Free Essay

Talaga, Lalayas Na Ako

In:

Submitted By anch15
Words 1573
Pages 7
Talaga . . . Lalayas na ako
(Ni Alfonso Sujeco)

MGA TAUHAN: * Tagapagsalaysay - Ma. Anchille Evangelista * Lyn - Jennelyn Patombon * Aling Nena - Joy Desiar * Ate Sabina - Rose Ann Pontawe * Amy - Gladys Laigue * Josie - Shaira Bitonio

Tagapagsalaysay: Sumusungaw pa lamang si Lyn sa pinto ng kanilang silid-aralan ay sinalubong na siya ng masayang bati ng kaibigan niyang si Amy. Katabi nito ang isa pa nilang kaibigan na si Josie. Halos magkakasinggulang sila – labinsiyam na taon at magkaklase sa ikaapat na taon sa kursong Edukasyon. Natatangi siya sa dalawa dahil mataas at moreno ang kanyang kutis.

Amy: Lyn , kanina ka pa naming inaantay. (Hihilahin si Lyn paupo sa kanyang tabi)
Lyn: Bakit, naghuhulagpos na ba’t hindi mo na mapigil ang magandang balita?
Amy: (papaluin sa braso si Lyn) Grabe naman to, napahiya na tuloy ako. May outing tayo sa Corregidor sa Linggo, the whole class.. Anu, sama ka?
Josie: Pagkakataon na nating makita ang makasaysayang “The Rock”.
Tagapagsalaysay: Saglit na lumungkot si Lyn. Naalala niya ang kaniyang ina, si Aling Nena, at ang kahigpitan nito. Hanggang ngayon ay ginagawa pa siyang bata nito na hindi mapagkakatiwalaan sa sarili.
Lyn: Pipilitin kong sumama. Hindi ko pa nga nararating ‘yon, nababasa at nakikita ko lang yon sa mga litrato. Hay, sana talaga makasama ako.
---------- curtain ----------
Tagapagsalaysay: Kinagabihan, pagkatapos maghapunan at habang namamahinga sila sa salas, ay minabuti ni Lyn na ipagpaalam sa ina ang kanilang lakad sa kinalingguhan. Si Aling Nena, gaya nang kinaugalian, ay nakaupo sa paborito nitong silya at hawak ang peryodiko. Maglilimampu na ang edad nito, mataas, Moreno na siyang pinagmanahan marahil ni Lyn at may mabuting pwesto sa isang kompanya. (Pause) Ibinaba ni Lyn ang librong binabasa at tumingin sa ina.
Lyn: Nay, ipagpapaalam ko sana sa inyo ang aming outing sa Corregidor sa darating na Linggo…
Aling Nena: Lyn, hindi ba’t makailang ulit ko nang sinabi sa’yo -- ang pagsama sa kung ano-anong kasiyahan ay magiging kakulangan sa’yo. Kung ang aaksayahin mong oras doon ay ipag-aral mo ng leksyon, marami ka pang matututunan at matitipid mo ang pera mo.
Lyn: Pero kasama po lahat ng kaklase ko…(may garalgal ang tinig)
Aling Nena: (umiiling) Para makawala at maging malaya sa pakikipaglapit sa kung sinumang lalaking katipan mo na kasama rin, ano? Tandaan mo, Lyn, pag-aaral ang iyong asikasuhin at hindi ang pakikipag-boyfriend. Kung paglalakwatsa lang ang gusto mo, mabuti pang tumigil ka na sa pag-aaral.
Tagapagsalaysay: Tila sasabog ang dibdib sa sama ng loob, padabog na tumayo si Lyn at tumakbo sa kanyang silid. Itinulak niyang pasara ang pinto at naghihinagpis na umupo sa gilid ng pinto.Mula sa labas ay naririnig pa rin niya ang pagsasalita ng kanyang ina.
---------- curtain ----------
Tagapagsalaysay: Simula pagkabata ni Lyn, lagi nalang kontrabida sa buhay niya ang kanyang ina. Walang siyang lakad na hindi ito kumontra. Samantalang ang ate niya ay kabaligtaran nito. Lagi itong pinapayagan sa tuwing may lakad ito.
(susunod ang kanyang ate sa kwarto)
Sabina: (Tatabihan niya si Lyn at ipapatong ang kamay sa kanyang balikat) Hindi mo dapat pagtampuhan ang Inay sa kanyang paghihigpit sa’yo – ginagawa niya iyon para sa’yong kabutihan.
Lyn: Sobra naman na eh ---
Sabina: Noong ganyan din ako sa edad mo, tama man o mali ang Inay, hindi ako kumikibo. Pero mga kabataan ngayon, hindi na matanggap ang pangaral ng magulang lalo na pag taliwas ito sa inyong kagustuhan. Hindi naman kita masisisi, nagbabago ang panahon at hindi maiiwasan. Ang akin lang, Lyn… Huwag mong salubungi ang galit ng Inay nang hindi kayo magkagalit. Kaya, wag ka nang magalit kay Inay ha.. (magyayakapan sila)
---------- curtain ----------
Tagapagsalaysay: Nang magkita-kita sila ni Amy sa pinapasukan paglkatapos ng kanilang outing…
Amy: Hindi ka na naman pinayagan ng Nanay mo anu? Hindi bale, may iba pa naming pagkakataon. (magbibida ng mga nakita sa Corregidor)
Tagapagsalaysay: Kahit na ng makauwi si Lyn ay lukob pa rin siya ng kalungkutan. Matagal nang may namumuong balak sa kanyang isip – isang balak na bunga ng paghihimagsik sa paghihigpit ng ina. At ang balak na ito’y nagkamalay – lalayas siya! Ibinukod niya ang ilang piraso ng damit at ibinalot. Inihanda niya iyon para kung magkatiyempo ay sisibat siya. – lalayo sa inang walang katwiran sa paghihigpit, hindi nakauunawa sa kabataang damdamin na humahanap ng laya, pakikihalubilo sa mga kaedad at pagdalo sa extra-curricular na kasayahan.
Lyn: Kung sakali mang aalis ako, saan ako pupunta? Hmmm.. baka pwede akong tumuloy kina Amy o di kaya kay Josie. Pero hanggang kailan? Madali nila akong matutunton doon.. pagkatapos noon, san ako hahantong? Lalaboy sa kalsada? Nakakatakot naman.. Ipagpapaliban ko muna ang paglayas, hanggang kung kailan ako makakatagpo ng ipanlulunas sa aking problema. (lalabas siya ng kwarto at makikita ang kanyang ina na nakaupo sa kaniyang silya)
Aling Nena: o’ Lyn, may seminar bukas dyan sa ating Barangay Hall, gusto ko na ikaw ay dumalo rito. Ang seminar na ito ay para malunasan ang malnutrisyon sa ating barangay. Sa ganitong may mga layuning Gawain, maganda na ikaw ay dumalo hindi puro lakwatsa. Marami kang matututunan na magagamit pa sa ‘yong pag-aaral.
Tagapagsalaysay: Hindi siya kumibo at pumasok na lamang sa kanyang kwarto.
---------- curtain ----------
Tagapagsalaysay: Nang linggong iyon, nabigyan siya ng weekly allowance, nakasilip si Lyn ng solusyon sa kanyang problema. Titipirin niya ang kanyang baon. Magbabaon siya ng sandwich para hindi na bumilisa kanilang unibersidad. At kung makaipon na siya ng malaking halaga, wala na siyang pangamba na umalis. Saiguro naman, bago maubos ang kanyang ipon ay nakahanap na siya ng trabaho. Kaya nang sumunod na mga araw, binawasan niya ang pakikipagkita niya knia Amy. Gumagasta kasi siya at kadalsan ay ubos ang kanyang pera pag kasama niya sila. Dahil dito, nauuwi siya ng maaga. Ang ganitong pagbabago ni Lyn ay napansin ni Aling Nena, kaya hindi ito nagulat ng makitang matataas ang mga marka ni Lyn.
Aling Nena: Ngayon ko lang nakita na talagang dinidibdib ng kapatid mo ang kanyang pag-aaral. Ganyan ang gusto kong mangyari noon pa man, pag-aaral muna bago ang barkada.
Sabina: Gnayna naman pko talaga kayo Nay eh, ibig niyo na ang lahat ay pumaris sa inyo na lagging subsob ang ulo sa pagtatrabaho. Paminsan-minsan luwagan niyo naman po si Lyn. Hindi makabubuting bawalan niyo po siya makipagbonding minsan sa kanyang mga kaibigan – magiging sabik yan at magdadalagang walang muwang sa lakad ng buhay.
Aling Nena: hay naku, Anak! Tama ng nga ang pagsesermon mo sa akin. Pinalilitaw mo na naman na malupit akong ina. (aalis na galit)
---------- curtain ----------
Tagapagsalaysay: Habang tumatagal, lalong tumitibay ang loob ni Lyn sa nasimulan niyang pagtitipid. Lumalaki na ang kanyang naiipon. Linggo – linggo, sa kanyang pag-iisa sa silid aralan ay binibilang niya ang kabuuan ng kanyang naipon.
Lyn: Hindi magtatagal, matutupad na rin ang aking pangarap na paglaya.
---------- curtain ----------
Tagapagsalaysay: Hindi nakakainip kay Lyn ang pagdaraan ng mga araw at buwan. Mayroon kasi syang pinagkakaabalahan. Isang semester na lang at matatpos na ang taong iyon ng kanyang pag-aaral na parang karaniwang araw din na nagdaraan sa kanyang buhay – pasok sa eskwela, aral at leksiyon, at pagtatabi ng iniipong pera. Ang hindi niya nalilimot na naganap sa taong iyon ay ang pagkapasa niya na may karangalan. Pakinabang ng kanyang pagbubuhos ng panahon sa pag-aaral sa halip na mahati iyon, gaya nang dati. Tinanggap niyang matabang sa kalooban ang pagbati ng kanyang ina..
Aling Nena: Iskolar ka sa susunod na pasukan, iha. Lubos akong natutuwa. Ipagpatuloy mo ‘yan hanggang sa ‘yong pagtatapos sa susunod na taon.
---------- curtain ----------
Tagapagsalaysay: Ngunit ang ikinalulungkot niya – lakip ang panghihinayang – ay ang pagkatigil ni Amy sa pag-aaral nang sumamang magtanan sa kanyang kasintahan dahil ito sy nagdadalang-tao na.. Hindi rin nakapagpatuloy si Josie dahil sa maraming bagsak na asignatura. Sabay-sabay sana silang makakapagtapos kung hindi ito nangyari.
Sabina: Kawawa naman si Amy kung hindi sila pakakasal, malalantad n a ang kanilang sikreto. Sayang din ang kanilang pag-aaral, kung nakatapos sila, madali ang mapasok sa trabaho.
Lyn: Oo nga ate eh..
Tagapagsalaysay: Napagtanto ni Lyn na mahihirapan siyang makapasok sa trabaho kung di siya nakatapos. Kahit na may sapat siyang pera, minabuti niya pang maghintay ng isang semester.
---------- curtain ----------
Tagapagsalaysay: Dumating Araw ng Pagtatapos, ang pag-abot sa diploma, nakagayak nang lahat ang dadalhin ni Lyn. Naibukod na niya ang mga dadalhing damit, nakalagay na rin sito ang malaki-laking halagang naipon niya. At sa oras na makasingit siya, bago magmadaling araw kinabukasan ay lalayas na siya.
---------- curtain ----------
Tagapagsalaysay: Nakasuot siya ng toga nang abutin niya ang diploma. Tinanggap niya ang papuri bilang Summa Cum Laude. Pagbaba niya ng entablado ay sinalubong siya ng ina at ng kanyang ate Sabina ng isang yakap na tumnagos sa kanyang puso.
Aling Nena: Lyn, sa iyong araw ng pagtatapos ay kasabay na natpos na rin ang aking tungkulin sa’yo. Binibigyan na kita ng kalayaan ngayon – inaalis ko na ang lahat nang paghihigpit sa bawat naisin mong gawin – sapgkat may sapat ka nang isip at nalalaman mo na ang iyong ginagawa. Kung naparis ka sa iba, ay baka hindi ka rin nakatapos. Tagapagsalaysay: Bigla, ang lahat ng pait, pagdaramdam at hinanakit sa dinadala niya nang ilang taon laban sa ina ay parang pinahid sa kanyang dibdib. Napanuto siya sa pag-aaral at nakatapos.
Lyn: (hahawakan ang kamay ng ina) Nay, ngayon ko lang nalaman ang tunay na kahulugan ng iyong mga paghihigpit – Patawarin po ninyo ako… pero umasa kayo, hindi rin ako magpapasya nang nag-iisa.. sasangguni pa rin po ako sa inyo – Parents know best… (magyayakapan).
----------E N D ----------

Similar Documents

Free Essay

Haha

...Jacob at Aling Maria na si Marcial. Simula ng bata pa lamang si Marcial o mas kilala sa tawag na Mharx, ay kinakitaan na siya ng kakaibang klilos o gawa. Galaw na hindi maintindihan at maunawaan. Dahil sa nag-iisang anak si Mharx, sunod siya sa luho ng kanyang ina. Lagi siyang masaya kapag kasama niya si Aling Maria. Ngunit dumating ang araw na pumanaw ang kanyang ina dahil sa lumala nitong sakit. Makalipas ang ilang buwan ganito ang nangyari. 1st Scene; (Binugbog si Mharx ng kanyang Tatay) Mharx; Tay, tama na po (umiiyak) Nasasakatan na ho ako! Mang Jacob; Talagang masasaktan ka sa akin!!! Kahihiyan ka!! Mharx; Tay, bakit hindi niyo nalang tanggapin? Bakla ho ako! Bakla ! Mang Jacob; Walang hiya ka talaga! (Sinuntok ang anak sa tiyan) Lumayas ka, wala akong anak na bakla! Lumayas ka ….. wag na wag kang babalik hanggat hindi ka nagpapakalalaki!! Mharx; ( Taban ang tiyan) Talagang lalayas ako! Di ko na matiis pananakit niyo. Mang Jacob; Sige, lumayas ka!! (Inihagis ang mga damit) NARRATOR; At naglayas na nga si Mharx, ngunit hindi niya alam kung saan siya pupunta. 2nd Scene;(Naglalakad mag-isa at umiiyak si Mharx hanggang sa siya ay hinimatay sa harap ng Mansyon.) 3rd Scene; ( Lumabas mula sa gate ang mag-asawa. ) Almira; Honey! Be careful sa pagda-drive ha. Bryan; Sure Honey! I love you ( Ambang hahalik subalit nakita ni Almira na may nakahiga sa kalsada. ) Almira; Oh my God! Honey, what’s that? ( Tinuro ang nasa kalsada) Bryan; Naku! Patay na yata? Almira; No...

Words: 1908 - Pages: 8

Free Essay

Communication

...ng Ang Reyna ng Espada at mga Pusa ay tungkol sa isang tao na nag ngangalan na Jose T. Clutario III o mas kilalang Clutario. Siya ay nakulong dahil sa salang pagpatay, at binigyan siya ng Presidente ng Pilipinas ng Executive clemency, o isang paraan para makalaya siya. Pero ayaw ni Clutario lumabas sa bilangguan dahil ayaw niya iiwan ang kanyang kaibigan. Ang kaibigan niya na si Peng, ay nagulat iniisip ni Clutario dahil para kay Peng, hindi niya ito dapat palalagpasan na pagkakataon. Si Peng naman ay gustong-gusto na makalaya sa kulungan at tinanong ang kanyang kaibigan niya kung pwede siya sumama. Ngunit sinagot siya ni Clutario na hindi, dahil ayaw niyang lumbas sa dahilan na wala siya raw pupuntahan kapag nakalaya na siya, at hindi niya gusto na iiwan lamang ang mga kaibigan niya sa kulungan. Sinabi ni Peng kay Clutario na nanaginip siya na naglalaro siya ng solitaryo at tinanong niya kung lalabasba talaga si Clutario. Ang sabi ni Peng, kapag ang kulay ng baraha ay nakakasunod-sundo, halimbawa pula na hearts at itim na spades (o para kay Peng tinagawag niya ito na “bulaklak”) ay oo ang sagot nga mga baraha. Naglaro si Peng kasama kay Clutario at binuksan niya ang mga baraha, hanggan nakapadpad sila sa Queen of Spades na hindi naman kamukha ng Queen of Spades, ito ay dahil noong na wala ang mga baraha ni Peng gumawa si Clutario ng bago, mula sa mga sa karton ng sigarilyo. At ginuhit ni Clutario ang Queen of Spades na parang pusa. At doon nag simula ang Reyna ng Espada at Pusa...

Words: 6678 - Pages: 27