Free Essay

Tannnn

In:

Submitted By Maylaaax
Words 711
Pages 3
Mga Katanungan Hinggil sa mga Naranasang Kalamidad

(Bagyo, Tagtuyot, at/o Baha) sa Inyong Komunidad (Barangay, Nayon, Lungsod, Probinsiya) Sanhi ng Pagbabagong Klima

Sa Mga Mahal na Ginoo/Ginang ng Pagsasaka:

Pakisagot po lamang ang mga sumusunod na katanungan ayon sa inyong mga karanasan tuwing may kalamidad na dumarating sa inyong lugar. Ang inyong kasagutan ay magsisilbing basehan ng mga polisiya at tulong teknikal na manggagaling sa gobierno o pribadong kalipunan tungo sa ikagagaan ng ating pakikibaka sa mga kalamidad sanhi ng pagbabagong klima.

Maraming salamat po.

Mga Mananaliksik

Pangalan:___ROLANDO MACATO_____________________________________

Taga-saan:__ZONE IV, PINILI, SAN JOSE CITY, NUEVA ECIJA____________

Hanap-buhay:__PAGSASAKA__________________________________________________

Kalamidad na sa tuwina ay nararanasan: Paki-tsek po ang inyong sagot.

__/__Bagyo

____Tagtuyot

___/_Baha

____Iba pa (pakisulat kung ano)

Kung Bagyo at/o Pagbaha ang Palaging Nararanasan

Paalala: Sagutin po lamang ang mga tanong na naaayon sa inyong mga karanasan.

1. Bago dumating ang bagyo at/o pagbaha

A. Anu-ano ang paghahanda para sa proteksyon sa sarili at mga kapamilya?

Sa anong paraan ninyo inihahanda ang sarili at ang pamilya sa tuwing may darating na bagyo at/o pagbaha?

B. Anu-ano ang paghahanda para sa proteksyon ng tirahang bahay? KAPAG MAY BAGYO PINAPATIBAY NAMIN ANG BUBONG NG BAHAY

C. Anu-ano ang paghahanda para sa proteksyon ng mga produktong halaman na di pa nagagapas o napuputol?

D. Anu-ano ang paghahanda para sa proteksyon ng mga nagapas na o naputol nang produktong halaman? ILAGAY SA STORAGE

E. Anu-ano ang paghahanda para sa proteksyon ng mga kahayupang pinagkakakitaan? GUMAWA NG BAHAY NILA NA MATAAS

F. Anu-ano ang pagahahanda para sa proteksyon ng mga palaisdaan at mga gamit pangingisda tulad ng bangka, baklad at iba pa? ITALI SA PANGPANG

G. Kung ikaw naman ay humahawak ng mga papeles ng Kagawaran ng Agrikultura, anu-ano ang paghahandang ginagawa ninyo para proteksyonan ang mga datos at kagamitan ng ahensya? ILALAGAY SA ISANG FILING CABINET NA DI MABABSA O MASISIRA

11. Habang bumabagyo at/o bumabaha

A. Mayroon po ba kayong nakagawiang sinusunod na pinakamaiging paraan para malayo sa panganib ang inyong sarili at mga kasambahay? KAPAGBUMABAGYO O BUMABAHA MANATILI SA BAHAY KUNG MABABA AY LUMIPAT SA EVACUATION CENTER

B. Paano mailayo sa panganib ang Inyong tirahan? KUNG MAY BAGYO SIGURADUHIN NA MATIBAY ANG BUBONG, LAGYAN NG TALI ANG LAHAT NG PWEDENG LUMIPAD

Anu-ano ang inyong ginagawa para mailigtas sa pinsala amg inyong tirahan?

C. Ang inyong nagapas, naani o naputol na produktong halaman? ILAGAY SA STORAGE

D. Ang inyong hayupan? ITALI SA KANILANG BAHAY

E. Ang inyong mga palaisdaan at mga gamit pangingisda? ISINOP SA LIGTAS NA LUGAR

F. Ang mga importanteng papeles at datos at opisina ng Kagawaran ng Agrikultura? ILAGAY SA FILING CABINET NA DI MABABSA O MASISIRA

Kung Tagtuyot ang Palagiang Namemerwisyong Kalamidad

A. Ilang araw o buwan ng walang pag-ulan bago ninyo masabing may tagtuyot na?

B. Kayo po ba ay may mga nakagawiang pinakamabisang sinusundang kaparaanan para maiwasan ang pagkamatay ng mga alagang hayop, pagtigang o pagkabitak-bitak ng lupa at pagkatuyo ng mga halaman? Anu-ano pa ang mga ito?

C. Kung kayo po ay nagmamay-ari ng mga palaisdaan, nakakaranas din ba kayo ng panunuyo at pagkamatay ng mga isda?

Meron po ba kayong nakagawiang pinakamabisang sinusundang paraan para maiwasan ang pagkamatay ng mga isda? Anu-ano ang mga ito?

D. Maiiwasan po ba kung gugustuhin, ang kalamidad na tagtuyot? Sa papaanong paraan kaya? Magbigay po ng suhestiyon.

III. Pagwala na ang bagyo at/o humupa na ang baha

A. Mayroon po ba kayong mga nakagawiang pinakamabuting paraang ginagawa o sinusunod para makabangon sa bagyong katatapos lang na nanalasa o pagbahang kahuhupa lang para sa kaligtasan ng inyong sarili at kapamilya?

B. Ng inyong tahanan? ANG LAHAT NG NASIRA AY MULING KUKUMPUNIHIN

C. Ng mga produktong halaman? MAGTANIM MULI

D. Ng mga kahayupan? ALAGAAN SILANG MABUTI

E. Ng mga palaisdaan at gamit pangingisda?

Ano ang nararapat na paghahanda sa kalamidad ng gobyerno para mapangalagaan ang sektorang pang-agrikultura ng bansa?MAGTANIM SA ORAS, UGALIING GUMAMIT NG BUTO NA MATIBAY SA KALAMIDAD.

Maaari pong magbahagi kayo ng inyong kwento kung saan naging mabisa ang inyong paghahanda para maiwasan ang pinsala ng kalamidad? Sa anong paraan po masasabi ninyong naging mabisa ang ginawang paghahanda?

Salamat po.

Similar Documents