat na trabahador lamang si Jess na naghahangad na makakuha ng magandang buhay. Gagawin din ni Jess ang lahat ng kanyang makakaya upang mapaganda lamang ang buhay nila ng kanyang Papang.
Antagonista – Kalagayan ng buhay ni Jess ang naging kontrabida sa palabas. Hindi ganoon karangya ang buhay ni Jess kung kaya’t ito ang nagpapahirap sa kanya. Ito rin ang naging sanhi kung bakit siya nagsisikap dahil gusto niyang hindi na mahirapan ang kanyang Papang. Mahirap ang naging kalagayan nito sa lipunan dahil pinapakita rito kung gaano kahirap kumita at kung gaano kahirap humanap ng trabaho. Ito rin ang naging dahilan kung bakit gustong pumunta ni Jess sa ibang bansa o sa Amerika.
B. Kulturang Pilipino
1. Pananalig sa Sto. Niño Ito ang karaniwang pinaniniwalaan ng mga Pilipino. Dahil pinaniniwalaan nila na ang pagsamba sa kawani ng Diyos ang magdudulot ng kanilang kaginhawaan. Naniniwala rin sila na ang ibang mga Santo ang nagpapagaling sa mga tao na wala ng lunas ang sakit. Ito rin ang pinaniniwalaan na ito raw ang batang bersyon ni Hesus. Ang santo din na ito ang sinasamba ng mga taga Cebu. Nakatutulong din ang santong ito sa mga tao dahil sa mga paniniwala na ito ang nagbibigay lakas sa kanila upang magpatuloy sa buhay.
Ipinakita ang kulturang ito sa parteng gitna ng pelikula. Ito ang unang tradisyon na ibinahagi ni Jess sa among Amerikano. Ang kulturang ito ang ibinahagi ni Jess dahil alam niyang walang ibang relihiyon ang naniniwala rito. Iminungkahi niya rin ito dahil gusto niyang makilala ang kulturang Pilipino. Sa parteng ito ng pelikula hindi nagustuhan ni Nigel ang ginawa ng mga tauhan dahil sa mga tao na nagdudulot ng kapangitan sa paggawa ng palabas. Karaniwang ito ang ginagawang paksa ng mga mananaliksik dahil hindi ito karaniwang ginagawa ng mga tao nagdudulot din ito ng magandang tugon sa mga tao.
2. Paniniwala sa Agimat
Karamihan sa mga katutubo ito ang pinaniniwalaan. Sinasabi na maaaring hindi sila tablan ng bala at mga iba pang pambaril. Pinaniniwalaan din ito ng maraming Pilipino dahil sa kanilang mga ninuno na sinasabing magtatagal sila ng 100 taon kapag nasa kanila ang agimat. Isa pang dahilan kung bakit sila naniniwala sa agimat dahil gusto nilang magkaroon ng taimtim na buhay. Nais ito ng mga katutubo dahil gusto nilang magkaroon ng tahimik na buhay na walang pinoproblemang sakuna. Para na ring paniniwala sa Diyos ang kulturang ito sinasabi nila na kapag pinanigan mo ang agimat at pinaniwalaan mo ng masidhi tiyak daw na tutulungan ka nito sa mga problema sa iyong buhay.
Ipinakita ang kulturang ito sa parteng gitna. Kasunod ito ng pagsamba sa Santo Niño. Iminungkahi ito ni Jess kay Nigels dahil alam niyang magiging isang magandang palabas ito. Nagpapakita ito ng pagkakaroon ng sariling tradisyon ng mga Pilipino. Nagbibigay kahulugan din ito na sa mga Pilipino lamang makikita ang mga ito. Sa tingin ko kaya niya iminungkahi ang ganitong paniniwala dahil gusto niyang malaman na mayroong ganitong kaugalian sa Pilipinas. Nagpapakita rin ito ng mga tugon sa mga tao dahil kahit na hindi ganoon kalawig ang pagpapakita nagbibigay ito ng aral na maisasabuhay.
3. Pagpako sa Krus
Ito ang pangunahing kaugalian ng mga Pilipino. Masasabi natin may pagkabanal ang tradisyong ito. Paniniwala ito na hanggat nagagawa mo ang pagpako sa krus matutupad ang mga kahilingan mo. Maraming namamanata sa kaugaliang ito dahil marami ng nakapagpatunay na ang pamamanata rito ang nagpapatupad sa mga kahilingan. Gawain din ito ng mga lalaking layang bilanggo upang pagbayaran ang mga kasalanang nagawa nila. Krusipiksyon ang iba pang tawag na pangkilala sa kulturang ito. Ipinagdiriwang ang kaugaliang ito tuwing Semana Santa na sinisimulan sa pagbubuhat ng krus hanggang makarating siya sa burol at doon ipapako. Isa rin itong sakripisyo para sa bayan dahil iniisip nila ang nakararami para sa magandang dulot nito sa kanila. Ipinakita sa bandang huli ang parteng ito. Ito ang huling Gawain ni Jess para makakuha siya ng visa. Nagawa niya ito dahil sa paghahangad na makapunta sa ibang bansa. Hindi ito gagawin ni Jess kung hindi tumakas ang binayaran nilang namamanata. Ito ang pinakahuling pagsubok ni Jess dahil kung hindi niya ito gagawin hindi siya magkakaron ng tiyansang makapunta sa Amerika. Sa parteng ito ipinakita rin ang penitensya katulad din ito ng pagpako sa krus na nagsasakripisyo upang matupad ang ating kahilingan. Ginagawa rin ito para makapagbayad ng utang sa mga naging kasalanan.
4. Bisita Iglesia
Ito ang nakaugalian ng mga Pilipino na bibisita sa 7 simbahan. Ginagawa ito tuwing araw ng huwebes sa huling lingo ng cuaresma. Ginagawa ito upang gunitain ang mga pinuntahan ni Hesus hanggang ipako siya sa krus. Karaniwang ginagawa ito ng isang buong pamilya na naghahangad ng ilang kaularan sa buhay. Ginagawa rin ito ng mga Pilipino dahil kinaugalian na ito simula ng dumating ang mga español sa Pilipinas. Napakaganda ng paggunita rito dahil nagbibigay ito ng magandang aral at mapapalapit tayo sa ating dakilang Diyos.
Sa bandang huli makikita ang pagdiriwang nila dito kasama sila Mara at Jason na anak nila. Nakaugalian na ito ng mga Pilipino tuwing Semana Santa. Nakatutulong ito sa mga Pilipino dahil nakakadagdag ito ng mga kaalaman upang mapalapit sa Diyos. Ipinakita ito sa palabas upang maibahagi sa iba pang hindi nakakaalam ng bisita iglesia at para ilahad ang kahulugan nito. Nagsasama-sama ang buong pamilya tuwing ipinagdiriwang ito dahil nakatutulong ito upang mapatibay at para maging maganda ang pagsasamahan ng bawat isa.
5. Wika
Pagsasabi ng po at opo ang pangunahing kultura sa palabas. Ito ang mga paggalang sa mga matatanda. Ginagamit ito ng mga Pilipino para sa paggalang sa iba. Makikita natin itong ginagamit simula sa pagkabata ng mga Pilipino tulad na lang ni Jess na simula pagkabata lumaki siya ng maayos at marunong magsalita ng po at opo. Napakaayos ng mga iskrip sa palabas dahil dito sa mga ito. Nakatutulong ito sa pagpapaganda ng pelikula dahil nagiging medaling intindihin ang mga pangungusap. Naglalahad ito ng magandang kahihinatnan sa mga Pilipino dahil sa paggalang.
Sa buong pelikula makikita natin ang kulturang ito. Ginamit nila ito upang mapaganda ang bawat iskrip o pangungusap. Nakatutulong din ang kulturang ito sa bawat Pilipino dahil natututo silang gumalang sa mga matatanda. Nakadaragdag kaalaman din ito sa mga tao dahil nalalaman nila kung paano nagiging magalang ang bawat Pilipino. Sa buong pelikula may matututunan tayong mga aral na pwedeng maisabuhay tulad na lamang ng paggalang sa bawat tao at respeto sa kanila. Naging matalinghaga ito dahil sa mga binibitawang kahulugan na nagpapaganda pa sa bawat pangyayari sa palabas. C. Mga Kasabihan
1. Kung ano ang itinanim siya ring aanihin
Ito ang karaniwang kasabihan na nagpapaliwanag sa mga Pilipino. Sa pagiimbak mo ng pagsisikap at kahusayan sa buhay malaki ang tyansa mong magtagumpay. Nagpapakita ito ng kagustuhang mamuhay ng maganda sa mundo. Napakahalaga ng kasabihang ito dahil sa bawat paghihirap mo may ginhawa kang makukuha sa likod nito. Habang nagdudusa ka sa kahirapan basta’t meron kang naipon magagamit mo ito sa hinaharap kapag nangangailangan ka na. Maganda ang kasabihan ito sa mga taong nagsusumikap upang makaramdam ng ginhawa tulad na lamang ng mga taong nagpapakahirap mag aral maitaguyod lamang ang kanilang pamilya.
Ipinakita ang kasabihang ito sa buong pelikula. Sinabi rin ang kasabihan ito sa bandang pangangaral ni bro. Jake sa mga tao tungkol sa panginoon. Nakita ito sa buong pelikula dahil sa taglay na pagsisikap ni Jess na makakuha ng “Visa”. Ginawa niya ang lahat ng makakaya upang makuha ito. Itinanim niya ang kanyang buhay upang makuha niya ang gusto niya tulad na lamang ng pagpapako niya sa krus na hindi naman niya dapat gagawin ngunit kailangan niya ito para makuha ang gusto niya. Masasabi rin natin na habang nagtatrabaho siya nakabaon sa hukay ang isang binti niya dahil dito parang isinasakripisyo na niya ang kanyang buhay para sa kanyang pamilya at para sa kanyang Papang.
1. Makikita mo lang ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito Mahirap makita ang halaga ng bagay kapag lagi mo itong kasama. Iba pa rin talaga sa tuwing may aalis na tao dito mo maaalala ang inyong magandang pinagsamahan. Mahirap kalimutan ang mga bagay na napamahal na sa iyo. Nagbabago ang pananaw ng tao sa tuwing may nawawala sa kanilang mahalaga. Nagsasabi ito ng totoo dahil kapag mahal mo talaga ang isang bagay o ang isang tao hindi mo hahayaang mawala o lumaya ito. Iba ang gustong ibahagi ng palabas sa kasabihang ito dahil nang papaalis na si Jess nakita ng kanyang Papang ang ibig sabihin nito marami siyang gustong sabihin dito at dito rin niya napagtanto na napakahalaga ni Jess para sa kanya. Ipinakita ang kasabihang ito sa bandang huli. Ang kanyang Papang ang nagsabi nito sa pelikula. Habang nakikipagusap siya sa isang mananalita sa isang istasyon ng radyo sinabi niya ang mga katagang “Makikita mo lang ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito”. Dito nagpasalamat si Sancho (Papang) kay Jess sa lahat ng nagawa ni Jess para sa kanya. Nang marinig ito ni Jess sa radyo dito niya na naisip na napakahalaga ng kanyang Papang sa buhay. Hindi niya kayang mawala ito dahil ito na lang ang natitira niyang kamag-anak. Nagbigay kahulugan din ito sa buong pagtitiwala ng kanyang Papang sa kanyang anak. 3. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan Hindi katanggap-tanggap ang ugaling ito dahil kahit anong gawin mo o kahit anong mangyari kung saan ka pinanganak doon ang totoong tahanan mo. Kahit nasan Kaman dapat marunong kang tumanaw ng utang na loob sa mga tumulong o kinalakihan mo. Isa pa, kung hindi mo kikilalanin ang mga tumulong sa iyo parang hindi mo na rin naranasan ang magandang buhay dahil hindi mo kilala kung sino ang dahilan kung bakit ka naging matagumpay. Madali ka rin babagsak kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan na doon ka nanggaling at doon rin nahubog ang iyong katauhan. Maging isang tao ka rin na may utang na loob dahil kilala ang mga Pilipino sa pagiging likas na matulungin sa kapwa. Nakita ang kasabihang ito sa parteng nagkita sila ng kanyang Nanay. Nakita ni Jess ang kasabihang ito sa pagkikita nila ng kanyang ina. Ipinakita ang kanyang ina na hindi marunong tumanaw sa sariling bansa. Minamaliit niya ang mga Pilipino. Sinabi niya na wala raw pagbabago ang mga Pilipino dahil sa ekonomiya nitong hindi umuunlad. Naging isang mapanghusga ang nanay ni Jess simula ng makita niya ito dahil hindi niya tinitignan ng maganda o hindi niya pinapahalagahan ang sarili niyang bansa. Hindi porket naging matagumpay na siya hindi na niya pahahalagahan ang bansa niya. 4. Pagkapawi ng ulap lumilitaw ang liwanag Maging isang masikap kang tao dahil ito rin ang magdadala sa iyo patungo sa magandang buhay. Mayroong sarap ng buhay pag natapos ang lahat ng iyong paghihirap. Wag kang magpapadala sa mga tukso sa iyong mga nasa paligid dahil habang tinatahak mo ang iyong daan dapat marunong kang magtiis. Magkaron ka ng pasensya dahil hindi kaagad matatapos ang paghihirap mo. Pagkatapos ng dilim saka lang sisikat ang liwanag tulad ng isang taong natatapos lang ang paghihirap sa tuwing magsisikap ka na gumanda ang buhay. Magkaron ka din ng konsiderasyon sa mga taong tutulong sayo upang malagpasan ang mga pagsubok na ito. Ipinakita ito sa bandang huli ng pelikula. Naganap ito noong nagpapapako sa krus si Jess. Dito niya naramdaman ang kahirapan dahil tiniis niya ang sakit na kanyang dinaranas. Naging matagumpay naman ang ginawa niyang sakripisyo dahil nang matapos iyon nagkaron siya ng tulong galing kay Nigel na magkakaroon siya ng sariling “Visa”. Lumutang ang liwanag sa kanyang paghihirap noong naging natapos na ang pagpapako sa krus dahil nang pumunta siya sa isang opisina nakakuha na siya ng sarili niyang “Visa”. Dito na rin natamo ni Jess ang ginhawa sa kanyang paghihirap at nagkaroon na siya ng pag asa na makapunta sa Amerika. 5. Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa Masasabi ko na ang kasabihang ito ang nagtutulak sa mga tao na umasa na lamang sa Diyos. Dapat matuto tayong magsikap dahil hindi ibibigay ng Diyos ang lahat sa iyo. Matuto rin tayong tumawag sa Diyos kahit papano dahil kung hindi ka hihingi ng tulong sa Diyos maaring hindi ka magtagumpay sa iyong gusto. Manalig din tayo sa kanya dahil ang dumidepende ang lahat sa kanya kung magiging isa kang matagumpay na tao sa hinaharap. Dapat maging pantay ang pagtitiwala natin dahil kapag nagtiwala tayo sa Diyos at kapag pinagkatiwalaan natin ang ating sarili dito natin mapapatunayan na pwede tayong maging isang matagumpay na tao. Makikita ang kasabihang ito sa buong pelikula. Nagkakaroon ng epekto ang kasabihang ito sa tuwing natututo tayong magsikap na magkaroon ng magandang buhay. Sa pelikula nakita ito sa pagsisikap ni Jess na makuha ang 10,000 piso kay Lex Halcon. Ginusto niyang magkaron ng 10,000 piso upang panggastos nila ng kanyang Papang nagpabugbog siya ngunit wala siyang natanggap na pera dahil nakatulog si Lex Halcon sa kanyang sasakyan. Naglalaman din ang kasabihang ito na matuto kang kumilatis ng iyong pwedeng gawin at matuto ka ring magdasal sa Diyos sa bawat bagay na iyong gagawin upang magkaron ng magandang pamumuhay. D. Mga Simbolo 1. Visa Nagpapakita ang “Visa” ng pagsisikap ni Jess. Dahil sa “Visa” dito malalaman ang totoong kakayahan ni Jess. Ipinapakita rin ng “Visa” ang kanyang pagsisikap dahil ito ang nagiging inspirasyon niya para magkaron ng magandang buhay. Ang “Visa” rin ang naging dahilan ng kanyang pagpapakahirap. Nagpakita rin ang “Visa” ng halaga ng kagustuhan ni Jess. Ito rin ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang magpatuloy sa buhay dahil gusto niyang makapunta sa Amerika upang matulungan niya ang kanyang pamilya at ang kanyang Papang. Dito rin nakabatay ang lahat pati ang buhay na Jess dahil kaya niyang isakripisyo ang lahat upang makaalis ng bansa. Ipinakita ang “Visa” nang makuha na ito ni Jess sa isang opisina. Naging isang malaking tulong ito para sa kanya. Nang makuha rin ito ni Jess ito na rin ang naging ginhawa niya sa lahat ng kanyang ginagawa. Ipinakita rin ang Visa sa unang parte ng palabas dahil ito ang naging paksa nila sa buong Pelikula. Nakatulong ito sa paglinang ng mga kakayahan ni Jess. Pagkatapos din ng paghihirap ni Jess saka lang niya nakuha ang “Visa” na gusto niya. Nagpapakita lamang ito na hindi lahat ng paghihirap doon na lang matatapos yun. Natatapos ang isang paghihirap kapag nakuha mo na ang iyong inaasam na makuha o kapag natamo mo na ang isang magandang pagtatapos. 2. Kotse Mahalagang simbolo rin ito para sa pelikula. Ang kanyang kotse ang nagiging katulong o katuwang niya sa paghahanapbuhay. Ito rin ang tumutulong sa kanya upang maging maayos ang kalagayan ng kanyang Papang. Ipinapakita rin ng kanyang kotse ang paghihirap ni Jess para magkaron ng isang maayos na kinabukasan. Naging kahulugan din ng kotse ang pagsusumikap ni Jess para makuha ang “Visa” na inaasam niya. Sa kotse rin niya nakakasalamuha ang ibang tao tulad na lang ng kanyang ina na matagal niyang hindi nakita dahil inabando na sila nito ng kanyang Papang. Ipinakita ang kotse sa simula pa lamang ng palabas. Naging isang malaking tulong ito sa kanya sa pangaraw-araw. Naipakita rin ang kotseng ito habang nagsisilbi siya kay Nigel. Ito ang tumulong sa kanya upang magkaron ng panggastos. Habang naghahanap buhay si Jess ito rin ang nagiging sanhi ng pagaaway nila ng kanyang kasintahan dahil noong naisakay niya ang magasawa na nagaaway narinig ng kasintahan niya ang boses ng babae at inakalang nambababae si Jess. Napakalaki ng naitulong ng kanyang kotse sa kanya para maitaguyod ang kanyang pamilya at ang kanyang Papang. 3. Iginuhit na larawan ni Jason sa unang parte ng pelikula Ipinapaliwanag ng simbolong ito ang paghihirap ng isang bata dahil wala siyang nakilalang tatay. Ikinahiya niya rin ang larawan dahil walang disenteng trabaho ang kanyang nanay. Nang maihi si Jason sa harap ng kanyang mga kaklase nagpapakita lamang ito na hindi niya gusto ang trabaho ng kanyang nanay. Pero sa kabila ng lahat ng ayaw niya sa kanyang nanay mahal na mahal niya ito dahil ito na lang ang kaisa-isa niyang kasama sa buhay. Nagpapakita rin ang larawan ng pagiging isang malungkuting bata ni Jason dahil sa wala siyang nakilalang ama. Nagbibigay kahulugan din ang simbolong na hindi kumpleto ang kanyang pamilya. Ipinakita ang simbolong ito sa unang parte ng pelikula. Naipakita rito ang kahiyaan ni Jason sa pagpapakita niya ng kanyang iginuhit na larawan. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi maipaliwanag ni Jason ang kanyang larawan dahil sa kanyang nanay na walang disenteng trabaho. Hindi tulad ng marami niyang kaklase na magaganda at disente ang trabaho. Ngunit sa kabila ng mga ito pinipiling maging masaya ni Jason dahil mahal na mahal niya ang kanyang nanay. Hindi rin niya maipagmalaki ang kanyang larawan dahil wala siyang nakilalang tatay simula noong ipanganak siya ng kanyang ina. 4. Iginuhit na larawan ni Jason noong huling parte ng pelikula Malaki ang naging implikasyon ng simbolong ito sa buhay ni Jason. Dito na naipakita ni Jason ang buong pamilya nila. Nagkaroon ng kahulugan ang simbolong ito noong maging masayahing bata na si Jason. Dito niya na naipaliwanag ng maayos ang kanyang pamilya dahil sa kumpleto na sila. Nakatulong din ang pagkilala ni Jason sa kanyang ama dahil may maipagmamalaki na siya hindi tulad ng dati na wala siyang tinuturing na tatay. Naging kaaya-aya na rin ang kanyang iginuhit dahil dito natanggap niya ang trabaho ng kanyang ina dahil may isa pang tumutulong sa kanila at ito ang drayber ng kotse na si Jess. Ipinakita ang simbolong ito sa bandang huli ng pelikula. Nagkaroon ng malaking tulong ito kay Jason dahil nakilala na niya ang kanyang totoong tatay. Sa tingin ko kaya ito ang ipinakita na huling pangyayari dahil mahihinuha dito na naayos na ang kanilang problema. Nakapagpaliwanag din ito ng magandang halimbawa na kahit sabihin natin na hindi ganoon karangya ang buhay mo may mga tao pa rin na pipiliin kumpletuhin ang buong pamilya upang sumaya sila. Nagpapatunay rin ito na may mga lalaki pa rin ang may paninindigan kahit hindi nila alam ang katotohanan. 5. Pulang damit Ito ang sumisimbolo sa pananalig sa Diyos ni Jess. Lagi siyang nakapulang damit dahil inaalala niya ang Diyos. Nakatulong ito sa pagiging isang mabait na deboto. Tulad na lamang noong nagpapako siya sa krus pula ang sinuot niyang damit dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng pagasa na matapos na ang paghihirap niya. Ipinahiwatig din ng pulang damit ang pagiging makatotohanan ni Jess sa Panginoon. Nagbibigay din ito ng tulong upang maging matagumpay siya sa mga bagay na gagawin niya. Umaayon din ito sa pagiging masikap niyang tao dahil parang ang dugo na rin niyo ang isinasakripisyo niya para mamuhay. Ipinakita ang simbolong ito sa bahaging pagpapapako sa krus. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang matapos ang pagsubok na iyon. Nagkaroon ng tulong itong simbolong ito dahil dito natin malalaman na sinasamba niya ating Diyos. Nakatutulong rin ito dahil ito ang nagpahiwatig ng pagdarasal niya sa Diyos na maging matagumpay ang kanyang paghihirap. Ipinakita ito sa bandang pagpapapako sa krus dahil ito ang angkop na kasuotan upang maisip ng bawat tao na ang Diyos talaga ang iyong pinapanigan. Naging isang magandang halimbawa ito upang maging mas matatag pa ang pananalig natin sa ating Diyos. E.Terminolohiya •Ahente. Isa itong taong nagaalok ng mga paninda. •Bayagra. Isang gamot na nagpapasabik sa mga lalaki na makatamo ng ligaya. •Coco Livas. Nangangahulugan na marumi na ang maselang bahagi ng babae. •Fixer. Tagaayos ng mga papeles upang makaalis ng bansa. •Ganado. Interisado sa paggawa ng bagay-bagay. •Ginogoyo. Pangaasar o pangaalipusta ng mga tao. •Hapit. Salitang nangangahulugang banat. •Kabiyak. Katuwang o kasintahan sa buhay. •Kaila. Pagtanggi sa isang bagay. •Kataga. Isang salita. •Kwaresema. Ito ang mahal na araw. •Limousine. Isang sasakyang pangmayaman. •Naghatol. Nangangahulugang paghusga. •Pananampalataya. Nangangahulugang Pagsamba sa isang Diyos. •Pobre. Salitang nangangahulugan na mahirap ang isang tao. •Sexmoan. Isang lugar sa Pampanga na palaisdaan. •Sitio. Nangangahulugang baranggay. •Tanod. Katulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa isang barangay. •Tumoma. Nangangahulugang paginom ng alak. •Virgin. Isang babaeng hindi pa nakakaranas ng ligaya. IX. Pagsusuring Pampanitikan A. Teorya Ayon sa palabas na aming napanood ang Eksistensiyalismo ang nararapat at maiuugnay kong teorya sa palabas. Sa tingin ko ito na ang pinakaangkop na teorya para sa pelikula. Tinatangka nitong ilarawan ang pagnananais ng taong gumawa ng mga desisyong rasyonal kahit na irasyonal na ang mundo. Sinasabi rin ng teoryang ito na ang sariling tao ang pumipili sa kanilang kapalaran. Pinipili nila ang pwede nilang maging buhay sa pamamagitan ng pagdedesisyon nila. Walang ibang dapat sisihin kung may maling nagawa ang tauhan sa pelikula. Hindi ito pwedeng pakialaman ng iba sapagkat sariling desisyon nila ito at sariling pagiisip nila ang ginamit niya rito. Ang sariling desisyon nila ang nagiging gabay kung ano ang magiging kapalaran nila sa buhay. Ayon kay Søren Kierkegaard at Friedrich Nietzsche ang bawat tao ang nagbibigay ng kahulugan sa buhay. Sabi rin niya na dapat mamuhay tayo ng makabagbag puso at ng taos-puso. Ipinaliwanag rin niya na may pagkakaiba sa bawat tao. May mga pagkakaiba sa bawat tao at bawat bagay, bawat tao sa bawat tao, o kaya naman bawat tao at sa kanilang kapaligiran. Mayroon daw dapat tayong pag-aalala sa bawat talino na mayroon tayo. Dapat makita mo ang iyong kagustuhan at desisyon sa iyong sariling layunin. Higit sa lahat dapat may pansariling desisyon ka sa iyong sariling kagustuhan. Angkop lamang ang paliwanag na ito sa palabas. Naipakita sa ang paliwanag ni Søren Kierkegaard sa bandang huli. Ito ang pagpapasya ni Jess kung saan pinili niyang magpapako sa krus upang makuha lamang niya ang kanyang gustong “Visa”. Pinili niya ang paraang iyon dahil gusto niyang makapag ibang bansa upang maging maganda ang buhay nila. Wala siyang pinagpiliang desisyon kundi ito ang napagpasyahan niya dahil mawawala na ang oportunidad para sa kanya. Naipakita ni Jess ang talino niya sa pagpili ng desisyon dahil kung pinalagpas niya iyon mawawala ang tiyansa niyang magkaroon ng sariling “Visa”. Naging maganda ang paliwanag ng sosyolohiyo dahil naging magandang eksplanasyon ito sapagkat umaayon din ito sa pangaraw-araw na buhay. Sinabi naman ni Jean-Paul Charles Aymard Sartre na may pagkakapareho ang lahat ng sumulat ng eksistensyalismo. Binanggit din niya na pagpapakatao rin ang eksistensyalismo. Nasabi rin niya na nakakasalamuha ng tao ang kanilang sarili. Ang tao rin ang gumagawa ng paraan upang makaakyat sa lipunan at ibinabahagi niya sa iba kung ano ang ugali niya. Ang negatibong kapangyarihan ng kamalayan ang pinakatampok dito. Ngunit ang kamalayan ng tao ang laging kamalayan ng "isang bagay", kaya tinutukoy nito na may kaugnayan ito sa iba-ibang bagay. Inilahad din niya na mayroong pwedeng pagpilian ang isang tao pwede siyang pumili kung magiging mabuti o masama siyang tao. Nagsasabi lamang na totoo ang paliwanag na ito sa pelikula dahil sa pagdedesisyon ni Jess para sa sarili niya. Iniisip niya ang maaaring mangyari kapag gumawa siya ng desisyon niya. Pinili ni Jess na magpakabuti sa ibang tao at dito nakita ang kanyang tunay na ugali. Naging isang magandang halimbawa si Jess sa palabas dahil hindi niya ipinakita ang mga negatibong ugali niya. Umaayon ang lipunan ni Jess sa kanya dahil tulad ni Mara magkapareho sila ng ugali na gusto. Nagpapakita sila ng pagsisikap upang maitaguyod nila ang kanilang mga minamahal. Silang dalawa ang gumawa ng paraan upang magkaron sila ng maganda at maginhawang buhay kung kaya’t maituturing na nating pag akyat sa lipunan ang ginawa nila. Batay kay Steven Crowell mahirap tukuyin ang eksistensyalismo. Ipinaglalaban din niya na madali itong intindihin bilang pangkalahatang paglapit na ginagamit sa pagtanggi ng ilang maayos na pilosopiya. Mahirap tukuyin ang eksistensyalismo sa iisang tao lamang dahil lahat tayo'y magkakaiba. Si Fyodor dosteyevsky naman ang unang importanteng manunulat na pampanitikan. Nahihirapan din daw ang mga tao na pumasok sa lipunan. Nagiging malungkot din daw ang mga tao sa paghubog ng kanilang ugali na ginagawa nila para sa kanilang sarili. Angkop ang paliwanag ng dalawang eksistensyalista. Hindi ganoon kadaling manghimasok sa lipunan. Nahihirapan ang ibang tao dahil gusto nilang pakialaman ang ibang batas sa bayan. Maraming naniniwala sa mga pilosopiya ngunit hindi tama ang lahat ng pilosopiya. May mga pagkakamali rin ito dahil hindi laging maisasabuhay ito sa pangaraw-araw. Nahihirapan ang mga tao sa pag aayos ng kanilang sarili upang maging karapat dapat sa lipunan. Nagiging malungkot din ang ibang tao dahil hindi nila nahuhubog ang totoong ugali nila. Batay sa mga nakuha kong eksistensyalista o mga sosyolohista, hindi ganoon kadaling intindihin ang eksistensyalismo. May pagkakaiba ang mga paliwanag nila dahil sa kani-kanilang sariling pananaw. Mahirap maging isang taong bukas ang isipan sa lipunan. Sinasabi nga nila na may pagkakaiba ang mga paliwanag ngunit may pagkakapareho pa rin ang mga ito. Dapat magkaroon ng sariling desisyon ng bawat indibidwal dahil dito nakasalalay ang mga mangyayari sa kanila. Tulad na lamang sa paliwanag ni Steven Crowell hindi pare-pareho ang lahat ng tao. Mayroong sariling anyo ang bawat tao, sariling pagiisip at sariling pananaw sa buhay. Batay sa palabas na aming napanood, nakita ang teoryang eksistensyalismo sa karamihang bahagi. Nagsakripisyo si Jess para sa kanyang Papang at para sa kanyang magina. Naging buo ang desisyon niya noong malaman niya ang totoong nararamdaman ng kanyang Papang para sa kanya. May ilang pagkakamali siya rito ngunit nahubog niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang tatay. Nakita ang teoryang ito sa maraming bahagi ng pelikula. Si Jess ang gumagawa ng desisyon para sa kanilang buhay. Hindi niya iniinda ang bawat hirap dahil gusto niyang magkaron ng magandang buhay. Eksistensyalismo ang pinili ko rito dahil sa mga ginagawang desisyon o pagpapasya ni Jess sa buhay. Ginagawa ni Jess ang lahat ng kanyang makakaya upang makaramdam lamang ng ginhawa. Nakakaapekto ang pagdedesisyon niya sa bawat taong gusto niyang itaguyod dahil gusto niyang mapabuti ang mga ito. Angkop ang teoryang ito dahil sa bawat ginagawang desisyon ni Jess siya rin ang naapektuhan dito. Ang bawat desisyon din ni Jess ang nagpapasya kung gaganda ang buhay niya sa hinaharap o magiging miserable ang kanyang buhay. B. Dulog Sosyolohikal “Social Structure” isa itong malawakang paggamit sa karunungang panlipunan. Isa itong terminong gamit sa agham panlipunan upang sumangguni sa kaayusan sa lipunan. Tumutukoy din ito sa kalagayan ng tao sa bayan o ang kanilang lagay sa pamumuhay. Sa "macro scale", maaari itong magbase sa sisteme ng sosyoekonomik. Sa "meso scale" maari itong bagbase sa istraktura ng mga sosyal na network gumagana ito sa pagitan ng mga indibidwal o organisasyon. Sa "micro scale" naman maari itong bumase sa paraan ng kaugalian, hugis ng pag-uugali ng isang aktor sa loob ng panlipunang sistema. Naipapaliwanag sa istrakturang ito ang kahulugan ng konsepto. Makikita natin na may pagkakaiba ngunit iisa lang ang gustong patunayan ng kanilang pagpapaliwanag. C. Kabisaan 1. Bisa sa Isip Maraming mga pangyayari sa pelikula na tulad din sa ating sariling buhay. Nagpapakahirap si Jess sa pelikula para sa kanilang kinabukasan. Karaniwan na sa totoong buhay ang mga ginawa ni Jess sa pelikula. Maraming mga paghihirap at sakripisyo ang ginawa ni Jess para sa kanyang Papang. Ito ang tinatawag na pagsisikap, nagsikap siya upang maging maganda ang kinabukasan at maging maayos ang kanilang pamumuhay. Maraming nabago sa sarili ko na sa hindi pa mulat sa mga nangyayari sa buhay. Tulad na lamang ng paghihirap, ito ang nagpamulat sa aking isip na bago mo makamit ang lahat ng gusto mo dapat dumaan ka muna sa paghihirap dahil kung walang paghihirap hinid mo ito masisimulan. Nabago rin ang aking pananaw sa buhay dahil dapat kang makipagtulungan at dapat kang magtiyaga. Maraming paghihirap si Jess sa pelikula ito ang naging sanhi ng pagkakaroon niya ng “Visa”. Nagpamulat rin ang mga ginawa ni Jess sa mga taong puro sarap at walang hanap-buhay. Dapat matuto silang magsikap sa buhay, dapat matuto silang magkaron ng sariling pananaw. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang maging maayos at maginhawa ang buhay. 2. Bisa sa Damdamin Nasabi ng pelikula na napakahalaga ng pagsisikap. Napakalaki ng naiaambag nito sa ating sarili. Ito ang nagbibigay sa atin ng ating sariling kagustuhan dahil ito ang ginagawa ng isang tao kapag may gusto siyang makuha. Kagustuhan din ang nagbabago sa mga tao. Ito ang nagbabago sa mga tao dahil may bagay siyang gustong makamit. Pagmamahal din ang nagpapalakas sa tao upang magsikap, gaya na lamang ni Jess nagsisikap siya upang makapunta sa ibang bansa dahil gusto niyang mapabuti ang lagay ng kanyang Papang at gusto niyang tulungan ang kanyang magina. Napunta si Jess sa tamang landas dahil sa sarili niyang pananaw. Nagawa rin niya ang gusto niyang gawin sa buhay maliban sa pagpunta sa Amerika dahil naisip niya na ang hindi dapat iwan ang ating mga mahal sa buhay ng walang nagbabantay. Nagawa rin niya ang mga bagay na dapat niyang gawin sa buhay. 3. Bisa sa Kaasalan Maraming mga magagandang kaasalan ang ipinakita sa pelikula. Tulad na lamang ng paggalang ni Jess sa kanyang mga pinagsisilbihan. Meron din namang mga hindi kaaya-ayang ugali sa palabas. Ito ang pagiging desperado, naging desperado siya dahil sa pera nagpabugbog siya sa mga tauhan ni Lex Halcon upang makuha lamang ang 10,000 piso. Si Jess ang isa sa pinakamabuting tao sa palabas dahil hindi niya iniisip kung ano ang pwedeng gawin ng iba sa kanya basta makuha lang niya ang gusto niya. Dapat matuto tayong makinig sa ating mga magulang dahil ito ang magbibigay sa atin ng kaalaman upang mamuhay ng matiwasay. Masasabi ko rin na napakarami kong natutunan sa pelikula dahil ito ang nagbibigay sa akin ng mga ideya kung paano magsikap upang magkaroon ng maginhawang kinabukasan. Matuto rin tayong kumilatis ng ating sariling pinanggalingan dahil dito tayo natuto bago tayo makarating sa paroroonan. X. Konklusyon Napakaganda ng palabas na ito. Naglalaman ang pelikulang ito ng mga magagandang aral. Sa pelikula naipakita ang mga mahahalagang gawain ng tao sa kanilang buhay. Napakaganda rin ng pelikulang ito dahil sa mga aral na pwede nating makuha. Nakapaloob sa pelikula ang napakagandang aral sa buhay dahil sa aral na ito magiging bukas ang ating mga isipan kung bakit tayo nabubuhay. Handang gawin ni Jess ang lahat makamit lamang niya ang kanyang inaasam na buhay. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maramdaman lang ang ginhawa. Nagpabugbog siya nagpaalipin at nagpapako sa krus. Patunay lamang ito na napakasipag at napakatiyaga ni Jess. Sa palabas ko rin naramdaman ang totoong pagmamahal ng tatay dahil sa huli saka lang siya nagsabi ng kanyang pagmamahal kay Jess sa pamamagitan radyo. Ito na ang pinakamoral na aral ng palabas na dapat nating isabuhay at gawin. Mahalaga ang naging ambag ng pelikulang ito sa sa ating buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng mga ideya kung paano mamuhay ng simple, masaya at mamuhay ng may pangarap. Ipinakita rito ang totoong lagay ng lipunan. Sinabi rin nila kung ano ang totoong realidad sa bayan. Napakalaki rin ng naging aral ng pelikula dahil dapat tayong naghihirap at nagsisikap upang makamit natin ang ating mga gusto. Naging makabuluhan din ito dahil sa mga pagpapasya na ginagawa ni Jess, hindi siya gumagawa ng mga pagpapasya na ikasisira ng kanyang buhay. Ang mga ginagawa niyang pasya ang nakapagpapaganda at nakapagpapaangat ng kanilang estado sa lipunan. Marami man tayong nararanasang paghihirap dapat hindi tayo sumuko dahil umpisa pa lamang ito sa mga tatahakin nating pagsubok. Naipakita ng pelikula kung ano ang totoong nangyayari sa ating lipunan. Nagsasabi ng totoo ang palabas na “La Visa Loca” dahil ito ang mga karaniwang nagaganap at nangyayari sa ating bansa. Napakamakabuluhan ng pelikulang ito dahil sa bawat ginagawa natin may mga aral tayong matututunan upang maging isang ganap na mamamayan. Mas naging maganda ang kwento dahil sa mga ginagawa ni Jess na karapat dapat suklian ng ginhawa. Naging mas makabuluhan pa ang pelikula dahil sa teorya nitong “Eksistensyalismo”. Ito ang umangkop na teorya dahil sa tingin ko lumalabas ang kulay ng pelikula sa pamamagitan ng pagdedesisyon ni Jess. Maraming magagaling na aktor ang nagsipagganap dito sa pelikula kung kaya’t naging mas maganda ang bawat pangyayari sa palabas. Nagawa nila itong makatotohanan kaya naging mas maliwanag pa sa mga manonood kung ano ang nais nilang iparating sa palabas. Sa kabuuan naging maayos ang pagpapalabas nila nito at maraming aral ang mga nakuha sa palabas na pwede nating isabuhay.